HIRING AS A MOTHER OF THE CHILD OF MR. SEVERION
CHAPTER 2 Maaga akong nagising, mukhang halata na ata saakin ang pagka excited ngayong araw. Naligo ako agad at nagbihis ng maayos na damit. Hindi ko alam sa sarili ko. Bakit kailangan ko pang mag ayos ng maayos. Pupunta lang naman ako para sa trabaho. Umiling nalang ako at binilisan na ang kilos hanggang napag pasyahan kunang lumabas. Paglabas ng paglabas ko nakita ko agad si mairah at nakataas ang kilay nito habang tumitingin saakin. "Hindi halatang excited ka te." Tinaasan ako nito ng kilay at tila may nakikita siya saakin na ngayon ko lang ginawa. "Himala naging maayos kana ngayon, nagmumukha ka tuloy na tao." Nakangisi ito saakin ngayon. "Ano ba ako dati alien?" Tinaasan ko siya ng kilay. Sumimangot naman ito bago sumagot. "Parang ganon nanga ata." "Bahala kanga diyan aalis na ako, at mukhang matagal pa ako makakabalik dito." Sabi ko sakanya at nilagpasan ito. "Mukhang iba din ang pinaghandaan mo ahh, yong ama ng bata." Nanunuyang sabi nito. "Sige ingat ka doon ikamusta mo nalang ako sa poging boss mo. Baka rin sa susunod maging asawa kana at tatawagin na kitang madam." Humarap ako sakanya at pinaningkitan ko ito ng mata. " Tumigil kanga at alam mo malabo yang mangyayari. Siya sige alis na ako ingat ka." Tumalikod na ako sakanya. Hindi kuna pinansin ang sasabihin nito, kailangan kunang magmamadali dahil mukhang tanghali na. Baka malalate ata ako kahit wala namang oras na sinabi kong kailan ako pupunta. Sumakay na ako ng tricycle ng may huminto agad sa harapan ko, sinabi ko sakanya ang address kong saan ako. Tahimik lang ako buong byahe, inilabas ko muna ang cellphone ko para gawing abala ang sarili ko. Naglalaro muna ako ng ilang games sa cellphone ko at ilang oras akong ganon mga tatlong laro ata ang natapos ko. "Nandito na tayo hija." Napatingin agad ako sa labas para tingnan kong nandito naba talaga ako. "Hindi makakapasok ang mga publikong sasakyan dito. Dahil halos mayayaman ang nakatira sa lugar nato." Biglang sabi ng driver. Ngumiti ako sakanya at tumango." Alam ko naman po yon, ito po pala ang bayad ingat po kayo sa pagmamaneho." Ibinigay ko sakanya ang bayad at bumaba na. Kinuha ko agad ang gamit ko at pagkatapos non agad akong naglagad patungo sa gate ng Severion place. Halata talagang mayaman ang lalaking to dahil apilyedo niya ang nakalagay sa subdivision nato. "Hi, po manong guard ako nga po yong babae kahapon... at natanggap ako sa trabaho." Nakangiti akong tumingin dito. "Ikaw pala yong pinapasabi ni sir na papasokin dito. Sige pumasok kana hija goodluck sa trabaho mo." Binuksan na nito ang gate. Pumasok ako agad at naglalad patungo doon sa bahay niya. Siya ang pinakamalaking bahay dito. Dahil siya nga ang nagmamay ari dito kaya siya ang pinakamalaking bahay hindi na ata bahay ito kundi mansion na dahil sa laki. Nang maabot ako dito agad kong pinindot ang doorbell nila. Ilang minuto lang ang hinintay ko at agad naman itong bumukas. Nakita ko ang isang may edad na na babae at tinitingnan ako nito mula paa hanggang ulo at parang kinikilatis ako. "Ikaw ba yong natanggap sa trabaho?" Nakataas ang kilay nito habang tinatanong ako. "Opo ako nga yon." Nakangiting sabi ko dito. Hindi ko pinahalatang kinakabahan ako sakanya, at ayaw ko din na bastosin ito sa pagsagot baka bigla nalang ako nitong sampalin. "Sino yan belen?!" "Yong hinahired ni sir ito chaling!" Malakas na sigaw nito. Tinitingnan