PAGPASOK NA PAGPASOK pa lang ni Laura sa Mind Creatives ay hindi na niya mapigilan ang sarili na mamangha. Ito ba ‘yong kompanya ni Mykael? Sa pagkakaalala niya ay parehong ipinundar ‘yon nila Rave at Mykael pero ibinenta na ni Rave ang lahat ng shares nito kay Mykael kaya ito na ang nag–iisang may–ari ng Mind Creatives.
Mukhang pinag–isipan nang mabuti ang bawat detalye ng loob ng building. Kung titignan sa labas ay parang simpleng gusali lamang ‘yon pero tila ibang mundo naman ang loob.
Sa lobby pa lang ng Mind Creatives ay litaw na litaw na ang creativity ng mga taong nagtatrabaho roon. May malaking lighted signage ng Mind Creatives sa likod ng reception counter. Sa ibaba no’n ay may naka caption na ‘WELCOME LIVING THINGS’ na tila nakasulat sa ibang linggwahe pero kayang–kayang basahin ng mga mata. Napa–wow siya roon. Sa harap naman ng reception counter ay malaking cursive written lighted cut out words na CAPTCHA. ‘Yon ba ‘yong sa internet na nagpa–pop–up
HALOS HINDI MAIKURAP ni Laura ang tingin sa buong paligid. May simbahan pala sa itaas ng building? Pero parang nilagyan lang ng cross sa itaas? Maganda ang pagkaka–set–up ng loob, para bang maliit na kapilya. Inalalayan siya nila Orange at Blue. Si Gray naman ay panay kuha ng mga stolen photos sa kanya. Teka lang, ano ba ‘to? “Wow, look at you Laura.” Halos hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Mykael. “You look stunningly beautiful. You just took my breath away.” “Sana pala dinala ko ang oxygen tank mula sa ospital para sa’yo,” natatawang sabi ni Kevin na nakasunod pala kay Mykael. Parehong naka itim na tsinelas, khaki pants at white long sleeve polo ang mga ito. Nakatupi ang sleeves hanggang siko at bahagyang nakabukas ang ilang butones sa harapan. Gwapong–gwapo ang dalawa sa mga suot nito na lalong nagpalitaw sa kakisigan at gandang lalaki ng mga ito. Tila hinugot na mga bidang lalaki ang dalawa sa mga pocketbook at a–attend ng beach wedding. “Con
“CHEERS!” Sabay na kinalansing nila Rave, Mykael, Kevin, Peter, at Laura ang mga wine glasses nilang hawak. Nasa rooftop pa rin sila ng building ng Mind Creatives. Iilan na lang ang nanatili at kumakain sa pa–reception ni Mykael pagkatapos ng halos dalawang oras at kalahating photoshoot sa kasal ‘di umano nila ni Rave. Pare–pareho na rin silang nakapagpalit ng damit. Halos pare–pareho lang sila ng get up na lima. Pakulo na naman ni Mykael. Pareho silang nakasuot ng puting T–shirt at itim na pantalon. Ang kaibahan lamang ay ang nakasulat na statement sa harap ng T–shirt. May malaking bold letters na BEAUTIFUL WIFE ang sa kanya. Kay Rave naman ay BLESSED HUSBAND. Kevin ay BEAST MAN. Mykael ay VERY BEAST MAN. Peter ay UNKNOWN MAN. Natawa siya nang magpa–picture silang lima. Ang kukulit ng tatlo. Lalo pa siyang napangiti nang makita niyang halos nakangiti lang si Rave simula pa kanina. Sa ilang araw na magkasama sila ay mabibilang lang sa kamay ang pagngi
