HMH-47MASAYANG naglalaro ang kambal sa park. Kagaya ng naunang plano niya na gagawin nilang bonding ang araw-araw na magkakasama sila. Nagdala sila ng mga pagkain at kasama rin nila ang kanyang tyahin at asawa nito. Kita niya ang saya at enjoyment sa mukha ng kambal. Kita ang pagiging friendly ni Natalie, habang si Nataniel naman ay tila napaka-mature mag-isip at over protective sa kakambal nito. Masaya ang dalawa sa pakikihalubilo sa iba. Naging abala naman si Yanna sa pag-aayos ng kanilang dalang matt at mga pagkain. "Masaya kami na kahit pa-paano binigyan mo ng extra na oras ang mga anak mo. Alam mo ba na ito ang palagi nilang sinasabi kapag namamasyal kami rito? Na isang araw, kasama ka nila na namamasyal dito. Naiinggit kasi sila sa ibang mga bata kapag nakikita nila na kasama nila ang mga parents nila. Salamat naman at ngayon nangyari rin." Masayang sabi ng tyahin niya na tumulong sa kanya sa pag-aayos ng mga pagkain. "Opo nga, t'yang. Kung hindi nga lang ba dahil sa sobran
HMH-48XANDER"Natalie?" Mula sa kanilang kinauupuan ay narinig niya ang tawag na iyon mula sa may edad ng ginang na kasama nina Yanna. Nilingon niya ito at nakita na nagtatanong ito sa ibang mga naroon at bakas sa mukha ang pag-aalala. "Have you heard that? They're calling you. Sigurado na alalang-alala na sila sa 'yo," Lumingon ang batang babae sa tumatawag na ginang at nakangiting itinaas ang dalawang kamay at kumaway."I'm here, grandma," malakas din na sigaw ng bata. Napalingon ang ginang sa gawi nila at patakbong nilapitan si Natalie. "Jusko, naman bata ka at bakit ba lumayo ka? Pinag-alala mo pa kami nang sobra," Sabi nito habang papalapit."I'm sorry, lola," At mabilis na sumalubong ng yakap sa abwela ang bata. "Salamat nga pala mister at hindi mo hinayaan na lumayo pa itong apo ko," sabi ng ginang kay Xander ngunit bakas sa mukha nito ang labis na pagtataka habang nakatitig sa mukha ni Xander. "Wala pong anuman, nakakatuwa nga po siyang kausap, eh," tugon ni Xander na
HMH-49"DO you know him, Mommy?" tanong ni Natalie na nakapagpalingon kay Yanna rito.Seryosong nakatitig naman si Nataniel sa kanyang ina. Habang tila may pagdududa naman sa mukha ng kanyang tyahin. Matagal muna na hindi nakaimik si Yanna. Nabalik lamang siya sa sarili mula sa pag-iisip, matapos marinig muli na nagsalita si Natalie."Hi!" ani Natalie habang nakadungaw sa bintana ng kotse at kumakaway kay Xander.Napansin ni Yanna na gumanti rin ito ng kaway sa bata. "Kilala mo ba ang taong iyon?" Baling na tanong kay Yanna ng kanyang tyahin at bahagya pa nitong tinapik ang balikat ni Yanna.Makahulugang napatitig na lamang si Yanna rito. Bumukas ang gate at nakita ni Yanna ang pagkaway ng kanyang tyuhin kaya kaagad niyang ipinasok ang kotse sa bakuran. Mabilis na bumaba si Natalie at akmang lalapit sa gate."Where are you going?" tanong ni Yanna sa anak."I just want to look at that man, Mommy. Para kasing d'un sa kabilang bahay s'ya kanina galing. Baka roon na rin s'ya nakatira."
