KANINA pa parito't paroon si Laura habang naghihintay sa isa sa mga VIP rooms. Para siyang naghihintay ng oras ng kamatayan niya. Mas kabado siya ngayon kaysa sa normal na pagkakataon. Siya lang kasi mag-isa at alam niyang may mangyayari na talaga. Na hindi lang simpleng pag-aaliw ang kailangan niyang gawin.
Natutop niya ang dibdib nang biglang may kumatok. Heto na, nandiyan na sila. Kalma lang Laura! Mabilis na pinakalma niya ang sarili. Okay, Laura, ito na. Hinintay niyang bumukas ang pinto. Malakas ang tibok ng puso niya. Oras na bumukas ang pinto wala na talagang atrasan.
Bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang isang matangkad at gwapong lalaki. Parang na engkanto siya sa kinatatayuan. Ngayon lang siya nakakita nang ganoon kakisig na lalaki sa Bar. Kung hindi mga matatanda ay mga bata namang batak ang katawan ng mga tattoo o 'di kaya mga foreigners.
Pero iba ang lalaking nasa harap niya.
Mukha itong hero sa mga nababasa niyang pocketbook. Matangkad at makapal ang kilay nito. May aristokrating hugis ng mukha. Manipis at mapula ang labi at matangos ang ilong. Matapang ang facial expression ng mukha nito at tila kanina pa ito mukhang hindi nasisiyahan sa nakikita. Hindi niya alam kung bakit. Pero tila gusto niyang alisin ang kunot-noo sa mukha nito. Hindi rin gaanong maputi ang balat nito. Hindi rin masasabing kayumanggi. Makinis at sakto lamang na bumagay sa gandang lalaki nito.
Sakto rin ang pangangatawan nito. Hindi 'yon maskulado kagaya ng mga nakikita niyang lalaki na batak sa gym. Malapad ang balikat nito at tila inaakit siya ng matigas na dibdib nito na sumandal. Gwapong-gwapo ito simpleng suot na puting T-shirt na pinatungan nito ng itim na jacket at itim rin na pantalon at sapatos na may white shoe laces. Ang akala niya ay sa mga nobela lamang siya makakakita nang ganoong mga lalaki.
Mali Laura! Mayamaya ay pukaw niya sa sarili. Lihim niyang ipinilig ang ulo at pinalis ang nabuong ideya sa isip. Tandaan mo, lahat ng mga lalaking pumupunta rito ay iisa lang ang gusto. Pati ang isang 'yan. Kaya gawin mo na ang trabaho mo at nang matapos na 'to.
“Excuse –”
Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita ang lalaki at mabilis na lumapit siya rito at hinalikan ito sa mga labi. Aaminin niya, hindi pa siya nahahalikan sa tanang buhay niya. Hanggang pisngi, balikat at leeg lang ang nakukuha ng mga lalaki sa kanya rito sa bar kaya hindi rin siya sigurado kung tama nga rin 'tong ginagawa niya.
Natigilan siya nang hindi man lang ito gumalaw. Ni hindi man lang niya maramdaman ang paggalaw ng mga labi nito. Bigla-bigla ay nakaramdam siya ng pagkapahiya. Parang gusto niyang tumakbo. Naramdaman na lamang niya ang mahigpit na paghawak nito sa mga braso niya. Napangiwi siya. Mabilis at marahas na inilayo nito ang sarili sa kanya.
Naingat niya ang tingin rito. Seryoso ang mukha nito. Ni wala siyang mabasa ni ano mang emosyon. Hindi niya alam kung galit ito o hindi. Pero malakas ang kutob niyang hindi ito nasiyahan sa ginawa niya. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang maiyak. Nakakahiya siya.
“Ang lakas ng loob mong halikan ako pero 'di ka man lang marunong.”
Parang siayng binuhusan ng isang balde ng malamig na tubig sa sinabi ng lalaki sa kanya. Nasaktan siya sa sinabi nito. Oo, alam niya 'yon pero sa uri ng tuno at tingin nito parang pinaramdam nito na isa lang siyang bayarang babae na hindi man lang marunong magpaligaya ng lalaki. Doon siya nasaktan.
