PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV BUONG GABI na wala akong ibang ginawa kundi ang mag-isip ng paraan kung paano makatakas. Kaya lang, wala eh! Sa mismong labas ng silid ko, may dalawang lalaking nagbabantay. Hindi din ako makalabas dahil mismong pintuan ng kwarto kung saan ako naroroon ay naka-lock. Ganoon sila ka-sigurista! Ganoon ka walang kwenta si Gustavo Rodriguez dahil kahit sarili nitong anak ay kaya niyang ipagkanulo kahit na kanino. Gustuhin ko mang tawagan si Risa para ipaalam dito kung nasaan ako hindi ko din naman magagawa. Kinuha kasi nila ang cellphone ko. Mabuti na lang talaga at hindi nila pinakialaman ang bag ko kung nasaan nakalagay ang cheke na ibinayad sa akin kagabi ni Mr. Lucian. Habang pabaluktot na nakaupo sa kama, hindi ko mapigilan ang maluha. Hindi ko alam kung sadyang malas lang ba talaga ako simula noong ipinanganak ako or minalas lang din talaga ako ng sobra dahil si Gustavo ang naging ama ko. Ano man ang dahilan ay isa lang ang sigurado ako! HIndi ako
Precious Amber Rodriguez Pov "Mr. Andres Marcelo, do you take MIss Precious Amber Rodriguez to be your lawfully wedded wife,to have and to hold, in sickness and in heath, in good times and woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto her for as long as you both shall live?? " narinig kong sambit ng Pari. Nasa exciting part na kami ng aming kasal at hangang ngayun, hindi pa rin maampat-ampat ang pagpatak ang luha sa aking mga mata. Iniisip marahil ng nakakarami na luha ito ng kaligayahan kaya walang nangahas na tumulong sa sitwasyon ko ngayun or talagang wala silang mga puso at hinayaan lang nila akong maikasal sa mukhang butanding na nasa tabi ko. " Of course Father! With all my heart...I will accept her to be my beautiful and sexy wife !" proud na sagot ng butanding este ng groom ko na nasa tabi ko na kanina ko pa napapansin na kung makatingin sa akin ay parang gusto na akong lapain ng buhay! Pagkatapos sumagot ng groom, ako naman ang hinarap ni Father para tanu
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ "Uncle, ano ang ginagawa mo dito? Kilala mo si Amber?" narinig ko namang sabat ni David. Hindi ko naman maiwasan na magulat sa naging pagtawag niya kay Lucian? Uncle? Uncle ni David si Lucian Montefalco Ferrero? Kailan pa? Kaya ba pareho sila ng apelyedo? "David! My nephew? Ano ang ginagawa mo dito?Don't tell me na isa ka sa guest ng walang kwentang kasal na ito?" seryosong tanong naman ni Lucian kay David. Kaagad namang naglakad palapit sa amin si David habang kitang kita ko ang matinding pagtataka na nakaguhit sa mga mata nito. "Kilala mo si Amber? I mean...uncle, Amber was my girlfriend." walang paligoy ligoy na bigkas ni David. Hindi ko mapigilan ang maikuyom ang kamao ko. Anong sabi niya, girlfriend? Paano niya nasabing girlfriend niya ako gayung wala siyang ginawa para iligtas ako sa kasalan na ito. "Girlfriend? Kailan pa? Because as far as I know, Precious is mine!" seryoso at walang paligoy-ligoy ding na sagot ni Lucian dito. Ayaw din patalo e
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ Binuhat niya ako na bridal style habang blanko ang expression ng kanyang mukha. Narinig ko ulit ang mahinang pagsinghap ng mga bisita habang mabilis na naglakad palabas ng venue si Lucian habang buhat-buhat niya pa rin ako. "Mr. Ferrero, saan mo ako dadalhin?" hindi ko maiwasang tanong kay Lucian. Tuluyan na kaming nakalayo sa venue ng kasal pero wala pa rin yata siyang balak na ibaba ako. Nahihiya na ako sa mga taong nakakasalubong namin. '"Somewhere na malayo sa kanila para hindi ka na mahabol ni Mr. Marcelo!" seryoso niyang sagot sa akin. Tinahak niya ang exit ng hotel at pagkalabas namin, direcho siya sa nakahintong itim na sasakyan. BAgo pa kami nakalapit, binuksan naman kaagad iyun ng isa sa kung hindi ako maaring magkamali ay bodyguard niya at ipinasok ako sa loob. Hindi na ako nagsalita pa dahil wala naman din akong ibang gusto kundi ang makalayo sa lugar na ito. Makalayo kay Daddy at makabalik ng hospital para makumusta ang kalagayan ni Mommy.
