Home / LGBTQ + / Ginto't Pilak / Ika-anim na Bahagi

Share

Ika-anim na Bahagi

Author: psynoid_al
last update Last Updated: 2021-10-23 12:28:40

Ika-anim na Bahagi

“Sigurado ka bang ayaw mong kumain kasama ang iyong mga bisita?” tanong ko kay Marius pagdating ng tanghali.

Kasalukuyan kaming nasa pangalawang palapag ng kuwadro ng mga kabayo. Nakahiga kami sa sahig na puno ng dayami.

“Sobra akong nanghina sa dami ng mga taong bumati sa akin na hindi ko naman kilala,” sabi ni Marius na minamasahi ang magkabila niyang panga. “Kinailangan ko pang ulitin at batiin ang kanilang mga pangalan!”

“Nanghina ka ba talaga? Samantalang hindi ka naman tumayo man lang sa upuan mo?” sarkastiko kong sagot.

“Nakakalula pa rin iyon, Theo!” nakasimangot nanaman siya sa akin. “Buti na lang at nakamaskara ako, kung hindi, ay malamang nangalay na ang mukha ko sa pilit na pagngiti!”

“Hindi mo naman kailangan ngumiti, sa ganda ng iyong mukha ay sapat na iyon pambati sa lahat ng iyong mga bisita.”

Natuwa ako nang makitang namula ang mukha ni Marius. Inabot ko ang kaliwang kamay niya at hinalikan iyon ng ilang ulit.

“A-ano ang iyong ginagawa?” tanong niya sa akin.

“Tinatabunan ko lang ang h***k ng prinsipe ng Ignus,” sagot ko. “Napaka lakas ng loob ng lalaking iyon na lapitan ka at h***kan ang iyong kamay! Hindi ba niya alam na ipinagbabawal ang pagkapit sa mga Ravante nang basta kung sino lamang?!”

“Pero isa rin siyang prinsipe...” sabi ni Marius. Napatingin ako sa kaniya nang masama.

“Kahit na hari pa siya ng Ignus, ang kamay na ito ay sa akin lamang!” singhal ko sa aking kabigkis.

Napatingin ako kay Marius. Nanlaki ang mga mata niya.

“Pasensya na, hindi ko sinasadyang pagtaasan ka nang boses... ngunit, hindi ka dapat pumayag na hawakan ka niya!”

“Hindi ko rin naman akalain na hahawakan niya ako! Nais pa raw niyang makita ang aking mukha,” sinabi niya, may mapaglarong ngiti sa mukha. “Ano sa tingin mo, Theo, paunlakan ko kaya siya?”

Tila nanikip ang aking dibdb, habang nag-init naman ang aking mukha. Hinatak ko si Marius palapit sa akin. Natawa pa siya, isang napaka gandang tinig sa aking mga taenga. Nahulog siya sa aking bisig, kung saan ko siya agad niyakap.

“Mangako ka sa akin na hindi mo aalisin ang iyong maskara hangga't hindi natatapos ang iyong kaarawan,” sabi ko sa kaniya.

Lalong natawa si Marius. “Ito ba ay isang utos, o isang hiling?” nakangiti niyang tanong.

Lalo pang kumunot ang aking noo sa kaniyang panunukso. Patuloy pa siyang tumawa. Niyakap niya ako at h*****k sa aking pisngi, at dama ko ang init na iniwan ng pagdampi ng kaniyang mga labi. Bagamat naiinis pa rin, dinaganan ko siya at hinalikan sa bibig.

Napatingin sa akin si Marius.

Natigil na ang kaniyang pagtawa.

Tatayo na sana ako, nang hawakan niya ang aking batok at ibalik ang aking h***k. Ngunit kakaiba ang h***k niya. Matagal niyang idiniin ang kaniyang mga labi sa akin. Nakapikit ang kaniyang mga mata, at kasabay nang h***k na iyon, ay hinimas niya ang aking balikat at leeg.

Nakadama ako nang kakaibang kuryente sa pagkayakap niya sa akin. Napapikit na rin ako. Naramdaman kong bumuka ang bibig ni Marius na h*****k sa gilid ng aking bibig. Mamasa-masa ito na gumapang sa aking panga, tapos ay bumalik sa aking labi. Nanginig ang aking katawan sa kakaibang kilig.

Sa pagdilat ko, nakita ko ang mga mata niyang lilak na nakatingin sa aking gintong mga mata. Mapungay sila at nangungusap.

Nakadama ako ng kakaibang paninikip sa aking d****b. Alam ko na ang kaniyang h***k ay hindi lang h***k ng isang matalik na kaibigan.

“Theo...” binulong niya ang pangalan ko at muling nanginig ang aking katawan. “Mahal kita.”

“Marius...” hinimas ko ang kaniyang magandang mukha, hinawi ang pilak na buhok sa likod ng kaniyang tainga. “Mahal na mahal din kita, kabigkis ko.”

