Home / LGBTQ + / Ginto't Pilak / Ika-apat na Bahagi

Share

Ika-apat na Bahagi

Author: psynoid_al
last update Huling Na-update: 2021-09-18 13:22:28

Ika-apat na Bahagi

“Handa ka na ba, Marius?” kumatok ako sa pinto bago ko binuksan ito.

Nakita ko si Marius, ang aking matalik na kaibigan, na nakatitig nanaman sa salamin. Tanging maiksing tuwalya lang ang kaniyang suot na nakatakip sa kaniyang p*********i, at nakita kong basa pa ang mahaba niyang buhok na kulay pilak.

“Hay, hanggang ngayon ba naman ay pinagmamasdan mo pa rin ang iyong sarili?” tanong ko sa kaniya habang pumipili ng damit sa kaniyang aparador. “Magmadali ka na, Marius, parating na ang aking ama mula sa kabisera!”

“Theo, sa tignin mo ba ay masyadong namumula ang aking mga mata?” tanong niya sa akin.

Ako naman ay napailing. “Ayan ay dahil nagpumilit ka pang hintayin ang pag-ulan ng mga tala kagabi,” paalala ko sa kaniya. “Inabot tuloy tayo ng pagsikat ng araw.”

Kinuha ko ang mas malaking tuwalya na nakabalumbon sa kaniyang kama at pinunasan ang kaniyang buhok.

“Hindi kaya mapansin ito ng aking ama... at pati na rin ng Emperador?” nakasimangot niyang tanong sa akin.

Hindi ko napigilang tumawa. “Sa tingin ko ay walang makahahalata sa kanila, sapagkat magsusuot ka naman ng maskara sa paglabas natin.”

Lalong nagdikit ang kaniyang mga kilay. “Kung bakit pa kasi kailangan ko pang magsuot ng sinumpang maskara na iyan!” naiinis niyang sinabi. “Kung ako lang ang masusunod, uutusan ko ang buong mundo upang hindi nila ako makita, at sa gayon ay ikaw na lang ang makapapansin sa akin!”

“Ba’t nga ba hindi mo gawin?” tanong ko sa kaniya na nakangiti.

Nagbuntong hininga si Marius. Alam ko rin naman ang dahilan. Iyon ay dahil siya ang susunod na tagapag-mana ng kaharian ng Hermosa, ang bansa ng pamilya nila na mga enkantong Dilang Pilak na may lahi ng mga diwata. Isang malaking responsibilidad ito na hindi niya kayang basta na lamang talikuran.

Kinuha ko ang gintong suklay na nakapatong sa kaniyang lamesa at pinagmasdan ang napakaganda niyang mukha sa salamin habang inaayos ang kaniyang buhok.

“Huwag ka nang sumimangot,” sabi ko sa kaniya. “Bukas na ang iyong ika-labing walong kaarawan. Ayon sa ating tradisyon, magiging isa ka nang ganap na lalaki! Hindi ba nararapat lang na tigilan mo na ang iyong pagiging isip bata?”

“Hindi ako isip bata, Theo!” hinarap niya ako nang naka halukipkip, “Ikaw pa nga na mas matanda sa akin ng dalawang taon ang mas maraming kalokohang nalalaman!”

“Anong kalokohan?” tanong ko sa kaniya, tumatawa.

“Hindi ba’t ikaw ang nagpumilit nang isang araw na mamitas tayo ng mga kaimito sa hardin, bagamat hindi pa ito hinog? Ang sabi mo ay ikaw ang bahala, pero ako lagi ang napapagalitan ng aking amang hari!”

Lalo lang akong natawa, at bago pa man makapag reklamo si Marius ay niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan sa noo.

“Nais ko lang namang pasiyahin ka, hindi ba’t paborito mo ang kaimito?” sabi ko sa kaibigan kong namumula. “Napansin ko kasi na habang palapit ang iyong kaarawan ay lalo kang ninenerbiyos! Hanggang ngayon ba naman ay takot ka pa rin sa ama kong Emperador?”

Hindi sumagot si Marius, sa halip ay yumuko ang kaniyang ulo na nakasandal sa aking d****b at dahan-dahan na tumingin sa akin. Pinagmasdan ko ang mga lilak na bituin na natatago sa likod ng napakakapal niyang pilikmata.

“Huwag kang mag-alala,” ika ko. “Hindi ako papayag na mahiwalay tayo, kahit pa ipag-pilitan ni ama na pauwiin ako sa kabisera, tulad ng ginawa niya nang isang taon.”

