Nakaupo si Yumi sa isang bakanteng upuan habang inaayos ang mga reviewers na ginawa n'ya para do'n sa tatlo. Kinausap n'ya kasi ang mga professors nila para hingin 'yong mga mabababang subjects nila nang sa gano'n makahabol sila Mint, Kim at Nychaa sa final exams.
Hindi lang naman 'yong tatlo ang dapat n'yang problemahin pati na rin ang exam n'ya. Kailangan n'ya rin makapag-review buti sana kung pare-pareho sila ng course madali lang sana kaso hindi eh kaya nga pigang-piga na ang utak n'ya.
"Yumi!" kumakaway na sigaw ni Mint papunta sa kanya kasunod 'yong dalawa.
"What are you doing?" tanong ni Kim nang makaupo na sila.
"Gumagawa ng reviewer para sa inyo, nakuha ko na sa mga professors n'yo 'yong mga mabababang subjects n'yo."
'Yong tatlo naman sabay-sabay na napakamot sa ulo.
"Ano ba kayo! Madali lang naman.
Game of Love Dinala ni Barry si Yumi sa isang restaurant. Nagtataka man si Yumi pero sinundan n'ya na lang si Barry baka kasi kung ano na naman ang gawin nito sa kanya. Ang iniisip n'ya mula pa kanina baka totoong ibebenta s'ya ni Barry at nandito ang buyer na pagbebentahan sa kanya. "This way sir," sabi ng isang waiter at dinala sila sa isang private room. "Ito na ba 'yon? Ibebenta n'ya talaga ako," kausap ni Yumi sa sarili. Habang papasok sila sa private room. May mga tinuro si Barry sa menu pagkatapos umalis na 'yong waiter. "Manang, sign it," sabi ni Barry pagkatapos may ibinato sa kanyang white folder. "Ano ba 'to?" "Read it, engot!" Nag-pout lang si Yumi kay Barry at sinimangutan s'ya. "80,000 in 60 days to pay what you've done. Hindi na masama, pwede na siguro." Dahil
Game of Love Kinabukasan, ginawa na ni Yumi ang mga dapat gawin. Binigay n'ya kila Kim ang lessons na dapat nilang i-review at s'ya namang pinasadahan din ang exam n'ya pagkatapos dumiretso na s'ya sa condo ni Barry. Nakailang door bell na s'ya pero wala pa ring nagbubukas kaya nag-door bell ulit s'ya. Kita ni Barry si Yumi mula sa labas ng pinto. Nakatingin kasi s'ya sa monitor, muli n'yang pinasadahan ang mukha ni Yumi pagkatapos ay pinindot n'ya ang intercom para marinig s'ya nito mula sa labas. "Password." Napakunot noo si Yumi dahil sa narinig. Naka-pout s'ya na lumapit sa monitor . "I'm not in the mood," sabi ni Yumi na nakasimangot iniisip n'ya kasi na may pa-password password pang nalalaman si Barry, hindi na lang s'ya papasukin nito. "You can't come in if you don't say it!" "Pwede ba Monster, I mean Master.
Game of Love Kinabukasan, pagpasok ni Yumi sa University naghanap kaagad s'ya ng bakanteng pwesto. Balak n'ya kumain ng mabilis para makapag-review pa s'ya at makagawa ng lesson no'ng tatlo. Pag-uwi kasi sa bahay, nakatulog s'ya kaagad dahil sa pagod ni hindi na nga s'ya nakakain kaya naman gutom na gutom s'ya ngayon. Balak n'ya munang mag-almusal kaya pumunta s'ya ng cafeteria para kumain. "Siguro pwede ako 'don," Yumi's thought nang makita ang isang bakanteng pwesto. Papalapit na s'ya sa vacant seat pero may biglang humarang sa kanya, isang grupo ng mga kalalakihan. Ang kasama nitong tatlo medyo pamilyar sa kanya pero 'yong lalaking nasa unahan, ngayon n'ya lang nakita. "Ito ba? Ito ba ang bagong laruan ni Barry?" turo sa kanya nito sabay inikutan s'ya. "I can imagine na magugustuhan 'to ni Barry? She's so plain, walang dating at old fashioned. Sigurado ba kayo? " tanong
