Kim's POV
Nagdadabog ako na pumasok sa room namin ni Mark. Sobrang sama ng loob ko, gusto kong sumigaw at magwala. Nababaliw na si Mint, ang dami-daming pwedeng maging model ng Mall, si Yumi pa talaga ang napili n'ya.
Sa sobrang inis ko, lahat ng madampot ko ay ibinabato ko. Nadampot ko ang isang libro sa mini bookshelf, hinagis ko 'to. Nagkalat ang mga papel na nakaipit sa libro. Lumapit ako para damputin.
Nakita ko ang isang picture. Isang lumang picture kasama ko sila Mint, Nychaa at Yumi. Lalo lang tuloy nadagdagan ang galit ko. Nilamukos ko ang lumang picture.
"Bakit ba hindi kita matapon!" sabi ko habang tinititigan isa-isa ang mga tao sa picture. Kuha ito 7 years ago sa Happy House Apartment nang una naming ma-meet si Yumi. At sa isiping ito, hindi ko mapigilang alalahanin ang nakaraan.............
***********Flash back************
Back in college, Sunday no'n at wala kaming pasok. Nasa bahay lang kaming lahat, ako nanunuod lang ng TV habang nakataas ang paa sa mesa. Naglilinis kasi ako ng kuko sa paa. Si Nychaa naman nasa tabi ng bintana, nakataas din ang paa nakapatong sa bintana habang may hawak na libro. Samantalang si Mint, nakatambay sa may hagdan habang may hawak na cellphone. Nasa ikalawang palapag kasi kami ng bahay. Lahat kami ay busy sa kanya-kanyang ginagawa.
"Hindi ba kayo nagugutom? 11:30 am na, wala kayong balak kumain?" sabi ko sa kanila dahil kumakalam na ang sikmura ko.
"As if naman may marunong magluto sa 'tin, gusto mong sumabog 'tong bahay?" sambit naman ni Nychaa.
Tumayo ako at lumapit kay Nychaa.
"Huli ka!" hila ko sa book na hawak ni Nychaa.
"Kunwari ka pang nag-aaral, naglalandi ka lang naman!" Paano? Nakatago kasi sa libro 'yong phone ni Nychaa at inii-stalk ang crush n'yang si Masu, isang varsity player sa Kugimiya University.
"Simpleng malandi ka rin eh nuh, hindi ka naman crush ng crush mo."
"G*go mo, pakeilamera," sagot ni Nychaa sabay tinadyakan ako.
"King*na talo na naman!" napatingin kaming dalawa kay Mint dahil sa malakas na mura n'ya. Kung mayro'n mang brutal sa 'ming tatlo ay walang iba kung hindi si Mint. Lalo na sa pananalita, kababaeng tao puro mura ang lumalabas sa bibig.
Aaminin ko hindi naman ako perpekto, sa katunayan sakit ako sa ulo ng pamilya namin at palamura rin ako pero hindi naman ako katulad ni Mint na minu-minuto yatang nagmumura. Isa pa certified adik din s'ya, adik sa online games. Dito na nga halos nauubos ang allowance n'ya sa kakapusta sa online games.
"G*go talo ako, pustahan pa naman 'to!" inis na inis na sabi ni Mint. Lumalapit s'ya sa 'min ni Nychaa.
"Oh anong gagawin namin? Kami ba 'yong nakipagpustahan? Saka pwede ba? Kaysa kung ano-ano inaatupag n'yo, bakit hindi na lang kaya kayo mag-review para sa exam natin?" sabi ko sa kanila.
"Kapal ng mukha neto manermon, ikaw nga d'yan magdamag ka sa inuman eh!" sabi naman ni Nychaa. Kaya napakamot na lang ako sa ulo.
"Saka bago ka manermon, ayusin mo sarili mo. Kadiri ka, mag-bra ka nga bakat na bakat 'yang dede mo ang laki pa naman!" natatawang sabi ni Mint. Ako naman biglang hawak sa dibdib, nakapa ko ang umbok nito.
"Hehe, oo nga noh nakalimutan ko pa lang mag-bra," sabi ko sabay takbo papasok sa kwarto. Nawala sa isip ko na mag-bra haha.
"Maganda lang si Kim noh pero tanga at balahura pa," bulong ni Mint kay Nychaa na hindi ko alam kung bulong ba talaga dahil rinig na rinig ko boses n'ya.
"Hoy! Tarantado ka, naririnig kita!" sigaw ko sa loob ng kwarto.
Paglabas ko ng kwarto siyempre, nagsuot na 'ko ng bra at nag-ayos na rin kaya naman nag-fashion show ako sa harap 'nong dalawa.
