Ika-tatlong Bahagi
"Itay, totoo po ba na mapanganib ako sa ibang tao?" tanong ni Marius sa kaniyang ama. "Kailangan ko po bang magsuot muli ng maskara? Habambuhay?"
Malungkot na tinitigan ni Haring Domingo ang munting prinsipe. Napabuntong hininga siya at niyakap ang kaniyang anak. "Hayaan ninyo akong magpaliwanag." Tumignin siya sa akin. "Sapagkat ang bagay na ito ay nauukol sa inyong dalawa."
"Ang mga purong maharlika na mula sa pamilyang Ravante ay may lahing diwata,” paliwanag niya, “kaya tayo ay ipinapanganak na mga enkantadong malakas ang kapangyarihan sa mahika. Ang elemento natin ay tubig na nagbibigay ng buhay, at ang ating kapangyarihan ay ang pagmamanipula ng mga tao.”
“Isa sa mga katangian ng mga pamilyang Ravante ay ang napaka gandang mukha na nakakapang-akit, lalo na sa mga nilalang na mas mahina sa atin. Isa pang kakayahan na bihirang lumabas sa ating dugo ay ang Dilang Pilak, na siyang namana nating dalawa. Sa pamamagitan nito ay maaari nating utusan ang sino man o anu man sa pamamagitan lamang ng salita, basta malaman natin ang tunay nitong pangalan."
"Ngunit, bakit po hindi ako tinatablan ng kapangyarihan niya?" tanong ko.
"Matalino ka para mapansin ang bagay na iyan, prinsipe Theodorin," sagot ng hari, "At ang sagot dito ay sasabihin ko mamaya..."
Nagpatuloy ang paliwanag ni Haring Domingo.
"Tulad ng aking sinabi, bihira ang mga Ravante na nagkakaroon ng kakayahan na Dilang Pilak. Sa isang pamilya, iisa lang ang nagmamana nito, at iyon ay laging nasa punong pamilya lamang. Paminsan ay ni hindi ito lumalabas sa isang henerasyon. Ito ang dahilan kung bakit tanging mga purong Ravante lang ang maaring magpakasal sa isa’t-isa," patuloy niya. "Ngayon, ang bawat Dilang Pilak na lumalabas, ay may isang 'kabigkis' na nakakasama sa habambuhay..."
"Isang 'kabigkis'?" tanong ko.
"Oo," sagot ni Haring Domingo. "Isang tao na tanging makakalabag sa kaniyang mga utos."
"Isang tao... na di tatablan ng kaniyang enkanto..." Napatingin ako kay Marius na nakatingin din sa akin. "Ako po ba ang tinutukoy ninyo?"
Ngumiti si Haring Domingo at hinawakan ang aking kamay. "Alam mo ba kung ano ang kapangyarihan ng iyong pamilya, prinsipe Theodorin?"
"Hawak namin ang kapangyarhan ng kidlat at ng hangin!" mabilis kong isinagot. "Kami ang pinaka makapangyarihan sa buong daigdig!" lumaki ang ngiti sa mukha ng hari.
"Maari nga," ika niya, "ngunit di lang hangin at kidlat ang sakop ng iyong kakayahan." Mula sa aking palad, nagsulat siya ng simbulo ng tubig. Agad umagos ang malamig na tubig mula sa aking kamay. "Kaya mo ring kontrolin ang ibang mga elemento." Ngayon naman ay simbulo ng puno ang sinulat niya sa aking palad na tinubuan ng baging, sa gulat ko ay hinatak ko palayo ang aking kamay."
"Paano mo iyon nagawa?" tanong ko sa kaniya.
"Ikaw ang may gawa noon, ginabayan ko lang ang iyong kapangyarihan," sagot niya. "Ikaw ay isang Gintong anak ng Heilig, isang Hari ng Elemento na kayang manipulahin ang lahat ng elemento sa mundo. At tulad ng Dilang Pilak, ay miminsan ka rin lang ipanganak sa inyong pamilya,” patuloy niya. “Pero hindi lang iyon ang kaya mong gawin.”
Tinawag ni Haring Domingo si Marius mula sa aking tabi at ipinag-hawak ang aming mga kamay. "Marius, anak, utusan mo ang bintana na bumukas."
