Share

CHAPTER 6

Author: Ad Sesa
last update Last Updated: 2024-01-29 12:54:04

"Paktay ka pala talaga kapag nawala mo ang singsing, Ate. Aba’y CEO na bilyonaryo pala ang nagmamay-ari. Nakakatakot. Sigurado pupugatan ka niya ng ulo oras na makita ka niya.” Um-acting pa si Gela na nanginginig sa takot matapos sabihin iyon. Alam na rin nito kung ano o sino talaga si Reedz Rovalez na nagbigay sa kaniya ng singsing dahil ka-chat niya ito kanina. Ibinalita niya agad dito ang nalaman niyang impormasyon ukol sa binata.

"Sige, lakasan mo pa ang boses mo para may makarinig," saway niya sa kapatid sabay irap.

“Ay, sorry.” Labas ang lahat ng ngipin pati na gilagid na ngumiti at nag-peace sign naman ito sa kaniya. “Pero nandiyan pa? Tsinek mo na?”

“Oo, safe pa naman.”

Napaka-OA na napatutop sa dibdib si Gela kasabay nang paghinga ng malalim.

Simula napunta sa kaniya ang singsing ay ganito na sila kapraning na magkapatid. Kapag nakakauwi sila ay ang singsing agad ang kinukumusta nila.

“Teka, bakit ngayon ka lang pala nakauwi? Pasado alas-onse na ng gabi, ah?” puna na niya sa kapatid nang maalala niyang kanina pa pala dapat ito nakauwi, pero ngayon lang ito dumating. Kung sa mga nagdaang araw ay baka hindi niya napapansin, dahil kung bubuksan ang ulo niya at babasahin ang nilalaman ng kaniyang utak ay puros na tungkol sa singsing ang laman niyon, ngayon ay napansin na niya.

Kinilig na si Gela. Napakagat-labi ito na para bang naihi sa salawal.

“Hoy, natatae ka ba?” sita niya rito.

Awtomatiko ang pag-asim ng mukha ng kapatid. “Kinikilig ako, Ate, hindi natatae. Palibhasa hindi mo alam ang difference niyon kasi hindi ka pa nagkakadyowa. Hindi mo pa alam ang feeling ng kinikilig dahil in love.”

Calynn rolled her eyes ceiling ward. Gayunman, dahil ayaw niyang makipagtalo sa kapatid ukol sa bagay na iyon, pa-walk out na siyang lumakad palabas ng silid. Isa pa, aminado naman siya na wala talaga siyang alam sa feeling ng kinikilig dahil in love.

Stress na stress siya buhay. Kung paano makakabayad ng bills, ng upa, ng tuition ng kapatid, at kung paano sila kakain araw-araw, kaya wala talaga siyang oras sa kilig-kilig.

Kinikilig lang siya noon kapag nai-imagine niya na dumating na ang ‘The One’ niya at isinuot sa kaniya ang kaniyang pangarap na engagement ring, na ngayon ay naging disaster na sa kaniyang buhay. Lol!

Napasakanya nga ang singsing, ngunit problema naman ang dulot nito sa kaniya. Paano pa siya kikiligin kung ganito ang naging ending nila ng kaniyang singsing?

“Ang suplada naman talaga,” parinig sa kaniya ng feeling hindi suplada niyang kapatid. Nakasunod ito sa kaniya habang pababa sila ng hagdanan. "Ibalik mo na nga kasi 'yon nang mapanatag na ang loob mo at pati na rin ako. Pakiramdam ko lagi ay may bigla na lamang papasok dito at pipiliting kunin ang singsing tapos papatayin tayo. Katakot na." Hinimas-himas ni Gela ang mga braso habang inilinga-linga ang tingin sa kabuuan ng apartment nilang inuupuhan, partikular ang maliit na bintana sa may salas nila na jealousy lang ang pananggalang.

Ang tibay, jusko! Sa sobrang tibay kahit hindi masamang tao, kahit nagti-trip lang na bata na gustong basagin iyon ay mababasag agad-agad.

Hindi nila iyon ipinabatid sa landlord nila dahil anila ay tabi-tabi naman sila ng mga kapitbahay nila na nangungupahan din. Isang sigaw lang nila ay maririnig na ng mga katulad nilang renter at dadaluhan na sila upang tulungan. Iba lang talaga ngayon ang pakiramdam nila, na hindi na sila safe gawa ng singsing.

