NAKANGITING sinalubong ni Jamilla pagbaba ng bus ang abalang lansangan ng Ayala. Makulimlim ang kalangitan, ngunit hindi niyon mabubura sa kanyang labi ang sobrang kaligayahan.Sumakay siya ng jeep at bumaba sa Rufino Avenue. Tinahak niya ang kahabaan ng Central Street Food Market kung saan nakahilera roon ang ilang kainan. Tila musika sa kanya ang ingay ng paligid. Sinasabayan niyon ang puso niyang bumibilis ang pintig sa pananabik.Hindi pumasok sa trabaho si Jamilla dahil inilaan talaga niya ang araw na iyon para sa isang espesyal na okasyon. Unang monthsarry nila ng kanyang nobyo. At nangako ito na magdiriwang silang dalawa.Humantong ang dalaga sa tapat ng Blue Western, isa iyong tagong restaurant na madalas nilang puntahan ni Jerry kapag sila'y magkikita.Lumapad ang ngiti niya nang matanaw ang nobyo. At lalo itong tumikas sa simpleng suot na high-collared red polo at ragged denim pants. Nakatabing sa mga mata nito ang aviator black sunglasses at mayroon ding sombrero na nagtata
"HUWAG mo nang pansinin...""Wala akong narinig," she lied. Ang totoo, pinipiga ang puso niya sa sakit dahil sa mga sinabing panghuhusga ng waitress. Tila kilalang-kilala siya nito para maliitin ang kanyang pagkatao. Mahirap man sila, pero alam niya sa sarili niyang mabuti at marangal siyang tao. "Saan nga pala tayo pupunta?"Sinagot ni Jerry ang tanong ng dalaga nang makapasok na sila ng sasakyan nito na nakahimpil lang sa unahan ng inalisan nilang restaurant. "Let's go to my place.""Sa condo mo?" mulagat ni Jamilla."Girlfriend kita kaya natural lang siguro na alam mo ang tinitirahan ko. And one day, ako naman ang pupunta sa inyo para makita ko rin ang bahay niyo at makilala ko ang pamilya mo."Napangiti si Jamilla. Sa sinabi ng nobyo, natitiyak na niyang seryoso ito sa kanya. And she will hold that sincerity deep in her heart.Minsan kasi ay nagdududa siya dahil sa malayong agwat ng estado nila sa buhay. Pero ngayon ay binigyan siya nito ng pag-asa na ang katulad niyang simple at
"CLEANER?"Tumango si Jamilla na itinaas pa ang biniling mop at toilet bowl brush para mas kapani-paniwala ang kanyang papel na gagampanan sa harap ng security guard na halata sa mukha ang pagiging istrikto. Hindi iyon nasabi ni Jerry. Mabuti na lang pala at naisipan niyang bumili ng mga props."Kumuha na naman siya ng bagong tagapaglinis. Malaki siguro ang ibinabayad ni Sir Jerry.""Gan'on na nga po," sang-ayon niya sa sinabi ng guwardiya. "Sayang din naman po kasi kung tatanggihan ko. Malaking tulong na po iyon sa pamilya ko.""Sabagay. Praktikal na nga ngayon ang panahon. Pero magaling siyang pumili. Magaganda at bata ang kanyang mga kinukuha," wika nito habang pinapasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa ang kaharap."Ano pong ibig niyong sabihin, manong?"Hindi na nasagot ng lalaki si Jamilla dahil may dumating na isa ring bisita ng gusaling iyon. "Sige na. Akyat na.""Salamat po."Mabilis na niyang tinungo ang isa sa mga hilera ng elevator bago pa magbago ang isip ng guwardiya.
