Share

KABANATA 4

last update Last Updated: 2024-09-16 08:46:26

SUNNY

“Anak, sorry. Ganito talaga kaming dalawa ni Irene. Sobrang close talaga kami.” saad sa akin nang biyenan ko.

“Okay lang po, mom. I understand po,” sabi ko sa kanya.

“Okay, magsimula na tayo mga anak.” masaya na sabi nito.

Kahit na pakiramdam ko ay out of place ako ay pinilit ko ang sarili ko na maging komportable at okay ang lahat sa amin. Hindi lang talaga siguro ako sanay. Lalo na ngayon ko pa lang naman nakilala si Irene. Masasabi ko na madaldal siyang bata.

“Ate, anong nagustuhan mo kay Kuya Prof?” tanong bigla sa akin ni Irene.

Kami na lang na dalawa ang narito sa kusina dahil may kinuha lang si mommy sa taas. Nakangiti siya sa akin at para bang hinihintay niya ang sagot ko.

“He's a very responsible and caring husband.” sagot ko sa kanya.

“Ganyan rin ang gusto ko sa lalaki, Ate. Kuya Prof is my ideal man.” nakangiti na sabi niya sa akin na para bang normal lang sa kanya na sabihin ang mga ganitong bagay.

“Sige po, ate. Akyat po muna ako sa taas. Magshower lang po ako. Kaya mo naman na siguro ito dito diba?”

“Okay, ako na ang bahala dito.” sagot ko sa kanya.

Tumalikod na siya at lumabas na dito sa kusina. Ako naman ay ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Halos magkalahating oras na ay hindi pa rin bumabalik si mommy kaya naman nagpasya na lang ako na simulan ang pagluluto. Malapit na rin kasing dumating ang asawa ko. Nahiwa ko naman na ang lahat ng mga sangkap kaya puwede na akong magsimula. Napangiti ako dahil ako ang magluluto para sa asawa ko.

“Sunny, what are you doing?” tanong sa akin ni mommy na ngayon ay kakapasok lang dito sa kusina.

“Nagsimula na po ako magluto, mom.”

“Nagsimula ng hindi mo sinabi sa akin? Hindi mo man lang ako hinintay?” parang naiinis na tanong niya sa akin.

“Sorry po, akala ko po kasi—”

“Akala mo puwede kang mangialam dito sa kusina ko. Pinayagan na nga kitang tumulong dito. Pero pati ba naman ang pagluluto sa sarili kong kusina ay papakialam mo pa.”

“Sorry po, mommy.”

“I’m so disappointed in you.” sabi niya sa akin.

“Sorry po talaga, mom–”

“Next time ay ‘wag ka na lang tumulong. Mas okay pa kasama si Irene kaysa sa ‘yo.” sabi niya sa akin.

“Sorry—”

“Hindi ko kailangan ang sorry mo!” sigaw niya sa akin.

“Sorry po.” mabilis akong lumabas sa kusina nila. Para na akong iiyak pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

I grab my bag at balak ko na lang umuwi sa bahay. Iniisip ko na gumawa na lang ng dahilan para hindi magtaka ang asawa ko. Pero habang palabas ako ay bigla na lang dumating si Vince.

“Love, saan ka pupunta?” tanong niya sa akin.

“Sasalubungin lang kita.” nakangiti na sagot ko sa kanya.

“Ang sweet naman talaga ng asawa ko,” nakangiti na sabi niya at hinalikan ako sa labi.

Ngumiti na lang ako sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay ulit kaming pumasok sa loob ng bahay nila.

“Hi, mom.” nakangiti na hinalikan ni Vince ang noo ng kanyang ina.

“I miss you, anak.”

“I miss you, mom.”

“Wait lang, anak. Tatapusin ko lang ang ginagawa ko para makakain na tayo.” nakangiti pa na sabi niya sa anak niya.

“Okay, mom. Akyat muna kami sa room ko.” sabi ng asawa ko.

“Okay, anak. Magpahinga muna kayo doon. Hindi ko na lang abalahin si Sunny na tumulong sa akin dahil alam ko naman na pagod siya.” sabi pa nito.

“Thank you, mom. You’re the best po,” sabi ng asawa ko sa mommy niya.

“Of course, son. Sige na, akyat na kayo.” sabi niya sa amin.

Hinila naman ako ng asawa ko papunta sa silid niya. Pagpasok namin ay nagulat pa ako dahil bigla na lang niya akong binuhat at dinala sa banyo. At kagaya ng laging nangyayari ay pinagsaluhan na naman namin ang isang mainit na tagpo. Natigil lang kaming dalawa dahil sa isang malakas na katok mula sa may pintuan.