"Parehas lang tayo. Kahit nga nasa work ako ay nandito sa bahay ang isip ko. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa trabaho." Animo'y may naligaw na mga kuto sa mga buhok ni Calynn na nakamut-kamot niya ang ulo. "Pero paano ko nga ibabalik? Wala naman akong maisip na paraan. Hindi ko pa rin alam ang saktong address ni Reedz.”

“Ano ba ‘yan!” Ginaya siya ng kapatid. Animo’y nangati rin ang ulo nito na napakamut-kamot din. “Sana talaga, Ate, naaalala ng Reedz na iyon na ibinigay niya sa 'yo ang singsing para kahit hinahanap ka na niya ngayon ay hindi ka niya pag-iisipan ng masama. Hindi ka niya ipapakulong o ipapa-salvage.”

“Hay, sana nga. Sana nga huwag siyang shunga,” tipid na sang-ayon niya. Stress na stress, inihilamos niya naman ngayon ang dalawang palad sa mukha.

Bumuntong-hininga naman si Gela. “Oh, siya mamaya na muna natin pag-isipan kung paano mahahanap si CEO, Ate. May binili pala akong cake. Naroon sa lamesa sa kusina. Kainin muna natin.”

“At ano’ng meron? Hindi mo naman birthday at lalong hindi ko birthday?” Bahagyang nagsalubong ang kaniyang mga natural na makakapal na kilay.

Kinikilig na naman si Gela. Nagniningning ang mga mata nito na halos magkorteng puso, itinaas nito ang kamay, at ipinakita ang daliri na may nakasuot na singsing.

“Ano ‘yan?” kunot ang noong tanong niya.

“Promise ring. Bigay ni Ruan kanina."

Sa halip na matuwa, nagdilim ang mukha ni Calynn. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin siya boto sa boyfriend ng kaniyang kapatid. Sapagkat ang totoo ay ayaw pa rin niya sana itong mag-boyfriend dahil nga nag-aaral pa.

“Wala man lang reaksyon diyan?” ismid na sa kaniya ni Gela.

“Ano naman ang gusto mong ireaksyon ko? At saka ano ba ‘yan? Ibig bang sabihin niyan ay nag-propose na siya sa iyo? Hindi ba’t usapan natin babawi ka muna? Dapat maka-graduate ka tapos tulungan mo ako sa pangarap nating bahay at negosyo? Ano’t parang mag-aasawa ka na?”

Nakusot na rin ang mukha ni Gela. “Ang daming sinabi. Ang sakit sa tainga.”

“Eh, bakit kasi binigyan ka na ng singsing?” Pinamaywangan na niya ito. “At saka ang cheap, ah? Parang ‘yan ‘yung tag 299 lang sa online shop, eh? Ganyan lang ba ang halaga mo sa kaniya?”

“Promise ring lang ito hindi engagement ring, Ate. Ano ka ba?”

“Ganoon din ‘yon. Bibigyan ka na nga lang ng singsing mumurahin pa. Ibig lang sabihin hindi talaga ganoon kalalim ang nararamdaman niya sa iyo kasi hindi man lang nag-ipon bago magbigay.”

“At least, naisip niyang bigyan ako bilang pangako na maghihintayan kami sa isa’t isa,” pagtatanggol ni Gela sa nobyo. “At saka hindi naman kasi ako katulad mo na ambisyosa. Nangangarap ng diamond ring, wala namang jowa na mayaman. Sino kaya ang mas nakakahiya?”

“Gaga!” Natatawang itinulak niya ang ulo ng kapatid. “Ang sa akin lang ay dapat maghanap ka ng lalaking handang ibigay ang buwan at bituin sa iyo. Iyong kaya kang buhayin. Kaya kang—”

“Hep!” Iniharang ni Gela ang palad sa kaniyang mukha upang magtigil siya sa walang kabuluhang pagdadaldal. “Huwag mo akong itulad sa iyo, Ate. Ako, may tiwala sa lalaking mahal ko. Na kung ngayon hindi niya pa maibigay sa akin ang mga gusto ko, balang araw naman ay maibibigay niya. At saka kahit hindi niya ako mabigyan ng mga materyal na bagay basta loyal, mabait, at responsible siya sa aming magiging pamilya ay ayos na sa akin. Mas higit na mahalaga iyon kaysa sa mga materyal na bagay.”

