“Ayos ka lang ba? Gusto mo bang takpan ko ng kumot ang mga—” “Huwag kang OA. Hayaan mo na ‘yan,” pasupladong pamumutol sa kanya ng asawa. Ilang minuto nang wala ang kanilang Tita Doreen sa kuwarto, ngayon lang siya nagkaroon ng lakas para kausapin ito. “Pero hindi ba ayaw mo ng kulay pink?” paniniguro niya. Hiyang-hiya pa rin siya sa kinaroroonang kuwarto. Hindi niya alam na mas obsess pa pala ang pinsan niya sa kulay pink kaysa sa kanya. Siya man ay naloloka sa pagka-pink ng buong kuwarto. Nasobrahan na.“Ayaw ko nga pero hindi ko naman ikamamatay,” sabi ni Reedz. “Sure ka?” Hindi na siya pinansin. Mukhang nakulitan na naman sa kanya. “Gusto mong kumain?” pag-alok na lamang niya. Hinayaan na lang din niya ang kulay pink na kuwarto.“I prefer to rest,” sagot ng asawa.“Sige. Maiwan muna kita kung gano’n para makapagpahinga ka ng maayos. Ako’y tutulong na lang sa labas.” Hindi na ulit siya nito sinagot. Itinumba na ang pagal na katawan sa kama. Pagkalabas ni Calynn sa kuwarto ay
“Para… este tigil! Tigil mo muna!” bigla-bigla na lamang pagpapatigil ni Calynn sa kanyang pagmamaneho. “Bakit?” Sinunod naman agad ni Reedz ang asawa. Itinigil nga niya ang sasakyan sa gilid ng rough road. After they finished breakfast earlier, Calynn immediately invited him to go to the market. Madami raw silang bibilhin na kakailanganin nila habang naka-stay sila sa Tita Doreen nito, especially mga kailangan ni Lola Salome. “Bababa ako saglit,” ani Calynn matapos kunin ang pitaka sa shoulder bag. Bumaba rin si Reedz. Sinundan niya ng tingin ang asawa. At sa di-kalayuan nakita niya ang isang ginang na may kargang anak at isang basket ng sitaw. Saglit na nakipag-usap doon si Calynn. Mayamaya ay nagbayad at kinuha na ang mga sitaw sa ginang. Pinakyaw pala ng kanyang asawa ang paninda ng ginang. Siguro ay upang hindi na ito mahirapan kung saan man ito magtitinda dahil may dala itong paslit. Naniningkit ang mga mata niya habang hinihintay ito. Pero hindi dahil galit siya, hindi lan
“Bakit ang dami niyong pinamili? Sako-sako? Akala ko ba dapat lowkey lang kayo ni Kuya Reedz?” usisa ni Gela habang kumakagat ng saging na kinuha sa pinamili ng mag-asawa kanina. “Ewan ko ba. Parang ayaw ng tadhana na kahit sa pagpapanggap lamang ay mahirap si Reedz. Nalalapitan ng kung anu-anong sitwasyon na nagpapalabas na mayaman talaga siya,” ani Calynn. Siya man ay may lakatan na saging din na hawak. Binalatan niya rin iyon at isinubo. Mula sa kusina, marahan ang mga lakad nilang magkapatid palabas habang nag-uusap.“Baliw ka naman kasi, Ate. Kitang-kita naman kasi sa hitsura ni Kuya Reedz na hindi lang siya basta-basta lalaki. Hindi kapani-paniwala na mahirap. Agaw atensyon talaga ang tangkad, puti ng balat, at kaguwapuhan.” Isang marahang buntong-hininga ang kumawala sa bibig niya. “Bahala na. Basta mas maganda na ang ganito para hindi madaming issue.” “Bahala ka.” Parehas na ngumunguya sila sa kinakain nilang saging nang matigil sila sa may pinto. Nakita kasi nila sina Jom
