SUNOD–SUNOD NA SAMPAL at tadyak ang natanggap ni Laura mula sa Hapon na asawa ng kanyang Tiyang Esme na si Akihiro Sato. Ramdam na ramdam niya ang sakit hindi lamang sa kanyang buong katawan pati na rin sa kanyang kalamnan. Nalasahan niya ang dugo sa bibig. Hinang–hina na siya at nanlalabo na ang kanyang paningin dahil sa pananakit ng tiyuhin.
Naisandal niya ang likod sa malamig na pader ng opisina nito. Ramdam niya ang mga luhang umaalpas sa kanyang mukha. Pagod na pagod na siya. Hindi na niya kaya ang sakit. Parang mamamatay na siya.
“Akihiro–san!” sigaw ng kanyang tiyang. “Tomete kudasai! Please stop.”
Malakas na nagmura ito sa linggwahe nito.
“Kuso! Mister Satoshi… an important customer,” sigaw nito sa matigas nitong Ingles. “Laura… do her job. She already did it. Why can’t… do it again?! Talk to your niece, Esme! She made me a fool… id
“WHAT?!”He put Mykael under loud speaker dahil nagda–drive pa siya. Mas lalo pa siyang natagalan sa daan dahil may truck at taxi na nagbanggaan. Kinailangan pa niyang humanap ng ibang route dahil kung maghihintay lamang siya roon ay baka umagahin na talaga siya. It was already past 10 pm on his watch.Banas pa siya sa kaibigan dahil niloko siya nito kanina. Akala niya ay kung ano nang nangyari rito. ‘Yon pala, Mykael set him up for a blind date. Nahilot niya ang sentido sa alaala ng date kanina. Pamela was okay. She’s beautiful, prim and proper, and also intelligent. In fact, papasa ito sa panlasa ng kanyang ina. Good family background, heiress ng isang mall. Active sa mga social elite gatherings at isang ideal daughter–in–law.“How was your date, Rave?”“She’s beautiful.”“And?”“I’m not interested.”Mykael groaned in the other line
GULAT ANG UNANG rumihistro sa mukha ni Laura nang magising siya. Napabalikwas siya ng bangon para lang mapangiwi sa naramdamang sakit sa buo niyang katawan. Kumawala ang mahinang ungol mula sa kanyang bibig. Maka–ilang beses niyang naikurap ang mga mata hanggang sa naging malinaw ang buong paligid sa kanya.Naigala niya ang tingin sa buong paligid. Mula sa walang kulay na pader sa apat na sulok na silid na ‘yon hanggang sa kulay itim na sofa, mesa sa tabi ng kanyang kama, at maliit na ref na nandoon. Ngayon din lamang niya napansin ang nakatusok na swero sa likod ng kanyang kanang kamay.Bigla ay naalala niya ang Tiya Esme niya. Dios ko! Ano na kaya ang nangyari sa tiyahin niya? Sana ay nasa maayos ang kanyang tiyang. Sana ay hindi ito pagdudahan ng asawa nito na tumulong sa kanya para makatakas.“You’re awake.”Mabilis na naibaling niya ang tingin sa direksyon ng pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sin
“LAURA’S AUNT WAS killed by her husband.” Dumilim ang mukha ni Rave nang marinig ang sinabi ni Peter sa kanya. That bastard! Nagawa pa rin nitong makatakas. Two days ago, ay ni–raid ng mga pulis ang nasabing restorbar. Nagkaroon ng shootout dahil nanlaban ang grupo ni Sato. Marami ang nasaktan at nadamay pero sadyang may pagkapusa ang walangya dahil nagawa pa rin nitong makatakas. At natitiyak niyang babalikan nito si Laura at gagantihan ang pamilya nito. “Inaagnas na ang katawan ng babae kaya natitiyak nilang ilang araw nang patay ito bago paman mangyari ang raid,” Peter added. “Walang ibang suspect kundi ang asawa lang nito. Maaring nalaman ni Sato ang ginawa nitong pagtulong kay Laura na makatakas. Katulong ng tiyuhin ni Laura si Satoshi. Isa rin sa mga pinaghahanap ng FBI. Ito ang utak ng pedophile at cybersex dito sa Pilipinas.” “Fuck,” Mykael cursed. “I can’t believe this. I almost got ourselves killed.” “Kung saan–saan mo kasi dinadala
“WIFE?” ULIT NI LAURA.Seryosong tumango si Rave. “This is the only option we can do for now. You’ll be safe as Laura Sanjercas. No, let’s change your name as well.” Sandali itong nag–isip. “Are you okay with Lara Sanjercas. Inilas ko lang ‘yong ‘u’ sa Laura mo.”“Eh?”Ni sa hinagap ay ‘di niya na isip na tutulungan siya ng isang Rave Sanjercas. Kahit ‘di niya lubusang kilala ang lalaki ay alam niyang hindi ito basta–basta kagaya ng mga kaibigan nito. Ayaw niyang sagarin ang kabutihan nito sa kanya. Sobra na para sa kanya ang magpanggap na asawa nito para sa kaligtasan niya.“Sir Rave,” malumanay niyang tawag dito. “Malaki ho ang pasasalamat ko sa inyo. Halos buong buhay na ho ang utang ko sa kabutihan n’yo sa akin. Alam ko ho na maari ho akong balikan ng tiyo ko. Pero sobra na ho ang pagpanggapin n’yo akong
