Umuwi si Aria sa Pilipinas matapos ng ilang taong pamamalagi sa United States. Hindi naman siya nahirapan dahil dito rin nakatira sa Pilipinas ang kanyang matalik na kaibigan. Naging maayos at payapa ang buhay niya rito. Hanggang sa makilala niya ang binatang si Jackson Kang na isang sikat na aktor, labis ang paghanga ng matalik na kaibigan ni Aria dito, at biglang napasok ang dalaga sa magulong buhay na ginagalawan ng binata. Naging maayos ang turingan at samahan ng dalawa, ngunit kagaya ng ibang kwento lahat ay may hangganan. Dalawang taong nagmamahalan na pinaglayo ng panahon. Mga pusong nabalot ng sakit at galit. Sakit ng nakaraan ay magbabalik. Magkakaroon pa kaya ng puwang sa puso ni Jackson ang dalagang una niyang minahal? Magkakaroon pa kaya ng pag-asa ang naudlot na pagmamahalan? Magiging happy ending ba para sa kanila o magiging huli na ang lahat?
Lihat lebih banyakPagkatapos kong maligo at magmuni-muni palabas na rin ako ng banyo. Napakasarap maligo, nakakarelaks at napakapresko.Hindi pa ako nakakapagbihis ay may narinig na akong katok mula sa pintuan na nag pakunot ng noo ko.Wala naman akong inaasahan na pupunta ngayon. Pinuntahan at sinilip ko ang doorhole. Baka may nagpa-deliver na naman. Lumakas ang pintig ng puso ko ng makita kung sino ang naroon.“What the f*cking hell?” bulong ko sa sarili ko.Nanlaki ang mga mata ko sa pagkataranta, at tinalikuran na ang pintuan. Litong-lito ako sa susunod na gagawin. Nakatapis lamang ako ng tuwalya, at nababalot din ng buhok ko ng isa pang tuwalya. Nang mahimasmasan ako, daig ko pa ang runner na nakipag-unahan sa finish line sa bilis kong tumakbo papunta sa cabin
Paglabas namin ng kwarto, binitawan agad ako ni Jackson, at isinara niya ang pinto. Inagaw niya sa akin ang bitbit kong heels at 'yon naman ay ikinagulat ko. "W-what are you.." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Nakatitig lamang ako dito hanggang sa lumuhod ito sa harap ko, at inilapag sa sahig ang heels ko. "Are you just gonna stand, and stare at me?" may halong pang-aasar ang boses nito. Umiwas agad ako ng tingin ng mag-angat ito ng ulo, pero nakikita ko pa rin ito sa peripheral vision ko, at nakangisi ito na para bang nang-iinis pa. Napanguso ako. He really likes to annoy me. Nang yumuko ito, tiningnan ko siya ulit. Sa totoo lang iba ang dating nito kumpara sa kuya niyang si Aaron. Napansin ko rin napakaganda ng hubog ng kilay nito, walang eyebags, malusog ang pangangatawan, tall, and well built
Iginala ko ang mga mata ko sa buong kwarto. Magara at malaki ang kwarto, black and white and tema, at sa kabilang dako ay isang pader na gawa sa salamin kung saan tanaw ang mga kumikinang na bituin, mga naglalakihang building, at ang mga nagniningning na ilaw sa kalsada. Napansin ko rin na mukhang mamahalin ang mga muwebles na ginamit dito, at may malaki din itong telebisyon na nakakabit sa pader. Umupo ako sa couch na nasa paanan lamang ng kama, pinisil ko pa ito ng makailang ulit, napakalambot. Naalala ko na naman sina Mama at Papa. I had everything I wanted noong nasa kanila pa ako, now I have nothing at all and I have to start from scratch, and prove to them na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. But knowing my mom, gagawin niya ang lahat para tulungan ako, ayaw niya akong nakikitang na
“Ako na naman ba ang iniisip mo?” kuryosong tanong ni Jackson. Di ko namalayan nasa harapan ko na pala ito para ilapag ang nilutong pagkain. Napansin niya ata na malalim ang iniisip ko. Unti-unti na itong naghain ng kanin, at kumuha rin ng saging at manggang hinog mula sa ref, at inilapag sa tabi ng kutsara ko. Sa wakas natapos na rin ito sa pagluluto, at medyo gutom na rin talaga ako.“It’s none of your business!” Inirapan ko ito. “Kung sino man ang iniisip ko o kung boyfriend ko man ito, wala ka na ro’n,” bulyaw ko rito habang nakatitig sa nilutong ulam.“Let’s eat,” matamlay at malamig nitong sabi at umupo na sa upuan sa may gawing kanan ko. Parang nakaramdam ako ng kirot sa puso sa paraan ng pagkakasabi nito. Am I too harsh? Did I say something wrong?
Patuloy pa rin sa pag-aasikaso sa ‘kin si Jackson. Pinupunasan pa rin nito ang pisngi ko gamit ang malamig na tuwalya. Makalipas ng ilang minuto, tumigil na ito at nilapag ang tuwalya sa dining table. Napalunok ako ng umupo ito sa harapan ko, at muntikan na naman magtama ang mga mata namin. Agad akong nag-iwas ng tingin, at nakatitig lamang sa puting ding ding. Di ko alam kung ano ang iniisip nito pero mas mabuti na 'to, ayaw ko makaramdam nang pagkailang mula sa kanya lalo na 't kami lamang ang nandito."Who did this to you?" he said with a loud voice. Napakurap ako ng bigla itong nagsalita ng may kalakasan, at nilingon ko ito."I'm sorry, I didn't mean to startle you," wika ni Jackson, habang tikom pa rin ang bibig ko. Napansin siguro nito na medyo nagulat ako sa paraan ng pagtatanong niya. Akala mo pulis kung magtanong.
