Share

FOURTH

last update Last Updated: 2022-07-13 16:52:31

"MY GOD, I AM SO EXCITED!" Panay ang tingin ng apat sa tiyan ko at tanong tungkol saakin ng kung anu-ano. Inimbento ko nalang ang iba tulad ng mga tanong ng mga ito na may kinalaman sa 'relasyon' namin ni Rajiv.

"Ilang taon kana pala, Hija?" Mabait ang bukas ng mukha ng lola ni Rajiv na siyang ina ng ama nito.

"23 years old po."

"Saan kayo nagkakilala ng anak ko?" Nakangiti pati ang mama nya na taliwas sa inaasahan ko.

Pero ang kabutihan nilang pinapakita ang mas lalong nakakapagpakaba saakin.

"Ah... ano po... sa simbahan." Wala sa wisyong sagot ko.

"Simbahan?" Sabay-sabay pa ang pagtatanong ng apat.

"Nagsisimba po kasi ako tapos nung palabas na ako, saktong papasok naman sya tapos ano... ahm hiningi nya ang number ko."

"Sa mismong simbahan nya ginawa yon?" Hindi ko alam kung nagugulat lang ba o hindi makapaniwala ang lola nya sa kwento ko. Pero madalas naman ganon, di ba?

Romantic nga e. Kung sakaling magkikita kayo sa simbahan at di makakatiis ang guy na humingi ng number kasi na love at first sight sya kay girl.

Pero kung iimagine-in, parang hindi nga yata tama na makilagligawan at palitan ng number sa simbahan. Kahit pa nasa pintuan na.

Mabilis kong pinaliwanag ang iniisip nila anuman yon, naalala kong strict pala ang family nila sa maraming bagay. "Hindi po. Nang makalabas kasi ako, namasyal pa ako sa paligid ng simbahan kasi may park doon, tumambay ako sandali. Hinanap nya pala ako tapos nang makita, doon sya humingi ng number, hehe." Napakamot pa ako sa leeg saka pasimpleng pinunasan ang pawis ko dahil sa pag-iisip ng sasabihin.

Bahala na. Hindi naman na ulit magkikita-kita.

"Oh, looks like Rajiv likes you so much." Yung lola ni Rajiv. Hindi ko alam kung nakangiti pa ba ako or nakangiwi na.

Best actress goes to Acy. Best writer, Acy. Best director, Rajiv.

Halos silang dalawang babae lang naman ang magsasalita dahil yung papa at lolo ni Rajiv ay nakikinig lang nang tahimik.

Nabanggit nila na baka daw isipin kong nagpaimbestiga sila tungkol sa buhay ko, hindi raw nila ugaling magpakalkal ng buhay nang may buhay. Naniniwala silang importante ang privacy, alam na rin naman daw ni Rajiv ang karapat-dapat para dito.

"Pero bakit kaya hindi nya sinabi ang tungkol sakanya, Mamà?" nilingon ng mama ni Rajiv ang katabing matanda. "Oh, siguro ay dahil nalaman nyang ipagkakasundo ko sya sa unica hija ni Mr. Toledo."

Kasunduan lang pala ang lahat ng yon? Ayos, may pag-asa pa si Jveo dun sa ex-bride ni Rajiv.

"Pero kung ganito naman pala na may girlfriend sya at buntis pa, sana mas naging responsable sya." Sabi ni Lola Anastacia. She keeps on telling me na lola na rin ang itawag ko sakanay. "Kung sasabibin nya ay baka una palang ay inurong na ang kasal."

'Baka' lang? Hindi pa rin pala sure.

"Kaya nga, ilang buwan na nga ba ang pinagbubuntis mo, hija?"

"A-Anim na buwan ho."

"My God! He has 6 months to tell that to us! Kapag nalaman kong sinadya ni Rajiv hindi sabihin ito dahil ayaw nyang panagutan ang bata, humanda talaga sya saakin!" Si Lola Anastacia kay Mrs. Belinda Alarcon.

Naloloka talaga ako sa mga pinagsasasabi nila. Lalo na nga at walang binanggit si Rajiv kung ano ang dapat sabihin sa mga bagay-bagay.

Napag-alaman kong wala sa pamilya nila ang tumatanggi sa responsibilidad at hindi daw sila papayag na si Rajiv ang maging una sa pamilya ang gumawa ng bagay na iyon.

