Game of Love
Ryuu's POV
Nakapila ang lahat ng empleyado pagpasok ko sa Mall na para bang isa akong makapangyarihang tao sa mundo. Lahat kasi ng mga madadaanan ko ay nagsisiyuko para batiin ako. Habang papalalakad ako papuntang meeting ng board of directors naiiling na nilalagpasan ko na lang sila ng tingin.
Ako si Ryuu Kugimiya ang President ng Kugimiya Mall , also known as " Ice Prince" malay ko ba sa kanila kung bakit ganyan ang ginawa nilang codename sa 'kin sa pagkakaalam ko dahil sa kasungitan ko at pagkasuplado daw at sobrang cold ko sa lahat kaya ito ang napili nilang ipalit sa pangalan ko.
Ang pamilya namin ay kasama sa top 10 richest and most influential family sa Pilipinas at isa ako sa pinagkakatiwalaan ni Daddy sa aming magkakapatid kaya naman ako ang naging presidente ng Kugimiya Mall.
Hindi ko alam kung ano bang personality ang mayroon ako, bakit nga ba ang lakas ng karisma ko sa mga babae kahit pa na magaspang ang pag-uugali na pinapakita ko sa kanila isa pa wala naman talaga akong pakeilam sa kanila. Sa totoo lang mismong mga sikat na modelo at artista na ang lumalapit para gawing shooting location ang Mall pero alam ko na ang totoong motibo nila ay mapalapit lang sa 'kin at makita ako ng personal.
Wala akong close kahit na isa sa mga employees namin at wala naman talaga akong balak na maging close sila. Lahat sila ay takot sa 'kin walang gustong lumapit at iniiwasan ako. Minsan nga pakiramdam ko may superpower ako bawat kasi taong makakasalubong ko nagtatakbuhan at bigla-bigla na lang nawawala na parang bula, 'yong iba naman nagtatago talaga. Well, sanay naman na ako kaya balewala na ito sa 'kin mapapagod lang sila sa pag-iwas at pagtatago bahala sila sa buhay nila wala akong pakeilam.
Ang mahalaga sa 'kin ay ang trabaho. Sa loob ng pitong taon, wala akong ginawa sa buhay ko kung hindi magpaka-busy sa trabaho wala na akong oras sa iba pang bagay ang gusto ko maging perpekto sa paningin ni Daddy. Kaya naman ako na ang gumagawa ng way para ayawan ako ng mga tao. Takot na kasi akong magtiwala pang muli pakiramdam ko lahat ng tao lolokohin at paglalaruan lang ako. Tanging pamilya at malalapit na mga kaibigan ko lang ang pinagkakatiwalaan ko wala ng iba.
Isa pang rule ko na kailangan nilang sundin ay ang huwag na huwag nila akong tatawagin sa nickname ko na Barry. Tanging pamilya ko at mga ka-close ko lang ang may karapatang tawagin ako sa nickname ko. Napakahalaga sa 'kin nito sapagka't ang namayapa kong Mommy ang nagbigay sa 'kin ng nickname kong ito.
*****************
Nagpatawag ako ng meeting para sa mga board members ng Kugimiya Mall. May mahalaga kasi akong sasabihin sa kanila dahil may nangyaring aberya sa Mall at galit na galit ako ng dahil dito.
Pagpasok ko sa loob nagkanya-kanya silang iwas ng tingin halata na ayaw nilang makita ako.
"This is the best you can do! This is nonsense, " sigaw ko sabay bato ng files na hawak ko. Sila naman na nasa loob kanya-kanya nang ilag para hindi matamaan, mga feedbacks kasi ito ng reklamo ng mga customers sa Mall kaya mainit ang ulo ko.
"Director Cruz, alam mo ba nang dahil sa walang kwentang saleslady na 'yan nawalan tayo ng VIP customer!"
"Eh s-sir may katwiran naman po 'yong saleslady binastos kasi s'ya, hinipuan po s'ya natural na lalaban 'yong saleslady."
"I don't care kung hinipuan man siya o hindi ang dapat na ginawa n'ya ay pinalagpas na lang hindi 'yong sasampalin at ipapahiya niya pa! Alam mo ba kung magkano ang nawala sa Mall nang dahil sa ginawa niya Director Cruz!"