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV PAGDATING ng hospital, nagpasalamat lang ako kay Lucian tsaka bumaba ng kotse at walang lingon-likod na naglakad papasok ng hospital. Ni hindi ko na nga napasin pa na nakasuot pa pala ako ng wedding gown. Mamaya na ako magpapalit ng damit dahil walang mas importante sa akin ngayun kundi ang makita si Mommy at ma-check ang kalagayan nito. Iyun nga lang, pagkadating ko sa ward kung saan naka-pwesto si Mommy ay ganoon na lang ang gulat ko nang wala na ito doon. Kaagad na bumaha ang matinding kaba sa puso ko at mabilis na lumabas ng ward at ganoon na lang ang laking pasalamat ko nang makasalubong ko si Risa. Napansin ko ang pagkagulat sa mukha nito nang makita niya ako. "Amber...ano ang nangyari sa iyo? Bakit ganiyan ang suot mo?" gulat niyang tanong sa akin. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya at nang mapansin ko na namamaga ang mga mata niya kaagad akong kinain ng matinding pag-aalala. " Mahabang istorya! Si Mommy? Nasaan si Mommy?" kinakabahan k
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ Sa buong proseso ng pagsasaayos ng bangkay ni Mommy hangang sa madala ito sa isang chapel kung saan ito ibuburol ng ilang araw, tulala lang akong nakatitig sa kawalan. Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko na wala na siya. Na iniwan na ako ng nag iisang tao na naging kakampi ko sa buhay. Isang tao na walang ibang ginawa kundi ang iparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. Mabuti na lang talaga at kahit papaano nandiyan si Lucian. Mula morgue hangang sa maiburol si Mommy, siya ang lahat na nag-aasikaso. Siya na din ang nagbayad ng bills sa hospital. Kung wala siya, hindi ko talaga ma-imagine kung ano ang mangyayari. Hindi ako makapag-isip ng tama dahil mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ng puso ko. "Amber, pahinga ka na muna! Ako na muna ang bahala dito." narinig kong sambit ni Risa sa akin. WAla sa sariling napatingin ako sa labas ng chapel. Mabuti na lang talaga at hindi niya ako iniiwan. Madilim na naman sa labas at ito na iyung pangalaw
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ. PAGKATAPOS kong maligo at makapag-ayos, lumabas na din naman kaagad ako ng silid. Kaagad na sumulubong sa paningin ko ang elgante at magandang ayos na bahay. Hindi ko pa nga maiwasan na makaramdam ng pagkamangha dahil sa tanang buhay ko, ngayun lang ako nakakita ng ganito kagandang interior design na bahay. Napakaaliwalas ng buong paligid. Kumikinang ang lahat ng mga mwebles at ang sahig, halatang alaga sa linis. Napakabango din ng buong paligid. Hindi ko din alam kung saan ako patutungo dahil sa sobrang lawak at maraming mga pintuan akong nakikita naguguluhan ako kung aling direksiyon ang tatahakin ko. Maabuti na lang talaga at may nakasalubong ako na isang babaeng kung hindi ako maaaring magkamali ay trabahador sa nasabing pamamahay na ito. "Good afternoon Mam. Inaasahan na po kayo ni Mr. Ferrero sa dining area." nakangiti nitong bati sa akin. Isang tipid na ngiti ang naging sagot ko at kaagad na din akong napasunod sa kanya nang igiya niya ako patu
