- 18 -
Niyakap ko si Marius pagkasara ko ng aking pinto.
Ihinatid kami ni heneral Gregorio na matapat na nagbabantay sa amin, kasama ang kaniyang mga sundalo, upang siguraduhin na walang sinu-mang haharang sa amin sa pagpanik sa silid.
Sa tingin ko naman ay wala nang mangangahas pang lumapit sa amin, matapos nila mapanood ang aming munting palabas.
Marahan akong tinapik ni Marius sa likod. Huminga ako ng malalim. Kahit ako ay nabigla sa aking ginawa. “May buhay ang nilalang na iyon...” aking ibinulong, “at dama ko ang sakit at takot na kaniyang naramdaman nang bawiin ko ang buhay na iyon.”
Napahigpit ang kapit sa akin ni Marius. Hinawakan niya ang aking mukha, hinarap ako, at umiling. Nangungusap ang kaniyang mga mata na malungkot ang tingin sa akin.
“Alam kong palabas lang iyon... na iyon ay nilikha ko lang mula sa aking imahinasyon... ngunit...”
Huminga ng malalim si Marius.
boto naman dyan ☜(ˆ▿ˆc) at pahingi na rin ng review :)
- 19 - Patago kaming lumabas ng palasyo ng Emperador. Marami akong alam na mga lagusan, mula pa sa pagkabata, noong madalas kaming tumakas ng aking mga nakatatandang mga kapatid upang maglaro sa hardin. Nagsuot si Marius ng tunikang itim na may mataas na kuwelyo upang itago ang mga h***k ko sa kaniyang leeg, ako naman ay itim din ang suot, isang simpleng tunika. Parehas kaming nagsuot ng balabal at nagpataw ng mahika sa aming sarili upang makahalubilo kami sa mga tao sa kapitolyo nang hindi nakikilala. “Nakikita mo ba ang lugar na iyon?” turo ko kay Marius na nakatakip ang balabal sa ulo upang maitago ang kaniyang maskara. “Napaka sarap ng tinda nilang kakanin sa lugar na iyon.” Isang simpleng maskarang kahoy lang ang suot niya, upang hindi makaagaw-pansin. Inakay ko siya papunta roon para bumili ng ilang pagkain. “Taga saan po kayo?” tanong sa akin ng binatang nagtitinda roon. “Kadadating lang ba
- 20 - Bigla akong natigilan, pati na rin si Marius na aabutin na rin sana ang kaniyang kamay. “`Wag kayong mag-alala, hindi ako sundalo, wala akong balak sakupin ang lugar na `to!” tumatawa niyang sinabi, “At tingin ko naman, hindi kayo tulad ng iba d’yan na makikitid ang utak at galit sa lahat ng mga taga-Ignus?” “H-hindi naman.” sagot ko, napangiti. Tinuloy na rin ni Marius ang pagkamay kay Nico, matapos tumingin sa akin. “Balita ko nga ay mainit ang tingin ng mga taga-Apolinus sa mga taga-Ignus?” tanong ko sa kaniya. “Sa Hermosa naman ay hindi ganoon kagalit ang mga tao sa kanila.” “Haay... dahil yan sa mga tsismis na naglipana sa paligid,” sagot niya. “Tsismis?” tanong kong muli. Mukha ngang mas marami kaming makukuhang balita sa lugar na ito. “May kumakalat kasi na balita na sinusugod daw ng mga kawal ng Ignus ang mga bayan malapit sa hangganan. Para namang may kakayahan ang Ignus na
