Home / LGBTQ + / Ginto't Pilak / Ika-siyam na Bahagi

Share

Ika-siyam na Bahagi

Author: psynoid_al
last update Last Updated: 2021-10-30 12:35:43

Ika-siyam na Bahagi

Nagmantsa ang pulang dugo sa aking puting sapin.

Napansin ko lang iyon kinabukasan, nang magising ako sa tanghali.

Tulog pa rin si Marius na nagpapahinga sa aking d****b. Pareho kaming walang saplot, at nababalot lang ng kumot at sa natuyo naming pawis.

Hinawi ko ang pilak na buhok sa mukha ng aking sinisinta at hinalikan siya sa noo. Babalik pa sana ako sa pagtulog, nang may mahinang katok na tumunog sa aking pinto.

Ako’y nainis, ngunit sa taas ng posisyon ng araw sa labas ng bintana, ay alam kong masyado nang napahaba ang aming tulog.

Dahan-dahan kong inalis sa pagkakahiga sa aking d****b si Marius at marahang tumayo sa kama. Naglakad na ako papuntang pinto at binuksan ito.

“Prinsipe Theodorin, magandang araw,” bati ng punong mayordomo namin na si Simon. Tumingin siya lampas sa akin, sa aking kama, at muling napatingin sa katawan ko na tela lang ang tabing. Napa hinga siya ng malalim.

“Magandang umaga, Simon,” sagot ko sa kaniya.

“Prinsipe Theodorin, hinahanap na po kayo ng inyong mga ama,” sagot ni Simon. “Sasabihin ko po ba na hindi pa rin kayo gising?”

“Kung maari sana, paki sabi sa kanila na masama ang aming pakiramdam,” tugon ko sa kaniya. “Wala akong balak lumabas sa aking silid. Padalhan na lang kami ng makakain, at gamot para sa sugat ni Marius.”

Muli akong tinitigan ni Simon na napailing.

“Masusunod, prinsipe Theodorin.”

Muli kong sinara ang pinto at bumalik sa kama. Gumalaw si Marius at napaungol.

“Gising ka na ba, mahal ko?” bulong ko sa kaniya.

“Ang sakit ng aking katawan...” agad niyang reklamo. “Masyado mo akong pinagod kagabi!”

Naramdaman kong mamula ang aking mukhang nag-init. “Patawad, mahal, masyado kasi akong nasabik sa iyo, hindi ko na napigilan ang aking sarili.”

Humarap sa akin si Marius at inabot ang aking mukha.

“Gayon din naman ako,” ika niya. “Ngunit hindi ko inakalang ganoon pala kasakit na maging kaparehas mo!”

Hinalikan ko ang kaniyang kamay. “Talaga bang sakit lang ang dulot nito?” tanong ko.

“Masakit nga talaga ang pag-ibig...” namumula niyang sinagot. “Dahil ngayon pa lang ay gusto ko nang muli mo akong angkinin.”

Hinalikan ko ang kaniyang labi at pumailalim muli sa aming kumot. Hinimas ko ang kaliwa niyang binti na siya namang inikot niya sa aking katawan.

“Hayaan mong tuparin ko ang iyong kahilingan,” pabiro kong sinabi.

Handa na akong angkinin siyang muli, nang muling may kumatok sa aking pinto.

Malakas ito.

“Theodorin!” tawag ng boses ng aking ama. “Buksan ninyo ang pinto.” Agad akong napatayo, habang si Marius naman ay napakapit sa aking braso.

“Sandali lang po, aking ama...” nagmamadali akong nagsuot ng bagong salawal mula sa aparador at ng tunikang puti.

Binuksan ko ang pinto. Agad pumasok ang ama kong Emperador at napatingin sa kama kung saan nakahiga pa rin si Marius.

“Anong kahangalan ito?!” sigaw niya sa amin. “Nagkakagulo na ang imperyo, samantalang kayong dalawa ay naglalampungan dito sa silid?!”

“Bakit, ama, ano po ba ang nangyari?” nagtataka kong tanong.