Niyaya ko silang kumain na dahil alas-diyez na rin ng umaga at ilihis na ang topic pero tumanggi na sila.

"The truth is... sandali lang talaga kami rito, hija. May gusto lang talaga kaming sabihin sayo."

Pangiti na sana ako dahil mukhang paalis na nga sila pero mamamatay na naman ako sa kaba sa sasabihin nila.

"Siguro nagalit ka sa apo ko sa pagpapakasal nya sana habang dinadala mo ang anak nyo. Hindi ako magtataka kung galit ka pa rin kaya sa isla na ito ka nagtatago." Muntik na akong ngumiwi. Kung alam lang nila. "Alam ni Rajiv na may malala na akong sakit at sinabi kong gusto ko syang makitang magpakasal as soon as possible. Ang akala namin ay single sya kaya pinagkasundo na namin sya. Wala naman syang nabanggit tungkol sayo sa di ko malamang dahilan. Pero sana ay maayos nyo pa ito para na rin sa magiging anak ninyo at sana... makapagpakasal na kayo sa lalong madaling panahon.

//

"FUCK IT. THIS DIDN'T GO ACCORDING TO THE PLAN." Bumuntong hininga sya sa kabilang linya.

"What are you thinking? Sayo mismo nanggaling na strict especially about sa usapang pamilya ang buong angkan nyo. Tapos hinayaan mong isipin nila na nabuntis mo ako!?"

Tama, hindi ko din naisip iyon nong una dahil ang nasa isip ko nalang ay um-oo para matapos lang ang lahat.

"Yes. Pero mapili naman si Lola sa mga babaeng madidikit saakin. Si Julyanna pa nga lang ang inoohan nya sa dami ng pinili ni mom na pakasalan ko sana." Halata ang frustration sa boses nya. Pero kung magkaharap kami ngayon, siguradong nagsisigawan na kami sa inis ko.

"CEO ka ba talaga, Rajiv Alarcon? Ni hindi mo nga kayang mag-isip ng strategic plans!"

"Don't belittle me, woman." Mukang napipikon na rin sya. "Bakit ba naman kasi nagpa-impress ka? Anong ginawa mo para gustuhin ni lola na magpakasal ka saakin?"

"Hoy lalaki, wala akong ginagawa. Nakita nya lang siguro na maganda ako kaya gano---"

"She's not after the beauty. Mas gusto ni lola ang matalino---"

"Aba. Parang sinasabi mong hindi ako matalino ah? Para sabihin ko sayo, nagustuhan ako ng lola mo dahil beauty at brains ako! Wala akong pagpapa-impress na ginawa. Kusa syang namangha!" Nang matapos kong isigaw yon ay hingal na hingal ako.

Nakakainis ang lalaking to. Sya ang nag-isip, nagsinungaling na nga lang ako, ako pa sisisihin. Hindi nya ba alam na halos maihi na ako sa harap ng pamilya nya!?

Nanahimik sya sa kabilang linya sandali saka bumuntong-hininga. "Shit. What to do? Lola's gonna kill me kapag nalaman nyang hindi ko inayos ang iniisip nilang relasyon natin."

"Pinalala pa kasi." Bubulong-bulong ako.

"Kasalanan ko bang hindi ka nagtago nang maayos?" Sumasagot pa nga! "Ang kailangan ngayon, magpakasal tayo or---"

"No way!" Mabilis kong awat. Halos hindi na ako humihinga nang marinig pa lang ang salitang 'kasal.' "There's no way I will just marry a stranger---"

"Hindi kita pinipilit. I am just stating the options we have here." Nanahimik na ako dahil halatang naiirita na sya. "It's either you'll marry me or you need to hide again. Somewhere far so they can't find you again."

"Okay. I will just hide again."

Mas pabor saakin 'yon, ang magtago.

"Maghahanap ako ng lugar para makapagtago ka---"

"Hindi, ako na. Kaya ko naman na maghanap ng mas safe na lugar." Kaya naman na siguro ni Jveo to.

"Okay, whatever." Nagsimula nang umayos ang tibok ng puso ko dahil sa wakas, alam kong mas matatahimik na ako, hindi lang mula sakanya kundi maging sa pamilya nya. "Kapag hindi ka na nila nakita, pwedeng isipin nila na ayaw mo na talaga maayos ang relasyon natin at paglaon e rerespetuhin at matatanggap na nila yon."

