Home / Romance / Game of Love / Kabanata 14

Share

Kabanata 14

Author: Dhine
last update Last Updated: 2021-08-17 09:05:18

Game of Love

"Hey! Did you see them?" sigaw na tanong ni Mint habang nakahiga sa mahabang sofa. Naglalaro s'ya ng online games, narinig n'ya kasi ang usapan nila Kim kaya naman iniwanan n'ya ang phone n'ya at nakichismis sa kanila. Pag-uwi kasi ni Yumi, sinabi n'ya ang nangyari tungkol sa secret garden.

"I told you naman, hindi ba? Avoid those varsity guys, ang kulit mo," sermon ni Kim kay Yumi.

"Hindi ko rin naman alam na makikita ko sila eh, saka ano ba 'yong sinasabi nilang territory?" curious na tanong ni Yumi.

"Sa University kasi maraming gang at 'yong secret garden, isa sa mga hide out ng varsity guys," paliwanag ni Nychaa.

"Teka Yumi, may nakakita ba sa 'yo no'ng pumasok ka sa secret garden?" tanong naman ni Mint.

"Hindi ko sure eh."

"Wish mo lang na walang nakakita sa 'yo, lagot ka talaga," sabi naman ni Mint.

"Hay naku, basta 'yon na ang una at huli na ma-eencounter ko ang mga lalaking 'yon lalo na ang mayabang na yon! Sigurado ako, s'ya ang leader nila. Nasobrahan sa kayabangan eh, kakainis."

"Siguraduhin mo lang Yumi and don't ever fall in love with him, okay?" sabi ni Kim.

"Oo naman, never noh! Nandito ako para mag-aral at tuparin ang pangarap ng mga magulang ko."

"Good," sabi nilang lahat ng sabay-sabay.

"Maiba tayo, bakit ganyan pala mga suot n'yo? Para naman kayong magpapagahasa?"

Isa-isang pinasadahan ng tingin ni Yumi sila Mint, Kim at Nychaa.

"Ah, ano kasi... Aalis kami. Pupunta kaming Ramasuma bar, hindi ba naghahanap ka ng part-time job?Kakausapin ko si Mario, hindi ka na rin namin niyaya kasi alam naming hindi ka naman sasama," paliwanag ni Mint.

Tumayo sila Kim at nagpagpag ng mga suot.

"Paano? Aalis na kami. Huwag mo na kaming hintayin baka mamaya pa kami makauwi," sabi ni Kim.

"Pero? Dapat hindi ba nagre-review na tayo kasi malapit na exam natin?"

"Yumi naman, pwede bang pass muna sa sakit ng ulo. Saka na 'yan," sambit naman ni Nychaa.

"Alis na kami, isara mo ang pinto baka ma-rape ka!" sabi ni Mint na patawa-tawa sabay nag takbuhan na sila pababa. Kamot ulo na lang  na naiwan si Yumi.

Naiwan si Yumi sa bahay wala s'yang ginawa kung hindi ang mag-review ng mag-review. Palagi n'yang tinatatak sa isip n'ya na dapat makapagtapos s'ya ng pag-aaral para sa kanyang Nanay at Tatay.

"11:00 pm na pala? Hindi ko man lang namalayan ang oras," sabi ni Yumi sa sarili. Tumayo at nag unat-unat.

"Wala pa rin 'yong tatlo."

Lumabas si Yumi ng pinto at nalanghap ang sariwang hangin na nagmumula sa labas. Muling nag-unat, napansin n'ya sa hallway ang pinakadulong parte ng second floor, ang fire exit. Lumakad s'ya papunta do'n at binuksan n'ya ang pinto. Bumungad sa kanya ang malinis na kalsada, bumaba s'ya sa hagdan at naupo. Dahil dito, mas malapit na s'ya sa kalsada.

Hindi alam ni Yumi kung ilang oras na s'yang nakaupo do'n at nagmumuni-muni. Napatingin s'ya sa hindi kalayuan nang may marinig s'yang kung ano, parang tunog ng motorsiklo at sigurado s'yang hindi lang isa 'yon.

