Share

CHAPTER 7

Author: Ad Sesa
last update Last Updated: 2024-01-30 10:05:43

Maaga pa lang ay bihis na bihis na ang magkapatid na Calynn at Gela. Nagpasiya silang magsuot ng formal attire dahil kung papalarin na makakapasok sila sa venue ng ground breaking ceremony ay hindi naman sila mukhang napadaan lang. ‘Tsaka siguradong napakadaming camera doon. Baka mahagip sila.

“Sana may makapansin sa beauty ko at kunin akong artista,” nangangarap na sabi ni Gela habang inaayos ang blouse nitong suot na tinernuhan nito ng knee-length na palda.

Si Calynn ay isinuot naman niya ang favorite niyang button-down shirt at slacks. Para sa kaniya ay suwerte iyon kasi na outfit dahil iyon ang suot niya noong nag-apply siya sa Golden Pawn, na awa ng Diyos ay natanggap nga siya at hanggang ngayon ay trabaho niya, kaya iyon ang pinili niya kahit luma na. At sinadya niyang nakabukas ang hanggang pangatlong butones niyon upang lumitaw ang maganda niyang collar bone at kuwintas niyang silver na may maliit na pusong pendant.

Pareho sila ni Gela na natural ang pagiging slim ng kanilang pangangatawan kaya kahit anong kain nila ay hindi sila tumataba. Dahil dito, kahit ano’ng damit ang isinusuot nila ay bumabagay sa kanila.

Hinayaan naman nilang nakalugay ang mga buhok nila habang simpleng makeup sa kanilang mukha dahil parehas silang hindi magaling sa pagkulorete. Sa totoo lang, sa klase ng pananamit at pag-aayos sa sarili lang nila nasasabi na may pagkakaparehas sila at magkapatid nga sila. Kahit maarte kasi si Gela, hindi naman ito maarte sa katawan katulad niya.

“Ayos ang pormahan natin, ano? Para lang tayong a-attend ng job interview?” kantyaw ni Gela sa kanilang sarili nang makasakay na sila sa taxi na pinara nila.

Napangiti’t nailing naman si Calynn. “Hayaan mo na. At least, kahit ngayon lang ay mukha tayong totoong tao,” at biro na rin niya.

Nagtawanan sila. Tinawanan nila ang isa’t isa. Tumigil lang sila nang mapansin ni Calynn na nakatingin sa rearview mirror ang driver ng taxi. Pinigil niya ang tawa at sinaway na niya si Gela. Nakakahiya talaga silang magkapatid kapag parehas maganda ang mood.

“Teka, Ate, dala mo ba ‘yong—“ Natigil ang pagtatanong sana ni Gela ukol sa singsing dahil pinandilatan niya ito ng mga mata. Pasimple niyang inginuso ang estrangherong nagmamaneho na hindi dapat makaalam na may dala-dala silang bagay na hindi biro ang halaga. Delikado.

Natutop naman ni Gela ang bunganga nang makaunawa. “Sorry,” saka buka ng bibig nito na walang boses.

Napilitang iniangat ni Calynn ang purse na hawak upang makampante ang kapatid.

Ngumiti si Gela bilang pagsasabi ng, “Good.”

Hindi nagtagal ay ibinaba na sila sa bungad ng Litex Urban. “Hanggang dito na lang, mga miss, dahil may harang na ang daanan dahil sa gaganaping ceremony raw. Madami yata kasing artista na darating,” paliwanag ng driver na tonong humihingi ng paumanhin.

“Opo, naiintindihan namin, Kuya,” sabi ni Calynn bago niya ibinigay ang sobrang bayad na nasa metro.

Medyo malayo rin ang nilakad nila. Mabuti na lamang at makulimlim ang langit dahil sa makakapal na ulap.

“Ikaw na ang magtanong,” utos ni Calynn kay Gela nang marating nila ang pinaka-receiving area ng gaganaping ceremony.

“Ayoko.”

“Sige na. Ikaw na.”

Nagturuan na silang magkapatid. Nagtulukan.

“Mas panganay ako sa iyo!” panggagamit na ni Calynn sa kaniyang alas nang naiinis na siya. “Ano’ng sabi nina Nanay at Tatay? ‘Di ba lagi kang susunod sa ate mo? Sino’ng ate mo? Hindi ba ako?”

“Aisst!” Inis na nagpapadyak si Gela. Wala na nga itong laban. Ayaw man at nahihiya man ay lumapit na nga ito sa babaeng tuka sa receiving area. “Miss, dito po ba iyong ground breaking ceremony para sa pabahay ng Regal Empire?”