Natulog ako na maaliwalas ang pakiramdam. Masarap ang tulog ko dahil alam kong wala na akong gaanong iisipin na pamilya Alarcon.

Katatapos ko palang mag breakfast alas-otso ng umaga nang tumawag si Jveo para ibalita na safe si dad at nasa isang isla na pag-aari nya na matatagpuan sa Visayas.

Nabanggit ko sakanya ang nangyari sa pag-uusap namin ulit ni Rajiv, sumang-ayon sya na kailangan kong maghanap ng bagong pagtataguan.

"Dyan nalang din ako sa kung nasaan si dad---"

"No. Masyadong mainit pa kayong dalawa sa mga mata ng drug lord na si Henry. Hindi kayo pwedeng magsama dahil mas mabilis nya kayong makukuha kapag nagkataon." Natahimik ako dahil may punto sya. "Mag-ayos ka na, mamayang 10 am ay lalapag dyan ang helicopter na sasakyan mo papunta sa isa ko pang tagong property."

Wala akong nagawa kung hindi ang ayusin ang mga gamit na kay Jveo rin galing lahat. Gaya ng sabi nya, 10 am lumapag ang sasakyan ko paalis at sumama na ako rito. Nagpaalam ako kay manang dahil hindi pala sya sasama saakin.

Ala-una ng hapon nang lumapag ang sinasakyan ko sa isang malawak na lupain. Mukang nasa isang liblib na lugar kami dahil mula palang sa taas ay kita ko nang napapaligiran ng maraming mga puno ang lugar.

Pagkababa ay naglakad kami sandali at hindi kalayuan ay bumungad saakin ang mga kabahayan. Medyo marami ang bahay at ang mga tao, pagbungad pa lang ay nangakangiti na sila. Naiilang na tumingin lang ako sa kanila.

"Ito ang lupaing pagmamay-ari ni Boss Jveo. Lahat ng nakikita mo sa paligid, pati ang kinatitirikan ng mga bahay at ang lugar na pinagsasakahan ng mga tao dito ay pagmamay-ari nya. Sa madaling salita, mga tauhan nya rin ang mga taong yan." Mahina pero buong sabi saakin ng piloto. Deretso lang syang naglalakad at iisang dereksyon lang ang tinatahak.

Napakalaki ng lugar at pag-aari lahat ito ni jveo!? Kasalukuyan pa akong namamangha kaya hindi ko napansin kung nasaan na kami. Nang huminto sya ay nasa harap kami ng isang gate kung saan kita mula rito ang isang bungalow.

Mula roon, kita kong lumabas ang isang nasa mid-40s na babae. Nagmamadali nyang binuksan ang gate saka ngumiti. "Welcome! Tuloy kayo!"

Tumanggi na ang piloto. Aalis na raw sya at may aasikasuhin. "Hinatid ko lang talaga sya gaya ng utos ni boss. Uuna na  ako."

"Sige mag-iingat ka." Anang babae.

"Salamat nang marami." Tumango lang ito saakin bago umalis.

Giniya ako ng matanda na ang pangalan pala ay Manang Inday. Nagkukwento sya tungkol sakanya habang papasok kami. "Sampung taon na akong mayordoma rito. Mula nang bilhin nya ang lupain ito e ako na ang punong tagapamahala sa bahay."

Woah! 18 years old sya nang mabiki nya ang lahat ng ito?

Itinuro nya ang kwarto ko at tinanong kung anong gusto kong kainin ko para daw lulutuin nya pero ang gusto ko ngayon ay magpahinga.

Parang may malaking bato na naalis sa dibdib ko. Nakahinga ako nang maluwag. This place is so quiet and peaceful.

Too quiet and peaceful na tipong namalayan ko nalang na dalawang linggo na ako rito. Hindi ako na-bored dahil marami akong kasambahay na nakakausap dahil ayoko rin namang lumabas para mamasyal gaya ng aya nila saakin kahit ligtas naman daw talaga dito. Pero sa tuwing naaalala ko na naggraduate ako sa kursong business management pero nakatunganga ako ngayon dito ay hindi ko mapigilang mainis sa pangyayaring to ng buhay ko.

We have some businesses at alam kong marami ring investments sila dad mula pa non. Hindi na nga lang ako magtataka kung malalaman kong wala na ang lahat ng iyon ngayon.