Nagsimulang manikip ang dibdib niya.
Pero kung tuluyan nang magagalit sa akin ang lalaking 'to paano na lang ang bayad nito? Kailangan na kailangan 'yon ng kapatid ko.
Nilakasan niya ang loob.
Tinignan niya ito nang diretso sa mga mata.
“Uulitin ko na lang,” aniya.
“Uulitin mo?” Kumunot ang noo nito na tila ba nagbitiw siya ng joke na hindi man lang nakakatuwa. “No thanks, I'm not even interested.” Akmang tatalikuran siya nito nang hawakan niya ito sa braso.
“S-Sir, huwag muna kayong umalis.”
Hinarap siya nito. Nasundan niya ang marahas na pag-alis nito sa kamay niya na nakahawak sa braso nito. Nakaramdam siya ng pagka-ilang nang pasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Sobrang siyang nanliit sa sarili.
Nayakap niya ang sarili.
“I can't believe this!”
He looks disgusted at her. Lalo siyang nanliit sa sarili. Gusto niyang lamunin siya ng lupa nang mga oras na ‘yon. Hindi na siya nagsalita pa at tuluyan na rin itong lumabas ng silid.
Bigla siyang nanghina.
Para bang lahat ng inipon niyang lakas ng loob ay nawala. Bigla na lang siyang napasalampak ng upo sa sahig. Naibaon niya ang mukha sa mga palad at napaiyak. Hindi siya makapaniwalang nawala na lang nang ganoon na lamang ang pag-asa niyang maipagamot ang kapatid.
Sa nangyari ay imposibleng makuha pa niya ang pera gayong wala namang nangyari sa kanila. Kasalanan niya ang lahat kung bakit nawalan ito ng gana. Masyado siyang malamya at kulang pa sa experience. Hindi niya ito masisisi kung sa halik pa lang niya rito nawalan na ito ng gana sa kanya.
Iyak lamang siya nang iyak.
“BAKIT NASA LABAS KA?” tanong agad ni Mykael kay Rave nang maabutan ito sa labas ng silid.Nalipat ang tingin ni Rave sa babaeng naka-angkla sa braso ng kaibigan. He couldn't help himself but feel disgusted towards the woman. Nakahantad na ang katawan nito sa kapipiranggot na suot na damit nito. Kapareho ng babae sa loob kanina.
Nagulat siya nang bigla siya nitong halikan. Doon pa lang nainis na siya. Ang lakas ng loob nito na halikan siya pero halata namang hindi ito marunong. Hindi naman 'yon ang ikinagalit niya kung 'di ang sitwasyon niya ngayon.
He's not into this, even before, malaki ang disgusto niya sa mga babaeng nagbibenta ng katawan o ang mga lalaking nabubuhay sa pagnanakaw at paggawa ng masama. Hindi sa panghuhusga pero hindi niya talaga maintindahan kung bakit may mga babaeng mas pinipili ang ganitong trabaho? At kung bakit may mga taong kung kumapit sa patalim akala mo sila na ang pinaka nakakaawang tao sa mundo?
The end will never justify the means. Nakaya nga ng ibang mas malala pa ang sitwasyon sa buhay na mamuhay sa tama. Why can't others do that as well? Dahil sa kahirapan? Dahil sa kawalan ng pera? Nah, he doesn’t believe in such things. Rason 'yan ng mga taong makikitid ang mga utak at tamad.
“Rave?!”
“This is stupid! I shouldn't have come.”
Mabilis na tinalikuran niya ang kaibigan at naglakad palayo.
“Hey, Rave!”
Naramdaman niya ang pagsunod ng kaibigan.
“Uuwi na ako.”
“Rave naman!” Hinawakan siya nito sa balikat at pinahinto. “Just this once? Hayaan mo naman ang sarili mong gawin ang mga bagay 'di mo pa nagagawa.”