ko lang siya at naghihintay padin ako dito sa labas para papasokin siya. "Papasokin mo, bakit hindi mo pa pinagbuksan yan. Baka galing payan sa byahe at napapagod nayan!" Sigaw ng nasa loob. "Pumasok kana hija. Pasensya na sa inasal ko kasi baka ikaw nanaman ang isa sa babaeng nagpapanggap na natanggap kahit hindi naman. Mukha totoo ka naman dahil nakita kita kahapon na masaya." Binuksan niya ng malaki ang gate at nakangiti itong tumingin saakin ngayon. Pumasok nanga ako at sinundan ito ng makapasok ako sobrang namangha parin talaga ako sa mansion nato. Malawak ang lugar at siguradong palaging masaya ng mga bata pag tumatakbo dito. Ang sa mansion naman mukhang may apat na palapag at talagang ang ganda at may swimming pool. Ito ang pangarap na bahay ko pero tila malabo atang makuha ko ito kaya hanggang pangarap nalang siya. "Sige hija pumasok kana sa loob, nandon si sir kanina pa naghihintay sayo." Nakangiting tumingin ito saakin. Tulad ng sinabi niya pumasok nanga sa loob, hindi ko mapigilang mamangha ulit. Kung anong ginaganda sa labas yun din ang sobrang kinaganda dito loob, ang laki at ang kintab ng sahig at tila mali atang tapakan ito ng isang tulad ko. Dahil pakiramdam ko nadudumihan ko ito. Maraming mga gamit na sobrang mamahalin at may nakapalibot ding mga bulaklak at mukhang mahal ang mga ito sa mga itsura palang. "Nandon siya sa sala, sundan mo lang ulit ako." Salita nito ulit. Ang laki talaga ang bahay nato at alam mong mayaman talaga ang nakatira dito. Nang makaabot na kami sa salang tinutukoy niya mas lalo akong namangha dahil mas malaki pa ang sala nila kaysa sa tinitirahan ko. Hindi nga rin ito nagkakamali nandito nga siya nakaupo at abala ito sa kakapindot sa laptop niya at hindi na ito nag abalang tingnan ako. Pero habang tinitingnan ko siya mas lalo kong nakita ang mukha niya, ang mapulang labi, mahabang pilik mata, at matangos na ilong at nakikita ko din ang mala dagat niyang mga mata naka glasses siya ngayon kaya mas lalo kung nakita ang kisig niya at ang ganda niyang lalaki at ang laki ng katawan niya at malaki ang braso. Nakabihis na din ito ngayon at suot niya yong pormal na susuotin. Mukhang pupunta ata siya sa trabaho at ako lang ang hinihintay niya. "Your done checking me?" Muntik na akong mapamura ng marinig ko ang baritonong boses nito. Bigla akong nahiya dahil kanina papala ako nakatingin sakanya. Baka iisipin nitong pinagpapanstasyahan ko siya. Yon naman agad ang maiisip niya dahil siguro ganun ang pinapakita ng ibang babae sakanya. "Okay, i think your done, i introduce my daughter to you, and don't hurt her. If i saw her crying because of you. My only one decision is fired you or punished you. Only my rule don't make her cry." Tumayo ito at nilapitan ako kaya napahakbang ako patalikod. "Yaya, kunin mo ang anak ko." Maawtoridad na utos nito. Mas maganda palang marinig siyang magtagalog kaysa sa mga english. "Sige sir." Nakarinig ako ng mga yapak hudyat na umalis ito, hindi ako makatingin doon dahil kinakabahan ako sa paglapit niya at napalunok ako dahil sa kaba. "N-Noted s-sir." Huminga ako ng malalim habang sinasabi ko sakanya yon. "You can't leave this house without my permission or saying to you that." Seryosong sabi nito at huminto na sa kahahakbang. Nakarinig ulit ako ng yapak papunta dito kaya lumingon na ako doon, at nakita ko agad ang isang batang babae at tila nasa edad na apat ata ito. Ang ganda niyang bata tulad