Pagkasara ng gate, hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang papalayong sasakyan ni Theo. Tahimik ang paligid, pero sa loob ko, parang may nagkakagulong mga emosyon na hindi ko maintindihan. Bumalik ako sa loob ng bahay at inabutan ko si Mommy at Jennifer na nakaupo sa sofa, parehong nakatingin sa akin na para bang hinihintay akong magsalita.“Anong nginingiti-ngiti mo diyan?” tanong ni Jennifer na may malisyosong tingin.“Wala ah,” pagtatanggi ko, pero alam kong hindi ako makakaligtas sa kanila.“Karen, anak,” singit ni Mommy, may lambing sa kanyang tinig. “Mukhang iba na ang kinang sa mga mata mo. Ano ba talaga ang nararamdaman mo kay Theo?”Umupo ako sa tabi nila at napabuntong-hininga. “Ewan ko, Mommy. Hindi ko rin maintindihan. Ang bilis kasi ng mga pangyayari. Parang kailan lang, iniisip ko na wala siyang alam sa negosyo, na spoiled brat lang siya… pero iba pala siya sa inaakala ko.”Nagtinginan si Mommy at Jennifer, parehong tila kinikilig para sa akin.“Eh kung gus
Matapos kong mag-ayos, dumating si Theo sa bahay nang eksaktong 7:30 PM. Habang bumababa siya ng kotse, hindi ko maiwasang humanga sa porma niya. Nakasuot siya ng dark blue suit na bumagay sa kaniyang matangkad at matipunong pangangatawan. Sa isang iglap, naramdaman kong kumakabog ang puso ko.“Bakit parang natulala ka diyan?” nakangiti niyang tanong habang tinutulungan akong sumakay sa sasakyan.“H-Ha? Wala! Tara na,” sagot ko, pilit tinatago ang pamumula ng aking pisngi.Habang nasa daan, ramdam kong tahimik ako at hindi mapakali. Napansin ito ni Theo at hinawakan ang aking kamay. “Relax ka lang, Karen. Wag kang mahiya. I know my family can be intimidating, pero I’m here with you, okay?”Napangiti ako at hinayaan siyang hawakan ang kamay ko. “Thanks, Theo. Hindi lang kasi ako sanay sa ganito.” Dumiretso na muna ako sa Contis para bumili ng cake na maari kong dalhin bilang presents sa pamilya ni Theo."Karen wag kang mabibigla sa lolo ko kung sakalaing may sabihin siyang hindi kana
Lahat ng atensyon ay napunta sa pagbaba ng matandang tinutukoy nilang “Master.” “Andiyan na si Master!” sigaw ng mga batang pamangkin ni Theo habang nagtatakbuhan papunta sa entrada ng mansyon. “Master? Sinong Master?!” tanong ko sa kanilang ng may pagtataka. “Hahaha! Si Lolo ’yun. Gusto niya kasing tinatawag siyang Master dahil lagi niyang ikinukuwento sa amin na noong kabataan niya, isa siya sa pinakamagaling pagdating sa babae at naging Master ng isang negosyong sobrang umunlad noong early ’70s. Kaya may ganito kaming buhay ngayon. Pero kung anong business iyon, walang nakakaalam. Hahaha!” paliwanag ni Michael, na sinang-ayunan naman ng iba pa niyang mga pinsan. Bumulong naman sa akin si Mae, “Maghanda ka, Karen! Huwag kang matakot sa Lolo namin, at sana hindi ka mabigla pagkatapos kang ipakilala ni Theo sa kaniya.” Napatingin ako sa kanya, at nginitian niya lang ako, dahilan para lalo akong kabahan. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Master mamaya. Pagbaba nito,
