Share

KABANATA 4

Author: RRA
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Isang tinig mula sa hagdanan ang kanilang narinig, nakatayo ito sa ikatlong baytang ng hagdan, at nagpatuloy na inihakbang ang mga paa nito, habang hawak ang isang mahabang tungkod. Mabilis namang lumakad si Samson upang alalayan ang matanda. Isa na iyon nakasanayan niyang gawin, bagay na hindi nagagawa ng ibang manugang nito.

“Papa, iyang inuwi niyong hampas lupa, muntik na akong mapatay, ang lakas niya akong binuhat!” sumbong agad ni Carlito.

“Ano bang ginawa mo at nagalit si Samson sa iyo? Hindi naman siya magagalit ng walang dahilan!” sambit ng matandang Don.

“Pero Papa, nagtanong lang naman ang asawa ko patungkol sa trabaho ni Veron, masama ba iyon para kumilos siya ng ganon?” katwiran naman ni Claris.

“Ate, ipinagtanggol lang ako ni Samson, masyado na kasi kayong wala sa lugar?” sa wakas ay nasabi ni Veron. Sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig niyang tila ipinagtatangol siya nito.

“A, ipinagtatanggol mo pala ang hampas lupang iyan!” sabat naman ni Janna.

“Oo Ate Janna, asawa ko nga eh,” sambit pang muli ni Veron. At ang mga salita nito ng mga oras na iyon ay tila isang magandang musika sa kanyang pandinig. At hinihiling niya na sana ay hindi na matapos ang mga bagay na iyon na nangyayari sa kanya.

“Papa. Paalisin niyo na lang iyang si Samson, hindi ko na kayang makasama pa rito ang lalaking iyan,” sambit ni Carlito.

“Ganon rin ako, Papa. Kung hindi niyo siya paalisin rito, baka umalis na lang kami rito,” si Joey naman ang nagsalita. Malalakas ang loob ng mga ito dahil mayayaman sila at may kaya rin naman sa buhay.

“O sige paaalisin ko siya, pero kayong lahat ang gagawa ng mga ginagawa niya rito? Pati ang pag-aasikaso sa akin?” sagot naman ni Don. Martin. At hindi nakakibo ang kanyang mga bayaw at mga asawa nito.

“Ipagpaumanhin niyo, Don Martin, kung nais nilang umalis ako,” sambit naman ni Samson. Ayaw na niyang makita ang lahat na nag-aaway nang dahil sa kanya.

“At ano? Babalik ka na naman sa pagiging warden? Sa isang masamang gawain, sa mga kriminal?” tanong ni Veron sa asawang ngayong  ay kinaawaan niya. Naawa ba siya rito? Iyon ang isang malaking katanungan niya sakanyang puso. Sa sinabing iyon ni Veron ay nadama niya ang matinding saya, para sa kanya ang makita at marinig na tila may pag-aalala sa mga mata nito ay ang siyang mas lalong nagbibigay sa kanya ng lakas.

“VERONICA! Huwag mong sabihin sa akin na nahuhulog ang loob mo sa lalaking hampaslupang iyan! Hindi ako papayag!” sigaw naman ng ina ni Veron. Na noong una pa lang ay napakaliit na talaga ng tingin sa kanya. Mabilis itong lumapit at hinila sa braso ang anak, “Kailan ka ba madidistino sa ibang lugar? Gusto kong umalis ka na uli, at magtrabaho sa malayo!”

“Mama! Ano ba kayo, kahit na isa akong pulis, babae pa rin ako, isang babae na nagnanais na magkaroon ng pamilya, at si Samson na ang asawa ko,” halos maiiyak nang sabi ni Veron sa ina.

“Hindi kami papayag!” sabay-sabay na sigaw ng kanyang mga ate.

“Bakit po ba? W-wala na kayong magagawa kasal na kami sa mata ng Diyos at sa mata ng lahat ng tao, bakit ba kayo ganyan?”

“Veron, anak may pagkakataon pa naman, hindi ka pa naman niya nagagalaw, malinis ka pa, maari kapang makipag hiwalay sa kanya, at magpakasal kay Mr. Mondragon, nalaman namin na napakayaman ng taong iyon, at may pagtingin siya sa iyo,” mahinahong saad ni Ginang Elianna kay Veron.