"Ano po kamo, Ama?" tanong ni Marius. Tinignan namin ang bintana sa aking silid, ito'y gawa sa tanso at pilak at napalilibutan ng makakapal na adobe at bakal. Kasalukuyan itong naka piit.
"Alamin mo ang pangalan ng mga elementong nakalibot sa bintana at utusan mo silang bumukas" ulit ng kaniyang ama.
Tinignan muli ni Theo ang bintana. Tumagilid ang kaniyang mukha at napa-iling, na para bang may pinakikinggan, tapos at bigla siyang nagsalita, "Aez, Argenti, Petram, Ferrum, at Speculo... Bintana, bumukas ka."
Biglang yumanig ang aking silid. Ang adobeng nakapalibot na aking pader ay bumigay, at tila isang buong nilalang, ay bumukang parang bulaklak, kasama ang bintanang yari sa bakal at salamin! Nagkaroon ng malaking uwang sa gilid ng aking silid, kung saan makikita ang malalim na bagsak mula sa taas ng aking tore patungong lapag ng palasyo. Napa singhap kami pareho ni Marius.
"Paano ko nagawa iyon?!" tanong ng munting prinsipe.
"Theodorin," tawag sa akin ng hari ng Hermosa, "Ikaw ay isang Salamangkerong Lubos. Alam mo ba ang ibig sabihin noon?"
"Ano po iyon?" tanong ko pabalik.
"Ang Salamangkerong Lubos," ika niya, "ay di nangangailangan ng mahika mula sa paligid o kalikasan. Sila mismo ay puno ng purong mahika sa kanilang katawan."
"Hindi ko po naiintindihan..."
"Ang pangkaraniwang mga magus ay may mahika sa kanilang katauhan, ngunit ito ay maaring maubos at kinakailangang ipahinga para mapuno muli. Ito ang dahilan kung bakit kumukuha rin sila ng mahika sa kalikasan upang hindi agad maubos ang mahika sa kanilang katawan."
"Tama, kaya't kailangan nating subaybayan at limitahan ang pag-gamit ng mahika sa araw-araw na gawain," pagmamalaki kong sagot.
"Ngunit may isang nilalang, ayon sa mga alamat, na hindi nauubusan ng mahika, kahit gaanong karaming orasyon ang gawin nila."
"Kahit pa mag labas siya ng mahika buong araw?"
"Kahit hanggang gabi pa."
"Ngunit, saan po nanggagaling iyon?" napakunot ang aking noo.
"Walang nakaaalam," sagot niya, "Marahil ikaw lang ang maaring makasasagot nito."
Natigilan ako at napatingin kay Marius na nakatitig sa akin nang tagilid.
"Sa mundong ito, may tatlong napaka lakas na ankan," patuloy ng hari ng Hermosa. "Ang una ay ang kapangyarihan ng buhay na pinanghahawakan ng aming pamilyang Ravante na kayang pasunurin ang lahat ng bagay. Ang pangalawa ay ang kapangyarihan ng apoy na hawak ng pamilyang Ignasius sa bansa ng mga bulkan. Sila ang sumisimbulo sa pagkagunaw. Ang ika'tlo at huli naman ay ang kapangyarihan ng kalasag na hawak ng pamilyang Heilig. Kayo ang pumo-protekta sa buong Emperyo." Pinaghiwalay niya ang kamay namin ni Theo at tumingin sa amin.
“Sa mga nakaraang panahon, ang Dilang Pilak ay laging nabibigkis sa mga kapwa engkanto sa aming pamilya." Hinawakan niya kaming pareho sa ulo at hinatak upang yakapin. "Sa unang pagkakataon mula sa sinaunang kabanata ng ating mundo na pinangangalagaan ng mga pantas na mga Ravante, hindi pa nagkakaroon ng bigkis ng isang Gintong Anak ng Heilig at isang Dilang Pilak. Sa unang pagkakataon, ngayon lang maaring magkabigkis ang dalawang napaka makapangyarihan na nilalang."
"Ibig sabihin po ba nito," mahinang tanong ni Marius, "maari pa rin kaming maglaro ni Theo, kahit pa nagalit ang Emperador sa amin?"