Muli kaming naghalikan. Bumukas ang kaniyang bibig na tinakpan ng aking mga labi. Nagtagpo ang mga dila naming nakipag laro sa isa’t-isa. Inikot niya ang mga braso niya sa aking balikat, habang hinihimas ko naman ang katawan niya.

Tila `di namin mapigilan ang sarili, ngunit `di rin malaman ang gagawin. Nang maghiwalay kami, pareho kaming naghahabol ng hininga. Napatingin kami sa isa’t-isa at natawa, at nagyakapan muli.

Wala na sana kaming balak bumaba pa sa kuwadro na aming pinagtataguan. Gusto ko na lang makayakap at makahalikan si Marius hanggang gabi, ngunit nagpadala ng mensahe sa akin ang aking ama.

‘Theo! Nasaan na kayo?’ sabi ng isang mahiwagang papel na lumipad at nahulog sa aking harapan. ‘Kanina pa kayo hinahanap ni Haring Domingo! May nangyari ba sa inyo, anak?’

“Nagpapahinga lang po kami, ama,” nahihiya kong sulat sa likod ng papel. “Pabalik na po kami sa kasiyahan!” hinipan ko ang papel at pinabalik sa kinaroroonan ng aking ama.

Nagmamadali kaming naghiwalay at nag-ayos ni Marius. Itinaas ko ang aking hintuturo at inikot ito. May dumating na hangin na umikot sa aming dalawa, nang mawala ito, ay wala na rin ni-isang dayaming nakadikit sa amin.

“Halika na, Marius, hinihintay na nila tayo sa iyong handaan.” sabi ko sa kaniya matapos ayusin ang kaniyang buhok.

Kinuha niya ang maskara sa kaniyang tabi at tumalikod sa akin.

“Matapos ng kaarawan kong ito, matapos kong maging ganap na lalaki, maari na tayong lumuwas sa kaharian at pumunta sa kahit saan nating ibigin,” sabi niya habang tinatali ko ang maskara. “Hindi na natin kailangan ang gabay ng mga matatanda... ng aking ama... ng iyong ama...” patuloy niya.

“Hindi iyon ganoong kadali, Marius,” sabi ko sa kaniya, “Alam mo naman na may mga responsibilidad pa tayo sa ating mga bansa...”

“Pero mas may kalayaan na tayo ngayon, hindi ba?” tanong niyang muli na biglang humarap sa akin.

“Oo, sa ilang mga bagay,” sagot ko.

“Gusto kong maglakbay!” sabi nila, “Gusto kong malibot ang buong imperyo, at lumampas sa ating mga hangganan!”

Napangiti ako sa mga pangarap niya. “Oo, ako rin,” sagot ko na lang. “Pero sa ngayon, dito muna tayo sa iyong kaarawan. Halika, may handaan pa tayong dadayuhin.”

Magkahawak kamay kaming pumasok sa malawak na bulwagan. Nakaharap sa amin ang lahat ng mga bisitang pangrangal. Nagpalakpakan sila sa pagbaba namin sa hagdanan, hanggang sa umabot kami ni Marius sa mahabang lamesa sa entablado kung saan nakapuwesto ang mga pinuno ng iba’t-ibang bansa at kaharian.

Lumapit sa amin si Haring Domingo at isinama si Marius sa gitna ng entablado.

“Sa Kataas-taasang Emperador Leonsio Apolinario Fernando Heilig, ang Namumuno sa Mundo ng mga tao, ang Panginoon ng Lahat ng Nasa Ilalim ng Bughaw na Kalangitan, ang Nagmamay-ari sa Lahat ng Lupaing Luntian, sa aming mga katulad na hari, mga maharlika, at sa lahat ng mga panauhin sa araw na ito, kinagagalak ko at pinasasalamatan ang inyong pagdating at pakikipagdiwang sa napaka sayang araw na ito.” ika ni Haring Domingo. “Salamat at pinaunlakan ninyo ang aking imbitasyos, sa kaarawan ng aking anak at tagapag-mana na si Prinsipe Claudius Marius Angelo Ravante.”

Muling nagpalakpakan ang mga tao. Kumaway naman si Marius at humarap sa magkabilang dako, suot ang gintong maskara.

“Ngayon ay ang ika-labing-walong taonng kaarawan ng aking anak. Nakahanda na siya’ng mamuno sa aming kaharian, sumapit man ang araw o pagkakataon na ako ay bumaba sa aking pusisyon bilang hari,” patuloy niya sa kanyana talampati. “Handa na rin siyang humarap sa mundo bilang aking katambal. Kaya’t ang ano mang gawin o sabihin niya, ay mula na rin sa hari ng Hermosa, at ang ano mang paglapastangan sa kaniya ay siyang lapastangan din sa hari ng Hermosa at sa buong angkan ng mga Ravante.”

