Pagka uwi namin sa bahay agad kong ikwinento kay Train ang mga nangyare sa'kin habang kasama ko si Davion. Medjo nagalit lang sya dahil sa mga sinasabi sa'kin ni Davion pero pinilit ko naman syang intintidihin nalang. Kinabukasan maaga akong nagising dahil ihahatid ko pa si Dave sa bahay nila Mama, busy kase si Train ngayon kaya walang mag babantay sakanya. "Mommy, Bawal po ba talagang sumama?" Malungkot na saad ng anak ko. Lumuhod naman ako para pantayan sya. "Bawal ang bata doon anak eh" Paliwanag ko kay Dave. Bukod sa bawal ang bata roon, isa pang dahilan si Davion. Ayoko nang mag kita sila ulit. Selfish na kung Selfish basta wala ng karapatan si Davion sa anak ko. "Okay po, Mommy. Pero can we go po sa mall ulit? With Daddy Treivor po" Request nito sa'kin. Ngumiti naman ako at tumango. Muling bumalik sa kanyang mukha ang pag kasaya. Nag paalam na ako sakanya at kila Mama bago pumunta sa kompanya para mag trabaho. Nang makarating ako roon ay nandon na si Davion. "Good mor
Aerina Castillo P.O.VNakatitig ako ngayon sa hawak kong pregnancy test, hindi ko alam kung paano ko maipapa liwanag ang nararamdaman ko. Sobrang saya ko dahil natupad na ang pangarap namin ng asawa ko na magka anak. Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa aking pisngi at ngumiti.Nag lakad ako palabas ng banyo at nag tungo sa aming silid. Tiyak akong nandoon si Davion, ang asawa ko. Masaya akong pumasok sa kwarto namin. Nakita ko syang nakaharap sa kanyang laptop, ang sipag nya talagang mag trabaho. Kahit pa na mayaman ito ay hindi nya parin maiwasang mag trabaho dahil ang sabi nya kailangan daw namin 'yon kapag nag kaanak na kami."Hey, love" Tawag ko sakanya at lumapit. Akmang hahalikan ko na sana sya sa kanyang labi ay umiwas ito na siyang pinag taka ko. Naguguluhan naman akong tumingin sakanya."May problema ba, love?" Tanong ko at hinaplos ang pisngi nito. Umiling naman ito sa'kin."Okay, anyway may sasabihin akong importante sayo, Davion. I know magiging masaya ka sa balita ko" Nak
Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Naalala ko ang mga nangyare kanina. Napabalikwas ako at agad na hinawakan ang aking tiyan. "Don't worry, your baby is safe" Napalingon ako sa nag salita sa aking gilid. Doon ko nakita ang isang lalaking hindi pamilyar sa'kin."N-nasan ako?... Sino ka?" Tanong ko sakanya."Nasa bahay ko, don't think too much and tinawag ko ang family doctor namin para tingnan ka. Then sinabi nya sa aking buntis ka" Paliwanag nito sa'kin."I'm sorry kase muntikan na kitang mabangga kanina, I didn't mean to hurt you and your baby""Can I ask you?" Tumango ako."Bakit ka umiiyak kanina?" Natahimik naman ako at agad akong umiwas ng tingin. Napahikbi ako nang maalala kong pinaalis ako ni Davion at mas pinili nya si Fionah, kesa sa'kin. Hindi lang 'yon, wala na rin pala kami. Hiwalay na kami."Hey, why are you crying again? Dahil ba tinanong kita? I'm sorry, I won't do it again. Shhh calm down...hush" Lumapit ito sa'kin at pina kalma ako sa pamamagitan ng pag haplos
3 years later..."Mommy! Mom!" Napatingin ako sa pintuan ng kusina nang marinig kong tinatawag ako ng anak ko.."Dave, Anak. Don't run okay?" Saway ko sa anak ko.Masumaayos ang pakiramdam ko nang masilayan ko ulit sya. Parang kailan lang noong nasa sinapupunan ko palang sya ngayon ilang buwan nalang mag tatatlong taon na sya. Hindi ko maiwasang maalala ang mga pinag daanan ko noon tuwing nakikita ko sya dahil hindi ko talaga maitatanggi na kamukhang kamukha nya ang kanyang ama. Parang batang version nya lang ang anak namin."Sorry, Mommy. Look, Daddy Treivor bought me some toys" Nakangiti nitong sambit kaya naman litaw na litaw ang mag kabilaan nyang dimple. May hawak itong laruan na kotse. Alam nyang hindi si Train-Treivor ang Ama nito pero kahit suwayin ko ay tinatawag nya parin si Train na kanyang Daddy."Another toys again?" Suway ko. Napanguso naman ito, ang cute talaga ng anak ko. Lumapit ako sakanya at niyakap. "Hello to my baby and another baby" Napatingin ako kay Train nang
