"What brought you here all of a sudden?” Hindi na kailangang lingunin ni Reedz kung sino ang nagsalita. Sino pa ba kundi ang pinsan niyang sinadya niya mismo sa bahay nito. Si Denver. Patuloy siya sa pagtingin-tingin sa mga picture frame na kinalalagyan ng mga larawan nila noong mga bata sila kasama si Meredith. Naka-display ang mga iyon sa magarang glass breakfront sa living room ng mansyon ng Manrigas. “What’s wrong at himalang sumadya ka pa talaga dito sa bahay?” tanong pa ni Denver. “Wala naman, Insan.” Nakapamulsa at nakangiting nilingon niya ito. “Are Meredith and Aunt Divina not here?” “They're in Paris. You know they wouldn't dare to skip Fashion Week.” Nakangiti pa rin, tumango-tango si Reedz. “How about you? Don't you have anything keeping you busy right now?” “What do you mean? Syempre busy ako sa Regal Empire tulad mo. Nakakalimutan mo yatang ako ang Chief Legal Officer ng kompanya?” Totoo iyon. Since graduate si Denver sa kursong Political Science ay dito ibinigay
“Sir, pinatawag mo ako?” magiliw na tanong sa kanya ni Secretary Dem. As usual animo’y mayordomo sa isang palasyo na magkahawak ang mga kamay sa likod nito habang tuwid na tuwid ang pagkakatayo sa harapan ng kanyang desk. Mula sa tutok na tutok sa screen ng kanyang laptop kumilos ang mga eyeballs ni Reedz patungo sa mukha ng tauhan. Nakapangalumbaba ang isa niyang kamay at ang isa naman ay tinutuktok ang Montblanc pen sa desk. Ilang sandali na naghintayan sila sa kung sino ang magsasalita. Saglit ay kumilos si Reedz. Umayos siya nang pagkakaupo. Isinandal ang likod sa kinauupuan. “Come here, Secretary Dem. I have something to show you.” “Yes, Sir.” Madaling sumunod ang sekretaryo. Subalit anong kunot ng noo nito nang makita ang tinitigan ng amo sa laptop. “Do you see that, Secretary Dem?” “Iyan ay isang grasshopper, Sir, na sa Tagalog ay tipaklong. Sila ay karaniwang makikita sa mga damuhan, halamanan, at iba't ibang uri ng vegetasyon. Karaniwang naririnig ang kanilang mga tunog
“Here are the project development updates you requested regarding the status of Urban Litex, Sir,” pukaw ni Secretary Dem mula sa pintuan ng opisina. Pinaikot ni Reedz paharap sa empleyado ang swivel chair. “Thanks, Secretary Dem.” Nakangiting inilapag ni Secretary Dem ang folder sa desk. Lumabas din ito kaagad. Muling napag-isa si Reedz. Ipinaikot niya ulit ang kinauupuan. Nag-cross legs at pinagmasdan mula sa malaking glass window ang tanawin ng malaking bahagi ng Makati. Mayamaya ay bahagya siyang napapikit at sinapo ang noo. “Piliin mo ang kompanya, Reedz. Huwag mong sayangin ang pinaghirapan natin. Dalawang buwan, Dalawang buwan lang ay dapat ididispatcha mo na ang babaeng iyon… sa kahit na anumang paraan.” –ang paulit-ulit kasi na naalala ng kanyang isipan na sinabi ng kanyang Dad noong nakaraang araw. Madali lang naman sa kanya na gawin iyon. Ever since he was born into this world, he was just to obey his father's commands. Sa madaling salita, ipinanganak lamang siya upang
