PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "NO Sir! Hindi na po. Parang magaling na nga po eh!" nakangiti kong sagot sa kanya! "Good! It's almost lunch time na and sumama ka sa akin.:" seryoso niyang sagot sabay tayo. Mabilis ko ding inayos ang mga kalat na nasa ibabaw ng center table. Wala na nga akong ginagawa, tapos hindi ko pa malinis-linis ang mga pinagkainan ko, baka iisipin niya na burara ako. Hindi uyyy! Kung sa palinisan ang pag-uusapan, magaling ako doon. "Saan po tayo pupunta Sir?" nakangiting tanong ko. Baka alam niyang busog na ako at ito na iyung time para magtrabaho ako kaya pinapasama niya ako kung saan man kami pupunta. Iyun nga lang, sa tanong kong saan kami pupunta, hindi niya man lang sinagot. Bagkos, naglakad siya patungo sa pintuan ng opisina kaya mabils na din akong napasunod sa kanya. "Miss Laurente, tawagan mo si Rodney. SAbihin mong pinapareport ko siya." seryosong utos niya kay Ms. Mayette na kaaagad namang sumagot ng noted habang tahimik lang akong nakikinig
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "Busog pa ako. Pwede bang take na muna?" kahit na nakakahiya, pinili kong baliwalain masabi ko lang ang kung ano ang nasa isipan ko. Hindi naman kasi ako na-informed na kakain pala kami ng lunch eh di sana naghinay-hinay ako kanina sa pagkain ng snacks. Pagkatapos niyang makausap kanina ang mga bodyguards niya, direcho na kami dito sa restaurant na halos ilang minuto lang naman ang layo sa opisina. Hindi ko talaga akalain na isasama niya ako sa pagkain niya ng lunch. Halos pumutok na kasi ang tiyan ko sa kabusugan dahil sa mga snacks na kinain ko kanina tapos ang dami niya pang inorder na mga pagkain ngayun. Kanina nang makita ko ang menu, halos mahimatay ako sa gulat nang makita ko ang presyo. Libo ang presyo ng bawat isang pingan nang pagkain na may kakarampot lang na serving. Yes...ganoon kamahal at sobrang nanghihinayang ako. Gustuhin ko mang kumain, pero hindi na talaga kaya ng bituka ko. Sobrang sikip ng din ng suot kong skirt dahil bago k
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "UNCLE naman! Ano ba ang kasalanang nagawa ko sa iyo? Bakit niyo po iniutos sa mga tauhan niyo na i-pull out lahat ng mga sasakyan ko? Tsaka ang mga credit cards ko kinancel niyo din. Wala na akong magamit. Paano na ako? Saan na ako ngayun pupulitin?" katagang lumabas sa bibig ni David pagkapasok niya din dito sa loob ng opisina ng Uncle Lucian niya. Halata sa boses nito ang matinding frustration kaya naman hindi ko mapigilan ang mapaismid. Sino ang lolokohin niya? Mabuti nga sa kanya! KUng ano man ang nangyari sa kanya ngayun karma niya na iyun. Ang lakas ng loob na magyabang eh nakaasa lang din naman sa Uncle niya. "May isang sasakyan ka pa na pwedeng gamitin diba? Hindi mo din kailangan ang mga credit cards na iyan dahil kumpleto at pinu-provide ko naman lahat mga basic needs niyo! Ano pa ang kulang David? Nasa tamang edad ka na at hindi habang buhay nakasandal ka sa akin!'" seryoso at malakas ang boses na sagot naman ni Sir Lucian. "Naiinitin