“Tumakas kagabi ang prinsipe ng Ignus, kasama ang kaniyang mga kawal at mga heneral!” sabi ng aking ama na nasa kama pa rin ang mga mata. “Pinatay nila ang mga bantay ni Haring Domingo, kasama si heneral Romulo, at ginawang bihag si Prinsesa Marielle, ang napili mong kapares!”

“Totoo ba ang lahat ng ito?!” sagot ko, hindi makapaniwala.

“Hindi ka naniniwala sa iyong ama at Emperador?” pagalit na sambit ng aking ama.

“Ngunit, nakakapagtaka na nagawa nilang tumakas sa gitna ng pagbabantay ng inyong mga kawal, pati na rin ng mga sundalo naming mga Ravante!” sabi ni Marius na napaupo na sa kama.

“Nakakapagtaka talaga,” sagot ng Emperador na nakatitig sa kaniya. Tila ninanamnam nito ang katawan ni Marius na parang estatwang marmol na inukit ng isang dalubhasang maestro.

Tumayo ako sa pagitan nilang dalawa upang matakpan si Marius. “Ipag-paumanhin po ninyo, mahal ko’ng ama, maari ninyo po ba kaming iwan panandalian upang kami ay makapag bihis?” hiling ko sa kaniya.

Noon lang napatid ang pagkakatitig niya kay Marius. Tumingin sa akin ang aking ama, galit. “Magmadali kayo. Bibigyan ko kayo ng limang minuto para bumaba sa comedor,” at lumabas na nga siya ng silid.

“Nakita mo ba iyon, Theo?” tanong sa akin ni Marius. “Nakita mo ba kung paano ako titigan ng iyong ama?” napasinghal siya. “Kulang na lang ay hatakin niya ang kumot at ako ay pagsamantalahan!”

“Shh, masamang magsalita laban sa Emperador,” sagot ko sa kaniya, gayong nakita ko rin kung paano titigan ni ama si Marius. “Nabigla lang siguro siya nang makita tayo sa ganitong sitwasyon.”

“Hindi naman ito bago sa kaniya,” sabi ni Marius na pilit tumayo sa kama. “Siya mismo ay may mga alagang lalaki, at balita ko ay mas bata pa ang iba kaysa sa atin!”

Hindi ako sumagot. Mula nga nang mamatay si ina, ay naging madalas na ang pagbisita ni ama sa isang tago at eksklusibong bahay aliwan. Isa itong sikreto, ngunit narinig namin itong pinag-uusapan ng ama ni Marius at ng kaniyang ina, nang minsang maabutan namin silang nagtatalo.

’Hindi na siya nahiya, siya pa naman ang Emperador, at wala pang isang taon namamatay ang kaniyang asawa!’ sabi noon ng ina ni Marius na si Reyna Violeta na matalik na kaibigan ng aking ina.

’Masyado lang siyang nalungkot sa pagkawala ng emperatris...’ pagtatanggol ni Haring Domingo sa kaniyang kaibigan.

Hindi ko nga maiwasang isipin na ang dahilan ng kaniyang hindi pagdalo sa aking ika-labing walong kaarawan, ay dahil sa masyado siyang abala sa naturang lugar na iyon.

“Kinikilabutan ako sa mga tingin niya...” patuloy ni Marius na hinihimas ang kaniyang mga braso. “Sana ay bumalik na siya sa kabisera at patahimikin na tayo!”

“Marius, huwag kang magsalita nang ganiyan.” Nilapitan ko siya sa kama at umupo sa kaniyang tabi. “Isa pa, kung totoo na tumakas ang mga taga Ignus, ay siguradong malaking kaguluhan ang idudulot nito.”

“Isang kaguluhan na walang kinalaman sa atin.” Kumapit siya sa aking kamay. “Theo, gusto kong maglakbay... magpakalayo na lang tayo... hayaan nating ang mga magulang natin ang umayos sa imperyo,” ani niya. “Marami pa tayong mga kapatid, mas nakatatanda sila at mas may alam sa pagpapalakad ng imperyo, `di tulad natin na natatago sa islang ito at walang alam sa tunay na mundo!”