"Pero na trauma 'yong babae, she did the right thing sir, nabastos po s'ya kaya tama lang na ipagtanggol n'ya ang kanyang sarili."
"So, Ang pinalalabas mo ba dito na ako ang mali, Director Cruz?"
"N-no sir, I just want to explain," yuko Ni Director Cruz.
Halos lahat sila nakayuko ayaw mapagbalinan ng galit ko ni ayaw nga nilang mapatingin o mapasulyap man lang sa 'kin kaya lalo lang umiinit ang ulo ko. Ano ba ang tingin nila sa 'kin?isang halimaw na anumang oras ay ilalabas ang pangil at sasakmalin sila.
"Alam mo kung ano ang mga ayaw at mga gusto ko Director Cruz, right?" sabi ko habang nakatitig kay Director Cruz.
"Yes sir, a-ayaw mo po na sinasagot ka at nangangatwiran."
"Good, at least you know! By the way let's forget about that hahayaan ko ng si Atty. Alvarez ang umasikaso ng lahat but for now I'm asking you nakahanap na ba ang team n'yo ng magiging model ng Kugimiya Mall?"
This time nagyukuan ulit sila walang gustong magsalita, kasi alam nila tuluyan na silang masasabon.
"Why are you not answering my damn question?" muli kong sigaw kaya naman silang lahat ay nanginginig na sa takot.
"S-sir si Manager Kim kasi ang naka-assigned para dito, inutusan n'ya kami na maghintay na muna, siya na daw ang bahala," muling salita ni Director Cruz. Siya lang ang may lakas ng loob na sumagot sa tanong ko wala naman kasi siyang choice dahil siya ang Head Director.
"You really dissapointed me Director Cruz! Una, kinunsinti mo 'yong saleslady kinampihan mo pa! Ngayon naman wala kang maibigay na report sa 'kin para sa new image model ng Mall! Sabihin mo ginagawa mo ba talaga nang maayos ang trabaho mo!"
"S-sorry sir."
"Sorry? I don't need your sorry! You're fired Director Cruz! Lumayas ka na!"
Alam kong sobrang nangliliit na si Director Cruz dahil sa mga sinasabi ko sa kanya. Ano namang pakeilam ko sa kanya, katangahan niya 'yan kaya dapat pagdusahan n'ya.
"S-sir..." nauutal na sambit ni Director Cruz. Hindi s'ya makapaniwala sa mga nangyayari.
"Get out Director Cruz! Ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo dito!"
Lumapit si Director Cruz sa harapan ko, lumuhod siya at nagmakaawa pero tinulak ko lang siya. Paulit-ulit na nakakakita ako ng ganitong eksena kaya balewala na sa 'kin kahit ano pang gawin n'yang pagmamakaawa.
"Parang awa mo na Sir. Ako na lang ang inaasahan ng pamilya ko," patuloy ni Director Cruz.
Alam ko naman na si Director Cruz lang ang tanging inaasahan ng pamilya niya pero ano nga ba ang magagawa ko, hindi ko pwedeng baliwalain ang katangahan at pagpapabaya niya. Malaking halaga ang nawala sa Mall na maski buhay niya ay hindi sasapat na kabayaran.
"I said get out! Huwag mo nang hintayin pa na ipakaladkad kita sa mga guards Director Cruz! Pati kayo! Magsilayas kayo! Mga walang silbi!"
Pagsigaw ko nataranta silang lahat nagtakbuhan palabas 'yong iba naman tinulungang tumayo si Director Cruz at isinama na palabas.
Paglabas nila pinaghahagis ko ang mga nakapatong na mga gamit sa lamesa sa sobrang galit ko dito ko ibinunton ang lahat ng bwisit ko sa kanila mga wala silang kwenta! Mga walang pakinabang!