“Habang wala pa si Reedz ay ipasagawa mo na ang prosecution investigation ukol sa ginagawang katiwalian ni Chairman sa kumpanya. That old person needs to vanish from my path now so that the Regal Empire can finally be mine,” matigas na sabi ni Denver pagkaupong-pagkaupo ng dumating na ka-meeting. “Masusunod, Sir.” Ngumisi ang lalaki. “At ngayon pa lamang ay naaawa na ako sa Chairman. Ayaw na ayaw pa naman ng matandang iyon sa kulungan.” Napakatipid ang ngiting sumilay sa mga labi ni Denver. Pinaikot-ikot nito ang yelo na nasa loob ng wine glass na inuuman nito. “So, sigurado ka ba na sa sandaling ito ay mabubura na talaga sila sa Regal Empire, lalo na ang ampon na Reedz na iyon?” “Absolutely, Sir. Huling-huli namin ang safekeeper ng Chairman sa finance na si Joseph La Toree. He is embezzling both his own share and the Chairman's slush funds. We intend to submit all the evidence to the prosecution tomorrow morning. At kapag nangyari iyon maaaring maungkat din ang katiwaliang ginagawa
“What are you doing?” Natigil si Calynn sa ginagawang paglilinis sa napakagulong veranda na pinag-inuman nina Gab, Jomar at Jasper kagabi. Tinotoo kasi ng tatlo ang challenge na matira-matibay sa lambanog na ginawang content ni Gab sa vlog nito, na ang ending, tatlo silang talo dahil pare-parehas namang natumba sa kanilang inuman. Laking pasalamat niya talaga na hindi nakisali si Reedz. Wala raw ganang uminom ang asawa kagabi kaya hindi napilit ni Gab. Isa pa’y hindi raw puwede na mahagip ito ng camera ni Gab na nakikipag-inuman dahil baka may makakilala sa kanya kapag mai-upload sa U-Tube. Baka gawan lang daw ng issue. “Nilinis ko ang mga suka nina Kuya Jomar,” napapalatak niyang sagot sa asawa nang lingunin niya ito. Napangiwi at naikuskos rin niya ang hintuturo sa kanyang ilong. Nakusot ang mukha ni Reedz na humalukipkip. “Why are you the one doing that? That's not your job. Hindi mo sinabi sa kanila na mag-inom sila ng hindi nila kaya. Sila ang dapat maglinis ng kalat nila.” “
Matagal na tinitigan ni Reedz ang sarili sa salamin. Animo’y kalmadong-kalmado ang hitsura niya, ngunit kung masisilip ang mga kamao niya na nakasuksok ulit sa front pocket ng Bermuda short na suot ay makikitang kay higpit ng kanyang pagkakakuyom.Mukhang mali na sumama-sama pa siya sa lugar na iyon. At lalong mali na gumawa pa siya ng masayang memories kasama si Calynn kahapon. Mas hindi na niya tuloy maintindihan ang nararamdaman ngayon.He sighed. Iiling-iling na umalis sa harapan ng salamin at tinungo ang bintana. Napatitig siya sa kawalan. Inaalala niya ang masayang sandali nila ni Calynn kahapon. At hindi niya maiwasang mapangiti. For the first time since his mother died, he was able to share his little happiness with someone again—kay Calynn.Ang saya-saya talaga nila na mag-asawa kahapon. To the point that he didn't want it to end, ideally.Subalit, lahat naman ng bagay o pangyayari sa mundo ay may katapusan. Kahit pa ang relasyon, kaya sa ayaw man niya at sa gusto ay kailangan
“Ano ba ‘yang helikopter!” hiyaw ni Aling Flor nang parang tatangayin ito ng malakas na hangin. “Ay! Ay!” Madaling pinaghahawakan naman ni Aling Doreen ang mga natatangay na mga plato at baso. Tinulungan ito nina Gela, Jasper at Jomar. “Bakit ang baba ng helicopter na ‘yan!” sigaw naman Elery na sa kapayatan ay halos malipad din sa ere. Mabuti na lang at matatag ang nobyo nitong si Gab sa pagkakahawak dito. Nabulabog sila sa chopper na mababa na nga ang lipad ay pabalik-balik pa. Paikot-ikot sa tapat ng bahay ni Aling Doreen. “Kay Kuya Reedz malamang ‘yan,” hanggang sa wala sa loob na naisabi ni Gela. “Ano?” parang bingi na tanong Aling Flor. “Sabi ko po ay chopper po yata ni Kuya Reedz iyan,” ulit ni Gela. “Paanong magkakaroon ng chopper ang karpintero na bayaw mo?” mapanliit na angil dito ni Aling Flor. Lahat na ng tingin nila ay nasa kay Gela habang nilalabanan ang malakas na hangin. “Mukha nga dahil may logo ng Regal Empire ang chopper,” ayuda ni Jasper kay Gela. Napating
