PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "WALANG hiya! I hate you! I hate you! Hindi baleng wala akong kikilalaning ama habambuhay ayaw na ayaw na kitang makita kahit kailan!" galit kong sigaw habang hawak ko ang aking pisngi na nasaktan. Napansin ko naman ang guilt na kaagad na gumuhit sa mukha ni Gustavo sabay kuyom ng kanyang kamao. "A-amber iha! Hi-hindi ko sinasadya. I---ikaw kasi eh! Ma-masyado kang-----" "Umalis ka na! Umalis ka na dahil hindi ka na kailangan ni Mommy! Wala na siya at hindi niya na kailangan ang presensya mo!" galit kong bigkas habang walang humpay ang pagpatak ang luha mula sa aking mga mata. Talagang hindi na namin kailangan ang presesnya niya! Wala na....namatay na si Mommy sa matinding pagdurusa at ngayun lang siya kusang magpakita sa amin sa mahabang panahon na itinkawil niya kami. Saan siya kumukuha ng kapal ng mukha para gawin ito? "Iha! I'm sorry. Hindi ko alam at sana mapatawad mo ako! Alam kong hindi katangap-tangap ang nangyari but still, you are my da
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV ISANG linggo na ibinurol si Mommy bago namin ito inihatid sa huling hantungan. Masakit sa akin na tuluyan na nga ako nitong iniwan pero kailangan kong tangapin iyun. Ganoon talaga siguro ang buhay..may nauuna at may naiiwan. Nakauwi na ang lahat ng mga nakikiramay maliban kay Risa, pero heto pa rin ako. Nakatayo sa harap ng puntod ni Mommy at patuloy pa ring lumuluha. Hindi pa rin mawala-wala ang sakit sa puso na nararamdaman ko hangang ngayun. "Amber, tama na iyan. Hapon na at kailangan na nating umuwi." narinig kong sambit ni Risa. Kaagad kong pinunasan ang luha mula sa aking mga mata at pilit itong nginitian Mabuti pa itong si Risa...mula umpisa, hindi niya ako iniiwan na labis kong ipinagpasalamat. "Risa...wala na si Mommy! HIndi ko na alam kung ano ang gagawin ko!" umiiyak kong sambit. "Magpakatatag ka Amber. Hindi pa katapusan ng mundo. Tama na iyang pag-iyak. Hindi gusto ng Mommy mo na nakikita kang sobrang nasasaktan kaya tahan na." mal
THIRD PERSON POV 'NO! Keep it! Isipin mo nalang na isa iyang regalo na mula sa akin." seryosong sagot ni Lucian kay Precious Amber. Sa totoo lang, naiinis siya at the same time lalo siyang nakaramdam ng matinding paghanga sa dalaga. Imagine, hindi niya lubos na ma-imagine na hindi pa pala napa-incash nito ang cheke na bigay niya. Sa sitwasyon ngayun ni Precious alam niyang higit itong nangangailangan ng pera. Hindi niya talaga maintindihan kung ano ang pumasok sa isipan nito kung bakit gusto nitong ibalik sa kanya ang isang bagay na kung totoosin ay barya lang sa kanya. HIndi tuloy mapigilan ni Lucian na lalong humanga sa dalaga. Hindi niya din akalain na may ganito pa palang babae na natitira sa mundo. Babaeng walang habol sa pera maipaglaban lamang ang prinsipyo. "Pero hindi ko na ito kailangan! Sige na, tangapin mo na ito at pagkatapos nito, hayaan niyo, hindi na tayo ulit magkikita!" seryoso namang sagot ni Amber. Isang malakas na pagtawa ang muling namutawi mula sa bi
