Kapag past na ba hindi na pwedeng balikan? Kapag past na ba dapat nang kalimutan? Kapag past na ba bawal nang lingunin kasi nga nakaraan na? Kapag past na ba kailangan mo nang itapon o sunugin ang mga bagay na nagpapaalala sa nakaraan? Ang nakaraan ay parang problemang pilit nating tinatakbuhan at kinakalimutan. Pero hindi ba natin naisip na kapag tinakbuhan natin ito, lahat ba ay matatapos? Hindi na ba tayo babalikan ng mga bangungot na pilit nating kinakalimutan? Sakit, sugat, kirot at pagsisisi ng nakaraan na gusto mo mang balikan hindi na maaari, na kung sana lumaban ka at hindi ka sumuko ano kayang kinahantungan nito? Face your fear ika nga, 'yan ang paulit-ulit mong sinasabi sa sarili mo pero hindi mo magawa. Wala kang lakas ng loob at ayaw mo nang lingunin pa ang nakaraan.
"Tay parang awa mo na po patawarin mo na ako..."
"Patawarin! Lahat ginawa namin para sa 'yo ng Nanay mo tapos ito lang ang isusukli mo sa lahat ng pagsasakrispisyo namin!" emosyonal na sigaw ng Tatay niya habang sinusuntok nito ang pader na gawa lamang sa pinagtagpi-tagping plywood.
"Tay hindi ko po sinasadya..."
"Hindi sinasadya? Hindi mo sinasadya na magpabuntis sa kung sinong dimuhong lalaki lang!"
"Tay please..."
"Lumayas ka!"
"P-pero Tay---"
"Lumayas ka at huwag ka nang babalik pa!"
Wala namang nagawa ang babae kung hindi sundin ang sinabi ng Tatay niya. Tumayo ito at nagpunas ng luha, pinilit palakasin ang loob, nagbuntonghininga nang malalim sabay tumingin ulit sa Tatay niya.
"Tay mahal na mahal ko po kayo ni Nanay. Sana po sa pagbalik ko napatawad niyo na po ako."
Pagkatapos sabihin 'to ay pikit mata siyang umalis sa bahay nila, at muli siyang nagbuntonghininga at ipinangako sa sarili na gagawin n'ya ang lahat para mapatawad siya ng kanyang Nanay at Tatay.
**************************************
Kabanata 1
Yumi's POV
Sunod-sunod ang pagbuntonghininga ko habang nakatitig sa kisame at muli ilang beses pa akong naghithit-buga ng hangin, binangungot na naman kasi ako. Ewan ko ba kung bakit ayaw akong tantanan ng multo ng nakaraan, pinipilit ko namang iwaksi ito sa isipan ko pero nabibigo lang ako. Sinusunod ko naman ang bilin ng doctor at hindi naman ako pumapalya sa pag-inom ng gamot pero wala pa din nangyayari, naisip ko tuloy sa tuwing nagpapa-counseling ako na tuluyan lang akong gagaling sa depression na pinagdaraanan ko kung babalikan ko lamang 'yong pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko o babalikan 'yong mga taong naging parte ng nakaraan ko.
Sa nakalipas na pitong taon ay nagpapalipat-lipat kami ng tirahan dahil sa aking trabaho. Wala kaming permanenteng tirahan at ngayon nga ay nasa Thailand kami para sa isang photoshoot sa men's magazine. Pagkatapos nito hindi ko na alam kung saang lupalop na naman kami ng mundo makakarating, depende kung saang lugar makakakuha ng kontrata ang manager kong si Kevin.
"Mamamee..." tinig ng isang maliit na boses. Nakita ko ang isang batang babae na papalapit sa 'kin. Siya si Naya ang Baby Bunny ko, sa lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayan na nakapasok na pala siya sa kwarto.
"You're dreaming badly again Mamamee?" dugtong pa ni Naya. Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako nang mahigpit.
"Otey ta na ba Mamamee? Lagi ka na lang nananaginip ng matama." Napangiti ako bigla dahil sa itsura ni Naya naka-pout kasi siya at tila ba siya ang namomroblema sa bangungot ko idagdag pa ang pananalita niya na bulol-bulol.