And in a while, may nakita s'yang paparating. Napakaraming motorsiklo at base sa tunog nito, napakabilis ng takbo. Isang bagay lang ang naisip ni Yumi, they we're racing. Natutok ang atensyon n'ya sa motor na nangunguna, pakiramdam n'ya kasi kilala n'ya 'to pero hindi rin s'ya sure dahil naka-helmet 'to. Sinundan n'ya ng tingin ito hangang sa makalapit sa kanya at muntik na s'yang malaglag sa hagdan nang makilala n'ya ito.

"B-barry," sabi n'ya sabay hawak sa dibdib dahil biglang nag-uunahan na naman ito sa bilis. Pakiramdam n'ya ang puso n'ya ang lumalaban sa racing.

Lalo lang nagpakaba sa kanya ang pagsulyap nito sa gawi n'ya bago ito lumagpas. Nagkatinginan sila eye to eye, 'yong feeling na gusto na n'yang tumalon sa hagdan gano'n ang nararamdaman n'ya.

It's only a few seconds but she's so sure that it's Barry because her heart reacted the way it did when she first met Barry. Sa katunayan, nahihirapan pa rin s'yang huminga kahit na napakatahimik na ulit ng paligid.

Bakit ba s'ya nakakaramdam ng ganito?

Umiling s'ya at paulit-ulit na huminga ng malalim. Sigurado s'yang aksidente lang na nagkatinginanan sila besides she's sure he didn't even remember her. Muli s'yang napaangat ng tingin ng makarinig ulit ng tunog ng motor. Muli na namang bumilis ang tibok ng puso n'ya ng makita ang motor ni Barry. Iniisip n'ya na tumayo at tumakbo papasok sa loob pero hindi s'ya makagalaw, nanlalambot ang tuhod  n'ya. Lalo na ng bumaba ito sa motor at nag-umpisang lumapit sa kanya.

"So? It's really you Manang."

"Y-you remember me?"

"Of course , madali lang tandaan ang itsura mo Manang saka makakalimutan ko ba ang pagtawag mo sa 'kin ng antipatiko at bastard." 

Dahil sa sinabi ni Barry namula ang mukha ni Yumi.

" I know that, you're not the first one who called me that. In fact, I've been called worst names before," speechless lang si Yumi kinakalma n'ya pa din kasi ang sarili n'ya.

"Ano bang ginagawa mo rito ng ganitong oras ng gabi? Akala ko tuloy, multo ka."

"Pwede bang huwag kang magpatawa, hindi bagay sa 'yo. You're not a type of guy who believes in ghost mas nakakatakot ka pa nga sa multo eh." Biglang nandilim ang paningin nito, napikon yata sa sinabi n'ya kaya medyo natakot s'ya.

" B-bakit?"

"What are you really doing here?" madiin na sabi nito.

"N-nagpapahangin lang."

"Pumasok ka na at huwag na huwag ka nang tatambay ulit dito sa fire exit. This road is dangerous for a girl like you, kahit mukha kang Manang hindi ka nila sasantuhin," sinimangutan lang ni Yumi ang sinabi sa kanya ni Barry.

"Ano pang hinihintay mo? Pasok na!"

"Bakit mo ba ako pilit na pinapapasok?  Tatay ba kita huh! Ano bang pakeilam mo! "

"You don't really get it, don't you? Don't think that because you look so old fashioned ay wala nang magtatangka ng masama sa 'yo. Maraming nabibiktima sa kalsadang ito, be thankful dahil pinapayuhan kita. Ayaw ko lang na mabalitaan na may na-rape na mukhang Manang dito!"

"Pero ginagamit mo rin naman itong kalsada, eh di ibig sabihin masamang tao ka?"

Muling sumeryoso ang mukha ni Barry kaya napaatras si Yumi.