Ngumiti ang magandang dalaga. “Yes po, Ma’am.”

“Ah, puwede po ba kaming pumasok?” kinabahang tanong pa ni Gela. “May ibibigay lang po sana kami kay Sir Reedz.”

“Puwede po bang makita ang invitation?” subalit ay sabi ng babae sabay lahad sa kamay nito.

Napalingon si Gela sa kaniyang Ate Calynn. Uradang lumapit naman si Calynn dito.

“Kailangan daw ng invitation,” sabi ni Gela.

Napangiwi si Calynn. Syempre wala sila niyon. “Uhm, Miss, wala kasi kami niyon. Wala kaming invitation pero… pero kilala ako ni Sir Reedz Rovalez. Sabihin mo lang po na hinahanap siya ng binilhan niya ng singsing sa Lux Fine Jewelry,” pagbabasakali niya.

“Opo, sabihin niyo po na ibabalik namin iyong singsing niya,” segunda ni Gela.

“Kailangan ng invitation, Ma’am,” ngunit ay inulit lang na sabi ng babae. “Pasensya na po.”

“Miss, ang totoo ay hindi talaga kami invited dito sa ceremony. Ang sadya lang talaga namin kaya nagpunta kami rito ay para ma-meet si Sir Reedz. Iyong singsing kasi na para sana kay Miss Avy ay nasa akin. Kailangang maibalik ko kay Sir Reedz kaya kailangan naming makapasok para maibigay sa kaniya,” pakiusap pa rin ni Calynn.

“Akin na ang singsing. Ipakita ko sa kaniya, Ate, para maniwala siya.” Kinuha ni Gela ang purse ng kapatid at nagmamadaling binulatlat. Kinuha nito ang jewelry box at mataray na ipinakita sa bantay na babae. “Ito, oh, engagement ring. Nagkakahalaga ito ng higit isang milyon kaya kailangang maibalik namin kay Sir Reedz.”

“Sorry po talaga,” subalit sabi lang ng babae. Hindi man lang nagkainteres sa singsing. Ni hindi man lang tiningnan. Nagbe-busy-busy-an na.

Nawalan ng pag-asa na nagkatinginan sina Calynn at Gela. Palagay nila, ang tingin lang sa kanila ng babae at ng iba pang bantay ay mga manggagantso na nais lang makasulot sa magarbong ceremony.

“Sige, Miss, salamat na lang,” sa huli ay pagsuko ni Calynn. Kasabay ng kaniyang pagtalikod ay ang kaniyang pagbuntong-hininga. Nganga pa rin. Sayang lang ang effort nila.

“Oh.” Naiinis na ibinalik ni Gela sa kaniya ang jewelry box. Isa pang lingon ito sa mga bantay at mga inirapan ang mga ito.

Kinuha naman niya iyon at ibabalik na niya sana sa kaniyang purse.

“Wait,” nang bigla ay may pumigil sa kaniya ng isang babae.

Nang angatin niya ito ng tingin ay nakita niya ang mala-prinsensang dalagita sa ganda. Para itong si Lily James na gumanap bilang Cinderella sa pelikula na napanood niya. Blonde ang buhok at mukhang Amerikana.

Walang anu-anong kinuha nito sa kaniyang kamay ang jewelry box at binuksan. “Oh,” at manghang naiusal nang nakita ang diamond ring sa loob niyon. “So, it’s you.” Pagkuwa’y kay tamis na ng ngiti nito sa kaniya nang tingnan siya’t kilatisin.

“Sino—“ At hindi pa man siya nakakapagtanong ay hinila na siya ng dalagita.

“Let her in. She’s a special guest of Kuya Reedz,” tapos ay sabi nito sa mga bantay na kanina’y humaharang sa kanila ni Gela upang hindi makapasok.

“Miss Meredith, kilala mo ba sila?” paniniguro ng lady guard. Maliban sa lady guard ay may dalawa pang lalaki na bodyguards naman.

Mukhang close ang dalagita na ang pangalan ay Meredith sa lady guard dahil ibinulong nito ang sagot.

Lalong nagtaka si Calynn nang tingnan siya ng lady guard na medyo lumaki ang mga mata. Saglit ay bahagya itong yumukod na animo’y bigla siyang naging kagalang-galang na tao sa pangingin nito. At dahil do’n pati ang mga organizer ng ceremony ay yumukod na rin bahagya sa kaniya, kasama na ang babae na nakausap nila.

Takang-taka na nagkatinginan sila ni Gela.