"What's wrong Mommy? Nanaginip ka na naman ba ng masama?" Napatingin kaming dalawa ni Naya sa isa pang maliit na boses galing sa pinto ng kwarto papasok na siya sa loob. Siya naman si Junior ang Baby Bear ko. Siya at si Naya ay kambal nauna lang ng 3 minutes si Junior sa kanya 7 years old sila pareho.
"Okay lang ako Baby Bear, wag ka na masyadong mag-alala."
"I told you naman kasi Mommy hindi ba inumin mo ang gamot mo before you sleep. Nagkakaganito ka lang naman kapag nakakalimutan mong uminom ng gamot."
"Opo Tatay hindi ko na po kakalimutan uminom ng gamot." Minsan talaga hindi ko alam kung bata ba ang kausap ko, masyado kasing mature ang pag-iisip ni Junior kaysa kay Naya.
Si Junior at Naya ay fraternal twins. Magkaiba talaga sila pati ng ugali. Si Junior ay tisoy ang sabi ni Nanay nakuha n'ya ang kulay ko maputi at makinis ang balat pero ang ugali n'ya ayaw ko mang aminin pero sa tingin ko minana n'ya sa Daddy n'ya may pagkaseryoso sa buhay at mature kung mag-isip at dahil nang ipinanganak ko si Junior ay balbon nakahiligan na namin siyang tawagin na Baby Bear hanggang ngayong sa kasalukuyan.
Samantalang si Naya naman ay cheerful girl, makulit, madaldal at masayahin, morena naman ang kulay ng balat n'ya and again nakuha naman n'ya ang kulay na moreno sa Daddy n'ya idagdag pa ang dalawang lubog na dimples sa pisngi. Bukod dito bulol si Naya hirap siyang magbanggit ng mga salita pero may mga tumatama naman kahit paano nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong bata pa ako bulol din ako at may dalawang malaking ngipin sa unahan at dahil dito binigyan siya ng nickname ng Lola niya na Baby Bunny. Ang sabi naman ng doctor tutuwid pa daw ang pananalita ni Naya at naniniwala naman ako dahil pinagdaanan ko rin ito.
"Anak halina kayo sa ibaba nakahain na ang almusal." Muli akong napatingin sa pinto ng kwarto at nakita ko si Nanay Celine.
"Kamusta? binangungot ka na naman ba?" tanong ni Nanay sa akin. Lahat na lang sila ito ang tinatanong lalo lang tuloy akong naii-stress.
"Okay ka na ba anak? Nanaginip ka na naman ba ng masama?"
"Okay lang ako Nay, siguro stress lang po sa trabaho, magdamag kasi ang photoshoot kagabi."
"Wag mong masyadong pagurin ang sarili mo anak, tao ka hindi ka robot. Saka please wag ka nang masyadong mag-isip lalo na ang Tatay mo. Matagal ka na niyang napatawad, kung nasaan man siya ngayon masaya na siya para sa 'yo, lalo na't nagkaroon siya ng kambal na mga apo na napakagwapo at napakaganda."
"Sinusubukan ko naman po Nay na wag nang isipin ang nakaraan."
"Ang palagi mong iisipin ay mga anak mo, sila ang gawin mong lakas."
" Opo Nay, sila naman palagi ang nasa isip ko kung bakit ako lumalaban at kung bakit ko nakakayanan ang lahat ng 'to, at siyempre kasama kayo do'n. Ikaw, si Naya, Junior, Kevin at Mario, kayo ang dahilan kung bakit ako nagiging malakas."
"Yumi anak, pakakatandaang mong maigi na nandito lang kaming pamilya mo hindi ka namin iiwan."
"Salamat po Nay."
"Hi Mother Earth pwede ko bang putulin muna ang pagdadramahan ninyong mag-ina? Hihiramin ko muna si Yumi kailangan na kasi naming gumora para sa photoshoot" Pareho kaming napatingin ni Nanay Celine sa nagsalita, si Kevin pala pumipipilantik pa ang mga daliri n'ya at kumekembot ang baywang papunta sa 'min ni Nanay.