“Elianna! Hindi ka ba nahihiya sa mga sinasabi mo? Ano na lang sasabihin sa ating ng lahat ng mga kamag-anak natin, at kakilala!” mabilis na dumagundong ang tinig ng kanilang ama na si Don Martin.

“Bakit? Martin! Mayaman tayo, dapat ang lahat ng anak natin ay makapag-asawa ng mayaman din, marapat lamang para kay Veronica na sa kilalang pamilya siya mapunta, hindi sa isang hampas lupa at basura!” Isang malakas ring salita ni Gng. Elianna ang narinig ng lahat.

“Sang-ayon ako Papa,” sabat ni Sonia.

“Ako rin!” sabi rin ni Addah. At ganoon din ang reaksiyon ni Janna at ng mga sawa nito.

Sa puntong iyon ay hindi na matiis ni Samson ang mga naririnig niya. Ngunit alam niyang hindi pa iyon ang tamang panahon para sa kanya. Naiiling na tinapunan ni Veron ng tingin ang lahat ng kanyang kapatid, at ang kanyang ina. At minsan pa nga rin siyang tiningnan nito. Tumayo si Veron at walang lingon na umalis sa harapan nila.

_______________

Nakatanggap ng tawag si Veron mula sa kanilang headquarters na siya ay malilipat muna sa prisintong malapit sa kanilang lugar bilang isang simpleng pulis lamang sa opisina. Sa hindi malamang dahilan ay naalis ito sa crime operation ng hinahawakang kaso. Alam ni Samson na nagdulot iyon ng matinding kalungkutan para sa asawa. Kaya’t ninais niyang mapasaya ito.

“Veron, ayos ka lang ba? Ano bang nais mong gawin ko upang mapasaya kita?” tanong ni Samson kay Veron ng minsang makita niya ito na nasa may hagdan sa likod bahay, kung saan rin siya ,madalas na nagsisibak ng kahoy.

“Maging matapang ka,” maigsing sagot ni Veron. Nakasalo ang dalawang kamay nito sa maykaliitang mukha.

“Ano?” Napapakamot naman si Samson sa batok at tipid lang na ngumiti. Halatang hindi nito nakuha ang ibig niyang sabihin.

“Ayan ka nanaman, idinadaan ang lahat sa pag-ngiti, kailan ka ba magsasalita sa kanila, o ipaglalaban ang sarili mo, bigyan mo naman ako ng kahihiyan, bilang asawa mo.”

“Kapag ba nilabanan ko sila matutuwa ka? Hindi ko pwedeng gawin iyon, baka iyon pa ang maging dahilan nang paghihiwalay natin Veron. Kaya kakayanin ko ang lahat ng pang-aapi nila sa akin, makasama lang kita,” saad pa ni Samson. Lihim siyang kinilig sa tapat at bulgar na paghahayag ng asawa sa kanya ng pagmamahal. Ngunit sa isang banda ay naisip niyang may punto rin naman ang binata, hindi nito makakaya ang galit ng kanyang Mama.

Kinabukasan ay nagsimula na ang duty ni Veron sa pinakamalapit na prinsinto sa kanilang lugar, at dahil baguhan ito, ay nag-prisinta si Samson na ihahatid sa trabaho ang asawa, hindi naman sana tumutol si Veron, ngunit ang ina at mga kapatid nito ang siyang hindi pumayag. “Anong ihahatid! Hay Mama, ang kapal talaga ng mukha ng isang iyan!” sambit ni Sonia.

 “Gusto mo bang mapahiya ang kapatid namin sa prisinto? Kapag nakita nila at nalaman na may asawang kagaya mo si Veron, tiyak na pagtatawanan lamang siya!” sambit rin ni Claris sa kanya.

“Oo nga, at ayokong malaman ng mga tiga-prisinto na may bayaw akong hampas lupa at basura,” napatabingi ang ulo ni Mon Dela-Cruz isang Tinyente sa nasabi ring prisinto.

“Samson, hayaan mo na, sasabay na lang ako kina Kuya Mon, at Ate Addah,” mahinahon na sambit ni Veron. Nang mga panahon na iyon ay hindi na masyadong nagsasalita sa kanya ang asawa niya ng mga mabibigat na salita.