Bago kami maghiwa-hiwalay, nagpasalamat ako sa kanila habang sumakay kami pabalik sa aming sasakyan. “Thank you, Theo. Sobrang nag-enjoy ako. Ang saya ng pamilya mo! Medyo scary nga lang talaga ang lolo mo, pero sabi n’yo nga, normal lang sa kanya ’yun,” sabi ko kay Theo habang nagmamaneho siya pabalik sa bahay ko. “Masasanay ka rin kay Master. Hahaha. At saka, huwag mo siyang tatawaging ‘Lolo’ sa susunod, gusto niya ‘Master’ ang itawag mo sa kanya. Pakiramdam niya kasi bata pa rin siya,” bilin niya sa akin. Tumango lang ako at sumang-ayon. Natapos ang gabi namin nang masaya. Agad din siyang umalis matapos akong maihatid dahil inaantok na rin siya sa dami ng alak na nainom namin. AFTER 2 YEARS Maagang gumising si Theo ngayong araw para sa isang mahalagang plano na matagal na niyang pinaghandaan. Simula nang makilala niya si Karen, marami nang nagbago sa kanyang buhay—hindi lamang sa trabaho kundi pati na rin sa personal niyang pananaw. Natutunan niyang pahalagahan ang mga tao
Ilang segundo munang natahimik si Tito Lincon matapos kong magsalita. "Hmmm, Theo, una sa lahat, masaya ako na ikaw ang naging karelasyon ni Karen. Bukod sa mahalaga ang pagkakaibigan namin ng mga magulang mo, mahal din namin si Karen, kahit hindi siya nagmula kay Tiffany. Buong puso namin siyang tinanggap bilang bahagi ng pamilya. Kaya tandaan mo ito kung masasaktan mo ang aking anak, ako ang unang hahanap sa'yo. Naiintindihan mo ba ako?" mariing sabi ng Daddy niya."Naiitindihan ko po ang ibig niyong sabihin. Pinapangako ko, pero gagawin ko ang lahat para sa ikaliligaya ni Karen," sagot ko nang seryoso."Kung gayun, our answer is yes! Binabasbasan namin ang plano mo," nakangiti niyang sabi."Naku, thank you po talaga, Tito, Tita!" masayang tugon ko. Ipinaliwanag ko rin ang aking plano kung kailan at saan ko balak mag-propose. Kinuntsaba ko na rin si Alex, ang kaibigan ni Karen, para tumulong sa mga detalye ng mangyayaring event na ito.Kinagabihan, matapos silang pumayag, agad kong
Pagkalabas ko ng pintuan ng mansyon ng Laude, nakatanggap ako ng mensahe mula kina Mommy at Daddy." I'm proud of you, son, for standing up for your happiness," maikling mensahe ni Daddy pero ramdam ko ang lalim ng kahulugan nito. Napangiti ako, lalo akong ginanahan sa gagawin ko.Makalipas ang dalawang taon ng walang sawang panunuyo, sa wakas ay nakuha ko rin ang matamis na "oo" ni Karen. Nangyari ito noong June 25,2022, eksaktong 6 PM, sa paborito naming kainan sa Tomas Morato. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon—ang araw na tuluyang nagbago ang pananaw ko sa buhay.Sa loob ng dalawang taon bilang magkasintahan, masasabi kong sapat na ang panahong iyon upang hingin ko ang kamay ni Karen mula sa kanyang mga magulang. Mahal ko siya, at handa kong gawin ang lahat para sa kaligayahan niya. Kahit pa kalabanin ko ang sarili kong pamilya, wala akong pakialam.Ayon sa aming plano, dapat ay magkasama kaming babiyahe patungong Indonesia kasama ang kanyang pamilya. Ngunit nagdahilan
Inabot sa kanya ng isang farmer ang mikropono. Mahigpit niya itong hinawakan bago nagsimulang magsalita."Hi, Love!" Masuyong bati ni Theo, isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi habang pabulong niyang sinagot ang tanong ko kung ano ang nangyayari. Napapalibutan na kami ng maraming tao, sabik na masaksihan ang sandaling ito."Karen, Love. Dalawang taon na ang lumipas mula nang ibigay mo sa akin ang iyong matamis na ‘oo,’ at araw-araw akong nagpapasalamat sa Diyos para doon. Mahal kita, at alam mo ‘yan. Salamat sa pagpapakita mo sa akin ng tunay na kahulugan ng pag-ibig. Salamat sa pagbabago mo sa pananaw ko sa buhay. Wala akong ibang gustong makasama kundi ikaw lang. Utang ko sa ‘yo ang lakas ng loob ko, lalo na sa mga panahong mahirap ang sitwasyon. Alam ng Diyos ang naging papel mo sa buhay ko. Mula sa isang lalaking walang direksyon ang buhay, isang lalaking puro gimik at pagwaldas ang alam gawin, isang lalaking puro pagpapasaway sa pamilya ngayon ay hindi ko na nakikita ang saril