"Oh siya sige, aasikasuhin ko na din muna 'yong kambal," sabi ni Nanay Celine. Napatingin naman kami sa kambal at tulad ng dati nagtatalo na naman sila parang mga aso't pusa palagi pero hindi naman maikakaila na love na love ni Junior si Naya kahit pa na palagi niyang inaasar.
"I'm hungly na Tuya," sabi ni Naya.
"Naya hungry hindi hungly bulol mo talaga!" pang-aasar ni Junior.
"Hindi to taya eh basta hungly na ato," naka-pout na sagot ni Naya. Naiiling na lang kami. Lumapit si Nanay at sumenyas na lang sa amin ni Kevin, pagkatapos inakay niya na ang kambal pababa para pakainin ng almusal.
"At ikaw naman babaita, tumayo ka na d'yan, maligo ka na at late na tayo dali!" baling na sambit ni Kevin sa 'kin.
"Antok pa ako," bagot na kinuha ko ang kumot humiga at nagtalukbong. Totoo naman eh sobrang pagod na ang katawang lupa ko. Kulang na kulang pa ako sa tulog parang gusto ko na lang matulog nang matulog nang matulog.
"Yumi naman, araw-araw na lang ba tayong ganito!" sigaw ni Kevin na nagpapadyak pa ng paa sa sahig.
Si Kevin ang long-time manager ko palagi na lang sumasakit ang ulo niya ng dahil sa akin pero kahit ganoon pa man love na love ako niyan. Si Kevin ay gwapo at matipuno, sa totoo lang maraming mga babae ang nagkakagusto sa kanya kaya lang lalaki rin kasi ang bet niya. Ito rin ang isa sa malaking sikreto ng buhay niya. Isa siyang becky, becks, gay, bayot, berde ang dugo o sa madaling salita bakla. Oo, bakla si Kevin at kung ikukumpara nga eh mas malandi pa siya kaysa sa 'kin. Kami lang ng pamilya ko ang nakakaalam ng totoong pagkatao niya. Ang alam ko lang hindi siya tanggap ng mga magulang niya kung ano talaga siya, nag-iisang anak kasi siya at hanggang sa mawala ang mga magulang niya hindi na sila nagkita pang muli.
"Yumi ngayon ang last day shooting ng men's magazine kaya naman tumayo ka na d'yan, hindi tayo pwedeng ma-late." Sa sinabi ni Kevin bigla akong napaisip. Oo nga pala ngayon ang last day contract ko sa men's magazine, pagkatapos nito saang lupalop na naman kaya kami ng mundo mapapadpad? Sa buong pitong taon na nagdaan kung saan-saang lugar kami napapadpad, tuwing matatapos ang kontrata kukuha na naman si Kevin ng panibago at do'n naman kami magpupunta at magpapatuloy ng buhay pati tuloy pag-aaral ng kambal palaging nauudlot at hindi namin alam kung saan ba sila makakapag-aral ng maayos at tuloy-tuloy.
"Becks pwede bang i-cancel mo muna ang photoshoot? Antok pa talaga ako promise," pakiusap ko kay Kevin. Ewan ko ba wala talaga ako sa mood gusto ko na lang matulog.
"Gag* ka ba? Cancel ko yang mukha mo, gusto mo bang mademanda tayo?"
"Gag* ka rin hayaan mo silang magdemanda," pang-aasar ko pa lalo kay Kevin ang sarap sarap kasi niyang asarin.
"Gaga ka! Alam mo bang naubos na ang pera ko sa katatapal sa mga chismosang reporter at paparazzi na nakabantay sa 'yo bente kwatro oras! At ano na naman ba itong bagong issue may nakakita daw sa 'yo na pumasok sa isang motel kasama 'yong sikat na basketball player! Ipaliwanag mo nga!"
"Pero becks naayos mo naman na 'yong issue di ba?"