Dahilan kung bakit mas ninais pa niyang mapagsilbihan ito. “Hoy Samson, magluto ka na lang ng masarap, at pagsilbihan mo ang biyenan nating hirap na sa paglalakad dahil sa rayuma niya,” sambit ni Carlito, na sinabayan pa ng pagtatawa.

“Oo nga nama, Basura, maraming basura sa daan huwag mo nang dagdagan pa,” segunda rin ni Evan, nakasuot ito ng itim na amerkana, na palagi nitong suot sa pagpasok sa opisna. Tanging, siya lamang sa mga manugang ni Don Martin ang walang trabaho at nasa bahay lamang.

______________________________________

Bandang alas dos ng hapon ng makalabas na si Samson sa mansiyon, iyon ang oras na natutulog ang kanyang mga biyenan, sa pamilihan, nakakita siya ng mga lalaking nagtatakbuhan, at isang babae ang sumisigaw, “Hulihin niyo ang mga lalaking iyan, mga magnanakaw!” sambit nito. Habang tumatakbo rin, palihim niyang pinatid ng isang paa niya ang isa sa mga lalaking tumatakbo, nadapa ito, at iyon ang naging dahilan kung bakit sila nahuli ng mga pulis, nang makita niyang isa si Veron na isa sa mga pulis na humahabol sa mga magnanakaw ay mabilis siyang nagkubli upang hindi siya makita nito.

“Huli kayo! May karapatan kayong kumuha ng abogado, at manahimik dahil lahat ng salitang lalabas sa mga bibig ninyo ay maaring magamit laban sa inyo!” sambit ni Veron sa isa sa mga ito habang sinusuutan ng posas ang mga kamay ng isa sa mga magnanakaw. At ganoon din ang iba pang mga pulis na kasama nito.

“Kung hindi lang kami pinatid no’ng lalaki, hindi niyo kami mahuhuli! Mga inutil!” sambit pa ng lalaking magnanakaw. Napalingon naman siya sa lalaking naglalakad ng mabilis at nakayuko, nakasuot ito ng sumbrero kaya hindi niya namukhaan ang binata.

Kaugnay na kabanata

  • HER SECRETLY STONGER HUSBAND   KABANATA 5

    Mabilis siyang lumiko sa kabilang kalye, upang hindi siya makita nina Veron, at hindi nito malaman na siya pala ang pumatid sa isa sa mga magnanakaw na hinahabol ng grupo nila, hindi niya akalaing sumasama pala sa operasyon si Veron, alam niyang delikado ang ginagawa ng asawa, kaya naman nakaramdam siya ng pag-aalala para sa babaeng minamahal. Ngunit ikinabigla niya ang paghinto ng isang malaking Van sa harap niya. Wala siyang reaksiyon at nanatili lamang siyang nakapamulsa.Isang lalaking may katangkaran at balingkinitan ang katawan, nakasuot ng itim na suit, at naka-shade. Lumakad itong papalapit sa kanya, naghubad ng suot na salamin, at saka nagsalita sa wikang pranses, na ang ibig sabihin ay, “Master, matagal na po namin kayong hinahanap, narito lang po pala kayo sa Pilipinas,” sambit nito.Kilala niya ang lalaking ito na ngayon ay nakatayo sa kanyang harapan, ito si Frederic, ang kanyang kanang kamay, ang kanyang batler na lubos niyang pinagkakatiwalaan noon, hindi lang basta bat

  • HER SECRETLY STONGER HUSBAND   KABANATA 1

    Year 1999 -Baguio City-Isang lalaking may matipunong pangangatawan ang nagnganagalang Samson, ang nagsisibak ng mga kahoy na ipanggagatong para sa fire place na nasa loob ng mansiyon ng mga Atienza. Tatlong taon na ang nakararaan nang mapang-asawa niya ang isa sa mga anak ng mga ito, si Veronica, isang matapang na alagad ng batas, madalas wala ito sa mansiyon dahil nadidistino ito sa iba’t ibang lugar. Ngunit nang araw na iyon ay bigla itong umuwing malungkot at laglag ang mga balikat.Gusto man niyang magtanong sa kanyang itinuturing na asawa kung ano ang problema nito, ngunit hindi niya magawa, alam kasi niyang sisinghalan lamang siya nito at papahiyain sa harap ng marami. Ngunit kahit na ganoon ay hindi siya kumikibo o nagpapakita ng anumang reaksiyon. Hinahayaan lamang niya itong gawin ang mga bagay na iyon. Hindi kasi nito nakikita ang tunay niyang kahalagahan bilang asawa at sa pamilya nito.“Hoy! Samson, bilisan mo nga ang pagsisisbak mo ng kahoy, alam mo namang ang lamig-lami