“Ewan ko sa ‘yo! Sige, magpakatanga ka sa Ruan na ‘yon! Buti sana kung guwapo!” pagsuko niya pero syempre ay pataray pa rin. Ang totoo ay agree siya kapatid. May punto talaga ito at natutuwa siya. Gayunman, gusto pa rin niya itong i-challenge, pati na si Ruan, kaya hindi pa rin niya ibibigay ang blessings niya sa mga ito. Magkukunwari pa rin siyang kontrabida hanggang sa maka-graduate sila parehas ng kolehiyo.

“Grabe ka. Ang sama mo.” Lumabi si Gael.

“Ano naman? At least, hindi ako minus ten points sa langit,” depensa niya. Patawarin sana siya ng kaniyang kapatid sa pinagsasabi niya. Hindi bale at babawi na lang siya kapag nakatapos talaga ito ng pag-aaral.

“Kaya ka hindi nagkaka-boyfriend dahil karma mo ‘yan sa panlalait mo kay Ruan ko,” panlalaban naman ni Gela. “Tatanda ka sanang dalaga!”

“Okay lang.” Dinilaan niya ito habang nakahalukipkip pa rin.

Para silang bata na nag-aaway, at wala na naman sanang katapusan. Mabuti na lamang at kinatok sila ng isang kapitbahay nila. Nagbigay ng pansit na sakto sa cake na dala ni Gela.

Makaraan ang ilang sandali ay ganado na silang kumakain sa may salas. Doon nila pinili na kumain upang aniya ay makapanood sila ng TV. Bonding na rin nilang dalawa.

“Hindi sana ganito lang ang kinakain natin ngayon kung pumapayag kang ibenta na lang natin ang singsing,” pagbabalik ni Gela sa topic tungkol sa singsing.

“Huwag ka nang umasa dahil ibabalik ko talaga iyon sa totoong may-ari,” aniya habang ngumunguya at nanonood. “Ayoko ng sakit sa ulo.”

“Baka lang kako magbago ang isip mo,” hirit ni Gela. Tatawa-tawa.

Inirapan niya muna ito bago ibinalik ang tingin sa telebisyon. Balita na ang palabas. News na panghating gabi. Buti talaga at hindi natutulog ang balita, bente kuwatro oras. Nalalaman pa rin nila ang mga nangyayari sa bansa kahit gabi na sila nakakauwi galing trabaho at school.

“Si Sir Reedz!” Nang bigla ay napakislot siya nang makita niya ang mukha ng lalaking hina-hunting niya ng ilang araw na.

Isang reporter ang nag-i-interview kay Reedz ukol sa isang ground breaking ceremony raw na gaganapin sa Litex Urban bukas ng umaga. Donation daw kasi ng Regal Empire na pabahay para sa mahihirap ang itinatayo roon kaya kinukuhanan ng statement si Reedz bilang ito ang CEO ng malaking kumpanya.

"Sigurado ka, Ate? ‘Yan si Reedz?" Naglipat-lipat ang tingin ni Gela sa kaniyang mukha at sa TV.

"Oo dahil hindi ko kailanman makakalimutan ang kaniyang mukha." Madaming tango ang kaniyang ginawa. Ang mga mata niya’y mas natutok pa sa pinapanood. Ang guwapo talaga ng mukong, mapa-TV man o personal.

“Taray, ang daming bodyguards ng papatay sa ’yo, Ate,” sabi ni Gela nang makitang paalis na si Reedz at napapalibutan ito ng mga kalalakihang pang-men-in-black ang datingan.

“Mel, gaganapin nga ang ground breaking ceremony para sa bagong proyektong magbibigay pag-asa sa mga mahihirap bukas ng umaga. At aasahang dadaluhan ito ng mga lokal na opisyal, mga tagapagtatag ng proyekto, ilang celebrity at mga pribadong tao na pangungunahan mismo ng CEO ng Regal Empire na si Reedz Rovalez,” pagtatapos ng reporter sa ibinabalita nito.

“Salamat, Ivan,” sagot naman ng batikang news anchor. Hanggang sa iba na ang ibinabalita.

“Ate, ito na ang chance para maibalik mo ang singsing,” excited na sabi ni Gela. Hanggang tainga ang pagkakangiti nitong kinalabit ang kapatid sa balikat.

“Paano?” amazed na tanong naman ni Calynn. Hindi niya nakuha agad ang sinasabi ng kapatid.

“Hindi ba’t sabi ay bukas may ground breaking ceremony at ang sabi dadalo si Reedz Rovalez?”

“Oo?”

“Eh, di puntahan mo siya. Malapit lang ang Litex Urban dito. Dalawang sakay lang.”