"Naayos ko naman kaya lang---" Hindi na niya natapos ang sasabihn niya dahil inunahan ko na siya sa pagsasalita.
" 'Yon naman pala eh naayos mo na tapos ang dami dami mo pang sinasabi d'yan," pagkasabi ko nito ay nagtalukbong ako ulit at nahiga sa kama.
"Yumiiiii!" tili ni Kevin na umalingawngaw sa bawat sulok ng kwarto, ang sakit sa tenga tsk! Umayos ako ng upo at seryosong tumingin kay Kevin.
"Hey beks, ano ba sa tingin mo ginagawa ng babae at lalaki kapag nagpupunta sa motel?"
"Ano pa ba? edi nagchuchukchakan!" Biglang nanlaki ang mga mata ni Kevin saka niya lang na-realize ang pang-iinis ko lalo sa kanya kaya lalo lang siyang napikon at tumili.
"Put* ka talaga Yumi!"
"Ahahaha," malakas kong tawa na parang nabubuang. Kahit paano nawawala stress ko sa pang-iinis ko kay Kevin.
"Taenamo naman Yumi eh!"
"Ahahahhahaha."
Lumapit si Kevin sa 'kin at hinila ang kumot.
"Tumayo ka na d'yan, kakalbuhin kita!"
"Ayaw..."
"Tayo na!" Muling hinila ni Kevin ang kumot na nakabalot sa 'kin kaya naman na-out of balance ako at nahulog sa sahig.
"Wahhhh, aray naman!"
"Ayaw mo pa kasing tumayo, gusto pa nasasaktan eh!" Masakit ang puwet ko dahil sa pagkakabagsak sa sahig kaya naman gumapang ako papunta ng banyo, as in yung literal na gapang pang-horror scene, sadako lang ang peg idagdag pang nakatakip ang mahabang buhok sa mukha ko.
"Hay naku Yumi, kung alam lang nila na kung anong kinaganda mo ganun ka din kabalahura at abnormal." Narinig ko pang bulong ni Kevin na kamot ulo, umiiling sabay buntonghininga nang malalim.
**************************************
Game of Love "Just a few seconds more and this photoshoot will end," inis na bulong ko at muling tumingin sa camera. Nakahiga ako sa kama at nakasabog ang kinulot na buhok sa puting bedsheet. I wear nothing except for a pair of red lacey lingerie. Sa totoo lang hindi ko mapigilan ang hindi mailang kahit pa na may pitong taon ko na itong ginagawa. Naiilang kasi akong pinagtitinginan ng mga tao. Idagdag pa sa inis ko ay ang photographer na wagas kung makatitig sa 'kin plus badtrip pa ako dahil pinilit ni Kevin na mag-photoshoot pa rin kahit na ayoko. Sumenyas ang photographer na mag-break muna kaya naman lumapit si Kevin sa 'kin at ibinalot ang katawan ko. "Saang planeta ba nila nakuha 'yang photographer? Nakakairita eh," tanong ko kay Kevin. "Sssshhhh, ano ba? Wag ka ngang maingay baka may makarinig sa 'yo." Tinakpan ni Kevin ang bibig ko dahil medyo napalakas ang boses ko.