“Kuya Prof, kakain na po.” narinig namin ni Vince.

“Okay, susunod kami.” sagot naman ng asawa ko.

“Sh*t! Nakalimutan kong i-lock ang pinto.” sabi niya sa akin.

“It’s okay, love. It’s good thing na hindi nakasara dahil hindi kana naman titigil kapag nagkataon.” natatawa na sabi ko sa kanya.

“Because you’re so fvcking good, love. I can’t resist you.” sabi pa niya sa akin at muling inangkin ang labi ko.

“Stop na po, may mamaya pa. Baka mainip sila sa kakahintay sa atin.” sabi ko sa kanya.

“Hayaan mo si–”

“Pasaway ka talaga.” natatawa na sabi ko sa kanya.

Naligo na kami at pagkatapos ay bumaba na kaming dalawa. Nakayuko ako dahil ayaw kong salubungin ang mga mata nila. Lalo na ang mata ng biyenan ko. Alam ko na galit pa rin ito sa akin. Nagsimula kaming kumain. Katabi ko ang asawa ko at siya ang nag-aasikaso ng plato ko.

“Anak, sa inyo muna si Irene titira.”

“Pag-uusap po muna namin ng asawa ko, mom.”

“No need na, anak. Pumayag na kanina si Sunny. Ang sabi niya ay mas gusto raw niya na may kasama na sa bahay niyo. Mas makabubuti rin na may kasama siya lalo na wala naman kayong anak.” saad ng biyenan ko.

At muli na naman akong nasaktan. Hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa niya. Bakit niya ito sinasabi? Hindi naman ako pumayag pero pinangunahan na niya ako. Super insensitive niya.

“Is that true, love? Pumayag ka?” tanong sa akin ni Vince.

“O–Oo, tama ang mommy mo.” nauutal na sabi ko.

“Kuya, Prof sasabay na po ako sa inyo kapag umuwi na kayo sa bahay niyo. Excited na ako,” natutuwa na sabi ni Irene.

Wala sa mukha niya ang atensyon ko kundi sa damit niya. Ganito ba siya manamit? Tanong ko bigla sa sarili ko. Masyadong nakabalandra ang malusog niyang dibdib.

“Okay, no problem. Basta okay sa asawa ko ay walang problema.” Sabi pa ni Vince.

“Thank you po, Ate Sunny.”

“Ang bait talaga ng manugang ko.” Nakangiti na sabi ni mommy.

“Of course, mom. Pipili ba ako ng hindi.” pagmamalaki pa ng asawa ko sa mommy niya.

“Isa na lang ang kulang. Ang apo ko, sana bigyan niyo na ako ng apo.” Natatawa na sabi niya.

Naramdaman ko ang paghawak ni Vince sa kamay ko. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ako. Ayaw kong ipakita sa asawa ko na nasasaktan ako. Na naiinis ako sa ilang ulit na pagdidiin niya na hindi pa rin ako nabubuntis. Hangga't kaya ko ay nirerespeto ko ang magulang niya.

“Anak, paano kung makipags*x ka sa ibang babae. Mabubuntis mo kaya ito—”

“Mom, don't say that. Hindi ko gagawin ‘yan. Please, respect my wife.” ramdam ko ang galit ni Vince.

“I’m just curious, anak. Huwag ka naman magalit.”

“Your curiosity will ruin our relationship, our marriage. Masaya kami at maghihintay kami kung kailan mabubuntis ang asawa ko. The most important thing to me is that she stays healthy. Wala ng iba pa. I'm sorry but we need to go now.” Sabi ng asawa ko at hinila na niya ako palabas sa dining area.

“Love, calm down.” Sabi ko sa kanya.

“No, love. Hindi ko sila hahayaan na bastosin ka ng ganito. Just stay here, kukunin ko lang ang mga gamit natin sa taas.” Sabi niya sa akin at mabilis na umakyat.

Naiwan ako na mag-isa dito.

“Masaya kana ba ngayon? Masaya ka ba na galit sa akin ang anak ko? Huwag ka ng babalik pa dito sa pamamahay ko. And one more thing. Tingnan lang natin kung hanggang kailan kayo magtatagal. Mas gugustuhin ko pa na mabuntis niya ang ibang babae kaysa sa ‘yo. Wala ka nang pag-asa dahil baog ka. Siguro nga karma na ito ng tunay mong ina. Dahil sa sobrang kalandian niya noong buhay pa siya.”

Nag-unahang pumatak ang mga luha ko sa sinabi niya. Ang sakit, sobrang sakit. Mabilis akong lumabas sa bahay nila. Laking pasasalamat ko dahil may dumaan na taxi sa tapat ng bahay nila. Habang nasa biyahe ay umiiyak ako.