"Oh...Pak... Pak..." nakatakip lang ng mata 'yong dalawa lalo na nang nag-sexy dance ako sa harapan nila.
"Ano ba 'yan Kim? Maawa ka sa 'min, nakakasuka!" sabi ni Nychaa. Si Mint naman hindi na kinaya, umay na umay na kasi s'ya. Hinila n'ya ako para maupo sa tabi nila.
"Arte n'yong dalawa! Ang galing-galing kong sumayaw!"
"G*go, sa bar ka sumayaw siguradong bebenta 'yan!" sabi ni Mint pero binatukan ko s'ya ng malakas.
"Aray naman!"
"Bunganga mo puro na lang mura!"
"Hoy! Mga siraulo kayo, wala ba kayong naalala?" biglang tayo ni Nychaa sa harapan namin. Akala mo naman may nangyaring kung ano na.
"Wala naman, bukod sa utang mo sa 'kin bayaran mo na dali," sabi ni Mint.
"Baliw, hindi 'yon!"
"Eh ano?" sabi ko.
" 'Yong bagong housemate natin, ngayon darating!"
"Oo nga pala!" sabay naming sambit ni Mint. Bakit nga ba nawala sa isip namin, ngayon darating ang bago naming housemate. Good for four persons naman itong apartment saka pamilya namin ang may ari. Malaki naman kaya pumayag ako na magdagdag pa kami ng isa.
Hindi na kami nakapagsalita dahil may huminto na sasakyan sa tapat ng apartment. Nagtakbuhan kami sa harap ng bintana para makita ang itchura ng bago naming housemate.
Bumaba sa jeep ang isang babae, mahaba at kulot ang buhok. May suot na makapal na salamin sa mata, nakapaldang mahaba na halos sumayad na sa sahig. Naka long-sleeve na white.
"Ano 'yan? Ermitanya yata?" bulong ni Nychaa.
"Tangek, mangkukulam 'yan," ganting bulong ni Mint.
"Tumahimik nga kayo!" sabi ko. Piningot ko silang dalawa dahil kung ano-ano ang sinasabi. Hinila ko sila sa sofa hihintayin na lang namin na maka-akyat 'yong babae.
Pumasok ang babae, nakayuko sa harapan namin at may dalang maleta.
"Hi," nakangiting bati ko sa kanya.
"Sabi ko sa 'yo mangkukulam 'yan eh," bulong ni Mint kaya naman nakatanggap s'ya ng isang kurot sa 'kin.
"Ah hi, anong pangalan mo?" tanong ni Nychaa.
"M-mayumi Sperbund, p-pero tawagin n'yo na lang akong Yumi, 'yon kasi ang nickname ko."
"Okay, so? What's your talent, anong ipapakita mo sa 'min? Show me what you got," sabi ni Mint.
"H-huh?" tanong ni Yumi na naguguluhan. Minsan talaga si Mint aning-aning din eh.
"Siraulo, ano to? Pilipinas got talent?" sabi ko at binatukan ko si Mint nang malakas.
"Yumi, pasensya kana huh. Hindi, kasi naturukan ng gamot 'to eh," sabi ko kay Yumi sabay tumayo.
" By the way, ako nga pala si Kimberley Ann Rangsan but you can call me Kim if you want," inabot ko ang kamay kay Yumi at nakipagkamay."At ako naman si Mint Adisuan. Mint for short 19 years old, maganda lang pero walang pera,"
"Paano, laging talo sa online games," bulong ni Nychaa kaya naman sinamaan s'ya ng tingin ni Mint.
"At siyempre, ako naman si Nychaa Wattanaw. Nychaa for short, ako ang pinakamaganda sa 'ming tatlo," sabay namin s'yang binatukan ni Mint. Masyado kasing feelingera.
"Aray naman!" daing ni Nychaa dahil sa masakit na batok.
"Halika Yumi, hatid kita sa room mo." Hinatid ko si Yumi sa kwarto n'ya para makapagpahinga na rin s'ya.
Habang nag-aayos si Yumi sa kwarto n'ya, kami naman ay hindi mapakali sa labas.
"Nagugutom na talaga ako," sabi ni Mint.
"So? Ano, dating gawi? Bato-bato pick, kung sino ang matalo s'ya ang manlilibre," sabi ko sa kanila. Ganito kasi ang ginagawa namin lalo sa gawaing bahay, mga tamad kasi kami, literal.
Ako at si Mint ang unang naglaban.
"Bato-bato pick!" Bato ang ginamit ko, gunting naman kay Mint.
"Talo ka."
"Bakit, sino ba ang nagsabing gunting 'to?" paliwanag ni Mint
"Bakit, Ano ba 'yan?" sabi naman ni Nychaa.