ng ama niya may mala kulay na dagat din ang mga mata niya at tila nakuha niya sakanya ama ang mga parte ng nasa mukha niya. Makapal na kilay, mapulang labi at matangos na ilong at kulay brown ang buhok at may ribbon din ito ngayon. Simple lang ang suot niyang damit naka dress na pink ito ay may ribbon din. "Alicia come here." Lumapit naman agad ang bata ng sabihin niya yon. "Hi daddy aalis ka nanaman po?" Maliit ang boses nito habang tinatanong niya ang ama niya. Lumuhod naman ito para maging pantay sila ng anak niya. "Yes, baby aalis ako and this is for you okay? Uuwi ako mamaya and i buy you a many toys." Sabi nito at hinagod ang buhok ng anak niya. "Sige po daddy ingat ka."Nakangiting sabi nito. "Okay, and also this is your mom her name is ahvi and call her mommy as you wan't baby. You need a mommy right? So... your wish is my command." Kahit kausap niya ang anak niya, hindi parin nagbabago ang boses nito malamig parin at wala paring ngiti ang nakaukit sa labi niya. Tumingin ito saakin na seryoso at pati din si alicia tumingin saakin at wala nading ngiti sa labi niya at malamig niya akong tiningnan. "She's Aliciana Severion my daughter take care of her and always put in you mind about my rule." Seryosong sabi nito at tumayo na ulit ito sa pagkaluhod. Tumango lang ako sakanya at hindi na nagsalita. "Yaya, ituro mo sakanya ang magiging kwarto niya." Sabi nito at nagsisimula nh umalis. "Copy po sir." Sagot nito. "Take care of her." Yon ang huling narinig ko mula sakanya bago ito tuluyang umalis.HIRING AS A MOTHER OF THE CHILD OF MR. SEVERIONCHAPTER 4"Talaga?!" Hindi makapaniwalang tanong nito."Oo" Sinabi ko sakanya ang nangyayari kagabi, kung pano ako pinagalitan ni sir at binigyan ng pagkakataon. "Swerte mo te, dahil binigyan kapa ng pagkakataon, ang iba kasi na pumasok dito at pinapaiyak si senyorita alicia wala ng pagkakataon taon nayan. Diretso layas at tanggal agad. Kaya ikaw swerte ka at dapat huling pagkakataon nayon na umiiyak ang bata dahil para yang mamahalin na bagay o mababasag na mga pinggan. Kunting gas gas mo lang sakanya ay siguradong lagot ka. Kaya ikaw ingat ingat ka hindi pa yon ang mukha ni sir pag nagagalit sobra payon sa nakikita mo." Seryosong sabi nito.Hindi ako makapagsalita sa mga sinasabi sinasabi niya, talagang ganon ba talaga yon? Malaki talaga ang kasalanan ko pag napapaiyak lang ang bata. Minsan nakakatakot itong lapitan pero ito ang trabaho ko at dapat paninindigan ko hanggang ngayon."Teka ano pala ang ginagawa ng bata ngayon?" Tanong
HIRING AS A MOTHER OF THE CHILD OF MR. SEVERIONCHAPTER 5"What are you doing here?"Boses palang alam kuna kung sino ito, agad akong napatayo at tumingin sa pwesto niya ngayon. "I didn't say I allow you to enter the room of my daughter lady." Malamig ang boses niya habang sinasabi yon. Hindi ko kayang sumagot at gusto ko nalang tumakbo palabas dito. Tila malaki itong kasalanan para saakin parang mali ang ginagawa kung pag pasok dito. "Uhmm.. sorry" Napayuko ako at nilalaro ko ang mga daliri ko para maibsana ng kabang nararamdaman ko ngayon. "Leave, I wan't to talk my daughter. Alicia close the door now. " Ma awtoridad na utos nito. Nang sabihin niya yon agad akong lumabas sa kwarto ng bata, binilisan kuna ang kilos ko baka kasi magalit pa ito saakin. Paglabas ng paglabas ko yun din ang pagsara ng pinto. Napabuntong hininga akong humarap dito at tila naibsan ang kabang nararamdaman ko ngayon.