Minsan na kaming nagkatawagan ni dad pero sandali lang iyon. Sya na rin ang nagpasya na wag muna kaming magcommunicate sa isa't-isa dahil baka mahanap sya nina Henry at malamang alam ni dad kung nasaan ako. Kahit na sinabi kong may tiwala naman ako kay Jveo.

Alas otso ng umaga, nagkakape ako sa sala nang nagmamadaling pumasok ang kasambahay na si Rowena. Halatang saakin sya papunta habang may kaba sa mukha kaya naman dinunggol din ako ng kaba, binitawan ko ang kape sa mesa.

"Ma'am Tracy! May lalaki sa labas, hinahanap kayo."

Napatayo ako sa takot. "S-Sino? Bakit hinahanap ako?"

"Ewan ko, basta raw gusto kayong makausap. Ang pangalan daw e Rajiv, importante lang daw po. Sinabi kong baka nagkakamali sya dahil wala akong kakilalang Tracy Madonna Peñaredonda pero sigurado daw syang andito kayo. "

Rajiv? Bakit naman nya ako hahanapin? Akala ko ba, kapag lumipat na ako ng mapagtataguan ay okay na? Sa tingin ko naman ay malabo na akong mahanap dito ng mga magulang nya, paanong nandito sya ngayon?

"Anong bang... anong itsura?" Paniniguro ko. Mahirap na. Baka alam din nila Henry ang tungkol kila Rajiv.

Pinakita nya saakin ang cellphone nya at may picture doon ng lalaking nakatayo sa gate. Hindi ako nagkakamali, si Rajiv Alarcon nga!

Malinaw ang picture, brown na brown ang mata nya, matangos ang ilong at maganda ang labi. Kitang kita rin ang maganda nyang panga mula dito sa larawan. Hindisya nakatingin sa camera pero parang may something sa tyan ko na nagwawala. Mukang kinakabahan na naman ako na makita sya.

Nakasuot din sya ng blue tshirt at pants na sa sobrang bagay sakanya, kulang nalang ay stage para rumampa sya.

"Papasukin nyo ho." Walang pagdadawalang-isip na lumabas sya. Napatingin ako sa sahig habang nag-iisip kung anong pedeng dahilan bakit nandito sya nang makarinig ako ng tikhim.

Pag-angat ng tingin, nagsalubong kaagad ang mata namin. Nagtaas ako ng noo kahit pa nga sobrang lakas na ng kaboh ng dibdib ko sa kaba.

Ngumisi naman sya. "Nice hideout." Tumingin sya sa paligid bago muling nabaling ang tingin saakin. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Tracy Madonna Peñaredonda, wala ka nang pagpipilian sa ngayon. Tutal ikaw naman ang nagsimula nito, hindi na tayo makakalusot. You need to marry me now."

Nanlaki ang mga mata ko. "Are you nuts? Why would I?" Nanggagalaiting sigaw ko. Naghanap ako ng kasambahay sa paligid pero wala kahit isa. Umatras ako nang magsimula syang humakbang papalapit.

"Why not?" Patuloy sya sa paglapit saakin habang palayo naman ako. "You're hiding from Henry the drug lord and maybe, someone told you to stop my wedding and he'll help you hide. I'm still not sure about that 'someone' but I know he own this place."

Tumigin ulit sya sa paligid.

"I won't marry you." Matigas na sabi ko. I am too idiot thinking that I can hide the truth from him. He can't be easily fooled. Ngayong alam nya na, then what? Hindi pa rin ako magpapakasal kahit kanino.

"You stopped my wedding, remember? Uulit-ulitin ko pa ba? You started this! And my lola's in the hospital right now since yesterday. Bukambibig ka nya at ang dinadala mo. She's talking about our marriage already and I just can't say no. Sinabi kong hahanapin kita kahit anong mangyari at mapapanood nya tayong magpakasal. Ayaw mo naman na sigurong bumalik kay Henry Arquilles, ano?"

"S-Stop blackmailing me!"

"I am not just blackmailing you. I am also offering my help. I will hide you but first, you need to---"

"One reason to marry you?"

Ngumisi sya habang may naglalarong emosyong hindi ko mabasa sa mga mata nya.

"Reason?" Tumawa sya nang mahina at naiinis ako kung bakit parang namamangha akong pinanood pa iyon. "Honey, You just need to choose. It's either you'll marry Henry... or you'll marry me."