MASAKIT ang halos buong katawan ni Jamilla. Wala rin siyang lakas para bumangon. Matapos ang namagitan sa kanila ng nobyo kahapon ay hindi na siya makakilos nang maayos."Anak?""Ma.""Wala ka bang trabaho ngayon?""Meron po.""Anong oras na?" Sinulyapan pa ni Marta ang wall clock na nakasabit sa itaas na bahagi ng dingding ng silid ng anak, "Baka ma-late ka na.""Parang hindi ko po kayang magtrabaho. Masama ang pakiramdam ko. Tatawag na lang siguro ako sa supervisor ko na hindi ako makakapasok ngayong araw."Lumapit at naupo ang ginang sa gilid ng higaan. "Mainit ka nga," wika nito nang sinalat ang noo ng anak. "Ibibili kita ng gamot." Tumayo ito, ngunit bigla ring napahinto sa akto sanang pagtalikod. "Wala nga pala akong perang pambili. Baka meron kang naitatabi riyan?"Naalala ni Jamilla ang inabot sa kanya kahapon ng nobyo. Mahigit limang daan lamang ang nabawas niya roon. Hindi na rin naman iyon tinanggap ni Jerry nang ibinabalik niya rito.Kinuha ng dalaga sa bag ang buong tatlo
NASAGOT ang pagtataka ni Jerry sa sinabi ng ina nang pumasok ang babaing halos magpaluwa sa kanyang mga mata."Hi, Tita.""Corrie, hija. Come here, come here."Nakaawang ang bibig ni Jerry habang nakasunod ng tingin sa umiindayog na makurbang balakang ng bisita. She's a perfect picture of a living goddess; from head to toe."Good to be here again," wika ni Corrie. Nagbeso-beso ang mga ito. "Thanks for coming, hija!" nasisiyahan namang pasasalamat ng ginang."Ehem!" pasimpleng tikhim ni Jerry upang kunin ang atensiyon ng dalawang babae. Tumayo siya at saka inilahad ang palad. "Hello."Nakangiting tinanggap ni Corrie ang pakikipagkamay na binata. "Hi,"Nice to see you.""Kailan ba kayo huling nagkita?" tanong ni Amelita."When I was fifteen, tita."Napakunot ng noo ang binata. "Magkakilala tayo?""It's me. Choco. Remember?"Muling napamulagat si Jerry. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng diyosang kaharap. "Ang kababata ko noon na mataba at kakulay ng tsokolate?""That was a long t
NAPATIGIL sa paglilibot-libot sa buong departamento ng men's section ang supervisor nang marinig at makita nito ang pagkalaglag ng sapatos na inaayos ni Jamilla sa metal shoe rack. Nakapameywang at nakataas ang isang kilay nito nang lapitan ang dalaga."Anong ginagawa mo?""Sorry po, ma'am!"Marahas nitong hinablot ang sapatos na dinampot ni Jamilla sa sahig. "Alam mo ba kung magkano ito, ha?"Sa halip na sumagot ay lalong ibinaba ng dalaga ang ulo sa pagkakayuko dahil ilang mga kostumer ang napapatingin sa kanilang direksyon."Apat na buwan mo lang namang sahod ang katumbas nito. Kaya mo bang bayaran 'yon kapag nagasgasan ito?""Sorry po, Ma'am Eds. Hindi na po mauulit.""Haist! Bakit kaya hanggang ngayon, nandito ka pa rin? Tatanga-tanga ka naman!"Lalong itinago ni Jamilla sa pagkakayuko ang namumula niyang mukha. Pigil din niya sa pagkagat ng ibabang labi ang pagpatak ng mga luha."Sa susunod, tatanggalin na kita sa trabaho." Inis nitong ibinalik sa istante ang hawak na sapatos. "
