Kung saan-saan ipinagtatago ni Gela ang mga kalat sa salas, huwag lang makita ni Reedz.“Okay na?” tanong ni Calynn sa kapatid habang hawak ang doorknob. Ngiwing-ngiwi siya. Disaster pa naman ang hitsura ng bahay kapag si Gela lang ang nakatira. At hindi niya inayos o nilinis pagdating niya dahil malay ba niyang susunduin siya ni Reedz.Thumbs-up ang itinugon sa kaniya ng burarang kapatid. Nagtatakbo na sa may kusina.Matapos ang ilang beses na inhale at exhale, kagat ang labing pinagbuksan na nga ni Calynn ang asawa. At muntik na siyang mapa-‘nanay ko po’ nang makita niya ang hitsura nito.“P-pasok ka,” pasalamat niya’t nagawa pa rin niyang ibigkas.Reedz’ expression was blank. Parang tipaklong na kakain na naman ng buhay na tao. Yay!Hands in his pockets, walang imik na pumasok nga si Reedz. Imbes na ngumiti o batiin siya’y pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng maliit na salas. Salas na hindi maikakaila na mga babae ang nakatira. Maliban sa magulo ay halos kulay pink ang lahat. Pati a
“Dad?” agaw-pansin ni Reedz sa ama nang makarating siya sa Rovalez mansyon. Matapos niyang ihatid si Calynn sa penthouse ay dumiretso siya agad doon dahil sa natanggap nitong tawag mula sa executive assistant nito. Pinapunta sira roon at clueless siya sa kung anong dahilan.“P*****a ka!” Hindi pa man siya nakakapagsalita ay inihambalos na ng Chairman ang tungkod nito sa kaniya. Tumama iyon sa balikat ng anak na bagong dating.Hindi naman tuminag si Reedz. Tinanggap niya ang napakalakas na hampas na iyon. Napatiim-bagang lang siya kahit na parang nabiyak ang kalamnan ng kaniyang braso.“What have I done wrong this time?” sa halip ay parang walang pakiramdam na tanong niya sa noon pa man ay malupit nang ama sa kaniya.“Ano ang pumasok sa isip mo at iniwan mo ang kompanya para lang sa babaeng iyon?! Since when have you been negligent in your job, huh?!”Sandali lang ang pagkabigla sa mukha ni Reedz. Pagkuwa’y, “Dad, hindi lang basta babae lang ang dahilan bakit iniwan ko ang opisina. She’
“Ma’am Calynn, huwag ka munang umalis,” narinig ni Calynn na tawag sa kaniya ni Secretary Dem. Napansin nga rin niya ang mga nagbubulungang employees. Pero dire-diretso siya ng lakad palabas ng opisina. Nagbingi-bingihan siya.Pagdating niya sa tapat ng elevator ay saka lang niya pinakawalan ang mas madaming luhang kanina pa niya pinipigilan. Sising-sisi na siya kung bakit nagpaguyo siya kay Yeyet na puntahan niya si Reedz sa opisina. Sana kinain na lang pala niya na mag-isa ang kaniyang adobo.Kanina ay nagtatalo talaga ang loob niya kung dadalhan na lang niya ang dinner o hindi ang asawa. Kung bakit ba kasi tumawag-tawag pa sa kaniya ang bruhang iyon. Sinabi lang niyang may bago ulit siyang cellphone number sa chat, bigla na lamang tumawag.… “Number mo ba talaga ito?” tanong ni Yeyet nang sagutin niya kanina ang tawag nito. “Oo, second number ko dahil naiwan ko sa apartment iyong lumang cellphone ko. At hindi ko alam kung kailan madadala ni Gela rito o kailan ko makukuha doon.”“Ok