Related chapters

  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   FIFTH

    "NOW I PRONOUNCE YOU, MAN AND WIFE." Anang pari na nakapagpatulo ng luha ko. "You may now kiss the bride." Mula pagkabata, habang sinasaksihan ang pagsasama ng parents ko, nangarap akong balang araw, hahanap ako ng katulad ni Roscoe Peñaredonda, my dad. He's a great husband at ako ang magiging Jemelli Escalante-Peñaredonda version 2. My first boyfriend will be my last too. I will marry him infront of hundreds of people. Napalingon ako sa buong paligid ng simbahan kung saan ginanap ang simpleng kasal namin ni Rajiv. Iilan lamang ang tao at puro mga kamag-anak nya. Ni wala si dad dito pero mabuti na sigiro yon dahil hindi rin naman mahalaga ang kasal na ito. Nang papiliin ako ni Rajiv noong nakaraang linggo kung sya ang pakakasalan ko o si Henry ay sinama nya na ulit ako pabalik sa Manila. Obvious naman kung ano ang desisyon ko. Mabilis na inayos ang kasal namin at ngayon nga ay parang nag flashbacks saakin lahat ng mga pangarap ko mula noong bata pa ako. Ni wala syang tinanong kung

    Last Updated : 2022-07-14
  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   SIXTH

    GAYA NG INAASAHAN KO, WALA TALAGA SYANG PAKE SAAKIN. Hindi naman sa gusto kong magkaroon ng pake dahil alam ko para saan kami nagpakasal. But he's too cold. He's colder than before. Or baka ganito naman talaga sya noon pa? Isang linggo na kaming magkasama pero ni hindi nya ako kinakausap. Parang hangin lang akong dumaraan sakanya. Pero noong isang araw naman na dinalaw namin ang lola nya sa bahay nila, kung makakapit sa bewang ko e parang mawawala ako. I was almost deceived. The way he snakes his arms around my waist screams possessiveness. Medyo mahina na ang lola nya at hindi na gaanong nakakalakad kaya naman nang yayain nya ako sa garden na kaming dalawa lang ay tinulak ko sya. Kasama ni Rajiv ang mga pinsan nya non sa sala at nang makita nyang magkasama kami ng lola nya ay tiningnan nya ako nang makahulugan. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng lola nya non. Matapos ang matagal na katititig sa mga halaman habang ako ay nakatayo sa likuran nya, biglang nagsalita ang lola ni Ra

    Last Updated : 2022-07-16
  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   SEVENTH

    SOMETHING CHANGED AFTER THAT DAY.The way he talks, he smiles, he moves around me. Our relationship changed. From disguising as sweet couple infront of everyone to... disguising... even infront of each other only?But I am starting to like it. Parang bulang nawala ang iristasyon ko sakanya.Naeenjoy ko na ang paggising sa umaga at paghahanda ng susuotin nya papunta sa opisina. Mula nang mangyari ang pagbati nya noong birthday ko, nalaman kong ayaw na ayaw nyang nagsusuot ng tux. Nabanggit nya pa nga na naiirita sya don pero dahil gusto nya akong inisin e iyon ang sinusuot nya para lang mautusan nya akong magtanggal ng neck tie nya.Halos araw-araw kaming nag-uusap ni dad via call at paminsan-minsan ay nakakapagvideo call pa nga kami. Tinuruan nya akong magluto sa pamamagitan ng pagsasabi saakin kung ano na ang gagawin. The first day he taught me isn't successful. Umuwi si Rajiv nong gabing iyon na may hiwa ako sa daliri, magulo ang kusina at sunog ang pagkain. He just laughed while fi

    Last Updated : 2022-07-16
  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   EIGHTH

    WE CONTINUED THE DAYS HAPPY.Hindi ko binanggit sakanya ang tawag na iyon noong hatinggabi at hindi rin naman sya nagtanong saakin. Hindi ko sinabi pero sa kaibuturan ng puso ko ay gusto kong magtanong man lang.Samantalang matapos ang isang buwan at dalawang linggo naming pagiging mag-asawa ni Rajiv, sa wakas ay nasabi ko ma iyon kay dad. He cried and he's guilty but I told him that it is my decision.Hindi ko man gusto, napaamin nya ako sa nararamdaman ko ngayon. He told me that I sounds like someone who's happy in marriage life. He asked me and I told him that it's not my fault because Rajiv is really a likeable person. Dahil doon, sinabi nyang gusto nya itong makilala kapag maayos na lahat. Pero hindi nya itinago ang pag-aalala."Acy, anak, hindi kaya..."Hindi nya na itinuloy ang sasabihin pero alam kong ang gusto nyang itanong ay kung h