“DADDY TOLD ME that you’re my secret nanny,” kwento ni Ross habang magkahawak–kamay silang naglalakad sa pasilyo kung saan ang silid ng kapatid na si Lawrence. “Pero Lola and the rest will gonna think that you’re my Daddy’s new wife. He told me that there are bad guys who are after you. And he needs my help in protecting you.” Napangiti siya. ‘Yon ba ang kwento ni Rave sa anak nito tungkol sa kanya? “Oo, baby. May mga bad guys kasi na gustong umuway sa akin. Tapos ‘yong daddy mo ang superhero ko.” “Why do you need to pretend if Daddy can marry you for real?” Inihit siya ng ubo. “Are you okay po, Tita Lara?” “Ah, oo, okay lang ako.” Ibinalik niya ang ngiti sa mukha nang ibaba niya ang tingin kay Ross. “Hindi kami pwedeng magpakasal ng daddy mo kasi magkaibigan lang kami.” “But friends can get married for real, right?” “Pwede naman, kapag mahal nila ang isa’t isa.” Tumango–tango ito. “You know what po, I like you.” “Talag
ISANG BOX NG SAPATOS ang bumati kay Laura nang umagang ‘yon. Nakapatong ‘yon sa itaas ng mesa katabi ng kanyang kama. Sa pagkakaalala niya ay wala naman ‘yon kagabi. Kailan at sino naman kaya ang nag–iwan ng box ng sapatos sa silid niya?Umayos siya ng upo sa higaan niya bago inabot at binuksan ang shoe box. Namilog ang mga mata niya nang makita ang laman ng kahon. Isang pares ng pulang doll shoes na may desinyong ribbon. Ang ganda!Tila kumikinang ang sapatos na ‘yon. Kahit simple lamang ang design ay maganda ang pagkakagawa at halatang mamahalin. Napakurap–kurap siya, sino naman ang magbibigay sa kanya nang ganoong klaseng sapatos?Mayamaya pa ay may napansin siyang nakausling papel sa isa sa mga sapatos. Kinuha niya ‘yon, isa pala ‘yong sticky note.I noticed that you don’t have any shoes. I hope you don’t mind if I give you one. –RaveNapatanga
KINABUKASAN DIN NA ‘yon ay maaga silang umalis. Sinama siya nito sa isang spa and wellness. Nagtaka naman siya dahil ‘di naman siya nito masyadong kinakausap. Sinabihan lang siya nito na magbihis. Wala na siyang mahablot na maayos na damit kundi ‘yong kupas na pink blouse niya at itim na skinny jeans. Sinuot niya ulit ‘yong bigay na doll shoes nito sa kanya.Buong umaga yata siyang pinaalagaan ni Rave sa mga staff doon. Feeling niya tuloy ang linis–linis na niya nang matapos siya. Mula ulo hanggang paa ang na scrub yata sa kanya. Grabe!Tanghali na, dinala siya ni Rave sa isang French Restaurant gaya ng nabasa niya sa pangalan ng kainan. Ito na ang um–order para sa kanya. Sabagay, wala naman siyang alam sa mga pagkain na ‘yon dahil hanggang fast food at carenderia lang naman siya.Nailang siya dahil ang gagara ng mga damit ng mga kasabayan nila. Hindi naman nalalayo ang ayos ni Rave sa mga nandoon. Masasabing ka
PAGPASOK NA PAGPASOK pa lang ni Laura sa Mind Creatives ay hindi na niya mapigilan ang sarili na mamangha. Ito ba ‘yong kompanya ni Mykael? Sa pagkakaalala niya ay parehong ipinundar ‘yon nila Rave at Mykael pero ibinenta na ni Rave ang lahat ng shares nito kay Mykael kaya ito na ang nag–iisang may–ari ng Mind Creatives. Mukhang pinag–isipan nang mabuti ang bawat detalye ng loob ng building. Kung titignan sa labas ay parang simpleng gusali lamang ‘yon pero tila ibang mundo naman ang loob. Sa lobby pa lang ng Mind Creatives ay litaw na litaw na ang creativity ng mga taong nagtatrabaho roon. May malaking lighted signage ng Mind Creatives sa likod ng reception counter. Sa ibaba no’n ay may naka caption na ‘WELCOME LIVING THINGS’ na tila nakasulat sa ibang linggwahe pero kayang–kayang basahin ng mga mata. Napa–wow siya roon. Sa harap naman ng reception counter ay malaking cursive written lighted cut out words na CAPTCHA. ‘Yon ba ‘yong sa internet na nagpa–pop–up
Oyy!Lumaban si papa, matapang, oyy!Lumaban si papa, matapang, aww!Tawang–tawang si Laura nang makita ang video ni Rave. Ito raw ‘yong initiation video nila Rave, Mykael, at Kevin dati. Si Kevin nagbigay ng copy sa kanya. Traydor talaga ang ‘sang ‘yon. Sabi ni Kevin sa kanya, 18 pa raw sa video na ‘yon si Rave. Ang bata–bata pa nito sa video at ang kinis–kinis ng legs ng asawa niya.Laban–laban, o bawi–bawi!Laban–laban, o bawi–bawi!Gayang–gaya ni Rave ang stepping ng Sexbomb habang nakasuot ito ng sobrang ikli na puting shorts. Ang kinis talaga ng legs. Nakasuot ng mahabang wig si Rave at naka pulang spaghetti blouse at rubber shoes na minidyasan pa nito nung uso noon na medyas na may pa ruffles.