‘Huwag mo na hintayin ang asawa mo dahil hindi mo naman ‘yon totoong asawa. Baka nasa totoong babae na mahal niya iyon. Matulog ka na diyan, Ate. Pati sa akin nakakaistorbo ka na. May pasok pa ako bukas. Good night’ – ang huling chat sa kaniya ni Gela na kaniyang na-receive. Bruha talaga. Walang kuwentang kausap.Padarag na ibinaba niya sa center table ang kaniyang cellphone. Humalukipkip at sinubukang ituon ang pansin sa kaniyang pinapanood na panggabing drama. Subalit saglit lamang ay napalatak siya’t nakalas ang pagkakahalukipkip niya dahil hindi na naman maalis sa isip niya ang sinabi ng kapatid.Bakit ba siya nasasaktan kasi na hindi na naman nakakauwi ang asawa niya?Ang totoo, kanina pa siya naghihintay sa pagdating ng asawa. Parang hindi niya kasi kayang matulog na wala ito. Syempre, alam niya na ang mabuting asawa ay hinihintay ang mister galing trabaho. Katunayan nagluto nga ulit siya.Nakamot-kamot niya ang ulo. Umaasa na naman ba siya na magkakaron ng himala? Iyong katulad
Hindi talaga makapaniwala si Calynn na nilabasan na siya. “Iyon na ba 'yon?”Mula sa pagitan ng kanyang mga hita ay nag-angat ng ulo si Reedz. Nang makita niya ang ngisi nito sa mga labi ay noon siya nakadama ng kahihiyan.Nagmukha na naman ba siyang shunga na pati ang bagay na iyon ay hindi niya alam o hindi niya sure?“Sorry, first time,” pulang-pula ang kanyang mukha na sabi. Kinagat niya ang pang-ibabang labi.“I should be the one doing that. The one biting your lips, sweetheart,” pilyong wika naman ni Reedz. Bago pa man siya maka-react ay nakaakyat na ito sa kanya at muling sinakop ng nag-aalab na halik. May pakagat nga itong ginawa sa kanyang mga labi, pero hindi naman masakit, mas nakadagdag nga iyon ng alab ng halik nito.At nang iwan nito ang kanyang mga labi ay nakadama siya ng kawalan. Nakangusong hinabol pa nga niya ang mga labi nito. She opened her eyes at nakita niyang nakatitig ito sa kanya. Then his knuckle gently brushed her face.“Are you sure na ibibigay mo ito sa a
Kusa na nagising ang diwa ni Calynn. At ayon sa katawan niya, nakatulog siya ng mahimbing. Smiling, she stretched her hands, pero nang bumuhos ang ala-ala sa isip niya kung ano ang nagyari sa kanila ng asawa sa nakalipas na magdamag ay biglang dilat siya ng mga mata. Naalala niya na kasiping niya si Reedz sa kamang iyon kagabi, and they made sweet love. Twice. Nangyari ba ang lahat ng iyon? Bigla rin siyang napatingin sa kanyang tabi, thinking her husband was there. Subalit wala siyang ibang nakita roon kundi ang unan. Hindi kaya panaginip lamang? Umiling siya nang maramdaman niya ang medyo hapdi sa pagitang ng kanyang mga hita. Totoo iyon. Totoo ang lahat ng nangyari. Hindi na siya virgin. She had already been deflowered by her husband. Napabalikwas siya ng bangon, hinanap ng tingin si Reedz. Nakiramdam din siya pero sa sobrang katahimikan ng bahay, nabalutan siya ng lungkot nang mapagtanto niyang wala na si Reedz. Malamang pumasok na sa opisina. Napaingos siya. Ganoon na lang
"What brought you here all of a sudden?” Hindi na kailangang lingunin ni Reedz kung sino ang nagsalita. Sino pa ba kundi ang pinsan niyang sinadya niya mismo sa bahay nito. Si Denver. Patuloy siya sa pagtingin-tingin sa mga picture frame na kinalalagyan ng mga larawan nila noong mga bata sila kasama si Meredith. Naka-display ang mga iyon sa magarang glass breakfront sa living room ng mansyon ng Manrigas. “What’s wrong at himalang sumadya ka pa talaga dito sa bahay?” tanong pa ni Denver. “Wala naman, Insan.” Nakapamulsa at nakangiting nilingon niya ito. “Are Meredith and Aunt Divina not here?” “They're in Paris. You know they wouldn't dare to skip Fashion Week.” Nakangiti pa rin, tumango-tango si Reedz. “How about you? Don't you have anything keeping you busy right now?” “What do you mean? Syempre busy ako sa Regal Empire tulad mo. Nakakalimutan mo yatang ako ang Chief Legal Officer ng kompanya?” Totoo iyon. Since graduate si Denver sa kursong Political Science ay dito ibinigay