Natawa kaming pareho ng hari ng Hermosa.
"Huwag kang mag-alala, anak," sagot ng kaniyang ama, "kapag nalaman ng Emperador ang lahat ng ito, marahil ay ipag-utos niyang hindi ka na pabalikin sa ating kaharian."
"Ho?" nabigla si Marius sa kaniyang sagot. "Ngunit, ayokong manatili rito, ama, gusto ko pong umuwi sa atin, gusto kong makasama ang aking ina at mga kapatid..."
"Ayaw mo akong makasama?" tanong ko, may hinanakit sa aking tinig.
"Gusto, Theodorin," nahihiya niyang sagot, "Ngunit ang aking ina..."
"Kung gayon ay ako ang pupunta sa inyo!" nagmamalaki kong sagot.
Natawang muli ang hari. Huwag kayong mag-alala," ika niya, "Gagawa tayo ng paraan upang pumayag ang iyong ama..."
“Wala akong paki kung ano pa man ang sabihin ng aking amang Emperador,” sabat ko sa hari, “basta’t ang alam ko, ay magkabigkis kami ni Marius, at walang sino-man ang makapaghihiwalay pa sa amin!”
“Kung ganon ay ako rin!” Sagot ni Marius na may ngiti sa kaniyang mapupulang labi. Niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan ang kaniyang noo, at pareho kaming napapikit nang muling nagliwanag ang buong silid.
Nang mawala ang ilaw ay nagkatinginan kami ni Marius, at sabay humarap sa kaniyang ama na nanglalaki ang mga mata. Napabuntong hininga siya at napailing.
“Masyado pang maaga, pero mukhang wala na tayong magagawa ngayon.” Ani niya. “Ngayon, kayo ay ganap nang magkabigkis.”
Ika-apat na Bahagi “Handa ka na ba, Marius?” kumatok ako sa pinto bago ko binuksan ito. Nakita ko si Marius, ang aking matalik na kaibigan, na nakatitig nanaman sa salamin. Tanging maiksing tuwalya lang ang kaniyang suot na nakatakip sa kaniyang p*********i, at nakita kong basa pa ang mahaba niyang buhok na kulay pilak. “Hay, hanggang ngayon ba naman ay pinagmamasdan mo pa rin ang iyong sarili?” tanong ko sa kaniya habang pumipili ng damit sa kaniyang aparador. “Magmadali ka na, Marius, parating na ang aking ama mula sa kabisera!” “Theo, sa tignin mo ba ay masyadong namumula ang aking mga mata?” tanong niya sa akin. Ako naman ay napailing. “Ayan ay dahil nagpumilit ka pang hintayin ang pag-ulan ng mga tala kagabi,” paalala ko sa kaniya. “Inabot tuloy tayo ng pagsikat ng araw.” Kinuha ko ang mas malaking tuwalya na nakabalumbon sa kaniyang kama at pinunasan ang kaniyang buhok. “Hindi kaya mapansin i
Ika-apat na Bahagi “Handa ka na ba, Marius?” kumatok ako sa pinto bago ko binuksan ito. Nakita ko si Marius, ang aking matalik na kaibigan, na nakatitig nanaman sa salamin. Tanging maiksing tuwalya lang ang kaniyang suot na nakatakip sa kaniyang p*********i, at nakita kong basa pa ang mahaba niyang buhok na kulay pilak. “Hay, hanggang ngayon ba naman ay pinagmamasdan mo pa rin ang iyong sarili?” tanong ko sa kaniya habang pumipili ng damit sa kaniyang aparador. “Magmadali ka na, Marius, parating na ang aking ama mula sa kabisera!” “Theo, sa tignin mo ba ay masyadong namumula ang aking mga mata?” tanong niya sa akin. Ako naman ay napailing. “Ayan ay dahil nagpumilit ka pang hintayin ang pag-ulan ng mga tala kagabi,” paalala ko sa kaniya. “Inabot tuloy tayo ng pagsikat ng araw.” Kinuha ko ang mas malaking tuwalya na nakabalumbon sa kaniyang kama at pinunasan ang kaniyang buhok. “Hindi kaya mapansin i