“But not this!” sigaw na niya. “And not with that woman inside that black room.” Turo niya sa silid na nilabasan niya.
“Fine! But don't blame the girl. Alam ko namang 'di mo 'to magagawa. Your heart is still locked with Hannah. I chose that woman because she badly needs this one.”
“Every woman in this place needs the money, Mykael.”
“Hindi ko na pwedeng bawiin ang naibayad ko na. Bahala ka na sa kung ano ang gagawin mo sa babaeng 'yon. Take her out on a date? Kumain kayo sa labas? At least, huwag mo namang sayangin ang ibinayad ko sa kanya. Yes, every woman in this place needs the money. Then isipin mong tulong mo na rin ito sa kanya.”
Marahas na napabuntonghininga siya. “But still –”
“Rave, I understand your point pero maraming pwedeng pumasok sa isipin ng taong desperado na. They are not born in a silver platter like us. Huwag mo namang husgahan agad ang pagkatao ng babaeng iyon dahil lang sa ganito ang trabaho niya nang magkakilala kayo. Give the poor woman the chance to defend herself.”
Ilang segundo silang nagtitigan ni Mykael. Seryoso pa rin ang expresyon ng mukha niya. Hindi niya alam kung pakikinggan ba niya ang kaibigan o mas pipiliin niyang umalis na lamang at iwan ito at ang babae kanina sa lugar na iyon.
“If you don't want pleasure then you can ask her to be your friend for tonight. End of discussion.”
NAGULAT si Laura nang biglang bumukas ang pinto. Mabilis na pinunasan niya ang mga luha at inayos ang sarili.
“I want you to change. Change something comfortable. Ayokong makitang suot mo 'yang damit na 'yan. Pick something simple, 'yong gusto mo, hindi 'yong gusto ng trabaho mo, and please remove your makeup. I'll wait for you outside,” sunod- sunod na sabi nito na hindi agad rumihestro sa utak niya.
Mabilis na umalis din ito.
Tulala. Hindi alam ni Laura ang sasabihin. Pero hindi 'yon ang dapat niyang isipin. Kailangan niyang magbihis. Hindi niya dapat palagpasin ang pagkakataon na ibinigay nito sa kanya.
PAGLINGON ni Rave sa likod ay talagang natigilan siya nang makita ang babae kanina. The woman in front of her is a lot different from the woman he met earlier. Alam niyang maganda ito kahit na wala itong make up. But he didn’t expect that she possesses a beautiful innocent face. Tila isa itong anghel sa sobrang amo ng mukha nito.Her big brown curls complimented her small and round face. Mapupula rin ang maliit at manipis na mga labi nito. Medyo chinita. Matataas ang pilik mata at tama lang ang tangos ng maliit nitong ilong. She was sexy and has all the perfect curves in the right places. She wore a simple dirty white blouse and black skinny jeans. She paired it with white strapped sandals na may naka desinyo pang mga perlas.Masasabi niyang maputi ito pero mukhang nababad sa araw kaya bahagya itong nangitim. But nonetheless, she was still fair. He won’t admit it verbally, but he liked her pink puffy cheeks.He meant it as a c