"This is my last warning! Pumasok ka na Miss Mayumi Sperbund!" madiin na sabi ni Barry.

Saglit si Yumi na natulala, nag-isip ng sasabihin pero bago pa man s'ya makapagsalita nakasakay na si Barry sa motor n'ya. Nag u-turn at pinaharurot na ito. Hanggang nawala na si Barry sa paningin n'ya. Then something hit her  tinawag s'ya ni Barry sa totoo n'yang pangalan. Paano nito nalaman ang pangalan n'ya?

**************************************

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Phia Castelo
Ang galing po tita Lodi...️...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Game of Love   Kabanata 15

    Game of Love Nakahiga si Barry sa mahabang sofa habang nakangiting binabasa ang profile ni Yumi pina-background check n'ya kasi ito. Hindi n'ya maintindihan kung bakit naging interesado s'ya dito. "Ibang klase, simula ng highschool s'ya iskolar na kaya naman pala gano'n sobrang kapal ng salamin n'ya," kausap ni Barry sa sarili. "Hoy Barry, tumayo ka na d'yan late na tayo," sigaw sa kanya ni Mark. "Kanina ka pa titig na titig d'yan! Don't tell me, interesado ka sa kanya? Baka naman type mo na?" sabi ni Masu. "No way! Hindi ako magkakagusto sa Manang noh! I'm just curious, 'yon lang." "Curious? Talaga lang huh? Kaya pala pinatalo mo 'yong racing natin para lang balikan s'ya. Alam mo ba kung magkano ang natalo sa 'tin?" sambit naman ni Mario. Tumayo si Barry at pinaghahampas sila ng folder sa ulo. "Kung hindi ko

    Last Updated : 2021-08-18
  • Game of Love   Kabanata 16

    Game of Love Yumi felt something really weird. Kailan lang naman n'ya nakilala si Barry pero bakit gano'n na lang kalakas ang impact nito sa kanya. Honestly, her feelings towards Barry becomes deep and she's so scared about it. Wala sa sariling naglalakad si Yumi para kinakalma ang sarili habang tinatapik ang kanyang dibdib. "Ano bang nangyayari sa 'kin? Wala naman akong sakit sa puso ah," iling-iling n'ya habang naglalakad. " 'Yong transfer na probinsyana raw ang kaangkas ni Ryuu at kasabay nilang kumain sa cafeteria kanina!" Napahinto si Yumi dahil sa narinig n'ya. "Hindi naman maganda at old-fashioned, hindi gano'n ang tipo ni Ryuu," sabi pa ng isa. "Kung gano'n, nilalandi n'ya si Ryuu. Humanda s'ya dahil pag nakita ko s'ya tuturuan ko s'ya ng leksyon!" Dahan-dahang tumalikod si Yumi at unti-unting naglakad palayo. "Just what I thought, mapapah

    Last Updated : 2021-08-19
  • Game of Love   Kabanata 17

    Game of Love Pakanta-kanta pa si Barry habang sakay ng kanyang kotse na Ferrari Roma. Latest model ito at bilang lang ang mayroong kotse na ganito. This time, hindi s'ya nagmotor dahil papunta s'ya sa bahay ng Daddy n'ya. Nang biglang may malakas na kung ano ang tumama sa salamin ng kotse n'ya. Nabasag ito at pumasok sa loob. May tumamang bubog sa mukha ni Barry at na-out of balance ang kotse kaya naman tumama s'ya sa pader. Sigurado s'ya na malaki ang tama ng bumper ng kotse n'ya at basag pa ang salamin n'ya. Galit na galit na lumabas ng kotse si Barry at nakita n'ya ang babaeng nakatalikod. Dahan-dahan itong naglalakad palayo na para bang gustong takasan ang ginawa n'yang kasalanan. "Hoy Miss!" sigaw ni Barry sabay punas sa pisngi na nagdudugo dahil sa bubog na tumama sa kanya. "Hoy Miss, bingi ka ba?" Dahan-dahang lumingon si Yumi, sobrang kinakabahan s'ya at