“ANONG SABI NG MAMA MO?” Hinarap siya ni Rave. “You don’t need to worry about her. Matanda na ako para pakialaman pa niya. I can decide on my own.” “Sabi ko naman kasi ipakilala mo na lang akong mai –” “Lar, let’s stop. My mother will not harm you hanggat nasa tabi mo ako. Just focus with our son –” Natigilan siya at napatingin kay Rave. “My son,” mabilis na bawi nito. Tinalikuran na siya nito at dumiretso sa working room nito na adjacent lang sa silid nila. Kahit na wala ‘yong pinto ay ‘di pa rin niya makita si Rave. Mag–a–alas singko pa lang ng hapon pero mukhang magta–trabaho na ito. Nabanggit nga ni Kevin sa kanya na madalas magkulong si Rave sa working area nito dahil marami itong tinatapos na trabaho. Isang linggo itong sinamahan siya kaya marahil marami na itong nakatinggang trabaho. Tumayo siya mula sa kama at lumapit sa hamba ng pintuan ng adjacent room kung saan pinaghiwalay ang bedroom at opisina nito. Nakita niya si Rave n
“RAVE GISING KA na, please.” Nakatunghay si Laura kay Rave. May sofa bed ito sa loob ng working area nito at doon ito natutulog. Nakasalampak siya ng upo sa sahig at nakaharap sa natutulog na anyo nito. Kanina pa niya ginigising ito pero ang himbing ng tulog nito. Alas sais na nang umaga at gising na siya pero natatakot siyang bumaba. Natatakot talaga siya sa nanay nito. Baka mag–breakfast siya ng sermon at taas kilay. “Gising ka na.” Gamit ang isang daliri ay sinundot–sundot niya ang pisngi nito. “Samahan mo ako sa baba.” Pero sa halip na i–pressure ang sarili na gisingin si Rave ay naaliw pa siyang pagmasdan ang gwapo nitong mukha. Napaka–peaceful ng anyo nito. Malayong–malayo sa gising na si Rave na laging seryoso. Alam niyang mas matanda ito sa kanya pero hindi naman ‘yon halata dahil sadyang pinagpala ito ng langit sa angking kakisigan at kagwapohan – mga halos sampung taon ang agwat nila kung ‘di siya nagkakamali. “Ang mantika mo matulog. Anong
“RAVE, SAAN KA PUPUNTA?” Nauhaw siya kanina kaya bumaba siya ng kusina para kumuha ng tubig. Pabalik na siya sa silid nila nang maabutan niya si Rave na palabas ng bahay. Nakasuot ito ng itim na track pants, gray T–shirt at itim na rin na running shoes. May nakapasak na headset sa isang tainga nito kaya narinig pa rin siya nito. Bahagya siya nitong nilingon. “Maglalakad lang sa labas.” “Alas diez na.” “Bawal bang maglakad nang ganitong oras?” “‘Di naman.” Lumapit siya rito. “Pwedeng sumama? ‘Di kasi ako makatulog.” Tumango lang ito at sabay na silang lumabas ng bahay. Binati agad siya ng malamig na hangin. Mabuti na lamang at naka pajama at long sleeve siya. “Madalas ka bang maglakad–lakad sa gabi?” “I like the feeling of walking alone.” “Sige, uwi na lang ako –” Tumalikod na siya nang mabilis na mahablot ni Rave ang hood ng long sleeve niya. “Rave?” “You chose to walk with me. Panindigan mong makasama a