“Okay, ikaw na muna ang bahala diyan dahil hindi na ako makakabalik. I need to watch over my wife,” habilin ni Reedz kay Secretary Dem sa cellphone. But Secretary Dem jeered. “No problem, Sir. Enjoy kung anuman ang gagawin niyo ni Ma’am Calynn.” “Tss!” Bago pa man uminit ang ulo niya sa parang may sinto-sinto rin niyang sekretaryo ay ibinaba na niya ang cellphone. “Shit!” naimura nga lang niya pa rin dahil sa gulat nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likod. Nang lingain niya ay si Calynn. “Hmmm…” Nakapikit na ungol ng asawa habang dinadama nito ang kanyang likod. Para itong lowbat na robot na no’ng yumakap sa kanya ay nag-recharge. Nakangiti pa. “Hoy!” Ngunit nang himasmasin na nito ang kanyang dibdib ay napahindik siya. Nanlalaki ang mga matang madaling kinalas niya ang mga kamay ni Calynn sa dibdib niya at lumayo konti. “Calynn, umayos ka!” Nagtaka saglit si Calynn na ang tanging tumatakip sa naka-bra at panty lamang na katawan ay ang tuwalyang nakapulupot hanggang dibdib
F*ck! Inis na itinungga ni Reedz ang mamahaling wine sa baso. Naiinis siya dahil bakit sinabi niya kanina na sasama siya kay Calynn sa probinsya? For a moment, nahulog na naman siya sa malalim na pag-iisip. Nababaliw na ba siya? Wala iyon sa plano niya. Ang plano niya ay ang dalhin sa Maldives lamang si Calynn. Subalit saglit lamang ay siya na rin ang kumastigo sa sarili kaysa ang magtanong ng opinion kay Secretary Dem. Parehas lang naman iyon. Mapa-Maldives man o probinsya ng Halunong sila pupunta ni Calynn ay same lang na bakasyon iyon tulad ng kanyang plano para isakatuparan ang honeymoon nilang mag-asawa bago niya gawin ang pagdidispatcha rito. Yes, pinipili niya ang Regal Empire. Susundin niya pa rin ang Dad niya kahit alam niyang mali dahil gusto na rin naman na niya sanang asawa panghabambuhay si Calynn. Over the years, he hasn't yet suffered any harm from following his Dad's lead. Despite the blow to his ego, inaamin niya na nakamtan niya ang lahat ng meron siya ngayon dah
“Baka naman matunaw na si Kuya Reedz niyan, Ate, kakatitig mo?” tudyo sa kanya ni Gela nang bumalik sa deck ng yate.Nakasakay na sila sa yate… mali ng isang superyacht pala dahil hindi lamang simpleng yate ang pag-aari ni Reedz na sasakyang pandagat. Isang superyacht pala dahil malaki, marangya, at mataas na kalidad ito.Kilig na kilig sila ni Gela kanina nang sumakay sila. Hindi sila makapaniwala na makakasakay sila sa isang yate.“Iniisip ko lang kasi kung kapani-paniwala bang karpintero siya? Tingin mo maniniwala sina Tita Doreen na karpintero siya?”“Syempre hindi,” matapat na sagot ng kapatid sabay abot sa kanya ng kinuhang soft drink in can sa kung saang parte ng yate. “Chocolate gusto mo? Imported, ‘Te.” Pagkatapos ay alok din nito sa malapad na bar ng cholate na hawak.Umasim ang kanyang mukha. “Ilayo mo ‘yan sa akin!” at animo’y may ‘chocophobia’ na siya o phobia sa chocolate na tinabig niya iyon. Paano’y bumalik sa ala-ala niya ang ginawa niyang kapangahasan kay Reedz dahil
Madaling hinila ni Calynn ang asawa sa medyo malayo. Mas malapit sa mga tanim na kape na nakakabighani namang talaga sa paningin at pang-amoy ni Reedz. Natuwa ang asawa, ni hindi niya napigilan na hawakan ang mga hinog na kumpol na bunga ng kape at amuyin. “Hindi ako nakikipaglokohan dito, ah,” angil na rito ni Calynn. Masama ang tinging ipinukol sa kanya ni Reedz. Umayos nang tayo at humalukipkip. “Ano na naman?” “Malinaw ang pakiusap ko sa iyo na magpapanggap kang karpintero, hindi ba?” “Yeah.” “So, sa tingin mo may karpintero na kayang bumili ng ekta-ektaryang coffee farm?” Pinaikot ni Reedz ang dila sa bibig na nag-isip. Malalim ang buntong-hininga ang pinakawalan naman niya upang mapakalma ang sarili. Inis na inis na inis na inis na siya sa tipaklong. Hindi niya alam kung siya ba ng shunga rito o ang tipaklong na. Aisst! Mabuti na lamang at nakalusot siya kay Tita Doreen niya kanina. Sinabi niyang nagbibiro lamang si Reedz. “Umayos ka naman. Hindi pa natin nakikita si Lo
