Ika-sampung Bahagi
Natagalan kami sa pagbaba sa comedor dahil kinailangan ko pang gamutin si Marius. Buti na nga lang at naibsan ang pananakit ng kaniyang likuran at nagawang maglakad nang may alalay mula sa akin.
Palabas na ng silid ang ama kong Emperador nang kami ay dumating.
“Bakit ngayon lang kayo dumating?!” pagalit niyang sinabi.
“Paumanhin po, mahal na Emperador,” sagot ni Marius bago pa ako makapagsalita. “Masama po ang aking pakiramdam, at kinailangan pa akong alalayan ni prinsipe Theo upang makababa rito sa comedor.”
Masama ang tingin ni ama sa maskarang suot ni Marius.
“Umupo na kayo.” Muli siyang bumalik patungo sa mesa. “Importante ang ating pag-uusapan.”
“Kumain muna kayo...” sabi ni Haring Domingo sa aming paglapit.
“Hindi! Wala nang panahon,” sabat ng aking ama. “Kasalanan nila kung sila ay magutom man. Kailangan na naming umalis sa lalong madaling panahon!”
“Saan po tayo pupunta?” tanong ko sa aking ama.
“Sa kabisera,” kaniyang sagot.
“Nakakuha kami ng sulat mula sa iyong pinaka matandang kapatid na si Heneral Manuel,” paliwanag ni Haring Domingo habang nakasimanogt sa akin ang aking ama. “May nakita raw na isang-libong hugbo ng mga sundalong Ignus na patawid ng inyong kaharian.”
“Tulad ng aking kutob, may binabalak na nga ang mga damuhong lahi ng apoy, at sinakto pa nila ito sa araw na wala ako sa kabisera!” galit na sabi ni ama. “Kailangan nating umalis kaagad at magmadali pabalik sa ating kastilyo!”
“Theo...” tawag ni Marius sa tabi ko. Ramdam kong humigpit ang kaniyang kapit sa akin.
“Kung gayon, ay kailangan na naming maghanda,” sagot ko sa ama kong Emperador.
“Nais kong maiwan ang aking anak dito sa aming kaharian,” bigla namang sabi ni Haring Domingo.
Napatingin kaming dalawa ni Marius sa hari ng Hermosa.
“Alam naman po ninyo na hindi kami maaring magkahiwalay,” sabi ko.
“Sabi nino?” tugon niya, “Kayo ay magkabigkis, hindi nakatali sa isa’t-isa.”
“Ngunit ama...” agad pinutol ni Haring Domingo ang kaniyang anak.
“Maaring masabak sa gera ang imperyo,” patuloy niya. “Kung sakali, ay kailangang maprotektahan ang tagapagmana ng mga Ravante. Nakita mo naman sa kaguluhan kagabi na isa ka sa kanilang pinupuntirya,”
“At nakita rin po ninyo kung paano ko siya naprotektahan,” agad kong binanggit.
“Gayon pa man ay kailagnan namin dito ang aking anak. Bilang susunod na hari ng Hermosa. Responsibilidad niyang pangalagaan ang aming arkipelago.”
“At may responsibilidad ka rin sa iyong Emperador.”
Natigilan si Haring Domingo at napatitig sa aking ama.
“Napag-usapan na natin ito, Emperador Leon,” sabi ni Haring Domingo.
“Ang sabi ko ay kung papayag ang ating mga anak,” napangiti siya, isang tusong ngiti. “Nakita mo naman na pareho silang tutol sa nais mo.”
“Ngunit, mahal na Emperador...”
“Ihanda na ang aking barko. Babalik na tayo sa kabisera!” tawag ni Emperador Leonsio sa kaniyang mga heneral. Hindi niya pinansin ang panawagan ng ama ni Marius. “Aalis na tayo sa lalong madaling panahon!”
Wala na ngang nagawa ang hari ng Hermosa kung hindi sumunod sa kaniyang Emperador. Nagmamadali kaming naghanda at nagbitbit ng mga mahalaga naming kagamitan para sa paglipad sa kabisera.
“Mag-iingat ka palagi, anak ko...” paalam ni Reyna Violeta sa kaniyang anak. “Lagi mong alalahanin na walang anu mang tao, hayop, bagay o nilalang ang makakapigil sa salita ng isang tunay na Dilang Pilak.”