"Barena 'to, tanga! Talo 'yang bato mo!"
"Bakit? Sino rin ba ang nagsabi sayo na bato 'to?"
"Oh, ano naman yan?" sabi ni Nychaa.
"Bulalakaw 'to, tanga!"
Palabas ng kwarto si Yumi at nakita ang kalokohang ginagawa namin.
"Ah, e-excuse me. Anong gingawa n'yo?" tanong ni Yumi sa 'min.
"Ah eh hehe, wala lang 'to" paliwanag ko kay Yumi.
"Nagbabato-bato pick kami, kung sinong matalo manlilibre ng pagkain. Seryosong labanan 'to budget ang nakasalalay," seryosong sabi ni Mint na akala mo naman lalaban sa pambansang palaro at s'ya ang pambato.
"Wala ba kayong stock na pagkain?" tanong ni Yumi sa 'min.
"Meron naman, kaso hindi kami marunong magluto kaya kailangan naming gawin 'to para makakain," sabi naman ni Nychaa na nag-stretching pa iniisip kung ano ang ipangtatapat na tira. Sila na kasi ni Mint ang maglalaban.
"Marunong ako magluto, baka makatulong ako kung gusto n'yo lang naman."
"Talaga?" bigla kaming nabuhayan ng loob dahil sa sinabi ni Yumi.
"Hulog ka ng langit sa 'min! " sabi ko kay Yumi at halos kaladkarin ko na s'ya papunta sa kusina. Gutom na gutom na kasi talaga ako.
Hangang-hanga kaming tatlo habang pinagmamasdang magluto si Yumi. Pakiramdam namin nanunuod kami sa TV na tulad ng mga chef na nagluluto. Kulang na lang tumulo ang mga laway namin. Kahit pa na isang simpleng chicken adobo at pork sinigang lang ang niluluto n'ya. No choice rin naman dahil ito lang ang pwedeng lutuin."I like her na," bulong ni Mint.
"Ako rin, hindi ko lang s'ya like love ko na s'ya," sabi naman ni Nychaa habang nagniningning pa ang mga mata.
"Gusto n'yong batukan ko kayo! Anong sabi mo kanina Nychaa? Ermintanya! At ikaw naman Mint, mangkukulam! Ano! Biglang nagbago ang ihip ng hangin?"
"Pwede namang magbago huh," nakangusong sabi ni Mint.
"Okay na, luto na" Narinig naming sabi ni Yumi. Para namang si flash 'yong dalawa. Isang malaking himala dahil nag-ayos sila ng lamesa at naghanda ng kakainan namin."Mga patay gutom," bulong ko.
******
"G*go ka Kim, ang sarap tikman mo!" sigaw ni Mint.
"Tengena neto ni Mint, hindi na lang kumain nang kumain!" saway ko kay Mint.
"Wooh, sarap nga! Teka Yumi, wala ba itong lason na galing sa province n'yo? Baka mayro'n itong gayuma huh," sabi naman ni Nychaa. Binato ko s'ya ng kutsara, dami pa kasi sinasabi hindi na lang kumain nang kumain.
"Dami mong alam, kung ayaw mong kumain sa 'kin nalang 'yan," sabi naman ni Mint sabay hila sa plato ni Nychaa. si Nychaa naman kinawkaw 'yong pagkain n'ya puno kasi ng sabaw ng sinigang kaya 'yon literal na hinugasan n'ya ng kamay.
"Sige kainin mo, lasang kamay ko na 'yan! haha."
"Iwww kadiri!"
"Ang bababoy n'yo!" sabi ko naman sa kanila sabay bato ng buto na pinagngatngatan ko do'n sa dalawa.
Si Yumi natutulala lang sa 'min, feeling n'ya siguro maling bahay ang napasukan n'ya. Nagdadalawang isip na siguro s'ya kung apartment ba 'to o mental hospital.
"Tumigil na nga kayo, baka isipin ni Yumi mga praning tayo," saway ko kila Nychaa at Mint.
"Sa lagay na 'yan, hindi pa ba kayo mga praning?" sabi ni Yumi.
"Grabe mo naman sa 'min, pero seryoso Yumi ang sarap talaga ng luto mo. The best sobra," sabi ni Mint.
"Salamat, mukha ngang nagustuhan n'yo. Simot eh hehe," sabi ni Yumi.
"Super like na kita, ang gaan ng loob ko sayo " sabi ni Mint.
" Dahil d'yan, bibigyan ka namin ng tip para makaiwas sa bully sa university lalo na't bago ka," sabi ni Nychaa.
"Teka, ano bang course mo?" tanong ko.
" Law student ako, iskolar sa university."