Humarap siya sa kaniyang anak at inalis ang malaking singsing sa kaniyang hinlalato na may marka ng hari ng Hermosa; ang bilog na buwan na nasa loob ng cresento. Isinuot niya ito sa daliri ng kaniyang anak.

“Mabuhay ka, Claudius Marius Angelo Ravante, ang ika-250 hari ng kaharian ng Hermosa!” ika ni Haring Domingo.

“Mabuhay!” sigaw ng lahat. “Mabuhay ka, Claudius Marius Angelo Ravante! Hari ng Hermosa!”

Nagsimula na ang kasiyahan matapos ag pasa ng sing-sing. Sunud-sunod ang dating ng masasarap na putahe, walang tigil din ang buhos ng matamis na alak sa aming mga kopita. Sa harap namin ay nagpagalingan ang iba’t-ibang mga aktor, mga mananayaw, mga mang-aawit at mga makata. May kasama pang mga mababangis na hayop ang ilan na gumulong sa aming harapan na tila mababait na mga tupa, at mga kakaibang makina na kumikilos mag-isa, kahit walang mahika na nagpapaandar sa kanila!

Napaka saya ng kaarawan ni Marius, at `di ko mapigil sa sarili na sumama ang loob ng bahagya, dahil hindi ako pinarangalan ng aking amang Emperador na tulad nito, noong ako’y nagbinata na.

Sa bagay, iba ang kaugalian sa aming bansa.

Kung dito sa Hermosa, ay kinakatawan na ni Marius ang hari, ako naman ngayon, kahit pa dalawampung taong gulang na, ay isa pa ring prinsipe na walang kapangyarihan laban sa kataas-taasang Emperador na aking ama. Kahit pa ako ang napili niyang humalili sa kaniya balang araw.

“Ilabas niyo pa ang alak! Mahaba pa ang gabi!” masayang utos ng aking amang Emperador. May dalawang magagandang dalagang Ravante sa magkabila niyang tabi na tuwang-tuwa sa paglingkod sa kaniya.

“Mahaba pa kaya ito?” tanong ni Marius sa tabi ko.

“Hindi ka ba natutuwa? Ang lahat ng ito ay para sa iyo!” tumatawa kong sagot sa kaniya.

“Mas gugustuhin ko pang bumalik sa kuwadro at mahiga sa dayami habang kayakap ka.”

Naramdaman kong mag-init ang aking mukha.

“Malapit nang matapos ang mga palabas, kasunod daw nito ang sayawan... ayaw mo bang makipagsayaw sa akin?” sabi ko, upang mapilit siyang manatili pa sa bulwagan.

“Haay...” buntong hininga ni Marius. “kung maari lang sana, ikaw lang ang aking kasayaw...”

Natapos na nga ang mga palabas. Nagsimula nang tumugtog ang mga musikero ng kaharian.

Tumayo ako sa aking upuan at inabot ang kamay ni Marius na tumayo at sumunod sa akin sa gitna ng bulwagan. Tumango kami sa isa’t-isa at naghawak ng kamay. Tumayo na rin at lumapit ang iba pang mga panauhin upang sumunod sa aming pagsayaw.

“Huwag mo akong iiwan?” bulong sa akin ni Marius.

“Alam mong hindi iyon maaari,” nakangiti kong tugon. “Kailangan mo ring makipag-sayaw sa iba pang mga prinsesa at prinsipe na nais kang makaparehas...”

“Ayoko sa kanila,” sambit niya. “Hindi ba tayo maaring tumakas?”

“Lahat sila ay nakatingin sa iyo, Marius...”

May lumapit na nga sa aming isang prinsesa. Mula siya sa kaharian ng Hiraya, isa sa aking mga pinsan, kung `di ako nagkakamali...

“Maari po ba akong makahiling ng sayaw sa prinsipe ng Hermosa?” magalang niyang tanong sa amin habang nakayuko.

Nakasuot man ng maskara, alam kong napasimangot ang aking kabigkis, ngunit inabot niya ang kamay ng aking pinsan at nagsimula na silang sumayaw.

Pinanood ko sila sa isang tabi, iniisip na sana, kami nga lang dalawa ang nagsasayaw sa silid.

“Napaka sayang okasyon, hindi ba?” tanong ng isang tinig sa aking likuran. Napalingon ako at nakita ang prinsipe ng Ignus.

“Siya nga,” maiksi kong sagot.

“Maari ba akong makahiling ng sayaw sa iyo?” tanong niya sa akin.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. “Ipag-paumanhin mo sana, ako ay wala nang ganang sumayaw pa,” sagot ko sa kaniya.

“Ganoon ba?” natawa siya. “Naisip ko pa naman na nais ko ring makapareho ang susunod na Emperador. Napaka galing mo pa namang sumayaw kasama ni Marius.”

Napatingin ako sa kaniya ng masama. “Magaling din si ’Prinsipe’ Marius, ’Prinsipe’ Lucius.” sabi ko, “At sa tingin ko ay mas gugustuhin ng mga panauhing prinsesa na makaparehas ka.”