Pagpasok ng mag-asawa sa kuwarto ni Lola Salome, nakita nila agad ang matamlay at kahabag-habag na hitsura ng matanda sa kama. “Lola…” Madaling nilapitan ni Calynn ang lola niya. “Calynn, ikaw ba ‘yan?” dahil may kahinaan na rin ang mga mata ng matanda ay hindi siguradong tanong nito. “Opo, Lola. Ako nga po,” naiiyak na sagot niya. Madamdamin niyang hinawakan ang pulos kulubot at payat na kamay ng lola niya na lalong ikinahabag niya. Pinagmasdan ni Calynn ang matanda habang kipkip sa kanyang dibdib ang kamay nito. May humihiwa sa puso niya habang ibinabalik siya ng ala-ala na panay ang tulong nito sa kanila lalo na noong namatay ang magulang nilang magkapatid, pero hindi man lang nila ito matulungan ngayon, ni hindi man lang nila maalagaan. “Sobrang saya ko at dinalaw niyo akong magkapatid. Masaya ako na ibabalita ko sa Nanay at Tatay niyo na hindi niyo pa rin ako nakakalimutan kapag nakita ko sila sa langit. Sasabihin kong lumaki kayong maayos at—" “Huwag mong sabihan ‘yan, Lola
Ngiting-ngiti si Calynn habang nakatanaw sa malayo na parte ng dagat. Feel na feel din niya ang mga malakas na hangin na tumatangay sa kaniyang buhok at laylayan ng kaniyang bestida. Kanina pa siya roon pero wala siyang kasawaan sa panonood sa paligid. Talaga naman kasing napakaganda ng kaniyang kinaroroonan na lugar ngayon. Napakaliwalas pati ng langit. Ang gaan-gaan ng kaniyang pakiramdam, parang ang problema o stress pa ang mahihiya na maligaw roon.Matingkad na asul ang kulay ng karagatan. It was like crystal-clear waters. Malambot sa paa ang puting mga buhangin. Green na green din ang mga puno na karamihan ay mga palm trees. Parang mga kabute ang mga canopy na hilira sa gilid ng dagat na nagsisilbing tambayan ng mga turista. At ang mga villa na thatched-roof ay talaga namang nakakamangha sa ganda—overlooking the sea.Sa di-kalayuan, hindi naman inaalis ni Reedz ang tingin sa asawa habang palapit siya sa kinaroroonan ng asawa. Simula dumating sila sa Maldives upang ituloy ang kanil
Tatlong araw lamang ang ginawang burol ng anak nina Calynn at Reedz na pinangalanan nilang Recca. Katulad nang parang napakabilis na ipinagbuntis at ipinanganak ni Calynn si Baby Recca, ganoon din kabilis ang lumipas na araw. Kasalukuyan na nilang pinapanood ang dahan-dahang pagbaba sa napakaliit na kabaong nito sa hukay.Maliban sa may bahay ang puntod ng baby nila, pinili rin nilang mag-asawa na sa malalim na hukay din ilibing ang kanilang anak upang anila ay hindi malapastangan ng mga walang respeto sa patay na mga tao katulad ng mga napapanood sa TV.At kung noon sa ospital ay grabe ang pag-iyak nilang dalawa, ngayon ay tahimik na lamang silang lumuluha. Malamang ay dahil nailuha na lahat nila, lalo na si Calynn na halos walang humpay ito sa pag-iiyak sa nagdaang mga araw. Nakapaloob si Calynn sa yakap ni Reedz. Sa isa’t isa pa rin sila humuhugot ng tapang upang makayanan nila ang pagkawala ng panganay nilang anak.Mula namatay si Baby Recca ay hindi sila humiwalay sa isa’t isa. Pa