"Matalino ka pala. Kaya lang iskolar ka, Yari tayo d'yan! Lagot ka!" sabi ni Mint.
"Bakit? " nagtatakang tanong ni Yumi.
"Takaw bully kasi ang mga scholar lalo na ganyan pa ang itchura mo," sabi ni Nychaa.
"Sa province kasi ako lumaki, ang tatay ko magsasaka. Ang nanay naman labandera. Kaya lang ako pumayag na mag-aral dito sa Manila para matupad ko ang pangarap nila na maging lawyer ako balang araw. "
"Ang swerte mo sa mga magulang mo, ako kasi walang pakeilam sa 'kin parents ko. Bahala ako kung anong gawin ko sa buhay ko," sabi ni Mint.
"Pero teka, Yumi. Paano pala ang pang-budget mo? Kahit kasi iskolar ka kailangan mo pa rin ng extra money. Siyempre, bukod pa 'yong padala ng parents mo? " tanong ko kay Yumi.
"Maghahanap ako ng part-time job para dagdag income," sagot ni Yumi sa tanong ko.
"Ano bang alam mong work?" tanong naman ni Mint.
"Sa province kasi ang pinagkakakitaan ko, sumasali ako sa mga singing contest."
"Wow, singer ka pala. Sakto! Hindi ba Mint may bar si Mario, 'yong manliligaw mo. Baka pwede mong ipasok do'n si Yumi na part-time singer," sabi ni Nychaa.
"Sige try ko," sambit ni Mint.
"By the way, Yumi balik tayo sa university." Kinuha ko ang phone ko at may pinakitang picture.
"Ito ang mga dapat mong iwasan sa university," dugtong ko pa. "Umpisahan natin sa varsity boys. Una, ang leader nila ang tukmol kong kapatid. Ultimate playboy, madami na 'yang pinaiyak na babae kaya don't fall in love with him. Iwasan mo si Ryuu Kugimiya.""Kapatid mo? Pero, bakit magkaiba kayo ng apelyido?"
"Magkaiba kami ng Nanay, actually tatlo kami si Ryuu, Mario at ako pero s'ya lang ang nakakuha ng apelyido ng Daddy, at 'yong university magulang namin ang may-ari "
"Talaga? Mayaman pala kayo."
"Ganun na nga. So, 'yon na nga si Ryuu ang una. Ang pangalawa naman ay si Mark Prim, ultimate
playboy rin.""Pati s'ya, nabiktima ni Mark ex n'ya nga pala 'yon haha, " sabi ni Mint sabay turo sa 'kin.
"The third one is Mario Onizuka, manliligaw s'ya ni Mint. S'ya 'yong sinasabi ko na kapatid pa namin na isa. Buwan lang ang tanda n'ya sa 'kin. Sa totoo lang si Mario ang pinakamabait do'n sa apat. Hindi ko lang alam kung bakit ayaw s'yang sagutin ni Mint."
"Hindi ko naman kasi alam kung seryoso talaga s'ya sa 'kin. Ikaw nga hiniwalayan mo si Mark kasi sabi mo playboy at madaming babae kahit hindi mo naman napatunayan. Masyado ka lang selosa kaya napa-paranoid ka," paliwanag ni Mint.
"Hay naku, huwag na nga natin s'yang pag-usapan. Do'n na tayo sa pang-apat si Masu Junyang."
"Baby ko 'yon hehe," sabay sabi ni Nychaa.
"Huwag kang maniwala, wala namang silang relasyon. Mataas lang talaga ang pangarap n'yang si Nychaa," paliwanag ni Mint.
"Grabe mo naman sa 'kin, hintayin mo mapapasagot ko rin si Masu!" naka-pout na sabi ni Nychaa.
"At siyempre, si Charlene at ang squad n'ya. Mga baliw sila kay Barry kaya dapat kang mag-ingat."
"Sino naman si Barry?" tanong ni Yumi.
"Nickname 'yon ni Ryuu pero bawal mo s'yang tawagin sa name na 'yon kung hindi kayo close." Kamot ulo na lang si Yumi dahil naguguluhan s'ya.
"Ah okay."
"Siyempre ang panghuli ay si Chad! Kung mayro'n mang dapat iwasan sa lahat ay walang iba kung hindi si Chad isa s'yang masamang tao."
"Teka-teka hindi n'yo naman kailangang ipaliwanag lahat. Kasi tingin ko, hindi naman ako mai-involve kahit isa sa kanila. Kasi nandito ako para mag-aral at tuparin ang pangarap ng mga magulang ko," paliwanag ni Yumi.
"Oh s'ya, groupie na lang tayo for the new friendship," kinuha ni Nychaa ang cellphone n'ya. Nag-compress kami para magkasya sa kuha ng phone. Ako, si Yumi, Mint at Nychaa.