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV Halos alas tres na ng hapon nang dumating ang table na sinasabi sa akin ni Sir Lucian. Kahit na taliwas sa kagutuhan ko, wala akong nagawa nang ipwesto niya iyun mismo sa loob ng opisina niya. Nilagyan kaagad nila ng computers at ilan pang mga office supplies na kakailanganin ko daw sa aking trabaho. Eksakto alas sinko din silang natapos at saktong uwian na so wala talaga akong nagawang trabaho buong araw. "Sir, out ko na po!" lakas loob kong wika kay Sir Lucian.Narinig kong nagpaalam na din si Ms. Mayette sa kanya kanina so ginaya ko din. Napaalam na din ako sa kanya ngayun. "Okay...get your take out foods and see you tomorrow, Precious!" seryoso niyang wika sabay turo sa paper bag na may lamang pagkain galing sa kinainan naming restaurant kanina. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Pa-para sa akin po iyan, Sir?" nagtataka ko ding tanong. "Hindi ka kumain kanina, so for sure para sa iyo iyan.:" seryoso niyang sagot. Isang mata
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV 'Wow, talaga? Ang sweet naman ni Sir." nakangiti niyang sagot. Hindi ko naman mapigilan ang matawa at kaagad ko na din siyang niyaya na maglakad patungo sa sakayan ng jeep. Gusto ko na din kasing makauwi at makapagpahinga. Maaga pa ang pasok namin kinabukasan kaya naman wala na sa bokabularyo ko ang magpuyat. Isa pa, simula bukas, bakbakan na ang magiging trabaho ko kaya naman kailangan ko ng maraming energy. Iyun nga lang, habang nasa jeep kaming dalawa ni Risa, isang tawag naman ang natangap ko. Biglang tumunog ang aking cellphone at nang tingnan ko kung sino ang tumatawag kaagad na napakunot ang noo ko nang makita ko na walang iba kundi si Gustavo. Ang walang kwentang si Gustavo. Ang aking ama. Hindi ko na din sinagot. Bahala siya sa buhay niya. Tumawag siya hangat gusto niya dahil wala talaga akong balak na kausapin siya. Simula noong nalibing si Mommy, Kasama ko na ding inilibing ang lahat ng pwede kong maging ugnayan kay Gustavo. Hindi siya n
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "Thirty percent. Tama, thirty percent na share ibibigay ko sa iyo basta bumalik lang tayo sa dati anak. Miss na miss na kita. Ikaw din naman ang magmamana sa negosyo ko pagdating ng araw kaya bakit kailangan mo pang makipagmatigasan sa akin? I am your father at hindi na magbabago iyun kahit na ano pa ang mangyari.'" seryoso niyang bigkas. "Father? No Dad! Nagawa mo na kaming itakwil ni Mommy noon kaya wala nang dahilan pa para magpakaama ka sa akin ngayun. Hindi na kita kailangan. Na kaya naming mabuhay ni Mommy noon na wala ka at kakayanin ko pa rin mabuhay ngayun na wala ka!" galit kong sigaw. Hindi ko naman napaghandaan ang sunod niyang ginawa. Naramdaman ko na lang kasi ang pagtama ng palad niya sa pisng ko. Ramdam ko ang malakas na pwersa at sa sobrang sakit, hindi ko na namalayan pa ang maluha ako. Pakiramdam ko biglang namanhid ang pisngi ko. Feeling ko nga, mag-iiwan iyun ng pasa sa balat ko eh. "Ungrateful child! Ano pa ba ang pwede ko
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ Sino sila? Sino ang mga taong iyun?" katanungang gumugulo sa isipan ko habang hawak ko pa rin ang nasaktan kong pisngi. Kidnapping ba ang naganap? Hindi ko kilala ang mga taong iyun pero parang gusto kong magpasalamat sa kanila dahil dumating sila. Hindi ko mapigilan ang mapahawak sa nasaktan kong pisngi at kaagad ding napaaray ng maramdaman ko kung gaano kasakit iyun. Mabuti na lang talaga at malakas yata ang kapit ng mga ngipin ko at walang natangal na kahit na isa. Kaya lang, alam kong mag-iiwan pa rin ito ng pasa sa pisngi ko kaya naman dali-dali na akong pumasok sa loob ng bahay. Maghahanap ko ng yelo para ilagay ko sa aking pisngi. Hindi ako pwedeng magkapasa sa bahaging ito lalo na at may pasok pa ako bukas sa opisina. Kaya lang bago ko naisara ng tuluyan ang pintuan ng bahay, siyang dating naman ni Risa. Humahangos ito at halata sa histura nito ang pag-aalala. "Amber, totoo ba? Sumugod dito ang TAtay mo?" seryoso niyang tanong habang titig