“Calynn, kalmahin mo ang sarili mo at baka kung mapaano ka na niyan,” pakiusap ni Aling Doreen kay Calynn nang walang humpay pa rin siya sa kakaiyak. Nasa mukha na ng ginang ang labis-labis na concern para sa kanya. Naroon na sila sa veranda dahil ilang minuto na ang nakakalipas mula sinundo si Reedz. Pinahid ng mga palad ni Calynn ang mga luha. “O-okay lang po ako, Tita,” at sisigok-sigok na sabi sa tiyahin kahit halatang kabaliktaran iyon. “Bakit ka ba kasi grabe kung makaiyak, Ate? Parang hindi na kayo magkikita ni Kuya Reedz, ah?” Nagtataka na rin si Gela sa inaasal niya. Hinalukipkipan na siya. ‘Iyon na nga. Parang hindi na nga,’ gusto niyang isagot sa kapatid pero sinarili lang muna niya dahil kasama pa rin nila sina Aling Flor, Elery at Gab. “Sabihin mo, Calynn. Hindi totoo na CEO ang asawa mo, hindi ba? Iyong chopper, sa amo niya iyon, hindi sa kanya, hindi ba?” hindi pa rin makapaniwala na hirit naman ni Aling Flor. Hindi na kailangang sagutin iyon ni Calynn dahil kinala
Ngiting-ngiti si Calynn habang nakatanaw sa malayo na parte ng dagat. Feel na feel din niya ang mga malakas na hangin na tumatangay sa kaniyang buhok at laylayan ng kaniyang bestida. Kanina pa siya roon pero wala siyang kasawaan sa panonood sa paligid. Talaga naman kasing napakaganda ng kaniyang kinaroroonan na lugar ngayon. Napakaliwalas pati ng langit. Ang gaan-gaan ng kaniyang pakiramdam, parang ang problema o stress pa ang mahihiya na maligaw roon.Matingkad na asul ang kulay ng karagatan. It was like crystal-clear waters. Malambot sa paa ang puting mga buhangin. Green na green din ang mga puno na karamihan ay mga palm trees. Parang mga kabute ang mga canopy na hilira sa gilid ng dagat na nagsisilbing tambayan ng mga turista. At ang mga villa na thatched-roof ay talaga namang nakakamangha sa ganda—overlooking the sea.Sa di-kalayuan, hindi naman inaalis ni Reedz ang tingin sa asawa habang palapit siya sa kinaroroonan ng asawa. Simula dumating sila sa Maldives upang ituloy ang kanil
Tatlong araw lamang ang ginawang burol ng anak nina Calynn at Reedz na pinangalanan nilang Recca. Katulad nang parang napakabilis na ipinagbuntis at ipinanganak ni Calynn si Baby Recca, ganoon din kabilis ang lumipas na araw. Kasalukuyan na nilang pinapanood ang dahan-dahang pagbaba sa napakaliit na kabaong nito sa hukay.Maliban sa may bahay ang puntod ng baby nila, pinili rin nilang mag-asawa na sa malalim na hukay din ilibing ang kanilang anak upang anila ay hindi malapastangan ng mga walang respeto sa patay na mga tao katulad ng mga napapanood sa TV.At kung noon sa ospital ay grabe ang pag-iyak nilang dalawa, ngayon ay tahimik na lamang silang lumuluha. Malamang ay dahil nailuha na lahat nila, lalo na si Calynn na halos walang humpay ito sa pag-iiyak sa nagdaang mga araw. Nakapaloob si Calynn sa yakap ni Reedz. Sa isa’t isa pa rin sila humuhugot ng tapang upang makayanan nila ang pagkawala ng panganay nilang anak.Mula namatay si Baby Recca ay hindi sila humiwalay sa isa’t isa. Pa