PALABAS na sana ng stock room si Jamilla nang tumigil siya sa likuran ng dalawang katrabaho na nakatutok ang atensiyon sa pinanonood na balita sa hawak na iPad. May narinig kasi siya roong pamilyar na tinig."Isa na namang playboy ang ikinasal.""Siguradong playboy pa rin iyan kahit mag-asawa na."Nagkatawanan ang dalawang lalaki habang mas inilapit naman ni Jamilla ang sarili sa mga ito upang malinaw na matitigan ang screen ng iPad.At bigla siyang nanghihina nang makita ang nobyo roon na may kahawak-kamay na ibang babae. Nakangiti ito na parang nasisiyahan sa nagaganap na okasyon. The news talks about their upcoming engagement party.Napakagat-labi si Jamilla, pero hindi niyon napigilan ang paglaglagan ng kanyang mga luha.Mabilis na siyang tumalikod bago pa may makapansin sa kanya. Dumiretso siya sa malapit na ladies' room at pinakawalan doon ang impit na pag-iyak.Kaya siguro pinutol na ni Jerry ang komunikasyon nila dahil ikakasal na ito. Pero paano siya? Paano ang puso at dangal
"CONGRATS. Three weeks ka nang nagdadalang-tao."Napaawang ang bibig niya sa kaharap. Resident doctor ito ng Avalanche Shoe Mart. At kasalukuyan siyang nasa loob ng clinic nito. Nagising siyang naroon na matapos siyang mawalan ng malay. "Ho?""Hindi mo ba inaasahan ang ibinalita ko? I mean, siguro may asawa ka naman."Nahihiya siyang yumuko at marahang umiling."I see. But for sure, may boyfriend ka."Tumango si Jamilla."Good. Anyway, I don't know if this is good news.""Maganda po iyong balita, doc.""So, dapat masaya ka.""U-uhm, masaya naman po ako."Nabuhayan ng pag-asa si Jamilla sa balitang narinig. Ang pagkakaroon nila ng anak ni Jerry ay sapat nang dahilan para ipaglaban niya rito ang kanyang karapatan."Umuwi ka muna. Kinausap na ng manager mo ang iyong supervisor for your sick leave today. Bibigyan kita ng mga prescription para manatiling malusog kayong mag-ina.""Salamat po, doc."Nagsulat sa prescription pad ang doktor. At pagkatapos niyon ay iniabot kay Jamilla ang papel
PATINGKAYAD ang mga hakbang ni Amberlyn maging ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kanyang silid.Dahan-dahan din ang pagbaba niya sa hagdan, palinga-linga sa paligid. Hindi niya pa naririnig ang boses ng kanyang lolo't lola. Wala ang Mommy niya.Tumungo si Amberlyn sa kusina. Naroon ang Yaya Erin niya. Abala ito sa pagkain habang nakikipagkuwentuhan sa isang bagong katulong.Nang masiguro niyang may oras pa siya bago bumalik ang Yaya niya ay saka niya tinahak ang patungo sa silid ng kanyang ama.Sandali munang huminto si Amberlyn nang tumapat sa pinto. Nang walang marinig na ingay sa loob ay marahan niyang pinihit ang seradura.Dere-deretso na siyang pumasok at tumungo sa higaan ng ama."Daddy, when will you wake up? Let's play.""Let's play and be happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ng bata ang tiyan nito."Daddy, Angel also wants to play with you. We miss you. Please, wake up."Biglang naalarma si Amberlyn nang makarinig siya ng mga yabag sa labas. Nasundan iyon ng tinig ng
"MAGALING magtago si Herman. Mukhang magaling din ang taong tumutulong sa kanya..."Pasimple namang napasulyap si Jamilla kay Jordan. Blangko ang reaksiyon nito. Marahil mali talaga siya ng hinala. Hindi nito magagawang maglihim sa kanya."Ang ipinagtataka ko, anong rason bakit siya itinatago?" patuloy na kumento ni Gener."It's either he will be used as a bomb na pasasabugin sa tamang oras o posibleng may kailangan silang protektahan," saad ni Jamilla na hindi naiwasan na sulyapan uli si Jordan."Kung mangyari man iyan o totoo iyan, then it is against the Villar. Kalaban ng mga ito ang tumutulong sa kanya," ani Jack. "Magandang senyales iyan, hindi ba?"Tumango-tango si Jordan. "If that's the case, should we stop looking for him?""Wala rin namang progress ang stakeout ng grupo dahil nga magaling magtago si Herman," wika ni Gener. "How about we focused on the three musketeers?"Natuon ang tingin ng lahat kay Jack."Sina Miguel, Amelita at Corrie Villar ang tinutukoy ko. Sa pagkakaal