“Calex, Oseph, manganganak na si Calynn!” malakas na malakas na sigaw ni Reedz sa kaniyang dalawang tauhan. Nataranta naman ang mga ito. Si Oseph ay lumapit sa kanila, habang si Calex ay tumawag agad ng ambulansya.“Kaya mo bang tumayo?” tanong ni Reedz kay Calynn.Napapangiwi na sinubukang tumayo si Calynn, subalit halos hindi na niya mabuhat ang kaniyang katawan. Gayunman, pinilit niya. Kailangan niyang kayanin. Heto na ang huling yugto ng pagiging ina niya sa kaniyang anak. Kailangan niya itong maipanganak, tiyaking buhay ang baby niya para sila ay magkita ng kahit saglit lang, ng kahit segundo lang.“Oh, God. Masakit, Reedz,” da*ng niya. At nang maramdaman niyang basa na ang bandang ibaba ng katawan niya’y nayanig ang buo niyang pagkatao. In slow motion tulad sa mga pelikula, muntik na siyang matibag ng tuluyan nang makita niya ang pula sa kaniyang paanan.Manganganak na talaga siya!May dugo nang umaagos sa paanan niya!“Dalhin niyo na ako sa ospital! Bilisan niyo!” malakas na mal
“Ibig sabihin, pagkatapos na pagkatapos na manganak ni Calynn ay mamamatay agad ang baby niya?”“Hindi naman, Madam, maaari pa rin namang magtagal ng ilang oras ang sanggol o aabot ng ilang araw.”“But Reedz and Calynn's baby will still die?”“Yes, Madam, dahil sa kondisyon ng sanggol wala pang paraan upang maisalba ang buhay niya kahit sa ibang bansa.”In the midst of conversation, Avy flashed her sweetest smile at the man. Mayamaya ay may ibinigay na siya ritong puting sobre. “Well done, Mr. Bonalos. I appreciated the information you provided about the couple. Hanggang sa susunod natin ulit nating pagkikita.”Kinuha ng lalaking private investigator ang puting sobre, yumukod bilang pasasalamat at saka umalis na.Ang ngiti sa mga labi ni Avy ay kasabay nang papalayong pigura ng lalaki sa paningin niya ang pagkabura niyon. Lumabas ang totoong ekspresyon ng kaniyang mukha na gigil at selos para kay Calynn.Kanina ay nakita niya ang larawan na pinost ni Meredith sa social media. Mga laraw
Nakadama si Calynn ng bikig sa kaniyang lalamunan habang pinagmamasdan niya ang ginawa nilang dekorasyon sa labas ng Villa Berde para sa gaganapin na gender reveal ng kaniyang baby.Gayunman ay magaan ang kaniyang kalooban dahil totoong tanggap na niya ang nangyayari o mangyayari. Ang lagi na lang niyang ipinagdarasal sa Diyos ay ang sana bigyan na lang siya ng lakas at tatag sa damdamin upang tanggapin ang lahat kapag matatapos na ang lahat. At higit sa lahat ay sana biyayaan ulit siya ng anak.“Are you okay? Aren't you tired?” tanong ni Reedz sabay akbay sa kaniya.Nakangiting tiningala niya ang asawa. “Ayos lang. Wala naman akong halos ginawa. Iyong dalawang iyon ang mga napagod.” Ininguso niya sina Meredith at Gela na abala sa pagkuha ng picture sa katatapos nilang dekorasyon.“Hayaan mo sila. May bayad naman na hiningi sa akin ang dalawang iyan.”“Huh?”“They asked for the latest model of cellphone. Iphone 16 pro max daw.”“Sandali! Ang mahal ng mga cellphone na ganoon, ah? Hindi
“Oh, my ghad, Reedz!” Kamuntik nang atakehin sa puso si Calynn sa nakita niyang ginagawa ng asawa sa likod-bahay. Grabe ang nerbyos niya dahil napakataas kasi talaga ng niyog na inaakyat ni Reedz. Kung titingalain nga ito ay parang maabot mo na ang mga ulap sa langit kapag nandoon ka sa dulo niyon.“Lord, gabayan niyo ang asawa ko!” patiling aniya nang nagkukumahog na siya palabas ng silid. Mangiyak-ngiyak na rin siya dahil alam naman niya agad kung bakit ginagawa iyon ni Reedz. Walang iba kundi dahil sa kaniya, dahil gusto siyang pasayahin.“Ate Calynn?!”“Ate?!”Sina Meredith at Gela ay nagulat nang makita siya. Palabas ang dalawang dalaga sa kusina. May hawak si Gela na mga baso at si Meredith ay pitsel. Lalagyan malamang ng tubig ng niyog na makukuha ni Reedz.“Bakit niyo hinayaang umakyat ng puno ang Kuya Reedz niyo?” Nilampasan niya sila. Dire-diretso pa rin siya ng lakad palabas.“Eh, iyon ang gusto niya. Sabi niya kailangang makakuha siya ng niyog para mapasaya ka,” sabi ni Gel