“Come, Ate. Kuya Reedz is waiting for you,” balik-pansin ni Meredith sa kaniya.

Bumuka ang bunganga ni Calynn. May gusto siyang itanong o sabihin pero hindi lumabas sa kaniyang lalamunan.

Nang hilahin siya ni Meredith ay nagpahila naman siya.

“Ate, sama ako.” Kumawit sa braso niya si Gela.

Tiningnan ito ni Meredith.

“Kapatid ko siya,” pakilala niya kay Gela.

Ngumiti na si Meredith. “Okay. Let’s go then.”

Alanganin man ay sumunod nga sila sa napakagandang dalagita. Madami-daming tao na ang nasa loob. Madami ring upuan na nakapalibot.

“What’s your name, Ate?” habang hinihila pa rin siya’y tanong ni Meredith na umuntag kay Calynn.

“A-ano… ako si Calynn Mendreje,” alanganing pakilala niya. Napapamaang talaga siya sa sobrang close ng dalagita sa kaniya. Hindi niya ma-gets.

“Nice meeting you.” Kita ang mga mapuputing ngipin na ngumiti sa kaniya si Meredith. Kung mag-a-audition ito para sa toothpaste commercial, sure siya na pag-aagawan ang dalagita ng mga iba’t ibang kompanya ng toothpaste. “Ako naman si Meredith, cousin of Kuya Reedz,” tapos ay slang na pakilala na rin nito. Halatang hindi sanay sa pagsasalita ng Tagalog.

Umawang ang mga labi ni Calynn. Kaya naman pala napakaganda ni Meredith. Kadugo naman pala ng napakaguwapong si Reedz.

“Ako naman si Gela,” pakilala rin ni Gela sa sarili.

“Hi,” matamis na nginitian din ito ni Meredith. Mukhang friendly nga itong talaga.

“Uhm, Meredith, saan ba tayo—” Itatanong sana ni Calynn kung saan sila hinihila ng dalagita.

“Kuya Reedz!” subalit ay pasigaw na tawag na ni Meredith sa lalaking kanina pa nila gustong makita kaya hindi niya naituloy ang itatanong.

Inabot ng kaniyang tingin ang binatang tinawag ni Meredith. Naroon ito sa di-kalayuan kasama ang limang katao na mukhang mga architect o engineers. May hawak si Reedz na blue print na parang pinag-aaralan.

At kung guwapo si Reedz sa una at pangalawa nilang pagkikita, higit pa ngayon sa pangatlo nilang pagkikita. Pamatay ang suot nito ngayon na sunglasses. Bagay na bagay sa suit nitong suot.

“Oy!” Muntik na siyang matapilok nang pabiglang hinila ulit siya ni Meredith.

“You?!” Namalayan na lamang niya na nasa harap na siya ni Reedz. Takang-taka ang hitsura nito sa hindi makapaniwalang kaniyang presensya, na normal lang naman dahil hindi naman siya imbitado sa ginagawang ceremony tapos akay-akay pa siya ni Meredith.

But thank God dahil nakikilala siya.

“Hi, Sir Reedz. Good morning po,” pasalamat niya’t nagawa niyang ibati sa kabila ng matinding pagririgodon ng kaniyang puso. Hindi niya alam pero nerbyos na nerbyos siya.

“What are you doing here?”

Sasagutin niya sana na ibabalik niya lang ang singsing.

“Guys, meet Calynn Mendreje. Kuya Reedz’ fiancée,” ngunit ay biglang anunsyo ba naman ni Meredith sa mga tao.

Literal na nalaglag ang panga ni Calynn sa gulat, at alam niya na ganoon din si Reedz.

Ngiting-ngiti na kinuha ni Meredith sa kamay niya ang jewelry box. “I saw this ring that Kuya Reedz was carrying the other day, and when I asked him, he replied that he would give it to his fiancée. Kaya si Ate Calynn ang mystery fiancée ni Kuya dahil nasa kaniya ang singsing.” Binalingan ni Meredith ang pinsan. “I got you, Kuya Reedz. Buking na kita,” tapos ay tukso nito.

“Are you sure that's the ring, Dith?” nakakunot ang noo na paninigurong tanong ng isang sosyalin at mukhang masungit na ginang kay Meredith. Kung sino man ito ay walang ideya si Calynn.

“Of course, Tita Divina, I can't be wrong,” siguradong-sigurado naman na tugon ni Meredith. Proud na proud talaga ito na nahuli nito kung sino ang fiancée ng pinsan.