Game of Love Ryuu's POV Nakapila ang lahat ng empleyado pagpasok ko sa Mall na para bang isa akong makapangyarihang tao sa mundo. Lahat kasi ng mga madadaanan ko ay nagsisiyuko para batiin ako. Habang papalalakad ako papuntang meeting ng board of directors naiiling na nilalagpasan ko na lang sila ng tingin. Ako si Ryuu Kugimiya ang President ng Kugimiya Mall , also known as " Ice Prince" malay ko ba sa kanila kung bakit ganyan ang ginawa nilang codename sa 'kin sa pagkakaalam ko dahil sa kasungitan ko at pagkasuplado daw at sobrang cold ko sa lahat kaya ito ang napili nilang ipalit sa pangalan ko. Ang pamilya namin ay kasama sa top 10 richest and most influential family sa Pilipinas at isa ako sa pinagkakatiwalaan ni Daddy sa aming magkakapatid kaya naman ako ang naging presidente ng Kugimiya Mall. Hindi ko alam kung ano bang personality ang mayroon ako, bakit nga
Game of Love Kim's POV Nagmamadali na akong pumasok sa loob ng Mall, pagkababa ko ng kotse inihagis ko na lang ang susi kay Manong guard para s'ya na ang mag-parking ng kotse ko. Halos takbuhin ko na papasok sa loob ni hindi ko na nga napapansin ang mga empleyado na bumabati sa 'kin. Ang tanging nasa-isip ko ay mabilis na makapunta sa office ni Barry. Ako si Kimberley Ann Rangsan o mas kilala bilang Kim, ako ang nakababatang kapatid ni Ryuu kung ipinagtataka n'yo kung bakit hindi kami pareho ng apelyido ay dahil magkaiba kami ng Nanay. Sa totoo lang tatlo kaming magkakapatid at iba-iba ang Nanay pero ayaw ko nang pag-usapan pa kung sino 'yong isang kapatid namin na sinasabi ko nawalan na ako ng amor sa kanya 7 years ago pagkatapos nang ginawa n'ya kay Barry. Tanging si Barry lamang ang nakakuha ng apelyido ni Daddy at wala naman kaming angal tungkol dito nagpapasalamat pa a
Game of Love Ryuu's POV Pinagmamasdan ko mula sa labas ng glass wall ang naglalakihang building. Nakasanayan ko nang gawin ito lalo na sa tuwing may malalim akong iniisip. One message receive. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Kinuha ko sa bulsa ng pantalon at nang tingnan ko si Kim pala ang nag-message sa 'kin. "Barry paki-check sa email mo nag-send si Mint ng mga photos ng mga models, last na daw 'yan kaya sana may mapili ka na. Maawa ka naman sa 'min pagod na pagod na kami kakautos mo!" Pagkatapos kong basahin ang message ni Kim, napailing na lang ako at napakamot ng ulo. Kahit kailan talaga si Kim ang daming reklamo sa buhay. Hindi na lang gawin ang trabaho n'ya. Ibinalik ko ang cellphone ko sa bulsa at nagpunta sa table kung saan nakapatong ang laptop para tingnan ang sinend na email ni Mint.Hab
Game of Love Lahat kami ay nasa isang mahabang lamesa at sunod-sunod na nakahilera. Ngayon kasi namin mami-meet ang bagong image model ng Mall. Malaki ang pasasalamat nila kay Mark kasi tinulungan n'ya akong makapili ng modelo kung hindi namomroblema pa rin sila hanggang ngayon. Wala akong ideya sa sinasabi ni Kim na huling baraha. Sabi kasi ni Kim may inihanda daw si Mint na huling baraha na siguradong hindi ko matatanggihan na maging model ng Mall. Bigla tuloy akong na-curious kung sino s'ya, hindi ko daw matatanggihan? Tsk! Asa sila, itong si Regine nga napilitan lang akong piliin na model para sa Mall para hindi na sila ma-stress eh kung may choice pa, hindi naman s'ya ang pipiliin ko. "Sa wakas nakapili rin 'tong kumag na 'to." bulong ni Kim nang mahina kay Mint. Pero naririnig ko naman dahil katabi ko lang s'ya. Sumunod si Mint na katabi n'ya. Sa kabilang side naman sila Nychaa at Masu