“Oo nga, ‘no.” Unti-unti ay nagliwanag ang kaniyang mukha nang na-gets na niya ang pinagsasabi ni Gela.

“Pupunta ka?”

“Oo, pero samahan mo ako.”

“Bakit pa?”

“Eh, baka nerbyosin ako o kaya naman kung ano’ng gawin niyon sa akin kapag nakita niya ako.”

“Kunsabagay baka hindi ka paniwalaan kapag ikaw lang. Sige, Ate, sasamahan kita. Naalala ko na panghapon ang klase ko bukas. Saktong-sakto.”

Pagkasabi niyon ni Gela ay nagngitian silang magkapatid. Finally, matatapos na ang kaniyang problema. Maibabalik na niya ang singsing.

Related chapters

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 7

    Maaga pa lang ay bihis na bihis na ang magkapatid na Calynn at Gela. Nagpasiya silang magsuot ng formal attire dahil kung papalarin na makakapasok sila sa venue ng ground breaking ceremony ay hindi naman sila mukhang napadaan lang. ‘Tsaka siguradong napakadaming camera doon. Baka mahagip sila.“Sana may makapansin sa beauty ko at kunin akong artista,” nangangarap na sabi ni Gela habang inaayos ang blouse nitong suot na tinernuhan nito ng knee-length na palda.Si Calynn ay isinuot naman niya ang favorite niyang button-down shirt at slacks. Para sa kaniya ay suwerte iyon kasi na outfit dahil iyon ang suot niya noong nag-apply siya sa Golden Pawn, na awa ng Diyos ay natanggap nga siya at hanggang ngayon ay trabaho niya, kaya iyon ang pinili niya kahit luma na. At sinadya niyang nakabukas ang hanggang pangatlong butones niyon upang lumitaw ang maganda niyang collar bone at kuwintas niyang silver na may maliit na pusong pendant.Pareho sila ni Gela na natural ang pagiging slim ng kanilang p

    Last Updated : 2024-01-30
  • HER SUFFER RING   CHAPTER 8

    “Mali po kayo. Sorry po, pero hindi po ako fiancée ni Sir Reedz,” sa wakas ay naisatinig ni Calynn. Sinabayan niya iyon ng hindi mabilang na iling, malalaking iling habang nanlalaki ang kaniyang mga mata."Seriously?" Meredith's expression shifted rapidly, transitioning from excessively affectionate to profoundly disappointed.“Op—” Subalit bago pa man siya makasagot at panindigan ang pagsasabi niya ng katotohanan ay naakbayan na siya ni Reedz.Calynn was incoherent with shock. Natuod talaga siya sa kinatatayuan, nanigas. Napakabigat kasi ng kamay ni Reedz, tapos parang may kuryente na mula roon ay gumapang sa bawat himaymay ng kaniyang katawan.“There's no more reason for us to hide our relationship, Babe. Nabuking na tayo kaya aminin na natin,” at ang mas hindi niya inasahan ay salo ni Reedz sa dapat ay sasabihin niya.“Huh?!” Nagletrang ‘O’ ang bunganga ni Calynn. Mas ikinagulat niya iyon. Katulad ng mga taong nakatingin sa kanila ay naging takang-taka rin ang ekspresyon ng kaniyang

    Last Updated : 2024-01-31
  • HER SUFFER RING   CHAPTER 9

    “Sumama ka sa kaniya. He’s my executive secretary. He will take you to where we will talk later. I will follow you there. I just need to sign some documents briefly and grant a short interview.”“O-okay,” tanging naisagot ni Calynn na hindi inasahang ngayon na pala talaga ang sinabi ni Reedz na pag-uusap nila.“Paano ako, Ate?” singit ni Gela sa usapan.Tiningnan ito ni Reedz. “The driver will take you home.”“Ayoko. Hindi ko iiwanan ang kapatid ko,” ngunit pagtutol ng dalaga.“Gela, sige na. Okay lang ako,” napilitang sabi ni Calynn sa kapatid.“Sasama ka talaga sa kanila, Ate? Paano kung may gawin sila sa ‘yo?” Ngunit pinapairal na naman ni Gela ang katigasan ng ulo nito. Ang sama na naman ng tingin nito kay Reedz na para ba’y kilala na nito ang karakas ng lalaki gayong ngayon pa lamang nito nakita.Hinila ni Calynn ang kamay ni Gela at binulungan. “Hindi ba sabi ko ay kailangan naming mag-usap?”“Oo, pero kayo lang? Ayoko, Ate. Dapat kasama ako. Wala talaga akong tiwala sa awra ng l