“Opo, inay, kayo po ay mag-iingat din.” May luhang tumulo sa pisngi ng mahal na Reyna. “Huwag na po kayong umiyak, mahal kong ina...” pinunasan ito ni Marius. Bagamat ilang decada na ang edad ay napaka ganda pa rin ng kaniyang ina na mukhang kasing bata lang namin.
“Anak... Marius...” tawag naman ngayon ng kaniyang ama. “Ang panaginip ng dugo at abo...” nanlaki ang mga mata ni Marius nang marinig ito.
“A-ang pangitain...” kaniyang ibinulong.
“Mag-ingat ka, aking anak, maraming nagtatago sa dilim, at mahirap makita ang tunay na anyo ng mga taong ito.”
“Opo, aking ama. Tatandaan ko po ang lahat ng inyong mga pangaral sa amin.” lumingon si Marius sa akin at kinapitan ang aking kamay.
“Prinsipe Theo,” tawag sa akin ng hari. “Pangalagaan mong mabiti ang aming anak, gayon din ang iyong sarili.”
“Hindi niyo po kailangang ipaalala pa iyon sa akin,” tugon ko sa pagyakap sa pangalawa kong mga magulang. “Hinding hindi ko po papayagang malagay sa panganib ang aking pinakamamahal.”
Ramdam kong humigpit ang pagkakakapit ni Marius sa aking kamay.
“At ang iyong kapatid... si Marielle...” sabi ni Reyna Violeta.
“Hahanapin namin siya at ililigtas.” tugon ni Marius.
Niyakap kaming pareho ni Reyna Violeta at Haring Domingo. “Hindi ko masasabing sang-ayon ako sa inyong pag-alis,” ani ng hari, “pero malaki ang tiwala ko sa inyo, Theo. Hindi ako tumututol sa inyong relasyon. Nawa’y walang mamagitan sa inyong pag-iibigan.”
Magkaakay kaming lumabas ng kastilyo ng mga Ravante at nagtungo sa daungan papunta sa barko ng aking ama. Isa itong dambuhalang sasakyan na lumulutang sa ere sa pamamagitan ng mahika ng limangpung magus na nagpapaandar nito.
“Handa na ba ang lahat sa ating paglalayag?” tanong sa amin ng kapitan ng barko.
“Handa na po ang lahat.” sagot ko sa aming pagsampa.
“Pumasok na kayo sa inyong silid, tatawag ng malakas na mahika ang mga magus ng barko upang agad tayong makabalik sa kabisera,” sabi sa amin ng kapitan.
“Ang aking ama?” tanong ko sa kaniya.
“Nasa kaniyang silid,” sagot nito.
“Gaanong katagal ang gugugulin natin sa ating paglalayag?” muli kong tanong.
“Sa layong 12,000 kilometro, aabutin tayo nang tatlong araw pabalik,” sagot ng kapitan. “Ang ibang mga kawal naman na gamit ang mas maliliit na barko ay aabutin ng isang linggo, samantalang ang karaniwang paglalayag sa dagat ay inaabot ng halos dalawang buwan.”
Hinawakan ko ang kamay ng aking kabigkis. “Marius, utusan mo ang ating barko, pati na ang sasakyan ng mga kawal na mapunta sa kabisera, ngayon din.”
“Ngayon din?” tanong sa akin ni Marius. “Paano na kung may sagabal sa ating paglilitawan?”
“M-magwalang galang po lamang...” sabat ng kapitan, “Alam ko pong napakadakila ninyo, ngunit... ang paglipat ng buong hugpo sa napaka layong lugar nang basta-basta na lamang ay...”
“Siguraduhin mo muna na walang ibang bagay sa lugar na ating lalabasan.” Hindi namin pinansin ang kapitan na kinakabahan sa aming harapan.
Pumikit si Marius.
“Mahal na prinsipeng Theodorin, kunsakali pong kayo ay magkamali...” pilit ng kapitan.
“Nakakita na ako ng maayos na daongan, may ilang kilometro mula sa pampang ng kapitolyo.” sabi ni Marius.
“Magaling. Dalin mo tayo roon.”