“Sir, pinatawag mo ako?” magiliw na tanong sa kanya ni Secretary Dem. As usual animo’y mayordomo sa isang palasyo na magkahawak ang mga kamay sa likod nito habang tuwid na tuwid ang pagkakatayo sa harapan ng kanyang desk. Mula sa tutok na tutok sa screen ng kanyang laptop kumilos ang mga eyeballs ni Reedz patungo sa mukha ng tauhan. Nakapangalumbaba ang isa niyang kamay at ang isa naman ay tinutuktok ang Montblanc pen sa desk. Ilang sandali na naghintayan sila sa kung sino ang magsasalita. Saglit ay kumilos si Reedz. Umayos siya nang pagkakaupo. Isinandal ang likod sa kinauupuan. “Come here, Secretary Dem. I have something to show you.” “Yes, Sir.” Madaling sumunod ang sekretaryo. Subalit anong kunot ng noo nito nang makita ang tinitigan ng amo sa laptop. “Do you see that, Secretary Dem?” “Iyan ay isang grasshopper, Sir, na sa Tagalog ay tipaklong. Sila ay karaniwang makikita sa mga damuhan, halamanan, at iba't ibang uri ng vegetasyon. Karaniwang naririnig ang kanilang mga tunog
Ngiting-ngiti si Calynn habang nakatanaw sa malayo na parte ng dagat. Feel na feel din niya ang mga malakas na hangin na tumatangay sa kaniyang buhok at laylayan ng kaniyang bestida. Kanina pa siya roon pero wala siyang kasawaan sa panonood sa paligid. Talaga naman kasing napakaganda ng kaniyang kinaroroonan na lugar ngayon. Napakaliwalas pati ng langit. Ang gaan-gaan ng kaniyang pakiramdam, parang ang problema o stress pa ang mahihiya na maligaw roon.Matingkad na asul ang kulay ng karagatan. It was like crystal-clear waters. Malambot sa paa ang puting mga buhangin. Green na green din ang mga puno na karamihan ay mga palm trees. Parang mga kabute ang mga canopy na hilira sa gilid ng dagat na nagsisilbing tambayan ng mga turista. At ang mga villa na thatched-roof ay talaga namang nakakamangha sa ganda—overlooking the sea.Sa di-kalayuan, hindi naman inaalis ni Reedz ang tingin sa asawa habang palapit siya sa kinaroroonan ng asawa. Simula dumating sila sa Maldives upang ituloy ang kanil
Tatlong araw lamang ang ginawang burol ng anak nina Calynn at Reedz na pinangalanan nilang Recca. Katulad nang parang napakabilis na ipinagbuntis at ipinanganak ni Calynn si Baby Recca, ganoon din kabilis ang lumipas na araw. Kasalukuyan na nilang pinapanood ang dahan-dahang pagbaba sa napakaliit na kabaong nito sa hukay.Maliban sa may bahay ang puntod ng baby nila, pinili rin nilang mag-asawa na sa malalim na hukay din ilibing ang kanilang anak upang anila ay hindi malapastangan ng mga walang respeto sa patay na mga tao katulad ng mga napapanood sa TV.At kung noon sa ospital ay grabe ang pag-iyak nilang dalawa, ngayon ay tahimik na lamang silang lumuluha. Malamang ay dahil nailuha na lahat nila, lalo na si Calynn na halos walang humpay ito sa pag-iiyak sa nagdaang mga araw. Nakapaloob si Calynn sa yakap ni Reedz. Sa isa’t isa pa rin sila humuhugot ng tapang upang makayanan nila ang pagkawala ng panganay nilang anak.Mula namatay si Baby Recca ay hindi sila humiwalay sa isa’t isa. Pa
