Chapter: SeventeenPagkatapos kong maligo at magmuni-muni palabas na rin ako ng banyo. Napakasarap maligo, nakakarelaks at napakapresko.Hindi pa ako nakakapagbihis ay may narinig na akong katok mula sa pintuan na nag pakunot ng noo ko.Wala naman akong inaasahan na pupunta ngayon. Pinuntahan at sinilip ko ang doorhole. Baka may nagpa-deliver na naman. Lumakas ang pintig ng puso ko ng makita kung sino ang naroon.“What the f*cking hell?” bulong ko sa sarili ko.Nanlaki ang mga mata ko sa pagkataranta, at tinalikuran na ang pintuan. Litong-lito ako sa susunod na gagawin. Nakatapis lamang ako ng tuwalya, at nababalot din ng buhok ko ng isa pang tuwalya. Nang mahimasmasan ako, daig ko pa ang runner na nakipag-unahan sa finish line sa bilis kong tumakbo papunta sa cabin
Last Updated: 2021-07-07
Chapter: SixteenPaglabas namin ng kwarto, binitawan agad ako ni Jackson, at isinara niya ang pinto. Inagaw niya sa akin ang bitbit kong heels at 'yon naman ay ikinagulat ko. "W-what are you.." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Nakatitig lamang ako dito hanggang sa lumuhod ito sa harap ko, at inilapag sa sahig ang heels ko. "Are you just gonna stand, and stare at me?" may halong pang-aasar ang boses nito. Umiwas agad ako ng tingin ng mag-angat ito ng ulo, pero nakikita ko pa rin ito sa peripheral vision ko, at nakangisi ito na para bang nang-iinis pa. Napanguso ako. He really likes to annoy me. Nang yumuko ito, tiningnan ko siya ulit. Sa totoo lang iba ang dating nito kumpara sa kuya niyang si Aaron. Napansin ko rin napakaganda ng hubog ng kilay nito, walang eyebags, malusog ang pangangatawan, tall, and well built
Last Updated: 2021-07-01
Chapter: FifteenIginala ko ang mga mata ko sa buong kwarto. Magara at malaki ang kwarto, black and white and tema, at sa kabilang dako ay isang pader na gawa sa salamin kung saan tanaw ang mga kumikinang na bituin, mga naglalakihang building, at ang mga nagniningning na ilaw sa kalsada. Napansin ko rin na mukhang mamahalin ang mga muwebles na ginamit dito, at may malaki din itong telebisyon na nakakabit sa pader. Umupo ako sa couch na nasa paanan lamang ng kama, pinisil ko pa ito ng makailang ulit, napakalambot. Naalala ko na naman sina Mama at Papa. I had everything I wanted noong nasa kanila pa ako, now I have nothing at all and I have to start from scratch, and prove to them na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. But knowing my mom, gagawin niya ang lahat para tulungan ako, ayaw niya akong nakikitang na
Last Updated: 2021-06-20
Chapter: Fourteen“Ako na naman ba ang iniisip mo?” kuryosong tanong ni Jackson. Di ko namalayan nasa harapan ko na pala ito para ilapag ang nilutong pagkain. Napansin niya ata na malalim ang iniisip ko. Unti-unti na itong naghain ng kanin, at kumuha rin ng saging at manggang hinog mula sa ref, at inilapag sa tabi ng kutsara ko. Sa wakas natapos na rin ito sa pagluluto, at medyo gutom na rin talaga ako.“It’s none of your business!” Inirapan ko ito. “Kung sino man ang iniisip ko o kung boyfriend ko man ito, wala ka na ro’n,” bulyaw ko rito habang nakatitig sa nilutong ulam.“Let’s eat,” matamlay at malamig nitong sabi at umupo na sa upuan sa may gawing kanan ko. Parang nakaramdam ako ng kirot sa puso sa paraan ng pagkakasabi nito. Am I too harsh? Did I say something wrong?
Last Updated: 2021-06-12
Chapter: ThirteenPatuloy pa rin sa pag-aasikaso sa ‘kin si Jackson. Pinupunasan pa rin nito ang pisngi ko gamit ang malamig na tuwalya. Makalipas ng ilang minuto, tumigil na ito at nilapag ang tuwalya sa dining table. Napalunok ako ng umupo ito sa harapan ko, at muntikan na naman magtama ang mga mata namin. Agad akong nag-iwas ng tingin, at nakatitig lamang sa puting ding ding. Di ko alam kung ano ang iniisip nito pero mas mabuti na 'to, ayaw ko makaramdam nang pagkailang mula sa kanya lalo na 't kami lamang ang nandito."Who did this to you?" he said with a loud voice. Napakurap ako ng bigla itong nagsalita ng may kalakasan, at nilingon ko ito."I'm sorry, I didn't mean to startle you," wika ni Jackson, habang tikom pa rin ang bibig ko. Napansin siguro nito na medyo nagulat ako sa paraan ng pagtatanong niya. Akala mo pulis kung magtanong.
Last Updated: 2021-06-08
Chapter: TwelvePinagmaneho ako ng driver nina Ella, nasa loob ako ng sasakyan na napagkasunduan naming babayaran ko buwan-buwan. Nakaupo ako sa may passenger backseat, kahanay lamang ng upuan ng driver."Okay ka lang po ba ma’am?" nag-aalalang tanong sa ‘kin ni Manong Roberto habang pinagmamasdan ako sa rearview mirror. Tumingin ako dito at isang tipid na ngiti lang ang itinugon ko. Marahil napansin n‘ya sigurong tulala ako sa kawalan.Nakarating na kami sa parking lot ng gusali na tinitirhan ko. Bago ako lumabas ng kotse nagpasalamat muna ako sa paghatid sa ‘kin ni Mang Roberto, kasabay ng pag-abot din nito ng susi ng sasakyan. Ayon sa kanya magko-commute na lamang daw ito pabalik sa mansion nina Ella.Naglalakad na ako patungo sa elevator, at may mga kasabay din akong mga kapwa ko residente dito, pa
Last Updated: 2021-06-02