“Pangako?” tanong sa akin ni Marius na may napaka tamis na ngiti sa kaniyang labi.

“Pangako,” tugon ko. “Hindi ba’t tayo ay magkabigkis?” paalala ko sa kaniya. “Walang sino mang makapaghihiwalay sa atin!”

Niyakap din ako ni Marius nang mahigpit. “Kung gayon ay wala na akong ipangangamba,” ika niya.

“O, siya, magbihis ka na at mukhang palapit na ang pagdating ng aking ama!”

Narinig na nga namin ang mga trumpeta na nag-huhudyat sa pagdating ng hukbo ng ama kong Emperador sa kastilyo. Maya-maya pa ay papasok na sila sa palasyo ng hari ng Hermosa, at kailangan ay naroon kami para siya ay salubungin.

“Handa ka na ba?” tanong ko habang itinatali ang suot na baro ng aking kaibigan. Kinuha niya ang kaniyang maskara na yari sa pilak at itinali ko rin ang laso nito sa likuran ng kaniyang ulo.

“Handa na ako, Theodorin,” ika niya.

At magkahawak kamay kaming lumabas ng kaniyang silid.

“Narito na ang Namumuno sa Mundo ng mga tao, ang Panginoon ng Lahat ng Nasa Ilalim ng Bughaw na Kalangitan, ang Nagmamay-ari sa Lahat ng Lupaing Luntian. Ang Kataas-taasang Emperador Leonsio Apolinario Fernando Heilig!” pakilala ng mga pantas sa hukom ng Hermosa.

“Mapayapang pagdating, Emperador Leon,” bati ni Haring Domingo sa aking ama.

“Ikinagagalak namin at pinaunlakan mo ang aming imbitasyon para sa kaarawan ng aking anak bukas.” sabi naman ng kaniyang asawa na si Reyna Violeta.

“Salamat, sa mainit na pagtanggap sa akin, Haring Domingo, Reyna Violeta.” napatingin siya sa akin na nakatayo sa tabi ng hari, at kay Marius na nasa tabi ko. “Kamusta naman ang aking anak at tagapagmana?” nakangiti niyang tanong.

“Mabuti po, aking ama.” lumapit ako sa kaniya, kinuha ang kaniyang kamay, at hinalikan ito.

Malaking tao ang aking ama. Makisig siya at hulmado ang matipunong katawan. Ngayon, bagamat malaki pa rin, ay napalitan na ng taba ang kaniyang kalamnan.

“Matagal tayong hindi nagkita, aking ama, salamat at mabuti ang iyong kalagayan,” bati ko sa kaniya.

Lumapit din sa kaniya si Marius na tulad ko ay kinuha ang kaniyang kamay at idinikit ito sa parteng bibig ng suot niyang maskara.

“Emperador Leon,” wika ni Marius sa napakalamig niyang tinig. “Maligayang pagdating sa aming kaharian.”

Tinignan siya ng aking ama, mula ulo hanggang paa. Mukhang asiwa ito.

Mula nga nang una kaming nagkakilala, ay tila malayo na ang loob ng aking ama kay Marius. Lagi niya itong tinitignan ng masama at tila ba lagi siyang naiinis dito. Marahil ito ay dahil natatakot siya sa kakaibang kapangyarihan na taglay ni Marius. Maging siya ay walang laban sa Dilang Pilak ng mga Ravante, lalo na sa aking kabigkis, at iyon marahil ang dahilan kung bakit tila naiilang sila kay Marius.

“Mabuti at mukhang maayos ang kalagayan ninyong lahat,” wika ng aking ama. “At ang laki na rin nang ipinagbago ng aking anak!” binalik niya ang kaniyang tingin sa akin. “Napaka tikas ng iyong pangangatawan, at mukhang nalampasan mo na ang aking taas!” Tinapik niya ang mapipintog kong braso at ginulo ang ginto kong buhok na hanggang balikat ang haba.

“Hindi nga ba at ang pangako ko sa iyo ay palalakihin kong mabuti ang iyong anak?” tumatawang sagot ni Haring Domingo.

“Dapat lang, dahil mula nang pumanaw ang aking asawa, sampung taon na ang nakalilipas, ay hindi na nakauwi si Theo sa Apolinus na kabisera ng Heilig.” Ipinatong ng ama kong Emperador sa aking balikat ang kaniyang malapad na braso. “Mula noon ay hindi ko na rin siya nakita nang personal!”

