“Habang wala pa si Reedz ay ipasagawa mo na ang prosecution investigation ukol sa ginagawang katiwalian ni Chairman sa kumpanya. That old person needs to vanish from my path now so that the Regal Empire can finally be mine,” matigas na sabi ni Denver pagkaupong-pagkaupo ng dumating na ka-meeting. “Masusunod, Sir.” Ngumisi ang lalaki. “At ngayon pa lamang ay naaawa na ako sa Chairman. Ayaw na ayaw pa naman ng matandang iyon sa kulungan.” Napakatipid ang ngiting sumilay sa mga labi ni Denver. Pinaikot-ikot nito ang yelo na nasa loob ng wine glass na inuuman nito. “So, sigurado ka ba na sa sandaling ito ay mabubura na talaga sila sa Regal Empire, lalo na ang ampon na Reedz na iyon?” “Absolutely, Sir. Huling-huli namin ang safekeeper ng Chairman sa finance na si Joseph La Toree. He is embezzling both his own share and the Chairman's slush funds. We intend to submit all the evidence to the prosecution tomorrow morning. At kapag nangyari iyon maaaring maungkat din ang katiwaliang ginagawa
“What are you doing?” Natigil si Calynn sa ginagawang paglilinis sa napakagulong veranda na pinag-inuman nina Gab, Jomar at Jasper kagabi. Tinotoo kasi ng tatlo ang challenge na matira-matibay sa lambanog na ginawang content ni Gab sa vlog nito, na ang ending, tatlo silang talo dahil pare-parehas namang natumba sa kanilang inuman. Laking pasalamat niya talaga na hindi nakisali si Reedz. Wala raw ganang uminom ang asawa kagabi kaya hindi napilit ni Gab. Isa pa’y hindi raw puwede na mahagip ito ng camera ni Gab na nakikipag-inuman dahil baka may makakilala sa kanya kapag mai-upload sa U-Tube. Baka gawan lang daw ng issue. “Nilinis ko ang mga suka nina Kuya Jomar,” napapalatak niyang sagot sa asawa nang lingunin niya ito. Napangiwi at naikuskos rin niya ang hintuturo sa kanyang ilong. Nakusot ang mukha ni Reedz na humalukipkip. “Why are you the one doing that? That's not your job. Hindi mo sinabi sa kanila na mag-inom sila ng hindi nila kaya. Sila ang dapat maglinis ng kalat nila.” “
Matagal na tinitigan ni Reedz ang sarili sa salamin. Animo’y kalmadong-kalmado ang hitsura niya, ngunit kung masisilip ang mga kamao niya na nakasuksok ulit sa front pocket ng Bermuda short na suot ay makikitang kay higpit ng kanyang pagkakakuyom.Mukhang mali na sumama-sama pa siya sa lugar na iyon. At lalong mali na gumawa pa siya ng masayang memories kasama si Calynn kahapon. Mas hindi na niya tuloy maintindihan ang nararamdaman ngayon.He sighed. Iiling-iling na umalis sa harapan ng salamin at tinungo ang bintana. Napatitig siya sa kawalan. Inaalala niya ang masayang sandali nila ni Calynn kahapon. At hindi niya maiwasang mapangiti. For the first time since his mother died, he was able to share his little happiness with someone again—kay Calynn.Ang saya-saya talaga nila na mag-asawa kahapon. To the point that he didn't want it to end, ideally.Subalit, lahat naman ng bagay o pangyayari sa mundo ay may katapusan. Kahit pa ang relasyon, kaya sa ayaw man niya at sa gusto ay kailangan
“Ano ba ‘yang helikopter!” hiyaw ni Aling Flor nang parang tatangayin ito ng malakas na hangin. “Ay! Ay!” Madaling pinaghahawakan naman ni Aling Doreen ang mga natatangay na mga plato at baso. Tinulungan ito nina Gela, Jasper at Jomar. “Bakit ang baba ng helicopter na ‘yan!” sigaw naman Elery na sa kapayatan ay halos malipad din sa ere. Mabuti na lang at matatag ang nobyo nitong si Gab sa pagkakahawak dito. Nabulabog sila sa chopper na mababa na nga ang lipad ay pabalik-balik pa. Paikot-ikot sa tapat ng bahay ni Aling Doreen. “Kay Kuya Reedz malamang ‘yan,” hanggang sa wala sa loob na naisabi ni Gela. “Ano?” parang bingi na tanong Aling Flor. “Sabi ko po ay chopper po yata ni Kuya Reedz iyan,” ulit ni Gela. “Paanong magkakaroon ng chopper ang karpintero na bayaw mo?” mapanliit na angil dito ni Aling Flor. Lahat na ng tingin nila ay nasa kay Gela habang nilalabanan ang malakas na hangin. “Mukha nga dahil may logo ng Regal Empire ang chopper,” ayuda ni Jasper kay Gela. Napating