Game of Love Dahil sa nangyari hindi na muna pinapunta ni Barry si Yumi sa condo n'ya. Gusto n'ya kasing makapagpahinga muna ito kaya ang mga kasama n'ya ngayon ay ang tatlong asungot. Sila Mario, Mark at Masu. "Ito na nga ba ang sinasabi ko sa 'yo Barry eh, binalaan na kita. Tingnan mo ngayon, alam natin na hindi na titigilan ni Chad si Yumi." sabi ni Mario habang nilalagyan ng gamot ang gasgas sa braso n'ya. "Ano nang gagawin natin ngayon?" sabi ni Mark. "Magsabi ka nga ng totoo Barry? Ano ba talagang tingin mo kay Yumi? Kilala ka namin, hindi ka nagkaka-interes sa kahit kaninong babae bukod kay Ana. Ano ba para sa 'yo si Yumi? You like her, right?" sabi ni Masu sabay lumapit kay Barry kasunod 'yong dalawa. "Nagkakagusto ka na ba kay Yumi?" tanong ni Mark. "Magsabi ka nang totoo," dugtong pa ni Mario. Tumayo si
Game of Love "Hoy, slave!" sigaw ni Barry na nasa labas ng bahay nila Kim. Ang buong akala ni Yumi mabait na ito. Para kasi itong anghel no'ng nakaraang gabi tapos bumalik na naman ang pagiging Monster nito ngayon. "Yumi kay Barry ka ba sasabay?" tanong ni Kim. "Gano'n na nga, wala naman akong magagawa eh." Paglabas nila, nagulat sila kasi kompleto 'yong tropa, sila Mario, Masu at Mark. May tig-iisang motor. "Sabay na kayo sa 'min," sabi ng nakangiting si Mark. "Kim, sige na please. Sumabay na kayo. Baka kasi pagka-isahan na naman ako sa school kapag nakita akong kasama nila," pagmamakaawa ni Yumi. "Ano pa nga bang magagawa ko?" anas ni Kim na nanguna nang umangkas sa motor ni Mark. "Subukan mo akong tyansingan, lagot ka talaga sa 'kin!" mariing bulong ni Kim kay Mark. "Bakit ko naman gagawin 'yon? Mahal na mahal kaya kita." Namula
Game of Love Iniwanan ni Yumi 'yong tatlo sa salas ng bahay nila habang nagre-review. S'ya naman ay pumasok na sa kwarto para mag-review rin. Hinayaan n'ya na kasi 'yong tatlo para makapag-concentrate sila. Sunday ngayon, day off n'ya sa pagiging slave n'ya kay Barry at pinayagan din s'yang hindi na muna kumanta ni Mario sa bar para makapag-focus s'ya. Malapit na kasi ang final exam. One message received. Kinuha ni Yumi ang phone na bigay ni Barry sa kanya at binasa ito, message mula kay Barry pero ang nakasave sa phonebook n'ya ay "My Monster!" "Hoy Manang slave, nasaan ka?" binasa n'ya lang ito at inilapag ulit. Another message from My Monster. "Hoy, mag-reply ka!" kinuha n'ya ang phone at nag-reply. "Day off ko ngayon, manigas ka! Nagre-review ako, huwag kang istorbo." Message sent.
Game of Love This is it pansit. Gusto malaman ni Barry ang totoong nararamdaman n'ya para Kay Yumi at sa tingin n'ya ito na ang tamang pagkakataon para kumpirmahin ito. Nakasandal s'ya sa kanyang Ferrari habang hinihintay na bumaba si Yumi, may balak kasi s'yang gawin. Paglabas nang nakangiting si Yumi, nakatulala s'yang titig na titig dito habang pinupukpok nang mahina ang dibdib n'ya. Ayaw kasing tumigil sa bilis ng tibok. "Ito na ba ang sinasabi ni Kim?" bulong n'ya sa sarili. "Anong nangyayari sa 'yo? Okay ka lang ba? May masakit ba? Punta tayo hospital?" sabi ni Yumi.Dahil nag-aalala s'ya para kay Barry dahil nga pinupukpok n'ya nang mahina ang kanyang dibdib. Hinawakan s'ya ni Yumi para sana akayin ngunit natapik ito ni Barry. Nagulat kasi s'ya sa kuryenteng dumaloy sa katawan n'ya nang hawakan s'ya ni Yumi.