    Last Updated : 2022-07-17
  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   NINTH

    Present time...IT'S STILL TOO EARLY FOR HIS FIRST MEETING BUT HE'S READY AS USUAL.Pumasok si Rajiv sa restaurant ng kanyang kaibigan kung saan palagi siyang nag-oorder ng kanyang kape. Umagang-umaga pero halos puno na ang mga mesa kaya naman agad gumala ang kanyang paningin.Nang makita ang bakanteng mesa sa bandang sulok ay agad siyang pumunta roon. Pero hindi pa man nakakaupo, napansin niya ang isang batang lalaki sa tabi ng mesang iyon. Diretso lang itong nakatingin sakanya pero pinilit niyang iignora iyon.The kid is sitting alone, probably around 5 to 8 years old. Nakasuot ito ng puting T-shirt, maputi, masyadong agaw-pansin ang pagkakakulay brown ng mga mata nito. The kid stared at him more and he's irritated kahit pa sa peripheral vision nya lang naman ito nakikita.Lumapit ang isang waiter at sinabi kung gaya ng dati ang kanyang order. Kilala na siya sa restaurant kaya naman agad itong umalis nang sumang-ayon siya. Gaya ng mga nakaraang araw ay um-order lamang siya ng cappuc

    Last Updated : 2022-07-18
  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   TENTH

    SHE WOKE UP EARLY IN THE MORNING. Its Acy's first day as an acting CEO.Pagkaligo, kinatok niya ang anak sa kwarto nito. "John, it's my first day of job. You wanna eat with me?""Ah, yes, mom!"Hinintay nya ito sa baba, hindi naman nagtagal ay sumunod ito sa kusina. Maayos na ang itsura ng kanyang anak. Mukhang nakapaligo na rin ito kani-kanina pa, hindi lang bumaba."John, tomorrow I am going to enroll you in the school near here." Naalala niyang sabihin dahil malapit na namang magpasukan, May na kasi."You are busy, mom. I am going with nanay Estella." Tukoy nito sa matandang kasambahay na ka-close nito nang sobra.Napangiti si Tracy saka tumango dahil busy na sila muling kumaing dalawa. Ang bagay sa konting namana rin ng anak niya ay ang malakas niyang pagkain."By the way, what hap

    Last Updated : 2022-07-18
  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   ELEVENTH

    HANGGANG PABABA NG SASAKYAN AY HAWAK PA RIN SIYA NG MGA PINSAN.Nang bitawan siya ng mga ito ay kaagad niyang inilibot ang paningin. Here he is again. Sa park kung saan lang siya galing kahapon.Hinimas-himas nya ang ulo na mas lumaki pa ang bukol ngayon."Seriously, people. Why are you doing this? If you are bored, just play. Tatlo naman kayo. Pwede kayong mag-wrestle, boxing, o kung ano pa. Bakit kailangang idamay ako?""We are bored but basketball is what we want to play. Tatlo lang kami kaya ikaw nalang ang sinama namin para 2 versus 2 ang laban." Nakangisi pang ani Jay sakanya."Dapat si Toyki nga isasama namin." Tukoy ni Gian sa isa pa niyang pinsan na ngayon ay nasa ibang bansa dahil sikat na modelo ito roon. "Kaso wala sya sa bansa e. Di naman namin sya mapapauwi dahil lang bored kami. Tayo-tayo naman talaga noon naglalaro kay

    Last Updated : 2022-07-19
  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   TWELFTH