Patalikod na sana ako nang muli siyang magsalita.

“Tama ka, ngunit mas gugustuhin nilang makapareha si Marius,” ika niya.

Napatingin nga ako sa aking kabigkis na may bago nang kasayaw. May mahabang pila ng mga prinsesang naghihintay sa kanilang pagkakataon na makaparehas siya.

“Mukhang matatagalan pa ang iyong paghintay sa iyong kabigkis,” ika ni Prinsipe Lucius sa akin. Napatingin ako sa kaniya nang masama. “Bakit hindi ka muna makipag sayaw sa akin?” nakangiti niyang alok.

Muli akong napatingin kay Marius. Napaka galing niyang sumayaw, na para bang isa siyang dahon na dahan-dahang pinaiikot ng hangin sa himpapawid. Napaka ganda niya talaga... napaka perpekto.

“Isang sayaw,” sagot ko kay Prinsipe Lucius. “Tapos ay babalik na ako sa aking upuan.”

Hinawakan niya ang aking kamay. Balak ko sanang manguna, ngunit bigla niya akong hinatak at hinawakan sa bewang.

Nanigas ang aking katawan!

“Ako ang humiling sa iyo ng isang sayaw,” ika niya, “Hayaan mong ipakita ko sa `yo ang sayaw ng mga taga-Ignus.”

Idinikit niya ang aking katawan sa kaniyang katawan, tapos ay bumaba sa aking bewang ang kaniyang kaliwang kamay. Isinunod niya ako sa kaniyang paggewang. Inikot niya ako, at muntik akong mahulog, pero hawak niya ako sa likod, at dahan-dahan akong inangat habang nakatitig sa aking mga mata.

Tinulak ko siya ng marahan nang kami ay makatayo nang maayos. “Hindi ako babae” galit kong sinabi sa kaniya. “Huwag mo akong tratuhin na parang babae!”

“Tulad nang pagtrato mo kay Marius?” sabi niya, nakangiti nang pang-asar sa akin.

Napatingin ako kay Marius. Nakatayo lang siya, nakakapit pa rin sa kaniyang kaparehas na nagtataka. Nakatitig siya sa akin, at mukhang galit ang kaniyang mga mata.

Bumitaw ako kay Prinsipe Lucius at naglakad pabalik sa aking upuan.

“Paumanhin,” habol niya sa akin, “Hindi ko sinasadyang mainsulto ka.”

“Lubayan mo ako,” sagot ko sa kaniya.

“Nais ko lang makausap ka...” patuloy niya. “Nais kong mapalapit sa iyo.”

“Hindi ako interesado sa iyo,” sagot ko matapos umikot upang harapin siya.

Bigla siyang natawa. “Ibang interes ang nais ko...”

Muli ko siyang tinitigan nang masama.

“Tanggap man ang pagmamahalan ng kapwa lalaki sa ating lipunan, alam natin na hindi sila maaring maging-isa. Kailangan pa rin ninyo kumuha ng makakaparehas na Reyna upang maipag-patuloy ang inyong mga linya.” Nakangiti nanaman siya nang pang-asar a akin. “Ngunit may ibang paraan upang tayo ay maging higit pa sa magkaparehas, tulad ng iyong relasyon kay Marius.”

“Ano ang ibig mong sabihin?” naiinis kong tinanong.

“Nais ko lang makipag-kaibigan sa iyo. Sa inyong dalawa ni Marius.”

“Ni ’Prinsipe’ Marius!” ulit ko sa kaniya.

“Tama... sa susunod na hari ng Hermosa at sa susunod na Emperador ng kaharian ng Heilig. Nais kong makipag bigkis sa inyong dalawa.”

psynoid_al

≧◠0◠≦✌ `pa vote naman dayan! `At wag kalimutang i-add sa Library! at sana po makapagsulat din kayo ng review :)

| Like

Related chapters

  • Ginto't Pilak   Ika-pitong Bahagi

    Ika-pitong Bahagi “Nananaginip ka ba ng gising?” naiinis kong sagot kay prinsipe Lucuis. “At paano mo naman balak makipag-bigkis sa amin ni Marius?” hindi ko napigil na matawa. “Ang proseso nang pagbibigkis ng isang enkantong Dilang Pilak ay nangyayari lamang, isang beses sa kaniyang tanang buhay, at isang tao lang ang kaniyang nakakaparehas. Paano mo nasabing nais mong makipag-bigkis sa amin?!” “Sa pamamagitan ng isang kapatiran,” sagot niya sa akin. “Sa isang samahan na hindi kayang pigtasin nino mang babae o lalaki.” “Isang samahan?” ulit ko. “Oo, isang kasunduan na maging kasangga ninyo at kapatid, habang dumadaloy ang dugo sa aking mga ugat.” Napatitig ako sa prinsipe ng Ignus, ang kaharian na matagal nang may hidwaan sa aming mga taga-Heilig. Nakatitig siya sa akin, diretso at maliwanag ang tingin ng kaniyang mga mata. “Isang kapatiran?” tanong kong muli sa kaniya.