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "SIR, ano po ang ginagawa niyo?" nagtataka kong tanong kay Sir Lucian habang magkatabi kami dito sa likurang bahagi ng sasakyan. Malaya niya akong naipasok dito sa loob ng kanyang sasakyan at basta na lang akong iniwanan ni Risa. Hidi ko siya maintindihan. Bakit bigla na lang siyang sumusulpot kanina? Bakit feeling ko alam niyang may hindi magandang kanais-nais na nangyayari sa buhay ko? Ganito na lang kasi palagi. Tuwing nasa alanganin akong sitwasyon bigla na lang siyang sumusulpot. "Ano ang nangyari? Bakit may pasa ka sa pisngi mo?" seryoso niyang tanong habang titig na titig sa akin. Binuksan niya pa nga ang ilaw dito sa loob ng sasakyan at pinakatitigan niya ako. Wala sa sariling napahawak ako sa nasaktang kong pisngi at kaagad na nag-iwas ng tingin sa kanya. "Malayo po ito sa bituka Sir. Maliit na bagay." kinakabahan kong sagot habag itinutok ko ang paningin ko sa labas ng bintana. Hindi siya sumagot pero naramdaman ko na lang ang paghaw
LUCIAN MONTEFALCO FERRERO POV HINDI ko mapigilan ang maikuyom ang aking kamao sa katagang narinig ko mula kay Precious. Ang mga salitang binitiwan niya ay parang isang matalim na punyal na bumabaon sa puso ko. Katabi ko lang siya ngayun pero para bang nakapahirap niya pa ring abutin. Hangang ngayun, nakikita ko pa rin sa mga mata niya ang pait. SAbagay, masyado pang maaga ang lahat. Hindi pa dapat ako magpakita sa kanya pero hindi ko na talaga kaya. Miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na ang Precious ko "Yeah...ang pagkikita nating ito ay aksidente lang and since magkakilala naman tayo before, hayaan mo akong i-treat ka." seryosong sagot ko. Ibinaling ko na ang tingin ko sa unahang bahagi ng sasakyan dahil nakikita ko na sa mga mata niya ang pagkailang sa tuwing napapatingin siya sa akin. "Busog pa ako. Sorry, Mr. Ferrro pero pwede bang pakibaba na lang ako sa gilid ng kalsada?" seryosong bigkas niya. "Precious, kaninang umaga pa ako walang matinong kain. Malungk
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV Walang duda! Napansin nga siguro ni Lucian ang presensya ko kanina sa stadium kaya nandito siya ngayun sa harapan ko God, sana hindi ito ang umpisa ng pangungulit niya sa akin. Minsan na siyang nangako sa akin na hindi niya na ako guguluhin pero ano ang ginagawa niya ngayun sa harapan ko? Bakit bigla na naman siyang sumulpot sa buhay ko? "Come on, Precious sumakay ka na! Don't worry, gusto lang kitang makausap." seryosong muling bikgas ni Lucian Mariin kong naipikit ang aking mga mata! Ayan na naman! Narinig ko na naman mula sa bibig niya ang pagtawag niya sa aking pangalan na Precious. Sa lahat ng mga taong nakakilala sa akin, tanging siya lang ang tumatawag ng Precious sa akin. Kadalasan kasi Amber talaga! "Lucian...hindi ako sasakay. Sorry, pero ayaw ko nang makipag-usap sa iyo." mahina kong sambit! Pilit kong nilalabanan ang takot sa puso ko. Naramdaman kong nag-umpisa nang pagpawisan ang aking kamay dahil sa namuong matinding tensiyon sa pu