    Last Updated : 2024-02-01
  • HER SUFFER RING   CHAPTER 10

    “Pakakasalan mo ako? At bakit?” hindi makapaniwalang tanong ni Calynn.“Paulit-ulit?” asik naman ni Reedz. Katulad ng ibang CEO sa K-drama at nobela ay maiksi rin ang pasensya talaga.“Hindi ko lang kasi ma-gets. Akala ko—”“Did you think I simply went along with Meredith's statement about you being my fiancée just to avoid embarrassment?”“G-ganoon na nga,” sagot niya na nagsimula nang balutin ng kapraningan. “Ganoon naman po, ‘di ba?”“No,” matatag na pagsalungat ni Reedz.“Anong no?” tanong pa ni Calynn. Nasa mukha na ang takot.“We are indeed getting married because there’s no turning back now,” madilim ang mukhang saad ni Reedz. “With what you did, my CEO position is now hanging by a thread. If I can’t uphold my role as your fiancé, I’m certain the respect and perception of me by my employees, especially the board of directors and the chairman, who is my Dad, will diminish.”“Ayo—” sa dami ng sinabi ni Reedz ay pagre-reject dapat ni Calynn. ‘Ayoko’ ang sana’y isasagot niya subalit

    Last Updated : 2024-02-02
  • HER SUFFER RING   CHAPTER 11

    Kung magkaka-stiff neck siya bukas, kasalanan ng lalaking katabi niya ngayon sa magarang kotse. Paano’y panay ang sulyap niya rito. Nagtataka kasi siya dahil simula pinasakay siya sa sasakyan nito ay hindi na ito nagsalita. Napapanis na ang kaniyang laway.“Ehem…” Tumikhim siya. Hindi na siya nakatiis. Mag-i-initiate na siya ng conversation, ng kahit anong topic.“Don’t say anything,” subalit ay mabilis na pigil sa kaniya ng binata.Ang sasabihin niya ay nilunok nga niya. Ay, ambot!Sa kaniyang inis ay pinigilan na niya ang kaniyang leeg. Hindi na talaga niya nilinga o sinulyapan si Reedz. Nilibang na lamang niya ang kaniyang sarili sa pagtanaw sa kanilang nadadaanan. Buti na lang at nasa bandang Makati na sila; maganda sa mata ang mga nagtataasang mga building at ibang mga establisyemento.Naisip niya na mas maganda ang music habang nagmumuni siya. Tiningnan niya ang stereo ng magarang sasakyan, at may pipindutin sana siya.“Don’t touch that,” subalit ay pigil na naman sa kaniya ni Re

    Last Updated : 2024-02-03
  • HER SUFFER RING   CHAPTER 12

    “Salamat sa libre, prend,” may payakap pang nalalaman na pasasalamat ni Calynn sa kaibigan. Nagsabay sila ng break time ni Yeyet at nilibre siya nito sa isang fast food chain kaya busog-lusog na naman siya.“Basta kapag naikasal ka sa CEO ay huwag mo akong kakalimutan, ah? Dapat kasali ako sa entourage, okay?”Umasim ang kaniyang mukha. Ayown, iyon pala ang dahilan kaya may palibre bigla ang gaga.“Aray,” nakatawang angal ni Yeyet nang bigla niya itong itinulak sa braso.“Akala ko pa naman bukal sa loob ang panlilibre mo, may hidden agenda ka palang gaga ka,” ingos niya rito.Mas nagtatawa si Yeyet. “Hindi naman, oy. Biro lang ‘yon.”“Asa ka. Hindi ko pakakasalan ‘yon. Ayoko ng guwapo na asawa, sakit lang ‘yon sa ulo dahil tiyak madaming babae ang aaligid sa kaniya. Ayoko rin ng mayaman na asawa, sigurado wala ‘yon magiging oras sa akin kasi lagi na lang pagpapayaman ang gagawin. At ayoko ng sikat—” mga chariz niya lang sana, pero anong gulat niya nang pagpasok nila sa Golden Pawn ay t