“Calex, Oseph, manganganak na si Calynn!” malakas na malakas na sigaw ni Reedz sa kaniyang dalawang tauhan. Nataranta naman ang mga ito. Si Oseph ay lumapit sa kanila, habang si Calex ay tumawag agad ng ambulansya.“Kaya mo bang tumayo?” tanong ni Reedz kay Calynn.Napapangiwi na sinubukang tumayo si Calynn, subalit halos hindi na niya mabuhat ang kaniyang katawan. Gayunman, pinilit niya. Kailangan niyang kayanin. Heto na ang huling yugto ng pagiging ina niya sa kaniyang anak. Kailangan niya itong maipanganak, tiyaking buhay ang baby niya para sila ay magkita ng kahit saglit lang, ng kahit segundo lang.“Oh, God. Masakit, Reedz,” da*ng niya. At nang maramdaman niyang basa na ang bandang ibaba ng katawan niya’y nayanig ang buo niyang pagkatao. In slow motion tulad sa mga pelikula, muntik na siyang matibag ng tuluyan nang makita niya ang pula sa kaniyang paanan.Manganganak na talaga siya!May dugo nang umaagos sa paanan niya!“Dalhin niyo na ako sa ospital! Bilisan niyo!” malakas na mal
“Ibig sabihin, pagkatapos na pagkatapos na manganak ni Calynn ay mamamatay agad ang baby niya?”“Hindi naman, Madam, maaari pa rin namang magtagal ng ilang oras ang sanggol o aabot ng ilang araw.”“But Reedz and Calynn's baby will still die?”“Yes, Madam, dahil sa kondisyon ng sanggol wala pang paraan upang maisalba ang buhay niya kahit sa ibang bansa.”In the midst of conversation, Avy flashed her sweetest smile at the man. Mayamaya ay may ibinigay na siya ritong puting sobre. “Well done, Mr. Bonalos. I appreciated the information you provided about the couple. Hanggang sa susunod natin ulit nating pagkikita.”Kinuha ng lalaking private investigator ang puting sobre, yumukod bilang pasasalamat at saka umalis na.Ang ngiti sa mga labi ni Avy ay kasabay nang papalayong pigura ng lalaki sa paningin niya ang pagkabura niyon. Lumabas ang totoong ekspresyon ng kaniyang mukha na gigil at selos para kay Calynn.Kanina ay nakita niya ang larawan na pinost ni Meredith sa social media. Mga laraw
Nakadama si Calynn ng bikig sa kaniyang lalamunan habang pinagmamasdan niya ang ginawa nilang dekorasyon sa labas ng Villa Berde para sa gaganapin na gender reveal ng kaniyang baby.Gayunman ay magaan ang kaniyang kalooban dahil totoong tanggap na niya ang nangyayari o mangyayari. Ang lagi na lang niyang ipinagdarasal sa Diyos ay ang sana bigyan na lang siya ng lakas at tatag sa damdamin upang tanggapin ang lahat kapag matatapos na ang lahat. At higit sa lahat ay sana biyayaan ulit siya ng anak.“Are you okay? Aren't you tired?” tanong ni Reedz sabay akbay sa kaniya.Nakangiting tiningala niya ang asawa. “Ayos lang. Wala naman akong halos ginawa. Iyong dalawang iyon ang mga napagod.” Ininguso niya sina Meredith at Gela na abala sa pagkuha ng picture sa katatapos nilang dekorasyon.“Hayaan mo sila. May bayad naman na hiningi sa akin ang dalawang iyan.”“Huh?”“They asked for the latest model of cellphone. Iphone 16 pro max daw.”“Sandali! Ang mahal ng mga cellphone na ganoon, ah? Hindi
“Oh, my ghad, Reedz!” Kamuntik nang atakehin sa puso si Calynn sa nakita niyang ginagawa ng asawa sa likod-bahay. Grabe ang nerbyos niya dahil napakataas kasi talaga ng niyog na inaakyat ni Reedz. Kung titingalain nga ito ay parang maabot mo na ang mga ulap sa langit kapag nandoon ka sa dulo niyon.“Lord, gabayan niyo ang asawa ko!” patiling aniya nang nagkukumahog na siya palabas ng silid. Mangiyak-ngiyak na rin siya dahil alam naman niya agad kung bakit ginagawa iyon ni Reedz. Walang iba kundi dahil sa kaniya, dahil gusto siyang pasayahin.“Ate Calynn?!”“Ate?!”Sina Meredith at Gela ay nagulat nang makita siya. Palabas ang dalawang dalaga sa kusina. May hawak si Gela na mga baso at si Meredith ay pitsel. Lalagyan malamang ng tubig ng niyog na makukuha ni Reedz.“Bakit niyo hinayaang umakyat ng puno ang Kuya Reedz niyo?” Nilampasan niya sila. Dire-diretso pa rin siya ng lakad palabas.“Eh, iyon ang gusto niya. Sabi niya kailangang makakuha siya ng niyog para mapasaya ka,” sabi ni Gel
