LUCIAN MONTEFALCO FERRERO POV "ANO ang balita sa tatlo?" seryosong tanong ko kay Ike habang nakatayo ako dito sa Verandah ng Villa. Nakatiitig sa kawalan habang nakakaramdam na ako ng pagsakit ng aking ulo. Nararamdaman ko na sa sistema ko ang epekto ng alak sa halos maghapon na pag-inom. Pero heto pa rin ako...dilat na dilat at hindi makatulog. Mahigit isang linggo na ang mabilis na lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, mukha ni Precious ang aking nakikita. Umiiyak ito at nagmamakaawa sa akin. "Nasunod po ang nais niyo Boss. In demand sila sa Casa." sagot naman kaagad ni Ike. Hindi ko mapigilan ang mapaismid,. "Bagay sa kanila iyun. Doon muna sila hangat wala pa akong maisip na panibagong parusa sa kanila." seryosong bigkas ko. "Kaya lang Boss, may problema. Hinahanap na ni Mr. Gustavo ang anak-anakan niya. Si Aurora. Nagpa-blotter na siya sa kapulisan at nagpalathala na sa diyaryo at nananagawan ng pagkawala ni Aur
LUCIAN MONTEFALCO FERRERO POV DINALA ako ni David sa isa sa mga private room ng hospital kung saan naabutan ko ang nakahigang si Amber sa isang hospital bed. Hindi ko na mapigilan pa na maluha nang tuluyan ko nang masilayan ang kanyang kalagayan. Maputla at halatang ang laki ng ipinayat nito. Halatang may matindi din itong pinagdadaanan. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Sa bawat hakbang ko ramdam ko ang pagkadurog ng aking puso. Napakasakit makita siya sa ganitong kalagayan. Feeling ko ako ang mas nahihirapan. "Precious...MY Precious?" mahinang sambit ko. Wala itong kahit na anong reacition. Nakapikit lang ito habang may ilang butil ng luha akong nakikita na dumadaloy mula sa kanyang mga mata. May narinig din akong mumunting ungol mula sa bibig niya kaya wala sa sariling napatingin ako kay David. "Ano ang nangyari? Tawagin mo ang Doctor. Bilisan mo!" utos ko dito. "Normal na lang sa kanya ang ganiyan, Uncle. Siguro, nananaginip na naman siya." seryosong sagot
LUCIAN POV WALA akong ibang gusto kundi ang mapabuti si Precious kaya naman mula sa Cavite, nagpasya akng ilipat siya ng hospital dito sa Metro Manila. Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat -lahat para sa agaran niyang pagaling. Gusto ko nang bumalik siya sa dati. Mluli siyang sinuri ng mga kilalang Doctor. Wala namang nabago sa mga findings ng mga Doctor sa dati niyang hospital. Ganoon pa rin naman. Kailangan niyang magpalakas ng katawan para sa agarang operasyon. Iyun ay ang kidney transplant para mas mapabuti pa ang kalagayan nito Sising sisi ako sa mga nangyari. Sobrang nagkulang ako sa pag-aalaga ko kay Amber. Ni hindi ko man lang napansin na may problema ito sa kalusugan. Tapos pinarusahan ko pa siya ng sobra-sobra na lalong nagpalala sa sitwasyon Halos apat na oras na din siyang pagkatapos nailipat dito sa Metro Manila pero never pa rin siyang nagigising. Inaabangan ko siyang muling magising. Gusto ko siyang makausap. Gusto ko ding makita ang tunay na kalagayan niya kapa