“Siya, bakit hindi muna kayo magpahinga sa loob ng kastilyo, mukhang pagod pa kayo sa inyong paglalayag?” sabi ni Haring Domingo. “Nakahanda na ang pagkain at alak sa comedor, at walang humpay na kasiyahan ang ipamamalas ko sa inyo, hanggang sa kaarawan ng anak kong si Marius bukas!”

Nagtungo na nga ang buong hukbo ng aking ama sa loob ng palasyo upang magpahinga. Isang-libo ang kasama niya para makisaya sa kaarawan ni Marius.

Marami pang ibang mga bisita ang dumarating bukod sa kanila. Mga kaibigan at kamag-anak, at mga mahahalagang deligante mula sa iba’t ibang dako ng imperyo, mula sa mga pook na nababasa ko lamang sa mga aklat namin sa silid paaralan.

“Halika, Marius, sumunod na rin tayo sa kanila!” aya ko sa aking kabigkis. “Ikaw pa man din ang panauhing pandangal sa kasiyahang ito!”

“Huwag na muna, Theo,” sagot ni Marius, “Mas gusto kong magtungo na lang tayo sa hardin kasama ang mga nakababata kong mga pinsan at kapatid.” Napansin kong nagpupunas siya ng kamay.

“Maalala ko nga pala, bakit kaya hindi sumama ang aking mga kapatid? Lalo na ang bunso naming si prinsesa Camilla?” tanong ko sa kaniya. “Mula nang maaksidente sila ng ina kong emperatris, ay hindi na siya sumusulat man lamang sa akin, nais ko sana siyang makita ngayon at makamusta. Nais ko pa naman sanang makasayaw mo siya sa iyong kaarawan.”

“Aba, ang ama mo ang iyong tanungin!” sagot ni Marius na tila naiinis. “At alam mo bang napaka lagkit ng kamay ng iyong ama?”

“Pasmado lang siguro siya?” sabi ko sa kaniya, sabay hawak sa kaniya. “Nadumihan ba ang kamay mo?” hinimas ko ang palad niyang kasing lambot ng bulak.

“Hindi naman... ngunit hindi ko gusto ang mga hawak ng iyong ama sa akin... alam mo naman iyon, hindi ba?” mahina niyang tugon. “Para bang ayaw na niya akong bitawan minsan.”

“Nasabik lang siguro siya sa iyo, at pati na rin sa akin.” Hinatak ko siya papasok sa palasyo. “Halika na, at siguradong hahanapin niya tayo sa kainan.”

Nagkakasiyahan na ang lahat sa aming pagdating.

Binati kami ng mga bisita, karamihan, namumukhaan ko pa mula sa aming kaharian. Nagtungo na kami sa tuktok ng entablado at umupo sa mahabang mesa sa tabi ng aking amang Emperador.

“Ama, hinay-hinay lang po sa pagkain, hindi po ba mukhang masyado na kayong tumataba?” paalala ko sa kaniya.

Natawa lang siya sa akin. “Wala ito, anak, hayaan mo akong magsaya at matutunaw din ito sa aking pag-uwi sa kabisera.” Kumagat siya sa hawak niyang malaking pata ng tupa bago muling magsalita. “Alam mo bang nagsisimula nanamang manggulo ang mga lahing Ignasius na nanghihimasok sa ating mga lupain sa Kanluran?”

“Hindi po ba at nagkaroon na kayo ng kasunduan mga walong taon na ang nakalilipas?” tanong ko sa kaniya. “Kada taon ay nag-uusap pa kayo para patotohanan ang mga pangako ninyo na igalang ang hangganan ng ating mga lupain.”

“Tama ka, Theo, ngunit ang mga Ignasius ay mahirap asahan sa mga usaping tulad nito,” sagot ng aking ama.

“Gayon pa man, kailangan pa rin natin silang paniwalaan sa kanilang mga pangako,” sabi naman ni Haring Domingo na nasa tabi ni ama. “Hindi pa naman napapatunayan ang mga aligasyon laban sa kaharian ng Ignus,” ani niya. “At sa tingin ko ay wala namang batayan ang mga iyon.”