HMH-50Halos hindi dalawin ng antok si Yanna nang gabing 'yon. Hindi maalis sa kanyang isip ang mga itinatanong ng kanyang tyahin at ang sinabi ng kanyang anak na si Natalie, na kahawig nila si Xander. Palibhasa hindi na niya iyon napagtuunan ng pansin n'on, bagama't isa iyon sa una niyang napuna rito matapos ang una nilang pagkikita noon sa isang auction habang isinasagawa niya ang isang misyon. At hindi rin siya gaanong nakaramdam ng pagkailang dito matapos siya nitong tulungan sa hotel. Kailangan nga lamang niyang itago rito ang totoong feeling sa pamamagitan ng pagsusungit dito. Isa pa ayaw naman niyang lumabas na isang cheap lalo pa at isa na siyang disgrasyadang babae. Matapos na may mamagitan sa kanila ng kung sinong lalaki noon sa isang bar, hindi na siya nag-aksaya ng panahon na alamin pa kung sino man ito. At lalo na wala siyang balak maghabol dito matapos siyang mabuntis at maanakan. Aminado naman siya na siya ang may pagkukulang sa sarili kaya nangyari 'yon. Bumangon siya
HMH-51MAAGA pa lamang ay handa na ang kanyang kambal para magtungo sa park. Kagaya ng ipinangako niya sa anak na si Natalie, pumayag siya na muling makipagkita ito kay Xander kahit pa nga labis-labis ang kabang nararamdaman niya. Hindi rin kasi niya maintindihan ang kanyang sariling nararamdaman kung matutuwa o maiinis. Hindi rin niya sigurado kung nagkataon nga lamang ba na narito ito o sadyang sinusundan siya. Ano pa man ang dahilan, narito na at nakita na ito ng mga anak niya, kaya no choice na rin naman para tumanggi siya sa munting hiling ng anak. Pagdating na pagdating pa lamang nila sa park ay kaagad nang nahagip ng tingin ni Natalie ang bulto ni Xander na kasalukuyan nag-dya-jogging sa park. "Mommy, he's there," Sabay turo sa gawi ni Xander. "Gusto mo ba talaga siyang lapitan? Kita mo naman parang busy 'yung tao," seryosong sabi ng kakambal nito na si Nataniel. Hindi maiwasan ni Yanna ang mapangiti. Aminado naman siya na may pagka-istrikto si Nataniel, taliwas sa pagiging
HMH-52YANNAMATAGAL na hindi siya nakaimik matapos ang sinabi ni Xander. Makailang ulit pa muna siyang humugot ng malalim na hininga bago niya nagawang harapin ito. "You don't know me well. And you don't have any idea what happened to me before. Kung bakit at paanong may anak ako na walang asawa. Isa pa, hindi ko obligasyon na magpaliwanag sa 'yo ng kahit ano. Personal kong buhay at desisyon kung ano ang mayroon ako ngayon. At masaya na ako sa ngayon, ayaw ko nang maghanap nang dagdag sakit ng ulo. Kaya please lang, igalang mo sana kung ano ang gusto ko. And I want you to forget what happened to us that night. I hope that you'll understand me. Ayaw ko nang magtatanong ka pa ulit sa 'kin ng tungkol dito. Sa ngayon kalilimutan ko muna ang lahat nang 'yan. Pero sana hayaan mo na muna ako sa personal na buhay ko. Please lang naman sana?" Halos maglangitngitan ang mga ngipin ni Xander sa pangangalit matapos ang narinig. Tila gustong kumawala ng kanyang temper sa sinabi nito, ngunit pini