THEO POVNang matapos ang kasiyahan ay nag kanya-kanya na kaming tungo sa aming mga silid. Sanay kami ni Karen na magkatabing matulog pero itong gabing ito ay may kakaibang kilig ang hatid sakin dahil sa ginawa kong proposal. Nauna akong matapos kay Karen maligo . Sinadya ko ito para sa nais kong ihanda. Sinilip ko pa ito sa CR at siniguradong hindi pa ito tapos maligo saka ko hinanda ang aming kama. Nilagyan ko ito ng red rose petals at sa gitna nito ay pinuwesto ko ang regalong hinanda ko para sa kanya . Alam kong gustong gusto ni Karen ang Rolex Lady-Datejust 26 (69178) 18k yellow gold watch. Lagi ko itong nakikitang tumitingin online tungkol sa relong ito. Kaya lamang ay lagi siyang nanghihinayang sa pagbili nito para sa kaniyang sarili dahil mas pinipili niyang ibigay as donation sa mga orphanage ang kaniyang pera. May mga regular itong charity na tinutulungan. Palagi kasi niyang naalala ang ngyari sa kaniya noon 20 years ago ng iwanan siya ng kaniyang tunay na ina sa isang ka
AFTER THE PARTY KAREN POV Pagkatapos ng matagumpay na auction, umalingawngaw ang masigabong palakpakan mula sa lahat ng bisitang dumalo sa event. Muling isinindi ang lahat ng ilaw, nagbibigay-liwanag sa buong event hall. Tulad ng nabanggit ni Daddy sa naging pag-uusap nila ni Mommy, agad niyang kinuha ang atensyon ng lahat upang magbigay ng isang mahalagang anunsyo. "LADIES AND GENTLEMEN, BAGO NATIN TAPUSIN ANG EVENT NA ITO, MAYROON AKONG NAPAKAHALAGANG ANUNSYO!" Masayang sabi ni Daddy habang tumayo sa harapan upang pasalamatan ang lahat ng dumalo. Sa sandaling iyon, ang mga bisitang naghahanda nang pumunta sa inihandang thank you party ay natigilan at muling nagtuon ng pansin sa kanya. "Karen, halika rito, sweetheart." Tinawag ako ni Daddy para samahan siya sa stage. Lihim sa kaalaman ng karamihan, ako—si Karen Moore—ang siyang nagtatag ng charity na siyang makikinabang sa lahat ng nalikom na pondo ngayong gabi. Kasabay nito, masaya ring inanunsyo ni Daddy ang isa pang mahalaga
AT THE NIGHT OF THE PARTY "It's okay, Mom. Kaya ko na pong mag-isa. Mauna na po kayo—nakakahiya naman sa mga guests na paparating. Susunod na rin ako," sabi ni Karen na nakangiti kay Tiffany. "Kung ganun, sige anak. Hay naku, kinakabahan ako," sagot ni Tiffany habang bahagyang huminga nang malalim. "Don’t be, Mom! Ang ganda-ganda mo kaya. Ikaw ang pinaka-magandang babae sa event," lambing ni Karen sa ina. "Hays, ikaw talaga. Miss na miss kita nung umalis ka. Pero ikaw pa rin ang pinakamaganda. Oh, sige na, mauna na kami ng mga kapatid mo. Sumunod ka agad ha?" sabi ni Tiffany bago maglakad paalis. "Yes, Mom! Susunod na rin po ako," tugon ni Karen. Nauna na sina Lincon sa event place kasama ang kambal na sina Arthur at Madison. Bago tuluyang umalis, dumaan muna si Karen sa silid ng kanyang mga anak. Nagpaalam siya at nangakong bibilhan sila ng laruan sa kanyang pagbalik. Matapos tiyaking okay na ang mga bata, naglakad na siya palabas. Sumabay naman si Trina, agad na nang-aa