Ika-anim na Bahagi “Sigurado ka bang ayaw mong kumain kasama ang iyong mga bisita?” tanong ko kay Marius pagdating ng tanghali. Kasalukuyan kaming nasa pangalawang palapag ng kuwadro ng mga kabayo. Nakahiga kami sa sahig na puno ng dayami. “Sobra akong nanghina sa dami ng mga taong bumati sa akin na hindi ko naman kilala,” sabi ni Marius na minamasahi ang magkabila niyang panga. “Kinailangan ko pang ulitin at batiin ang kanilang mga pangalan!” “Nanghina ka ba talaga? Samantalang hindi ka naman tumayo man lang sa upuan mo?” sarkastiko kong sagot. “Nakakalula pa rin iyon, Theo!” nakasimangot nanaman siya sa akin. “Buti na lang at nakamaskara ako, kung hindi, ay malamang nangalay na ang mukha ko sa pilit na pagngiti!” “Hindi mo naman kailangan ngumiti, sa ganda ng iyong mukha ay sapat na iyon pambati sa lahat ng iyong mga bisita.” Natuwa ako nang makitang namula ang mukha ni Marius. Inabot ko ang ka
Ika-pitong Bahagi “Nananaginip ka ba ng gising?” naiinis kong sagot kay prinsipe Lucuis. “At paano mo naman balak makipag-bigkis sa amin ni Marius?” hindi ko napigil na matawa. “Ang proseso nang pagbibigkis ng isang enkantong Dilang Pilak ay nangyayari lamang, isang beses sa kaniyang tanang buhay, at isang tao lang ang kaniyang nakakaparehas. Paano mo nasabing nais mong makipag-bigkis sa amin?!” “Sa pamamagitan ng isang kapatiran,” sagot niya sa akin. “Sa isang samahan na hindi kayang pigtasin nino mang babae o lalaki.” “Isang samahan?” ulit ko. “Oo, isang kasunduan na maging kasangga ninyo at kapatid, habang dumadaloy ang dugo sa aking mga ugat.” Napatitig ako sa prinsipe ng Ignus, ang kaharian na matagal nang may hidwaan sa aming mga taga-Heilig. Nakatitig siya sa akin, diretso at maliwanag ang tingin ng kaniyang mga mata. “Isang kapatiran?” tanong kong muli sa kaniya.
Ika-walong Bahagi Nahulog ang maskara sa lapag sa pagsara ko ng pintuan sa aking silid. Agad akong hinarap ni Marius, tapos ay biglang sinampal! “Anong problema? Bakit mo ako pinagbuhatan ng kamay?” tanong ko sa kaniya. “Nakipagsayawan ka sa prinsipe ng Ignus!” singhal niya, “Bakit mo ginawa iyon? At sa tao pa na nais akong dakipin!” “Ako’y nakipag sayaw lamang!” tugon ko sa kaniya habang nakakunot ang nuo, “Bakit ka nagagalit? Isa pa, sa tingin ko ay walang kinalaman si prinsipe Lucuis sa tangkang pagdakip sa atin.” “At paano ka naman nakasisiguro?” galit pa ring tanong ni Marius. “Kinausap niya ako, kaya siya nakipag sayaw sa akin. Nais niyang makipag kaibigan sa atin!” paliwanag ko sa kaniya. “Isang kapatiran, isang pagbubuklod ng mga kaharian ang nais niya, bakit siya manggugulo sa iyong pagdiriwang kung nais niyang makipag sundo sa atin?” Natahimik si Marius, ngunit hindi nawa
Ika-siyam na Bahagi Nagmantsa ang pulang dugo sa aking puting sapin. Napansin ko lang iyon kinabukasan, nang magising ako sa tanghali. Tulog pa rin si Marius na nagpapahinga sa aking d****b. Pareho kaming walang saplot, at nababalot lang ng kumot at sa natuyo naming pawis. Hinawi ko ang pilak na buhok sa mukha ng aking sinisinta at hinalikan siya sa noo. Babalik pa sana ako sa pagtulog, nang may mahinang katok na tumunog sa aking pinto. Ako’y nainis, ngunit sa taas ng posisyon ng araw sa labas ng bintana, ay alam kong masyado nang napahaba ang aming tulog. Dahan-dahan kong inalis sa pagkakahiga sa aking d****b si Marius at marahang tumayo sa kama. Naglakad na ako papuntang pinto at binuksan ito. “Prinsipe Theodorin, magandang araw,” bati ng punong mayordomo namin na si Simon. Tumingin siya lampas sa akin, sa aking kama, at muling napatingin sa katawan ko na tela lang ang tabing. Na