    Last Updated : 2024-02-04
  • HER SUFFER RING   CHAPTER 13

    Pakiramdam ni Calynn ay natatae at naiihi siya habang nasa loob sila sa isang bridal shop at isinusukat niya ang wedding gown na pinili mismo ni Reedz. Sinundo na naman siya nito kanina para lang asikasuhin ang kanilang nalalapit na pagpapakasal.“Napakaganda mo po, Ma’am,” papuri sa kaniya ng bridal consultant na nag-a-assist sa kaniya.“Thank you.” Napangiti siya at nag-init ang kaniyang mga mata habang patuloy na pinagmamasdan ang kanIyang sarili sa malawak na salamin. Kahit na hindi dahil sa pagmamahal kaya siya ikakasal next week, hindi pa rin niya napigilan ang maging emosyonal. Sobrang natutuwa pa rin siya para sa kaniyang sarili dahil napakaganda niya sa kaniyang wedding gown.Sino ang mag-aakala na ang katulad niyang ordinaryong mamamayan lamang ng Pilipinas ay makakapagsuot ng wedding gown na may milyong price tag? A European bridal wedding gown, off-the-shoulder, which flows into a full-body skirt adorned with a long veil.Syempre wala.Mayamaya lamang ay binuksan na ang nak

    Last Updated : 2024-02-06
  • HER SUFFER RING   CHAPTER 14

    “I'm asking you, why are you wearing that engagement ring Reedz gave me?" pamalditang ulit ni Avy sa tanong nito.“Ah, eh…” Hindi malaman ni Calynn ang sasabihin.“Tanga ka ba para magsuot ng singsing nang may singsing? Wala ka bang hiya sa sarili mo?”Halos umakyat na ang lahat ng dugo ni Calynn sa kaniyang ulo sa narinig. Pakiramdam niya, umuusok na ang mga tainga niya. Sino ito para tawagain siyang tanga?!Napasinghap siya. Pigil na pigil niya ang inis. Kung hindi lang niya iniisip ang kapakanan ng kaniyang suot-suot ngayon na wedding gown at masira ang beauty niya ay papatulan niya ang babaeng ito.She knew from the beginning that Avy was a b*tch. Naramdaman na niya kanina sa madilim nitong awra. Hindi lang niya inasahang ganito kalala ang babae.Sayang lang pala ang pagnanais niya noon na maibalik dito ang singsing. Hindi naman pala ito karapat-dapat na mag-aari sa singsing dahil ang sama ng ugali.“Ate Avy, what do you mean?” naintriga na tanong na ni Meredith.“The ring she's we

    Last Updated : 2024-02-08

Latest chapter

  • HER SUFFER RING   LAST CHAPTER

    Ngiting-ngiti si Calynn habang nakatanaw sa malayo na parte ng dagat. Feel na feel din niya ang mga malakas na hangin na tumatangay sa kaniyang buhok at laylayan ng kaniyang bestida. Kanina pa siya roon pero wala siyang kasawaan sa panonood sa paligid. Talaga naman kasing napakaganda ng kaniyang kinaroroonan na lugar ngayon. Napakaliwalas pati ng langit. Ang gaan-gaan ng kaniyang pakiramdam, parang ang problema o stress pa ang mahihiya na maligaw roon.Matingkad na asul ang kulay ng karagatan. It was like crystal-clear waters. Malambot sa paa ang puting mga buhangin. Green na green din ang mga puno na karamihan ay mga palm trees. Parang mga kabute ang mga canopy na hilira sa gilid ng dagat na nagsisilbing tambayan ng mga turista. At ang mga villa na thatched-roof ay talaga namang nakakamangha sa ganda—overlooking the sea.Sa di-kalayuan, hindi naman inaalis ni Reedz ang tingin sa asawa habang palapit siya sa kinaroroonan ng asawa. Simula dumating sila sa Maldives upang ituloy ang kanil

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 77

    Tatlong araw lamang ang ginawang burol ng anak nina Calynn at Reedz na pinangalanan nilang Recca. Katulad nang parang napakabilis na ipinagbuntis at ipinanganak ni Calynn si Baby Recca, ganoon din kabilis ang lumipas na araw. Kasalukuyan na nilang pinapanood ang dahan-dahang pagbaba sa napakaliit na kabaong nito sa hukay.Maliban sa may bahay ang puntod ng baby nila, pinili rin nilang mag-asawa na sa malalim na hukay din ilibing ang kanilang anak upang anila ay hindi malapastangan ng mga walang respeto sa patay na mga tao katulad ng mga napapanood sa TV.At kung noon sa ospital ay grabe ang pag-iyak nilang dalawa, ngayon ay tahimik na lamang silang lumuluha. Malamang ay dahil nailuha na lahat nila, lalo na si Calynn na halos walang humpay ito sa pag-iiyak sa nagdaang mga araw. Nakapaloob si Calynn sa yakap ni Reedz. Sa isa’t isa pa rin sila humuhugot ng tapang upang makayanan nila ang pagkawala ng panganay nilang anak.Mula namatay si Baby Recca ay hindi sila humiwalay sa isa’t isa. Pa