"Anak, natutuwa kami at naisipan mong magpakita sa amin," bungad ni Daddy na may ngiti sa labi. Maya-maya'y naging seryoso ang kanyang mukha. "Ngayon na nandito ka na ulit sa bahay, gusto naming ipaalam sa iyo na magkakaroon ng Charity Ball ang ating kompanya. Ito ay isang auction kung saan lahat ng kikitain ay mapupunta sa mga charity na sinusuportahan ng ating pamilya. Gaganapin ito sa susunod na araw. Tamang-tama ang dating mo, pero siyempre, desisyon mo kung a-attend ka. Hindi ka namin pipilitin; maiintindihan namin kung hindi ka pa handa. Mayroon din kaming mahalagang anunsyo na ibabahagi ng Mommy mo pagkatapos ng event," dagdag niya. "Pero anak, bago ka magdesisyon, gusto naming malaman mo na imbitado ang pamilya ni Theo sa event na iyon. Simula nang mawala ka, kahit anong gawin kong pagputol ng ugnayan natin sa kanilang pamilya, hindi tumigil si Theo sa pagsuyo at pagsusumikap na makuha ang aming loob. Patawarin mo kami, anak, kung napatawad namin siya makalipas ang ilang tao
Tiffany POVAno ba naman itong si Manang kanina pa tawag ng tawag para lang patikman ang bago niyang menu na ihahanda niya para sa gaganapin na charity event namin para sa orphanage.“Hay Manang bakit kailangan kumpleto pa kami?!” Pagmamaktol na tanong ni Jennifer. “Saglit lang po ako aah pupunta pa po ako ng BGC para sa photoshoot ko!”“Oo sandali lang ito. Wag kang mag-alala” nakangising sagot ni Manang kay Jennifer. Samantalang si Arthur ay busyng busy sa kaniyang cellphone. Ang weird ni Manang ngayong araw. Nagkakatinginan na lang kami ni Lincon dahil hindi namin maintindihan kung gano ba ka espesyal ang hinain nitong si Manang. Ayaw naman naming questionin dahil halos mag 3 dekada ng nagtatrabaho sa amin si Manang. Parang nanay na nga namin siya. Dahil din sa may edad na siya ay matampuhin na.“Wait lang po kuhain ko lang po hinanda ko sa kusina!” Sabi ni Manang habang kami ay nakaupo na sa dining table at naghihintay.“TADAAANNN SURPRISE !!!!” Malakas na sigaw ni Manang“Ate Ka
KAREN POVMula sa himpapawid tanaw na agad ang dikit-dikit na bahay at maiilaw na kabahayan. Nang malapit ng bumaba ang eroplano ay narinig ko na ang palakpakan ng mga tao. Alam kong nasa Pinas na kami. “Ahmm… welcome to Philippines!” anas ko sa aking mga anak. Ito ang unang beses na makakauwi sila ng Pinas at the same time unang beses na makikita nila ito. Nilanghap ko ang malamig na simoy ng hangin ng makababa ang eroplano na aming sinasakyan sa Ninoy Aquino International Airport. Matapos ang ilang libong beses na pag-iisip ay pumayag na din akong magbalik bayan. Kasama ko si Trina at ang kambal. Sa ancestral home kasama namin ng kambal manunuluyan si Trina dahil wala siyang ibang mauuwian kaya naman ako na ang nag offer na sa sa bahay na siya tumuloy kaysa mag hotel. Kagaya ng aking kahilingan kay Trina. Gagawin naming surprise sa aking pamilya ang aking pagbabalik sa bahay Makalipas ang 5 taong walang komunikasyon. Excited na ako sa magiging reaksyon nila Mommy lalo na pag nak
AFTER 5 YEARSSa bilis ng panahon at dahil nag enjoy na din ako sa aking buhay doon sa Dubai ay hindi ko namalayan na ngayong araw ay nagmarka ang ika limang taong pagtatago ko at pag detox sa aking sarili sa lahat ng social media platform. Kaya naman napagdesisyunan ko na finally na muli kong buksan ang aking cellphone sa unang pagkakataon. Madaming mapapait na ala-ala ang nangyari sa akin na ayaw ko ng balikan . Madami din akong naging pagsubok this past few days sa aking buhay dahil sa pagkakaruon ng sakit ni Allen at April dala na din ng kanilang kalikutan at pabago bagong panahon. Sila ang 5 taong gulang na mga anak ni namin ni Theo. Mabuti na lamang at laging nakaalalay sa amin si Trina. Hindi na din kasi ako kumuha ng taga alaga na full time sa kambal dahil kakaunti lang din naman ang pasok ko. Kumuha lang ako ng partimer para tumingin sa kanila habang nasa trabaho ako. Mabuti na lang at nakakita ako ng isang pinoy na malapit lang sa bahay namin na naging kaibigan ko na din kal