“Mali! Hindi!” Gusto nang isigaw ni Calynn pero ngayon pa talaga nahiya ang kaniyang malakas na boses kaya naging bulong lang iyon at si Reedz lang ang nakarinig.

Tumingin siya rito upang magpatulong, na sana ito na lang ang magsabi na mali ang inaakala ni Meredith. Subalit ay tiningnan lang siya nito ng masama, na para ba’y kasalanan niya pa ang nangyayari.

Paktay na!

Comments (2)
goodnovel comment avatar
ဂျိုအာနာ မာရီလင်ဂွ
aabangan ko to lagi writer
goodnovel comment avatar
Bratinela17
Wow ang ganda ......... Nandito kana din pala Ms. Admin Sesa ... Avid readers niyo po ako noon ngayo writer na din po ako ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 8

    “Mali po kayo. Sorry po, pero hindi po ako fiancée ni Sir Reedz,” sa wakas ay naisatinig ni Calynn. Sinabayan niya iyon ng hindi mabilang na iling, malalaking iling habang nanlalaki ang kaniyang mga mata."Seriously?" Meredith's expression shifted rapidly, transitioning from excessively affectionate to profoundly disappointed.“Op—” Subalit bago pa man siya makasagot at panindigan ang pagsasabi niya ng katotohanan ay naakbayan na siya ni Reedz.Calynn was incoherent with shock. Natuod talaga siya sa kinatatayuan, nanigas. Napakabigat kasi ng kamay ni Reedz, tapos parang may kuryente na mula roon ay gumapang sa bawat himaymay ng kaniyang katawan.“There's no more reason for us to hide our relationship, Babe. Nabuking na tayo kaya aminin na natin,” at ang mas hindi niya inasahan ay salo ni Reedz sa dapat ay sasabihin niya.“Huh?!” Nagletrang ‘O’ ang bunganga ni Calynn. Mas ikinagulat niya iyon. Katulad ng mga taong nakatingin sa kanila ay naging takang-taka rin ang ekspresyon ng kaniyang

    Last Updated : 2024-01-31
  • HER SUFFER RING   CHAPTER 9

    “Sumama ka sa kaniya. He’s my executive secretary. He will take you to where we will talk later. I will follow you there. I just need to sign some documents briefly and grant a short interview.”“O-okay,” tanging naisagot ni Calynn na hindi inasahang ngayon na pala talaga ang sinabi ni Reedz na pag-uusap nila.“Paano ako, Ate?” singit ni Gela sa usapan.Tiningnan ito ni Reedz. “The driver will take you home.”“Ayoko. Hindi ko iiwanan ang kapatid ko,” ngunit pagtutol ng dalaga.“Gela, sige na. Okay lang ako,” napilitang sabi ni Calynn sa kapatid.“Sasama ka talaga sa kanila, Ate? Paano kung may gawin sila sa ‘yo?” Ngunit pinapairal na naman ni Gela ang katigasan ng ulo nito. Ang sama na naman ng tingin nito kay Reedz na para ba’y kilala na nito ang karakas ng lalaki gayong ngayon pa lamang nito nakita.Hinila ni Calynn ang kamay ni Gela at binulungan. “Hindi ba sabi ko ay kailangan naming mag-usap?”“Oo, pero kayo lang? Ayoko, Ate. Dapat kasama ako. Wala talaga akong tiwala sa awra ng l

    Last Updated : 2024-02-01
  • HER SUFFER RING   CHAPTER 10

    “Pakakasalan mo ako? At bakit?” hindi makapaniwalang tanong ni Calynn.“Paulit-ulit?” asik naman ni Reedz. Katulad ng ibang CEO sa K-drama at nobela ay maiksi rin ang pasensya talaga.“Hindi ko lang kasi ma-gets. Akala ko—”“Did you think I simply went along with Meredith's statement about you being my fiancée just to avoid embarrassment?”“G-ganoon na nga,” sagot niya na nagsimula nang balutin ng kapraningan. “Ganoon naman po, ‘di ba?”“No,” matatag na pagsalungat ni Reedz.“Anong no?” tanong pa ni Calynn. Nasa mukha na ang takot.“We are indeed getting married because there’s no turning back now,” madilim ang mukhang saad ni Reedz. “With what you did, my CEO position is now hanging by a thread. If I can’t uphold my role as your fiancé, I’m certain the respect and perception of me by my employees, especially the board of directors and the chairman, who is my Dad, will diminish.”“Ayo—” sa dami ng sinabi ni Reedz ay pagre-reject dapat ni Calynn. ‘Ayoko’ ang sana’y isasagot niya subalit

