“I KNOW YOUR MOTHER, Laura.”
Matamang nakatitig lamang si Laura kay Mr. Anthony Go. Hinayaan niyang ikuwento nito ang lahat. Nagulat siya nang makita ito. Sinabi sa kanya ni Rave na may gusto raw kumausap sa kanya tungkol sa totoo niyang ama. Hindi niya inasahan na si Mr. Go pala ang taong gusto siyang kausapin.
“Ang m–mama ko po? Paano po?”
“Laura, hija. Patawarin mo sana ako kung hindi ko nagawang mahalin pabalik ang ‘yong ina.” Kumunot ang noo niya. Mahalin? Bakit? “Inaamin kong malaki ang naging kasalanan ko sa aking namayapang asawa. At lubos ko ‘yong pinagsisihan. Kung alam ko lamang na nagbunga ang gabing ‘yon ay sana nagawa kong tulungan si Laurine.”
“H–Hindi ko po kayo maiintindihan...”
“Nakilala ko ang ‘yong ina sa isang bar. Kamukhang–kamukha mo si Laurine, Laura. Your mother was the most beautiful girl in that b
SA WAKAS AY NAKALABAS na rin ng ospital si Lawrence. Sa ngayon ay nasa poder na ito ng totoo niyang ama. Inaayos na ng attorney ng papa niya ang adoption papers ni Lawrence para maging legal na anak ito ng papa niya.Alam lahat ng ama niya ang tungkol sa kanya at sa kapatid niyang si Lawrence dahil nagpaimbestiga ito sa kanya simula nang makita siya nito roon sa resort nila Rave. Malaki ang hawig niya sa nanay niya at sa yumaong anak nito na babae kaya kinutuban na ito.Ibinalita na rin sa kanila ni Peter ang nakakalungkot na sinapit ng kanyang kinilalang ama. Natagpuan ang bangkay nito na palutang–lutang sa dagat sa Cebu. Ayon kay Peter, sinadyang patayin ang ama base na rin sa ilang balang bumaon sa katawan nito.Kahit na hindi naging maganda ang trato ng kinilala niyang ama ay nalungkot pa rin siya at naiyak sa kamatayan nito. Lalo na para kay Lawrence na siyang totoo nitong anak. Pinagdasal na lamang niya ang kaluluwa ng kanyang yumaong ama at tiyahin.
“‘YONG SINULAT MO sa mga paper planes,” basag ni Laura sa kalagitnaan ng first dance nila bilang mag–asawa. Pero sa pagkakataon na ‘yon. Totoo na talaga. Totoong kasal at sa totoong pari. “Akala ko talaga nakalimutan mo na ‘yon.”“How can I forget that when you’re in my mind every day?”Natawa siya. “Ay talaga?”“I had a hard time looking for the perfect song that will tell Rave’s love for Laura. Don’t ask how I did that because it was a disaster. Thank God, I survived that stage of my life.”“Bakit feeling ko hiningan mo rin ng advice sila Mykael, Kevin at Peter?”“Na sana ‘di ko na lang ginawa.”Lalo siyang natawa. “Sinabi ko na e.”“Paano ba ako nagkaroon ng mga ganoong kaibigan?” Napailing–iling na lang si Rave.“Kasi nga kailangan mo sila sa buhay mo.”
Oyy!Lumaban si papa, matapang, oyy!Lumaban si papa, matapang, aww!Tawang–tawang si Laura nang makita ang video ni Rave. Ito raw ‘yong initiation video nila Rave, Mykael, at Kevin dati. Si Kevin nagbigay ng copy sa kanya. Traydor talaga ang ‘sang ‘yon. Sabi ni Kevin sa kanya, 18 pa raw sa video na ‘yon si Rave. Ang bata–bata pa nito sa video at ang kinis–kinis ng legs ng asawa niya.Laban–laban, o bawi–bawi!Laban–laban, o bawi–bawi!Gayang–gaya ni Rave ang stepping ng Sexbomb habang nakasuot ito ng sobrang ikli na puting shorts. Ang kinis talaga ng legs. Nakasuot ng mahabang wig si Rave at naka pulang spaghetti blouse at rubber shoes na minidyasan pa nito nung uso noon na medyas na may pa ruffles.