Napabuntong hininga ako. May katotohanan ang kaniyang sinabi. Mula pa nga ng kami ay bata pa, itinago na kami ng aming mga magulang. Oo nga at pinaturuan nila kami sa pinaka magagaling na mga pantas tungkol sa siyensiya, matimatika, sa pamamalakad ng gobyerno, sa kasaysayan at mga sining. Naging bihasa na rin kami sa pisikal na paglaban, gayon din sa mahika at iba pang paraan nang pakikipag tunggali, at sa pagtanggol sa aming sarili, ngunit, tulad nang sinabi ng marami, walang papantay sa tunay na karanasan. Sa nangyari kagabi, napatunayan ko iyon, lalo na nang makita kong napahamak si Marius. Na wala siyang magawa matapos atakihin ng babaeng taga-Ignus.

“Pero...” tugon ko, “Saan naman tayo pupunta? Ano na lang ang iisipin ng ating mga magulang kung basta na lang tayo mawawala?”

“Magpakalayo tayo, Theo,” sabi niyang muli habang nakatitig sa akin. “Magagawa kong iutos na walang sinu-man ang makakakilala sa atin.”

“At hahayaan na lang nating magkadigmaan sa ating imperyo?” tanong ko.

Natigilan si Marius. “Ang importante naman ay magkasama tayo, hindi ba?” pilit niya. “Ano ba ang pakielam natin sa mundong hindi pa man lang natin nakikita?!”

Nagbuntong hininga ako at niyakap ang aking kabigkis. Nagpumiglas siya, ngunit lalo ko lang hinigpitan ang aking kapit.

“Isa ka nang ganap na lalaki, Marius.” bulong ko sa kaniya. “Nang una tayong nagkakilala, napaka tahimik mo at takot sa mundo. Ako naman ay masyadong mapagmataas. Ngayon, salamat sa mga pangaral ng iyong ama, ay natuto akong magpakumbaba. At dahil marahil sa lagi kitang pinagbibigyan, ay naging makasarili ka naman.”

“H-hindi ako makasarili!” pilit niya na sumimangot sa akin.”

“Ngunit handa kang iwan ang imperyo para maging masaya sa piling ko.”

Muling natahimik si Marius.

“Sa aking pagtanda, dama ko ang bigat ng responsibilidad sa aking balikat. Isa itong pamatok na hindi ko nais ipasa kanino man. Kahit pa sa iyo, Marius.”

“A-anong ibig mong sabihin?” sigaw niya. Tinulak niya ako, tinitigan nang may galit sa mga mata.

“Hindi ko magagawang iwan ang aking responsibilidad, Marius,” ulit ko sa kaniya. “Pangarap ko ang mamuno nang ikaw ang nasa aking tabi... ngunit kung hindi mo ito marapatin...”

“Hangal! Sa tingin mo ba ay kaya kong mabuhay nang wala ka!?” sigaw niya sa akin. Pilit siyang tumayo sa aking harapan, ngunit nanginig ang kaniyang mga tuhod at nahulog sa aking d****b kung saan muli ko siyang niyakap.

“Alam ko, mahal, alam ko. At ngayon pa lang ay humihingi na ako nang paumanhin.” Hinuli ko ang kanyang mga mata. Tandaan mo, ang mundong ito na ating imperyo ay siyang mundong ating tinitirahan. Magiging masaya ba tayo, sakaling takasan natin ang ating mga responsibilidad, kung ang imperyo naman ay nagkakagulo at may digmaan?”

“Masama ang kutob ko, Theo,” sabi niya habang tuluyan nang umiyak sa aking dibib. “Sa nakaraang mga araw ay nakakakita ako ng dugo sa aking mga panaginip,” wika niya, “Dugo at abo... iyon ang tutupok sa imperyo.”

Kinilabutan ako sa kaniyang sinabi. Madalas nga ay nagkakatotoo ang panaginip ni Marius. Isa itong katangian ng mga enkatong may dugong diwata na tulad niya.

“Shhh... huwag kang masyadong mag-isip nang ganiyan, habang magkasama tayo ay magagawa nating pigilan ang anumang kalamidad. Iyan ang isipin mo.”

“Ngunit...”