“Calynn, kalmahin mo ang sarili mo at baka kung mapaano ka na niyan,” pakiusap ni Aling Doreen kay Calynn nang walang humpay pa rin siya sa kakaiyak. Nasa mukha na ng ginang ang labis-labis na concern para sa kanya. Naroon na sila sa veranda dahil ilang minuto na ang nakakalipas mula sinundo si Reedz. Pinahid ng mga palad ni Calynn ang mga luha. “O-okay lang po ako, Tita,” at sisigok-sigok na sabi sa tiyahin kahit halatang kabaliktaran iyon. “Bakit ka ba kasi grabe kung makaiyak, Ate? Parang hindi na kayo magkikita ni Kuya Reedz, ah?” Nagtataka na rin si Gela sa inaasal niya. Hinalukipkipan na siya. ‘Iyon na nga. Parang hindi na nga,’ gusto niyang isagot sa kapatid pero sinarili lang muna niya dahil kasama pa rin nila sina Aling Flor, Elery at Gab. “Sabihin mo, Calynn. Hindi totoo na CEO ang asawa mo, hindi ba? Iyong chopper, sa amo niya iyon, hindi sa kanya, hindi ba?” hindi pa rin makapaniwala na hirit naman ni Aling Flor. Hindi na kailangang sagutin iyon ni Calynn dahil kinala
Pumasok si Reedz sa opisina sa katulad ding oras na pagpasok niya noon. Ninais niya na maagang harapin ang trabaho, subalit badtrip ang hitsura na tinanggal niya ang coat pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina niya at walang anumang inihagis sa kanyang executive chair. Paano siya makakapagtrabaho nito kung ni katiting ay hindi man lang nababawasan ang bigat sa kanyang dibdib sa ginawa niya kay Calynn? Na kung sa elevator pa lang kanina ay parang minumulto na siya ng ala-ala ng asawa? Napakadilim ng kanyang mukha na naglakad palapit sa malawak na glass window sa likuran ng kanyang desk kung saan maaari niyang pagmasdan ang halos buong tanawin ng Makati. Pinilit niyang iwala ang bigat sa dibdib niya ngunit hindi nangyari. Sa halip, lalo lamang niyang naalala ang kanyang asawa. Mas tumindi ang kirot sa pagdaloy ng masasayang ala-ala kasama ito. ‘Damn it!’ hiyaw ng isipan niya nang matauhan. Hindi puwede ang ganito. Tinapos na niya ang lahat kay Calynn kahit wala pang dalawang buwan
Hindi na talaga matawagan ni Calynn ang numero na ginamit ni Reedz upang tawagan siya. Ayaw naman niyang tawagan ang private number nito dahil parang nahihiya na siya.Wala na siyang nagawa kundi umiyak at maupo sa sulok. Niyakap niya nang mahigpit ang mga tuhod at doon isinubsob ang mukha. Hindi na niya napigil ang mapahagulhol.Napakasakit talaga isipin na may asawa siya, ngunit kay hirap abutin.“Hoy, Ate!” Matapos ang ilang sandali ay napaigtad siya sa biglaang boses na iyon ni Gela. “Ano’ng ginagawa mo?!” Gulat na gulat din si Gela nang makita siya sa ganoong hitsura.Tigmak ng luha na itinaas niya ang tingin sa kapatid.Napalatak si Gela at nagsalubong ang mga kilay. Pagkuwan ay malalaki ang mga hakbang na nilapitan siya’t sinikmat ang isa niyang kamay. “Tumayo ka nga diyan! Para kang ewan!”Nagpahila naman siya ngunit nagmistula siyang batang nakakita ng matagal nang nawawalang kapatid na niyakap ito.“Gela…”“Ano ba, Ate! Huwag ka ngang ma-drama masyado!” Subalit ay harsh na it
“Ay, lintik kayong mga bata kayo. Ginawa niyo pa akong multo,” angil ni Lola Salome sa kanyang mga apo nang makita nito ang mga reaksyon nila. Mas nanlaki pa kasi ang mga mata ng magpipinsan kasama na si Gab at Jasper. Patuloy rin sila sa pagsisiksikan sa sulok ng veranda. Ang luka-luka pang si Gela, itinulak si Jasper. Takot na takot tuloy na nagmamadali napabalik si Jasper. Isiniksik ulit ang malaking katawan nito sa kanila. “Mukha na ba talaga akong patay sa inyo? Halinga kayo rito at nang mapalo ko kayo sa puwet nitong tungkod ko,” sabi ulit ni Lola Salome.“Lola?” Naglakas-loob na si Calynn. Humakbang siya ng dalawa palapit sa matanda. Tumino na ang isip niya. Animo’y nawala bigla ang alak sa dugo niya kaya naisip na niyang si Lola Salome nga nila iyon na hindi nila dapat katakutan. “Hoy, Ate! Hindi iyan si Lola! Baka aswang ‘yan!” sita sa kanya ni Gela. Sumulyap lang si Calynn sa kapatid. Sinamaan naman ito ng tingin ni Lola Salome. “Ngayon naman ginawa mo akong aswang na b