Dumilat si Marius. Magkahawak ang aming mga kamay, isa-isa ninyang tinignan ang mga barko ng aking ama na nakadaong pa sa dagat. May limangpung mga barko rin ito. Muling pumikit ang aking bigkis, at naramdaman kong humigop ang kaniyang katawan ng maraming enerhiya ng mahika mula sa akin. Napailing ako nang bahagya.
“Dalhin ang barko ng Emperador pati na rin ang kaniyang hugpo sa karagatan ng Apolinus. Ngayon din.”
Ako’y napikit lang nang sandali, at sa aking pagdilat ay wala na ang pampang at ang isla ng Hermosa. Nasa gitna na kami ng karagatan, at sa malayo ay natatanaw ko ang kapitolyo ng Apolinus na siyang kabisera ng imperyong Heilig.
Nagkagulo sa pagkamangha ang lahat ng tao sa paligid. Ang iba ay tumalon sa barko at tila takot nang bumalik pa rito.
“Kayo ba ang may kagagawan nito?!” gulat na sabi ng ama kong Emperador. Tumatakbo siyang lumabas mula sa kaniyang silid, ang malaki niyang tiyan, tumatalbog sa kaniyang harapan at may mantsa pa nang tumapon na alak sa d****b.
“Opo, ama, isa po ito sa mga natutunan namin sa aming pag-aaral sa kaharian ng Hermosa,” sagot ko sa kaniya.
“Napaka galing!” tugon niya, “Napaka lakas talaga ng ginto at pilak na nagkaisa!” hinawakan niya ang aking kamay, gayon din ang kay Marius na pansin kong napasama ang tingin sa akin. “Madali na tayong umuwi sa kastilyo!” utos niya sa kapitan. “Nais kong ipagmalaki ang pagbabalik ng aking anak at tagapagmana sa buong imperyo!”
≧◉ᴥ◉≦ `wag kalimutang i-add, vote at mag-iwan ng REVIEW sa Main Page ng kuwento :D ✿❁❀✿❁❀✿❁❀✿❁❀✿❁❀✿❁❀ you can also support me further by buying me coffee: https://ko-fi.com/psynoidal
- 11 - “Matapos ng naunang selebrasyon, ito nanaman?” naiinis na sabi ni Marius nang makarating kami sa palasyo ng Emperador. “Hayaan mo na ang kapritsohan ng aking ama, alam mo naman na mahilig siya sa mga kasiyahan.” sagot ko matapos magbuntong hininga. “Mamayang gabi pa naman ang salu-salo, sa ngayon ay makakapag pahinga pa tayo.” “Pahinga? Habang bihag ng mga taga-Ignus ang aking kapatid?” “Alam ko, Marius, makaya mo kayang alamin ang kanilang pinagtataguan?” tanong ko sa kaniya. “Kailangan ko munang magpahinga nang saglit...” sagot niya. “Bagamat binigyan mo ako ng mahika, lubhang nakapagpapagod sa akin ang ginawa nating pagtalon dito sa kapitolyo. Ikaw rin, Theo, ramdam ko na napagod ka rin, mas kailangan mong kumain at magpahinga kesa sa akin!” “Wala ito,” pilit ko. “Mas mahalaga ang malaman agad natin ang lagay ng mga hangganan ng aming bansang Apolinus, at kung pinasok nga ba
- 12 - Naglabas ako ng plasma, isang mala-likidong bagay ito na nagliliyab na tila naipong kidlat. Pinalutang ko ito sa ere upang ilawan ang aming harapan. Nasa loob na kami ng lagusan, at sumara ng kusa ang pintuan nito sa pag pasok namin. Agad ko’ng napansin ang mga bakas ng sapatos sa maalikabok na daanan. Sinundan namin iyon, ngunit alam ko na ang kung sinuman na nagbalak ng masama sa amin ay matagal nang nakatakas. Umikot ito pababa at sa may dulo ay may liku-liko. Sa wakas, umabot kami sa isang pader at nakakita ng isang maliit na pintuan. Nakarinig kami ng tunog ng mga kaldero at pinggan. Pagbukas ko nito, nakita ko ang mga kusinero ng palasyo na gulat na napatingin sa amin. “P-Prinsipe Theodorin?!” sambit ng isang matabang lalaki na may dalang kutsilyo. “May nakita ba kayong taong lumabas mula rito?” tanong ko sa mga nakapaligid sa amin na isa-isang yumuko upang magbigay galang.