    Last Updated : 2021-10-26
  • Ginto't Pilak   Ika-walong Bahagi

    Ika-walong Bahagi Nahulog ang maskara sa lapag sa pagsara ko ng pintuan sa aking silid. Agad akong hinarap ni Marius, tapos ay biglang sinampal! “Anong problema? Bakit mo ako pinagbuhatan ng kamay?” tanong ko sa kaniya. “Nakipagsayawan ka sa prinsipe ng Ignus!” singhal niya, “Bakit mo ginawa iyon? At sa tao pa na nais akong dakipin!” “Ako’y nakipag sayaw lamang!” tugon ko sa kaniya habang nakakunot ang nuo, “Bakit ka nagagalit? Isa pa, sa tingin ko ay walang kinalaman si prinsipe Lucuis sa tangkang pagdakip sa atin.” “At paano ka naman nakasisiguro?” galit pa ring tanong ni Marius. “Kinausap niya ako, kaya siya nakipag sayaw sa akin. Nais niyang makipag kaibigan sa atin!” paliwanag ko sa kaniya. “Isang kapatiran, isang pagbubuklod ng mga kaharian ang nais niya, bakit siya manggugulo sa iyong pagdiriwang kung nais niyang makipag sundo sa atin?” Natahimik si Marius, ngunit hindi nawa

    Last Updated : 2021-10-28
  • Ginto't Pilak   Ika-siyam na Bahagi

    Ika-siyam na Bahagi Nagmantsa ang pulang dugo sa aking puting sapin. Napansin ko lang iyon kinabukasan, nang magising ako sa tanghali. Tulog pa rin si Marius na nagpapahinga sa aking d****b. Pareho kaming walang saplot, at nababalot lang ng kumot at sa natuyo naming pawis. Hinawi ko ang pilak na buhok sa mukha ng aking sinisinta at hinalikan siya sa noo. Babalik pa sana ako sa pagtulog, nang may mahinang katok na tumunog sa aking pinto. Ako’y nainis, ngunit sa taas ng posisyon ng araw sa labas ng bintana, ay alam kong masyado nang napahaba ang aming tulog. Dahan-dahan kong inalis sa pagkakahiga sa aking d****b si Marius at marahang tumayo sa kama. Naglakad na ako papuntang pinto at binuksan ito. “Prinsipe Theodorin, magandang araw,” bati ng punong mayordomo namin na si Simon. Tumingin siya lampas sa akin, sa aking kama, at muling napatingin sa katawan ko na tela lang ang tabing. Na

    Last Updated : 2021-10-30
  • Ginto't Pilak   Ika-sampung Bahagi

    Ika-sampung Bahagi Natagalan kami sa pagbaba sa comedor dahil kinailangan ko pang gamutin si Marius. Buti na nga lang at naibsan ang pananakit ng kaniyang likuran at nagawang maglakad nang may alalay mula sa akin. Palabas na ng silid ang ama kong Emperador nang kami ay dumating. “Bakit ngayon lang kayo dumating?!” pagalit niyang sinabi. “Paumanhin po, mahal na Emperador,” sagot ni Marius bago pa ako makapagsalita. “Masama po ang aking pakiramdam, at kinailangan pa akong alalayan ni prinsipe Theo upang makababa rito sa comedor.” Masama ang tingin ni ama sa maskarang suot ni Marius. “Umupo na kayo.” Muli siyang bumalik patungo sa mesa. “Importante ang ating pag-uusapan.” “Kumain muna kayo...” sabi ni Haring Domingo sa aming paglapit. “Hindi! Wala nang panahon,” sabat ng aking ama. “Kasalanan nila kung sila ay magutom man. Kailangan na naming umalis sa lalong madaling panahon!

    Last Updated : 2021-11-02
  • Ginto't Pilak   Ika-labing-isang Bahagi

    - 11 - “Matapos ng naunang selebrasyon, ito nanaman?” naiinis na sabi ni Marius nang makarating kami sa palasyo ng Emperador. “Hayaan mo na ang kapritsohan ng aking ama, alam mo naman na mahilig siya sa mga kasiyahan.” sagot ko matapos magbuntong hininga. “Mamayang gabi pa naman ang salu-salo, sa ngayon ay makakapag pahinga pa tayo.” “Pahinga? Habang bihag ng mga taga-Ignus ang aking kapatid?” “Alam ko, Marius, makaya mo kayang alamin ang kanilang pinagtataguan?” tanong ko sa kaniya. “Kailangan ko munang magpahinga nang saglit...” sagot niya. “Bagamat binigyan mo ako ng mahika, lubhang nakapagpapagod sa akin ang ginawa nating pagtalon dito sa kapitolyo. Ikaw rin, Theo, ramdam ko na napagod ka rin, mas kailangan mong kumain at magpahinga kesa sa akin!” “Wala ito,” pilit ko. “Mas mahalaga ang malaman agad natin ang lagay ng mga hangganan ng aming bansang Apolinus, at kung pinasok nga ba