"Say cheese."
"Cheese."
Dito nag-umpisa ang pagkakaibigan namin, nadagdag ang bagong kapamilya at si Yumi 'yon.***********End of flashback*********
" Okay naman tayo dati Yumi eh, bakit kasi ginawa mo 'yon! Bakit mo sinira lahat pinagsamahan natin!"
Ibinalik ko ang picture na hawak ko. Inipit ko ulit sa libro sabay ibinagsak ang katawan sa kama. Gusto ko na lang matulog, ayaw ko ng isipin pa ang nakaraan.
**************************************
Game of Love Hawak ng team nila Danika at Alan ang case ni Regine, ang rising star model na natagpuan sa condo unit n'ya na wala ng buhay. Sina SPO1 Danika Prachom at SPO2 Alan Philipe ang naka-assign na mag-imbestiga sa kaso ni Regine. Pumasok si Alan sa opisina ni Danika dala-dala n'ya ang result ng autopsy. "Na sa 'kin na ang result ng autopsy," sabi ni Alan. Lumapit s'ya kay Danika at hinila ang sigarilyo sa bibig nito. Inihinulog sa sahig at tinapakan pagkatapos pinitik n'ya ang bibig ni Danika. "Aray naman!" " Sabi ko sayo, tigilan mo na paninigarilyo! " "Tsk! Patingin nga ng result!" Binasa ni Danika saglit ang resulta ng autopsy. "Lumalabas na hindi ni-rape si Regine. Wala ring anumang bagay na ninakaw sa condo n'ya. Ang ibig sabihin ba? Ang motibo ng killer ay patayin lamang s'ya?"
Game of Love Yumi's POV Hapong-hapo akong naupo sa mahabang sofa pag-uwi namin ng bahay. Nakakapagod kasi sobra, may mga ilang photoshoot pa kasi kaming tinapos pagkatapos nag-guesting pa sa isang TV show. Tapos na nga ang contract ko, pinapagod pa nila ako ng ganito. Humiga ako at ipinatong ang paa ko kay Kevin, sinimulan n'ya naman itong hilutin. "Yumi, may sasabihin sana ako sa 'yo," sabi sa 'kin ni Kevin. "Ano?" "About sa new contract mo." Napaupo ako dahil sa sinabi ni Kevin, tinitigan ko s'yang maigi. "Nakapili ka na ba ng new agency na may magandang offer? Saang bansa tayo lilipat?" "Oo sana, alam mo kasi Yumi maganda ang offer nila. Nag-email sa 'kin 'yong isang Creative Director. Actually, no'ng una nagpa-audition sila pero wala silang napili para maging model." "Model
Game of Love Mario's POV Bababa sana ako para uminom ng tubig pero hindi pa man din ako nakakababa ng hagdan may narinig akong boses ng babae, sumisigaw. Nang mapagtanto ko na boses ni Yumi 'yon, mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto n'ya. "Yumi! Yumi! " sigaw ko habang ginigising si Yumi. Binabangungot na naman kasi s'ya. Tinatawag ang Tatay n'ya. "Tay... Tay..." patuloy na sigaw n'ya. Nag-aalala na ako dahil hindi pa rin s'ya nagigising kaya naman sinampal ko s'ya nang mahina. "Junior! Naya!" muling sigaw ko katabi lang kasi nila ang kwarto ng Mommy nila. Pupungas-pungas pa ang mga ito nang pumasok sa loob. "What's wrong Daddy Mario?" sabi ni Junior na nag-aalala. Bigla silang nagising nang makita ang sitwasyon ng Mommy nila. "Mamamee! " paiyak na sambit ni Naya.