HMH-53YANNATATLONG araw na mula ng huling makausap ni Yanna si Xander sa park, at hindi na niya ito muling nakita pa na bumalik sa park. Nakaramdam din siya ng pagkadismaya. Marahil ay dinamdam nito ang huling napag-usapan nila. Minsan din siya tinanong ng anak ngunit wala rin siyang maibigay na sagot. Kita ang lungkot sa mukha ni Natalie sa tuwing mamamasyal sila na hindi makita roon si Xander."I miss him na Mommy! Kailan kaya ulit s'ya babalik dito?" Minsan ay sabi ni Natalie habang nakaupo sila at kumakain."He said next month," maikling sagot ni Nataniel habang panay ang subo ng pizza. Nagkatinginan sina Yanna at ang kanyang tyahin. "Hindi ba sabi ko naman sa inyo na bising tao s'ya? Kaya nga huwag kayong umasa na makakabalik pa siya ulit dito para makita kayo. Sigurado naman ako na hindi naman iyon mangyayari. Sa dali jg work load n'un malilimutan na rin n'ya ang promise n'ya sa inyo," matabang na sabi ni Yanna. 'Kasalanan mo talaga ito, Xander. Kung hindi mo sana kinuha an
HMH - 54YANNA"REMEMBER, may isang bagay akong ipinatabi noon sa 'yo? 'Yung nakuha ko sa loob ng mansyon, n'ong inilabas kita after ka nilang maging hostage?" tanong n'ya kay Kate. Sandali itong nag-isip bago tumango, "Hmm, oo nga meron. Ano na nga ba 'yon?" sandaling nag-isip na tanong nito."That's a blue print," biglang sagot naman ni Gina na abala naman sa pag-a-assemble ng armas nito, "Kailangan na mas mapag-aralan natin 'yon. Tiyak na malaking tulong 'yon sa atin." "Can you please give me that thing?" Mabilis na binuklat at hinanap iyon ni Kate mula sa mga files nila, "Here!" "Hmm," matamang pinag-aralan ni Yanna ang blue print. "That house has a secret passage," "Hindi ba expected na natin 'yon noon pa man?" si Trish."But this one is not an ordinary mansyon. Look!" Aniya at itinuro ang mga posibleng lusutan."Whoa! Sinong mag-aakala na may ganito pala itong design? So, kaya hindi sila basta-basta mahuli kahit ilang beses na silang nire-raid?" Bulalas ni Trish."Yup! Plus
HMH-87MULA sa kanyang kinatatayuan, tanaw ni Yanna ang kabuuan ng lungsod. Mataas na mga gusali at parke. Para sa kanya napaka-perfect na nang lugar na iyon. Masuyong dumadampi sa kanya ang mahalina, malamig at sariwang hangin. Kasabay na sumasayaw ang mga dahon at puno sa ihip nito ganundin ang mga huni ng mga ibon sa paligid. Tanaw niya ang lagaslas ng tubig na nasa talon sa ibaba at ang malinaw na daloy ng tubig nito. Masasabi niya na kagaya ng paligid niya, nakamtam niya ang kapayapaan at katahimikan na hinahanap niya. Mula sa kanyang harapan, natatanaw rin niya ang nalalapit na paglubog ng araw na kay gandang pagmasdan."Malamig rito, hindi ka pa ba papasok?" tinig ni Xander mula sa kanyang likuran. Lumapit ito sa kanya at mula sa kanyang likuran ay hinapit siya nito palapit sa malapad nitong katawan.Masuyong isinandig ni Yanna ang kanyang ulo sa malapad nitong dibdib at ikinulong sa kanyang palad ang palad nitong nasa kanyang sikmura.Kasalukuyan silang nasa isang isla na pa
HMH-86"I can't believe it. Sa dami ng mga pangit na napagdaanan ko noon, I never imagine, na mabubuo ko pa pala muli ang pamilya ko na akala ko matagal nang wala sa akin," madamdaming ani Yanna. Kasalukuyan silang nakahiga ni Xander. Relax at kampante siyang nakahiga habang nakaunan sa malapad na dibdib ng lalaki. Panay ang himas nito sa kanyang mahaba at malambot na buhok habang dinadampian ng pinong halik at inaamoy."Are you happy now?" anas ni Xander at masuyong hinaplos ang kanyang balikat."I can't measure how happy I am at this moment. Masaya ako na napanagot na ang mga taong may kasalanan sa pagkamatay ng mga kinilala kong mga magulang. Atlast, matatahimik na rin sila kung saan man sila naroroon." "I'm sure nagagalak sila sa magagandang bagay na nangyayari ngayon," "Yeah!" Itinaas niya ang kanyang mukha upang tingnan ang binata, "Thank you!" "Basta para sa 'yo at sa mga anak natin, always akong narito. I love you," anas nito at dinampian ng masuyong halik ang kanyang noo.