“Shh...” Muli ko siyang pinatahimik sa pamamagitan ng isang h***k. “Sa ngayon, mas kailagnan nating problemahin ang iyong kalagayan... masakit pa rin ba ang likuran mo?” tanong ko sa kaniya na agad namula.

psynoid_al

❀◕ ‿ ◕❀ `wag kalimutang isama sa Library! boto na rin kayo at mag-iwan ng review sa Main Page ✿

| Like

Related chapters

  • Ginto't Pilak   Ika-sampung Bahagi

    Ika-sampung Bahagi Natagalan kami sa pagbaba sa comedor dahil kinailangan ko pang gamutin si Marius. Buti na nga lang at naibsan ang pananakit ng kaniyang likuran at nagawang maglakad nang may alalay mula sa akin. Palabas na ng silid ang ama kong Emperador nang kami ay dumating. “Bakit ngayon lang kayo dumating?!” pagalit niyang sinabi. “Paumanhin po, mahal na Emperador,” sagot ni Marius bago pa ako makapagsalita. “Masama po ang aking pakiramdam, at kinailangan pa akong alalayan ni prinsipe Theo upang makababa rito sa comedor.” Masama ang tingin ni ama sa maskarang suot ni Marius. “Umupo na kayo.” Muli siyang bumalik patungo sa mesa. “Importante ang ating pag-uusapan.” “Kumain muna kayo...” sabi ni Haring Domingo sa aming paglapit. “Hindi! Wala nang panahon,” sabat ng aking ama. “Kasalanan nila kung sila ay magutom man. Kailangan na naming umalis sa lalong madaling panahon!

    Last Updated : 2021-11-02
  • Ginto't Pilak   Ika-labing-isang Bahagi

    - 11 - “Matapos ng naunang selebrasyon, ito nanaman?” naiinis na sabi ni Marius nang makarating kami sa palasyo ng Emperador. “Hayaan mo na ang kapritsohan ng aking ama, alam mo naman na mahilig siya sa mga kasiyahan.” sagot ko matapos magbuntong hininga. “Mamayang gabi pa naman ang salu-salo, sa ngayon ay makakapag pahinga pa tayo.” “Pahinga? Habang bihag ng mga taga-Ignus ang aking kapatid?” “Alam ko, Marius, makaya mo kayang alamin ang kanilang pinagtataguan?” tanong ko sa kaniya. “Kailangan ko munang magpahinga nang saglit...” sagot niya. “Bagamat binigyan mo ako ng mahika, lubhang nakapagpapagod sa akin ang ginawa nating pagtalon dito sa kapitolyo. Ikaw rin, Theo, ramdam ko na napagod ka rin, mas kailangan mong kumain at magpahinga kesa sa akin!” “Wala ito,” pilit ko. “Mas mahalaga ang malaman agad natin ang lagay ng mga hangganan ng aming bansang Apolinus, at kung pinasok nga ba

    Last Updated : 2021-11-04
  • Ginto't Pilak   Ika-labing-dalawang Bahagi

    - 12 - Naglabas ako ng plasma, isang mala-likidong bagay ito na nagliliyab na tila naipong kidlat. Pinalutang ko ito sa ere upang ilawan ang aming harapan. Nasa loob na kami ng lagusan, at sumara ng kusa ang pintuan nito sa pag pasok namin. Agad ko’ng napansin ang mga bakas ng sapatos sa maalikabok na daanan. Sinundan namin iyon, ngunit alam ko na ang kung sinuman na nagbalak ng masama sa amin ay matagal nang nakatakas. Umikot ito pababa at sa may dulo ay may liku-liko. Sa wakas, umabot kami sa isang pader at nakakita ng isang maliit na pintuan. Nakarinig kami ng tunog ng mga kaldero at pinggan. Pagbukas ko nito, nakita ko ang mga kusinero ng palasyo na gulat na napatingin sa amin. “P-Prinsipe Theodorin?!” sambit ng isang matabang lalaki na may dalang kutsilyo. “May nakita ba kayong taong lumabas mula rito?” tanong ko sa mga nakapaligid sa amin na isa-isang yumuko upang magbigay galang.