NAPAUNGOL si Rave nang gumuhit ang sakit sa kanyang sentido pagbangon na pagbangon niya. Awtomatikong naipikit niya muli ang mga mata. Natutop niya ang noo and let out a deep and heavy sigh of frustration. Hindi niya alam kung bakit sobrang sakit ng ulo niya. Heck, he couldn't even remember a thing.May ilang imahe na paulit-ulit na bumabalik sa isip niya. Masyadong mabilis ang mga eksena. Hindi niya gaanong maintindihan ang mga pag-uusap. Lalo lamang tuloy sumakit ang ulo niya. He tried to knock his head with the lower part of his palm as if it could somehow give him back the memories of yesterday that his mind had shut down.Damn!Ang huling naalala niya ay kasama niya ang kaibigan niyang si Mykael sa isang bar na hindi niya na rin maalala kung saan at kung anong oras na silang nakauwi. Sa pagkakatanda niya ay hindi naman sila uminom ng kaibigan. Pero bakit pakiramdam niya ay buong gabi siyang uminom sa tindi hangover niya?Natigilan siy
NAAASIWAat hindi pa rin nasasanay hanggang ngayon si Laura sa tuwing tini-table siya ng mga VIP customers nila sa bar. Mag-iisang taon na siya sa Off Lights Night Bar na pagmamay-ari ng Tiyang Esme niya. Bata pa lamang siya ay alam na niya ang maruming trabaho ng tiyahin niya. Nakababatang kapatid ito ng kanyang ama.Umuuwi ito sa Cebu para kumuha ng mga inosenteng babaeng maibubugaw nito sa Maynila. Hindi niya rin masisi ang mga kasamahan niya sa bar na kunin ang trabaho. Malaki na ang tip kahit tini-table lang. Pero mas malaki ang bayad kapag inuuwi sila ng customer. Isang bagay na hindi niya pa kayang gawin ngayon – ang mailabas at maikama.Hindi niya gusto ang trabaho niya. Araw-araw umiiyak siya sa kamiserablehan ng buhay niya. Kung maari ay pwede naman siyang humanap ng mas matinong trabaho sa Cebu. Hindi dahilan iyon para pasukin niya ang trabahong iyon. Pero ginawa siyang pambayad ng kanyang ama sa malaking utang nito sa asawang Hap
“ANONGgusto mong sabihin? Na winawaldas ko lang ang mga perang pinapadala mo sa akin? Boang ka man diay! Ni hindi nga kami kumakain dito dahil sa mga litseng gamot ng kapatid mo! Tapos isusumbat mo pa sa’kin kung bakit wala ng natira sa mga pinapadala mo?!” Kausap ni Laura ang ama sa cell phone.“T-Tay naman, hindi naman sa ganoon –”“Puwes ipaintindi mo sa akin! Hindi 'tong susumbatan mo ako ng kung anu-ano! Kung sana nakipag-ano ka na lang diyan sa mga mayayaman diyan 'di sana matagal mo nang napa-operahan 'tong kapatid mo!”“‘Tay, alam mo naman na hindi gaanon kadali para sa’kin 'to.” Sinubukang pakalmahin ni Laura ang boses. “Alam n'yo na hindi ito ang gusto kong trabaho. Pumayag lang ako dahil sa utang n'yo kay Tiyang at may sakit si Lawrence.”“Ano bang masama sa trabaho ng tiyang mo? Ayaw mo no’n? Kumikit
KANINApa parito't paroon si Laura habang naghihintay sa isa sa mga VIP rooms. Para siyang naghihintay ng oras ng kamatayan niya. Mas kabado siya ngayon kaysa sa normal na pagkakataon. Siya lang kasi mag-isa at alam niyang may mangyayari na talaga. Na hindi lang simpleng pag-aaliw ang kailangan niyang gawin.Natutop niya ang dibdib nang biglang may kumatok. Heto na, nandiyan na sila.Kalma lang Laura! Mabilis na pinakalma niya ang sarili.Okay, Laura, ito na.Hinintay niyang bumukas ang pinto. Malakas ang tibok ng puso niya. Oras na bumukas ang pinto wala na talagang atrasan.Bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang isang matangkad at gwapong lalaki. Parang na engkanto siya sa kinatatayuan. Ngayon lang siya nakakita nang ganoon kakisig na lalaki sa Bar. Kung hindi mga matatanda ay mga bata namang batak ang katawan ng mga tattoo o 'di kaya mga foreigners.Pero iba ang lalaking nasa harap niya.Mukha
PAGLINGON ni Rave sa likod ay talagang natigilan siya nang makita ang babae kanina. The woman in front of her is a lot different from the woman he met earlier. Alam niyang maganda ito kahit na wala itong make up. But he didn’t expect that she possesses a beautiful innocent face. Tila isa itong anghel sa sobrang amo ng mukha nito.Her big brown curls complimented her small and round face. Mapupula rin ang maliit at manipis na mga labi nito. Medyo chinita. Matataas ang pilik mata at tama lang ang tangos ng maliit nitong ilong. She was sexy and has all the perfect curves in the right places. She wore a simple dirty white blouse and black skinny jeans. She paired it with white strapped sandals na may naka desinyo pang mga perlas.Masasabi niyang maputi ito pero mukhang nababad sa araw kaya bahagya itong nangitim. But nonetheless, she was still fair. He won’t admit it verbally, but he liked her pink puffy cheeks.He meant it as a c