LUCIAN FERRERO MONTEFALCO POV MAY napapansin akong kakaiba sa ugali ni Precious pero umaasa ako na mababago din iyun sa paglipas ng mga araw. OO, nakikipag-usap siya sa akin pero ramdam ko ang pagkailang at takot niya. Nahuhuli ko din na palagi siyang umiiyak. Kagaya na lang ngayun, iniwan ko lang sya saglit para kausapin ang doctor niya pero nadatnan ko siya dito sa loob ng kanyang silid na lumuluha. Nang mapansin niya ang presensya ko dali-dali nitong pinunasan ang luha sa mga mata at nagkunwaring nagtutulug-tulogan. Alam kong may mali at sa bawat araw na nagdaaan lalo akong nasasaktan sa nakikitang malamig na pakikitungo niya sa akin. Gayunpaman, aminado ako sa sarili ko na malaki ang pagkakamali ko sa kanya kaya dapat lang na intinidihin ko siya. Pinakatitigan ko siya. Bumabalik na ang dati niyang kulay. Tumataba na din siya at ang kidney donor na lang ang hinihintay para ma-schedule na ang kanyang operasyon. Wish ko lang na sana maging maayos ang kalusugan niya para
LUCIAN MONTEFALCO FERRERO "Iyan ba ang nais mo? I mean....hindi mo ba talaga ako mapatawad sa ginawa kong pagkakamali ko sa iyo at ito ang hiling mo sa akin ngayun?" tanong ko naman kaaagad sa kanya. Kaagad naman siyang nag-iwas ng tingin sa akin habang nababanaag ko sa mga mata niya ang ang matinding kalungkutan. "Napatawad na kita. Masyado nang mabigat sa puso kung magtatanim pa ako ng galit sa iyo. Ang gusto ko na lang ngayun ay makawala sa masakit na nakaraan kaya ito ang gusto kong hilingin sa iyo. Kung ayaw mo naman, wala naman akong magagawa eh. Aware naman ako noon pa na pag-aari mo ako at wala akong karpatan na magdesisyon para sa sarili ko." malungkot niyang sambit sa akin Wala sa sariling napatayo ako. Naglakad ako patungo sa may bintana at tumitig sa labas. Sa totoo lang, hindi ito ang inaasahan kong salita na marinig mula sa bibig ni Precious. Ang akala ko talaga na kapag magaling na siya, sasama na siya sa akin pabalik ng penthouse at ibabalik namin ang masaya na
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ "CONGRATULATIONS, Ms. Precious. Ngayun ang huling araw mo sa hospital at masaya kami sa tuloy-tuloy mong pagaling." nakangiting wika sa akin ng nurse na nag-aalaga sa akin sa nakalipas na halos dalawang buwan. Pagkatapos ng matinding trahedya na nangyari sa buhay ko, heto ako ngayun. Lalabas na ng hospital na malusog at malakas na kagaya ng dati. Napag-usapan na namin ito ni Lucian at masaya ako dahil pumayag siya. Sa wakas, makakalaya na din ako sa isang toxic na relasyon. Makakilos na ako ng maayos na walang iniisip na baka may magalit sa akin. "Thank you nurse Edna. Mamimiss ko kayo!" nakangiti ko ding sagot sa kanya! "Ganoon din kami. Basta ang mga gamot mo..huwag na huwag mong kalimutan na inumin." nakangiting sagot din nito sa akin. Isang masayang pagtango ang naging sagot ko hangang at sabay pa kaming napantingin ni Nurse Edna nang bumukas ang pintuan ng private room na naging tahanan ko din sa halos dalawang buwan Pumasok ang isang matangka
LUCIAN MONTEFALCO FERRERO POV Tahimik akong nakaupo dito sa loob ng sasakyan habang nakatanaw kay Precious na nasa gillid ng kalsada na nag-aabang ng masasakyan. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko na lapitan siya. Na isakay siya sa kotse para hindi na siya mahirapan pa at iuwi sa penthouse. Ngayung araw ang paglabas niya sa hospital at simula din ngayung araw, hindi ko na siya pwedeng lapitan. Iyun ang hiling niya sa akin na kailangan kong sundin para mapagbayaran ng kahit na kaunti ang kasalanan na nagawa ko sa kanya. Masakit sa kalooban. Sobrang sakit at ngayun ko lang ito naramdaman sa isang babae. Siguro nga, mahal ko na siya. Mahal na mahal ko na siya at hangat maari, ayaw ko na sana siyang mawala pa sa piling ko. Pero, masyado nang masakit sa kanya ang mga nangyari sa amin at lalabas na wala akong kwentang lalaki kung pipilitin ko pang manatili siya sa tabi ko na hindi naman pala siya masaya na. Masakit man sa damdamin pero kailangan ko na syang pakawalan. Para