    Last Updated : 2021-11-06
  • Ginto't Pilak   Ika-labing-tatlong Bahagi

    - 13 - Nagkakagulo sa palasyo nang kami ay nagbalik. Bitbit ko pa ang natutulog na si Marius sa aking mga bisig na nakatalukbong sa aking balabal. “Prinsipe Theodorin!” tawag ng isang sundalo na nakakita sa amin. “Saan po kayo nanggaling? Kanina pa po kayo pinahahanap ng inyong amang Emperador!” “Namasyal lang kami ni prinsepe Marius.” sagot ko sa kaniya. “Nasaan ang aking ama ngayon?” “Nasa silid aklatan po, kausap ang kaniyang mga heneral at mga tagapag-payo,” muling sagot ng sundalo. Tuluyan akong naglakad papunta sa silid aklatan. Dito madalas magpatawag ng pagpupulong ang aking ama, lalo na tungkol sa mga mahahalagang bagay ukol sa imperyo. Napayuko ang mga sundalong nadaanan namin, mga mukhang alalang-alala at gulat sa aming biglang paglitaw. “Narito na ang prinsipe Theodorin!” pahayag ng bantay sa may pinto ng silid aklatan bago niya kami papasukin. Nakatayo ang mga tao

    Last Updated : 2021-11-09
  • Ginto't Pilak   Ika-labing-apat na Bahagi

    Ika-labing-apat na Bahagi Hindi pa rin nagigising si Marius. Kinuha ko ang bote ng gamot na hinalo ni maestro Flores at binuksan ito. Agad napuno ang silid ng napaka baho nitong amoy! Pinikit ko ang aking mata, isinubo ang bote, at ininom ito. Ang pait! Ang anghang at parang sinisilaban ang aking bibig! Hindi ko iyon nilunok. Nilapitan ko si Marius sa kama, ibinuka ang kaniyang bibig at hinalikan siya, upang kaniyang mainom ang gamot. Sinara ko ang bibig ni Marius at pinagmasdan ang kakaibang liwanag na dumaan sa kaniyang lalamunan. Nanatili ang liwanag sa kaniyang leeg, bago ito kumalat sa kaniyang katawan at tuluyang naglaho. Biglang dumilat ang mga mata ni Marius! Bumuka ang kaniyang bibig, na para bang may nakain siyang masama na pilit niyang isinusuka. “Huwag!” tawag ko sa tabi niya, “Pinainom kita ng gamot, kailangan mo iyan para agad kang gumaling!” Napatingin siya sa akin,

    Last Updated : 2021-11-11
  • Ginto't Pilak   Ika-labing-limang Bahagi

    - 15 - Inaantok pa si Marius nang pumasok kami sa silid ng aking ama. Pinatawag niya kami upang kausapin. “Ano po ang inyong nais sabihin aking ama?” tanong ko sa kaniya. “Bago ang lahat, kamusta na ang prinsipe Marius ng Hermosa?” nakatitig siya sa nakamaskarang mukha ng aking kabigkis. “Maayos na ba ang iyong kalagayan?” Tumango naman si Marius. Bumalik siya sa maayos nang siya’y gumising, bagamat gutom at nagtataka kung bakit nanlalambot ang katawan niyang nananakit pa rin hanggang ngayon. “Maayos na po ang kalagayan niya, ama, ngunit hindi pa rin bumabalik ang kaniyang tinig,” sabi ko sa Emperador. “Mabuti, mabuti...” lumapit ang aking ama kay Marius at kinuha ang kamay nito. “Labis akong nabahala sa mga nangyari, lalo na at napahamak kang muli... dito pa mismo sa aking palasyo.” Hinimas nito ang kamay ni Marius at napansin ko ang pagkabalisa niya dahil dito. “May sasabihin

    Last Updated : 2021-11-13
  • Ginto't Pilak   Ika-labing-anim na Bahagi

    - 16 - Nagliwanag ang gabi sa mga paputok na pinasindihan ng Emperador. Galing ito sa kaharian ng Ignus, ilan sa mga kalakal nilang hinahangaan ng buong imperyo. Pinailawan naman niya sa mga magus ng Heilig ang buong palasyo gamit ang mga plasma. Pinalutang nila ito sa mataas na simboryo ng silid kung saan kami nagdiriwang. Magkakasunod kaming pumasok habang patuloy na gumuguhit ang makukulay na bulaklak sa langit. Nakabukas ang parteng iyon, kung saan naroon sa nakaangat na dais ang mahabang lamesa na aming kinauupuan. Pumwesto na nga ang Emperador sa gitna nito, sa isang malaking upuan na yari sa inukit na ginto. Sa harap niya ako umupo, katabi ko sa kanan si Marius at ang bunso naming prinsesa, si princesa Camilla. Tahimik siya, hindi nagsasalita at nakatungo lang buong okasyon. Sa aking kaliwa naman ay ang aking mga nakatatandang mga kapatid. Ang panganay naming si Heneral Manuel na siyang namumuno sa