“Hay, madali kang makapag bitaw ng ganiyang mga salita, kaibigan,” sabi ni ama, “palibhasa ang kaharin ng Hermosa ay isang arkipelago, nalilibutan ng tubig ang inyong lupain, samantalang ang kaharian ng Ignus, bagamat parte ng aking emperyo, at kasama namin sa iisang kontinente, ay may sariling autonomiya. Iyon ang kanilang ginagamit upang labanan ako at lalong palakihin ang kanilang lupain.” Huminga ng malalim ang aking ama at tumungga ng isang kopitang puno ng alak. Tapos ay nagpakawala ito ng napakalakas na dighay.

“Ang balitang umabot sa akin ay binibihag daw ng mga angkan ng mga Ignasius ang ilang mga mamamayan ng Apolinus,” patuloy ng ulat ni ama. ”Kinukuha raw ng mga ito ang mga likas na yaman sa lupain ng Apolinus, kaya nga nagpadala agad ako ng ilang kawal upang siguraduhing ligtas ang aming mga mamamayan na nakatira malapit sa hangganan.”

“May naiulat na po ba sila pabalik sa inyo?” tanong ko sa ama kong Emperador.

“Wala pa sa ngayon,” sagot niya, “Ngunit umaasa akong darating ang balita ngayong gabi, o bukas ng umaga.”

“Nawa’y maganda ang balitang ipaabot nila,” sabi ni Haring Domingo.

“Harinawa,” sagot ko.

Kaugnay na kabanata

  • Ginto't Pilak   Ika-limang Bahagi

    Ika-apat na Bahagi “Handa ka na ba, Marius?” kumatok ako sa pinto bago ko binuksan ito. Nakita ko si Marius, ang aking matalik na kaibigan, na nakatitig nanaman sa salamin. Tanging maiksing tuwalya lang ang kaniyang suot na nakatakip sa kaniyang p*********i, at nakita kong basa pa ang mahaba niyang buhok na kulay pilak. “Hay, hanggang ngayon ba naman ay pinagmamasdan mo pa rin ang iyong sarili?” tanong ko sa kaniya habang pumipili ng damit sa kaniyang aparador. “Magmadali ka na, Marius, parating na ang aking ama mula sa kabisera!” “Theo, sa tignin mo ba ay masyadong namumula ang aking mga mata?” tanong niya sa akin. Ako naman ay napailing. “Ayan ay dahil nagpumilit ka pang hintayin ang pag-ulan ng mga tala kagabi,” paalala ko sa kaniya. “Inabot tuloy tayo ng pagsikat ng araw.” Kinuha ko ang mas malaking tuwalya na nakabalumbon sa kaniyang kama at pinunasan ang kaniyang buhok. “Hindi kaya mapansin i

    Huling Na-update : 2021-10-21
  • Ginto't Pilak   Ika-anim na Bahagi

    Ika-anim na Bahagi “Sigurado ka bang ayaw mong kumain kasama ang iyong mga bisita?” tanong ko kay Marius pagdating ng tanghali. Kasalukuyan kaming nasa pangalawang palapag ng kuwadro ng mga kabayo. Nakahiga kami sa sahig na puno ng dayami. “Sobra akong nanghina sa dami ng mga taong bumati sa akin na hindi ko naman kilala,” sabi ni Marius na minamasahi ang magkabila niyang panga. “Kinailangan ko pang ulitin at batiin ang kanilang mga pangalan!” “Nanghina ka ba talaga? Samantalang hindi ka naman tumayo man lang sa upuan mo?” sarkastiko kong sagot. “Nakakalula pa rin iyon, Theo!” nakasimangot nanaman siya sa akin. “Buti na lang at nakamaskara ako, kung hindi, ay malamang nangalay na ang mukha ko sa pilit na pagngiti!” “Hindi mo naman kailangan ngumiti, sa ganda ng iyong mukha ay sapat na iyon pambati sa lahat ng iyong mga bisita.” Natuwa ako nang makitang namula ang mukha ni Marius. Inabot ko ang ka