LUCIAN MONTEFALCO FERRERO BRING HER BACK? Yeah...madaling sabihin pero mahirap gawin. Lalo na at sobrang nasaktan ko si Precious. 'Mom, ano ang ginagawa niyo dito?" seryosong tanong ko. "Dinadalaw ka. Lucian, anak pa rin kita at siguro naman may karapatan ako para alamin ang kalagayan mo." seryoso niyang bigkas. "Lilipas din ito Mom. Hayaan niyo muna akong masaktan at magdusa sa mga pagkakamali na nagawa ko." seryosong sagot ko "Hayaan? Halos patayin mo na ang sarili mo sa kakainom ng alak tapos iyan lang ang sasabihin mo sa akin? Na hayaan ka?" seryosong sagot niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tuluyang bumangon ng kama. Naglakad patungo sa may bintana at hinawi ang makapal ng kurtina. Pagkatapos noon dinampot ko ang aking sigarilyo at nagsindi "Iyan tayo. Kakagising mo lang pero iyang bisyo na kaagad ang inaatupag mo. Lucian naman, hindi pwedeng ganiyan ka palagi." muling bigkas ni Mommy. Tumitig ako sa kawalan bago malungkot akong napa
LUCIAN MONTEFALCO FERRERO POV HINDI ko mapigilan ang maikuyom ang aking kamao sa katagang narinig ko mula kay Precious. Ang mga salitang binitiwan niya ay parang isang matalim na punyal na bumabaon sa puso ko. Katabi ko lang siya ngayun pero para bang nakapahirap niya pa ring abutin. Hangang ngayun, nakikita ko pa rin sa mga mata niya ang pait. SAbagay, masyado pang maaga ang lahat. Hindi pa dapat ako magpakita sa kanya pero hindi ko na talaga kaya. Miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na ang Precious ko "Yeah...ang pagkikita nating ito ay aksidente lang and since magkakilala naman tayo before, hayaan mo akong i-treat ka." seryosong sagot ko. Ibinaling ko na ang tingin ko sa unahang bahagi ng sasakyan dahil nakikita ko na sa mga mata niya ang pagkailang sa tuwing napapatingin siya sa akin. "Busog pa ako. Sorry, Mr. Ferrro pero pwede bang pakibaba na lang ako sa gilid ng kalsada?" seryosong bigkas niya. "Precious, kaninang umaga pa ako walang matinong kain. Malungk
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV Walang duda! Napansin nga siguro ni Lucian ang presensya ko kanina sa stadium kaya nandito siya ngayun sa harapan ko God, sana hindi ito ang umpisa ng pangungulit niya sa akin. Minsan na siyang nangako sa akin na hindi niya na ako guguluhin pero ano ang ginagawa niya ngayun sa harapan ko? Bakit bigla na naman siyang sumulpot sa buhay ko? "Come on, Precious sumakay ka na! Don't worry, gusto lang kitang makausap." seryosong muling bikgas ni Lucian Mariin kong naipikit ang aking mga mata! Ayan na naman! Narinig ko na naman mula sa bibig niya ang pagtawag niya sa aking pangalan na Precious. Sa lahat ng mga taong nakakilala sa akin, tanging siya lang ang tumatawag ng Precious sa akin. Kadalasan kasi Amber talaga! "Lucian...hindi ako sasakay. Sorry, pero ayaw ko nang makipag-usap sa iyo." mahina kong sambit! Pilit kong nilalabanan ang takot sa puso ko. Naramdaman kong nag-umpisa nang pagpawisan ang aking kamay dahil sa namuong matinding tensiyon sa pu