    Last Updated : 2021-11-16
  • Ginto't Pilak   Ika-labing-pitong Bahagi

    - 17 - Nagpatuloy ang mga kaganapan. Ilang aktor at mang-aawit pa ang nagtanghal sa aming harapan. Mayroon ding mga dalubhasang mga magus na pinakitaan kami ng kakaiba nilang kapangyarihan. Nang sa wakas, ay natapos din ang palabas at tinawag na kami ng Emperador. “Prinsipe Marius... aking anak, humarap na kayo sa ating mga mamamayan...” tawag niya sa amin. “Ang Gintong Anak ng Heilig, at ang Dilang Pilak mula sa linya ng mga enkantadong Ravante!” pagmamalaki niya. “Sa isang iglap lang ay dinala nila ang aking hugbo mula sa kabilang dako ng mundo pabalik dito sa kapitolyo!” Naghiyawan at nagpalak-pakan ang mga panauhin namin. Mukhang lalo namang ginanahan ang aking ama. “Ngayon ay may inihanda rin silang palabas para sa ating lahat!” sabi niya bago humarap sa amin. “Ipakita ninyo sa ating mga mamamayan ang kapangyarihan ng Ginto at Pilak!” Tumayo na nga kami ni Marius sa aming pagkaka-upo. Hin

    Last Updated : 2021-11-18

Latest chapter

  • Ginto't Pilak   One Way Talk :D

    Hello Dear Readers! ʕ•́(ᴥ)•̀ʔっ Maraming-maraming salamat po sa pagsubaybay sa kuwentong ito! Actually, ito po ay isang side story para sa mas mahabang kuwento (in English) na 'Phasma' whose story actually takes place in the new world, 10,000 years in the future. Ang Phasma po ay isang young adult fantasy adventure novel na on-going dito sa GoodNovel(hindi po ito BL or boys love ʕˆ(ᴥ)ˆʔ ) general patronage po ito, with a bit of dark fantasy here and there. Sana po ay nagustuhan ninyo ang storya na ito, at maisipang basahin din ang Phasma na sigurado po ako, ay magugustuhan din ninyo! Pwede rin po kayong magpakape kung nais pa ninyo ako'ng pasalamatan at suportahan!Hanapin n'yo lang po ako sa ko-fi dot com! look for psynoidal ʕ-(ᴥ)-ʔ may mga specials po at extras doon na naghihintay para lamang sa inyo! Muli po, salamat at mag-ingat po ang lahat! - ako

  • Ginto't Pilak   Ika-limampung Bahagi – Ang Pangwakas

    - 50 -Magkayakap kaming nagpakahulog sa aming kama.Nakabalik na kami sa silid kung saan kami nagising, kung saan kami natulog sa loob ng limang taon!Tumatawang humalik sa aking bumbunan ang pinakamamahal ko’ng kabigkis habang kinukuskos ko sa mabango niya’ng dibdib ang aking ulo.”Napakasarap ng ating pinagsaluhan kanina!” sabi niya na bahagyang nangangamoy alak ang bibig. ”Parang `di pa rin ako makapaniwalang limang taon tayo natulog, pero ibaang sinasabi ng aking tiyan! Gusto ko pa rin kumain hanggang ngayon!””Isabukas na natin iyon, mahal,” sabi ko sa kanya habang pataas ang mga halik ko sa kanyang leeg. ”Ngayong gabi, ikaw lang ang nais ko’ng kainin!”Napahagikhik si Marius.”Hindi pa rin ako makapaniwalang limang taon tayong nawala!” patuloy niya habang hinuhubad ko ang suot niya’ng tunika. &r