Ika-sampung Bahagi Natagalan kami sa pagbaba sa comedor dahil kinailangan ko pang gamutin si Marius. Buti na nga lang at naibsan ang pananakit ng kaniyang likuran at nagawang maglakad nang may alalay mula sa akin. Palabas na ng silid ang ama kong Emperador nang kami ay dumating. “Bakit ngayon lang kayo dumating?!” pagalit niyang sinabi. “Paumanhin po, mahal na Emperador,” sagot ni Marius bago pa ako makapagsalita. “Masama po ang aking pakiramdam, at kinailangan pa akong alalayan ni prinsipe Theo upang makababa rito sa comedor.” Masama ang tingin ni ama sa maskarang suot ni Marius. “Umupo na kayo.” Muli siyang bumalik patungo sa mesa. “Importante ang ating pag-uusapan.” “Kumain muna kayo...” sabi ni Haring Domingo sa aming paglapit. “Hindi! Wala nang panahon,” sabat ng aking ama. “Kasalanan nila kung sila ay magutom man. Kailangan na naming umalis sa lalong madaling panahon!
- 11 - “Matapos ng naunang selebrasyon, ito nanaman?” naiinis na sabi ni Marius nang makarating kami sa palasyo ng Emperador. “Hayaan mo na ang kapritsohan ng aking ama, alam mo naman na mahilig siya sa mga kasiyahan.” sagot ko matapos magbuntong hininga. “Mamayang gabi pa naman ang salu-salo, sa ngayon ay makakapag pahinga pa tayo.” “Pahinga? Habang bihag ng mga taga-Ignus ang aking kapatid?” “Alam ko, Marius, makaya mo kayang alamin ang kanilang pinagtataguan?” tanong ko sa kaniya. “Kailangan ko munang magpahinga nang saglit...” sagot niya. “Bagamat binigyan mo ako ng mahika, lubhang nakapagpapagod sa akin ang ginawa nating pagtalon dito sa kapitolyo. Ikaw rin, Theo, ramdam ko na napagod ka rin, mas kailangan mong kumain at magpahinga kesa sa akin!” “Wala ito,” pilit ko. “Mas mahalaga ang malaman agad natin ang lagay ng mga hangganan ng aming bansang Apolinus, at kung pinasok nga ba
Hello Dear Readers! ʕ•́(ᴥ)•̀ʔっ Maraming-maraming salamat po sa pagsubaybay sa kuwentong ito! Actually, ito po ay isang side story para sa mas mahabang kuwento (in English) na 'Phasma' whose story actually takes place in the new world, 10,000 years in the future. Ang Phasma po ay isang young adult fantasy adventure novel na on-going dito sa GoodNovel(hindi po ito BL or boys love ʕˆ(ᴥ)ˆʔ ) general patronage po ito, with a bit of dark fantasy here and there. Sana po ay nagustuhan ninyo ang storya na ito, at maisipang basahin din ang Phasma na sigurado po ako, ay magugustuhan din ninyo! Pwede rin po kayong magpakape kung nais pa ninyo ako'ng pasalamatan at suportahan!Hanapin n'yo lang po ako sa ko-fi dot com! look for psynoidal ʕ-(ᴥ)-ʔ may mga specials po at extras doon na naghihintay para lamang sa inyo! Muli po, salamat at mag-ingat po ang lahat! - ako