Naglalakad daw siya sa gitna ng mausok at madilim na kalsada. Nagtataka na palinga-linga sa napakadaming punong nagtatayugan.God, nasaang lupalop ako ng mundo?Hindi alam ni Calynn kung paanong napadpad siya sa lugar na iyon. Ang natatandaan lamang niya ay hiniling niya agad kay Reedz na gusto niyang matulog pagdating na pagdating nila sa Villa Berde galing sa prenatal checkup niya at sa mall. Hindi lang sa naiinis siya sa asawa dahil kay Avy kaya nais niya munang hindi ito makita, kundi dahil pakiramdam niya ay napagod talaga siya sa araw na iyon kahit wala naman siya halos ginawa.“Mommy…” hanggang sa tawag sa kaniya ng boses batang babae.Mas naging takang-taka ang ekspresyon ng mukha ni Calynn na hinanahap ng tingin niya ang nagsalita. Sa kaniyang likuran, doon niya nakita ang napa-cute na batang babae. Nakasuot ito ng puting bestida. Tuwid na tuwid ang mahaba at itim nitong buhok. Ngiting-ngiti habang nakatitig sa kaniya.Ninais niyang ibuka ang bibig. Tanungin ang bata kung ano
Pasakay na silang mag-asawa sa kanilang kotse nang bigla ay nangatog ang mga tuhod ni Calynn. Kung hindi siya nakakapit sa braso ng asawa ay malamang natumba na siya.Saglit na naantala ang kaniyang pagsakay. Binalanse niya muna ang sarili at pinakiramdaman. Nakailang buga siya ng hangin sa bunganga upang kumalma kahit kaunti ang dumadagundong niyang dibdib.“Are you really fine?” Maagap na hinawakan siya ni Reedz.She slowly nodded, saying that she’s just fine. Pagkuwa’y walang imik na sinubukan niya ulit na pumasok sa kotse. Awa ng Diyos ay nakaupo naman na siya nang maayos.“No, Calynn. I think you are not okay. You look like you’re dying,” sa sobrang pag-aalala sa asawa ay madiing naisabi ni Reedz nang nakasakay na rin ito sa likod ng manibela.“At ano ang gusto mo masaya ako, Reedz? Dapat ba nakangiti ako sa sitwasyon na ito?” Magkasalubong ang mga kilay at namamasa ng mga luha ang mga mata niyang tiningala ang asawa.Napahiya na nagbuntong-hininga naman si Reedz. Wari ba’y na-par
One month later.Mabilis na lumipas ang mga puno ng agam-agam na araw ng mag-asawang Reedz at Calynn. At sumapit na naman ang araw na kailangang bumalik si Calynn sa kaniyang OB. Hindi lamang para sa normal na checkup niya kundi para malaman ang totoong kondisyon ng anak nila.Limang buwan na ang ipinagbubuntis ni Calynn. Matitiyak na kung ang anak niya ay may bilateral renal agenesis o wala. Na sana nga ay wala. Na sana nagkamali lang ang doktor.Samakatuwid, sa ikalawang trimester ng pagbubuntis, ayon sa kaniyang OB ay malinaw na makikita na raw sa ultrasound kung ang mga bato ng fetus kung totoo ngang hindi nabuo, at maaari ring makita ang iba pang palatandaan ng kondisyon, tulad ng mababang dami ng amniotic fluid o oligohydramnios.“Ano’ng ginagawa mo?” malumanay na tanong ni Calynn sa asawa nang nagising siya dahil sa naramdaman niyang nakatitig sa kaniya. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay si Reedz pala. Naroon ito nakaupo sa gilid ng kama at pinapanood ang kaniyang pagtul