HMH-85Habang nasa loob ng banyo si Xander, sinamantala ni Yanna ang pagkakataon na tingnan ang paligid ng silid. Nilapitan niya ang mesa na nasa bandang gilid at pinagmasdan ang mga larawan na naroon. Umagaw rin ng oansin sa kanya ang isag maliit ba box na nasa ibabaw. Curious na kinuha niya iyon at binuksan. Napangiti siya nang makita na isa iyong napakaganda at napaka-eleganteng singsing na may pusong bato na diamond.Dala ng kapilyahan, sinubukan niya iyong isuot sa kanyang palasingsingan at nagulat siya na makitang kasya iyon sa daliri niya. Hindi pa siya nakuntento at sinubukan niyang buksan ang ilang drawer na naroon. Matapos ay ang closet naman nito ang kanyang tiningnan. Kunotnoong napaisip siya, dahil mangilan-ngilan lamang ang mga gamit nito na naroon. Natuon ang pansin niya sa drawer nito. Ewan ba at kung anong kapilyahan ang pumasok sa isip niya at na-curious siyang makita kung pati ba ang mga underwear nito ay iilan rin. Binuksan niya iyon at tiningnan. Taliwas sa in
HMH-84"OH MY GOD! What happened to me last night? Why am I here?" Nailibot niya ang kanyang tingin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan. Simple ang ayos ng silid at nakahiga siya sa malaki at malambot na kama. Kulay gray ang kulay nito at may malaking chandelier sa pinakagitna ng ceiling. Naroon din ang amoy ng lavander na ginamit na air freshener. Bumangon siya sa kinahihigaan, ngunit gan'on na lang ang gulat niya nang makitang iba ang kanyang damit na suot. Isang malapad at malaking tshirt na kulay asul at halos hanggang sa kalahati ng kanyang hita ang abot ng tabas na ikinalabas ng kanyang mabibilog at mapuputing hita. At ang nakapag pahigit ng kanyang hininga ay nalaman niyang wala siyang suot na bra at ang kanyang pang-ibaba ay 'brief?' "Oh my God! Sino ang nagbihis sa akin? Why I am wearing this?" Shock sa sariling tanong niya at mabilis na tumayo. Akmang palapit na siya sa pinto ng silid para maghanap ng tao nang biglang bumukas iyon at nagulat siya sa taong nasa harapan. Bit
HMH-83"You are preoccupied with something. Care to share?" tanong ng kanyang kaibigan na si Trish na lumapit sa kanya. "I'm just wondering how my kid's say that Xander is their father? I am really surprised!" naguluhan at napaisip si Yanna sa isiping alam niya na anak ito ng kanyang biological father na si Sam. Which means na magkapatid pa rin sila at mali na maging ama ito ng mga anak niya. Kasalukuyan silang nakaupo sa sala habang ang iba ay abala sa hardin at nagpa-party. Pinili niyang mapag-isa muna para makapag isip. Mula kanina, matapos ang mga nangyari, hindi pa rin bumabalik si Xander mula ng umalis ito na tila na nag aapura. "Yeah, even for me it was a surprise." ayon ng kaibigan."Just like the way you all surprised me," pairap na tugon ni Yanna rito.Natawa ito, "Yeah, sorry! Please forgive me. It was just to make sure that you are safe," sagot nito na naiilang."How's that? You all guys act excellently." Naiiling na sagot niya."Oh, We don't have bad intentions, look w