- 13 - Nagkakagulo sa palasyo nang kami ay nagbalik. Bitbit ko pa ang natutulog na si Marius sa aking mga bisig na nakatalukbong sa aking balabal. “Prinsipe Theodorin!” tawag ng isang sundalo na nakakita sa amin. “Saan po kayo nanggaling? Kanina pa po kayo pinahahanap ng inyong amang Emperador!” “Namasyal lang kami ni prinsepe Marius.” sagot ko sa kaniya. “Nasaan ang aking ama ngayon?” “Nasa silid aklatan po, kausap ang kaniyang mga heneral at mga tagapag-payo,” muling sagot ng sundalo. Tuluyan akong naglakad papunta sa silid aklatan. Dito madalas magpatawag ng pagpupulong ang aking ama, lalo na tungkol sa mga mahahalagang bagay ukol sa imperyo. Napayuko ang mga sundalong nadaanan namin, mga mukhang alalang-alala at gulat sa aming biglang paglitaw. “Narito na ang prinsipe Theodorin!” pahayag ng bantay sa may pinto ng silid aklatan bago niya kami papasukin. Nakatayo ang mga tao
Ika-labing-apat na Bahagi Hindi pa rin nagigising si Marius. Kinuha ko ang bote ng gamot na hinalo ni maestro Flores at binuksan ito. Agad napuno ang silid ng napaka baho nitong amoy! Pinikit ko ang aking mata, isinubo ang bote, at ininom ito. Ang pait! Ang anghang at parang sinisilaban ang aking bibig! Hindi ko iyon nilunok. Nilapitan ko si Marius sa kama, ibinuka ang kaniyang bibig at hinalikan siya, upang kaniyang mainom ang gamot. Sinara ko ang bibig ni Marius at pinagmasdan ang kakaibang liwanag na dumaan sa kaniyang lalamunan. Nanatili ang liwanag sa kaniyang leeg, bago ito kumalat sa kaniyang katawan at tuluyang naglaho. Biglang dumilat ang mga mata ni Marius! Bumuka ang kaniyang bibig, na para bang may nakain siyang masama na pilit niyang isinusuka. “Huwag!” tawag ko sa tabi niya, “Pinainom kita ng gamot, kailangan mo iyan para agad kang gumaling!” Napatingin siya sa akin,
- 15 - Inaantok pa si Marius nang pumasok kami sa silid ng aking ama. Pinatawag niya kami upang kausapin. “Ano po ang inyong nais sabihin aking ama?” tanong ko sa kaniya. “Bago ang lahat, kamusta na ang prinsipe Marius ng Hermosa?” nakatitig siya sa nakamaskarang mukha ng aking kabigkis. “Maayos na ba ang iyong kalagayan?” Tumango naman si Marius. Bumalik siya sa maayos nang siya’y gumising, bagamat gutom at nagtataka kung bakit nanlalambot ang katawan niyang nananakit pa rin hanggang ngayon. “Maayos na po ang kalagayan niya, ama, ngunit hindi pa rin bumabalik ang kaniyang tinig,” sabi ko sa Emperador. “Mabuti, mabuti...” lumapit ang aking ama kay Marius at kinuha ang kamay nito. “Labis akong nabahala sa mga nangyari, lalo na at napahamak kang muli... dito pa mismo sa aking palasyo.” Hinimas nito ang kamay ni Marius at napansin ko ang pagkabalisa niya dahil dito. “May sasabihin
- 16 - Nagliwanag ang gabi sa mga paputok na pinasindihan ng Emperador. Galing ito sa kaharian ng Ignus, ilan sa mga kalakal nilang hinahangaan ng buong imperyo. Pinailawan naman niya sa mga magus ng Heilig ang buong palasyo gamit ang mga plasma. Pinalutang nila ito sa mataas na simboryo ng silid kung saan kami nagdiriwang. Magkakasunod kaming pumasok habang patuloy na gumuguhit ang makukulay na bulaklak sa langit. Nakabukas ang parteng iyon, kung saan naroon sa nakaangat na dais ang mahabang lamesa na aming kinauupuan. Pumwesto na nga ang Emperador sa gitna nito, sa isang malaking upuan na yari sa inukit na ginto. Sa harap niya ako umupo, katabi ko sa kanan si Marius at ang bunso naming prinsesa, si princesa Camilla. Tahimik siya, hindi nagsasalita at nakatungo lang buong okasyon. Sa aking kaliwa naman ay ang aking mga nakatatandang mga kapatid. Ang panganay naming si Heneral Manuel na siyang namumuno sa