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ PAGKALABAS ko ng stadium, direcho akong pumasok ng banyo. Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan. Parang nagpa- palpitate din ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Bakit ba naakaliit ng mundo? Hindi ba pwedeng time out muna? Ayaw ko na siyang makita eh. Hindi ko na kaya. Mariin kong naipikit ang aking mga mata. Parang eksena sa pelikula na biglang naglitawan sa balintataw ko ang mga paghihirap na naranasan ko mula sa mga kamay niya. Hangang ngayun, sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat. Minsan, napapanaginipan ko pa nga eh. Pinilit kong maging okay pero ngayung muli ko na naman siyang nakita, feeling ko muli na naman akong bumalik sa dati. Malalim akong napabuntong hininga. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi pa nga ako nakatiis at naghilamos na ako. Para magising ako sa katotohanan na hindi na talaga pwede. Na kailangan kong maging matatag sa lahat ng oras. Nasa ganoon akong kalagayan nang bumukas ang pintuan ng banyo. Magkasunod na
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV HINDI ko na talaga nakita pa sila Sapphire at Ruby hangang sa kasunod naming subject kaya naman no choice ako kundi ang sumabay na kina Melanie at Gerald patungo sa stadium kung saan sasaksihan namin ang maiksing program para sa pag-turn over ng at pagbukas ng bagong library na si Lucian daw ang nagdonate. Kanina pa ako kinakabahan. Nagdarasal na sana hindi ako mapansin ni Lucian. Pinanghahawakan ko ngayun na sa dami ng mga istudyante na manonood, hindi niya naman siguro ako mapapansin. Ang alok naman ni Gerald tungkol sa pagiging muse ko sa team nila ay sinabi kong pag-iisipan ko muna. Titingnan ko muna ang magiging reaction nila Sapphire at Ruby. Tatablahin ko na sana ang offer ni Gerald na maging muse kaya lang noong sinabi niya sa akin kapag pumayag daw ako, pwede daw maging free ang tuition ko sa susunod na School year, nagbago na ang isip ko. Parang gusto ko nang pumayag. Graduating na ako next year at kapag makalibre ako ng tuition, pwed
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV Nakita niya ba ako? Feeling ko, hindi naman siguro. Normal lang naman na ilibot niya ang tingin sa paligid at hindi porket tumitig siya sa gawi namin ni Melanie kanina, nakita niya na ako. Iyun ang naglalaro sa isipan ko habang mabilis ang hakbang na naglakad ako paalis. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Melanie habang tinatawag ang pangalan ko. "AMBER. sandali." Tuloy-tuloy lang ang mabilis kong paghakbang palayo. Ayaw ko nang bigyan ng chance na mamukhaan pa ako ni Lucian. Ayaw kong malaman niya din na nandito lang din ako sa iskwelahan na ito. Nang makarating kami ng canteen, tulala akong naupo sa pinakasulok na bahagi. HIndi ko mapigilan ang mapahawak sa aking dibdib nang maramdaman ko ang malakas na tibok nito. "Amber, grabe ang bilis mo namang maglakad." narinig kong sambit ni Melanie. Naupo siya sa katapat na upuan habang kapansin-pansin sa mukha niya ang matinding pagtataka habang nakatitig sa akin. "Nauuhaw na kasi ako. Teka
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV Kinalunisan, balik iskwelahan na naman. Sulit ang weekends ko kasi nakapagpahinga ako ng maayos. Wala naman kasi kaming ibang ginawang magkakaibigan kundi magkulong sa bahay at abala sa movie marathon. Kakagaling ko lang ng banyo nang hindi ko mahagilap sila Sapphire at Ruby. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta kaya no choice ako kundi ang magtanong sa Isa pa naming classmates na malapit lang din sa akin "Melanie, napansin mo ba sila Sapphire at Ruby?" Hindi ako close sa iba ko pang mga classmates maliban kina Ruby at Sapphire kaya kita ko ang gulat sa mukha ni Melanie nang bigla ko siyang lapitan. "Ang dalawa mong mga bodyguards na sila Sapphire at Ruby ba?" nakangiting tanong niya sa akin. Gulat naman akong napatitig sa kanya. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya or hindi lalo na at nakakahiya kung marinig nila Sapphire at Ruby ang salitang binitiwan nitong si Melanie. Imagine, napagkamalang mga bodyguards ko ang mga taong walang ibang