    "MA'AM, MAY IMPORTANTE PO KAYONG MEETING TODAY.""Ah yes, nabanggit na saakin ni sir Gael." Ang tinutukoy nya ay ang naging kaibigang matalik nya sa U.S na siyang naging amo niya rin at nag-alok sakanya na pamahalaan niya ang kumpanya nila noon.Nang tumawag ito noong isang araw para kamustahin siya at ang lagay ng company, nabanggit nito na kailangan niyang makipag meeting sa Alarcon Group of companies dahil matagal na rin daw nitong nais makipagpartnership sa isa sa pinakasikat at successful na company sa Asya. Nakakuha at naaprubahan na ang appointment last week pa.Nais ni Gael na mas mapalawak at maging mas matayog ang company nito. Kahapon nga ng umaga, nag-email sa kanya ang secretary ng CEO ng Alarcon GOC at kinumpirma ang meeting nila.Yes, Alarcon Company. Ang kumpanyang pagmamay-ari ni Rajiv Xen Alarcon.Wala siyang pake kung magkikita man silang dalawa. Nakita nya na naman ito ng ilang beses, anong pinagkaiba kung makikita rin sya nito?Pero nalaman niyang ang secretary ni

    Last Updated : 2022-07-24

Latest chapter

  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   Special Chapter 3: Now and then

    JOHN'S POV. "SO, WHAT WILL HAPPEN NEXT?" I just looked at Tim. honestly don't know too. I am overwhelmed and I admit I still cannot think clearly after everything. I've expected some things already but most of them still shook my senses. "Hopefully, nothing bad will happen again." He smirked at me and I saw his eyes twinkled as if he remembered something really interesting. "By the way, have you read the book we just bought yesterday? I just read it last night and I can say that "Quantum Universe" is really interesting!" "I haven't." I looked at mom and dad sitting on the blanket near us. They look so happy and they are talking about something with smile on their faces. "I am still reading the mathematics book we also bought." "Oh, you are also interested in that mathematics book? I haven't read my copy yet because I am hooked on the Quantum Universe. I would love it if we discussed math on our next play date." I quickly agreed with a nod and smile. "i love discussing science,

  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   Special Chapter 2: I like her because...

    "LAST YEAR, I HAD THE URGE TO WRITE A BOOK." Napatingala si Tim nang marinig si John. Binitawan nya ang binabasang Math book. Naroon silang dalawa sa verandah ng kwarto ni John, magkatapat silang nakaupo, ang binabasa ni John na libro ay isang Science book, ang akala niya, gaya ng mga nakaraan, focus na focus ito sa ginagawa kaya nagulat siya nang bahagya aa sinabi nito. "What kind of book then?" He gave his full attention to him. Well, whatever he's saying, he's making sure to always listen. Just like how John always listens to him as well. "Is it a biography? Compilation of something?---" "I wanna write a love story, a romance maybe with a bit of a thrill, psychological horror... something like that." "Wait! As in a book like that? " Tumango ito. Nangunot ang noo niya. "What made you think about that thing?" Is he in love? May nagugustuhan bang babae ang kaibigan niya nang hindi nya man lang natutunugan? Tim's aware that they're teenagers now, they're in their last year of hi

  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   Special Chapter 1: She smiled to him

    ACY' POV >FLASHBACK...

  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   Note!

    hi lovveee sorry for being inactive. After months of not writing, I feel like I once again found my motivation to write. Idk what happened, I just happened to remember this ongoing story of mine in this application. I remembered it is still unfinished and I really do apologize for that.However, this time, after finding my peace again, I feel like I am confident enough to write.Love y'all and once again, I apologize. Though I really appreciate you for reading this story of mine. I, once again, is signing in to let the ink of my pen bleed.

  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   Special Chapter 1: Masquerade Party

    I heard Acy agreed to be the section representative on their masquerade night.She's already in fourth year high school while I already graduated last year, and I am currently working as one of our company's janitor.Si Jveo ang nagbanggit saakin na nalaman niyang sa masquerade night daw, magbi-bid ang mga tao para maisayaw ang representative per section sa isang buong kanta. Acy is pretty famous in school kaya naman alam kong maraming magbi-bid para lang maisayaw sya.That's why that night, I planned to gate crash. Katatapos lamang ng trabaho ko ay nag-check in ako sa isang hotel. Nagmamadali na akong naligo at nagbihis ng pamalit kong nakalagay sa dala kong bag.Habang nakatitig sa aking repleksyon at inaayos ang buhok ko, paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko kung okay ba talaga ang gagawin ko.But I am, again, whipped. I always wanted to see her on every