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV MALUNGKOT ang mamuhay na mag-isa pero kailangan kong sanayin ang sarili ko. Kailangan kong ipagpatuloy ang buhay at gumawa ng paraan para matupad ang pangarap ko na naging pangarap din Mommy para sa akin noong nabubuhay pa ito. Isang linggo akong walang ibang ginawa kundi ang magmukmok sa aming munting bahay at pagkatapos noon, kailangan ko na ulit gumising ng maaga para maghanap ng trabaho. Ngayung wala na si Mommy, kailangan ko nang maghanap ng mas disente na trabaho. Ayaw ko nang pumasok ng bar. Nakakadala na din kasi ang pulit-ulit na pambabastos na natatangap ko mula sa mga pasaway na mga costumers. "Amber, saan ka pupunta?" saktong pagkalabas ko ng bahay, dumating naman si Risa. May dala na naman siyang tupperware na alam kong pagkain na naman ang laman. Nahihiya na talaga ako sa kanya dahil wala na siyang ibang ginawa sa araw-araw kundi dalhan ako ng kung anu-anong mga pagkain. Siguro dahil alam niya na simula noong namatay si Mommy, hindi na
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ KANINA pa ako hindi mapalagay habang nakapila kami ni Risa kasama ang iba pang mga applicant. Kasuotan pa lang at postura, feeling ko talaga ligwak na kami eh. Dagdagan pa ng kung makatingin sa amin ni Risa ang iba pang mga applicant akala mo mga shareholders ng kumpanya na tingin pa lang gusto nang sabihin sa amin na hindi kami qualified. "Risa, huwag na lang kaya tayo tumuloy. Kinakabahan ako eh!" pabulong kong wika kay Risa na noon ay chill-chill lang na nakaupo at hinihintay na tawagin ang pangalan niya. Kinulekta na kanina ang aming mga resume at hinihintay na lang namin na tawagin ang pangalan namin para pumasok sa loob for interview. "Ano ka ba! Ngayun ka pa ba aatras na nandito na tayo? Relax ka lang diyan. For experience itong ginagawa natin at kung mahire man tayo or hindi ayos lang. At least sinubukan natin diba?" nakangiti nitong sagot sa akin. Wala na akong nagawa pa kundi ang dahan-dahan na tumango na lang. Sabagay, tama siya! For expe
Precious Amber Rodriguez POV Bago kami umuwi ni Risa, dumaan pa nga kami sa isang restaurant para kumain. Advance celebration namin sa pagkakahire sa amin ng LMF Corporation Inc. Noong una ayaw ko pa nga sanang pumayag na sa mamahaling restaurant kami kakain pero noong sinabi niya sa akin na may budget naman daw siya galing sa allowance niya, wala na akong magagawa pa kundi ang pagbigyan ito. Siya naman ang magbabayad eh! Babawi na lang siguro ako sa kanya kapag makasahod na kami Pagkatapos naming kumain, umuwi din naman kaagad kami ni Risa. Nagulat pa nga ako nang pagdating ko ng bahay, ibinalita sa akin ng kapitbahay ko na si Aling Magda na may taong naghahanap daw sa akin. Nagtataka ako kung sino iyun pero noong ilarawan ni Manang Magda ang hitsura ng taong iyun, doon ko napagtanto na ang ex boyfriend kong si David ang naghahanap sa akin kanina. Hindi ko tuloy mapigilan ang magtaka. Himala, naalala yata ako ng David na iyun sa kabila ng panluluko na ginawa nito sa akin. K
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "Mr. LUCIAN Montefalco Ferrero, anong...paanong--" sa sobrang gulat ko hindi ko tuloy malaman kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko akalain na sa dinami-dami ng pwede kong makaharap ngayung araw, siya pa talaga. Ang taong akala ko hindi na muling magku-krus ang aming landas. "Masyado ba kitang nagulat? Kumusta ka, Precious?" nakangiti nitong wika sabay hakbang palapit sa akin. Kinakabahan na napaatras naman ako para sana iwasan siya. Ewan ko ba...hindi ko talaga alam kung bakit siya? I mean, sa dinami-dami ng pwedeng maging Boss, si Lucian Montefalco Ferrero pa talaga? Lucian? Lucian Montefalco Ferrero? LMF Corporation Inc?" Shit, bakit ngayun ko lang naisip ito? Kaya ba kay bilis kong natangap dahil siya ang may ari ng kumpanya na ito? Pero bakit ako? I mean, maraming mas deserving diyan na pwede niyang ihire bilang personal secretary niya bakit ako pa na walang experience sa ganitong trabaho tapos undergraduate pa. Hyasst, bakit feeling ko ang