Game of Love Mint's POV Nagpatawag si Barry ng isang meeting kaya naman lahat kami ay nagmamadaling nagpunta sa Mall. "Sigurado ba kayo na pina-background check n'yo si Ms. Regine?" tanong ni Barry sa 'min nang makita n'ya na kumpleto na kami. Lahat kami ay nagulantang at hindi mapakapaniwala dahil sa isang masamang balita, hindi namin alam kung ano ba talaga ang tunay na nangyari. "Oo naman, okay ang profile n'ya. Wala s'yang kaaway at mahal s'ya ng mga tao kaya imposible talaga ito na mangyari," paliwanag ni Kim na hindi mapakali. Lakad s'ya nang lakad at tila ba kinakabahan, kaya naman hinawakan s'ya ni Mark sa magkabilang balikat at iniupo s'ya para kumalma. Si Regine na dapat sana na magiging image model ng Kugimiya Mall ay natagpuang patay sa sarili nitong condo unit, grabe ang pangto-torture na ginawa sa kanya. Walang awa a
Game of Love Kim's POV Nagdadabog ako na pumasok sa room namin ni Mark. Sobrang sama ng loob ko, gusto kong sumigaw at magwala. Nababaliw na si Mint, ang dami-daming pwedeng maging model ng Mall, si Yumi pa talaga ang napili n'ya. Sa sobrang inis ko, lahat ng madampot ko ay ibinabato ko. Nadampot ko ang isang libro sa mini bookshelf, hinagis ko 'to. Nagkalat ang mga papel na nakaipit sa libro. Lumapit ako para damputin. Nakita ko ang isang picture. Isang lumang picture kasama ko sila Mint, Nychaa at Yumi. Lalo lang tuloy nadagdagan ang galit ko. Nilamukos ko ang lumang picture. "Bakit ba hindi kita matapon!" sabi ko habang tinititigan isa-isa ang mga tao sa picture. Kuha ito 7 years ago sa Happy House Apartment nang una naming ma-meet si Yumi. At sa isiping ito, hindi ko mapigilang alalahanin ang nakaraan.............
Game of Love Hawak ng team nila Danika at Alan ang case ni Regine, ang rising star model na natagpuan sa condo unit n'ya na wala ng buhay. Sina SPO1 Danika Prachom at SPO2 Alan Philipe ang naka-assign na mag-imbestiga sa kaso ni Regine. Pumasok si Alan sa opisina ni Danika dala-dala n'ya ang result ng autopsy. "Na sa 'kin na ang result ng autopsy," sabi ni Alan. Lumapit s'ya kay Danika at hinila ang sigarilyo sa bibig nito. Inihinulog sa sahig at tinapakan pagkatapos pinitik n'ya ang bibig ni Danika. "Aray naman!" " Sabi ko sayo, tigilan mo na paninigarilyo! " "Tsk! Patingin nga ng result!" Binasa ni Danika saglit ang resulta ng autopsy. "Lumalabas na hindi ni-rape si Regine. Wala ring anumang bagay na ninakaw sa condo n'ya. Ang ibig sabihin ba? Ang motibo ng killer ay patayin lamang s'ya?"
Game of Love" Ano mang oras, Chad, darating na ang mga pulis! Mabubulok ka sa kulungan! "" Sino ba may sabi sa 'yo na makukulong ako?"" Sumuko ka na, Chad. Hindi pa huli ang lahat para sa 'yo. "" Sumuko? Nagpapatawa ka ba? Umabot na sa lahat ang ganito tapos sasabihin mo sumuko ako? "Barry's group had gone earlier to Chad's abandoned headquarter. They're able to escape the police dahil kahit anong pagpipilit nila ay ayaw silang pasamahin ng mga ito sa gagawing paghuli kay Chad. They also know the headquarter better so they can easily find Yumi and Naya.When they arrived, Barry and Mario quickly went to the back of the headquarter. Dahil ang hinala nila kung mayro'n mang pwedeng pagdalhan si Chad kina Yumi at Naya ay may posibilidad na sa likod ito dahil malawak ang likurang bahagi ng building kaya nagbakasakali sila." H