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 76

    “Calex, Oseph, manganganak na si Calynn!” malakas na malakas na sigaw ni Reedz sa kaniyang dalawang tauhan. Nataranta naman ang mga ito. Si Oseph ay lumapit sa kanila, habang si Calex ay tumawag agad ng ambulansya.“Kaya mo bang tumayo?” tanong ni Reedz kay Calynn.Napapangiwi na sinubukang tumayo si Calynn, subalit halos hindi na niya mabuhat ang kaniyang katawan. Gayunman, pinilit niya. Kailangan niyang kayanin. Heto na ang huling yugto ng pagiging ina niya sa kaniyang anak. Kailangan niya itong maipanganak, tiyaking buhay ang baby niya para sila ay magkita ng kahit saglit lang, ng kahit segundo lang.“Oh, God. Masakit, Reedz,” da*ng niya. At nang maramdaman niyang basa na ang bandang ibaba ng katawan niya’y nayanig ang buo niyang pagkatao. In slow motion tulad sa mga pelikula, muntik na siyang matibag ng tuluyan nang makita niya ang pula sa kaniyang paanan.Manganganak na talaga siya!May dugo nang umaagos sa paanan niya!“Dalhin niyo na ako sa ospital! Bilisan niyo!” malakas na mal

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 75

    “Ibig sabihin, pagkatapos na pagkatapos na manganak ni Calynn ay mamamatay agad ang baby niya?”“Hindi naman, Madam, maaari pa rin namang magtagal ng ilang oras ang sanggol o aabot ng ilang araw.”“But Reedz and Calynn's baby will still die?”“Yes, Madam, dahil sa kondisyon ng sanggol wala pang paraan upang maisalba ang buhay niya kahit sa ibang bansa.”In the midst of conversation, Avy flashed her sweetest smile at the man. Mayamaya ay may ibinigay na siya ritong puting sobre. “Well done, Mr. Bonalos. I appreciated the information you provided about the couple. Hanggang sa susunod natin ulit nating pagkikita.”Kinuha ng lalaking private investigator ang puting sobre, yumukod bilang pasasalamat at saka umalis na.Ang ngiti sa mga labi ni Avy ay kasabay nang papalayong pigura ng lalaki sa paningin niya ang pagkabura niyon. Lumabas ang totoong ekspresyon ng kaniyang mukha na gigil at selos para kay Calynn.Kanina ay nakita niya ang larawan na pinost ni Meredith sa social media. Mga laraw

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 74

    Nakadama si Calynn ng bikig sa kaniyang lalamunan habang pinagmamasdan niya ang ginawa nilang dekorasyon sa labas ng Villa Berde para sa gaganapin na gender reveal ng kaniyang baby.Gayunman ay magaan ang kaniyang kalooban dahil totoong tanggap na niya ang nangyayari o mangyayari. Ang lagi na lang niyang ipinagdarasal sa Diyos ay ang sana bigyan na lang siya ng lakas at tatag sa damdamin upang tanggapin ang lahat kapag matatapos na ang lahat. At higit sa lahat ay sana biyayaan ulit siya ng anak.“Are you okay? Aren't you tired?” tanong ni Reedz sabay akbay sa kaniya.Nakangiting tiningala niya ang asawa. “Ayos lang. Wala naman akong halos ginawa. Iyong dalawang iyon ang mga napagod.” Ininguso niya sina Meredith at Gela na abala sa pagkuha ng picture sa katatapos nilang dekorasyon.“Hayaan mo sila. May bayad naman na hiningi sa akin ang dalawang iyan.”“Huh?”“They asked for the latest model of cellphone. Iphone 16 pro max daw.”“Sandali! Ang mahal ng mga cellphone na ganoon, ah? Hindi