**************************************
Game of Love Kim's POV Nagmamadali na akong pumasok sa loob ng Mall, pagkababa ko ng kotse inihagis ko na lang ang susi kay Manong guard para s'ya na ang mag-parking ng kotse ko. Halos takbuhin ko na papasok sa loob ni hindi ko na nga napapansin ang mga empleyado na bumabati sa 'kin. Ang tanging nasa-isip ko ay mabilis na makapunta sa office ni Barry. Ako si Kimberley Ann Rangsan o mas kilala bilang Kim, ako ang nakababatang kapatid ni Ryuu kung ipinagtataka n'yo kung bakit hindi kami pareho ng apelyido ay dahil magkaiba kami ng Nanay. Sa totoo lang tatlo kaming magkakapatid at iba-iba ang Nanay pero ayaw ko nang pag-usapan pa kung sino 'yong isang kapatid namin na sinasabi ko nawalan na ako ng amor sa kanya 7 years ago pagkatapos nang ginawa n'ya kay Barry. Tanging si Barry lamang ang nakakuha ng apelyido ni Daddy at wala naman kaming angal tungkol dito nagpapasalamat pa a
Game of Love Ryuu's POV Pinagmamasdan ko mula sa labas ng glass wall ang naglalakihang building. Nakasanayan ko nang gawin ito lalo na sa tuwing may malalim akong iniisip. One message receive. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Kinuha ko sa bulsa ng pantalon at nang tingnan ko si Kim pala ang nag-message sa 'kin. "Barry paki-check sa email mo nag-send si Mint ng mga photos ng mga models, last na daw 'yan kaya sana may mapili ka na. Maawa ka naman sa 'min pagod na pagod na kami kakautos mo!" Pagkatapos kong basahin ang message ni Kim, napailing na lang ako at napakamot ng ulo. Kahit kailan talaga si Kim ang daming reklamo sa buhay. Hindi na lang gawin ang trabaho n'ya. Ibinalik ko ang cellphone ko sa bulsa at nagpunta sa table kung saan nakapatong ang laptop para tingnan ang sinend na email ni Mint.Hab
Game of Love Lahat kami ay nasa isang mahabang lamesa at sunod-sunod na nakahilera. Ngayon kasi namin mami-meet ang bagong image model ng Mall. Malaki ang pasasalamat nila kay Mark kasi tinulungan n'ya akong makapili ng modelo kung hindi namomroblema pa rin sila hanggang ngayon. Wala akong ideya sa sinasabi ni Kim na huling baraha. Sabi kasi ni Kim may inihanda daw si Mint na huling baraha na siguradong hindi ko matatanggihan na maging model ng Mall. Bigla tuloy akong na-curious kung sino s'ya, hindi ko daw matatanggihan? Tsk! Asa sila, itong si Regine nga napilitan lang akong piliin na model para sa Mall para hindi na sila ma-stress eh kung may choice pa, hindi naman s'ya ang pipiliin ko. "Sa wakas nakapili rin 'tong kumag na 'to." bulong ni Kim nang mahina kay Mint. Pero naririnig ko naman dahil katabi ko lang s'ya. Sumunod si Mint na katabi n'ya. Sa kabilang side naman sila Nychaa at Masu
Game of Love Mint's POV Nagpatawag si Barry ng isang meeting kaya naman lahat kami ay nagmamadaling nagpunta sa Mall. "Sigurado ba kayo na pina-background check n'yo si Ms. Regine?" tanong ni Barry sa 'min nang makita n'ya na kumpleto na kami. Lahat kami ay nagulantang at hindi mapakapaniwala dahil sa isang masamang balita, hindi namin alam kung ano ba talaga ang tunay na nangyari. "Oo naman, okay ang profile n'ya. Wala s'yang kaaway at mahal s'ya ng mga tao kaya imposible talaga ito na mangyari," paliwanag ni Kim na hindi mapakali. Lakad s'ya nang lakad at tila ba kinakabahan, kaya naman hinawakan s'ya ni Mark sa magkabilang balikat at iniupo s'ya para kumalma. Si Regine na dapat sana na magiging image model ng Kugimiya Mall ay natagpuang patay sa sarili nitong condo unit, grabe ang pangto-torture na ginawa sa kanya. Walang awa a
Game of Love Kim's POV Nagdadabog ako na pumasok sa room namin ni Mark. Sobrang sama ng loob ko, gusto kong sumigaw at magwala. Nababaliw na si Mint, ang dami-daming pwedeng maging model ng Mall, si Yumi pa talaga ang napili n'ya. Sa sobrang inis ko, lahat ng madampot ko ay ibinabato ko. Nadampot ko ang isang libro sa mini bookshelf, hinagis ko 'to. Nagkalat ang mga papel na nakaipit sa libro. Lumapit ako para damputin. Nakita ko ang isang picture. Isang lumang picture kasama ko sila Mint, Nychaa at Yumi. Lalo lang tuloy nadagdagan ang galit ko. Nilamukos ko ang lumang picture. "Bakit ba hindi kita matapon!" sabi ko habang tinititigan isa-isa ang mga tao sa picture. Kuha ito 7 years ago sa Happy House Apartment nang una naming ma-meet si Yumi. At sa isiping ito, hindi ko mapigilang alalahanin ang nakaraan.............