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV KANINA pa ako pasulyap-sulyap kay Mr. Lucian Montefalco Ferrero na abala sa santambak na mga mgapapeles na nasa harapan niya samantalang ako naman ay kanina pa nakatunganga na nakaupo pa rin dito sa malambot na sofa at walang ginagawa. HIndi ko na nga mabilang kung ilang beses na akong napahikab. Nakakaantok pala ang ganito at para bang gusto kong matulog na muna dahil wala naman akong ginagawa. Nahihiya naman akong isturbuhin ang bago kong Boss dahil halata talaga na sobrang busy niya. Nag-aalangan na din akong magtanong sa kanya ng mga bagay-bagay at baka magalit siya sa akin. Parang kay sarap tuloy mahiga dito sa sofa at matulog na muna. Fully aircondition ang buong paligid at sakto lang ang temperature kaya talagang hinihila ako ng matinding pagkaantok. Nasaan na ba ang table na sinasabi niya para mabigyan niya na ako ng trabaho? Haystt, kay hirap ng ganito. Sobrang nabobored na ako. Nasa ganoon akong kalagayan ng narinig kong may kumatok
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV PAGKATAPOS ng pag-uusap naming iyun ni Lucian, pumayag na din naman siya noong sabihin ko sa kanya na huwag niya na akong ihatid pa sa bahay. Kaagad akong pumara ng tricycle. Habang daan, panay pa ang lingon ko sa pag-aalalang baka sundan niya ako. Ayaw ko din kasing malaman niya kung saan ako nakatira eh. Hangat maari, ayaw ko na ng gulo. Tapos na ang kabanata sa buhay ko na kasama siya at ayaw ko nang bumalik pa sa dati. Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi na muling nagkrus ang landas naming dalawa ni Lucian. Mukhang napagawi lang talaga siguro siya dito sa School namin dahil sa pag sponsor niya para maitayo ang library. Simula din noong nagkausap kami ni Lucian, mas nagkaroon na din akong confidence sa sarili ko. Tuluyan na ding nawala ang takot sa puso ko sa isiping hindi niya na ako guguluhin. Alam na ni Lucian kung nasaan ako at ni minsan, hindi na siya nagpapakita sa akin. Siguro nga, tuluyan niya na din akong pinalaya. Kahit naman p
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV Kagaya ng inaasahan, puro mga paborito kong pagkain ang inorder ni Lucian. Ang alam ko hindi niya naman talaga paboritong pagkain ang mga seafoods eh. Palagay ko din, hindi din siya gutom dahil kanina pa naka-serve ang mga pagkain, wala siyang ibang ginawa kundi ang tumunganga at titigan ako. "Lucian, akala ko ba gutom ka?" seryosong tanong ko sa kanya. Inilapag ko ang hawak kong kutsara at tinidor at seryoso siyang tinitigan. "It's okay! Kumain ka lang! Makita ko lang na busog ko, parang nabubusog na din ako." nakangiti niyang sagot. Hindi ko naman mapigilan ang mapakunot noo dahil sa sinabi niya. Ngayun ko lang kasi siya narinig na magbigkas ng mga ganitong kataga. Tsaka, hindi bagay sa kanya ang magsalita ng ganoon. Malayo sa personality niya kaya feeling ko, nagkamali lang ako ng dinig. "Dinig ko masarap ang mga seafoods nila dito. Talagang fresh at magaling din magluto ang chef nila.:" muli niyang bigkas. Hindi ko pa nga mapigilan ang magul