“Calex, Oseph, manganganak na si Calynn!” malakas na malakas na sigaw ni Reedz sa kaniyang dalawang tauhan. Nataranta naman ang mga ito. Si Oseph ay lumapit sa kanila, habang si Calex ay tumawag agad ng ambulansya.“Kaya mo bang tumayo?” tanong ni Reedz kay Calynn.Napapangiwi na sinubukang tumayo si Calynn, subalit halos hindi na niya mabuhat ang kaniyang katawan. Gayunman, pinilit niya. Kailangan niyang kayanin. Heto na ang huling yugto ng pagiging ina niya sa kaniyang anak. Kailangan niya itong maipanganak, tiyaking buhay ang baby niya para sila ay magkita ng kahit saglit lang, ng kahit segundo lang.“Oh, God. Masakit, Reedz,” da*ng niya. At nang maramdaman niyang basa na ang bandang ibaba ng katawan niya’y nayanig ang buo niyang pagkatao. In slow motion tulad sa mga pelikula, muntik na siyang matibag ng tuluyan nang makita niya ang pula sa kaniyang paanan.Manganganak na talaga siya!May dugo nang umaagos sa paanan niya!“Dalhin niyo na ako sa ospital! Bilisan niyo!” malakas na mal
“Ibig sabihin, pagkatapos na pagkatapos na manganak ni Calynn ay mamamatay agad ang baby niya?”“Hindi naman, Madam, maaari pa rin namang magtagal ng ilang oras ang sanggol o aabot ng ilang araw.”“But Reedz and Calynn's baby will still die?”“Yes, Madam, dahil sa kondisyon ng sanggol wala pang paraan upang maisalba ang buhay niya kahit sa ibang bansa.”In the midst of conversation, Avy flashed her sweetest smile at the man. Mayamaya ay may ibinigay na siya ritong puting sobre. “Well done, Mr. Bonalos. I appreciated the information you provided about the couple. Hanggang sa susunod natin ulit nating pagkikita.”Kinuha ng lalaking private investigator ang puting sobre, yumukod bilang pasasalamat at saka umalis na.Ang ngiti sa mga labi ni Avy ay kasabay nang papalayong pigura ng lalaki sa paningin niya ang pagkabura niyon. Lumabas ang totoong ekspresyon ng kaniyang mukha na gigil at selos para kay Calynn.Kanina ay nakita niya ang larawan na pinost ni Meredith sa social media. Mga laraw
Nakadama si Calynn ng bikig sa kaniyang lalamunan habang pinagmamasdan niya ang ginawa nilang dekorasyon sa labas ng Villa Berde para sa gaganapin na gender reveal ng kaniyang baby.Gayunman ay magaan ang kaniyang kalooban dahil totoong tanggap na niya ang nangyayari o mangyayari. Ang lagi na lang niyang ipinagdarasal sa Diyos ay ang sana bigyan na lang siya ng lakas at tatag sa damdamin upang tanggapin ang lahat kapag matatapos na ang lahat. At higit sa lahat ay sana biyayaan ulit siya ng anak.“Are you okay? Aren't you tired?” tanong ni Reedz sabay akbay sa kaniya.Nakangiting tiningala niya ang asawa. “Ayos lang. Wala naman akong halos ginawa. Iyong dalawang iyon ang mga napagod.” Ininguso niya sina Meredith at Gela na abala sa pagkuha ng picture sa katatapos nilang dekorasyon.“Hayaan mo sila. May bayad naman na hiningi sa akin ang dalawang iyan.”“Huh?”“They asked for the latest model of cellphone. Iphone 16 pro max daw.”“Sandali! Ang mahal ng mga cellphone na ganoon, ah? Hindi
“Oh, my ghad, Reedz!” Kamuntik nang atakehin sa puso si Calynn sa nakita niyang ginagawa ng asawa sa likod-bahay. Grabe ang nerbyos niya dahil napakataas kasi talaga ng niyog na inaakyat ni Reedz. Kung titingalain nga ito ay parang maabot mo na ang mga ulap sa langit kapag nandoon ka sa dulo niyon.“Lord, gabayan niyo ang asawa ko!” patiling aniya nang nagkukumahog na siya palabas ng silid. Mangiyak-ngiyak na rin siya dahil alam naman niya agad kung bakit ginagawa iyon ni Reedz. Walang iba kundi dahil sa kaniya, dahil gusto siyang pasayahin.“Ate Calynn?!”“Ate?!”Sina Meredith at Gela ay nagulat nang makita siya. Palabas ang dalawang dalaga sa kusina. May hawak si Gela na mga baso at si Meredith ay pitsel. Lalagyan malamang ng tubig ng niyog na makukuha ni Reedz.“Bakit niyo hinayaang umakyat ng puno ang Kuya Reedz niyo?” Nilampasan niya sila. Dire-diretso pa rin siya ng lakad palabas.“Eh, iyon ang gusto niya. Sabi niya kailangang makakuha siya ng niyog para mapasaya ka,” sabi ni Gel