NAKAHINGA NANG MALUWAG si Laura nang bahagyang bumaba ang lagnat ni Rave. Mabuti na lang. Maayos na rin ang paghinga nito at mukhang mahimbing nang natutulog. Tinitigan niya ang mukha ni Rave. Gusto niyang kaawaan ito pero naiinis siya. Masyado nitong pinagod ang sarili. Hindi ito kumakain sa tamang oras at kulang din lagi ang tulog. Naiintindihan niya na trabaho nito ‘yon pero hindi tamang isakripisyo nito ang kalusugan para lang doon. Sino na lang ang mag–aalalaga kay Rave kung wala siya? Bata pa si Ross kaya hindi pa nito maaalagaan nang maayos ang daddy nito. Kilala niya si Rave, sigurado siyang sasarilihin lang nito ang nararamdaman. Hindi niya maiwasang mapabuntonghininga. “Hindi naman habang buhay na nandito ako,” aniya, habang tinitignan si Rave. “Dapat alagaan mo rin ang sarili mo.” Iniligpit na niya ang mga ginamit niyang pampunas dito. Ibababa na muna niya ‘yon at kukunin ‘yong naiwan niyang thermos ng mainit na tubig sa kusina. Malakas pa
ANG SAYA–SAYA NI Ross nang makarating sila sa school nito. Mabilis na lumapit ito sa mga kaibigan nito at masaya silang pinakilala. Nakakahawa ang saya ng bata. Nakakatuwa.Pareho sila ng kulay ng T–shirt na tatlo, light pink kasi ang assigned color sa team kinder 1 and 2. May naka print na Family Day sa harap ng T–Shirt na may kasama pang pangalan ng eskwelahan ni Ross. Pareho silang naka itim na pantalon ni Rave at white shoes. Itinali niya ang buhok sa likod dahil medyo mainit. Nakasuot naman ng kulay maroon na cap si Rave na kapareho kay Ross.Dala–dala niya ang Nemo backpack ni Ross. Nasa loob na ang pamalit na damit ng bata at water bottle nito. Mula sa baby powder at mga iba pang kailangan ni Ross ay nakahanda na. Hinayaan na muna nila si Ross sa mga kaibigan nito at dumiretso na sila sa registration table. Si Rave na ang nagsulat sa mga pangalan nila. Nang iabot sa kanya ni Rave ang ballpen nagtaka ito nang matigilan siya.“
NABUHAY YATA NI Laura ang pagiging–competitive ni Rave at halos salihan na nito ang lahat ng games. Naloka naman talaga siya. Ang hirap pala nitong pilitin.Wow, grabe! Mula sa newspaper game na sinalihan nilang dalawa, sa three–legged race nila Ross at Rave, sack race nilang tatlo na makailang beses silang natumba. Pero tawa pa rin sila nang tawa habang sinusubukang makatayo. Sumali rin sila ni Ross sa trip to Jerusalem at sa pass the egg challenge. At sa mga larong ‘yon, ‘yong apple eating challenge lang talaga ang naipanalo nila.Pero hindi naman matatawaran ‘yong saya ni Ross. Sa araw ding ‘yon, nakita niya ang isa pang ugali ni Rave. Hindi naman talaga pala ito KJ.Kailangan lang pilitin. Tuwang–tuwa si Ross nang makuha nila ang Best Parent of the day award. Natawa siya sa pa crown na ipinasuot ng mga teachers sa kanila. Syempre, mawawala ba ang little prince ng king and queen? Hindi. Kasama rin nila si Ross sa award
Oyy!Lumaban si papa, matapang, oyy!Lumaban si papa, matapang, aww!Tawang–tawang si Laura nang makita ang video ni Rave. Ito raw ‘yong initiation video nila Rave, Mykael, at Kevin dati. Si Kevin nagbigay ng copy sa kanya. Traydor talaga ang ‘sang ‘yon. Sabi ni Kevin sa kanya, 18 pa raw sa video na ‘yon si Rave. Ang bata–bata pa nito sa video at ang kinis–kinis ng legs ng asawa niya.Laban–laban, o bawi–bawi!Laban–laban, o bawi–bawi!Gayang–gaya ni Rave ang stepping ng Sexbomb habang nakasuot ito ng sobrang ikli na puting shorts. Ang kinis talaga ng legs. Nakasuot ng mahabang wig si Rave at naka pulang spaghetti blouse at rubber shoes na minidyasan pa nito nung uso noon na medyas na may pa ruffles.