Game of Love Hawak ng team nila Danika at Alan ang case ni Regine, ang rising star model na natagpuan sa condo unit n'ya na wala ng buhay. Sina SPO1 Danika Prachom at SPO2 Alan Philipe ang naka-assign na mag-imbestiga sa kaso ni Regine. Pumasok si Alan sa opisina ni Danika dala-dala n'ya ang result ng autopsy. "Na sa 'kin na ang result ng autopsy," sabi ni Alan. Lumapit s'ya kay Danika at hinila ang sigarilyo sa bibig nito. Inihinulog sa sahig at tinapakan pagkatapos pinitik n'ya ang bibig ni Danika. "Aray naman!" " Sabi ko sayo, tigilan mo na paninigarilyo! " "Tsk! Patingin nga ng result!" Binasa ni Danika saglit ang resulta ng autopsy. "Lumalabas na hindi ni-rape si Regine. Wala ring anumang bagay na ninakaw sa condo n'ya. Ang ibig sabihin ba? Ang motibo ng killer ay patayin lamang s'ya?"
Game of Love Yumi's POV Hapong-hapo akong naupo sa mahabang sofa pag-uwi namin ng bahay. Nakakapagod kasi sobra, may mga ilang photoshoot pa kasi kaming tinapos pagkatapos nag-guesting pa sa isang TV show. Tapos na nga ang contract ko, pinapagod pa nila ako ng ganito. Humiga ako at ipinatong ang paa ko kay Kevin, sinimulan n'ya naman itong hilutin. "Yumi, may sasabihin sana ako sa 'yo," sabi sa 'kin ni Kevin. "Ano?" "About sa new contract mo." Napaupo ako dahil sa sinabi ni Kevin, tinitigan ko s'yang maigi. "Nakapili ka na ba ng new agency na may magandang offer? Saang bansa tayo lilipat?" "Oo sana, alam mo kasi Yumi maganda ang offer nila. Nag-email sa 'kin 'yong isang Creative Director. Actually, no'ng una nagpa-audition sila pero wala silang napili para maging model." "Model
Game of Love Mario's POV Bababa sana ako para uminom ng tubig pero hindi pa man din ako nakakababa ng hagdan may narinig akong boses ng babae, sumisigaw. Nang mapagtanto ko na boses ni Yumi 'yon, mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto n'ya. "Yumi! Yumi! " sigaw ko habang ginigising si Yumi. Binabangungot na naman kasi s'ya. Tinatawag ang Tatay n'ya. "Tay... Tay..." patuloy na sigaw n'ya. Nag-aalala na ako dahil hindi pa rin s'ya nagigising kaya naman sinampal ko s'ya nang mahina. "Junior! Naya!" muling sigaw ko katabi lang kasi nila ang kwarto ng Mommy nila. Pupungas-pungas pa ang mga ito nang pumasok sa loob. "What's wrong Daddy Mario?" sabi ni Junior na nag-aalala. Bigla silang nagising nang makita ang sitwasyon ng Mommy nila. "Mamamee! " paiyak na sambit ni Naya.