Naglalakad daw siya sa gitna ng mausok at madilim na kalsada. Nagtataka na palinga-linga sa napakadaming punong nagtatayugan.God, nasaang lupalop ako ng mundo?Hindi alam ni Calynn kung paanong napadpad siya sa lugar na iyon. Ang natatandaan lamang niya ay hiniling niya agad kay Reedz na gusto niyang matulog pagdating na pagdating nila sa Villa Berde galing sa prenatal checkup niya at sa mall. Hindi lang sa naiinis siya sa asawa dahil kay Avy kaya nais niya munang hindi ito makita, kundi dahil pakiramdam niya ay napagod talaga siya sa araw na iyon kahit wala naman siya halos ginawa.“Mommy…” hanggang sa tawag sa kaniya ng boses batang babae.Mas naging takang-taka ang ekspresyon ng mukha ni Calynn na hinanahap ng tingin niya ang nagsalita. Sa kaniyang likuran, doon niya nakita ang napa-cute na batang babae. Nakasuot ito ng puting bestida. Tuwid na tuwid ang mahaba at itim nitong buhok. Ngiting-ngiti habang nakatitig sa kaniya.Ninais niyang ibuka ang bibig. Tanungin ang bata kung ano
Pasakay na silang mag-asawa sa kanilang kotse nang bigla ay nangatog ang mga tuhod ni Calynn. Kung hindi siya nakakapit sa braso ng asawa ay malamang natumba na siya.Saglit na naantala ang kaniyang pagsakay. Binalanse niya muna ang sarili at pinakiramdaman. Nakailang buga siya ng hangin sa bunganga upang kumalma kahit kaunti ang dumadagundong niyang dibdib.“Are you really fine?” Maagap na hinawakan siya ni Reedz.She slowly nodded, saying that she’s just fine. Pagkuwa’y walang imik na sinubukan niya ulit na pumasok sa kotse. Awa ng Diyos ay nakaupo naman na siya nang maayos.“No, Calynn. I think you are not okay. You look like you’re dying,” sa sobrang pag-aalala sa asawa ay madiing naisabi ni Reedz nang nakasakay na rin ito sa likod ng manibela.“At ano ang gusto mo masaya ako, Reedz? Dapat ba nakangiti ako sa sitwasyon na ito?” Magkasalubong ang mga kilay at namamasa ng mga luha ang mga mata niyang tiningala ang asawa.Napahiya na nagbuntong-hininga naman si Reedz. Wari ba’y na-par
One month later.Mabilis na lumipas ang mga puno ng agam-agam na araw ng mag-asawang Reedz at Calynn. At sumapit na naman ang araw na kailangang bumalik si Calynn sa kaniyang OB. Hindi lamang para sa normal na checkup niya kundi para malaman ang totoong kondisyon ng anak nila.Limang buwan na ang ipinagbubuntis ni Calynn. Matitiyak na kung ang anak niya ay may bilateral renal agenesis o wala. Na sana nga ay wala. Na sana nagkamali lang ang doktor.Samakatuwid, sa ikalawang trimester ng pagbubuntis, ayon sa kaniyang OB ay malinaw na makikita na raw sa ultrasound kung ang mga bato ng fetus kung totoo ngang hindi nabuo, at maaari ring makita ang iba pang palatandaan ng kondisyon, tulad ng mababang dami ng amniotic fluid o oligohydramnios.“Ano’ng ginagawa mo?” malumanay na tanong ni Calynn sa asawa nang nagising siya dahil sa naramdaman niyang nakatitig sa kaniya. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay si Reedz pala. Naroon ito nakaupo sa gilid ng kama at pinapanood ang kaniyang pagtul