    Huling Na-update : 2021-10-23
  • Ginto't Pilak   Ika-pitong Bahagi

    Ika-pitong Bahagi “Nananaginip ka ba ng gising?” naiinis kong sagot kay prinsipe Lucuis. “At paano mo naman balak makipag-bigkis sa amin ni Marius?” hindi ko napigil na matawa. “Ang proseso nang pagbibigkis ng isang enkantong Dilang Pilak ay nangyayari lamang, isang beses sa kaniyang tanang buhay, at isang tao lang ang kaniyang nakakaparehas. Paano mo nasabing nais mong makipag-bigkis sa amin?!” “Sa pamamagitan ng isang kapatiran,” sagot niya sa akin. “Sa isang samahan na hindi kayang pigtasin nino mang babae o lalaki.” “Isang samahan?” ulit ko. “Oo, isang kasunduan na maging kasangga ninyo at kapatid, habang dumadaloy ang dugo sa aking mga ugat.” Napatitig ako sa prinsipe ng Ignus, ang kaharian na matagal nang may hidwaan sa aming mga taga-Heilig. Nakatitig siya sa akin, diretso at maliwanag ang tingin ng kaniyang mga mata. “Isang kapatiran?” tanong kong muli sa kaniya.

    Huling Na-update : 2021-10-26
  • Ginto't Pilak   Ika-walong Bahagi

    Ika-walong Bahagi Nahulog ang maskara sa lapag sa pagsara ko ng pintuan sa aking silid. Agad akong hinarap ni Marius, tapos ay biglang sinampal! “Anong problema? Bakit mo ako pinagbuhatan ng kamay?” tanong ko sa kaniya. “Nakipagsayawan ka sa prinsipe ng Ignus!” singhal niya, “Bakit mo ginawa iyon? At sa tao pa na nais akong dakipin!” “Ako’y nakipag sayaw lamang!” tugon ko sa kaniya habang nakakunot ang nuo, “Bakit ka nagagalit? Isa pa, sa tingin ko ay walang kinalaman si prinsipe Lucuis sa tangkang pagdakip sa atin.” “At paano ka naman nakasisiguro?” galit pa ring tanong ni Marius. “Kinausap niya ako, kaya siya nakipag sayaw sa akin. Nais niyang makipag kaibigan sa atin!” paliwanag ko sa kaniya. “Isang kapatiran, isang pagbubuklod ng mga kaharian ang nais niya, bakit siya manggugulo sa iyong pagdiriwang kung nais niyang makipag sundo sa atin?” Natahimik si Marius, ngunit hindi nawa

    Huling Na-update : 2021-10-28
  • Ginto't Pilak   Ika-siyam na Bahagi

    Ika-siyam na Bahagi Nagmantsa ang pulang dugo sa aking puting sapin. Napansin ko lang iyon kinabukasan, nang magising ako sa tanghali. Tulog pa rin si Marius na nagpapahinga sa aking d****b. Pareho kaming walang saplot, at nababalot lang ng kumot at sa natuyo naming pawis. Hinawi ko ang pilak na buhok sa mukha ng aking sinisinta at hinalikan siya sa noo. Babalik pa sana ako sa pagtulog, nang may mahinang katok na tumunog sa aking pinto. Ako’y nainis, ngunit sa taas ng posisyon ng araw sa labas ng bintana, ay alam kong masyado nang napahaba ang aming tulog. Dahan-dahan kong inalis sa pagkakahiga sa aking d****b si Marius at marahang tumayo sa kama. Naglakad na ako papuntang pinto at binuksan ito. “Prinsipe Theodorin, magandang araw,” bati ng punong mayordomo namin na si Simon. Tumingin siya lampas sa akin, sa aking kama, at muling napatingin sa katawan ko na tela lang ang tabing. Na

    Huling Na-update : 2021-10-30
  • Ginto't Pilak   Ika-sampung Bahagi

    Ika-sampung Bahagi Natagalan kami sa pagbaba sa comedor dahil kinailangan ko pang gamutin si Marius. Buti na nga lang at naibsan ang pananakit ng kaniyang likuran at nagawang maglakad nang may alalay mula sa akin. Palabas na ng silid ang ama kong Emperador nang kami ay dumating. “Bakit ngayon lang kayo dumating?!” pagalit niyang sinabi. “Paumanhin po, mahal na Emperador,” sagot ni Marius bago pa ako makapagsalita. “Masama po ang aking pakiramdam, at kinailangan pa akong alalayan ni prinsipe Theo upang makababa rito sa comedor.” Masama ang tingin ni ama sa maskarang suot ni Marius. “Umupo na kayo.” Muli siyang bumalik patungo sa mesa. “Importante ang ating pag-uusapan.” “Kumain muna kayo...” sabi ni Haring Domingo sa aming paglapit. “Hindi! Wala nang panahon,” sabat ng aking ama. “Kasalanan nila kung sila ay magutom man. Kailangan na naming umalis sa lalong madaling panahon!