- 17 - Nagpatuloy ang mga kaganapan. Ilang aktor at mang-aawit pa ang nagtanghal sa aming harapan. Mayroon ding mga dalubhasang mga magus na pinakitaan kami ng kakaiba nilang kapangyarihan. Nang sa wakas, ay natapos din ang palabas at tinawag na kami ng Emperador. “Prinsipe Marius... aking anak, humarap na kayo sa ating mga mamamayan...” tawag niya sa amin. “Ang Gintong Anak ng Heilig, at ang Dilang Pilak mula sa linya ng mga enkantadong Ravante!” pagmamalaki niya. “Sa isang iglap lang ay dinala nila ang aking hugbo mula sa kabilang dako ng mundo pabalik dito sa kapitolyo!” Naghiyawan at nagpalak-pakan ang mga panauhin namin. Mukhang lalo namang ginanahan ang aking ama. “Ngayon ay may inihanda rin silang palabas para sa ating lahat!” sabi niya bago humarap sa amin. “Ipakita ninyo sa ating mga mamamayan ang kapangyarihan ng Ginto at Pilak!” Tumayo na nga kami ni Marius sa aming pagkaka-upo. Hin
- 18 - Niyakap ko si Marius pagkasara ko ng aking pinto. Ihinatid kami ni heneral Gregorio na matapat na nagbabantay sa amin, kasama ang kaniyang mga sundalo, upang siguraduhin na walang sinu-mang haharang sa amin sa pagpanik sa silid. Sa tingin ko naman ay wala nang mangangahas pang lumapit sa amin, matapos nila mapanood ang aming munting palabas. Marahan akong tinapik ni Marius sa likod. Huminga ako ng malalim. Kahit ako ay nabigla sa aking ginawa. “May buhay ang nilalang na iyon...” aking ibinulong, “at dama ko ang sakit at takot na kaniyang naramdaman nang bawiin ko ang buhay na iyon.” Napahigpit ang kapit sa akin ni Marius. Hinawakan niya ang aking mukha, hinarap ako, at umiling. Nangungusap ang kaniyang mga mata na malungkot ang tingin sa akin. “Alam kong palabas lang iyon... na iyon ay nilikha ko lang mula sa aking imahinasyon... ngunit...” Huminga ng malalim si Marius.
Hello Dear Readers! ʕ•́(ᴥ)•̀ʔっ Maraming-maraming salamat po sa pagsubaybay sa kuwentong ito! Actually, ito po ay isang side story para sa mas mahabang kuwento (in English) na 'Phasma' whose story actually takes place in the new world, 10,000 years in the future. Ang Phasma po ay isang young adult fantasy adventure novel na on-going dito sa GoodNovel(hindi po ito BL or boys love ʕˆ(ᴥ)ˆʔ ) general patronage po ito, with a bit of dark fantasy here and there. Sana po ay nagustuhan ninyo ang storya na ito, at maisipang basahin din ang Phasma na sigurado po ako, ay magugustuhan din ninyo! Pwede rin po kayong magpakape kung nais pa ninyo ako'ng pasalamatan at suportahan!Hanapin n'yo lang po ako sa ko-fi dot com! look for psynoidal ʕ-(ᴥ)-ʔ may mga specials po at extras doon na naghihintay para lamang sa inyo! Muli po, salamat at mag-ingat po ang lahat! - ako