SA HULI ay inabala na lamang niya ang sarili sa pagtingin sa mga nakahandang pagkain sa mesa sa dining room na inihatid kanina. Hindi basta-basta pagkain lang dahil animo’y inilabas ‘yon sa mga food menu ng isang restaurant. Natakam siya nang makita ang mga pagkain. Hindi siya gaanong nakakain kanina dahil sa kaba. Hindi rin naman masarap ang pagkain sa bar.Naglalaway na siyang tikman ang mga ‘yon. Natatakot lang siyang kumain at baka isipin pa nito na patay gutom siya. Sirang-sira na nga ang imahe niya. Mamaya niyan tawagin na siya nito na babaeng hamog. Dinala niya ang isang daliri sa bibig. Pwede kayang tumikim?Naigala niya ang tingin sa buong dining area. Kanina pa wala si Rave. Ewan kung na saan. Baka pwedeng tumikim lang naman siya nang kaunti, ‘di ba? Lumunok muna siya.“Gutom na talaga ako.” Pikit mata at mabilis ang mga kilos na kinuha niya ang leg part ng lechon manok. Napangiti siya nang malasahan
Kumunot ang noo niya. “Bakit naman?”“I always forget things when I’m drunk. I don’t know, why? It’s kind of weird, right? Kaya malakas ang loob ko na sabihin sa’yo ang mga bagay na ito dahil bukas makakalimutan ko rin lahat ng mga ito.”“Buti ka pa,” mahinang sagot niya. Medyo naiinggit siya. Sana ganyan din siya. At least, kahit papaano, pwede niyang kalimutan ang mga bagay na hindi niya gustong maalala pa.“What are your dreams in life, Laura?” pag-iiba na naman nito.“Madami. Sa sobrang dami ng mga pangarap ko. Mahirap na silang abutin. Gustohin ko man alam ko na hindi pa pwede sa ngayon. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. Hindi pa nga lang sa ngayon.” At baka hindi sa buhay na ito.“You’re too cautious with your answers. You really don’t want me to get inside your mind, ha? I want to know you, Laura. I tend to judge things based on
SUNOD–SUNODNA SAMPAL at tadyak ang natanggap ni Laura mula sa Hapon na asawa ng kanyang Tiyang Esme na si Akihiro Sato. Ramdam na ramdam niya ang sakit hindi lamang sa kanyang buong katawan pati na rin sa kanyang kalamnan. Nalasahan niya ang dugo sa bibig. Hinang–hina na siya at nanlalabo na ang kanyang paningin dahil sa pananakit ng tiyuhin.Naisandal niya ang likod sa malamig na pader ng opisina nito. Ramdam niya ang mga luhang umaalpas sa kanyang mukha. Pagod na pagod na siya. Hindi na niya kaya ang sakit. Parang mamamatay na siya.“Akihiro–san!” sigaw ng kanyang tiyang. “Tomete kudasai! Please stop.”Malakas na nagmura ito sa linggwahe nito.“Kuso! Mister Satoshi… an important customer,” sigaw nito sa matigas nitong Ingles. “Laura… do her job. She already did it. Why can’t… do it again?! Talk to your niece, Esme! She made me a fool… id
“WHAT?!”He put Mykael under loud speaker dahil nagda–drive pa siya. Mas lalo pa siyang natagalan sa daan dahil may truck at taxi na nagbanggaan. Kinailangan pa niyang humanap ng ibang route dahil kung maghihintay lamang siya roon ay baka umagahin na talaga siya. It was already past 10 pm on his watch.Banas pa siya sa kaibigan dahil niloko siya nito kanina. Akala niya ay kung ano nang nangyari rito. ‘Yon pala, Mykael set him up for a blind date. Nahilot niya ang sentido sa alaala ng date kanina. Pamela was okay. She’s beautiful, prim and proper, and also intelligent. In fact, papasa ito sa panlasa ng kanyang ina. Good family background, heiress ng isang mall. Active sa mga social elite gatherings at isang ideal daughter–in–law.“How was your date, Rave?”“She’s beautiful.”“And?”“I’m not interested.”Mykael groaned in the other line