Game of LoveYumi remained silent and didn't tell any of them about what she and Chad had talked about, while Barry and Mario are preparing to go to the place where Chad is allegedly hiding. Nagsuot sila ng bulletproof para sa seguridad nila, 10:30pm exactly nang makaalis sila at tulad nga kanina sumama si Mark sa operasyon at si Masu naman ay nagpaiwan na lang para may kasama sila Yumi sa bahay.When the atmosphere was quiet, Yumi slowly left the house. Isa man ay walang kaalam-alam sa gagawin at binabalak n'ya, even the police guards who are so busy eating. They didn't notice Yumi while exiting the gate.Katulad nang napag-usapan nila ni Chad, mag-isang nagpunta si Yumi sa lumang building, sa headquarter.When she arrived at Chad's headquarter, it was very dark all around, the light of the bonfire only lit up the surroundings." Chad! " sigaw ni Yumi. Mabilis namang lumabas si Chad mula sa dil
Game of LoveA few days passed but Chad remain silent. This made them all even more nervous and frightened kaya naman lahat sila ay nanatiling alerto sa bawat oras na dumadaan." Hindi pa ba sila magpapahinga kahit saglit? " sabi ni Yumi, habang nakadungaw sa bintana at pinagmamasdan ang mga police guards na nakapalibot sa buong kabahayanan. Batid n'ya ang pagod ng mga ito pero alang-alang sa kaligtasan nilang lahat ay hindi nila alintana ang pagod at hirap." Ang alam ko nagpapalitan naman sila so don't worry too much about them, " sabi ni Kim sa kanya, hinawakan s'ya nito at pinaupo sa sofa. " Kailangan natin ngayon ng matinding seguridad lalo na't hanggang ngayon wala pa ring balita kay Chad. We don't know what his next plan so we have to be alert, " singit ni Mint sa usapan nila. Nasa sala sila ng bahay at naghihintay sa bagong balita, nagpunta kasi sina Barry at Mario kila Danika para pag-usapa
Game of LoveSinenyasan ni Danika ang mga kasamang pulis para palibutan ang nasabing location kung nasaan si Chad at tulad ng bilin ni Alan, naiwan sina Barry at Mario sa loob ng kotse ngunit sadyang matigas ang ulo nila. Dahan-dahan silang lumabas mula sa kabilang pinto ng kotse at sumunod kila Alan, tinakasan nila ang mga naiwang pulis para magbantay sa kanila." Search the area! " radyo ni Alan sa lahat." Clear, Sir! " report ng ilang mga pulis matapos dumaan sa likod ng lumang bahay." Clear, Sir! " sabi pa ng iba." Paanong nangyari to? " bulong ni Alan sa sarili pagkatapos lumabas din sila Danika kasama ang iba pang pulis." Malinis ang buong lugar kahit isang bakas ni Chad, wala. Naisahan na naman tayo! " sabi ni Danika sabay bato ng body armor na tinanggal n'ya sa katawan." Inuubos n'ya talaga ang pasensya ko!
Game of LoveHabang papalayo sila sa nakahigang si Junior ay naririnig pa rin nila ang patuloy na pag-iyak ni Yumi. Hindi sila makapaniwala na nangyayari talaga ang mga bagay na ito. Kung kailan nagiging okay na ang lahat, kung kailan naliwanagan na ang lahat at unti-unti nang nabubuo ang pamilya ni Yumi, ngayon pa nangyari ito." Junior, please, gumising ka na! " patuloy na yugyog ni Yumi kay Junior, hindi s'ya nawawalan ng pag-asa na maisasalba pa n'ya ang buhay ng anak. Patuloy s'ya sa pag-CPR dito at pagkatapos binubugahan ito ng hangin sa bibig, nagbabakasakaling magkaroon ng himala at muli itong bumalik pa kahit ilang minuto na ang lumipas.Hanggang sa..." J-junior! Junior! " nanginginig ang buong katawan ni Yumi at hindi makapaniwala. Bigla kasing gumalaw ang kamay ni Junior at kumunot ang noo nito kaya naman dali-dali n'ya itong iniupo at hinimas-himas ang dibdib at likod pagkatapos bi