    Last Updated : 2021-08-20
  • Game of Love   Kabanata 18

    Game of Love Paglabas ni Yumi ng cr, nanlaki ang mga mata n'ya nang makita kung sino ang naghihintay sa kanya. "Manang!" "B-barry?" biglang nasambit ni Yumi pagkita sa lalaking kaharap. "Wow, Barry talaga. Close ba tayo?" "Eh di Ryuu." "Do you think na makakatakas ka sa kasalanang ginawa mo?" "T-teka, ano bang gusto mong mangyari? Sinabi ko naman sa 'yo wala akong perang pambayad sa damage ng kotse mo."" 80,000 ang nagastos ko para ipagawa ang kotse ko dahil sa katangahang ginawa mo. Kaya mo bang bayaran?" "W-wala nga akong pera! Saka 80,000 saan naman ako kukuha ng gano'ng kalaking halaga." Saan naman si Yumi kukuha ng ganoong kalaking pera? Pamasahe nga lang pabalik sa province nila 7 thousand na kaya nga hindi s'ya makauwi dahil wala s'yang pamasahe tapos dumagdag pa itong 80,000.

    Last Updated : 2021-08-21
  • Game of Love   Kabanata 19

    Game of Love Nakaupo si Yumi sa isang bakanteng upuan habang inaayos ang mga reviewers na ginawa n'ya para do'n sa tatlo. Kinausap n'ya kasi ang mga professors nila para hingin 'yong mga mabababang subjects nila nang sa gano'n makahabol sila Mint, Kim at Nychaa sa final exams. Hindi lang naman 'yong tatlo ang dapat n'yang problemahin pati na rin ang exam n'ya. Kailangan n'ya rin makapag-review buti sana kung pare-pareho sila ng course madali lang sana kaso hindi eh kaya nga pigang-piga na ang utak n'ya. "Yumi!" kumakaway na sigaw ni Mint papunta sa kanya kasunod 'yong dalawa. "What are you doing?" tanong ni Kim nang makaupo na sila. "Gumagawa ng reviewer para sa inyo, nakuha ko na sa mga professors n'yo 'yong mga mabababang subjects n'yo." 'Yong tatlo naman sabay-sabay na napakamot sa ulo. "Ano ba kayo! Madali lang naman.

    Last Updated : 2021-08-23
  • Game of Love   Kabanata 20

    Game of Love Dinala ni Barry si Yumi sa isang restaurant. Nagtataka man si Yumi pero sinundan n'ya na lang si Barry baka kasi kung ano na naman ang gawin nito sa kanya. Ang iniisip n'ya mula pa kanina baka totoong ibebenta s'ya ni Barry at nandito ang buyer na pagbebentahan sa kanya. "This way sir," sabi ng isang waiter at dinala sila sa isang private room. "Ito na ba 'yon? Ibebenta n'ya talaga ako," kausap ni Yumi sa sarili. Habang papasok sila sa private room. May mga tinuro si Barry sa menu pagkatapos umalis na 'yong waiter. "Manang, sign it," sabi ni Barry pagkatapos may ibinato sa kanyang white folder. "Ano ba 'to?" "Read it, engot!" Nag-pout lang si Yumi kay Barry at sinimangutan s'ya. "80,000 in 60 days to pay what you've done. Hindi na masama, pwede na siguro." Dahil

    Last Updated : 2021-08-24
  • Game of Love   Kabanata 21

    Game of Love Kinabukasan, ginawa na ni Yumi ang mga dapat gawin. Binigay n'ya kila Kim ang lessons na dapat nilang i-review at s'ya namang pinasadahan din ang exam n'ya pagkatapos dumiretso na s'ya sa condo ni Barry. Nakailang door bell na s'ya pero wala pa ring nagbubukas kaya nag-door bell ulit s'ya. Kita ni Barry si Yumi mula sa labas ng pinto. Nakatingin kasi s'ya sa monitor, muli n'yang pinasadahan ang mukha ni Yumi pagkatapos ay pinindot n'ya ang intercom para marinig s'ya nito mula sa labas. "Password." Napakunot noo si Yumi dahil sa narinig. Naka-pout s'ya na lumapit sa monitor . "I'm not in the mood," sabi ni Yumi na nakasimangot iniisip n'ya kasi na may pa-password password pang nalalaman si Barry, hindi na lang s'ya papasukin nito. "You can't come in if you don't say it!" "Pwede ba Monster, I mean Master.