GULAT ANG UNANG rumihistro sa mukha ni Laura nang magising siya. Napabalikwas siya ng bangon para lang mapangiwi sa naramdamang sakit sa buo niyang katawan. Kumawala ang mahinang ungol mula sa kanyang bibig. Maka–ilang beses niyang naikurap ang mga mata hanggang sa naging malinaw ang buong paligid sa kanya.Naigala niya ang tingin sa buong paligid. Mula sa walang kulay na pader sa apat na sulok na silid na ‘yon hanggang sa kulay itim na sofa, mesa sa tabi ng kanyang kama, at maliit na ref na nandoon. Ngayon din lamang niya napansin ang nakatusok na swero sa likod ng kanyang kanang kamay.Bigla ay naalala niya ang Tiya Esme niya. Dios ko! Ano na kaya ang nangyari sa tiyahin niya? Sana ay nasa maayos ang kanyang tiyang. Sana ay hindi ito pagdudahan ng asawa nito na tumulong sa kanya para makatakas.“You’re awake.”Mabilis na naibaling niya ang tingin sa direksyon ng pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sin
“LAURA’S AUNT WAS killed by her husband.” Dumilim ang mukha ni Rave nang marinig ang sinabi ni Peter sa kanya. That bastard! Nagawa pa rin nitong makatakas. Two days ago, ay ni–raid ng mga pulis ang nasabing restorbar. Nagkaroon ng shootout dahil nanlaban ang grupo ni Sato. Marami ang nasaktan at nadamay pero sadyang may pagkapusa ang walangya dahil nagawa pa rin nitong makatakas. At natitiyak niyang babalikan nito si Laura at gagantihan ang pamilya nito. “Inaagnas na ang katawan ng babae kaya natitiyak nilang ilang araw nang patay ito bago paman mangyari ang raid,” Peter added. “Walang ibang suspect kundi ang asawa lang nito. Maaring nalaman ni Sato ang ginawa nitong pagtulong kay Laura na makatakas. Katulong ng tiyuhin ni Laura si Satoshi. Isa rin sa mga pinaghahanap ng FBI. Ito ang utak ng pedophile at cybersex dito sa Pilipinas.” “Fuck,” Mykael cursed. “I can’t believe this. I almost got ourselves killed.” “Kung saan–saan mo kasi dinadala
“WIFE?” ULIT NI LAURA.Seryosong tumango si Rave. “This is the only option we can do for now. You’ll be safe as Laura Sanjercas. No, let’s change your name as well.” Sandali itong nag–isip. “Are you okay with Lara Sanjercas. Inilas ko lang ‘yong ‘u’ sa Laura mo.”“Eh?”Ni sa hinagap ay ‘di niya na isip na tutulungan siya ng isang Rave Sanjercas. Kahit ‘di niya lubusang kilala ang lalaki ay alam niyang hindi ito basta–basta kagaya ng mga kaibigan nito. Ayaw niyang sagarin ang kabutihan nito sa kanya. Sobra na para sa kanya ang magpanggap na asawa nito para sa kaligtasan niya.“Sir Rave,” malumanay niyang tawag dito. “Malaki ho ang pasasalamat ko sa inyo. Halos buong buhay na ho ang utang ko sa kabutihan n’yo sa akin. Alam ko ho na maari ho akong balikan ng tiyo ko. Pero sobra na ho ang pagpanggapin n’yo akong
Oyy!Lumaban si papa, matapang, oyy!Lumaban si papa, matapang, aww!Tawang–tawang si Laura nang makita ang video ni Rave. Ito raw ‘yong initiation video nila Rave, Mykael, at Kevin dati. Si Kevin nagbigay ng copy sa kanya. Traydor talaga ang ‘sang ‘yon. Sabi ni Kevin sa kanya, 18 pa raw sa video na ‘yon si Rave. Ang bata–bata pa nito sa video at ang kinis–kinis ng legs ng asawa niya.Laban–laban, o bawi–bawi!Laban–laban, o bawi–bawi!Gayang–gaya ni Rave ang stepping ng Sexbomb habang nakasuot ito ng sobrang ikli na puting shorts. Ang kinis talaga ng legs. Nakasuot ng mahabang wig si Rave at naka pulang spaghetti blouse at rubber shoes na minidyasan pa nito nung uso noon na medyas na may pa ruffles.