    Last Updated : 2024-02-02
  • HER SUFFER RING   CHAPTER 11

    Kung magkaka-stiff neck siya bukas, kasalanan ng lalaking katabi niya ngayon sa magarang kotse. Paano’y panay ang sulyap niya rito. Nagtataka kasi siya dahil simula pinasakay siya sa sasakyan nito ay hindi na ito nagsalita. Napapanis na ang kaniyang laway.“Ehem…” Tumikhim siya. Hindi na siya nakatiis. Mag-i-initiate na siya ng conversation, ng kahit anong topic.“Don’t say anything,” subalit ay mabilis na pigil sa kaniya ng binata.Ang sasabihin niya ay nilunok nga niya. Ay, ambot!Sa kaniyang inis ay pinigilan na niya ang kaniyang leeg. Hindi na talaga niya nilinga o sinulyapan si Reedz. Nilibang na lamang niya ang kaniyang sarili sa pagtanaw sa kanilang nadadaanan. Buti na lang at nasa bandang Makati na sila; maganda sa mata ang mga nagtataasang mga building at ibang mga establisyemento.Naisip niya na mas maganda ang music habang nagmumuni siya. Tiningnan niya ang stereo ng magarang sasakyan, at may pipindutin sana siya.“Don’t touch that,” subalit ay pigil na naman sa kaniya ni Re

    Last Updated : 2024-02-03
  • HER SUFFER RING   CHAPTER 12

    “Salamat sa libre, prend,” may payakap pang nalalaman na pasasalamat ni Calynn sa kaibigan. Nagsabay sila ng break time ni Yeyet at nilibre siya nito sa isang fast food chain kaya busog-lusog na naman siya.“Basta kapag naikasal ka sa CEO ay huwag mo akong kakalimutan, ah? Dapat kasali ako sa entourage, okay?”Umasim ang kaniyang mukha. Ayown, iyon pala ang dahilan kaya may palibre bigla ang gaga.“Aray,” nakatawang angal ni Yeyet nang bigla niya itong itinulak sa braso.“Akala ko pa naman bukal sa loob ang panlilibre mo, may hidden agenda ka palang gaga ka,” ingos niya rito.Mas nagtatawa si Yeyet. “Hindi naman, oy. Biro lang ‘yon.”“Asa ka. Hindi ko pakakasalan ‘yon. Ayoko ng guwapo na asawa, sakit lang ‘yon sa ulo dahil tiyak madaming babae ang aaligid sa kaniya. Ayoko rin ng mayaman na asawa, sigurado wala ‘yon magiging oras sa akin kasi lagi na lang pagpapayaman ang gagawin. At ayoko ng sikat—” mga chariz niya lang sana, pero anong gulat niya nang pagpasok nila sa Golden Pawn ay t

    Last Updated : 2024-02-04
  • HER SUFFER RING   CHAPTER 13

    Pakiramdam ni Calynn ay natatae at naiihi siya habang nasa loob sila sa isang bridal shop at isinusukat niya ang wedding gown na pinili mismo ni Reedz. Sinundo na naman siya nito kanina para lang asikasuhin ang kanilang nalalapit na pagpapakasal.“Napakaganda mo po, Ma’am,” papuri sa kaniya ng bridal consultant na nag-a-assist sa kaniya.“Thank you.” Napangiti siya at nag-init ang kaniyang mga mata habang patuloy na pinagmamasdan ang kanIyang sarili sa malawak na salamin. Kahit na hindi dahil sa pagmamahal kaya siya ikakasal next week, hindi pa rin niya napigilan ang maging emosyonal. Sobrang natutuwa pa rin siya para sa kaniyang sarili dahil napakaganda niya sa kaniyang wedding gown.Sino ang mag-aakala na ang katulad niyang ordinaryong mamamayan lamang ng Pilipinas ay makakapagsuot ng wedding gown na may milyong price tag? A European bridal wedding gown, off-the-shoulder, which flows into a full-body skirt adorned with a long veil.Syempre wala.Mayamaya lamang ay binuksan na ang nak