    Last Updated : 2021-11-04
  • Ginto't Pilak   Ika-labing-dalawang Bahagi

    - 12 - Naglabas ako ng plasma, isang mala-likidong bagay ito na nagliliyab na tila naipong kidlat. Pinalutang ko ito sa ere upang ilawan ang aming harapan. Nasa loob na kami ng lagusan, at sumara ng kusa ang pintuan nito sa pag pasok namin. Agad ko’ng napansin ang mga bakas ng sapatos sa maalikabok na daanan. Sinundan namin iyon, ngunit alam ko na ang kung sinuman na nagbalak ng masama sa amin ay matagal nang nakatakas. Umikot ito pababa at sa may dulo ay may liku-liko. Sa wakas, umabot kami sa isang pader at nakakita ng isang maliit na pintuan. Nakarinig kami ng tunog ng mga kaldero at pinggan. Pagbukas ko nito, nakita ko ang mga kusinero ng palasyo na gulat na napatingin sa amin. “P-Prinsipe Theodorin?!” sambit ng isang matabang lalaki na may dalang kutsilyo. “May nakita ba kayong taong lumabas mula rito?” tanong ko sa mga nakapaligid sa amin na isa-isang yumuko upang magbigay galang.

    Last Updated : 2021-11-06
  • Ginto't Pilak   Ika-labing-tatlong Bahagi

    - 13 - Nagkakagulo sa palasyo nang kami ay nagbalik. Bitbit ko pa ang natutulog na si Marius sa aking mga bisig na nakatalukbong sa aking balabal. “Prinsipe Theodorin!” tawag ng isang sundalo na nakakita sa amin. “Saan po kayo nanggaling? Kanina pa po kayo pinahahanap ng inyong amang Emperador!” “Namasyal lang kami ni prinsepe Marius.” sagot ko sa kaniya. “Nasaan ang aking ama ngayon?” “Nasa silid aklatan po, kausap ang kaniyang mga heneral at mga tagapag-payo,” muling sagot ng sundalo. Tuluyan akong naglakad papunta sa silid aklatan. Dito madalas magpatawag ng pagpupulong ang aking ama, lalo na tungkol sa mga mahahalagang bagay ukol sa imperyo. Napayuko ang mga sundalong nadaanan namin, mga mukhang alalang-alala at gulat sa aming biglang paglitaw. “Narito na ang prinsipe Theodorin!” pahayag ng bantay sa may pinto ng silid aklatan bago niya kami papasukin. Nakatayo ang mga tao

    Last Updated : 2021-11-09
  • Ginto't Pilak   Ika-labing-apat na Bahagi

    Ika-labing-apat na Bahagi Hindi pa rin nagigising si Marius. Kinuha ko ang bote ng gamot na hinalo ni maestro Flores at binuksan ito. Agad napuno ang silid ng napaka baho nitong amoy! Pinikit ko ang aking mata, isinubo ang bote, at ininom ito. Ang pait! Ang anghang at parang sinisilaban ang aking bibig! Hindi ko iyon nilunok. Nilapitan ko si Marius sa kama, ibinuka ang kaniyang bibig at hinalikan siya, upang kaniyang mainom ang gamot. Sinara ko ang bibig ni Marius at pinagmasdan ang kakaibang liwanag na dumaan sa kaniyang lalamunan. Nanatili ang liwanag sa kaniyang leeg, bago ito kumalat sa kaniyang katawan at tuluyang naglaho. Biglang dumilat ang mga mata ni Marius! Bumuka ang kaniyang bibig, na para bang may nakain siyang masama na pilit niyang isinusuka. “Huwag!” tawag ko sa tabi niya, “Pinainom kita ng gamot, kailangan mo iyan para agad kang gumaling!” Napatingin siya sa akin,

    Last Updated : 2021-11-11

Latest chapter

  • Ginto't Pilak   One Way Talk :D

    Hello Dear Readers! ʕ•́(ᴥ)•̀ʔっ Maraming-maraming salamat po sa pagsubaybay sa kuwentong ito! Actually, ito po ay isang side story para sa mas mahabang kuwento (in English) na 'Phasma' whose story actually takes place in the new world, 10,000 years in the future. Ang Phasma po ay isang young adult fantasy adventure novel na on-going dito sa GoodNovel(hindi po ito BL or boys love ʕˆ(ᴥ)ˆʔ ) general patronage po ito, with a bit of dark fantasy here and there. Sana po ay nagustuhan ninyo ang storya na ito, at maisipang basahin din ang Phasma na sigurado po ako, ay magugustuhan din ninyo! Pwede rin po kayong magpakape kung nais pa ninyo ako'ng pasalamatan at suportahan!Hanapin n'yo lang po ako sa ko-fi dot com! look for psynoidal ʕ-(ᴥ)-ʔ may mga specials po at extras doon na naghihintay para lamang sa inyo! Muli po, salamat at mag-ingat po ang lahat! - ako