LUCIAN MONTEFALCO FERRERO POV HINDI ko mapigilan ang maikuyom ang aking kamao sa katagang narinig ko mula kay Precious. Ang mga salitang binitiwan niya ay parang isang matalim na punyal na bumabaon sa puso ko. Katabi ko lang siya ngayun pero para bang nakapahirap niya pa ring abutin. Hangang ngayun, nakikita ko pa rin sa mga mata niya ang pait. SAbagay, masyado pang maaga ang lahat. Hindi pa dapat ako magpakita sa kanya pero hindi ko na talaga kaya. Miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na ang Precious ko "Yeah...ang pagkikita nating ito ay aksidente lang and since magkakilala naman tayo before, hayaan mo akong i-treat ka." seryosong sagot ko. Ibinaling ko na ang tingin ko sa unahang bahagi ng sasakyan dahil nakikita ko na sa mga mata niya ang pagkailang sa tuwing napapatingin siya sa akin. "Busog pa ako. Sorry, Mr. Ferrro pero pwede bang pakibaba na lang ako sa gilid ng kalsada?" seryosong bigkas niya. "Precious, kaninang umaga pa ako walang matinong kain. Malungk
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV Walang duda! Napansin nga siguro ni Lucian ang presensya ko kanina sa stadium kaya nandito siya ngayun sa harapan ko God, sana hindi ito ang umpisa ng pangungulit niya sa akin. Minsan na siyang nangako sa akin na hindi niya na ako guguluhin pero ano ang ginagawa niya ngayun sa harapan ko? Bakit bigla na naman siyang sumulpot sa buhay ko? "Come on, Precious sumakay ka na! Don't worry, gusto lang kitang makausap." seryosong muling bikgas ni Lucian Mariin kong naipikit ang aking mga mata! Ayan na naman! Narinig ko na naman mula sa bibig niya ang pagtawag niya sa aking pangalan na Precious. Sa lahat ng mga taong nakakilala sa akin, tanging siya lang ang tumatawag ng Precious sa akin. Kadalasan kasi Amber talaga! "Lucian...hindi ako sasakay. Sorry, pero ayaw ko nang makipag-usap sa iyo." mahina kong sambit! Pilit kong nilalabanan ang takot sa puso ko. Naramdaman kong nag-umpisa nang pagpawisan ang aking kamay dahil sa namuong matinding tensiyon sa pu
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ PAGKALABAS ko ng stadium, direcho akong pumasok ng banyo. Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan. Parang nagpa- palpitate din ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Bakit ba naakaliit ng mundo? Hindi ba pwedeng time out muna? Ayaw ko na siyang makita eh. Hindi ko na kaya. Mariin kong naipikit ang aking mga mata. Parang eksena sa pelikula na biglang naglitawan sa balintataw ko ang mga paghihirap na naranasan ko mula sa mga kamay niya. Hangang ngayun, sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat. Minsan, napapanaginipan ko pa nga eh. Pinilit kong maging okay pero ngayung muli ko na naman siyang nakita, feeling ko muli na naman akong bumalik sa dati. Malalim akong napabuntong hininga. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi pa nga ako nakatiis at naghilamos na ako. Para magising ako sa katotohanan na hindi na talaga pwede. Na kailangan kong maging matatag sa lahat ng oras. Nasa ganoon akong kalagayan nang bumukas ang pintuan ng banyo. Magkasunod na
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV HINDI ko na talaga nakita pa sila Sapphire at Ruby hangang sa kasunod naming subject kaya naman no choice ako kundi ang sumabay na kina Melanie at Gerald patungo sa stadium kung saan sasaksihan namin ang maiksing program para sa pag-turn over ng at pagbukas ng bagong library na si Lucian daw ang nagdonate. Kanina pa ako kinakabahan. Nagdarasal na sana hindi ako mapansin ni Lucian. Pinanghahawakan ko ngayun na sa dami ng mga istudyante na manonood, hindi niya naman siguro ako mapapansin. Ang alok naman ni Gerald tungkol sa pagiging muse ko sa team nila ay sinabi kong pag-iisipan ko muna. Titingnan ko muna ang magiging reaction nila Sapphire at Ruby. Tatablahin ko na sana ang offer ni Gerald na maging muse kaya lang noong sinabi niya sa akin kapag pumayag daw ako, pwede daw maging free ang tuition ko sa susunod na School year, nagbago na ang isip ko. Parang gusto ko nang pumayag. Graduating na ako next year at kapag makalibre ako ng tuition, pwed