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV PAGKADATING ko sa chapel kung saan nakaburol si Mommy, nagulat na lang ako nang salubungain ako ni Risa na halata sa mukha nito ang matinding pag-aalala. Pagkababa ko pa lang ng sasakyan, mabilis itong naglakad palapit sa akin..... "Amber, mabuti naman at dumating ka na. Nasa loob ang Daddy Gustavo mo!'" seryoso niyang wika sa akin. Kaagad namang nagsalubong ang kilay ko at hindi ko na sinagot pa si Risa at dali-dali na akong naglakad papasok ng chapel kung saan naabutan ko nga si Daddy kasama ang kabit nito na si Rosalinda na nakaupo. "Ano ang ginagawa niyo dito? Sino ang may sabi na welcome kayo dito?" galit kong wika at mabilis na nilapitan si Daddy at Rosalinda. "Amber..ano bang klaseng tanong iyan. Natural, burol ng Mommy mo kaya normal lang naman siguro na pati ako ay magluksa din diba?" sagot naman kaagad ni Daddy. Napansin kong pinagtitinginan na kami ng ilan sa mga nakikiramay kaya naman pagak akong natawa. "Wow....talaga lang? Nakikira
LUCIAN POV WALA akong ibang gusto kundi ang mapabuti si Precious kaya naman mula sa Cavite, nagpasya akng ilipat siya ng hospital dito sa Metro Manila. Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat -lahat para sa agaran niyang pagaling. Gusto ko nang bumalik siya sa dati. Mluli siyang sinuri ng mga kilalang Doctor. Wala namang nabago sa mga findings ng mga Doctor sa dati niyang hospital. Ganoon pa rin naman. Kailangan niyang magpalakas ng katawan para sa agarang operasyon. Iyun ay ang kidney transplant para mas mapabuti pa ang kalagayan nito Sising sisi ako sa mga nangyari. Sobrang nagkulang ako sa pag-aalaga ko kay Amber. Ni hindi ko man lang napansin na may problema ito sa kalusugan. Tapos pinarusahan ko pa siya ng sobra-sobra na lalong nagpalala sa sitwasyon Halos apat na oras na din siyang pagkatapos nailipat dito sa Metro Manila pero never pa rin siyang nagigising. Inaabangan ko siyang muling magising. Gusto ko siyang makausap. Gusto ko ding makita ang tunay na kalagayan niya kapa
LUCIAN MONTEFALCO FERRERO POV DINALA ako ni David sa isa sa mga private room ng hospital kung saan naabutan ko ang nakahigang si Amber sa isang hospital bed. Hindi ko na mapigilan pa na maluha nang tuluyan ko nang masilayan ang kanyang kalagayan. Maputla at halatang ang laki ng ipinayat nito. Halatang may matindi din itong pinagdadaanan. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Sa bawat hakbang ko ramdam ko ang pagkadurog ng aking puso. Napakasakit makita siya sa ganitong kalagayan. Feeling ko ako ang mas nahihirapan. "Precious...MY Precious?" mahinang sambit ko. Wala itong kahit na anong reacition. Nakapikit lang ito habang may ilang butil ng luha akong nakikita na dumadaloy mula sa kanyang mga mata. May narinig din akong mumunting ungol mula sa bibig niya kaya wala sa sariling napatingin ako kay David. "Ano ang nangyari? Tawagin mo ang Doctor. Bilisan mo!" utos ko dito. "Normal na lang sa kanya ang ganiyan, Uncle. Siguro, nananaginip na naman siya." seryosong sagot