“‘YONG SINULAT MO sa mga paper planes,” basag ni Laura sa kalagitnaan ng first dance nila bilang mag–asawa. Pero sa pagkakataon na ‘yon. Totoo na talaga. Totoong kasal at sa totoong pari. “Akala ko talaga nakalimutan mo na ‘yon.”“How can I forget that when you’re in my mind every day?”Natawa siya. “Ay talaga?”“I had a hard time looking for the perfect song that will tell Rave’s love for Laura. Don’t ask how I did that because it was a disaster. Thank God, I survived that stage of my life.”“Bakit feeling ko hiningan mo rin ng advice sila Mykael, Kevin at Peter?”“Na sana ‘di ko na lang ginawa.”Lalo siyang natawa. “Sinabi ko na e.”“Paano ba ako nagkaroon ng mga ganoong kaibigan?” Napailing–iling na lang si Rave.“Kasi nga kailangan mo sila sa buhay mo.”
SA WAKAS AY NAKALABAS na rin ng ospital si Lawrence. Sa ngayon ay nasa poder na ito ng totoo niyang ama. Inaayos na ng attorney ng papa niya ang adoption papers ni Lawrence para maging legal na anak ito ng papa niya.Alam lahat ng ama niya ang tungkol sa kanya at sa kapatid niyang si Lawrence dahil nagpaimbestiga ito sa kanya simula nang makita siya nito roon sa resort nila Rave. Malaki ang hawig niya sa nanay niya at sa yumaong anak nito na babae kaya kinutuban na ito.Ibinalita na rin sa kanila ni Peter ang nakakalungkot na sinapit ng kanyang kinilalang ama. Natagpuan ang bangkay nito na palutang–lutang sa dagat sa Cebu. Ayon kay Peter, sinadyang patayin ang ama base na rin sa ilang balang bumaon sa katawan nito.Kahit na hindi naging maganda ang trato ng kinilala niyang ama ay nalungkot pa rin siya at naiyak sa kamatayan nito. Lalo na para kay Lawrence na siyang totoo nitong anak. Pinagdasal na lamang niya ang kaluluwa ng kanyang yumaong ama at tiyahin.
“I KNOW YOUR MOTHER, Laura.”Matamang nakatitig lamang si Laura kay Mr. Anthony Go. Hinayaan niyang ikuwento nito ang lahat. Nagulat siya nang makita ito. Sinabi sa kanya ni Rave na may gusto raw kumausap sa kanya tungkol sa totoo niyang ama. Hindi niya inasahan na si Mr. Go pala ang taong gusto siyang kausapin.“Ang m–mama ko po? Paano po?”“Laura, hija. Patawarin mo sana ako kung hindi ko nagawang mahalin pabalik ang ‘yong ina.” Kumunot ang noo niya.Mahalin? Bakit?“Inaamin kong malaki ang naging kasalanan ko sa aking namayapang asawa. At lubos ko ‘yong pinagsisihan. Kung alam ko lamang na nagbunga ang gabing ‘yon ay sana nagawa kong tulungan si Laurine.”“H–Hindi ko po kayo maiintindihan...”“Nakilala ko ang ‘yong ina sa isang bar. Kamukhang–kamukha mo si Laurine, Laura. Your mother was the most beautiful girl in that b
NAINGAT NI RAVE ANG mukha sa malaking bahay ng mga Rodriguez. Humugot siya nang malalim na hininga. Ito ang unang beses na kakausapin niya ang mga magulang ni Hannah para ipaliwanag ang sarili. Tama si Laura at ang mga kaibigan niya. Hindi masamang sabihin ang totoo niyang nararamdaman. Hindi masama para ipagtanggol ang sarili lalo na kung nasa tama.Kung ano man ang maging tingin nila pagkatapos ng sasabihin niya, ang mahalaga ay nagawa niyang linawin ang mga maling bagay tungkol sa kanya.“We understand, Rave.” Nagulat siya sa naging reaksyon ng ina ni Hannah sa mga ipinagtapat niya. “We have judged you unfairly. Napag–isip–isip namin ni Roberto na naging unfair kami sa’yo. Laura had put a little sense in us. Naging emosyonal kami dahil sa pagkamatay ni Hannah. Wala kaming ibang masisi kundi ikaw lang.”“Kinalimutan namin ang saya na nakita namin sa anak namin noong nabubuhay pa lamang siya,” Don Roberto ad
HE NEVER REALIZED it nor until she left. Until she turns her back at him. He was too harsh. He couldn’t contain his anger. He didn’t want other people to be treated badly because of him. He didn’t want others to worry. If he can, he would do his best to keep everything by himself. It works better for him that way. But I guess, it didn’t, instead, I’ve hurt them more. 5 YEARS AGO “Kung ano man ang mangyari sa akin, promise me Rave, you’ll keep smiling.” Hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Hannah sa kanya. She was smiling at him like it was just normal for her to say that. “Don’t say that.” Humigpit ang hawak nito sa kamay niya saka inihilig nito ang ulo sa balikat niya. Nakaupo sila sa isa sa mga bench sa garden sa ospital. Naka schedule na this week ang pangangak ni Hannah – C section dahil sa heart risk nito.