  • Ginto't Pilak   Ika-apatnapu't-siyam na Bahagi

    - 49 -“At bakit naman ako magiging Emperador?”Iyan ang tanong ko sa dalawang hari sa aming harapan.Napatunganga sa akin si Nico at si Haring Domingo.”Hindi ba’t dapat lang na koronahan ka na namin bilang punong tagapamahala sa bagong mundo’ng ito?” sabi ni Haring Domningo.”Hindi naman ako papayag na mas mataas pa ang posisyon ko sa iyo!” sabi naman ni Nico na sumimangot sa akin. ”Hindi ako pinanganak na dugong bughaw, at sa totoo lang, hindi ko ginusto ang posisyon na `to, kung `di lang `to pinilit sa `kin ng mga tao!””Pero bagay na bagay ito sa `yo!” sabi ni Marius na nakangiti sa kaniya.“Ay, ikay, Dilang Pilak! Ngayon lang kita narinig magsalita, pero `wag mo ako’ng ma-utuasang manatili sa posisyo’ng ito, ha?” biro nito sa aking kabigkis.“Pero, hindi ba’t bagong

  • Ginto't Pilak   (48) Ika-apatnapu't-walong Bahagi

    - 48 -Nilibot naming dalawa ni Marius ang mga tindahan. May mga nagkakalakal ng damit sa isang tindahan, at kapalit ng suot naming makapal na tunika, ay kumuha kami ni Marius ng tig-isang balabal. Namasyal kami sa paligid at naaliw sa mga tanawin nang mga tao na sama-sama – mapa Heilig, Ravante, o Ignasius man. Lahat sila masayang nagbabatian at nagtutulungan. Binigyan nila kami ng mga pagkain, laruan, at mga palamuti. Isang kumonidad na walang discriminasyon sa isa’t-isa.May grupo ng mga bata na lumapit kay Marius. Mga batang ginto ang buhok ngunit madilim ang kulay ng mga mata. Mga pulang buhok na kasing bughaw ng langit ang mata. Mukhang ito na nga ang pinangarap naming mundo kung saan ang lahat ay pantay-pantay at nagkakaisa.Nagdala ang mga bata ng mababangong bulaklak na ikinuwintas nila sa aking kapares. Tuwang-tuwa naman si Marius na nakipagsayawan at nakipaglaro sa kanila, hanggang sa buma

  • Ginto't Pilak   (47) Ika-apatnapu't-pitong Bahagi

    - 47 -Katabi ko na si Marius sa aking paggising.Nakahiga kami sa malapad at malambot na kama sa isang silid na bago sa akin. Natatakpan kami ng kumot, at kapwa nakasuot ng manipis na tunika na yari sa malambot na tela.Lumapit ako upang siya ay yakapin ng mahigpit. Maayos na ang aking pakiramdam, wala nang pagod. Hinalikan ko ang dulo ng ilong ni Marius at napangiti nang unti-unti siyang dumilat.“Kamusta, mahal?” tanong ko sa kaniya.“Inaantok pa,” sagot niya na nagsumiksik muli sa aking dibdib.“Ayaw ko pa ring bumangon...”Hinawakan ko ang kaniyang baba at itinaas ito upang halikan ang matatamis niyang labi. Nangiti si Marius na gumanti rin ng halik at binalot ang kaniyang mga braso sa aking batok.Lumalim ang aming mga halik. Pumaibabaw ako sa katawan niyang porselana, hinimas ang mala-sutla niyang balat mula leeg papunta sa kaniyang dibdib,

  • Ginto't Pilak   (46) Ika-apatnapu't-anim na Bahagi

    - 46 - “Saan kayo nanggaling!?” tanong ni Haring Domingo na may halong takot at galit. “Dalawang linggo kayo nawala!” “Ha?” gulat na bigkas ni Nico, “Pero wala pa kaming dalawang oras sa kabilang mundo!” “Kabilang mundo?” muling tanong ng hari. “Sinasabi ko na nga ba ipipilit ninyo itong gawin!” “Nagawa naming magbukas ng lagusan papunta sa ibang mundo, ama.” sagot ni Marius sa kaniya. “Maaari tayong manirahan doon hanggang sa mawala ang salot sa hangin dito sa ating mundo.” “Kung may maililikas pa tayo!” sagot ni Haring Domingo. “Bakit po, may nangyari nanaman ba?” tanong ni Nico. “Nang gabi na kayo ay nawala, dumating ang malalaking alon. Nagawa nitong lampasan ang matataas na bahura at bulubundukin na hinarang ni Theodorin.” salaysay ni Haring Domingo. “Bagamat hindi na kasing lakas dahil sa mga harang, marami pa rin ang natupok sa pagbahang dulot ng mga alon.” “Ang