Game of Love Simula nang umamin si Barry kay Yumi na gusto n'ya ito ay palagi na silang nag-iiwasan, para silang mga timang na hiyang-hiya sa isat-isa. Nabigla talaga si Yumi dahil sa pag-amin nito sa kanya. Isa pa masyado s'yang inosente sa bagay na 'to, first time na may nagtapat sa kanya ng pag-ibig kaya naman hindi n'ya alam ang gagawin ngayon. Nasa isang bakanteng upuan s'ya at sinusubukang mag-concentrate para sa exam n'ya pero wala talagang pumapasok pati tuloy pag-aaral n'ya naaapektuhan na nang dahil kay Barry. "Yumi, " tawag ni Kim sabay lapit sa kanya magkakasama 'yong tatlo. "Gusto ka raw makausap ni Barry," sabi ni Kim. "H-huh! Bakit naman n'ya ako gustong makausap?" "Pwede ba Yumi huwag kang magtanga-tangahan, matalino ka kaya! Siyempre, alam mo na 'yon kung bakit," sabi ni Mint. "
Game of Love" Ano mang oras, Chad, darating na ang mga pulis! Mabubulok ka sa kulungan! "" Sino ba may sabi sa 'yo na makukulong ako?"" Sumuko ka na, Chad. Hindi pa huli ang lahat para sa 'yo. "" Sumuko? Nagpapatawa ka ba? Umabot na sa lahat ang ganito tapos sasabihin mo sumuko ako? "Barry's group had gone earlier to Chad's abandoned headquarter. They're able to escape the police dahil kahit anong pagpipilit nila ay ayaw silang pasamahin ng mga ito sa gagawing paghuli kay Chad. They also know the headquarter better so they can easily find Yumi and Naya.When they arrived, Barry and Mario quickly went to the back of the headquarter. Dahil ang hinala nila kung mayro'n mang pwedeng pagdalhan si Chad kina Yumi at Naya ay may posibilidad na sa likod ito dahil malawak ang likurang bahagi ng building kaya nagbakasakali sila." H
Game of LoveYumi remained silent and didn't tell any of them about what she and Chad had talked about, while Barry and Mario are preparing to go to the place where Chad is allegedly hiding. Nagsuot sila ng bulletproof para sa seguridad nila, 10:30pm exactly nang makaalis sila at tulad nga kanina sumama si Mark sa operasyon at si Masu naman ay nagpaiwan na lang para may kasama sila Yumi sa bahay.When the atmosphere was quiet, Yumi slowly left the house. Isa man ay walang kaalam-alam sa gagawin at binabalak n'ya, even the police guards who are so busy eating. They didn't notice Yumi while exiting the gate.Katulad nang napag-usapan nila ni Chad, mag-isang nagpunta si Yumi sa lumang building, sa headquarter.When she arrived at Chad's headquarter, it was very dark all around, the light of the bonfire only lit up the surroundings." Chad! " sigaw ni Yumi. Mabilis namang lumabas si Chad mula sa dil
Game of LoveA few days passed but Chad remain silent. This made them all even more nervous and frightened kaya naman lahat sila ay nanatiling alerto sa bawat oras na dumadaan." Hindi pa ba sila magpapahinga kahit saglit? " sabi ni Yumi, habang nakadungaw sa bintana at pinagmamasdan ang mga police guards na nakapalibot sa buong kabahayanan. Batid n'ya ang pagod ng mga ito pero alang-alang sa kaligtasan nilang lahat ay hindi nila alintana ang pagod at hirap." Ang alam ko nagpapalitan naman sila so don't worry too much about them, " sabi ni Kim sa kanya, hinawakan s'ya nito at pinaupo sa sofa. " Kailangan natin ngayon ng matinding seguridad lalo na't hanggang ngayon wala pa ring balita kay Chad. We don't know what his next plan so we have to be alert, " singit ni Mint sa usapan nila. Nasa sala sila ng bahay at naghihintay sa bagong balita, nagpunta kasi sina Barry at Mario kila Danika para pag-usapa
Game of LoveSinenyasan ni Danika ang mga kasamang pulis para palibutan ang nasabing location kung nasaan si Chad at tulad ng bilin ni Alan, naiwan sina Barry at Mario sa loob ng kotse ngunit sadyang matigas ang ulo nila. Dahan-dahan silang lumabas mula sa kabilang pinto ng kotse at sumunod kila Alan, tinakasan nila ang mga naiwang pulis para magbantay sa kanila." Search the area! " radyo ni Alan sa lahat." Clear, Sir! " report ng ilang mga pulis matapos dumaan sa likod ng lumang bahay." Clear, Sir! " sabi pa ng iba." Paanong nangyari to? " bulong ni Alan sa sarili pagkatapos lumabas din sila Danika kasama ang iba pang pulis." Malinis ang buong lugar kahit isang bakas ni Chad, wala. Naisahan na naman tayo! " sabi ni Danika sabay bato ng body armor na tinanggal n'ya sa katawan." Inuubos n'ya talaga ang pasensya ko!