“Ang sama niya, wala siyang puso.” Umiiyak na bulalas ko.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Emelia Surio Rabina
next episode po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • HIS BROKEN VOW    KABANATA 1

    “Nangako ka na ako lang. Ako lang ang mamahalin mo. Pero ano ang nangyari sa pangako mo.”SUNNY POV=MY WEDDING DAY=Suot ang isang wedding gown na ako mismo ang gumawa ay nakatayo ako ngayon sa pinto ng simbahan. Ngayon ang araw ng kasal ko sa lalaking mahal ko. Ang lalaki na pangarap ko. Ang lalaki na nagbigay sa akin ng pagmamahal. Today is one of the most perfect days of my life. Natatanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang lalaking papakasalan ko. Nakangiti siya sa akin at napakagwapo niya sa suot niyang tuxedo. Everything is perfect. Habang naglalakad ako papunta sa kanya ay pilit kong pinipigilan ang luha ko. Ayaw kong masira ang make-up ko.“I love you,” malambing na sabi niya sa akin nang tuluyan akong nakarating sa kanya.“I love you more,” malambing na sabi ko sa kanya.Hawak niya ang kamay ko at sabay kaming pumunta sa may harap ng altar. Si Vince ang lalaking pangarap ko na iharap sa altar. Ang lalaking pangarap kong makasama habang buhay at magiging ama ng magiging anak nam

    Last Updated : 2024-09-16
  • HIS BROKEN VOW    KABANATA 2

    SUNNYMalungkot akong nakatingin sa pregnancy test na hawak ko. Buwan-buwan ko na itong ginagawa lalo na kapag delayed ang monthly period ko. Umaasa kasi ako na baka sakaling makabuo na kaming dalawa ng asawa ko. Limang buwan na rin kasi simula noong nagsama na kami. After our wedding ay active naman kaming dalawa. Alam ko na kahit hindi sabihin sa akin ni Vince ay nalulungkot siya. Gustong-gusto ko ng mabuntis. Maging ganap na mommy at para mapasaya ko ang asawa ko. Alam ko na nahihirapan at nalulungkot rin siya. Kaya naman mabilis kong tinapon ang pregnancy test na hawak ko. Ayaw ko ng ipakita sa asawa ko. Ayaw kong makita ang pilit niyang ngiti. Dahil nasasaktan lang ako. Nalulungkot lang ako kapag nakikita ko ang mga mata niya.“Kailan mo ba ibibigay sa akin ang nais ko? Ready na po ako, ready na ako na maging isang ina. Ito na lang ang kulang sa amin. Kaya sana ibigay mo na sa amin. Para maging masaya na ang asawa ko. Para maging masaya na ang bahay na ito kasi sa totoo lang mal

    Last Updated : 2024-09-16
  • HIS BROKEN VOW    KABANATA 3

    SUNNY“Okay lang ba kung uuwi na tayo?” tanong ko sa kanya.“Why?” nagtataka na tanong niya sa akin.“I lose my appetite.” “Dahil ba kay Irene?” tanong niya sa akin.“Ano ba ang relasyon niyo?”“She is my friend’s sister. Kaya malapit kami sa isa’t-isa. Huwag mo naman bigyan ng kahulugan.” Mahinahon na sabi niya sa akin.“Dapat pinakilala mo siya sa akin ng maayos. Para hindi na ako nagseselos.” Pag-amin ko sa kanya.“Love, wala kang dapat ikaselos dahil ikaw lang ang mahal ko. You're my one and only wife. My one and only love,” nakangiti na saad niya sa akin.“I’m sorry,” nakayuko na sabi ko sa kanya.“You're more beautiful kapag nagseselos ka.” Sabi niya sa akin.“Stop it,” saway ko sa kanya.“I’m honest. My wife is the most beautiful woman in the world.” Nakangiti na sabi niya sa akin.“Love, stop it.”saway ko sa kanya dahil nahihiya ako.Alam ko na hindi magandang ugali na nagseselos ako. Dahil alam ko na mahal ako ng asawa ko at walang dahilan para magselos ako. Ako lang talaga