Game of Love Mario's POV Minabuti kong dumaan muna sa kwarto ni Yumi para silipin s'ya saglit. Binuksan ko ang pinto ng dahan-dahan at nakita ko ang nakatulalang si Yumi. Nakatulala s'ya sa kawalan, alam ko namang nahihirapan s'ya pero gano'n paman kailangan n'ya pa ring magpakatatag at lakasan ang loob n'ya. Naalala ko no'n, sa tuwing mag-uusap kami ni Yumi. Tinatanong n'ya sa'kin kung may Diyos ba talaga at kung may Diyos nga bakit hinayaan n'ya na dumating sa punto na mangyari 'to lahat sa kanya. Napakarami n'yang tanong sa 'kin na bakit, bakit ganito? Bakit ganyan? Ang daming tanong pero hindi ko naman alam ang isasagot ko. Nakita ko na nakatitig s'ya sa gitara sa gilid ng kama n'ya. Lumapit s'ya dito, kinuha n'ya at naupo sa gilid ng kama. Noon pa man mahilig na sa music si Yumi. Isa rin ito sa mga nagpapagaan ng loob n'ya. Kadalasan, tumutugto
Game of Love Katulad ng usapan, nauna ng bumalik ng Pilipinas si Mario at ngayon naman pasunod na sina Yumi at Kevin. Nasa loob s'ya ng kwarto at nag-iimpake ng mga gamit habang pinagmamasdan s'ya ng kambal madaling araw kasi ang flight nila ni Kevin. "Mamamee, are you going back to the Philippines now?" tanong ni Naya kay Yumi. "Yes Baby Bunny pero don't worry after one or two weeks susunod naman kayo nila Lola n'yo eh." Ngiti lang ang isinagot sa kanya ni Naya. "Huwag ka nang masyadong mag-alala Mommy habang wala ka, akong bahala kay Naya at Lola. I can take care of them, hindi ko sila pababayaan," ang sabi naman ni Junior. "Big boy na talaga ang Baby Bear ko, halika nga rito pa-hug ako," sabi ni Yumi at mahigpit na niyakap si Junior. "Paano naman ato? Hindi mo ba ato love," naka-pout na sabi ni Naya kaya naman biglang n
Game of Love "Hey! Did you see them?" sigaw na tanong ni Mint habang nakahiga sa mahabang sofa. Naglalaro s'ya ng online games, narinig n'ya kasi ang usapan nila Kim kaya naman iniwanan n'ya ang phone n'ya at nakichismis sa kanila. Pag-uwi kasi ni Yumi, sinabi n'ya ang nangyari tungkol sa secret garden. "I told you naman, hindi ba? Avoid those varsity guys, ang kulit mo," sermon ni Kim kay Yumi. "Hindi ko rin naman alam na makikita ko sila eh, saka ano ba 'yong sinasabi nilang territory?" curious na tanong ni Yumi. "Sa University kasi maraming gang at 'yong secret garden, isa sa mga hide out ng varsity guys," paliwanag ni Nychaa. "Teka Yumi, may nakakita ba sa 'yo no'ng pumasok ka sa secret garden?" tanong naman ni Mint. "Hindi ko sure eh." "Wish mo lang na walang nakakita sa 'yo, lagot ka talaga," sabi naman ni Mint.
Game of Love Nakahiga si Barry sa mahabang sofa habang nakangiting binabasa ang profile ni Yumi pina-background check n'ya kasi ito. Hindi n'ya maintindihan kung bakit naging interesado s'ya dito. "Ibang klase, simula ng highschool s'ya iskolar na kaya naman pala gano'n sobrang kapal ng salamin n'ya," kausap ni Barry sa sarili. "Hoy Barry, tumayo ka na d'yan late na tayo," sigaw sa kanya ni Mark. "Kanina ka pa titig na titig d'yan! Don't tell me, interesado ka sa kanya? Baka naman type mo na?" sabi ni Masu. "No way! Hindi ako magkakagusto sa Manang noh! I'm just curious, 'yon lang." "Curious? Talaga lang huh? Kaya pala pinatalo mo 'yong racing natin para lang balikan s'ya. Alam mo ba kung magkano ang natalo sa 'tin?" sambit naman ni Mario. Tumayo si Barry at pinaghahampas sila ng folder sa ulo. "Kung hindi ko
Game of Love Yumi felt something really weird. Kailan lang naman n'ya nakilala si Barry pero bakit gano'n na lang kalakas ang impact nito sa kanya. Honestly, her feelings towards Barry becomes deep and she's so scared about it. Wala sa sariling naglalakad si Yumi para kinakalma ang sarili habang tinatapik ang kanyang dibdib. "Ano bang nangyayari sa 'kin? Wala naman akong sakit sa puso ah," iling-iling n'ya habang naglalakad. " 'Yong transfer na probinsyana raw ang kaangkas ni Ryuu at kasabay nilang kumain sa cafeteria kanina!" Napahinto si Yumi dahil sa narinig n'ya. "Hindi naman maganda at old-fashioned, hindi gano'n ang tipo ni Ryuu," sabi pa ng isa. "Kung gano'n, nilalandi n'ya si Ryuu. Humanda s'ya dahil pag nakita ko s'ya tuturuan ko s'ya ng leksyon!" Dahan-dahang tumalikod si Yumi at unti-unting naglakad palayo. "Just what I thought, mapapah
