“Sir, pinatawag mo ako?” magiliw na tanong sa kanya ni Secretary Dem. As usual animo’y mayordomo sa isang palasyo na magkahawak ang mga kamay sa likod nito habang tuwid na tuwid ang pagkakatayo sa harapan ng kanyang desk. Mula sa tutok na tutok sa screen ng kanyang laptop kumilos ang mga eyeballs ni Reedz patungo sa mukha ng tauhan. Nakapangalumbaba ang isa niyang kamay at ang isa naman ay tinutuktok ang Montblanc pen sa desk. Ilang sandali na naghintayan sila sa kung sino ang magsasalita. Saglit ay kumilos si Reedz. Umayos siya nang pagkakaupo. Isinandal ang likod sa kinauupuan. “Come here, Secretary Dem. I have something to show you.” “Yes, Sir.” Madaling sumunod ang sekretaryo. Subalit anong kunot ng noo nito nang makita ang tinitigan ng amo sa laptop. “Do you see that, Secretary Dem?” “Iyan ay isang grasshopper, Sir, na sa Tagalog ay tipaklong. Sila ay karaniwang makikita sa mga damuhan, halamanan, at iba't ibang uri ng vegetasyon. Karaniwang naririnig ang kanilang mga tunog
“Here are the project development updates you requested regarding the status of Urban Litex, Sir,” pukaw ni Secretary Dem mula sa pintuan ng opisina. Pinaikot ni Reedz paharap sa empleyado ang swivel chair. “Thanks, Secretary Dem.” Nakangiting inilapag ni Secretary Dem ang folder sa desk. Lumabas din ito kaagad. Muling napag-isa si Reedz. Ipinaikot niya ulit ang kinauupuan. Nag-cross legs at pinagmasdan mula sa malaking glass window ang tanawin ng malaking bahagi ng Makati. Mayamaya ay bahagya siyang napapikit at sinapo ang noo. “Piliin mo ang kompanya, Reedz. Huwag mong sayangin ang pinaghirapan natin. Dalawang buwan, Dalawang buwan lang ay dapat ididispatcha mo na ang babaeng iyon… sa kahit na anumang paraan.” –ang paulit-ulit kasi na naalala ng kanyang isipan na sinabi ng kanyang Dad noong nakaraang araw. Madali lang naman sa kanya na gawin iyon. Ever since he was born into this world, he was just to obey his father's commands. Sa madaling salita, ipinanganak lamang siya upang
“Okay, ikaw na muna ang bahala diyan dahil hindi na ako makakabalik. I need to watch over my wife,” habilin ni Reedz kay Secretary Dem sa cellphone. But Secretary Dem jeered. “No problem, Sir. Enjoy kung anuman ang gagawin niyo ni Ma’am Calynn.” “Tss!” Bago pa man uminit ang ulo niya sa parang may sinto-sinto rin niyang sekretaryo ay ibinaba na niya ang cellphone. “Shit!” naimura nga lang niya pa rin dahil sa gulat nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likod. Nang lingain niya ay si Calynn. “Hmmm…” Nakapikit na ungol ng asawa habang dinadama nito ang kanyang likod. Para itong lowbat na robot na no’ng yumakap sa kanya ay nag-recharge. Nakangiti pa. “Hoy!” Ngunit nang himasmasin na nito ang kanyang dibdib ay napahindik siya. Nanlalaki ang mga matang madaling kinalas niya ang mga kamay ni Calynn sa dibdib niya at lumayo konti. “Calynn, umayos ka!” Nagtaka saglit si Calynn na ang tanging tumatakip sa naka-bra at panty lamang na katawan ay ang tuwalyang nakapulupot hanggang dibdib
F*ck! Inis na itinungga ni Reedz ang mamahaling wine sa baso. Naiinis siya dahil bakit sinabi niya kanina na sasama siya kay Calynn sa probinsya? For a moment, nahulog na naman siya sa malalim na pag-iisip. Nababaliw na ba siya? Wala iyon sa plano niya. Ang plano niya ay ang dalhin sa Maldives lamang si Calynn. Subalit saglit lamang ay siya na rin ang kumastigo sa sarili kaysa ang magtanong ng opinion kay Secretary Dem. Parehas lang naman iyon. Mapa-Maldives man o probinsya ng Halunong sila pupunta ni Calynn ay same lang na bakasyon iyon tulad ng kanyang plano para isakatuparan ang honeymoon nilang mag-asawa bago niya gawin ang pagdidispatcha rito. Yes, pinipili niya ang Regal Empire. Susundin niya pa rin ang Dad niya kahit alam niyang mali dahil gusto na rin naman na niya sanang asawa panghabambuhay si Calynn. Over the years, he hasn't yet suffered any harm from following his Dad's lead. Despite the blow to his ego, inaamin niya na nakamtan niya ang lahat ng meron siya ngayon dah