Game of Love" Ano Barry, nakapili ka na ba kung sino sa kanila ang maiiwan at sino ang mamamatay? " Lumapit si Chad kay Barry, habang naka-poker face, wala s'yang pakeilam sa nararamdaman ni Barry.Barry looked at Naya and Junior again, he can clearly saw how difficult they were because of their condition. Ayaw n'yang mamili isa man sa kanila, hindi n'ya kaya.Tumakbo s'ya sa harapan ni Chad para magmakaawa. Wala na s'yang pakeilam kung maging katawa-tawa man s'ya sa harapan nito, ang mahalaga ay ang buhay ng kambal. Ngayon pa lang ulit s'ya nagiging masaya, ngayon pa lang s'ya nakakabawi kay Yumi at ngayon n'ya lang mapupunan ang pagkukulang n'ya bilang ama sa mga anak n'ya. Ilang taon n'yang hindi nasubaybayan ang mga ito kaya hindi s'ya makapapayag na may mawala sa kanila." Please Chad, parang awa mo na. Huwag mong idamay ang mga bata. "" Nadamay na sila, wala na ak
Game of LoveChad Headquarter..." Chad! Chad! " sigaw ni Barry pagdating n'ya sa lumang hide out ni Chad. Madilim kasi ang buong paligid, wala s'yang makita. Wala naman s'yang pakeilam kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya, ang mas iniisip n'ya ngayon ay ang kambal.Biglang bumukas ang mga ilaw kaya naman napatakip s'ya ng mata dahil sa nasilaw s'ya at tumambad sa kanya ang nakangising si Chad, papalapit sa kanya kasama nito ang dalawang tauhan n'ya." Ang akala ko hindi ka na pupunta, late ka na kasi, " sabi nito sabay tingin sa relo n'ya." Nasaan ang mga anak ko! " sigaw ni Barry. Lalapitan n'ya sana si Chad pero pinigilan s'ya ng mga tauhan nito at tinutukan s'ya ng baril." Chill ka lang, masyado ka namang mainit eh pero sakto 'yang pagka-init ng ulo mo. Magpapalamig kasi tayo ngayon, hahaha. " Sinenyasan ni Chad ang dalawang tauhan n'ya at na-gets
Game of Love" Barry! " sabi ni Masu, pagkatapos ay nilapitan s'ya." Ano na ang balita? " tanong ni Barry, sa mga pulis na nag-imbestiga sa loob ng bahay ni Mario." Tiningnan namin 'yong iniwan na cellphone kung may naiwan na contact number o kahit ano na pwedeng makapagturo sa kinaroroonan ni Chad pero wala eh, " sabi ni Alan sa kanila." Pinakikilos ko na ang mga tao ko para maghanap pa ng ibang impormasyon. Alam ko na gagawa ng paraan si Danika para makapagbigay ng signal kung nasaan man sila, " dugtong pa ni Alan. Nakumpirma rin kasi nila na isa sa mga bihag ngayon ni Chad ay si Danika, dahil magmula ng nakiusap si Kim kay Danika na pumunta sa bahay ni Mario ay hindi na ito nakabalik pa. Nagpaalam na si Alan sa kanila para gawin ang trabaho n'ya." Kamusta na si Yumi? "Lumapit si Mint, sumunod naman silang lahat." Tulog pa rin s'ya hang
Game of LovePagdating ni Yumi sa bahay ni Mario, kaagad s'yang tumakbo papasok sa loob. Hindi na n'ya inintindi kung ano ang panganib na naghihintay sa kanya papasok sa loob.Nang marinig naman ni Chad ang boses ni Yumi ay kaagad n'ya uling pinindot ang Facebook live, inilagay n'ya ito sa makukuhanan ang buong paligid pagkatapos ay nilisan na nila ang bahay dala-dala si Naya." Nay! Nay! " sigaw n'ya sabay nang pagbukas ng pinto pero madilim ang buong paligid, wala s'yang makita. Kinapa n'ya ang switch ng ilaw at nang sumabog ang liwanag sa buong paligid nagulat s'ya sa nakita, ang nagkalat na dugo sa paligid, at ang walang buhay na si Arah. Pati na rin ang isa pang pulis na kasamahan ni Danika. " A-arah.... " Nanginginig ang buong katawan n'ya habang nilalapitan n'ya ito. Pilit n'yang pinapalakas ang sarili n'ya dahil pakiramdam n'ya anytime ay mahihimatay na s'ya. Pinunasa