    Huling Na-update : 2021-11-02
  • Ginto't Pilak   Ika-labing-isang Bahagi

    - 11 - “Matapos ng naunang selebrasyon, ito nanaman?” naiinis na sabi ni Marius nang makarating kami sa palasyo ng Emperador. “Hayaan mo na ang kapritsohan ng aking ama, alam mo naman na mahilig siya sa mga kasiyahan.” sagot ko matapos magbuntong hininga. “Mamayang gabi pa naman ang salu-salo, sa ngayon ay makakapag pahinga pa tayo.” “Pahinga? Habang bihag ng mga taga-Ignus ang aking kapatid?” “Alam ko, Marius, makaya mo kayang alamin ang kanilang pinagtataguan?” tanong ko sa kaniya. “Kailangan ko munang magpahinga nang saglit...” sagot niya. “Bagamat binigyan mo ako ng mahika, lubhang nakapagpapagod sa akin ang ginawa nating pagtalon dito sa kapitolyo. Ikaw rin, Theo, ramdam ko na napagod ka rin, mas kailangan mong kumain at magpahinga kesa sa akin!” “Wala ito,” pilit ko. “Mas mahalaga ang malaman agad natin ang lagay ng mga hangganan ng aming bansang Apolinus, at kung pinasok nga ba

    Huling Na-update : 2021-11-04
  • Ginto't Pilak   Ika-labing-dalawang Bahagi

    - 12 - Naglabas ako ng plasma, isang mala-likidong bagay ito na nagliliyab na tila naipong kidlat. Pinalutang ko ito sa ere upang ilawan ang aming harapan. Nasa loob na kami ng lagusan, at sumara ng kusa ang pintuan nito sa pag pasok namin. Agad ko’ng napansin ang mga bakas ng sapatos sa maalikabok na daanan. Sinundan namin iyon, ngunit alam ko na ang kung sinuman na nagbalak ng masama sa amin ay matagal nang nakatakas. Umikot ito pababa at sa may dulo ay may liku-liko. Sa wakas, umabot kami sa isang pader at nakakita ng isang maliit na pintuan. Nakarinig kami ng tunog ng mga kaldero at pinggan. Pagbukas ko nito, nakita ko ang mga kusinero ng palasyo na gulat na napatingin sa amin. “P-Prinsipe Theodorin?!” sambit ng isang matabang lalaki na may dalang kutsilyo. “May nakita ba kayong taong lumabas mula rito?” tanong ko sa mga nakapaligid sa amin na isa-isang yumuko upang magbigay galang.

    Huling Na-update : 2021-11-06

Pinakabagong kabanata

  • Ginto't Pilak   One Way Talk :D

    Hello Dear Readers! ʕ•́(ᴥ)•̀ʔっ Maraming-maraming salamat po sa pagsubaybay sa kuwentong ito! Actually, ito po ay isang side story para sa mas mahabang kuwento (in English) na 'Phasma' whose story actually takes place in the new world, 10,000 years in the future. Ang Phasma po ay isang young adult fantasy adventure novel na on-going dito sa GoodNovel(hindi po ito BL or boys love ʕˆ(ᴥ)ˆʔ ) general patronage po ito, with a bit of dark fantasy here and there. Sana po ay nagustuhan ninyo ang storya na ito, at maisipang basahin din ang Phasma na sigurado po ako, ay magugustuhan din ninyo! Pwede rin po kayong magpakape kung nais pa ninyo ako'ng pasalamatan at suportahan!Hanapin n'yo lang po ako sa ko-fi dot com! look for psynoidal ʕ-(ᴥ)-ʔ may mga specials po at extras doon na naghihintay para lamang sa inyo! Muli po, salamat at mag-ingat po ang lahat! - ako

  • Ginto't Pilak   Ika-limampung Bahagi – Ang Pangwakas

    - 50 -Magkayakap kaming nagpakahulog sa aming kama.Nakabalik na kami sa silid kung saan kami nagising, kung saan kami natulog sa loob ng limang taon!Tumatawang humalik sa aking bumbunan ang pinakamamahal ko’ng kabigkis habang kinukuskos ko sa mabango niya’ng dibdib ang aking ulo.”Napakasarap ng ating pinagsaluhan kanina!” sabi niya na bahagyang nangangamoy alak ang bibig. ”Parang `di pa rin ako makapaniwalang limang taon tayo natulog, pero ibaang sinasabi ng aking tiyan! Gusto ko pa rin kumain hanggang ngayon!””Isabukas na natin iyon, mahal,” sabi ko sa kanya habang pataas ang mga halik ko sa kanyang leeg. ”Ngayong gabi, ikaw lang ang nais ko’ng kainin!”Napahagikhik si Marius.”Hindi pa rin ako makapaniwalang limang taon tayong nawala!” patuloy niya habang hinuhubad ko ang suot niya’ng tunika. &r