“Baka naman matunaw na si Kuya Reedz niyan, Ate, kakatitig mo?” tudyo sa kanya ni Gela nang bumalik sa deck ng yate.Nakasakay na sila sa yate… mali ng isang superyacht pala dahil hindi lamang simpleng yate ang pag-aari ni Reedz na sasakyang pandagat. Isang superyacht pala dahil malaki, marangya, at mataas na kalidad ito.Kilig na kilig sila ni Gela kanina nang sumakay sila. Hindi sila makapaniwala na makakasakay sila sa isang yate.“Iniisip ko lang kasi kung kapani-paniwala bang karpintero siya? Tingin mo maniniwala sina Tita Doreen na karpintero siya?”“Syempre hindi,” matapat na sagot ng kapatid sabay abot sa kanya ng kinuhang soft drink in can sa kung saang parte ng yate. “Chocolate gusto mo? Imported, ‘Te.” Pagkatapos ay alok din nito sa malapad na bar ng cholate na hawak.Umasim ang kanyang mukha. “Ilayo mo ‘yan sa akin!” at animo’y may ‘chocophobia’ na siya o phobia sa chocolate na tinabig niya iyon. Paano’y bumalik sa ala-ala niya ang ginawa niyang kapangahasan kay Reedz dahil
Madaling hinila ni Calynn ang asawa sa medyo malayo. Mas malapit sa mga tanim na kape na nakakabighani namang talaga sa paningin at pang-amoy ni Reedz. Natuwa ang asawa, ni hindi niya napigilan na hawakan ang mga hinog na kumpol na bunga ng kape at amuyin. “Hindi ako nakikipaglokohan dito, ah,” angil na rito ni Calynn. Masama ang tinging ipinukol sa kanya ni Reedz. Umayos nang tayo at humalukipkip. “Ano na naman?” “Malinaw ang pakiusap ko sa iyo na magpapanggap kang karpintero, hindi ba?” “Yeah.” “So, sa tingin mo may karpintero na kayang bumili ng ekta-ektaryang coffee farm?” Pinaikot ni Reedz ang dila sa bibig na nag-isip. Malalim ang buntong-hininga ang pinakawalan naman niya upang mapakalma ang sarili. Inis na inis na inis na inis na siya sa tipaklong. Hindi niya alam kung siya ba ng shunga rito o ang tipaklong na. Aisst! Mabuti na lamang at nakalusot siya kay Tita Doreen niya kanina. Sinabi niyang nagbibiro lamang si Reedz. “Umayos ka naman. Hindi pa natin nakikita si Lo
Pagpasok ng mag-asawa sa kuwarto ni Lola Salome, nakita nila agad ang matamlay at kahabag-habag na hitsura ng matanda sa kama. “Lola…” Madaling nilapitan ni Calynn ang lola niya. “Calynn, ikaw ba ‘yan?” dahil may kahinaan na rin ang mga mata ng matanda ay hindi siguradong tanong nito. “Opo, Lola. Ako nga po,” naiiyak na sagot niya. Madamdamin niyang hinawakan ang pulos kulubot at payat na kamay ng lola niya na lalong ikinahabag niya. Pinagmasdan ni Calynn ang matanda habang kipkip sa kanyang dibdib ang kamay nito. May humihiwa sa puso niya habang ibinabalik siya ng ala-ala na panay ang tulong nito sa kanila lalo na noong namatay ang magulang nilang magkapatid, pero hindi man lang nila ito matulungan ngayon, ni hindi man lang nila maalagaan. “Sobrang saya ko at dinalaw niyo akong magkapatid. Masaya ako na ibabalita ko sa Nanay at Tatay niyo na hindi niyo pa rin ako nakakalimutan kapag nakita ko sila sa langit. Sasabihin kong lumaki kayong maayos at—" “Huwag mong sabihan ‘yan, Lola
“Ayos ka lang ba? Gusto mo bang takpan ko ng kumot ang mga—” “Huwag kang OA. Hayaan mo na ‘yan,” pasupladong pamumutol sa kanya ng asawa. Ilang minuto nang wala ang kanilang Tita Doreen sa kuwarto, ngayon lang siya nagkaroon ng lakas para kausapin ito. “Pero hindi ba ayaw mo ng kulay pink?” paniniguro niya. Hiyang-hiya pa rin siya sa kinaroroonang kuwarto. Hindi niya alam na mas obsess pa pala ang pinsan niya sa kulay pink kaysa sa kanya. Siya man ay naloloka sa pagka-pink ng buong kuwarto. Nasobrahan na.“Ayaw ko nga pero hindi ko naman ikamamatay,” sabi ni Reedz. “Sure ka?” Hindi na siya pinansin. Mukhang nakulitan na naman sa kanya. “Gusto mong kumain?” pag-alok na lamang niya. Hinayaan na lang din niya ang kulay pink na kuwarto.“I prefer to rest,” sagot ng asawa.“Sige. Maiwan muna kita kung gano’n para makapagpahinga ka ng maayos. Ako’y tutulong na lang sa labas.” Hindi na ulit siya nito sinagot. Itinumba na ang pagal na katawan sa kama. Pagkalabas ni Calynn sa kuwarto ay