Game of Love" Ano mang oras, Chad, darating na ang mga pulis! Mabubulok ka sa kulungan! "" Sino ba may sabi sa 'yo na makukulong ako?"" Sumuko ka na, Chad. Hindi pa huli ang lahat para sa 'yo. "" Sumuko? Nagpapatawa ka ba? Umabot na sa lahat ang ganito tapos sasabihin mo sumuko ako? "Barry's group had gone earlier to Chad's abandoned headquarter. They're able to escape the police dahil kahit anong pagpipilit nila ay ayaw silang pasamahin ng mga ito sa gagawing paghuli kay Chad. They also know the headquarter better so they can easily find Yumi and Naya.When they arrived, Barry and Mario quickly went to the back of the headquarter. Dahil ang hinala nila kung mayro'n mang pwedeng pagdalhan si Chad kina Yumi at Naya ay may posibilidad na sa likod ito dahil malawak ang likurang bahagi ng building kaya nagbakasakali sila." H
Game of LoveYumi remained silent and didn't tell any of them about what she and Chad had talked about, while Barry and Mario are preparing to go to the place where Chad is allegedly hiding. Nagsuot sila ng bulletproof para sa seguridad nila, 10:30pm exactly nang makaalis sila at tulad nga kanina sumama si Mark sa operasyon at si Masu naman ay nagpaiwan na lang para may kasama sila Yumi sa bahay.When the atmosphere was quiet, Yumi slowly left the house. Isa man ay walang kaalam-alam sa gagawin at binabalak n'ya, even the police guards who are so busy eating. They didn't notice Yumi while exiting the gate.Katulad nang napag-usapan nila ni Chad, mag-isang nagpunta si Yumi sa lumang building, sa headquarter.When she arrived at Chad's headquarter, it was very dark all around, the light of the bonfire only lit up the surroundings." Chad! " sigaw ni Yumi. Mabilis namang lumabas si Chad mula sa dil
Game of LoveA few days passed but Chad remain silent. This made them all even more nervous and frightened kaya naman lahat sila ay nanatiling alerto sa bawat oras na dumadaan." Hindi pa ba sila magpapahinga kahit saglit? " sabi ni Yumi, habang nakadungaw sa bintana at pinagmamasdan ang mga police guards na nakapalibot sa buong kabahayanan. Batid n'ya ang pagod ng mga ito pero alang-alang sa kaligtasan nilang lahat ay hindi nila alintana ang pagod at hirap." Ang alam ko nagpapalitan naman sila so don't worry too much about them, " sabi ni Kim sa kanya, hinawakan s'ya nito at pinaupo sa sofa. " Kailangan natin ngayon ng matinding seguridad lalo na't hanggang ngayon wala pa ring balita kay Chad. We don't know what his next plan so we have to be alert, " singit ni Mint sa usapan nila. Nasa sala sila ng bahay at naghihintay sa bagong balita, nagpunta kasi sina Barry at Mario kila Danika para pag-usapa
Game of LoveSinenyasan ni Danika ang mga kasamang pulis para palibutan ang nasabing location kung nasaan si Chad at tulad ng bilin ni Alan, naiwan sina Barry at Mario sa loob ng kotse ngunit sadyang matigas ang ulo nila. Dahan-dahan silang lumabas mula sa kabilang pinto ng kotse at sumunod kila Alan, tinakasan nila ang mga naiwang pulis para magbantay sa kanila." Search the area! " radyo ni Alan sa lahat." Clear, Sir! " report ng ilang mga pulis matapos dumaan sa likod ng lumang bahay." Clear, Sir! " sabi pa ng iba." Paanong nangyari to? " bulong ni Alan sa sarili pagkatapos lumabas din sila Danika kasama ang iba pang pulis." Malinis ang buong lugar kahit isang bakas ni Chad, wala. Naisahan na naman tayo! " sabi ni Danika sabay bato ng body armor na tinanggal n'ya sa katawan." Inuubos n'ya talaga ang pasensya ko!