Game of Love" Ano mang oras, Chad, darating na ang mga pulis! Mabubulok ka sa kulungan! "" Sino ba may sabi sa 'yo na makukulong ako?"" Sumuko ka na, Chad. Hindi pa huli ang lahat para sa 'yo. "" Sumuko? Nagpapatawa ka ba? Umabot na sa lahat ang ganito tapos sasabihin mo sumuko ako? "Barry's group had gone earlier to Chad's abandoned headquarter. They're able to escape the police dahil kahit anong pagpipilit nila ay ayaw silang pasamahin ng mga ito sa gagawing paghuli kay Chad. They also know the headquarter better so they can easily find Yumi and Naya.When they arrived, Barry and Mario quickly went to the back of the headquarter. Dahil ang hinala nila kung mayro'n mang pwedeng pagdalhan si Chad kina Yumi at Naya ay may posibilidad na sa likod ito dahil malawak ang likurang bahagi ng building kaya nagbakasakali sila." H
Game of LoveYumi remained silent and didn't tell any of them about what she and Chad had talked about, while Barry and Mario are preparing to go to the place where Chad is allegedly hiding. Nagsuot sila ng bulletproof para sa seguridad nila, 10:30pm exactly nang makaalis sila at tulad nga kanina sumama si Mark sa operasyon at si Masu naman ay nagpaiwan na lang para may kasama sila Yumi sa bahay.When the atmosphere was quiet, Yumi slowly left the house. Isa man ay walang kaalam-alam sa gagawin at binabalak n'ya, even the police guards who are so busy eating. They didn't notice Yumi while exiting the gate.Katulad nang napag-usapan nila ni Chad, mag-isang nagpunta si Yumi sa lumang building, sa headquarter.When she arrived at Chad's headquarter, it was very dark all around, the light of the bonfire only lit up the surroundings." Chad! " sigaw ni Yumi. Mabilis namang lumabas si Chad mula sa dil
Game of LoveA few days passed but Chad remain silent. This made them all even more nervous and frightened kaya naman lahat sila ay nanatiling alerto sa bawat oras na dumadaan." Hindi pa ba sila magpapahinga kahit saglit? " sabi ni Yumi, habang nakadungaw sa bintana at pinagmamasdan ang mga police guards na nakapalibot sa buong kabahayanan. Batid n'ya ang pagod ng mga ito pero alang-alang sa kaligtasan nilang lahat ay hindi nila alintana ang pagod at hirap." Ang alam ko nagpapalitan naman sila so don't worry too much about them, " sabi ni Kim sa kanya, hinawakan s'ya nito at pinaupo sa sofa. " Kailangan natin ngayon ng matinding seguridad lalo na't hanggang ngayon wala pa ring balita kay Chad. We don't know what his next plan so we have to be alert, " singit ni Mint sa usapan nila. Nasa sala sila ng bahay at naghihintay sa bagong balita, nagpunta kasi sina Barry at Mario kila Danika para pag-usapa
Game of LoveSinenyasan ni Danika ang mga kasamang pulis para palibutan ang nasabing location kung nasaan si Chad at tulad ng bilin ni Alan, naiwan sina Barry at Mario sa loob ng kotse ngunit sadyang matigas ang ulo nila. Dahan-dahan silang lumabas mula sa kabilang pinto ng kotse at sumunod kila Alan, tinakasan nila ang mga naiwang pulis para magbantay sa kanila." Search the area! " radyo ni Alan sa lahat." Clear, Sir! " report ng ilang mga pulis matapos dumaan sa likod ng lumang bahay." Clear, Sir! " sabi pa ng iba." Paanong nangyari to? " bulong ni Alan sa sarili pagkatapos lumabas din sila Danika kasama ang iba pang pulis." Malinis ang buong lugar kahit isang bakas ni Chad, wala. Naisahan na naman tayo! " sabi ni Danika sabay bato ng body armor na tinanggal n'ya sa katawan." Inuubos n'ya talaga ang pasensya ko!