KAREN PROLONGUEPitong buwan na mabilis na nagdaan sa buhay ko. Magmula ng i declare ko sa aking company ang tungkol sa pagbubuntis ko ay binigyan na ako ng sickleave ng aking doctor. Binawasan na ng aking company ang aking pasok. Buwan-buwan ay kailangan ko lang magpa check up sa aking OB-GYNE at automatic na binibigyan nila ako ng sicknote. May mga pagkakataong pinapa-tigil na din ako sa pagtatrabaho ng aking management pero ayokong masyadong tumambay lang sa bahay since dito ko napagdesisyunang manganak. Dahil sa tulong ng kaibigan kong may asawang lokal ay madali na naming gawan ng paraan ang lahat. Alam naman niyang in terms of financial ay walang problema sa akin. Sa aking final ultrasound nakita na kambal ang aking pinagbubuntis , isang babae at isang lalaking sanggol.Magpasa hanggang ngayon ay kinakaya ko ang hindi gumamit ng social media. Ginawa kong abala ang aking sarili sa pag-aaral ng lengwahe dito sa Dubai upang mag-apply ako ng higher position. Hindi ko iiwan ang Pin
“Magtigil ka! Kaaga aga ang ingay ingay mo! Ano bang pinagpupuputok ng butsi mo?!” Malakas na sigaw ni Master. “Ilabas mo si Theo! Pag hindi ko nakita ang anak ko ngayon pagsisisihan mo ang lahat ng ito.” Sabi ni Tito Philip kay Master. Itinutok ni Tito ang baril kay Master na agad namang hinarangan ng kaniyang mga tauhan. Tinutukan din ng mga ito ng baril si Tito Philip. Nanginig ang aming mga katawan sa ngyayari. “Tito tara na please! Hahanapin na lang natin si Theo” pagmamakaawa namin kay Tito Philip. Nagdatingan na din sila Daddy at iba pang member ng family. Inaawat ng mga ito si Tito Philip sa kaniyang pagwawala. Sinenyasan ni Master ang kaniyang mga tauhan na ibaba ang kanilang mga baril at pinaalis niya ang mga ito. Nagulat kaming lahat sa inakto ni Master. “Halika Philip pumasok ka sa opisina ko!” Tumalikod na ito at sumunod naman si Tito Philip binaba na din niya ang kapit niyang baril ngunit dala niya iyon sa loob ng opisina ni Master. Aawatin pa sana namin ito pero pin
MICHAEL POV 1 MONTH AGO SA BAHAY NILA TITO PHILIP Matapos ang ilang beses na pag urong sulong na pagsasabi kay Tito Philip sa totoong ngyari. Ngayon ay nakahanap na rin ako ng tamang tiyempo para kausapin siya. Hinarap ko ng buong tapang si Tito Philip. Alam kong magagalit ito sa akin pero pilit kong nilakasan ang aking loob. Nabulag lang ako sa sinuhol sakin ni Master pero hindi ko naman hinangad na mapahamak si Theo. Pinagsisisihan ko ang pagpayag na ginawa ko kay Master. Habang naghihintay sa pagbaba nila Tito mula sa kanilang sala. Matiyaga kaming naghihintay nila Mae at John na ang sama ng tingin sakin dahil sa galit sila sa akin. Kahit ilang ulit akong humingi ng tawad sa kanila ay hindi nila ako pinapakinggan. "Sabi ng sorry okay?! lalo akong kinakabahan sa mga ganyang tingin niyo." sabi ko sa kanila dahil sa mapanakit nilang tingin ng tignan ko ang gawi ng mga pinsan kong ito. “Ikaw! Naku humanda ka talaga samin pag hindi nakita si Theo ng dahil sa pagiging materyalistic