Game of LoveHabang papalayo sila sa nakahigang si Junior ay naririnig pa rin nila ang patuloy na pag-iyak ni Yumi. Hindi sila makapaniwala na nangyayari talaga ang mga bagay na ito. Kung kailan nagiging okay na ang lahat, kung kailan naliwanagan na ang lahat at unti-unti nang nabubuo ang pamilya ni Yumi, ngayon pa nangyari ito." Junior, please, gumising ka na! " patuloy na yugyog ni Yumi kay Junior, hindi s'ya nawawalan ng pag-asa na maisasalba pa n'ya ang buhay ng anak. Patuloy s'ya sa pag-CPR dito at pagkatapos binubugahan ito ng hangin sa bibig, nagbabakasakaling magkaroon ng himala at muli itong bumalik pa kahit ilang minuto na ang lumipas.Hanggang sa..." J-junior! Junior! " nanginginig ang buong katawan ni Yumi at hindi makapaniwala. Bigla kasing gumalaw ang kamay ni Junior at kumunot ang noo nito kaya naman dali-dali n'ya itong iniupo at hinimas-himas ang dibdib at likod pagkatapos bi
Game of Love" Ano Barry, nakapili ka na ba kung sino sa kanila ang maiiwan at sino ang mamamatay? " Lumapit si Chad kay Barry, habang naka-poker face, wala s'yang pakeilam sa nararamdaman ni Barry.Barry looked at Naya and Junior again, he can clearly saw how difficult they were because of their condition. Ayaw n'yang mamili isa man sa kanila, hindi n'ya kaya.Tumakbo s'ya sa harapan ni Chad para magmakaawa. Wala na s'yang pakeilam kung maging katawa-tawa man s'ya sa harapan nito, ang mahalaga ay ang buhay ng kambal. Ngayon pa lang ulit s'ya nagiging masaya, ngayon pa lang s'ya nakakabawi kay Yumi at ngayon n'ya lang mapupunan ang pagkukulang n'ya bilang ama sa mga anak n'ya. Ilang taon n'yang hindi nasubaybayan ang mga ito kaya hindi s'ya makapapayag na may mawala sa kanila." Please Chad, parang awa mo na. Huwag mong idamay ang mga bata. "" Nadamay na sila, wala na ak
Game of LoveChad Headquarter..." Chad! Chad! " sigaw ni Barry pagdating n'ya sa lumang hide out ni Chad. Madilim kasi ang buong paligid, wala s'yang makita. Wala naman s'yang pakeilam kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya, ang mas iniisip n'ya ngayon ay ang kambal.Biglang bumukas ang mga ilaw kaya naman napatakip s'ya ng mata dahil sa nasilaw s'ya at tumambad sa kanya ang nakangising si Chad, papalapit sa kanya kasama nito ang dalawang tauhan n'ya." Ang akala ko hindi ka na pupunta, late ka na kasi, " sabi nito sabay tingin sa relo n'ya." Nasaan ang mga anak ko! " sigaw ni Barry. Lalapitan n'ya sana si Chad pero pinigilan s'ya ng mga tauhan nito at tinutukan s'ya ng baril." Chill ka lang, masyado ka namang mainit eh pero sakto 'yang pagka-init ng ulo mo. Magpapalamig kasi tayo ngayon, hahaha. " Sinenyasan ni Chad ang dalawang tauhan n'ya at na-gets
Game of Love" Barry! " sabi ni Masu, pagkatapos ay nilapitan s'ya." Ano na ang balita? " tanong ni Barry, sa mga pulis na nag-imbestiga sa loob ng bahay ni Mario." Tiningnan namin 'yong iniwan na cellphone kung may naiwan na contact number o kahit ano na pwedeng makapagturo sa kinaroroonan ni Chad pero wala eh, " sabi ni Alan sa kanila." Pinakikilos ko na ang mga tao ko para maghanap pa ng ibang impormasyon. Alam ko na gagawa ng paraan si Danika para makapagbigay ng signal kung nasaan man sila, " dugtong pa ni Alan. Nakumpirma rin kasi nila na isa sa mga bihag ngayon ni Chad ay si Danika, dahil magmula ng nakiusap si Kim kay Danika na pumunta sa bahay ni Mario ay hindi na ito nakabalik pa. Nagpaalam na si Alan sa kanila para gawin ang trabaho n'ya." Kamusta na si Yumi? "Lumapit si Mint, sumunod naman silang lahat." Tulog pa rin s'ya hang
Game of LovePagdating ni Yumi sa bahay ni Mario, kaagad s'yang tumakbo papasok sa loob. Hindi na n'ya inintindi kung ano ang panganib na naghihintay sa kanya papasok sa loob.Nang marinig naman ni Chad ang boses ni Yumi ay kaagad n'ya uling pinindot ang Facebook live, inilagay n'ya ito sa makukuhanan ang buong paligid pagkatapos ay nilisan na nila ang bahay dala-dala si Naya." Nay! Nay! " sigaw n'ya sabay nang pagbukas ng pinto pero madilim ang buong paligid, wala s'yang makita. Kinapa n'ya ang switch ng ilaw at nang sumabog ang liwanag sa buong paligid nagulat s'ya sa nakita, ang nagkalat na dugo sa paligid, at ang walang buhay na si Arah. Pati na rin ang isa pang pulis na kasamahan ni Danika. " A-arah.... " Nanginginig ang buong katawan n'ya habang nilalapitan n'ya ito. Pilit n'yang pinapalakas ang sarili n'ya dahil pakiramdam n'ya anytime ay mahihimatay na s'ya. Pinunasa