Game of LoveHabang papalayo sila sa nakahigang si Junior ay naririnig pa rin nila ang patuloy na pag-iyak ni Yumi. Hindi sila makapaniwala na nangyayari talaga ang mga bagay na ito. Kung kailan nagiging okay na ang lahat, kung kailan naliwanagan na ang lahat at unti-unti nang nabubuo ang pamilya ni Yumi, ngayon pa nangyari ito." Junior, please, gumising ka na! " patuloy na yugyog ni Yumi kay Junior, hindi s'ya nawawalan ng pag-asa na maisasalba pa n'ya ang buhay ng anak. Patuloy s'ya sa pag-CPR dito at pagkatapos binubugahan ito ng hangin sa bibig, nagbabakasakaling magkaroon ng himala at muli itong bumalik pa kahit ilang minuto na ang lumipas.Hanggang sa..." J-junior! Junior! " nanginginig ang buong katawan ni Yumi at hindi makapaniwala. Bigla kasing gumalaw ang kamay ni Junior at kumunot ang noo nito kaya naman dali-dali n'ya itong iniupo at hinimas-himas ang dibdib at likod pagkatapos bi
Game of Love" Ano Barry, nakapili ka na ba kung sino sa kanila ang maiiwan at sino ang mamamatay? " Lumapit si Chad kay Barry, habang naka-poker face, wala s'yang pakeilam sa nararamdaman ni Barry.Barry looked at Naya and Junior again, he can clearly saw how difficult they were because of their condition. Ayaw n'yang mamili isa man sa kanila, hindi n'ya kaya.Tumakbo s'ya sa harapan ni Chad para magmakaawa. Wala na s'yang pakeilam kung maging katawa-tawa man s'ya sa harapan nito, ang mahalaga ay ang buhay ng kambal. Ngayon pa lang ulit s'ya nagiging masaya, ngayon pa lang s'ya nakakabawi kay Yumi at ngayon n'ya lang mapupunan ang pagkukulang n'ya bilang ama sa mga anak n'ya. Ilang taon n'yang hindi nasubaybayan ang mga ito kaya hindi s'ya makapapayag na may mawala sa kanila." Please Chad, parang awa mo na. Huwag mong idamay ang mga bata. "" Nadamay na sila, wala na ak
Game of LoveChad Headquarter..." Chad! Chad! " sigaw ni Barry pagdating n'ya sa lumang hide out ni Chad. Madilim kasi ang buong paligid, wala s'yang makita. Wala naman s'yang pakeilam kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya, ang mas iniisip n'ya ngayon ay ang kambal.Biglang bumukas ang mga ilaw kaya naman napatakip s'ya ng mata dahil sa nasilaw s'ya at tumambad sa kanya ang nakangising si Chad, papalapit sa kanya kasama nito ang dalawang tauhan n'ya." Ang akala ko hindi ka na pupunta, late ka na kasi, " sabi nito sabay tingin sa relo n'ya." Nasaan ang mga anak ko! " sigaw ni Barry. Lalapitan n'ya sana si Chad pero pinigilan s'ya ng mga tauhan nito at tinutukan s'ya ng baril." Chill ka lang, masyado ka namang mainit eh pero sakto 'yang pagka-init ng ulo mo. Magpapalamig kasi tayo ngayon, hahaha. " Sinenyasan ni Chad ang dalawang tauhan n'ya at na-gets
Game of Love" Barry! " sabi ni Masu, pagkatapos ay nilapitan s'ya." Ano na ang balita? " tanong ni Barry, sa mga pulis na nag-imbestiga sa loob ng bahay ni Mario." Tiningnan namin 'yong iniwan na cellphone kung may naiwan na contact number o kahit ano na pwedeng makapagturo sa kinaroroonan ni Chad pero wala eh, " sabi ni Alan sa kanila." Pinakikilos ko na ang mga tao ko para maghanap pa ng ibang impormasyon. Alam ko na gagawa ng paraan si Danika para makapagbigay ng signal kung nasaan man sila, " dugtong pa ni Alan. Nakumpirma rin kasi nila na isa sa mga bihag ngayon ni Chad ay si Danika, dahil magmula ng nakiusap si Kim kay Danika na pumunta sa bahay ni Mario ay hindi na ito nakabalik pa. Nagpaalam na si Alan sa kanila para gawin ang trabaho n'ya." Kamusta na si Yumi? "Lumapit si Mint, sumunod naman silang lahat." Tulog pa rin s'ya hang
Game of LovePagdating ni Yumi sa bahay ni Mario, kaagad s'yang tumakbo papasok sa loob. Hindi na n'ya inintindi kung ano ang panganib na naghihintay sa kanya papasok sa loob.Nang marinig naman ni Chad ang boses ni Yumi ay kaagad n'ya uling pinindot ang Facebook live, inilagay n'ya ito sa makukuhanan ang buong paligid pagkatapos ay nilisan na nila ang bahay dala-dala si Naya." Nay! Nay! " sigaw n'ya sabay nang pagbukas ng pinto pero madilim ang buong paligid, wala s'yang makita. Kinapa n'ya ang switch ng ilaw at nang sumabog ang liwanag sa buong paligid nagulat s'ya sa nakita, ang nagkalat na dugo sa paligid, at ang walang buhay na si Arah. Pati na rin ang isa pang pulis na kasamahan ni Danika. " A-arah.... " Nanginginig ang buong katawan n'ya habang nilalapitan n'ya ito. Pilit n'yang pinapalakas ang sarili n'ya dahil pakiramdam n'ya anytime ay mahihimatay na s'ya. Pinunasa