LUCIAN MONTEFALCO FERRERO POV "ANO ang balita sa tatlo?" seryosong tanong ko kay Ike habang nakatayo ako dito sa Verandah ng Villa. Nakatiitig sa kawalan habang nakakaramdam na ako ng pagsakit ng aking ulo. Nararamdaman ko na sa sistema ko ang epekto ng alak sa halos maghapon na pag-inom. Pero heto pa rin ako...dilat na dilat at hindi makatulog. Mahigit isang linggo na ang mabilis na lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, mukha ni Precious ang aking nakikita. Umiiyak ito at nagmamakaawa sa akin. "Nasunod po ang nais niyo Boss. In demand sila sa Casa." sagot naman kaagad ni Ike. Hindi ko mapigilan ang mapaismid,. "Bagay sa kanila iyun. Doon muna sila hangat wala pa akong maisip na panibagong parusa sa kanila." seryosong bigkas ko. "Kaya lang Boss, may problema. Hinahanap na ni Mr. Gustavo ang anak-anakan niya. Si Aurora. Nagpa-blotter na siya sa kapulisan at nagpalathala na sa diyaryo at nananagawan ng pagkawala ni Aur
DAVID POV Ramdam ko ang unti-unting pagkadurog ng puso ko habang pinagmamasdan ang walang malay na si Amber. Kailangan pa itong turukan ng pampakalma para lang tumigil sa pagwawala. Alam ko kung gaano kahirap ang pinagdaanan nito mula sa mga kamay ng aking tiyuhin kaya naiintindihan ko kung bakit ganito na lang ang naging reaction ni Amber nang makita niya ako. "Doc, hangang kailan siya maging ganito?" muling tanong ko sa Doctor na tumitingin kay Amber habang abala ito sa pagche-check ng vital signs ng dalaga. "Masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya kaya normal lang talaga na makaramadam siya ng matinding panghihina. Ang sobrang pag extract ng dugo niya ay nakakaapekto iyun sa kanyang blood vessel at number of iron sa kanyang katawan." sagot din naman kaagad ng Doctor. "At tatapatin na din kita Mr. David..sa pinapakita niyang pag-uugali, nakakaranas ng matinding depression ang pasyente kaya kailangan ng extra care sa kanya." Hindi naman ako makapaniwala sa narinig.
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "Amber....God! Thank you! Sa wakas, nagising ka din." narinig kong muling sambit ng isang boses. Muli akong nagmulat ng aking mga mata at kaagad na sumalubong sa paningin ko ang nag aalalang mukha ni David. Si David? Ano ang nangyari sa akin? Nananaginip ba ako kanina? "Nagdedeliryo ka na naman sa sobrang taas ng lagnat mo." muling sambit niya. Tulala naman akong napatitig sa kanya. Nakakaramdam ako ng matinding panghihina sa aking katawan. Wala din akong maramdaman na kahit na anong lakas. "Nandito ka sa hospital. Teka lang, narinig kong umuungol ka kaninan. Nightmare? Panaginip? Huwag mo nang pansinin. Ligtas ka na at sisiguraduhin ko na walang sino man ang pwedeng manakit sa iyo. Amber.." seryosong bigkas nya. "Si Lucian...Si Lucian...David...maawa ka sa akin. Ilayo mo ako sa kanya! Ilayo mo ako kay Lucina." unang kataga na lumabas sa bibig ko. Si Lucian ang dahilan kaya nandito ako sa hindi kaaya-ayang sitwasyon. Si Lucian din ang napanag
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV '"Precious, bumalik ka dito! Kahit saan ka pa magpunta hindi ka makakawala sa anino ko! Hindi mo ako matatakasan! Gawin mo ang gusto ko kung gusto mo pang mabuhay ng matagal!" narinig kong sigaw sa akin ng kung sino. Nanghihina man ang buo kong katawan pero wala na akong pakialam pa. Patuloy lang ako sa pagtakbo na parang wala ng bukas. "Habulin niyo ang babaeng iyan! Iharap niyo sa akin sa ayaw at gusto niya!" narinig ko pang sigaw ng kung sinong lalaki. Parang gusto ko ng panawalan ng ulirat. Pawis na pawis na ako at wala na akong pakialam pa kung nasaan na ako. Hindi ko kabisado ang lugar. Mapuno at wala na akong pakialam pa kung may makakasalubong man akong mababangis na hayop. Ang gusto ko lang makatakas sa malupit na lalaking iyun! Pagod na ako...pagod na pagod na! Natigil ako sa pagtakbo ng mapansin ko na bangin na ang nasa harap ko. Takot akong napalingon at gusto kong panawan ng ulirat ng mapansin ko na nakasunod pa rin sa akin ang lalak