    Last Updated : 2021-08-25
  • Game of Love   Kabanata 22

    Game of Love Kinabukasan, pagpasok ni Yumi sa University naghanap kaagad s'ya ng bakanteng pwesto. Balak n'ya kumain ng mabilis para makapag-review pa s'ya at makagawa ng lesson no'ng tatlo. Pag-uwi kasi sa bahay, nakatulog s'ya kaagad dahil sa pagod ni hindi na nga s'ya nakakain kaya naman gutom na gutom s'ya ngayon. Balak n'ya munang mag-almusal kaya pumunta s'ya ng cafeteria para kumain. "Siguro pwede ako 'don," Yumi's thought nang makita ang isang bakanteng pwesto. Papalapit na s'ya sa vacant seat pero may biglang humarang sa kanya, isang grupo ng mga kalalakihan. Ang kasama nitong tatlo medyo pamilyar sa kanya pero 'yong lalaking nasa unahan, ngayon n'ya lang nakita. "Ito ba? Ito ba ang bagong laruan ni Barry?" turo sa kanya nito sabay inikutan s'ya. "I can imagine na magugustuhan 'to ni Barry? She's so plain, walang dating at old fashioned. Sigurado ba kayo? " tanong

    Last Updated : 2021-08-26

Latest chapter

  • Game of Love   Kabanata 88

    Game of Love" Ano mang oras, Chad, darating na ang mga pulis! Mabubulok ka sa kulungan! "" Sino ba may sabi sa 'yo na makukulong ako?"" Sumuko ka na, Chad. Hindi pa huli ang lahat para sa 'yo. "" Sumuko? Nagpapatawa ka ba? Umabot na sa lahat ang ganito tapos sasabihin mo sumuko ako? "Barry's group had gone earlier to Chad's abandoned headquarter. They're able to escape the police dahil kahit anong pagpipilit nila ay ayaw silang pasamahin ng mga ito sa gagawing paghuli kay Chad. They also know the headquarter better so they can easily find Yumi and Naya.When they arrived, Barry and Mario quickly went to the back of the headquarter. Dahil ang hinala nila kung mayro'n mang pwedeng pagdalhan si Chad kina Yumi at Naya ay may posibilidad na sa likod ito dahil malawak ang likurang bahagi ng building kaya nagbakasakali sila." H

  • Game of Love   Kabanata 87

    Game of LoveYumi remained silent and didn't tell any of them about what she and Chad had talked about, while Barry and Mario are preparing to go to the place where Chad is allegedly hiding. Nagsuot sila ng bulletproof para sa seguridad nila, 10:30pm exactly nang makaalis sila at tulad nga kanina sumama si Mark sa operasyon at si Masu naman ay nagpaiwan na lang para may kasama sila Yumi sa bahay.When the atmosphere was quiet, Yumi slowly left the house. Isa man ay walang kaalam-alam sa gagawin at binabalak n'ya, even the police guards who are so busy eating. They didn't notice Yumi while exiting the gate.Katulad nang napag-usapan nila ni Chad, mag-isang nagpunta si Yumi sa lumang building, sa headquarter.When she arrived at Chad's headquarter, it was very dark all around, the light of the bonfire only lit up the surroundings." Chad! " sigaw ni Yumi. Mabilis namang lumabas si Chad mula sa dil