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 73

    “Oh, my ghad, Reedz!” Kamuntik nang atakehin sa puso si Calynn sa nakita niyang ginagawa ng asawa sa likod-bahay. Grabe ang nerbyos niya dahil napakataas kasi talaga ng niyog na inaakyat ni Reedz. Kung titingalain nga ito ay parang maabot mo na ang mga ulap sa langit kapag nandoon ka sa dulo niyon.“Lord, gabayan niyo ang asawa ko!” patiling aniya nang nagkukumahog na siya palabas ng silid. Mangiyak-ngiyak na rin siya dahil alam naman niya agad kung bakit ginagawa iyon ni Reedz. Walang iba kundi dahil sa kaniya, dahil gusto siyang pasayahin.“Ate Calynn?!”“Ate?!”Sina Meredith at Gela ay nagulat nang makita siya. Palabas ang dalawang dalaga sa kusina. May hawak si Gela na mga baso at si Meredith ay pitsel. Lalagyan malamang ng tubig ng niyog na makukuha ni Reedz.“Bakit niyo hinayaang umakyat ng puno ang Kuya Reedz niyo?” Nilampasan niya sila. Dire-diretso pa rin siya ng lakad palabas.“Eh, iyon ang gusto niya. Sabi niya kailangang makakuha siya ng niyog para mapasaya ka,” sabi ni Gel

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 72

    Naglalakad daw siya sa gitna ng mausok at madilim na kalsada. Nagtataka na palinga-linga sa napakadaming punong nagtatayugan.God, nasaang lupalop ako ng mundo?Hindi alam ni Calynn kung paanong napadpad siya sa lugar na iyon. Ang natatandaan lamang niya ay hiniling niya agad kay Reedz na gusto niyang matulog pagdating na pagdating nila sa Villa Berde galing sa prenatal checkup niya at sa mall. Hindi lang sa naiinis siya sa asawa dahil kay Avy kaya nais niya munang hindi ito makita, kundi dahil pakiramdam niya ay napagod talaga siya sa araw na iyon kahit wala naman siya halos ginawa.“Mommy…” hanggang sa tawag sa kaniya ng boses batang babae.Mas naging takang-taka ang ekspresyon ng mukha ni Calynn na hinanahap ng tingin niya ang nagsalita. Sa kaniyang likuran, doon niya nakita ang napa-cute na batang babae. Nakasuot ito ng puting bestida. Tuwid na tuwid ang mahaba at itim nitong buhok. Ngiting-ngiti habang nakatitig sa kaniya.Ninais niyang ibuka ang bibig. Tanungin ang bata kung ano

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 71

    Pasakay na silang mag-asawa sa kanilang kotse nang bigla ay nangatog ang mga tuhod ni Calynn. Kung hindi siya nakakapit sa braso ng asawa ay malamang natumba na siya.Saglit na naantala ang kaniyang pagsakay. Binalanse niya muna ang sarili at pinakiramdaman. Nakailang buga siya ng hangin sa bunganga upang kumalma kahit kaunti ang dumadagundong niyang dibdib.“Are you really fine?” Maagap na hinawakan siya ni Reedz.She slowly nodded, saying that she’s just fine. Pagkuwa’y walang imik na sinubukan niya ulit na pumasok sa kotse. Awa ng Diyos ay nakaupo naman na siya nang maayos.“No, Calynn. I think you are not okay. You look like you’re dying,” sa sobrang pag-aalala sa asawa ay madiing naisabi ni Reedz nang nakasakay na rin ito sa likod ng manibela.“At ano ang gusto mo masaya ako, Reedz? Dapat ba nakangiti ako sa sitwasyon na ito?” Magkasalubong ang mga kilay at namamasa ng mga luha ang mga mata niyang tiningala ang asawa.Napahiya na nagbuntong-hininga naman si Reedz. Wari ba’y na-par

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 70

    One month later.Mabilis na lumipas ang mga puno ng agam-agam na araw ng mag-asawang Reedz at Calynn. At sumapit na naman ang araw na kailangang bumalik si Calynn sa kaniyang OB. Hindi lamang para sa normal na checkup niya kundi para malaman ang totoong kondisyon ng anak nila.Limang buwan na ang ipinagbubuntis ni Calynn. Matitiyak na kung ang anak niya ay may bilateral renal agenesis o wala. Na sana nga ay wala. Na sana nagkamali lang ang doktor.Samakatuwid, sa ikalawang trimester ng pagbubuntis, ayon sa kaniyang OB ay malinaw na makikita na raw sa ultrasound kung ang mga bato ng fetus kung totoo ngang hindi nabuo, at maaari ring makita ang iba pang palatandaan ng kondisyon, tulad ng mababang dami ng amniotic fluid o oligohydramnios.“Ano’ng ginagawa mo?” malumanay na tanong ni Calynn sa asawa nang nagising siya dahil sa naramdaman niyang nakatitig sa kaniya. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay si Reedz pala. Naroon ito nakaupo sa gilid ng kama at pinapanood ang kaniyang pagtul

DMCA.com Protection Status