  • HER SECRETLY STONGER HUSBAND   KABANATA 2

    CHAPTER 2Isang lalaki ang bumida at nagdala roon ilang klaseng mamahaling alak, sabi nito ay nanggaling pa raw sa Europa ang mga alak na iyon. Mamahalin at tiyak na dumaan pa sa napakatagal na pagkakaimbak, kaya alam nitong napakamahal at napakasarap. Nailing lamang siya sa kayabangan nito, hindi niya lubos na maisip na ang mga sinasabi nito ay katotohanan. Pagdating sa mga alak, hindi matatawaran ang kalaaman niya sa bagay na iyon.Bukod kasi sa iyon ang panguhing produkto ng pamilya Ruiza, sa Inglatera ay natikman na niya at kabisado niya ang lahat ng mamahaling alak sa buong mundo. Ngunit tahimik lamang siyang nagmasid at nakikinig sa kayabangan nito. Ang lalaking iyon ay nais na magpa-impress kay Veron. Naiirita rin siya sa tuwing lumalapit ito sa kanyang asawa at nagpapakita ng motibo. “Nakita mo ba iyon, Samson? Ang lalaking iyan kanina pa kumikindat sa akin, hindi ko alam, baka naman may gusto siya sa ‘kin?” tanong ni Veron sa kanya. Hindi naman niya alam kung ano ang pinupun

  • HER SECRETLY STONGER HUSBAND   KABANATA 3

    Sa inis ni Ginang Elianna sa pagtatangol ni Veron sa asawa, iniwan nila si Veron at nagtungo sa lamesa upang kumuhang muli ng alak, isang maginoo ang lumapit kay Veron, “Hindi mo kilala ang tunay na pagkatao ng asawa mo no? Alam mo bang tama ang asawa mo, mga peke ang mga alak na iyon, lasa ko, at kita ko sa mga botelyang ginamit, maaring tunay na alak nga ngunit hindi de lakidad, at nakaraan sa matagal na proseso ang mga alak na iyan na dala ni Mr. Mondragon,” sambit nito ng pabulong lamang kay Veronica.Matapos ang sinabing iyon ng isa pang mayamang panauhin din ay napatingin na lamang siya sa lalaking kanya nang asawa, nakita niya si Samson na siyang punong abala sa mga panauhin at pag-aasikaso ng mga pagkain. Labis siyang nakadama ng lungkot, kahit na hindi niya pa nais.__________Kinaumgahan ay maaga na naman siyang nagising, kahit na siya ang pinakahuling natulog sa lahat ng mga tao sa loob ng mansiyon. Sa sobrang galit ni Gng. Eliana sa kanya nang ikasal sila ni Veron, ilang l

Pinakabagong kabanata

  • HER SECRETLY STONGER HUSBAND   KABANATA 4

    Isang tinig mula sa hagdanan ang kanilang narinig, nakatayo ito sa ikatlong baytang ng hagdan, at nagpatuloy na inihakbang ang mga paa nito, habang hawak ang isang mahabang tungkod. Mabilis namang lumakad si Samson upang alalayan ang matanda. Isa na iyon nakasanayan niyang gawin, bagay na hindi nagagawa ng ibang manugang nito. “Papa, iyang inuwi niyong hampas lupa, muntik na akong mapatay, ang lakas niya akong binuhat!” sumbong agad ni Carlito. “Ano bang ginawa mo at nagalit si Samson sa iyo? Hindi naman siya magagalit ng walang dahilan!” sambit ng matandang Don. “Pero Papa, nagtanong lang naman ang asawa ko patungkol sa trabaho ni Veron, masama ba iyon para kumilos siya ng ganon?” katwiran naman ni Claris. “Ate, ipinagtanggol lang ako ni Samson, masyado na kasi kayong wala sa lugar?” sa wakas ay nasabi ni Veron. Sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig niyang tila ipinagtatangol siya nito. “A, ipinagtatanggol mo pala ang hampas lupang iyan!” sabat naman ni Janna. “Oo Ate Janna,