    Last Updated : 2024-02-06
  • HER SUFFER RING   CHAPTER 14

    “I'm asking you, why are you wearing that engagement ring Reedz gave me?" pamalditang ulit ni Avy sa tanong nito.“Ah, eh…” Hindi malaman ni Calynn ang sasabihin.“Tanga ka ba para magsuot ng singsing nang may singsing? Wala ka bang hiya sa sarili mo?”Halos umakyat na ang lahat ng dugo ni Calynn sa kaniyang ulo sa narinig. Pakiramdam niya, umuusok na ang mga tainga niya. Sino ito para tawagain siyang tanga?!Napasinghap siya. Pigil na pigil niya ang inis. Kung hindi lang niya iniisip ang kapakanan ng kaniyang suot-suot ngayon na wedding gown at masira ang beauty niya ay papatulan niya ang babaeng ito.She knew from the beginning that Avy was a b*tch. Naramdaman na niya kanina sa madilim nitong awra. Hindi lang niya inasahang ganito kalala ang babae.Sayang lang pala ang pagnanais niya noon na maibalik dito ang singsing. Hindi naman pala ito karapat-dapat na mag-aari sa singsing dahil ang sama ng ugali.“Ate Avy, what do you mean?” naintriga na tanong na ni Meredith.“The ring she's we

    Last Updated : 2024-02-08
  • HER SUFFER RING   CHAPTER 15

    Sa ayaw at sa gusto ni Calynn ay nangyayari na ang seremonyo ng kasal sa pagitan nila ni Reedz. Maganda ang naging kalabasan ng paglalakad niya sa aisle. Hangang-hanga ang tingin sa kaniya ng mga bisita.Isa lang ang tumitirik ang mga mata, ang tita ni Reedz na si Angela. Sino pa ba?Gayunman, hindi niya ito pinapansin. Ang buong atensyon niya ay nakasentro sa mga nakangiti sa kaniya, lalo na sa napaguwapong groom na naghihintay sa kaniya sa dulo ng aisle.Nakapagtataka na sa kaniyang pakiramdam ay nalulugod na siyang tanggapin na maging asawa si Reedz Rovalez. Iyong feeling na dapat sinasakal siya dahil pinilit lamang siyang pakasal dito ay hindi niya naramdaman kahit kaunti. Katunayan para pa nga siyang nakatuntong sa ulap nang nasa harapan na sila ng pari na magkakasal sa kanila.Kinilig pa nga siya nang salitan silang magsuotan ni Reedz ng wedding ring. Wedding ring na alam niyang mas mahal pa sa suot-suot niyang engagement ring.Ang muntik na siyang umangal ay nang sabihin na ng p

    Last Updated : 2024-02-10

Latest chapter

  • HER SUFFER RING   LAST CHAPTER

    Ngiting-ngiti si Calynn habang nakatanaw sa malayo na parte ng dagat. Feel na feel din niya ang mga malakas na hangin na tumatangay sa kaniyang buhok at laylayan ng kaniyang bestida. Kanina pa siya roon pero wala siyang kasawaan sa panonood sa paligid. Talaga naman kasing napakaganda ng kaniyang kinaroroonan na lugar ngayon. Napakaliwalas pati ng langit. Ang gaan-gaan ng kaniyang pakiramdam, parang ang problema o stress pa ang mahihiya na maligaw roon.Matingkad na asul ang kulay ng karagatan. It was like crystal-clear waters. Malambot sa paa ang puting mga buhangin. Green na green din ang mga puno na karamihan ay mga palm trees. Parang mga kabute ang mga canopy na hilira sa gilid ng dagat na nagsisilbing tambayan ng mga turista. At ang mga villa na thatched-roof ay talaga namang nakakamangha sa ganda—overlooking the sea.Sa di-kalayuan, hindi naman inaalis ni Reedz ang tingin sa asawa habang palapit siya sa kinaroroonan ng asawa. Simula dumating sila sa Maldives upang ituloy ang kanil

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 77

    Tatlong araw lamang ang ginawang burol ng anak nina Calynn at Reedz na pinangalanan nilang Recca. Katulad nang parang napakabilis na ipinagbuntis at ipinanganak ni Calynn si Baby Recca, ganoon din kabilis ang lumipas na araw. Kasalukuyan na nilang pinapanood ang dahan-dahang pagbaba sa napakaliit na kabaong nito sa hukay.Maliban sa may bahay ang puntod ng baby nila, pinili rin nilang mag-asawa na sa malalim na hukay din ilibing ang kanilang anak upang anila ay hindi malapastangan ng mga walang respeto sa patay na mga tao katulad ng mga napapanood sa TV.At kung noon sa ospital ay grabe ang pag-iyak nilang dalawa, ngayon ay tahimik na lamang silang lumuluha. Malamang ay dahil nailuha na lahat nila, lalo na si Calynn na halos walang humpay ito sa pag-iiyak sa nagdaang mga araw. Nakapaloob si Calynn sa yakap ni Reedz. Sa isa’t isa pa rin sila humuhugot ng tapang upang makayanan nila ang pagkawala ng panganay nilang anak.Mula namatay si Baby Recca ay hindi sila humiwalay sa isa’t isa. Pa