“‘YONG SINULAT MO sa mga paper planes,” basag ni Laura sa kalagitnaan ng first dance nila bilang mag–asawa. Pero sa pagkakataon na ‘yon. Totoo na talaga. Totoong kasal at sa totoong pari. “Akala ko talaga nakalimutan mo na ‘yon.”“How can I forget that when you’re in my mind every day?”Natawa siya. “Ay talaga?”“I had a hard time looking for the perfect song that will tell Rave’s love for Laura. Don’t ask how I did that because it was a disaster. Thank God, I survived that stage of my life.”“Bakit feeling ko hiningan mo rin ng advice sila Mykael, Kevin at Peter?”“Na sana ‘di ko na lang ginawa.”Lalo siyang natawa. “Sinabi ko na e.”“Paano ba ako nagkaroon ng mga ganoong kaibigan?” Napailing–iling na lang si Rave.“Kasi nga kailangan mo sila sa buhay mo.”
SA WAKAS AY NAKALABAS na rin ng ospital si Lawrence. Sa ngayon ay nasa poder na ito ng totoo niyang ama. Inaayos na ng attorney ng papa niya ang adoption papers ni Lawrence para maging legal na anak ito ng papa niya.Alam lahat ng ama niya ang tungkol sa kanya at sa kapatid niyang si Lawrence dahil nagpaimbestiga ito sa kanya simula nang makita siya nito roon sa resort nila Rave. Malaki ang hawig niya sa nanay niya at sa yumaong anak nito na babae kaya kinutuban na ito.Ibinalita na rin sa kanila ni Peter ang nakakalungkot na sinapit ng kanyang kinilalang ama. Natagpuan ang bangkay nito na palutang–lutang sa dagat sa Cebu. Ayon kay Peter, sinadyang patayin ang ama base na rin sa ilang balang bumaon sa katawan nito.Kahit na hindi naging maganda ang trato ng kinilala niyang ama ay nalungkot pa rin siya at naiyak sa kamatayan nito. Lalo na para kay Lawrence na siyang totoo nitong anak. Pinagdasal na lamang niya ang kaluluwa ng kanyang yumaong ama at tiyahin.