- 50 -Magkayakap kaming nagpakahulog sa aming kama.Nakabalik na kami sa silid kung saan kami nagising, kung saan kami natulog sa loob ng limang taon!Tumatawang humalik sa aking bumbunan ang pinakamamahal ko’ng kabigkis habang kinukuskos ko sa mabango niya’ng dibdib ang aking ulo.”Napakasarap ng ating pinagsaluhan kanina!” sabi niya na bahagyang nangangamoy alak ang bibig. ”Parang `di pa rin ako makapaniwalang limang taon tayo natulog, pero ibaang sinasabi ng aking tiyan! Gusto ko pa rin kumain hanggang ngayon!””Isabukas na natin iyon, mahal,” sabi ko sa kanya habang pataas ang mga halik ko sa kanyang leeg. ”Ngayong gabi, ikaw lang ang nais ko’ng kainin!”Napahagikhik si Marius.”Hindi pa rin ako makapaniwalang limang taon tayong nawala!” patuloy niya habang hinuhubad ko ang suot niya’ng tunika. &r
- 49 -“At bakit naman ako magiging Emperador?”Iyan ang tanong ko sa dalawang hari sa aming harapan.Napatunganga sa akin si Nico at si Haring Domingo.”Hindi ba’t dapat lang na koronahan ka na namin bilang punong tagapamahala sa bagong mundo’ng ito?” sabi ni Haring Domningo.”Hindi naman ako papayag na mas mataas pa ang posisyon ko sa iyo!” sabi naman ni Nico na sumimangot sa akin. ”Hindi ako pinanganak na dugong bughaw, at sa totoo lang, hindi ko ginusto ang posisyon na `to, kung `di lang `to pinilit sa `kin ng mga tao!””Pero bagay na bagay ito sa `yo!” sabi ni Marius na nakangiti sa kaniya.“Ay, ikay, Dilang Pilak! Ngayon lang kita narinig magsalita, pero `wag mo ako’ng ma-utuasang manatili sa posisyo’ng ito, ha?” biro nito sa aking kabigkis.“Pero, hindi ba’t bagong
- 48 -Nilibot naming dalawa ni Marius ang mga tindahan. May mga nagkakalakal ng damit sa isang tindahan, at kapalit ng suot naming makapal na tunika, ay kumuha kami ni Marius ng tig-isang balabal. Namasyal kami sa paligid at naaliw sa mga tanawin nang mga tao na sama-sama – mapa Heilig, Ravante, o Ignasius man. Lahat sila masayang nagbabatian at nagtutulungan. Binigyan nila kami ng mga pagkain, laruan, at mga palamuti. Isang kumonidad na walang discriminasyon sa isa’t-isa.May grupo ng mga bata na lumapit kay Marius. Mga batang ginto ang buhok ngunit madilim ang kulay ng mga mata. Mga pulang buhok na kasing bughaw ng langit ang mata. Mukhang ito na nga ang pinangarap naming mundo kung saan ang lahat ay pantay-pantay at nagkakaisa.Nagdala ang mga bata ng mababangong bulaklak na ikinuwintas nila sa aking kapares. Tuwang-tuwa naman si Marius na nakipagsayawan at nakipaglaro sa kanila, hanggang sa buma
- 47 -Katabi ko na si Marius sa aking paggising.Nakahiga kami sa malapad at malambot na kama sa isang silid na bago sa akin. Natatakpan kami ng kumot, at kapwa nakasuot ng manipis na tunika na yari sa malambot na tela.Lumapit ako upang siya ay yakapin ng mahigpit. Maayos na ang aking pakiramdam, wala nang pagod. Hinalikan ko ang dulo ng ilong ni Marius at napangiti nang unti-unti siyang dumilat.“Kamusta, mahal?” tanong ko sa kaniya.“Inaantok pa,” sagot niya na nagsumiksik muli sa aking dibdib.“Ayaw ko pa ring bumangon...”Hinawakan ko ang kaniyang baba at itinaas ito upang halikan ang matatamis niyang labi. Nangiti si Marius na gumanti rin ng halik at binalot ang kaniyang mga braso sa aking batok.Lumalim ang aming mga halik. Pumaibabaw ako sa katawan niyang porselana, hinimas ang mala-sutla niyang balat mula leeg papunta sa kaniyang dibdib,