HMH-82Mabilis at malalaki ang mga hakbang na tinakbo ni Xander ang kinaroroonan ni Nathaniel. Wala siyang pakialam sa mga bantay na nakaharang at nasa kanyang daraanan. Buong lakas na itinulak niya ang mga ito. Sa pagkakataong iyon, hindi niya inisip ang panganib para sa kanyang sarili, kundi ang kagustuhan na masagip sa bingit ng panganib ang bata. Walang nagawa ang dami ng bantay na naroon para harangin ang lalaki. Buong lakas na itinulak niya sa gilid ang bantay sa batang lalaki kaya nawalan ito ng balanse at nalaglag. Dahilan para mas lalo nitong nabitawan ang lubid na nakatali sa katawan ng bata at mas mabilis na bumulusok ito pababa. Tinalon ni Xander ang natitirang pagitan bago pa man tuluyang maubos ang rolyo ng lubid. Maswerte na nahawakan niya ang lubid at makailang beses na ipinulupot iyon sa kanyang kamay upang masiguro na hindi iyon mabibitawan. Pigil ang hininga na napapikit siya. Nagawa niyang mapigil ang sanay pagbagsak ng katawan ni Nathaniel. Ngunit hindi pa man
HMH-81"Ms. Tessa Castro, also known as Lady Queen. Sa ngalan ng pagpapatupad ng batas. Kung nasaan ka man, mangyaring magpakita ka at harapin ang mga reklamo laban sa 'yo. Malaya kang manahimik at kumuha ng sariling tagapagtanggol mo." sabi ng isang officer na may hawak na arrest warrant para sa ginang at may mga kasunod pang mga pulis. "No! Kung inaakala n'yo na mahuhuli n'yo ako, malaking pagkakamali. Sana inisip n'yo muna ang mga mangyayari bago kayo pumunta rito. Ano na, Ms. Mendez? Hindi ba malinaw na kabilin-bilinan ko sa 'yo na walang ibang makaka-alam nang pagpunta mo rito? Alam mo na kung ano ang pwedeng mangyari, hindi ba? Pero sinuway mo pa rin ako! Masama akong magalit at hindi ako marunong magbigay ng chances, alam mo 'yan. Ano at narito ang mga gungong na alagad na 'yan?" galit na tinig nito mula sa speaker."No! Walang may alam na nagpunta ako rito. Hindi ko rin alam kung paano nila nalaman itong lugar na ito. Maawa ka, ibigay mo sa akin ang mga anak ko! Sabihin mo ku
HMH-80"OH MY GOD!" halos pakiramdam ni Yanna ay nanlalaki ang kanyang ulo at nananayo ang kanyang mga balahibo sa buong katawan. Daig pa niya ang namatanda sa kanyang itsura matapos makita ang tinutukoy nang nagsasalita sa speaker."Natalie?" halos hindi niya maikilos ang kanyang katawan. Pakiramdam niya ay namamanhid iyon habang tila para siyang mauupos na kandila. Subalit, bago pa man siya panghinaan ng loob at mawala sa kanyang sariling komposyur ay kaagad niyang kinontrol ang sarili at mabalik sa realidad. Alam niya na wala siyang ibang maaasahan sa pagkakataong iyon. Nag iisa siya nang pumunta doon at walang kahit na sino ang nakakaalam nang kinaroroonan niya maliban sa isa. FLASHBACK:HABANG nakapikit ang mga mata ay gising na gising ang kanyang diwa. Kagaya ng bilin ni Xander ay nanatili siya sa loob ng hospital for her bed rest. Kahit papaano ay nabawasan ang nararamdaman niyang pangamba matapos mangako ni Xander na hahanapin at ibabalik ang kanyang kambal. Hindi rin niya ma
HMH-79Bumungad kay Xander ang may kalakihang silid. Simple ngunit elegante ang ayos ng paligid. May ilan na naroon na mga kalalakihan at mga nakapornal ng kasuotan. Halos mga hindi sa kanya pamilyar ang mga ito. Nagkaroon nang ilang pagpupulong sa pagitan nang mga ito. Matapos ay nag kanya-kanyang alis. Naiwan si Xander at si Mr. Chu. Nilapitan siya ni Mr. Chu na nakapamulsa."I know what are you looking for," basag nito sa katahimikan niya.Hinarap niya ito na nag-iisip. Hindi niya matukoy kung kalaban ba ito o kakampi para sa kanya."Did you have a collaboration with Lady Queen?" diretsong tanong nito na ikinagulat ni Xander."What do you mean?" kunotnoong tanong ng binata."I know you know what I'm saying, Mr. Montero." seryosong sagot nito na bahagyang umiling. "How do you know about Lady Queen?" paniniyak ng binata. "Let say, pareho lang naman siguro tayo ng will against her. What do you think?""Did she annoy you?" "Let's say, mayroon lang naman siyang atraso na dapat hinah