    Last Updated : 2024-09-16

Latest chapter

  • HIS BROKEN VOW    KABANATA 4

    SUNNY“Anak, sorry. Ganito talaga kaming dalawa ni Irene. Sobrang close talaga kami.” saad sa akin nang biyenan ko.“Okay lang po, mom. I understand po,” sabi ko sa kanya.“Okay, magsimula na tayo mga anak.” masaya na sabi nito.Kahit na pakiramdam ko ay out of place ako ay pinilit ko ang sarili ko na maging komportable at okay ang lahat sa amin. Hindi lang talaga siguro ako sanay. Lalo na ngayon ko pa lang naman nakilala si Irene. Masasabi ko na madaldal siyang bata. “Ate, anong nagustuhan mo kay Kuya Prof?” tanong bigla sa akin ni Irene.Kami na lang na dalawa ang narito sa kusina dahil may kinuha lang si mommy sa taas. Nakangiti siya sa akin at para bang hinihintay niya ang sagot ko.“He's a very responsible and caring husband.” sagot ko sa kanya.“Ganyan rin ang gusto ko sa lalaki, Ate. Kuya Prof is my ideal man.” nakangiti na sabi niya sa akin na para bang normal lang sa kanya na sabihin ang mga ganitong bagay.“Sige po, ate. Akyat po muna ako sa taas. Magshower lang po ako. Kay

  • HIS BROKEN VOW    KABANATA 3

    SUNNY“Okay lang ba kung uuwi na tayo?” tanong ko sa kanya.“Why?” nagtataka na tanong niya sa akin.“I lose my appetite.” “Dahil ba kay Irene?” tanong niya sa akin.“Ano ba ang relasyon niyo?”“She is my friend’s sister. Kaya malapit kami sa isa’t-isa. Huwag mo naman bigyan ng kahulugan.” Mahinahon na sabi niya sa akin.“Dapat pinakilala mo siya sa akin ng maayos. Para hindi na ako nagseselos.” Pag-amin ko sa kanya.“Love, wala kang dapat ikaselos dahil ikaw lang ang mahal ko. You're my one and only wife. My one and only love,” nakangiti na saad niya sa akin.“I’m sorry,” nakayuko na sabi ko sa kanya.“You're more beautiful kapag nagseselos ka.” Sabi niya sa akin.“Stop it,” saway ko sa kanya.“I’m honest. My wife is the most beautiful woman in the world.” Nakangiti na sabi niya sa akin.“Love, stop it.”saway ko sa kanya dahil nahihiya ako.Alam ko na hindi magandang ugali na nagseselos ako. Dahil alam ko na mahal ako ng asawa ko at walang dahilan para magselos ako. Ako lang talaga

  • HIS BROKEN VOW    KABANATA 2

    SUNNYMalungkot akong nakatingin sa pregnancy test na hawak ko. Buwan-buwan ko na itong ginagawa lalo na kapag delayed ang monthly period ko. Umaasa kasi ako na baka sakaling makabuo na kaming dalawa ng asawa ko. Limang buwan na rin kasi simula noong nagsama na kami. After our wedding ay active naman kaming dalawa. Alam ko na kahit hindi sabihin sa akin ni Vince ay nalulungkot siya. Gustong-gusto ko ng mabuntis. Maging ganap na mommy at para mapasaya ko ang asawa ko. Alam ko na nahihirapan at nalulungkot rin siya. Kaya naman mabilis kong tinapon ang pregnancy test na hawak ko. Ayaw ko ng ipakita sa asawa ko. Ayaw kong makita ang pilit niyang ngiti. Dahil nasasaktan lang ako. Nalulungkot lang ako kapag nakikita ko ang mga mata niya.“Kailan mo ba ibibigay sa akin ang nais ko? Ready na po ako, ready na ako na maging isang ina. Ito na lang ang kulang sa amin. Kaya sana ibigay mo na sa amin. Para maging masaya na ang asawa ko. Para maging masaya na ang bahay na ito kasi sa totoo lang mal

  • HIS BROKEN VOW    KABANATA 1

    “Nangako ka na ako lang. Ako lang ang mamahalin mo. Pero ano ang nangyari sa pangako mo.”SUNNY POV=MY WEDDING DAY=Suot ang isang wedding gown na ako mismo ang gumawa ay nakatayo ako ngayon sa pinto ng simbahan. Ngayon ang araw ng kasal ko sa lalaking mahal ko. Ang lalaki na pangarap ko. Ang lalaki na nagbigay sa akin ng pagmamahal. Today is one of the most perfect days of my life. Natatanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang lalaking papakasalan ko. Nakangiti siya sa akin at napakagwapo niya sa suot niyang tuxedo. Everything is perfect. Habang naglalakad ako papunta sa kanya ay pilit kong pinipigilan ang luha ko. Ayaw kong masira ang make-up ko.“I love you,” malambing na sabi niya sa akin nang tuluyan akong nakarating sa kanya.“I love you more,” malambing na sabi ko sa kanya.Hawak niya ang kamay ko at sabay kaming pumunta sa may harap ng altar. Si Vince ang lalaking pangarap ko na iharap sa altar. Ang lalaking pangarap kong makasama habang buhay at magiging ama ng magiging anak nam

DMCA.com Protection Status