“‘YONG SINULAT MO sa mga paper planes,” basag ni Laura sa kalagitnaan ng first dance nila bilang mag–asawa. Pero sa pagkakataon na ‘yon. Totoo na talaga. Totoong kasal at sa totoong pari. “Akala ko talaga nakalimutan mo na ‘yon.”“How can I forget that when you’re in my mind every day?”Natawa siya. “Ay talaga?”“I had a hard time looking for the perfect song that will tell Rave’s love for Laura. Don’t ask how I did that because it was a disaster. Thank God, I survived that stage of my life.”“Bakit feeling ko hiningan mo rin ng advice sila Mykael, Kevin at Peter?”“Na sana ‘di ko na lang ginawa.”Lalo siyang natawa. “Sinabi ko na e.”“Paano ba ako nagkaroon ng mga ganoong kaibigan?” Napailing–iling na lang si Rave.“Kasi nga kailangan mo sila sa buhay mo.”
SA WAKAS AY NAKALABAS na rin ng ospital si Lawrence. Sa ngayon ay nasa poder na ito ng totoo niyang ama. Inaayos na ng attorney ng papa niya ang adoption papers ni Lawrence para maging legal na anak ito ng papa niya.Alam lahat ng ama niya ang tungkol sa kanya at sa kapatid niyang si Lawrence dahil nagpaimbestiga ito sa kanya simula nang makita siya nito roon sa resort nila Rave. Malaki ang hawig niya sa nanay niya at sa yumaong anak nito na babae kaya kinutuban na ito.Ibinalita na rin sa kanila ni Peter ang nakakalungkot na sinapit ng kanyang kinilalang ama. Natagpuan ang bangkay nito na palutang–lutang sa dagat sa Cebu. Ayon kay Peter, sinadyang patayin ang ama base na rin sa ilang balang bumaon sa katawan nito.Kahit na hindi naging maganda ang trato ng kinilala niyang ama ay nalungkot pa rin siya at naiyak sa kamatayan nito. Lalo na para kay Lawrence na siyang totoo nitong anak. Pinagdasal na lamang niya ang kaluluwa ng kanyang yumaong ama at tiyahin.
“I KNOW YOUR MOTHER, Laura.”Matamang nakatitig lamang si Laura kay Mr. Anthony Go. Hinayaan niyang ikuwento nito ang lahat. Nagulat siya nang makita ito. Sinabi sa kanya ni Rave na may gusto raw kumausap sa kanya tungkol sa totoo niyang ama. Hindi niya inasahan na si Mr. Go pala ang taong gusto siyang kausapin.“Ang m–mama ko po? Paano po?”“Laura, hija. Patawarin mo sana ako kung hindi ko nagawang mahalin pabalik ang ‘yong ina.” Kumunot ang noo niya.Mahalin? Bakit?“Inaamin kong malaki ang naging kasalanan ko sa aking namayapang asawa. At lubos ko ‘yong pinagsisihan. Kung alam ko lamang na nagbunga ang gabing ‘yon ay sana nagawa kong tulungan si Laurine.”“H–Hindi ko po kayo maiintindihan...”“Nakilala ko ang ‘yong ina sa isang bar. Kamukhang–kamukha mo si Laurine, Laura. Your mother was the most beautiful girl in that b
NAINGAT NI RAVE ANG mukha sa malaking bahay ng mga Rodriguez. Humugot siya nang malalim na hininga. Ito ang unang beses na kakausapin niya ang mga magulang ni Hannah para ipaliwanag ang sarili. Tama si Laura at ang mga kaibigan niya. Hindi masamang sabihin ang totoo niyang nararamdaman. Hindi masama para ipagtanggol ang sarili lalo na kung nasa tama.Kung ano man ang maging tingin nila pagkatapos ng sasabihin niya, ang mahalaga ay nagawa niyang linawin ang mga maling bagay tungkol sa kanya.“We understand, Rave.” Nagulat siya sa naging reaksyon ng ina ni Hannah sa mga ipinagtapat niya. “We have judged you unfairly. Napag–isip–isip namin ni Roberto na naging unfair kami sa’yo. Laura had put a little sense in us. Naging emosyonal kami dahil sa pagkamatay ni Hannah. Wala kaming ibang masisi kundi ikaw lang.”“Kinalimutan namin ang saya na nakita namin sa anak namin noong nabubuhay pa lamang siya,” Don Roberto ad
HE NEVER REALIZED it nor until she left. Until she turns her back at him. He was too harsh. He couldn’t contain his anger. He didn’t want other people to be treated badly because of him. He didn’t want others to worry. If he can, he would do his best to keep everything by himself. It works better for him that way. But I guess, it didn’t, instead, I’ve hurt them more. 5 YEARS AGO “Kung ano man ang mangyari sa akin, promise me Rave, you’ll keep smiling.” Hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Hannah sa kanya. She was smiling at him like it was just normal for her to say that. “Don’t say that.” Humigpit ang hawak nito sa kamay niya saka inihilig nito ang ulo sa balikat niya. Nakaupo sila sa isa sa mga bench sa garden sa ospital. Naka schedule na this week ang pangangak ni Hannah – C section dahil sa heart risk nito.