- 21 - Matagumpay naming nai-panik sa aking silid si Nico. Tumawag ako ng hangin at diretso kaming nagdaan sa aking bintana nang walang sinu-man na nakakakita sa amin. Pagpasok namin, agad ko rin isinara ang mga bintana, pati na ang pinto, at naglatag ng dasal upang walang anumang tunog na makalalabas sa aking silid. “Ngayon, maaari na tayong mag-usap nang walang makakarinig sa atin,” paniniyak ko sa kaniya. “Sigurado ka ba talaga?” tanong ni Nico na tumitingin-tingin sa silid kong halos walang laman. “Wala ka bang tiwala sa amin?” “Hindi naman sa gano’n... pero...” muli siyang tumingin sa paligid. “Ang sasabihin ko sa inyo ay napaka importante, at maraming buhay ang maaring makitil kung may makakaalam nito...” bulong niya. “Huwag kang mag-alala, sinisiguro kong walang sinu-man ang makakarinig sa pag-uusapan natin ngayon.” Mukhang kinakabahan pa rin siya. “Tungkol saan ba ang iyong bal
- 22 - Pinatago namin si Nico sa loob ng palikuran. Iniwan ko sa aking silid ni Marius, samantalang inalis ko ang dasal sa pinto upang lumabas nang sandali at nang magpakuha ng pagkain. “Heneral Gregorio?” tawag ko. “Heneral Gregorio, nasaan ka?” Narinig ko na may mabilis na tumatakbo papanik sa aking silid. Maya-maya pa ay nakita ko ang hinihingal na heneral palapit sa akin. “P-Prinsipe Theodorin!” gulat niyang tawag sa akin, “A-ano po ang inyong ginagawa rito?!” “Anong klaseng tanong iyon?” nagkunwari akong nainis sa kaniyang sinabi. “Hindi ba at tama lang na nasa loob ako ng sarili kong silid?!” “S-siya nga po, prinsipe Theodorin... ngunit... kanina po ay hindi namin kayo mahanap ni prinsipe Marius...” Napasilip siya at nakita sa loob ng silid si Marius na kumaway pa sa kaniya. “...kaya po nagpautos ang inyong ama na palabasin ang mga sundalo at palihim kayong hanapin sa kapitolyo!”
- 23 - Muli kaming nagdaan sa bintana. Alam ko ang mga tunog na iyon. Labing isang taon akong nanirahan sa Hermosa, isang bansang nalilibutan ng karagatan. Lagi naming naririnig ang huni ng ibong tagak. ‘Kaa! kaa!’ At ang tunog ng mga kargado ng barko na hinahatak ng mga kadena na nakakabit sa mga kalabaw papuntang wawa ‘tak-tak-tak-tak-tak’ Iyan ang tunog na ginagawa ng bakal na nakatali sa mabibigat na kargado sa mga barko. At dahil nabanggit ni prinsipe Lucius na masangsang ang paligid, mukhang alam ko na ang mismong lugar kung saan sila itinago. Sa may dulo kasi ng puerto ng Apolinus ang lugar kung saan itinatapon ang lahat ng b****a ng bayan. Dito ito sinusunog upang maubos, ngunit sa dami ng mga tao sa kabisera at ng mga b****ang itinatapon nila, ay naging mistulang bundok na ang lugar na ito. Doon kami patungo ngayon.