  • Ginto't Pilak   Ika-apatnapu't-siyam na Bahagi

    - 49 -“At bakit naman ako magiging Emperador?”Iyan ang tanong ko sa dalawang hari sa aming harapan.Napatunganga sa akin si Nico at si Haring Domingo.”Hindi ba’t dapat lang na koronahan ka na namin bilang punong tagapamahala sa bagong mundo’ng ito?” sabi ni Haring Domningo.”Hindi naman ako papayag na mas mataas pa ang posisyon ko sa iyo!” sabi naman ni Nico na sumimangot sa akin. ”Hindi ako pinanganak na dugong bughaw, at sa totoo lang, hindi ko ginusto ang posisyon na `to, kung `di lang `to pinilit sa `kin ng mga tao!””Pero bagay na bagay ito sa `yo!” sabi ni Marius na nakangiti sa kaniya.“Ay, ikay, Dilang Pilak! Ngayon lang kita narinig magsalita, pero `wag mo ako’ng ma-utuasang manatili sa posisyo’ng ito, ha?” biro nito sa aking kabigkis.“Pero, hindi ba’t bagong

  • Ginto't Pilak   (48) Ika-apatnapu't-walong Bahagi

    - 48 -Nilibot naming dalawa ni Marius ang mga tindahan. May mga nagkakalakal ng damit sa isang tindahan, at kapalit ng suot naming makapal na tunika, ay kumuha kami ni Marius ng tig-isang balabal. Namasyal kami sa paligid at naaliw sa mga tanawin nang mga tao na sama-sama – mapa Heilig, Ravante, o Ignasius man. Lahat sila masayang nagbabatian at nagtutulungan. Binigyan nila kami ng mga pagkain, laruan, at mga palamuti. Isang kumonidad na walang discriminasyon sa isa’t-isa.May grupo ng mga bata na lumapit kay Marius. Mga batang ginto ang buhok ngunit madilim ang kulay ng mga mata. Mga pulang buhok na kasing bughaw ng langit ang mata. Mukhang ito na nga ang pinangarap naming mundo kung saan ang lahat ay pantay-pantay at nagkakaisa.Nagdala ang mga bata ng mababangong bulaklak na ikinuwintas nila sa aking kapares. Tuwang-tuwa naman si Marius na nakipagsayawan at nakipaglaro sa kanila, hanggang sa buma

  • Ginto't Pilak   (47) Ika-apatnapu't-pitong Bahagi

    - 47 -Katabi ko na si Marius sa aking paggising.Nakahiga kami sa malapad at malambot na kama sa isang silid na bago sa akin. Natatakpan kami ng kumot, at kapwa nakasuot ng manipis na tunika na yari sa malambot na tela.Lumapit ako upang siya ay yakapin ng mahigpit. Maayos na ang aking pakiramdam, wala nang pagod. Hinalikan ko ang dulo ng ilong ni Marius at napangiti nang unti-unti siyang dumilat.“Kamusta, mahal?” tanong ko sa kaniya.“Inaantok pa,” sagot niya na nagsumiksik muli sa aking dibdib.“Ayaw ko pa ring bumangon...”Hinawakan ko ang kaniyang baba at itinaas ito upang halikan ang matatamis niyang labi. Nangiti si Marius na gumanti rin ng halik at binalot ang kaniyang mga braso sa aking batok.Lumalim ang aming mga halik. Pumaibabaw ako sa katawan niyang porselana, hinimas ang mala-sutla niyang balat mula leeg papunta sa kaniyang dibdib,