NAKAUPO SIYA SA isa sa mga bench sa garden ng ospital. Dala–dala niya ang mga paper planes na naipon niyang bigay ni Rave sa kanya. Inilagay niya ang mga ‘yon sa isang transparent jar. Naingat niya ang mukha sa kulay kahel na kalangitan na unti–unti nang kumakalat sa buong paligid.Walong paper planes.Walong paper planes ang ibinigay ni Rave sa kanya. Inabot niya sa tabi ang jar at binuksan ‘yon. Isa sa mga napansin niya dati pa ay ang mga numerong isinulat ni Rave sa may pakpak ng mga paper planes. Hindi niya alam kung bakit, pero baka gusto lang nitong maalala niya ang unang paper plane na ibinigay nito sa kanya.Kinuha niya ang paper plane na may number one sa pakpak nito.Noong una ay nilaro–laro lang niya ‘yon nang may mapansin siyang kakaiba sa katawan ng paper plane. Tila ba may bumakat na litra sa katawan nito. Kumunot ang noo niya. Ano kaya ‘yon? Mabilis na itinabi niya muli ang jar at sinira ang porma n
5 YEARS AGO“Fuck you!” mura ni Mykael kay Rave sabay suntok sa mukha nito. Gumanti siya ng suntok kay Mykael. “Kill yourself! Rot in hell. Do what you want. Kung ayaw mong tulungan ka namin. At least, think about your son. Live for your son, damn it!”“Ano ba kayo, tama na!” awat ni Kevin sa kanila. “Sino kayo para pangunahan ako?” Hinila ni Kevin si Mykael palayo sa kanya. Marahas na pinahid niya ang dugo sa gilid ng bibig gamit ng likod ng kamay niya. Madilim na tinignan niya si Mykael. “I told you, I’m okay. I’m fucking fine! Hindi ko sinabing mangialam kayo at kausapin n’yo ang mga magulang ni Hannah. ““You’re not okay!” giit pa rin ni Mykael. “You’re obviously dying inside, Rave. Bakit ba sinasarili mo ang lahat? You can sha
"ANONG GINAGAWA mo rito, hija?” kalmadong tanong ng ginang sa kanya, bakas pa rin ang disgusto sa boses nito.“Maari ko po ba kayong makausap?” lakas na loob na sabi niya. “Kayo pong dalawa. Kahit ilang minuto lang po.”Binalingan ng donya ang apo. “Ross, puntahan mo muna ang Manang Melai mo sa garden. Kayo na muna ang maglaro. Mag–uusap muna kami ng M–Ma… Mama Lara mo.”“Sige po, Lola.” Binalingan nito ang lolo nito. “Lolo, si Twinkie po?”“Natutulog sa doghouse niya sa garden. Puntahan mo na lang apo.”“Okay po.” Bumalik naman sa kanya si Ross at yumakap sa baywang niya. Ibinaba niya ang tingin sa bata saka hinaplos ang buhok nito. “Mama, mamaya po, i–tour po kita.”Ngumiti siya. “Sige, mamaya.”Kumalas na sa pagkakayakap sa kanya si Ross. Sinundo ito ng isa sa mga katiwala at naglakad na ang mga