  • Ginto't Pilak   Ika-limampung Bahagi – Ang Pangwakas

    - 50 -Magkayakap kaming nagpakahulog sa aming kama.Nakabalik na kami sa silid kung saan kami nagising, kung saan kami natulog sa loob ng limang taon!Tumatawang humalik sa aking bumbunan ang pinakamamahal ko’ng kabigkis habang kinukuskos ko sa mabango niya’ng dibdib ang aking ulo.”Napakasarap ng ating pinagsaluhan kanina!” sabi niya na bahagyang nangangamoy alak ang bibig. ”Parang `di pa rin ako makapaniwalang limang taon tayo natulog, pero ibaang sinasabi ng aking tiyan! Gusto ko pa rin kumain hanggang ngayon!””Isabukas na natin iyon, mahal,” sabi ko sa kanya habang pataas ang mga halik ko sa kanyang leeg. ”Ngayong gabi, ikaw lang ang nais ko’ng kainin!”Napahagikhik si Marius.”Hindi pa rin ako makapaniwalang limang taon tayong nawala!” patuloy niya habang hinuhubad ko ang suot niya’ng tunika. &r

  • Ginto't Pilak   Ika-apatnapu't-siyam na Bahagi

    - 49 -“At bakit naman ako magiging Emperador?”Iyan ang tanong ko sa dalawang hari sa aming harapan.Napatunganga sa akin si Nico at si Haring Domingo.”Hindi ba’t dapat lang na koronahan ka na namin bilang punong tagapamahala sa bagong mundo’ng ito?” sabi ni Haring Domningo.”Hindi naman ako papayag na mas mataas pa ang posisyon ko sa iyo!” sabi naman ni Nico na sumimangot sa akin. ”Hindi ako pinanganak na dugong bughaw, at sa totoo lang, hindi ko ginusto ang posisyon na `to, kung `di lang `to pinilit sa `kin ng mga tao!””Pero bagay na bagay ito sa `yo!” sabi ni Marius na nakangiti sa kaniya.“Ay, ikay, Dilang Pilak! Ngayon lang kita narinig magsalita, pero `wag mo ako’ng ma-utuasang manatili sa posisyo’ng ito, ha?” biro nito sa aking kabigkis.“Pero, hindi ba’t bagong

  • Ginto't Pilak   (48) Ika-apatnapu't-walong Bahagi

    - 48 -Nilibot naming dalawa ni Marius ang mga tindahan. May mga nagkakalakal ng damit sa isang tindahan, at kapalit ng suot naming makapal na tunika, ay kumuha kami ni Marius ng tig-isang balabal. Namasyal kami sa paligid at naaliw sa mga tanawin nang mga tao na sama-sama – mapa Heilig, Ravante, o Ignasius man. Lahat sila masayang nagbabatian at nagtutulungan. Binigyan nila kami ng mga pagkain, laruan, at mga palamuti. Isang kumonidad na walang discriminasyon sa isa’t-isa.May grupo ng mga bata na lumapit kay Marius. Mga batang ginto ang buhok ngunit madilim ang kulay ng mga mata. Mga pulang buhok na kasing bughaw ng langit ang mata. Mukhang ito na nga ang pinangarap naming mundo kung saan ang lahat ay pantay-pantay at nagkakaisa.Nagdala ang mga bata ng mababangong bulaklak na ikinuwintas nila sa aking kapares. Tuwang-tuwa naman si Marius na nakipagsayawan at nakipaglaro sa kanila, hanggang sa buma

  • Ginto't Pilak   (47) Ika-apatnapu't-pitong Bahagi

    - 47 -Katabi ko na si Marius sa aking paggising.Nakahiga kami sa malapad at malambot na kama sa isang silid na bago sa akin. Natatakpan kami ng kumot, at kapwa nakasuot ng manipis na tunika na yari sa malambot na tela.Lumapit ako upang siya ay yakapin ng mahigpit. Maayos na ang aking pakiramdam, wala nang pagod. Hinalikan ko ang dulo ng ilong ni Marius at napangiti nang unti-unti siyang dumilat.“Kamusta, mahal?” tanong ko sa kaniya.“Inaantok pa,” sagot niya na nagsumiksik muli sa aking dibdib.“Ayaw ko pa ring bumangon...”Hinawakan ko ang kaniyang baba at itinaas ito upang halikan ang matatamis niyang labi. Nangiti si Marius na gumanti rin ng halik at binalot ang kaniyang mga braso sa aking batok.Lumalim ang aming mga halik. Pumaibabaw ako sa katawan niyang porselana, hinimas ang mala-sutla niyang balat mula leeg papunta sa kaniyang dibdib,