- 24 - Kinalagan ko ang mga kasama ko sa loob ng silid. Kahit pa mahina, nakagawa ako ng plasma upang mailawan ang paligid, at ngayon, nakita ko na tatlo silang bihag na tulad ko. “Maayos ba ang inyong mga kalagayan?” tanong ko sa aking mga kasama. “M-maayos naman kami... Prinsipe Theodorin.” sagot ng isa sa mga bihag na nakasuot ng baro ng isang heneral. “Nasaan ang iba ninyong mga kasama?” tanong ko sa kanila. “Pagkaalala ko ay lima kayong mga heneral at ilang daang mga kawal...” “Wala na ang aking mga kawal.” galit na sambit ni prinsipe Lucius. “Pinatay nila silang lahat... nilunod na parang mga daga sa aming dalang mga barko! Kasama ang isa pang heneral na tapat sa akin...” “At ang dalawa pa?” tanong ko sa kaniya. “Hindi sila tapat!” sabi ng ikalawang heneral sa silid. “Pinagtaksilan nila kami!” kapit niya ang kaniyang braso, at napansin ko na may bali ito. “Ako nga pala si
- 25 - Dala marahil nang kawalan ng tiwala sa mundo, hindi na ako bumalik pa sa aking silid. Inilipad ko si Marius at ang dalawa naming bagong kaibigan sa himpapawid at nagtungo sa labirinto sa hardin. Mula doon ay tinahak namin ang paliku-likong daan patungo sa kalagitnaan nito, at ihiniga ko si Marius sa isang banko na yari sa marmol sa ilalim ng pulandong. “Dito ba tayo mamamalagi hanggang umaga?” tanong sa akin ni prinsipe Lucius. “Oo,” sagot ko. At sa pagsabi ko noon ay itinaas ko ang aking braso. Inutusan ko ang adobe sa ilalim ng lupa na umangat at gumawa ng isang tore na aming magiging silid. Paikot itong umangat at nilampasan pa ang pinaka mataas na tore sa aming palasyo. Hindi ako naglagay ng hagdan sa palibot nito. Walang ibang daan, kundi ang hangin na aking minamanipula. Inikutan ko pa ito ng maiitim na ulap at nagpakalat ng matatalim na kidlat na susupil sa sinomang mangahas na lumapit s
Ikalawang Aklat - 26 - “Handa na kaming bumaba.” tawag ko kina Lucius, makaraan ang isang araw. Inalis ko na ang pader sa pagitan ng aming mga silid. Nakaupo sila sa lapag, nasa binti ni prinsipe Lucius ang ulo ni Nico na kumakain ng ubas. Agad siyang napatayo nang makita kami. Nakasuot ng balabal si Marius. Wala siyang maskara, ngunit hindi naman masyadong naaapektuhan ang dalawa naming kasama kaya sa tingin ko ay `di na problema iyon. “Mag-usap muna tayo, ano na ang ating gagawin?” tanong ni Lucius. “Unang-una ay kailangan nating makausap ang aking kapatid,” sagot ko sa kanila. “Kailangan nating ipaliwanag na gawa-gawa lang ng mga taksil na heneral ang balitang gera sa hangganan. Pagkatapos noon ay kailangan nating pumunta sa Ignus upang makausap nang harapan ang hari, at maipaliwanag na rin sa kanila ang mga nangyari dito sa kabisera.” “Hmm... magandang idea...” sab
Hello Dear Readers! ʕ•́(ᴥ)•̀ʔっ Maraming-maraming salamat po sa pagsubaybay sa kuwentong ito! Actually, ito po ay isang side story para sa mas mahabang kuwento (in English) na 'Phasma' whose story actually takes place in the new world, 10,000 years in the future. Ang Phasma po ay isang young adult fantasy adventure novel na on-going dito sa GoodNovel(hindi po ito BL or boys love ʕˆ(ᴥ)ˆʔ ) general patronage po ito, with a bit of dark fantasy here and there. Sana po ay nagustuhan ninyo ang storya na ito, at maisipang basahin din ang Phasma na sigurado po ako, ay magugustuhan din ninyo! Pwede rin po kayong magpakape kung nais pa ninyo ako'ng pasalamatan at suportahan!Hanapin n'yo lang po ako sa ko-fi dot com! look for psynoidal ʕ-(ᴥ)-ʔ may mga specials po at extras doon na naghihintay para lamang sa inyo! Muli po, salamat at mag-ingat po ang lahat! - ako