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ PAGKALABAS ko ng stadium, direcho akong pumasok ng banyo. Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan. Parang nagpa- palpitate din ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Bakit ba naakaliit ng mundo? Hindi ba pwedeng time out muna? Ayaw ko na siyang makita eh. Hindi ko na kaya. Mariin kong naipikit ang aking mga mata. Parang eksena sa pelikula na biglang naglitawan sa balintataw ko ang mga paghihirap na naranasan ko mula sa mga kamay niya. Hangang ngayun, sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat. Minsan, napapanaginipan ko pa nga eh. Pinilit kong maging okay pero ngayung muli ko na naman siyang nakita, feeling ko muli na naman akong bumalik sa dati. Malalim akong napabuntong hininga. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi pa nga ako nakatiis at naghilamos na ako. Para magising ako sa katotohanan na hindi na talaga pwede. Na kailangan kong maging matatag sa lahat ng oras. Nasa ganoon akong kalagayan nang bumukas ang pintuan ng banyo. Magkasunod na
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV HINDI ko na talaga nakita pa sila Sapphire at Ruby hangang sa kasunod naming subject kaya naman no choice ako kundi ang sumabay na kina Melanie at Gerald patungo sa stadium kung saan sasaksihan namin ang maiksing program para sa pag-turn over ng at pagbukas ng bagong library na si Lucian daw ang nagdonate. Kanina pa ako kinakabahan. Nagdarasal na sana hindi ako mapansin ni Lucian. Pinanghahawakan ko ngayun na sa dami ng mga istudyante na manonood, hindi niya naman siguro ako mapapansin. Ang alok naman ni Gerald tungkol sa pagiging muse ko sa team nila ay sinabi kong pag-iisipan ko muna. Titingnan ko muna ang magiging reaction nila Sapphire at Ruby. Tatablahin ko na sana ang offer ni Gerald na maging muse kaya lang noong sinabi niya sa akin kapag pumayag daw ako, pwede daw maging free ang tuition ko sa susunod na School year, nagbago na ang isip ko. Parang gusto ko nang pumayag. Graduating na ako next year at kapag makalibre ako ng tuition, pwed
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV Nakita niya ba ako? Feeling ko, hindi naman siguro. Normal lang naman na ilibot niya ang tingin sa paligid at hindi porket tumitig siya sa gawi namin ni Melanie kanina, nakita niya na ako. Iyun ang naglalaro sa isipan ko habang mabilis ang hakbang na naglakad ako paalis. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Melanie habang tinatawag ang pangalan ko. "AMBER. sandali." Tuloy-tuloy lang ang mabilis kong paghakbang palayo. Ayaw ko nang bigyan ng chance na mamukhaan pa ako ni Lucian. Ayaw kong malaman niya din na nandito lang din ako sa iskwelahan na ito. Nang makarating kami ng canteen, tulala akong naupo sa pinakasulok na bahagi. HIndi ko mapigilan ang mapahawak sa aking dibdib nang maramdaman ko ang malakas na tibok nito. "Amber, grabe ang bilis mo namang maglakad." narinig kong sambit ni Melanie. Naupo siya sa katapat na upuan habang kapansin-pansin sa mukha niya ang matinding pagtataka habang nakatitig sa akin. "Nauuhaw na kasi ako. Teka
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV Kinalunisan, balik iskwelahan na naman. Sulit ang weekends ko kasi nakapagpahinga ako ng maayos. Wala naman kasi kaming ibang ginawang magkakaibigan kundi magkulong sa bahay at abala sa movie marathon. Kakagaling ko lang ng banyo nang hindi ko mahagilap sila Sapphire at Ruby. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta kaya no choice ako kundi ang magtanong sa Isa pa naming classmates na malapit lang din sa akin "Melanie, napansin mo ba sila Sapphire at Ruby?" Hindi ako close sa iba ko pang mga classmates maliban kina Ruby at Sapphire kaya kita ko ang gulat sa mukha ni Melanie nang bigla ko siyang lapitan. "Ang dalawa mong mga bodyguards na sila Sapphire at Ruby ba?" nakangiting tanong niya sa akin. Gulat naman akong napatitig sa kanya. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya or hindi lalo na at nakakahiya kung marinig nila Sapphire at Ruby ang salitang binitiwan nitong si Melanie. Imagine, napagkamalang mga bodyguards ko ang mga taong walang ibang