  • Ginto't Pilak   (46) Ika-apatnapu't-anim na Bahagi

    - 46 - “Saan kayo nanggaling!?” tanong ni Haring Domingo na may halong takot at galit. “Dalawang linggo kayo nawala!” “Ha?” gulat na bigkas ni Nico, “Pero wala pa kaming dalawang oras sa kabilang mundo!” “Kabilang mundo?” muling tanong ng hari. “Sinasabi ko na nga ba ipipilit ninyo itong gawin!” “Nagawa naming magbukas ng lagusan papunta sa ibang mundo, ama.” sagot ni Marius sa kaniya. “Maaari tayong manirahan doon hanggang sa mawala ang salot sa hangin dito sa ating mundo.” “Kung may maililikas pa tayo!” sagot ni Haring Domingo. “Bakit po, may nangyari nanaman ba?” tanong ni Nico. “Nang gabi na kayo ay nawala, dumating ang malalaking alon. Nagawa nitong lampasan ang matataas na bahura at bulubundukin na hinarang ni Theodorin.” salaysay ni Haring Domingo. “Bagamat hindi na kasing lakas dahil sa mga harang, marami pa rin ang natupok sa pagbahang dulot ng mga alon.” “Ang

  • Ginto't Pilak   (45) Ika-apatnapu't-limang Bahagi

    - 45 - Bumagsak ako sa makapal na halaman na may mga itim na prutas.Tumingin ako sa paligid at nakita ang aking mga kasamahan na nagpapagpag ng sarili.“Isa itong puno ng igos.” sabi ni kuya Aurelio na agad pumitas at kumagat ng isa. “At lasa rin itong igos!”“Hinay-hinay lang, baka sa mundong ito, ay lason ang punong iyan!” paalala ko sa kaniya.Tumingin lang sa akin ang kapatid ko, tapos ay lumapit sa isa pang halaman. “Eto naman ay granada.” Pumitas siya ng isa, biniyak ito sa gitna, at kinain ang mga buto sa gitna nito. “Hayaan ninyong subukan ko kung lason nga ang mga halaman dito.”Muli ko sana siyang sasabihan, nang bigla siyang batukan ni Nico!“Baliw, pwede natin subukan `yan sa ibang paraan, kesa ipahamak mo pa ang sarili mo,” sabi nito. Tinitigan siya ni Aurelio, nanlalaki ang mga mata. Bilang isang prinsipe

  • Ginto't Pilak   (44) Ika-apatnapu't-apat na Bahagi

    - 44 - Sa halip na magpaliwang pa, ay dinala na lang ako nina Nico sa may dalampasigan. Libu-libong mga patay na isda at iba pang mga yamang dagat ang lumulutang dito. Puro sila walang buhay, ay halos matakpan na nila ang buong dalampasigan.“Nagkalat sila sa buong kahabaan ng kanlurang bahari ng isla.” sabi ni Marius sa tabi niya. “At napansin mo rin ba ang tubig?“Kulay itim ito...” sagot ko. Marahil ay dahil ito sa dami ng mga patay na isda sa paligid...“Isipin mo na lang ang magiging epekto nito sa mga tao?” sabi ni Nico. “Buti na nga lang at walang umiinom ng tubig alat, pero pano na `pag inabot ng salot pati ang tubig natin na galing sa ilalim ng lupa?!”“Theo,” kinapitan ni Marius ng mahigpit ang kamay ko. “Hindi natin alam ang maaari pang mangyari sa susunod na mga araw... at sa tingin ko ay hindi na natin ito dapat hintayin pa.&rd

  • Ginto't Pilak   (43) Ika-apatnapu't-tatlong Bahagi

    - 43 - Ilang oras pa ay nasa may Timog na kami ng Ignus, muling nagsasakay ng mga mamamayan. Nasabihan na namin nang nakaraang araw ang mga taga Ignus na pumunta rito, at ngayon nga ay nasa dalawang-libong katao ang kasalukuyang sumasakay sa mga dala naming Lipad-Ulap upang lumikas sa Hermosa. “Salamat! Mga ginoo!” tawag nila sa amin. Kulay pula ang mga mukha nila mula sa alikabok at buhangin sa disyerto. “Salamat sa aming mga tagapagligtas!” “Ginagawa lang po namin ang gagawin ng sinuman, para sa mga kapwa nilang nangangailangan ng tulong.” tugon ko sa kanila. “Napakadakila talaga ng bago nating emperador!” at lahat sila ay pumuri sa akin. Napangiti na lang ako at kumaway, at bago pa sila magpuri pang muli ay pumanik na ako sa aming Lipad-Ulap kung saan pinapanood ni Marius ang mga tao. “Mahal na mahal nila tayo,” sabi niya sa akin. “Mamahalin nila ang sinumang tutulong sa kanila,” sagot ko

DMCA.com Protection Status