Pinagmaneho ako ng driver nina Ella, nasa loob ako ng sasakyan na napagkasunduan naming babayaran ko buwan-buwan. Nakaupo ako sa may passenger backseat, kahanay lamang ng upuan ng driver."Okay ka lang po ba ma’am?" nag-aalalang tanong sa ‘kin ni Manong Roberto habang pinagmamasdan ako sa rearview mirror. Tumingin ako dito at isang tipid na ngiti lang ang itinugon ko. Marahil napansin n‘ya sigurong tulala ako sa kawalan.Nakarating na kami sa parking lot ng gusali na tinitirhan ko. Bago ako lumabas ng kotse nagpasalamat muna ako sa paghatid sa ‘kin ni Mang Roberto, kasabay ng pag-abot din nito ng susi ng sasakyan. Ayon sa kanya magko-commute na lamang daw ito pabalik sa mansion nina Ella.Naglalakad na ako patungo sa elevator, at may mga kasabay din akong mga kapwa ko residente dito, pa
Halos mapaos na ako sa kakasigaw, pero wala paring sumasaklolo.Ramdam ko rin ang paghagod ng pagkalalaki nito sa binti ko, at pilit na ibinubuka ang mga hita ko gamit ang binti nito. Napadaing ako dahil mas lalong humihigpit ang pagkakahawak niya sa 'kin. Dinilaan niya pa ako sa pisngi, leeg, at umabot pa ito sa dibdib. Madiin din akong hinalikan sa bibig, napapikit ako at napangiwi sa ginawa nito.Gumanti ako ng kagat. I bite his lips and he suddenly stopped kissing me. Bakas ang galit sa mukha niya, and he slapped me hard on the face. Di pa siya nakuntento at dinuraan pa ako sa mukha. Napapikit at napahiyaw ako sa sakit. Dama ko ang hapdi sa pisngi dahil sa malakas na pagkakasampal sa 'kin.
I thought Ella was just making a joke to save me from that disgrace. Talaga ngang may pag-uusapan kami. Dinala niya ako rito sa may hardin kung saan medyo malamlam ang ilaw, pero sapat para makita namin ang isa’t isa. Mula rito tanaw mo ang kanilang malaking swimming pool at mga bisita na naroon. Nagulat ako ng bigla itong nagsindi ng isang stick ng sigarilyo na inilabas niya mula sa kanyang purse. She told me that she started smoking a year ago, but this is actually my first time seeing her smoke in front of me. Nakatitig ako rito, sabi niya t’wing nai-stress or pag may mga okasyon niya lang daw ginagawa ‘yon. Napabuntong hininga ako, siguro naninibago ako dahil ngayon ko lang s’ya nakitang ganito. Napahalukipkip ito habang naninigarilyo and she looks frustrated.“What’s wrong?” I asked her. I know something is bugging her.
Pagkatapos kumain, tumayo na ako. Kinuha ulit ni Aaron ang mga pinamili ko at si Max naman ay binuhat na ang nakababatang kapatid dahil nagpapakarga ito. I don’t know but Aaron’s gesture, makes me feel so special at di ko maiwasang mapangiti rito.“Aria, hatid ka na namin,” wika ni Max habang karga ang inaantok na kapatid na si Mico.“I’ll take care of her, don’t worry, I know where she lives,” Aaron assured him. Umusok ang ilong ni Max sa sinabi nito, dahil mas may alam pa ito kung saan ako nakatira kaysa sa kanya.Nabitin sa ere ang sasabihin ni Max nang mag salita ako, “Okay, lang Max. You really need to go home na rin, Mico looks exhausted,” I pleaded, habang hinahagod ang buhok ni Mico, nag-aalala lang din ako para dito dahil mabilis itong nakatu
"Nasaan na kaya si Ella," sambit ni Aria sa sarili habang patuloy na naglalakad at hinahanap sa malaking mall ang kaniyang matalik na kaibigan dahil may usapan silang magkikita sa araw na iyon. Nagtaka si Aria sa biglaang dami ng taong sumalubong sa kaniya at agad din siyang nilampasan ng mga ito. Nang lingunin niya ang kaniyang likod isang kilalang actor ang dinumog ng maraming tao. Bigla na lang may tumulak kay Aria at di inaasahang matumba ito sa sahig. "Hey, are you okay?" agad namang napatingin si Aria sa lalaking nakatayo sa harap niya at agad siyang tinulungan nitong tumayo. "Salamat, but I'm okay!" sagot ni Aria na may halong inis dahil sa pagkakatumba nito sa sahig. "By the way I'm Aaron, and you?" "Sorry but I have to go." Umalis agad si Aria at nagtungo ito sa banyo at tinawagan na lamang ang kaniyang matalik na kaibigan. "Ella, I've been looking for you! nasaan ka na ba?"...
Komen