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ Masarap magluto si Ruby. Iyun ang napatunayan ko sa araw-araw kong natitikman ang niluluto niya. Hindi pahuhuli sa lasa sa mga mamahaling restaurant na kinakainan namin dati ni Lucian. Nagtataka nga ako kung bakit hindi na lang siya nag culinary eh. Tapos magtayo siya ng sarili niyang restaurant. "Ruby, saan ka nga pala natutong magluto?" kasalukuyan kong nilalantakan ang dessert nang hindi ko na talaga mapigilan pa ang sarili ko na tanungin siya. Curious na kasi talaga ako eh. "Ha? Ah...sa Mommy ko. Yeah...sa Mommy ko. Bata pa lang ako tinuruan niya na ako na magluto." nakangiti niyang sagot sabay iwas ng tingin sa akin. SA ilang buwan na magkakasam kami sa iisang bubong, kilalang kilala ko na din ang ugali nila. Alam na alam ko din kung kailan sila kumportable or hindi. Sa nakikita ko ngayun kay Robinhood, mukhang hindi siya kumportable sa tanong kong iyun. Pagkatapos namin kumain, nagpasya akong muling lumabas ng bahay habang hinihintay ko na mat
LUCIAN MONTEFALCO FERRERO POV "My Precious!" mahina kong bulong sa sarili ko habang nakatanaw kay Precious Amber na ngayun ay abalang abala sa kakapalit ng mga kurtina. Napansin ko din na napatitig siya dito sa gawi ko pero walang dapat na ipangamba. Masyadong tinted ang glass kung saan ako nakatayo at hindi niya ako makikita. Kanina pa ako nakatanaw dito sa may bintana at inaabangan talaga siya. Ngayung nasilayan ko na siya, ibayong tuwa ang nararamdaman ng puso ko. Feeling ko sulit ang halos isang oras kong pagtayo dito sa may bintana makita lang siya. Lalo siyang gumanda. Bumalik na din sa dati ang pangangatawan niya. Siguro nga masaya siya sa buhay niya na wala ako. Na hindi niya ako nakikita. 'I really missed you, Precious. Sana lang talaga maghilom na ng sugat sa puso mo at mapatawad mo na ako sa lahat ng mga pagkakamali ko." mahina kong sambit. Alam kong magsisisi man ako, hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na. Nasaktan ko na siya ng sobra and worst muntik pa si
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV KINAUMAGAHAN... MAAGA akong nagising pero mas may maaga pa pala. Si Ruby na nasa kusina at abala na sa pagluluto samantalang si Sapphire naman ay nag jogging daw sa labas. "Amber, dumaan kami kagabi sa coffee shop kung saan ka nagta-trabaho pero maaga ka daw umalis. May sakit ka daw? Kumusta na ang pakiramdam mo ngayun?" seryosong tanong sa akin ni Ruby. Naglakad ako patungo sa ref at nagsalin ng tubig sa braso at ininom iyun. "Oo eh. Biglang sumama ang pakiramdam ko. Pero huwag kang mag-alala, ayos na ako ngayun.:" nakangiti kong sagot "Kaya mo ba talaga? I mean, baka naman epekto na iyan sa kakapuyat mo. Itigil mo na kaya ang pagpapartime mong iyan? Kung ubos na ang pera mo, willing naman kaming dalawa ni Sapphire abunuhan ang mga pangangailangan mo eh. Pwede mo kaming bayaran once na maka-graduate at makahanap ka na ng trabaho na may mas malaking sweldo." nakngiti nitong wika sa akin "Naku, mahirap iyang sinasabi mo. Tsaka, huwag kang mag-a