NAKAUPO SIYA SA isa sa mga bench sa garden ng ospital. Dala–dala niya ang mga paper planes na naipon niyang bigay ni Rave sa kanya. Inilagay niya ang mga ‘yon sa isang transparent jar. Naingat niya ang mukha sa kulay kahel na kalangitan na unti–unti nang kumakalat sa buong paligid.Walong paper planes.Walong paper planes ang ibinigay ni Rave sa kanya. Inabot niya sa tabi ang jar at binuksan ‘yon. Isa sa mga napansin niya dati pa ay ang mga numerong isinulat ni Rave sa may pakpak ng mga paper planes. Hindi niya alam kung bakit, pero baka gusto lang nitong maalala niya ang unang paper plane na ibinigay nito sa kanya.Kinuha niya ang paper plane na may number one sa pakpak nito.Noong una ay nilaro–laro lang niya ‘yon nang may mapansin siyang kakaiba sa katawan ng paper plane. Tila ba may bumakat na litra sa katawan nito. Kumunot ang noo niya. Ano kaya ‘yon? Mabilis na itinabi niya muli ang jar at sinira ang porma n
5 YEARS AGO“Fuck you!” mura ni Mykael kay Rave sabay suntok sa mukha nito. Gumanti siya ng suntok kay Mykael. “Kill yourself! Rot in hell. Do what you want. Kung ayaw mong tulungan ka namin. At least, think about your son. Live for your son, damn it!”“Ano ba kayo, tama na!” awat ni Kevin sa kanila. “Sino kayo para pangunahan ako?” Hinila ni Kevin si Mykael palayo sa kanya. Marahas na pinahid niya ang dugo sa gilid ng bibig gamit ng likod ng kamay niya. Madilim na tinignan niya si Mykael. “I told you, I’m okay. I’m fucking fine! Hindi ko sinabing mangialam kayo at kausapin n’yo ang mga magulang ni Hannah. ““You’re not okay!” giit pa rin ni Mykael. “You’re obviously dying inside, Rave. Bakit ba sinasarili mo ang lahat? You can sha
"ANONG GINAGAWA mo rito, hija?” kalmadong tanong ng ginang sa kanya, bakas pa rin ang disgusto sa boses nito.“Maari ko po ba kayong makausap?” lakas na loob na sabi niya. “Kayo pong dalawa. Kahit ilang minuto lang po.”Binalingan ng donya ang apo. “Ross, puntahan mo muna ang Manang Melai mo sa garden. Kayo na muna ang maglaro. Mag–uusap muna kami ng M–Ma… Mama Lara mo.”“Sige po, Lola.” Binalingan nito ang lolo nito. “Lolo, si Twinkie po?”“Natutulog sa doghouse niya sa garden. Puntahan mo na lang apo.”“Okay po.” Bumalik naman sa kanya si Ross at yumakap sa baywang niya. Ibinaba niya ang tingin sa bata saka hinaplos ang buhok nito. “Mama, mamaya po, i–tour po kita.”Ngumiti siya. “Sige, mamaya.”Kumalas na sa pagkakayakap sa kanya si Ross. Sinundo ito ng isa sa mga katiwala at naglakad na ang mga