- 50 -Magkayakap kaming nagpakahulog sa aming kama.Nakabalik na kami sa silid kung saan kami nagising, kung saan kami natulog sa loob ng limang taon!Tumatawang humalik sa aking bumbunan ang pinakamamahal ko’ng kabigkis habang kinukuskos ko sa mabango niya’ng dibdib ang aking ulo.”Napakasarap ng ating pinagsaluhan kanina!” sabi niya na bahagyang nangangamoy alak ang bibig. ”Parang `di pa rin ako makapaniwalang limang taon tayo natulog, pero ibaang sinasabi ng aking tiyan! Gusto ko pa rin kumain hanggang ngayon!””Isabukas na natin iyon, mahal,” sabi ko sa kanya habang pataas ang mga halik ko sa kanyang leeg. ”Ngayong gabi, ikaw lang ang nais ko’ng kainin!”Napahagikhik si Marius.”Hindi pa rin ako makapaniwalang limang taon tayong nawala!” patuloy niya habang hinuhubad ko ang suot niya’ng tunika. &r
- 49 -“At bakit naman ako magiging Emperador?”Iyan ang tanong ko sa dalawang hari sa aming harapan.Napatunganga sa akin si Nico at si Haring Domingo.”Hindi ba’t dapat lang na koronahan ka na namin bilang punong tagapamahala sa bagong mundo’ng ito?” sabi ni Haring Domningo.”Hindi naman ako papayag na mas mataas pa ang posisyon ko sa iyo!” sabi naman ni Nico na sumimangot sa akin. ”Hindi ako pinanganak na dugong bughaw, at sa totoo lang, hindi ko ginusto ang posisyon na `to, kung `di lang `to pinilit sa `kin ng mga tao!””Pero bagay na bagay ito sa `yo!” sabi ni Marius na nakangiti sa kaniya.“Ay, ikay, Dilang Pilak! Ngayon lang kita narinig magsalita, pero `wag mo ako’ng ma-utuasang manatili sa posisyo’ng ito, ha?” biro nito sa aking kabigkis.“Pero, hindi ba’t bagong
- 48 -Nilibot naming dalawa ni Marius ang mga tindahan. May mga nagkakalakal ng damit sa isang tindahan, at kapalit ng suot naming makapal na tunika, ay kumuha kami ni Marius ng tig-isang balabal. Namasyal kami sa paligid at naaliw sa mga tanawin nang mga tao na sama-sama – mapa Heilig, Ravante, o Ignasius man. Lahat sila masayang nagbabatian at nagtutulungan. Binigyan nila kami ng mga pagkain, laruan, at mga palamuti. Isang kumonidad na walang discriminasyon sa isa’t-isa.May grupo ng mga bata na lumapit kay Marius. Mga batang ginto ang buhok ngunit madilim ang kulay ng mga mata. Mga pulang buhok na kasing bughaw ng langit ang mata. Mukhang ito na nga ang pinangarap naming mundo kung saan ang lahat ay pantay-pantay at nagkakaisa.Nagdala ang mga bata ng mababangong bulaklak na ikinuwintas nila sa aking kapares. Tuwang-tuwa naman si Marius na nakipagsayawan at nakipaglaro sa kanila, hanggang sa buma
- 47 -Katabi ko na si Marius sa aking paggising.Nakahiga kami sa malapad at malambot na kama sa isang silid na bago sa akin. Natatakpan kami ng kumot, at kapwa nakasuot ng manipis na tunika na yari sa malambot na tela.Lumapit ako upang siya ay yakapin ng mahigpit. Maayos na ang aking pakiramdam, wala nang pagod. Hinalikan ko ang dulo ng ilong ni Marius at napangiti nang unti-unti siyang dumilat.“Kamusta, mahal?” tanong ko sa kaniya.“Inaantok pa,” sagot niya na nagsumiksik muli sa aking dibdib.“Ayaw ko pa ring bumangon...”Hinawakan ko ang kaniyang baba at itinaas ito upang halikan ang matatamis niyang labi. Nangiti si Marius na gumanti rin ng halik at binalot ang kaniyang mga braso sa aking batok.Lumalim ang aming mga halik. Pumaibabaw ako sa katawan niyang porselana, hinimas ang mala-sutla niyang balat mula leeg papunta sa kaniyang dibdib,