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 76

    “Calex, Oseph, manganganak na si Calynn!” malakas na malakas na sigaw ni Reedz sa kaniyang dalawang tauhan. Nataranta naman ang mga ito. Si Oseph ay lumapit sa kanila, habang si Calex ay tumawag agad ng ambulansya.“Kaya mo bang tumayo?” tanong ni Reedz kay Calynn.Napapangiwi na sinubukang tumayo si Calynn, subalit halos hindi na niya mabuhat ang kaniyang katawan. Gayunman, pinilit niya. Kailangan niyang kayanin. Heto na ang huling yugto ng pagiging ina niya sa kaniyang anak. Kailangan niya itong maipanganak, tiyaking buhay ang baby niya para sila ay magkita ng kahit saglit lang, ng kahit segundo lang.“Oh, God. Masakit, Reedz,” da*ng niya. At nang maramdaman niyang basa na ang bandang ibaba ng katawan niya’y nayanig ang buo niyang pagkatao. In slow motion tulad sa mga pelikula, muntik na siyang matibag ng tuluyan nang makita niya ang pula sa kaniyang paanan.Manganganak na talaga siya!May dugo nang umaagos sa paanan niya!“Dalhin niyo na ako sa ospital! Bilisan niyo!” malakas na mal

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 75

    “Ibig sabihin, pagkatapos na pagkatapos na manganak ni Calynn ay mamamatay agad ang baby niya?”“Hindi naman, Madam, maaari pa rin namang magtagal ng ilang oras ang sanggol o aabot ng ilang araw.”“But Reedz and Calynn's baby will still die?”“Yes, Madam, dahil sa kondisyon ng sanggol wala pang paraan upang maisalba ang buhay niya kahit sa ibang bansa.”In the midst of conversation, Avy flashed her sweetest smile at the man. Mayamaya ay may ibinigay na siya ritong puting sobre. “Well done, Mr. Bonalos. I appreciated the information you provided about the couple. Hanggang sa susunod natin ulit nating pagkikita.”Kinuha ng lalaking private investigator ang puting sobre, yumukod bilang pasasalamat at saka umalis na.Ang ngiti sa mga labi ni Avy ay kasabay nang papalayong pigura ng lalaki sa paningin niya ang pagkabura niyon. Lumabas ang totoong ekspresyon ng kaniyang mukha na gigil at selos para kay Calynn.Kanina ay nakita niya ang larawan na pinost ni Meredith sa social media. Mga laraw

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 74

    Nakadama si Calynn ng bikig sa kaniyang lalamunan habang pinagmamasdan niya ang ginawa nilang dekorasyon sa labas ng Villa Berde para sa gaganapin na gender reveal ng kaniyang baby.Gayunman ay magaan ang kaniyang kalooban dahil totoong tanggap na niya ang nangyayari o mangyayari. Ang lagi na lang niyang ipinagdarasal sa Diyos ay ang sana bigyan na lang siya ng lakas at tatag sa damdamin upang tanggapin ang lahat kapag matatapos na ang lahat. At higit sa lahat ay sana biyayaan ulit siya ng anak.“Are you okay? Aren't you tired?” tanong ni Reedz sabay akbay sa kaniya.Nakangiting tiningala niya ang asawa. “Ayos lang. Wala naman akong halos ginawa. Iyong dalawang iyon ang mga napagod.” Ininguso niya sina Meredith at Gela na abala sa pagkuha ng picture sa katatapos nilang dekorasyon.“Hayaan mo sila. May bayad naman na hiningi sa akin ang dalawang iyan.”“Huh?”“They asked for the latest model of cellphone. Iphone 16 pro max daw.”“Sandali! Ang mahal ng mga cellphone na ganoon, ah? Hindi