“I KNOW YOUR MOTHER, Laura.”Matamang nakatitig lamang si Laura kay Mr. Anthony Go. Hinayaan niyang ikuwento nito ang lahat. Nagulat siya nang makita ito. Sinabi sa kanya ni Rave na may gusto raw kumausap sa kanya tungkol sa totoo niyang ama. Hindi niya inasahan na si Mr. Go pala ang taong gusto siyang kausapin.“Ang m–mama ko po? Paano po?”“Laura, hija. Patawarin mo sana ako kung hindi ko nagawang mahalin pabalik ang ‘yong ina.” Kumunot ang noo niya.Mahalin? Bakit?“Inaamin kong malaki ang naging kasalanan ko sa aking namayapang asawa. At lubos ko ‘yong pinagsisihan. Kung alam ko lamang na nagbunga ang gabing ‘yon ay sana nagawa kong tulungan si Laurine.”“H–Hindi ko po kayo maiintindihan...”“Nakilala ko ang ‘yong ina sa isang bar. Kamukhang–kamukha mo si Laurine, Laura. Your mother was the most beautiful girl in that b
NAINGAT NI RAVE ANG mukha sa malaking bahay ng mga Rodriguez. Humugot siya nang malalim na hininga. Ito ang unang beses na kakausapin niya ang mga magulang ni Hannah para ipaliwanag ang sarili. Tama si Laura at ang mga kaibigan niya. Hindi masamang sabihin ang totoo niyang nararamdaman. Hindi masama para ipagtanggol ang sarili lalo na kung nasa tama.Kung ano man ang maging tingin nila pagkatapos ng sasabihin niya, ang mahalaga ay nagawa niyang linawin ang mga maling bagay tungkol sa kanya.“We understand, Rave.” Nagulat siya sa naging reaksyon ng ina ni Hannah sa mga ipinagtapat niya. “We have judged you unfairly. Napag–isip–isip namin ni Roberto na naging unfair kami sa’yo. Laura had put a little sense in us. Naging emosyonal kami dahil sa pagkamatay ni Hannah. Wala kaming ibang masisi kundi ikaw lang.”“Kinalimutan namin ang saya na nakita namin sa anak namin noong nabubuhay pa lamang siya,” Don Roberto ad
HE NEVER REALIZED it nor until she left. Until she turns her back at him. He was too harsh. He couldn’t contain his anger. He didn’t want other people to be treated badly because of him. He didn’t want others to worry. If he can, he would do his best to keep everything by himself. It works better for him that way. But I guess, it didn’t, instead, I’ve hurt them more. 5 YEARS AGO “Kung ano man ang mangyari sa akin, promise me Rave, you’ll keep smiling.” Hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Hannah sa kanya. She was smiling at him like it was just normal for her to say that. “Don’t say that.” Humigpit ang hawak nito sa kamay niya saka inihilig nito ang ulo sa balikat niya. Nakaupo sila sa isa sa mga bench sa garden sa ospital. Naka schedule na this week ang pangangak ni Hannah – C section dahil sa heart risk nito.
NAKAUPO SIYA SA isa sa mga bench sa garden ng ospital. Dala–dala niya ang mga paper planes na naipon niyang bigay ni Rave sa kanya. Inilagay niya ang mga ‘yon sa isang transparent jar. Naingat niya ang mukha sa kulay kahel na kalangitan na unti–unti nang kumakalat sa buong paligid.Walong paper planes.Walong paper planes ang ibinigay ni Rave sa kanya. Inabot niya sa tabi ang jar at binuksan ‘yon. Isa sa mga napansin niya dati pa ay ang mga numerong isinulat ni Rave sa may pakpak ng mga paper planes. Hindi niya alam kung bakit, pero baka gusto lang nitong maalala niya ang unang paper plane na ibinigay nito sa kanya.Kinuha niya ang paper plane na may number one sa pakpak nito.Noong una ay nilaro–laro lang niya ‘yon nang may mapansin siyang kakaiba sa katawan ng paper plane. Tila ba may bumakat na litra sa katawan nito. Kumunot ang noo niya. Ano kaya ‘yon? Mabilis na itinabi niya muli ang jar at sinira ang porma n
5 YEARS AGO“Fuck you!” mura ni Mykael kay Rave sabay suntok sa mukha nito. Gumanti siya ng suntok kay Mykael. “Kill yourself! Rot in hell. Do what you want. Kung ayaw mong tulungan ka namin. At least, think about your son. Live for your son, damn it!”“Ano ba kayo, tama na!” awat ni Kevin sa kanila. “Sino kayo para pangunahan ako?” Hinila ni Kevin si Mykael palayo sa kanya. Marahas na pinahid niya ang dugo sa gilid ng bibig gamit ng likod ng kamay niya. Madilim na tinignan niya si Mykael. “I told you, I’m okay. I’m fucking fine! Hindi ko sinabing mangialam kayo at kausapin n’yo ang mga magulang ni Hannah. ““You’re not okay!” giit pa rin ni Mykael. “You’re obviously dying inside, Rave. Bakit ba sinasarili mo ang lahat? You can sha
"ANONG GINAGAWA mo rito, hija?” kalmadong tanong ng ginang sa kanya, bakas pa rin ang disgusto sa boses nito.“Maari ko po ba kayong makausap?” lakas na loob na sabi niya. “Kayo pong dalawa. Kahit ilang minuto lang po.”Binalingan ng donya ang apo. “Ross, puntahan mo muna ang Manang Melai mo sa garden. Kayo na muna ang maglaro. Mag–uusap muna kami ng M–Ma… Mama Lara mo.”“Sige po, Lola.” Binalingan nito ang lolo nito. “Lolo, si Twinkie po?”“Natutulog sa doghouse niya sa garden. Puntahan mo na lang apo.”“Okay po.” Bumalik naman sa kanya si Ross at yumakap sa baywang niya. Ibinaba niya ang tingin sa bata saka hinaplos ang buhok nito. “Mama, mamaya po, i–tour po kita.”Ngumiti siya. “Sige, mamaya.”Kumalas na sa pagkakayakap sa kanya si Ross. Sinundo ito ng isa sa mga katiwala at naglakad na ang mga