  • Ginto't Pilak   (45) Ika-apatnapu't-limang Bahagi

    - 45 - Bumagsak ako sa makapal na halaman na may mga itim na prutas.Tumingin ako sa paligid at nakita ang aking mga kasamahan na nagpapagpag ng sarili.“Isa itong puno ng igos.” sabi ni kuya Aurelio na agad pumitas at kumagat ng isa. “At lasa rin itong igos!”“Hinay-hinay lang, baka sa mundong ito, ay lason ang punong iyan!” paalala ko sa kaniya.Tumingin lang sa akin ang kapatid ko, tapos ay lumapit sa isa pang halaman. “Eto naman ay granada.” Pumitas siya ng isa, biniyak ito sa gitna, at kinain ang mga buto sa gitna nito. “Hayaan ninyong subukan ko kung lason nga ang mga halaman dito.”Muli ko sana siyang sasabihan, nang bigla siyang batukan ni Nico!“Baliw, pwede natin subukan `yan sa ibang paraan, kesa ipahamak mo pa ang sarili mo,” sabi nito. Tinitigan siya ni Aurelio, nanlalaki ang mga mata. Bilang isang prinsipe

  • Ginto't Pilak   (44) Ika-apatnapu't-apat na Bahagi

    - 44 - Sa halip na magpaliwang pa, ay dinala na lang ako nina Nico sa may dalampasigan. Libu-libong mga patay na isda at iba pang mga yamang dagat ang lumulutang dito. Puro sila walang buhay, ay halos matakpan na nila ang buong dalampasigan.“Nagkalat sila sa buong kahabaan ng kanlurang bahari ng isla.” sabi ni Marius sa tabi niya. “At napansin mo rin ba ang tubig?“Kulay itim ito...” sagot ko. Marahil ay dahil ito sa dami ng mga patay na isda sa paligid...“Isipin mo na lang ang magiging epekto nito sa mga tao?” sabi ni Nico. “Buti na nga lang at walang umiinom ng tubig alat, pero pano na `pag inabot ng salot pati ang tubig natin na galing sa ilalim ng lupa?!”“Theo,” kinapitan ni Marius ng mahigpit ang kamay ko. “Hindi natin alam ang maaari pang mangyari sa susunod na mga araw... at sa tingin ko ay hindi na natin ito dapat hintayin pa.&rd

  • Ginto't Pilak   (43) Ika-apatnapu't-tatlong Bahagi

    - 43 - Ilang oras pa ay nasa may Timog na kami ng Ignus, muling nagsasakay ng mga mamamayan. Nasabihan na namin nang nakaraang araw ang mga taga Ignus na pumunta rito, at ngayon nga ay nasa dalawang-libong katao ang kasalukuyang sumasakay sa mga dala naming Lipad-Ulap upang lumikas sa Hermosa. “Salamat! Mga ginoo!” tawag nila sa amin. Kulay pula ang mga mukha nila mula sa alikabok at buhangin sa disyerto. “Salamat sa aming mga tagapagligtas!” “Ginagawa lang po namin ang gagawin ng sinuman, para sa mga kapwa nilang nangangailangan ng tulong.” tugon ko sa kanila. “Napakadakila talaga ng bago nating emperador!” at lahat sila ay pumuri sa akin. Napangiti na lang ako at kumaway, at bago pa sila magpuri pang muli ay pumanik na ako sa aming Lipad-Ulap kung saan pinapanood ni Marius ang mga tao. “Mahal na mahal nila tayo,” sabi niya sa akin. “Mamahalin nila ang sinumang tutulong sa kanila,” sagot ko

DMCA.com Protection Status