  • Ginto't Pilak   (46) Ika-apatnapu't-anim na Bahagi

    - 46 - “Saan kayo nanggaling!?” tanong ni Haring Domingo na may halong takot at galit. “Dalawang linggo kayo nawala!” “Ha?” gulat na bigkas ni Nico, “Pero wala pa kaming dalawang oras sa kabilang mundo!” “Kabilang mundo?” muling tanong ng hari. “Sinasabi ko na nga ba ipipilit ninyo itong gawin!” “Nagawa naming magbukas ng lagusan papunta sa ibang mundo, ama.” sagot ni Marius sa kaniya. “Maaari tayong manirahan doon hanggang sa mawala ang salot sa hangin dito sa ating mundo.” “Kung may maililikas pa tayo!” sagot ni Haring Domingo. “Bakit po, may nangyari nanaman ba?” tanong ni Nico. “Nang gabi na kayo ay nawala, dumating ang malalaking alon. Nagawa nitong lampasan ang matataas na bahura at bulubundukin na hinarang ni Theodorin.” salaysay ni Haring Domingo. “Bagamat hindi na kasing lakas dahil sa mga harang, marami pa rin ang natupok sa pagbahang dulot ng mga alon.” “Ang

  • Ginto't Pilak   (45) Ika-apatnapu't-limang Bahagi

    - 45 - Bumagsak ako sa makapal na halaman na may mga itim na prutas.Tumingin ako sa paligid at nakita ang aking mga kasamahan na nagpapagpag ng sarili.“Isa itong puno ng igos.” sabi ni kuya Aurelio na agad pumitas at kumagat ng isa. “At lasa rin itong igos!”“Hinay-hinay lang, baka sa mundong ito, ay lason ang punong iyan!” paalala ko sa kaniya.Tumingin lang sa akin ang kapatid ko, tapos ay lumapit sa isa pang halaman. “Eto naman ay granada.” Pumitas siya ng isa, biniyak ito sa gitna, at kinain ang mga buto sa gitna nito. “Hayaan ninyong subukan ko kung lason nga ang mga halaman dito.”Muli ko sana siyang sasabihan, nang bigla siyang batukan ni Nico!“Baliw, pwede natin subukan `yan sa ibang paraan, kesa ipahamak mo pa ang sarili mo,” sabi nito. Tinitigan siya ni Aurelio, nanlalaki ang mga mata. Bilang isang prinsipe

  • Ginto't Pilak   (44) Ika-apatnapu't-apat na Bahagi

    - 44 - Sa halip na magpaliwang pa, ay dinala na lang ako nina Nico sa may dalampasigan. Libu-libong mga patay na isda at iba pang mga yamang dagat ang lumulutang dito. Puro sila walang buhay, ay halos matakpan na nila ang buong dalampasigan.“Nagkalat sila sa buong kahabaan ng kanlurang bahari ng isla.” sabi ni Marius sa tabi niya. “At napansin mo rin ba ang tubig?“Kulay itim ito...” sagot ko. Marahil ay dahil ito sa dami ng mga patay na isda sa paligid...“Isipin mo na lang ang magiging epekto nito sa mga tao?” sabi ni Nico. “Buti na nga lang at walang umiinom ng tubig alat, pero pano na `pag inabot ng salot pati ang tubig natin na galing sa ilalim ng lupa?!”“Theo,” kinapitan ni Marius ng mahigpit ang kamay ko. “Hindi natin alam ang maaari pang mangyari sa susunod na mga araw... at sa tingin ko ay hindi na natin ito dapat hintayin pa.&rd

  • Ginto't Pilak   (43) Ika-apatnapu't-tatlong Bahagi

    - 43 - Ilang oras pa ay nasa may Timog na kami ng Ignus, muling nagsasakay ng mga mamamayan. Nasabihan na namin nang nakaraang araw ang mga taga Ignus na pumunta rito, at ngayon nga ay nasa dalawang-libong katao ang kasalukuyang sumasakay sa mga dala naming Lipad-Ulap upang lumikas sa Hermosa. “Salamat! Mga ginoo!” tawag nila sa amin. Kulay pula ang mga mukha nila mula sa alikabok at buhangin sa disyerto. “Salamat sa aming mga tagapagligtas!” “Ginagawa lang po namin ang gagawin ng sinuman, para sa mga kapwa nilang nangangailangan ng tulong.” tugon ko sa kanila. “Napakadakila talaga ng bago nating emperador!” at lahat sila ay pumuri sa akin. Napangiti na lang ako at kumaway, at bago pa sila magpuri pang muli ay pumanik na ako sa aming Lipad-Ulap kung saan pinapanood ni Marius ang mga tao. “Mahal na mahal nila tayo,” sabi niya sa akin. “Mamahalin nila ang sinumang tutulong sa kanila,” sagot ko

DMCA.com Protection Status