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV Nakita niya ba ako? Feeling ko, hindi naman siguro. Normal lang naman na ilibot niya ang tingin sa paligid at hindi porket tumitig siya sa gawi namin ni Melanie kanina, nakita niya na ako. Iyun ang naglalaro sa isipan ko habang mabilis ang hakbang na naglakad ako paalis. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Melanie habang tinatawag ang pangalan ko. "AMBER. sandali." Tuloy-tuloy lang ang mabilis kong paghakbang palayo. Ayaw ko nang bigyan ng chance na mamukhaan pa ako ni Lucian. Ayaw kong malaman niya din na nandito lang din ako sa iskwelahan na ito. Nang makarating kami ng canteen, tulala akong naupo sa pinakasulok na bahagi. HIndi ko mapigilan ang mapahawak sa aking dibdib nang maramdaman ko ang malakas na tibok nito. "Amber, grabe ang bilis mo namang maglakad." narinig kong sambit ni Melanie. Naupo siya sa katapat na upuan habang kapansin-pansin sa mukha niya ang matinding pagtataka habang nakatitig sa akin. "Nauuhaw na kasi ako. Teka
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV Kinalunisan, balik iskwelahan na naman. Sulit ang weekends ko kasi nakapagpahinga ako ng maayos. Wala naman kasi kaming ibang ginawang magkakaibigan kundi magkulong sa bahay at abala sa movie marathon. Kakagaling ko lang ng banyo nang hindi ko mahagilap sila Sapphire at Ruby. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta kaya no choice ako kundi ang magtanong sa Isa pa naming classmates na malapit lang din sa akin "Melanie, napansin mo ba sila Sapphire at Ruby?" Hindi ako close sa iba ko pang mga classmates maliban kina Ruby at Sapphire kaya kita ko ang gulat sa mukha ni Melanie nang bigla ko siyang lapitan. "Ang dalawa mong mga bodyguards na sila Sapphire at Ruby ba?" nakangiting tanong niya sa akin. Gulat naman akong napatitig sa kanya. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya or hindi lalo na at nakakahiya kung marinig nila Sapphire at Ruby ang salitang binitiwan nitong si Melanie. Imagine, napagkamalang mga bodyguards ko ang mga taong walang ibang
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ Masarap magluto si Ruby. Iyun ang napatunayan ko sa araw-araw kong natitikman ang niluluto niya. Hindi pahuhuli sa lasa sa mga mamahaling restaurant na kinakainan namin dati ni Lucian. Nagtataka nga ako kung bakit hindi na lang siya nag culinary eh. Tapos magtayo siya ng sarili niyang restaurant. "Ruby, saan ka nga pala natutong magluto?" kasalukuyan kong nilalantakan ang dessert nang hindi ko na talaga mapigilan pa ang sarili ko na tanungin siya. Curious na kasi talaga ako eh. "Ha? Ah...sa Mommy ko. Yeah...sa Mommy ko. Bata pa lang ako tinuruan niya na ako na magluto." nakangiti niyang sagot sabay iwas ng tingin sa akin. SA ilang buwan na magkakasam kami sa iisang bubong, kilalang kilala ko na din ang ugali nila. Alam na alam ko din kung kailan sila kumportable or hindi. Sa nakikita ko ngayun kay Robinhood, mukhang hindi siya kumportable sa tanong kong iyun. Pagkatapos namin kumain, nagpasya akong muling lumabas ng bahay habang hinihintay ko na mat