  • HER SECRETLY STONGER HUSBAND   KABANATA 3

    Sa inis ni Ginang Elianna sa pagtatangol ni Veron sa asawa, iniwan nila si Veron at nagtungo sa lamesa upang kumuhang muli ng alak, isang maginoo ang lumapit kay Veron, “Hindi mo kilala ang tunay na pagkatao ng asawa mo no? Alam mo bang tama ang asawa mo, mga peke ang mga alak na iyon, lasa ko, at kita ko sa mga botelyang ginamit, maaring tunay na alak nga ngunit hindi de lakidad, at nakaraan sa matagal na proseso ang mga alak na iyan na dala ni Mr. Mondragon,” sambit nito ng pabulong lamang kay Veronica.Matapos ang sinabing iyon ng isa pang mayamang panauhin din ay napatingin na lamang siya sa lalaking kanya nang asawa, nakita niya si Samson na siyang punong abala sa mga panauhin at pag-aasikaso ng mga pagkain. Labis siyang nakadama ng lungkot, kahit na hindi niya pa nais.__________Kinaumgahan ay maaga na naman siyang nagising, kahit na siya ang pinakahuling natulog sa lahat ng mga tao sa loob ng mansiyon. Sa sobrang galit ni Gng. Eliana sa kanya nang ikasal sila ni Veron, ilang l

  • HER SECRETLY STONGER HUSBAND   KABANATA 2

    CHAPTER 2Isang lalaki ang bumida at nagdala roon ilang klaseng mamahaling alak, sabi nito ay nanggaling pa raw sa Europa ang mga alak na iyon. Mamahalin at tiyak na dumaan pa sa napakatagal na pagkakaimbak, kaya alam nitong napakamahal at napakasarap. Nailing lamang siya sa kayabangan nito, hindi niya lubos na maisip na ang mga sinasabi nito ay katotohanan. Pagdating sa mga alak, hindi matatawaran ang kalaaman niya sa bagay na iyon.Bukod kasi sa iyon ang panguhing produkto ng pamilya Ruiza, sa Inglatera ay natikman na niya at kabisado niya ang lahat ng mamahaling alak sa buong mundo. Ngunit tahimik lamang siyang nagmasid at nakikinig sa kayabangan nito. Ang lalaking iyon ay nais na magpa-impress kay Veron. Naiirita rin siya sa tuwing lumalapit ito sa kanyang asawa at nagpapakita ng motibo. “Nakita mo ba iyon, Samson? Ang lalaking iyan kanina pa kumikindat sa akin, hindi ko alam, baka naman may gusto siya sa ‘kin?” tanong ni Veron sa kanya. Hindi naman niya alam kung ano ang pinupun

  • HER SECRETLY STONGER HUSBAND   KABANATA 1

    Year 1999 -Baguio City-Isang lalaking may matipunong pangangatawan ang nagnganagalang Samson, ang nagsisibak ng mga kahoy na ipanggagatong para sa fire place na nasa loob ng mansiyon ng mga Atienza. Tatlong taon na ang nakararaan nang mapang-asawa niya ang isa sa mga anak ng mga ito, si Veronica, isang matapang na alagad ng batas, madalas wala ito sa mansiyon dahil nadidistino ito sa iba’t ibang lugar. Ngunit nang araw na iyon ay bigla itong umuwing malungkot at laglag ang mga balikat.Gusto man niyang magtanong sa kanyang itinuturing na asawa kung ano ang problema nito, ngunit hindi niya magawa, alam kasi niyang sisinghalan lamang siya nito at papahiyain sa harap ng marami. Ngunit kahit na ganoon ay hindi siya kumikibo o nagpapakita ng anumang reaksiyon. Hinahayaan lamang niya itong gawin ang mga bagay na iyon. Hindi kasi nito nakikita ang tunay niyang kahalagahan bilang asawa at sa pamilya nito.“Hoy! Samson, bilisan mo nga ang pagsisisbak mo ng kahoy, alam mo namang ang lamig-lami

DMCA.com Protection Status