  • Game of Love   Kabanata 86

    Game of LoveA few days passed but Chad remain silent. This made them all even more nervous and frightened kaya naman lahat sila ay nanatiling alerto sa bawat oras na dumadaan." Hindi pa ba sila magpapahinga kahit saglit? " sabi ni Yumi, habang nakadungaw sa bintana at pinagmamasdan ang mga police guards na nakapalibot sa buong kabahayanan. Batid n'ya ang pagod ng mga ito pero alang-alang sa kaligtasan nilang lahat ay hindi nila alintana ang pagod at hirap." Ang alam ko nagpapalitan naman sila so don't worry too much about them, " sabi ni Kim sa kanya, hinawakan s'ya nito at pinaupo sa sofa. " Kailangan natin ngayon ng matinding seguridad lalo na't hanggang ngayon wala pa ring balita kay Chad. We don't know what his next plan so we have to be alert, " singit ni Mint sa usapan nila. Nasa sala sila ng bahay at naghihintay sa bagong balita, nagpunta kasi sina Barry at Mario kila Danika para pag-usapa

  • Game of Love   Kabanata 85

    Game of LoveSinenyasan ni Danika ang mga kasamang pulis para palibutan ang nasabing location kung nasaan si Chad at tulad ng bilin ni Alan, naiwan sina Barry at Mario sa loob ng kotse ngunit sadyang matigas ang ulo nila. Dahan-dahan silang lumabas mula sa kabilang pinto ng kotse at sumunod kila Alan, tinakasan nila ang mga naiwang pulis para magbantay sa kanila." Search the area! " radyo ni Alan sa lahat." Clear, Sir! " report ng ilang mga pulis matapos dumaan sa likod ng lumang bahay." Clear, Sir! " sabi pa ng iba." Paanong nangyari to? " bulong ni Alan sa sarili pagkatapos lumabas din sila Danika kasama ang iba pang pulis." Malinis ang buong lugar kahit isang bakas ni Chad, wala. Naisahan na naman tayo! " sabi ni Danika sabay bato ng body armor na tinanggal n'ya sa katawan." Inuubos n'ya talaga ang pasensya ko!

  • Game of Love   Kabanata 84

    Game of LoveHabang papalayo sila sa nakahigang si Junior ay naririnig pa rin nila ang patuloy na pag-iyak ni Yumi. Hindi sila makapaniwala na nangyayari talaga ang mga bagay na ito. Kung kailan nagiging okay na ang lahat, kung kailan naliwanagan na ang lahat at unti-unti nang nabubuo ang pamilya ni Yumi, ngayon pa nangyari ito." Junior, please, gumising ka na! " patuloy na yugyog ni Yumi kay Junior, hindi s'ya nawawalan ng pag-asa na maisasalba pa n'ya ang buhay ng anak. Patuloy s'ya sa pag-CPR dito at pagkatapos binubugahan ito ng hangin sa bibig, nagbabakasakaling magkaroon ng himala at muli itong bumalik pa kahit ilang minuto na ang lumipas.Hanggang sa..." J-junior! Junior! " nanginginig ang buong katawan ni Yumi at hindi makapaniwala. Bigla kasing gumalaw ang kamay ni Junior at kumunot ang noo nito kaya naman dali-dali n'ya itong iniupo at hinimas-himas ang dibdib at likod pagkatapos bi

  • Game of Love   Kabanata 83

    Game of Love" Ano Barry, nakapili ka na ba kung sino sa kanila ang maiiwan at sino ang mamamatay? " Lumapit si Chad kay Barry, habang naka-poker face, wala s'yang pakeilam sa nararamdaman ni Barry.Barry looked at Naya and Junior again, he can clearly saw how difficult they were because of their condition. Ayaw n'yang mamili isa man sa kanila, hindi n'ya kaya.Tumakbo s'ya sa harapan ni Chad para magmakaawa. Wala na s'yang pakeilam kung maging katawa-tawa man s'ya sa harapan nito, ang mahalaga ay ang buhay ng kambal. Ngayon pa lang ulit s'ya nagiging masaya, ngayon pa lang s'ya nakakabawi kay Yumi at ngayon n'ya lang mapupunan ang pagkukulang n'ya bilang ama sa mga anak n'ya. Ilang taon n'yang hindi nasubaybayan ang mga ito kaya hindi s'ya makapapayag na may mawala sa kanila." Please Chad, parang awa mo na. Huwag mong idamay ang mga bata. "" Nadamay na sila, wala na ak