- 50 -Magkayakap kaming nagpakahulog sa aming kama.Nakabalik na kami sa silid kung saan kami nagising, kung saan kami natulog sa loob ng limang taon!Tumatawang humalik sa aking bumbunan ang pinakamamahal ko’ng kabigkis habang kinukuskos ko sa mabango niya’ng dibdib ang aking ulo.”Napakasarap ng ating pinagsaluhan kanina!” sabi niya na bahagyang nangangamoy alak ang bibig. ”Parang `di pa rin ako makapaniwalang limang taon tayo natulog, pero ibaang sinasabi ng aking tiyan! Gusto ko pa rin kumain hanggang ngayon!””Isabukas na natin iyon, mahal,” sabi ko sa kanya habang pataas ang mga halik ko sa kanyang leeg. ”Ngayong gabi, ikaw lang ang nais ko’ng kainin!”Napahagikhik si Marius.”Hindi pa rin ako makapaniwalang limang taon tayong nawala!” patuloy niya habang hinuhubad ko ang suot niya’ng tunika. &r
- 49 -“At bakit naman ako magiging Emperador?”Iyan ang tanong ko sa dalawang hari sa aming harapan.Napatunganga sa akin si Nico at si Haring Domingo.”Hindi ba’t dapat lang na koronahan ka na namin bilang punong tagapamahala sa bagong mundo’ng ito?” sabi ni Haring Domningo.”Hindi naman ako papayag na mas mataas pa ang posisyon ko sa iyo!” sabi naman ni Nico na sumimangot sa akin. ”Hindi ako pinanganak na dugong bughaw, at sa totoo lang, hindi ko ginusto ang posisyon na `to, kung `di lang `to pinilit sa `kin ng mga tao!””Pero bagay na bagay ito sa `yo!” sabi ni Marius na nakangiti sa kaniya.“Ay, ikay, Dilang Pilak! Ngayon lang kita narinig magsalita, pero `wag mo ako’ng ma-utuasang manatili sa posisyo’ng ito, ha?” biro nito sa aking kabigkis.“Pero, hindi ba’t bagong
- 48 -Nilibot naming dalawa ni Marius ang mga tindahan. May mga nagkakalakal ng damit sa isang tindahan, at kapalit ng suot naming makapal na tunika, ay kumuha kami ni Marius ng tig-isang balabal. Namasyal kami sa paligid at naaliw sa mga tanawin nang mga tao na sama-sama – mapa Heilig, Ravante, o Ignasius man. Lahat sila masayang nagbabatian at nagtutulungan. Binigyan nila kami ng mga pagkain, laruan, at mga palamuti. Isang kumonidad na walang discriminasyon sa isa’t-isa.May grupo ng mga bata na lumapit kay Marius. Mga batang ginto ang buhok ngunit madilim ang kulay ng mga mata. Mga pulang buhok na kasing bughaw ng langit ang mata. Mukhang ito na nga ang pinangarap naming mundo kung saan ang lahat ay pantay-pantay at nagkakaisa.Nagdala ang mga bata ng mababangong bulaklak na ikinuwintas nila sa aking kapares. Tuwang-tuwa naman si Marius na nakipagsayawan at nakipaglaro sa kanila, hanggang sa buma
- 47 -Katabi ko na si Marius sa aking paggising.Nakahiga kami sa malapad at malambot na kama sa isang silid na bago sa akin. Natatakpan kami ng kumot, at kapwa nakasuot ng manipis na tunika na yari sa malambot na tela.Lumapit ako upang siya ay yakapin ng mahigpit. Maayos na ang aking pakiramdam, wala nang pagod. Hinalikan ko ang dulo ng ilong ni Marius at napangiti nang unti-unti siyang dumilat.“Kamusta, mahal?” tanong ko sa kaniya.“Inaantok pa,” sagot niya na nagsumiksik muli sa aking dibdib.“Ayaw ko pa ring bumangon...”Hinawakan ko ang kaniyang baba at itinaas ito upang halikan ang matatamis niyang labi. Nangiti si Marius na gumanti rin ng halik at binalot ang kaniyang mga braso sa aking batok.Lumalim ang aming mga halik. Pumaibabaw ako sa katawan niyang porselana, hinimas ang mala-sutla niyang balat mula leeg papunta sa kaniyang dibdib,