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ Masarap magluto si Ruby. Iyun ang napatunayan ko sa araw-araw kong natitikman ang niluluto niya. Hindi pahuhuli sa lasa sa mga mamahaling restaurant na kinakainan namin dati ni Lucian. Nagtataka nga ako kung bakit hindi na lang siya nag culinary eh. Tapos magtayo siya ng sarili niyang restaurant. "Ruby, saan ka nga pala natutong magluto?" kasalukuyan kong nilalantakan ang dessert nang hindi ko na talaga mapigilan pa ang sarili ko na tanungin siya. Curious na kasi talaga ako eh. "Ha? Ah...sa Mommy ko. Yeah...sa Mommy ko. Bata pa lang ako tinuruan niya na ako na magluto." nakangiti niyang sagot sabay iwas ng tingin sa akin. SA ilang buwan na magkakasam kami sa iisang bubong, kilalang kilala ko na din ang ugali nila. Alam na alam ko din kung kailan sila kumportable or hindi. Sa nakikita ko ngayun kay Robinhood, mukhang hindi siya kumportable sa tanong kong iyun. Pagkatapos namin kumain, nagpasya akong muling lumabas ng bahay habang hinihintay ko na mat
LUCIAN MONTEFALCO FERRERO POV "My Precious!" mahina kong bulong sa sarili ko habang nakatanaw kay Precious Amber na ngayun ay abalang abala sa kakapalit ng mga kurtina. Napansin ko din na napatitig siya dito sa gawi ko pero walang dapat na ipangamba. Masyadong tinted ang glass kung saan ako nakatayo at hindi niya ako makikita. Kanina pa ako nakatanaw dito sa may bintana at inaabangan talaga siya. Ngayung nasilayan ko na siya, ibayong tuwa ang nararamdaman ng puso ko. Feeling ko sulit ang halos isang oras kong pagtayo dito sa may bintana makita lang siya. Lalo siyang gumanda. Bumalik na din sa dati ang pangangatawan niya. Siguro nga masaya siya sa buhay niya na wala ako. Na hindi niya ako nakikita. 'I really missed you, Precious. Sana lang talaga maghilom na ng sugat sa puso mo at mapatawad mo na ako sa lahat ng mga pagkakamali ko." mahina kong sambit. Alam kong magsisisi man ako, hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na. Nasaktan ko na siya ng sobra and worst muntik pa si
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV KINAUMAGAHAN... MAAGA akong nagising pero mas may maaga pa pala. Si Ruby na nasa kusina at abala na sa pagluluto samantalang si Sapphire naman ay nag jogging daw sa labas. "Amber, dumaan kami kagabi sa coffee shop kung saan ka nagta-trabaho pero maaga ka daw umalis. May sakit ka daw? Kumusta na ang pakiramdam mo ngayun?" seryosong tanong sa akin ni Ruby. Naglakad ako patungo sa ref at nagsalin ng tubig sa braso at ininom iyun. "Oo eh. Biglang sumama ang pakiramdam ko. Pero huwag kang mag-alala, ayos na ako ngayun.:" nakangiti kong sagot "Kaya mo ba talaga? I mean, baka naman epekto na iyan sa kakapuyat mo. Itigil mo na kaya ang pagpapartime mong iyan? Kung ubos na ang pera mo, willing naman kaming dalawa ni Sapphire abunuhan ang mga pangangailangan mo eh. Pwede mo kaming bayaran once na maka-graduate at makahanap ka na ng trabaho na may mas malaking sweldo." nakngiti nitong wika sa akin "Naku, mahirap iyang sinasabi mo. Tsaka, huwag kang mag-a