  • Game of Love   Kabanata 82

    Game of LoveChad Headquarter..." Chad! Chad! " sigaw ni Barry pagdating n'ya sa lumang hide out ni Chad. Madilim kasi ang buong paligid, wala s'yang makita. Wala naman s'yang pakeilam kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya, ang mas iniisip n'ya ngayon ay ang kambal.Biglang bumukas ang mga ilaw kaya naman napatakip s'ya ng mata dahil sa nasilaw s'ya at tumambad sa kanya ang nakangising si Chad, papalapit sa kanya kasama nito ang dalawang tauhan n'ya." Ang akala ko hindi ka na pupunta, late ka na kasi, " sabi nito sabay tingin sa relo n'ya." Nasaan ang mga anak ko! " sigaw ni Barry. Lalapitan n'ya sana si Chad pero pinigilan s'ya ng mga tauhan nito at tinutukan s'ya ng baril." Chill ka lang, masyado ka namang mainit eh pero sakto 'yang pagka-init ng ulo mo. Magpapalamig kasi tayo ngayon, hahaha. " Sinenyasan ni Chad ang dalawang tauhan n'ya at na-gets

  • Game of Love   Kabanata 81

    Game of Love" Barry! " sabi ni Masu, pagkatapos ay nilapitan s'ya." Ano na ang balita? " tanong ni Barry, sa mga pulis na nag-imbestiga sa loob ng bahay ni Mario." Tiningnan namin 'yong iniwan na cellphone kung may naiwan na contact number o kahit ano na pwedeng makapagturo sa kinaroroonan ni Chad pero wala eh, " sabi ni Alan sa kanila." Pinakikilos ko na ang mga tao ko para maghanap pa ng ibang impormasyon. Alam ko na gagawa ng paraan si Danika para makapagbigay ng signal kung nasaan man sila, " dugtong pa ni Alan. Nakumpirma rin kasi nila na isa sa mga bihag ngayon ni Chad ay si Danika, dahil magmula ng nakiusap si Kim kay Danika na pumunta sa bahay ni Mario ay hindi na ito nakabalik pa. Nagpaalam na si Alan sa kanila para gawin ang trabaho n'ya." Kamusta na si Yumi? "Lumapit si Mint, sumunod naman silang lahat." Tulog pa rin s'ya hang

  • Game of Love   Kabanata 80

    Game of LovePagdating ni Yumi sa bahay ni Mario, kaagad s'yang tumakbo papasok sa loob. Hindi na n'ya inintindi kung ano ang panganib na naghihintay sa kanya papasok sa loob.Nang marinig naman ni Chad ang boses ni Yumi ay kaagad n'ya uling pinindot ang Facebook live, inilagay n'ya ito sa makukuhanan ang buong paligid pagkatapos ay nilisan na nila ang bahay dala-dala si Naya." Nay! Nay! " sigaw n'ya sabay nang pagbukas ng pinto pero madilim ang buong paligid, wala s'yang makita. Kinapa n'ya ang switch ng ilaw at nang sumabog ang liwanag sa buong paligid nagulat s'ya sa nakita, ang nagkalat na dugo sa paligid, at ang walang buhay na si Arah. Pati na rin ang isa pang pulis na kasamahan ni Danika. " A-arah.... " Nanginginig ang buong katawan n'ya habang nilalapitan n'ya ito. Pilit n'yang pinapalakas ang sarili n'ya dahil pakiramdam n'ya anytime ay mahihimatay na s'ya. Pinunasa

DMCA.com Protection Status