- 46 - “Saan kayo nanggaling!?” tanong ni Haring Domingo na may halong takot at galit. “Dalawang linggo kayo nawala!” “Ha?” gulat na bigkas ni Nico, “Pero wala pa kaming dalawang oras sa kabilang mundo!” “Kabilang mundo?” muling tanong ng hari. “Sinasabi ko na nga ba ipipilit ninyo itong gawin!” “Nagawa naming magbukas ng lagusan papunta sa ibang mundo, ama.” sagot ni Marius sa kaniya. “Maaari tayong manirahan doon hanggang sa mawala ang salot sa hangin dito sa ating mundo.” “Kung may maililikas pa tayo!” sagot ni Haring Domingo. “Bakit po, may nangyari nanaman ba?” tanong ni Nico. “Nang gabi na kayo ay nawala, dumating ang malalaking alon. Nagawa nitong lampasan ang matataas na bahura at bulubundukin na hinarang ni Theodorin.” salaysay ni Haring Domingo. “Bagamat hindi na kasing lakas dahil sa mga harang, marami pa rin ang natupok sa pagbahang dulot ng mga alon.” “Ang
- 45 - Bumagsak ako sa makapal na halaman na may mga itim na prutas.Tumingin ako sa paligid at nakita ang aking mga kasamahan na nagpapagpag ng sarili.“Isa itong puno ng igos.” sabi ni kuya Aurelio na agad pumitas at kumagat ng isa. “At lasa rin itong igos!”“Hinay-hinay lang, baka sa mundong ito, ay lason ang punong iyan!” paalala ko sa kaniya.Tumingin lang sa akin ang kapatid ko, tapos ay lumapit sa isa pang halaman. “Eto naman ay granada.” Pumitas siya ng isa, biniyak ito sa gitna, at kinain ang mga buto sa gitna nito. “Hayaan ninyong subukan ko kung lason nga ang mga halaman dito.”Muli ko sana siyang sasabihan, nang bigla siyang batukan ni Nico!“Baliw, pwede natin subukan `yan sa ibang paraan, kesa ipahamak mo pa ang sarili mo,” sabi nito. Tinitigan siya ni Aurelio, nanlalaki ang mga mata. Bilang isang prinsipe
- 44 - Sa halip na magpaliwang pa, ay dinala na lang ako nina Nico sa may dalampasigan. Libu-libong mga patay na isda at iba pang mga yamang dagat ang lumulutang dito. Puro sila walang buhay, ay halos matakpan na nila ang buong dalampasigan.“Nagkalat sila sa buong kahabaan ng kanlurang bahari ng isla.” sabi ni Marius sa tabi niya. “At napansin mo rin ba ang tubig?“Kulay itim ito...” sagot ko. Marahil ay dahil ito sa dami ng mga patay na isda sa paligid...“Isipin mo na lang ang magiging epekto nito sa mga tao?” sabi ni Nico. “Buti na nga lang at walang umiinom ng tubig alat, pero pano na `pag inabot ng salot pati ang tubig natin na galing sa ilalim ng lupa?!”“Theo,” kinapitan ni Marius ng mahigpit ang kamay ko. “Hindi natin alam ang maaari pang mangyari sa susunod na mga araw... at sa tingin ko ay hindi na natin ito dapat hintayin pa.&rd
- 43 - Ilang oras pa ay nasa may Timog na kami ng Ignus, muling nagsasakay ng mga mamamayan. Nasabihan na namin nang nakaraang araw ang mga taga Ignus na pumunta rito, at ngayon nga ay nasa dalawang-libong katao ang kasalukuyang sumasakay sa mga dala naming Lipad-Ulap upang lumikas sa Hermosa. “Salamat! Mga ginoo!” tawag nila sa amin. Kulay pula ang mga mukha nila mula sa alikabok at buhangin sa disyerto. “Salamat sa aming mga tagapagligtas!” “Ginagawa lang po namin ang gagawin ng sinuman, para sa mga kapwa nilang nangangailangan ng tulong.” tugon ko sa kanila. “Napakadakila talaga ng bago nating emperador!” at lahat sila ay pumuri sa akin. Napangiti na lang ako at kumaway, at bago pa sila magpuri pang muli ay pumanik na ako sa aming Lipad-Ulap kung saan pinapanood ni Marius ang mga tao. “Mahal na mahal nila tayo,” sabi niya sa akin. “Mamahalin nila ang sinumang tutulong sa kanila,” sagot ko