HIRING AS A MOTHER OF THE OF MR. SEVERIONCHAPTER 6"Ay talaga naman!"Abala ako sa paglilinis, wala rin naman akong ibang gagawin kaya ginawa ko nalang na maging abala ang sarili ko. Baka isipin nanaman nong amo ko na nagbubuhay reyna ako sa pamamahay niya. Napatingin ako sa isang katulong dito, sa pagka alam ko czeca ang pangalan niya. "Uhmm.. bakit?" Nagtataka ko siyang tiningnan dahil bigla itong sumigaw. "Wala, nagulat lang ako." Sabi nito at pinapatuloy ang ginagawa niya. "Ahh ganun ba." Tanging nasabi ko, pinapatuloy ko narin ang ginagawa ko. Apat na araw kuna ito dito at hindi ko parin alam kung anong dahilan ng bata kung bakit ganun ang naging trato o tingin niya saakin. Hindi sa panghihimasok pero gusto ko malaman kung ano ba talaga ang dahilan at bakit hindi ito kayang sabihin ng ibang katulog dito? Tapos na ako sa ginagawa ko at napagpasyahan kung puntahan na si Alicia para a
HIRING AS A MOTHER OF THE OF MR. SEVERIONCHAPTER 7"Kailangan mo siyang ihatid sa skwelahan niya ahvi." Sabi ni nanay belen."Talaga po?" Hindi ko mapigilang magulat sa sinabi niya. "Oo, ay nakalimutan ko palang sabihin sayo na yun pala ang trabaho mo. Pati sa paghatid ikaw ang gagawa non." Sabi nito. " Ito ang mga pagkain niya para sa tangahalian at siya puntahan muna yun sa taas para makaligo at makakain na ngayon." Agad ko namang sinunod ang sinabi nito. Pupunta na ako sa kwarto ni Alicia. Kumatok ako ng ilang beses ng makaabot ako, pero wala akong narinig kahit ilang sagot man lang. Kaya napagpasyahan kung pumasok nalang sa silid niya at dahan dahang naglakad patungo sa kama niya. Gigising kuna sana ito pero laking gulat ko ng makita kung katabi niya ang daddy niya. Pano ko ba ito gigisingin? Natataranta na ako at nag iisip kung pano ba ito. Napagpasyahan ko nalang na lalabas sana. Tumalikod na ako mu
HIRING AS A MOTHER OF THE CHILD OF MR. SEVERIONCHAPTER 3"Ito ang magiging kwarto mo ahvi." Binuksan nito agad ang isang kulay blue na pinto.Tiningnan ko agad ang loob, mas sobrang namangha ako dahil sobrang laki ng magiging kwarto ko at may aircon pa ako. Ang swerte ko naman ata sa trabaho kong ito."Sige po salamat po aling?""Tawagin mo nalang akong nanay belen yan kasi ang tawag ni dito. Kaya yan nalang ang itawag mo saakin." Nakangiti nitong sabi at agad na tinapik ang balikat ko."Sige po aling belen, baba nalang ako mamaya pag tapos na akong mag ayos ng lahat ng gamit ko. Pwede narin kayong makaalis dahil tila naabala ko kayo." "Siya sige at sana maayos ang unang trabaho mo dito ahvi hija." Umalis nanga ito kaya napagpasyahan ko nading pumasok sa loob, nilibot ko ang tingin ko at halos kulay blue ang mga dingding at tila alam na nito kung akong anong gusto kong kulay. May sarili narin akong mga lalagy
HIRING AS A MOTHER OF THE CHILD OF MR. SEVERIONCHAPTER 1"Ahvi, tara na." Nang marinig ko ang boses ni mairah, nagmamadali na akong lamabas, dahil baka kanina pa ito naiinip sa kakahintay saakin.Maghahanap ako ng trabaho ngayon, sobrang kailangan ko talaga lalo na wala na kong pera pambili sa sarili kong mga gamit o kahit pagkain man lang. Mahirap talaga pag nandito ka sa syudad mahirap hanapin ang pera at ang dali maubos dito. Dahil minsan may gusto akong bilhin at hindi ko makonrol minsan ang sarili ko at mabili ko ang mga bagay nayon."Ang tagal mo naman! Kanina pa ako dito at kanina narin ako kinakagat ng lamok dahil sa tagal mo." Reklamo nito.Hinila ko nalang siya para hindi na ito magsasalita, para din itong si aling sanding dahil sobrang ingay ng bunganga mas maingay pa ito sa bunganga ni aling sanding diyan sa kabilang bahay na tinitirhan ko."Alam mo ba may naghihire ngayon, pero hindi bilang janitress, maid