- 46 - “Saan kayo nanggaling!?” tanong ni Haring Domingo na may halong takot at galit. “Dalawang linggo kayo nawala!” “Ha?” gulat na bigkas ni Nico, “Pero wala pa kaming dalawang oras sa kabilang mundo!” “Kabilang mundo?” muling tanong ng hari. “Sinasabi ko na nga ba ipipilit ninyo itong gawin!” “Nagawa naming magbukas ng lagusan papunta sa ibang mundo, ama.” sagot ni Marius sa kaniya. “Maaari tayong manirahan doon hanggang sa mawala ang salot sa hangin dito sa ating mundo.” “Kung may maililikas pa tayo!” sagot ni Haring Domingo. “Bakit po, may nangyari nanaman ba?” tanong ni Nico. “Nang gabi na kayo ay nawala, dumating ang malalaking alon. Nagawa nitong lampasan ang matataas na bahura at bulubundukin na hinarang ni Theodorin.” salaysay ni Haring Domingo. “Bagamat hindi na kasing lakas dahil sa mga harang, marami pa rin ang natupok sa pagbahang dulot ng mga alon.” “Ang
- 45 - Bumagsak ako sa makapal na halaman na may mga itim na prutas.Tumingin ako sa paligid at nakita ang aking mga kasamahan na nagpapagpag ng sarili.“Isa itong puno ng igos.” sabi ni kuya Aurelio na agad pumitas at kumagat ng isa. “At lasa rin itong igos!”“Hinay-hinay lang, baka sa mundong ito, ay lason ang punong iyan!” paalala ko sa kaniya.Tumingin lang sa akin ang kapatid ko, tapos ay lumapit sa isa pang halaman. “Eto naman ay granada.” Pumitas siya ng isa, biniyak ito sa gitna, at kinain ang mga buto sa gitna nito. “Hayaan ninyong subukan ko kung lason nga ang mga halaman dito.”Muli ko sana siyang sasabihan, nang bigla siyang batukan ni Nico!“Baliw, pwede natin subukan `yan sa ibang paraan, kesa ipahamak mo pa ang sarili mo,” sabi nito. Tinitigan siya ni Aurelio, nanlalaki ang mga mata. Bilang isang prinsipe
- 44 - Sa halip na magpaliwang pa, ay dinala na lang ako nina Nico sa may dalampasigan. Libu-libong mga patay na isda at iba pang mga yamang dagat ang lumulutang dito. Puro sila walang buhay, ay halos matakpan na nila ang buong dalampasigan.“Nagkalat sila sa buong kahabaan ng kanlurang bahari ng isla.” sabi ni Marius sa tabi niya. “At napansin mo rin ba ang tubig?“Kulay itim ito...” sagot ko. Marahil ay dahil ito sa dami ng mga patay na isda sa paligid...“Isipin mo na lang ang magiging epekto nito sa mga tao?” sabi ni Nico. “Buti na nga lang at walang umiinom ng tubig alat, pero pano na `pag inabot ng salot pati ang tubig natin na galing sa ilalim ng lupa?!”“Theo,” kinapitan ni Marius ng mahigpit ang kamay ko. “Hindi natin alam ang maaari pang mangyari sa susunod na mga araw... at sa tingin ko ay hindi na natin ito dapat hintayin pa.&rd
- 43 - Ilang oras pa ay nasa may Timog na kami ng Ignus, muling nagsasakay ng mga mamamayan. Nasabihan na namin nang nakaraang araw ang mga taga Ignus na pumunta rito, at ngayon nga ay nasa dalawang-libong katao ang kasalukuyang sumasakay sa mga dala naming Lipad-Ulap upang lumikas sa Hermosa. “Salamat! Mga ginoo!” tawag nila sa amin. Kulay pula ang mga mukha nila mula sa alikabok at buhangin sa disyerto. “Salamat sa aming mga tagapagligtas!” “Ginagawa lang po namin ang gagawin ng sinuman, para sa mga kapwa nilang nangangailangan ng tulong.” tugon ko sa kanila. “Napakadakila talaga ng bago nating emperador!” at lahat sila ay pumuri sa akin. Napangiti na lang ako at kumaway, at bago pa sila magpuri pang muli ay pumanik na ako sa aming Lipad-Ulap kung saan pinapanood ni Marius ang mga tao. “Mahal na mahal nila tayo,” sabi niya sa akin. “Mamahalin nila ang sinumang tutulong sa kanila,” sagot ko