- 46 - “Saan kayo nanggaling!?” tanong ni Haring Domingo na may halong takot at galit. “Dalawang linggo kayo nawala!” “Ha?” gulat na bigkas ni Nico, “Pero wala pa kaming dalawang oras sa kabilang mundo!” “Kabilang mundo?” muling tanong ng hari. “Sinasabi ko na nga ba ipipilit ninyo itong gawin!” “Nagawa naming magbukas ng lagusan papunta sa ibang mundo, ama.” sagot ni Marius sa kaniya. “Maaari tayong manirahan doon hanggang sa mawala ang salot sa hangin dito sa ating mundo.” “Kung may maililikas pa tayo!” sagot ni Haring Domingo. “Bakit po, may nangyari nanaman ba?” tanong ni Nico. “Nang gabi na kayo ay nawala, dumating ang malalaking alon. Nagawa nitong lampasan ang matataas na bahura at bulubundukin na hinarang ni Theodorin.” salaysay ni Haring Domingo. “Bagamat hindi na kasing lakas dahil sa mga harang, marami pa rin ang natupok sa pagbahang dulot ng mga alon.” “Ang
- 45 - Bumagsak ako sa makapal na halaman na may mga itim na prutas.Tumingin ako sa paligid at nakita ang aking mga kasamahan na nagpapagpag ng sarili.“Isa itong puno ng igos.” sabi ni kuya Aurelio na agad pumitas at kumagat ng isa. “At lasa rin itong igos!”“Hinay-hinay lang, baka sa mundong ito, ay lason ang punong iyan!” paalala ko sa kaniya.Tumingin lang sa akin ang kapatid ko, tapos ay lumapit sa isa pang halaman. “Eto naman ay granada.” Pumitas siya ng isa, biniyak ito sa gitna, at kinain ang mga buto sa gitna nito. “Hayaan ninyong subukan ko kung lason nga ang mga halaman dito.”Muli ko sana siyang sasabihan, nang bigla siyang batukan ni Nico!“Baliw, pwede natin subukan `yan sa ibang paraan, kesa ipahamak mo pa ang sarili mo,” sabi nito. Tinitigan siya ni Aurelio, nanlalaki ang mga mata. Bilang isang prinsipe
- 44 - Sa halip na magpaliwang pa, ay dinala na lang ako nina Nico sa may dalampasigan. Libu-libong mga patay na isda at iba pang mga yamang dagat ang lumulutang dito. Puro sila walang buhay, ay halos matakpan na nila ang buong dalampasigan.“Nagkalat sila sa buong kahabaan ng kanlurang bahari ng isla.” sabi ni Marius sa tabi niya. “At napansin mo rin ba ang tubig?“Kulay itim ito...” sagot ko. Marahil ay dahil ito sa dami ng mga patay na isda sa paligid...“Isipin mo na lang ang magiging epekto nito sa mga tao?” sabi ni Nico. “Buti na nga lang at walang umiinom ng tubig alat, pero pano na `pag inabot ng salot pati ang tubig natin na galing sa ilalim ng lupa?!”“Theo,” kinapitan ni Marius ng mahigpit ang kamay ko. “Hindi natin alam ang maaari pang mangyari sa susunod na mga araw... at sa tingin ko ay hindi na natin ito dapat hintayin pa.&rd
- 43 - Ilang oras pa ay nasa may Timog na kami ng Ignus, muling nagsasakay ng mga mamamayan. Nasabihan na namin nang nakaraang araw ang mga taga Ignus na pumunta rito, at ngayon nga ay nasa dalawang-libong katao ang kasalukuyang sumasakay sa mga dala naming Lipad-Ulap upang lumikas sa Hermosa. “Salamat! Mga ginoo!” tawag nila sa amin. Kulay pula ang mga mukha nila mula sa alikabok at buhangin sa disyerto. “Salamat sa aming mga tagapagligtas!” “Ginagawa lang po namin ang gagawin ng sinuman, para sa mga kapwa nilang nangangailangan ng tulong.” tugon ko sa kanila. “Napakadakila talaga ng bago nating emperador!” at lahat sila ay pumuri sa akin. Napangiti na lang ako at kumaway, at bago pa sila magpuri pang muli ay pumanik na ako sa aming Lipad-Ulap kung saan pinapanood ni Marius ang mga tao. “Mahal na mahal nila tayo,” sabi niya sa akin. “Mamahalin nila ang sinumang tutulong sa kanila,” sagot ko