"SO, they started the counterpart..."Napahinto sa paghakbang si Jamilla na may tangan na tray ng apat na tasa ng umuusok na tsaa. Sandali muna siyang nanatili roon at pinakinggan ang usapan sa veranda."May mga tao pa rin ang tumutulong sa kanila," wika ni Vhen."Hindi sila madaling bumitiw," tugon ni Jordan. Kasama nito ang tatlo sa mga malalapit na kaibigan. "Not because of loyalty but fear na kapag nakabangon ulit ang mga Villar ay babalikan sila ng mga ito.""Anyway, may nakakatawang balitang nakarating sa akin."Natuon ang tingin ng lahat kay Jack-- the nosy one who loves interfering to other's people lives."Ano 'yon?" tanong ni Jordan."Hindi ko alam kung matatawa ba rito o magagalit ang Daddy mo.""Why?""He was linked to Jamilla.""I heard about it to my daughter," wika ni Dick na sinundan ng pagtawa. "At lalong ginagatungan ni Fred ang kumakalat na tsismis.""Ano ba kasi iyon?" pag-aapura ni Jordan."The Villar called Ella as your Dad's mistress," tugon ni Jack."WHAT?"Nag
"WHO are you?"Napatingin ang babaing nagkakabit ng dextrose sa pagpasok ni Corrie sa silid."Hello, Ma'am.""Tinatanong ko kung sino ka?" Napansin nito ang pagtaas ng isang kilay ng babae. "Aba! Parang gusto mo ng giyera!""Ako po si Monette. I was hired as a private nurse.""Private nurse?" Pinasadahan ng tingin nito ang kabuuan ng kaharap. "And why are you not wearing your uniform?"Napasuyod naman muna si Monette sa suot na white shirt, apricot skirt at itim na rubber shoes. "Uhm, hindi pa lang po ako nakakapagbihis. Inuna kong palitan kasi ang dextrose.""And you're planning to change your clothes in my husband's room?"Napasulyap si Monette sa walang malay na pasyente. At napangisi siya na lalong ikinainis ni Corrie. "Kung magigising man ang asawa niyo kapag naghubad ako rito, siguradong matutuwa si Madam Amelita.""You -""But I always respect my patients and my self kaya imposible ang iniisip ninyo. Sige po, Ma'am." Kinuha niya ang ipinatong na bag sa ibabaw ng isang silya. "M
"ANONG ginagawa mo rito?""Yaya.""Halika ngang bata ka!" Hinatak ni Erin si Amberlyn na inabutan niya sa kuwarto ni Corrie na nagkakalkal doon. "Ang tigas ng ulo mo!""Yaya, sandali lang po!""Hindi!""Please, Yaya?""Naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan!"Wala nang nagawa si Amberlyn habang hatak-hatak ni Erin hanggang makabalik sa silid nito."Ayaw mo ba talagang makinig sa akin, ha?" asik niya nang maiupo ang bata sa kama nito. "Alam mong laging mainit sa 'yo ang ulo ng mga tao rito, bakit panay ang gawa mo ng mga bagay na ikaw rin lang ang masasaktan?"Nakayuko ito at nangingiid ang luha. "Sorry po, Yaya.""Sorry ka nang sorry, pero inuulit mo nang inuulit! Anong ginagawa mo sa kuwarta ng nanay mo?""I was looking for my phone."Sandaling napipilan si Erin. Noong isang araw kasi ay kinumpiska ng amo niyang babae ang cellphone ni Amberlyn dahil lang mainit ang ulo nito nang umuwi ng bahay. At nabalingan na naman nito ang bata."Puwede mo namang gamitin ang phone ko.""But Tita