Kinaumagahan nag pasya kaming mag tungo sa bahay nila Mama. Kinakabahan ako dahil baka hindi maganda ang pag kinalabasan ng pag kikita namin."Are you okay? Pwede pa naman tayong hindi muna tumuloy" Nag aalalang sambit ni Train sa tabi ko. Ngumiti naman ako ng pilit."Okay lang"Nang nasa harapan na kami ng gate ay agad nitong pinindot ang doorbell. Grabe ang kabog ng dibdib ko nang makita ko ang isa sa mga kasambahay namin.Lumapit ito at binuksan ang gate, nang makita nya ako ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata. "Ma'am Erin?!" Tila naiiyak sa tuwa nitong sambit. Nginitian ko sya, nagulat ako nang bigla syang tumakbo at sumigaw habang tinatawag sila Mama."Ma'am! Sir! Si Ma'am Erin po!" Paulit ulit nitong sigaw. Nag katinginan pa kami ni Train bago pumasok. Hinawakan ko ang kamay ni Dave at sabay na naglakad papasok. Nasa malapit na kami sa main door nang biglang bumukas ito at bumungad sa akin ang mukha ni Mama. Hinintay ko ang reaksyon nito. Nagulat ako nang bigla nya akong d
Nandito kami ngayon sa bahay ni Train. Gusto kase nila Mama na dito muna kami ni Dave tumira para daw mas maniwala sila sa amin na mag asawa kami ni Train. Hanggang ngayon palaisipan parin sa'kin kung ano ang pinag usapan nila. "Mommy, I want to go to school po" Biglang sambit ng anak ko habang nanood ng tv. Tiningnan ko naman ang pinapanood nya, mga batang pumapasok sa school. "Kapag puwede na anak, baby ka pa eh" Nakangiti kong sagot. "Malaki na po ako, Mommy" Pilit nito. "Huwag ng makulit, Dave. Tama ang Mommy mo, kailangan malaki ka muna para pumasok sa school. You're turing 3 years old right? Kapag 5 years old kana, I promise ako mismo ang sasama at mag e-enroll sayo para makapag aral ka" Singit ni Train. Tila nag ningning naman ang mga mata ng anak ko sa sinambit ni Train. "Really po?! Thankyou so much, Daddy! You're the best Daddy in the world!" Masayang sigaw ng anak ko habang pumapalakpak. Lumambot naman ang puso ko dahil sa sinambit nya. Talagang napamahal na sya k
Nanatili parin akong nakatayo sa harapan ng dati kong asawa habang tinatanong ang anak ko. Pilit kong kinukuha si Dave pero nakatuon lang ang pansin ko kay Davion. Kung hindi ko siguro sila kilala pag kakamalan ko talaga sila agad na mag ama dahil sa pag kakahawig nila. "Treivor....T-treivor He..." Nahirapan ang anak kong bigkasin ang apelyido ni Train. "Treivor?" Tanong ni Davion sa kanya na kanina pa nag hihintay ng sagot. "Mommy, paano po ulit sabihin yung apelyido ni Daddy po?" Inosenteng tanong sa'kin ng anak ko. Sabay silang napatingin sa'kin. "H-hezun" Halos matampal ko ang aking sarili dahil sa pagka utal ko. "That's it po! How about you, Mr hero? What's your name po?" Magiliw na tanong ni Dave sakanya. Luminga linga ako para tingnan kung meron naba si Train dahil hindi mawala wala ang kaba sa dibdib ko. Nahalata nya ba? Naramdaman nya ba ang luksong dugo? "I'm Davion Kaizer Brivzon" Sagot nito. "Wow, parang parehas po tayo ng name!" Bakit ba ang daldal mo anak?
Kinabukasan, kami nalang ni Dave ang naiwan sa bahay ni Train dahil maagang umalis si Train, may aasikasuhin pa sya sa kompanya nya. "Mommy, Gusto ko pong pumunta kay Daddy" Rinig kong sambit ni Dave. "Hindi pwede anak eh. Sabihin nalang natin sa Daddy mo pag uwi nya" Paliwanag ko, agad naman itong sumimangot. "Call him, Mommy please?" Pag uulit nito. Kinuha ko naman ang cellphone sa bulsa ko para tawagan si Train. Nakailang tawag na ako pero hindi nya parin sinasagot. "He's busy, Dave" Sambit ko sa anak ko, tumango nalang ito pero pansin ko parin ang pag kalungkot nya. "Gusto mo bang mamasyal?" Agad naman syang tumingin sa'kin. Kita ko ang kasiyahan sa kanyang mukha. "Opo!" Masigla nyang sambit. Napangiti nalang ako, nag ayos muna kami bago kami lumabas ng bahay ni Train. Tinext ko muna si Train na lalabas muna kami ni Dave para hindi nya kami hanapin sakaling mas una syang umuwi kesa sa'min. Una kaming pumunta sa arcade dahil gusto raw ng anak ko na mag laro ng bask