Naglalakad daw siya sa gitna ng mausok at madilim na kalsada. Nagtataka na palinga-linga sa napakadaming punong nagtatayugan.God, nasaang lupalop ako ng mundo?Hindi alam ni Calynn kung paanong napadpad siya sa lugar na iyon. Ang natatandaan lamang niya ay hiniling niya agad kay Reedz na gusto niyang matulog pagdating na pagdating nila sa Villa Berde galing sa prenatal checkup niya at sa mall. Hindi lang sa naiinis siya sa asawa dahil kay Avy kaya nais niya munang hindi ito makita, kundi dahil pakiramdam niya ay napagod talaga siya sa araw na iyon kahit wala naman siya halos ginawa.“Mommy…” hanggang sa tawag sa kaniya ng boses batang babae.Mas naging takang-taka ang ekspresyon ng mukha ni Calynn na hinanahap ng tingin niya ang nagsalita. Sa kaniyang likuran, doon niya nakita ang napa-cute na batang babae. Nakasuot ito ng puting bestida. Tuwid na tuwid ang mahaba at itim nitong buhok. Ngiting-ngiti habang nakatitig sa kaniya.Ninais niyang ibuka ang bibig. Tanungin ang bata kung ano
Pasakay na silang mag-asawa sa kanilang kotse nang bigla ay nangatog ang mga tuhod ni Calynn. Kung hindi siya nakakapit sa braso ng asawa ay malamang natumba na siya.Saglit na naantala ang kaniyang pagsakay. Binalanse niya muna ang sarili at pinakiramdaman. Nakailang buga siya ng hangin sa bunganga upang kumalma kahit kaunti ang dumadagundong niyang dibdib.“Are you really fine?” Maagap na hinawakan siya ni Reedz.She slowly nodded, saying that she’s just fine. Pagkuwa’y walang imik na sinubukan niya ulit na pumasok sa kotse. Awa ng Diyos ay nakaupo naman na siya nang maayos.“No, Calynn. I think you are not okay. You look like you’re dying,” sa sobrang pag-aalala sa asawa ay madiing naisabi ni Reedz nang nakasakay na rin ito sa likod ng manibela.“At ano ang gusto mo masaya ako, Reedz? Dapat ba nakangiti ako sa sitwasyon na ito?” Magkasalubong ang mga kilay at namamasa ng mga luha ang mga mata niyang tiningala ang asawa.Napahiya na nagbuntong-hininga naman si Reedz. Wari ba’y na-par
One month later.Mabilis na lumipas ang mga puno ng agam-agam na araw ng mag-asawang Reedz at Calynn. At sumapit na naman ang araw na kailangang bumalik si Calynn sa kaniyang OB. Hindi lamang para sa normal na checkup niya kundi para malaman ang totoong kondisyon ng anak nila.Limang buwan na ang ipinagbubuntis ni Calynn. Matitiyak na kung ang anak niya ay may bilateral renal agenesis o wala. Na sana nga ay wala. Na sana nagkamali lang ang doktor.Samakatuwid, sa ikalawang trimester ng pagbubuntis, ayon sa kaniyang OB ay malinaw na makikita na raw sa ultrasound kung ang mga bato ng fetus kung totoo ngang hindi nabuo, at maaari ring makita ang iba pang palatandaan ng kondisyon, tulad ng mababang dami ng amniotic fluid o oligohydramnios.“Ano’ng ginagawa mo?” malumanay na tanong ni Calynn sa asawa nang nagising siya dahil sa naramdaman niyang nakatitig sa kaniya. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay si Reedz pala. Naroon ito nakaupo sa gilid ng kama at pinapanood ang kaniyang pagtul