"ALAM mo bang may nakilala akong bata na kapareho nang panlasa ko pagdating dito sa spaghetti."Napasulyap muna si Jordan sa pagkain na ibinibida ni Jamilla. "Really?""She's adorable and cute.""Who's adorable and cute? Me or that child?""What?""Ngayon lang kita narinig na nagbanggit ka nang tungkol sa bata. That's the topic you usually hate and avoid.""Iba si Amberlyn." Ngumiti si Jamilla habang nakatanaw sa kawalan. "Para kasing nakikita ko sa kanya ang anak ko."Hindi umimik si Jordan."Wait here."Tumayo si Jamilla at tumungo sa silid niya. Kinuha niya roon ang cellphone at agad ipinakita kay Jordan ang larawan nilang dalawa ni Amberlyn."Look. I gave her a hard copy. Gusto niya na i-display iyon sa sarili niyang silid.""I'm jealous," saad nito na sinabayan pa ng mahinang pag-iling. "Walong taon na rin tayong magkasama, pero hindi mo pa ginawang wallpaper ang mukha ko."Natawa si Jamilla. "She's just a kid, okay? Huwag mo siyang pagselosan.""Tsk!" Patuloy ito sa pag-iling,
NAMIMIGAT pa ang talukap ng kanyang mga mata. Ang gusto niya ay manatiling tulog upang wala siyang maalala at wala siyang iisipin. Pero ang haplod ng mainit na palad sa pisngi niya ay nag-iimbita sa kanyang kamalayan na gumising. She is longing for that touch since she felt it for the first time. Tila ang dantay niyon ay pumapawi sa mga problema't alalahanin niya sa buhay.Nang dumilat si Jamilla, ngumiti siya sa taong nagbibigay lagi ng kaligtasan at kasiyahan sa kanya. Without this man, she can't be on her own. Ito ang lakas niya, noon at ngayon."How are you?""Jordan.""You sleep like a princess.""Are you my Prince Charming who wakes me up from my deep sleep?"Nakangiting tumango si Jordan. "There's no witch around, so I easily found my way here.""Mabuti naman at hindi ka nahirapan. But for sure, pinagsawaan mo muna akong titigan."Ngumiti ulit ito. "May masakit ba sa 'yo? Do you feel better now?"Bumaba ang tingin ni Jamilla sa kumot na nakatabing sa kanyang katawan. At napamu
"TAHAN na, tahan na.""I want to see my Daddy!""Hindi pa nga puwede kasi nasa ospital pa siya," patuloy na pag-aalo ni Erin sa umiiyak na alaga."But children can go also to the hospital!""Oo, pero hindi papayag ang pamilya mo na pumunta tayo roon.""Bakit po?""Uhm..." Nag-isip siya ng idadahilan, "Baka kasi magkasakit ka rin.""No, Yaya. I'm strong. Please? I want to see my Daddy.""Amber -""Ano bang ingay rito, ha?"Parehong napapitlag sina Amberlyn at Erin nang dumating si Miguel. Halatang lasing ito.Nasa sala ang dalawa at hindi nila inaasahang darating ng maaga ang ginoo.Madalas hatinggabi o madaling-araw na ang buong pamilya umuuwi dahil kaliwa't kanan ang mga party na dinadaluhan ng mga ito. Pero iyon ay noong may DBK at Fab & Style pa.Baka lagi nang umuwi ng maaga ang mag-asawa. At delikado na ang alaga niya ang pagbuntunan ng galit ng mga ito."Lolo..." Lumapit ito sa matanda, "Where's Daddy?""Ikaw!" Hinablot nito sa damit ang apo, "Ikaw ang nagdala ng kamalasan sa bu
HALOS hindi na umabot si Jamilla sa pinto ng penthouse. Mula pa lang sa ospital hanggang sasakyan at pauwi, nakakaramdam na siya ng panghihina.Meeting with Delda Ancheta drains her strength. Para kasing may mali sa mga paliwanag nito. May sinasabi itong hindi kapani-paniwala. At rila may gusto itong ilihim.Agad na ibinagsak ni Jamilla ang sarili sa mahabang sofa nang makapasok siya sa loob ng penthouse. Pumikit siya. At saka muling binalikan sa isip ang paghaharap nila ng dati niyang doktora.That day, on the way to the hospital, she was in preterm labour. Pero nagkataong walang bakanteng operating room nang araw na iyon. At wala ring doktor dahil sa mass road accident.Ramdam niya ang paglaban ng kanyang anak sa kamatayan kahit inagasan siya noon ng maraming dugo. Pareho nilang pinatatag at pinalakas ang isa't isa.When she's about to give birth, Delda was approachable. Mabait ito. Kaya nga hindi naging mahirap sa kanya na malagpasan ang sakit ng panganganak.Nang magising siya, gu