LUCIAN POV Bago sumikat ang araw sa silangan, natupad ang utos ko sa tauhan kong si Ike na dalhin sa harap ko ang tatlong katao. Una si Lauren, sumunod si Aurora at pangatlo ay ang kasambahay na si Petra. Lahat sila ay kitang kita ang takot sa mga mukha. “Lucian, ano ito? Ano ang ibig sabihin nito?” nahintakutang tanong ni Lauren sa akin.Nakatali silang tatlo sa isat isa. “Tinatanong mo ako kung ano ang ginagawa niyo dito? Kailangan niyo pa bang itanong sa akin iyan imbes na ikumpisal niyo sa akin ang mga kasalanan niyo?” galit kong sigaw. “Hi-hindi ko alam kung ano ang sinasabi niyo. Hi-hindi ko maintindihan!’ ramdam ko ang panginginig sa boses ni Aurora na bigkas niya. “Hindi mo alam? Talaga bang hindi mo alam ang mga kalokohan na ginawa niyong dalawa ni Lauren? Ha?” galit kong sigaw sabay abot ko kay Ike ng hawak niyang latigo at walang sabi-sabing basta ko na lang iyun inihampas sa balat ni Lauren. “Lucian…No! Huwag! Huwag!” nahintakutang sigaw ni Lauren kasabay ng
LUCIAN MONTEFALCO FERRERO POV “Walang titigil. Hanapin niyo si Precoius!” halos dumagundong ang boses ko sa buong paligid dahil sa sobrang lakas ng pagkakasabi ko. Frustrated at pagkatapos kong makausap si Mommy, muli akong bumalik dito sa dating bahay. Tuluyan nang naapula ang apoy, naglaho na ang usok pero kasabay noon ay naglaho din ang katawan ni Precious. Sinuyod na din nila ang mga lugar kung saan ito posibleng napadpad kung sakaling nakatakas man ito sa nagngangalit na apoy pero negative. Walang Precious silang nakita at halos mabaliw na ako sa sobrang pag-aalala. “Boss, pasensya na po talaga pero hindi po talaga namin mahanap ang katawan ni Mam.” Kaagad na balita sa akin ng kanan kong kamay na si Ike. Ang takot na nararamdaman ng puso ko ay lalong nadagdagan. Hindi kaya napasama si Precious sa nasusunog na bahay? Na hindi siya nakaligtas at ang labi niya ay kasama na sa mga tumpok na mga abo na nakikita ko? SA kondisyon ng katawan niya bago namin siya iniwan, malabo t
LUCIAN MONTEFALCO FERRERO POV PAGDATING ko sa location ng lumang bahay kung saan ko ikinulong si Precious, naabutan kong tuuyan nang naapula ang apoy. Dali-dali kong nilapitan ang aking tauhan para tanungin at hanapin kung nasaan na si Precious. "Kumusta? Nasaan siya? Nasaan si Precious?" seryoso kong tanong. Isang malungkot na pag-iling lang ang naging sagot sa ng kanyang tauhan na nagbigay ng labis na takot sa puso ko. Hindi ako makapaniwala. Ang dating matayog na lumang bahay na nakatayo ay biglang naglaho sa isang iglap lang. "Inutil! Ano ba ang ginawa niyo? Bakit nagkasunog at bakit hindi niyo binantayan ang buong bahay?" galit kong sigaw at hindi na ako nakapagpigil pa. Sinipa ko siya na siyang dahilan kaya kaagad itong natumba sa lupa. Bakas ang takot sa mukha ng kasama nito at siya naman ang nilapitan ko. "Boss! Patawad! Umalis lang kami saglit para bumili ng pagkain ni Mam pero pagbalik namin nasusunog na ang bahay." kinakabahan nitong sagot. "Paanong nasunog a