  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   FORTIETH

    KUMAKABOG NANG MABILIS ANG PUSO NI ACY.It'll be her first time seeing Rajiv again if ever after a month.Nang bumalik sya sa hospital room nito a month ago, inaasikaso ito ng mga doktor kaya naman hindi na siya pumasok pa. Hindi na sya nagpakita pa.Everything became clear and light but her guilt is still eating her that time.Hindi sila umalis ng bansa ng kanyang anak at wala na rin siyang balak pa. Isang buwan na ngayon itong nag-aaral sa school na pinapasukan din ng kaibigan nitong si Tim.She's working from home right now, she needs space to think and ofcourse, para na rin pagsisisihan ang mga nangyari noon. Para na rin ito sa sarili nya.Hindi nya na muli pang nakita si Rajiv mula noong magising ito. She's still absorbing everything and it feels like she wasn't ready yet.Pinpayagan nya naman ang anak nyang magpunta kila Rajiv dahil na

  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   THIRTY-NINTH

    "I HEARD THE BULLET MIRACULOUSLY DIDN'T REACHED PAPA'S HEART."Tumango si John. Unang araw ng pagdalaw ni Tim sa hospital ngayon pero mukang marami itong alam sa nangyari kahit wala pa syang sinasabi rito.But he knows that Tim heard his Lola Belinda earlier nang tawagin sya nitong apo. Gayunpaman, walang kahit isang tanong ito.It's either, he just ignored it, he didn't care so much about it or... he already knows it. But John didn't asked him too."Yes, the shooter came from behind. The operation lasted for more than 4 hours and he's now awake... that's really a miracle and I am happy for it.""If Tita Acy was shot, it'll be fatal too especially because according to what you've said earlier, she's the target and she's facing those shooters, right?""Yes, they aimed for her heart. Unlike any other organ that can transplanted like a lung, kidney, or liver, heart transplant will need to get it from a deceased donor and that'll be hard." John's face became pale while thinking about the

  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   THIRTY-EIGHTH

    AFTER 2 DAYS OF RAJIV IN ICU, ACY'S FINALLY ABLE TO TALK TO JVEO FACE TO FACE.Hinihintay nya ang sinasabi nitong paliwanag nang nakaraan pang araw pero nagulat pa rin siya nang magpakita itong bigla sa hospital kaninang umaga habang nasa ICU siya.May kasamang lalaki si Jveo na hindi nya kilala. Sinabi nitong sa coffee shop sila sa malapit mag-usap at walang imik syang sumunod. Si John ay kasama ng lolo at lola nito ngayon. Si Mrs. Belinda kasi ay biglang nagka-mild heart attack nang magkita silang muli noong isang araw. Hindi nya pa nakakausap ang mga ito sa ngayon.Pagkaupo pa lang, hindi na sya mapakali. Nasa magkatabing upuan sina Jveo at ang kasama nito. Bukod sa naging mas matured tingnan, wala nang nagbago pa sa itsura ni Jveo. Ang kasama naman nitong lalaki ay may brown na bilugang mata, matangos na ilong at mahabang buhok. Kabuuan, maganda itong lalaki at mukhang laging may nang-iinis na ngiti.Marami syang gustong itanong at sabihin kay Jveo pero hindi nya alam kung saan m

  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   THIRTY-SEVENTH

    IN ACY'S MIND, SHE HAS NOTHING ANYMORE.Gusto nya nalang maglaho. Umuwi sya sa bahay nang makita ang anak nyang kasama ang mga pinsan ni Rajiv sa kwarto nito. Wala pa ring malay si Rajiv at iyak nang iyak si John sa tabi nito habang paulit-ulit na humihingi ng tawad.Matagumpay naman ang operasyon pero nasa kritikal pa rin itong kundisyon. Iniisip tuloy niya kung bakit ginawa iyon ni Rajiv. Bakit isasakripisyo nito ang buhay para sakanya? Bakit nito iniharang ang sarili?Kaso, pagod na rin syang mag-isip pa ng maaaring mga dahilan. Wala pa ring nahuhuli sa pamamaril.At ang anak niya... galit ito...Paulit-ulit na iyon ang tumatakbo sa isip niya hanggang sa malunod na sya kaiisip. Wala na syang maramdaman.Wala syang isa mang nakasalubong na kasam-bahay. Dumiretso sya sa kusina.Namamanhid ang buo nyang katawan. Mas maganda sana kung mamanhid na rin pati ang kanyang pakiramdam pero paulit-ulit pa rin syang nasasaktan.Nanginignig na uminom sya ng tubig kaya naman nabitawan nya ang bas

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status