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 73

    “Oh, my ghad, Reedz!” Kamuntik nang atakehin sa puso si Calynn sa nakita niyang ginagawa ng asawa sa likod-bahay. Grabe ang nerbyos niya dahil napakataas kasi talaga ng niyog na inaakyat ni Reedz. Kung titingalain nga ito ay parang maabot mo na ang mga ulap sa langit kapag nandoon ka sa dulo niyon.“Lord, gabayan niyo ang asawa ko!” patiling aniya nang nagkukumahog na siya palabas ng silid. Mangiyak-ngiyak na rin siya dahil alam naman niya agad kung bakit ginagawa iyon ni Reedz. Walang iba kundi dahil sa kaniya, dahil gusto siyang pasayahin.“Ate Calynn?!”“Ate?!”Sina Meredith at Gela ay nagulat nang makita siya. Palabas ang dalawang dalaga sa kusina. May hawak si Gela na mga baso at si Meredith ay pitsel. Lalagyan malamang ng tubig ng niyog na makukuha ni Reedz.“Bakit niyo hinayaang umakyat ng puno ang Kuya Reedz niyo?” Nilampasan niya sila. Dire-diretso pa rin siya ng lakad palabas.“Eh, iyon ang gusto niya. Sabi niya kailangang makakuha siya ng niyog para mapasaya ka,” sabi ni Gel

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 72

    Naglalakad daw siya sa gitna ng mausok at madilim na kalsada. Nagtataka na palinga-linga sa napakadaming punong nagtatayugan.God, nasaang lupalop ako ng mundo?Hindi alam ni Calynn kung paanong napadpad siya sa lugar na iyon. Ang natatandaan lamang niya ay hiniling niya agad kay Reedz na gusto niyang matulog pagdating na pagdating nila sa Villa Berde galing sa prenatal checkup niya at sa mall. Hindi lang sa naiinis siya sa asawa dahil kay Avy kaya nais niya munang hindi ito makita, kundi dahil pakiramdam niya ay napagod talaga siya sa araw na iyon kahit wala naman siya halos ginawa.“Mommy…” hanggang sa tawag sa kaniya ng boses batang babae.Mas naging takang-taka ang ekspresyon ng mukha ni Calynn na hinanahap ng tingin niya ang nagsalita. Sa kaniyang likuran, doon niya nakita ang napa-cute na batang babae. Nakasuot ito ng puting bestida. Tuwid na tuwid ang mahaba at itim nitong buhok. Ngiting-ngiti habang nakatitig sa kaniya.Ninais niyang ibuka ang bibig. Tanungin ang bata kung ano

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 71

    Pasakay na silang mag-asawa sa kanilang kotse nang bigla ay nangatog ang mga tuhod ni Calynn. Kung hindi siya nakakapit sa braso ng asawa ay malamang natumba na siya.Saglit na naantala ang kaniyang pagsakay. Binalanse niya muna ang sarili at pinakiramdaman. Nakailang buga siya ng hangin sa bunganga upang kumalma kahit kaunti ang dumadagundong niyang dibdib.“Are you really fine?” Maagap na hinawakan siya ni Reedz.She slowly nodded, saying that she’s just fine. Pagkuwa’y walang imik na sinubukan niya ulit na pumasok sa kotse. Awa ng Diyos ay nakaupo naman na siya nang maayos.“No, Calynn. I think you are not okay. You look like you’re dying,” sa sobrang pag-aalala sa asawa ay madiing naisabi ni Reedz nang nakasakay na rin ito sa likod ng manibela.“At ano ang gusto mo masaya ako, Reedz? Dapat ba nakangiti ako sa sitwasyon na ito?” Magkasalubong ang mga kilay at namamasa ng mga luha ang mga mata niyang tiningala ang asawa.Napahiya na nagbuntong-hininga naman si Reedz. Wari ba’y na-par

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 70

    One month later.Mabilis na lumipas ang mga puno ng agam-agam na araw ng mag-asawang Reedz at Calynn. At sumapit na naman ang araw na kailangang bumalik si Calynn sa kaniyang OB. Hindi lamang para sa normal na checkup niya kundi para malaman ang totoong kondisyon ng anak nila.Limang buwan na ang ipinagbubuntis ni Calynn. Matitiyak na kung ang anak niya ay may bilateral renal agenesis o wala. Na sana nga ay wala. Na sana nagkamali lang ang doktor.Samakatuwid, sa ikalawang trimester ng pagbubuntis, ayon sa kaniyang OB ay malinaw na makikita na raw sa ultrasound kung ang mga bato ng fetus kung totoo ngang hindi nabuo, at maaari ring makita ang iba pang palatandaan ng kondisyon, tulad ng mababang dami ng amniotic fluid o oligohydramnios.“Ano’ng ginagawa mo?” malumanay na tanong ni Calynn sa asawa nang nagising siya dahil sa naramdaman niyang nakatitig sa kaniya. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay si Reedz pala. Naroon ito nakaupo sa gilid ng kama at pinapanood ang kaniyang pagtul

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status