Game of LoveHabang papalayo sila sa nakahigang si Junior ay naririnig pa rin nila ang patuloy na pag-iyak ni Yumi. Hindi sila makapaniwala na nangyayari talaga ang mga bagay na ito. Kung kailan nagiging okay na ang lahat, kung kailan naliwanagan na ang lahat at unti-unti nang nabubuo ang pamilya ni Yumi, ngayon pa nangyari ito." Junior, please, gumising ka na! " patuloy na yugyog ni Yumi kay Junior, hindi s'ya nawawalan ng pag-asa na maisasalba pa n'ya ang buhay ng anak. Patuloy s'ya sa pag-CPR dito at pagkatapos binubugahan ito ng hangin sa bibig, nagbabakasakaling magkaroon ng himala at muli itong bumalik pa kahit ilang minuto na ang lumipas.Hanggang sa..." J-junior! Junior! " nanginginig ang buong katawan ni Yumi at hindi makapaniwala. Bigla kasing gumalaw ang kamay ni Junior at kumunot ang noo nito kaya naman dali-dali n'ya itong iniupo at hinimas-himas ang dibdib at likod pagkatapos bi
Game of Love" Ano Barry, nakapili ka na ba kung sino sa kanila ang maiiwan at sino ang mamamatay? " Lumapit si Chad kay Barry, habang naka-poker face, wala s'yang pakeilam sa nararamdaman ni Barry.Barry looked at Naya and Junior again, he can clearly saw how difficult they were because of their condition. Ayaw n'yang mamili isa man sa kanila, hindi n'ya kaya.Tumakbo s'ya sa harapan ni Chad para magmakaawa. Wala na s'yang pakeilam kung maging katawa-tawa man s'ya sa harapan nito, ang mahalaga ay ang buhay ng kambal. Ngayon pa lang ulit s'ya nagiging masaya, ngayon pa lang s'ya nakakabawi kay Yumi at ngayon n'ya lang mapupunan ang pagkukulang n'ya bilang ama sa mga anak n'ya. Ilang taon n'yang hindi nasubaybayan ang mga ito kaya hindi s'ya makapapayag na may mawala sa kanila." Please Chad, parang awa mo na. Huwag mong idamay ang mga bata. "" Nadamay na sila, wala na ak
Game of LoveChad Headquarter..." Chad! Chad! " sigaw ni Barry pagdating n'ya sa lumang hide out ni Chad. Madilim kasi ang buong paligid, wala s'yang makita. Wala naman s'yang pakeilam kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya, ang mas iniisip n'ya ngayon ay ang kambal.Biglang bumukas ang mga ilaw kaya naman napatakip s'ya ng mata dahil sa nasilaw s'ya at tumambad sa kanya ang nakangising si Chad, papalapit sa kanya kasama nito ang dalawang tauhan n'ya." Ang akala ko hindi ka na pupunta, late ka na kasi, " sabi nito sabay tingin sa relo n'ya." Nasaan ang mga anak ko! " sigaw ni Barry. Lalapitan n'ya sana si Chad pero pinigilan s'ya ng mga tauhan nito at tinutukan s'ya ng baril." Chill ka lang, masyado ka namang mainit eh pero sakto 'yang pagka-init ng ulo mo. Magpapalamig kasi tayo ngayon, hahaha. " Sinenyasan ni Chad ang dalawang tauhan n'ya at na-gets
Game of Love" Barry! " sabi ni Masu, pagkatapos ay nilapitan s'ya." Ano na ang balita? " tanong ni Barry, sa mga pulis na nag-imbestiga sa loob ng bahay ni Mario." Tiningnan namin 'yong iniwan na cellphone kung may naiwan na contact number o kahit ano na pwedeng makapagturo sa kinaroroonan ni Chad pero wala eh, " sabi ni Alan sa kanila." Pinakikilos ko na ang mga tao ko para maghanap pa ng ibang impormasyon. Alam ko na gagawa ng paraan si Danika para makapagbigay ng signal kung nasaan man sila, " dugtong pa ni Alan. Nakumpirma rin kasi nila na isa sa mga bihag ngayon ni Chad ay si Danika, dahil magmula ng nakiusap si Kim kay Danika na pumunta sa bahay ni Mario ay hindi na ito nakabalik pa. Nagpaalam na si Alan sa kanila para gawin ang trabaho n'ya." Kamusta na si Yumi? "Lumapit si Mint, sumunod naman silang lahat." Tulog pa rin s'ya hang
Game of LovePagdating ni Yumi sa bahay ni Mario, kaagad s'yang tumakbo papasok sa loob. Hindi na n'ya inintindi kung ano ang panganib na naghihintay sa kanya papasok sa loob.Nang marinig naman ni Chad ang boses ni Yumi ay kaagad n'ya uling pinindot ang Facebook live, inilagay n'ya ito sa makukuhanan ang buong paligid pagkatapos ay nilisan na nila ang bahay dala-dala si Naya." Nay! Nay! " sigaw n'ya sabay nang pagbukas ng pinto pero madilim ang buong paligid, wala s'yang makita. Kinapa n'ya ang switch ng ilaw at nang sumabog ang liwanag sa buong paligid nagulat s'ya sa nakita, ang nagkalat na dugo sa paligid, at ang walang buhay na si Arah. Pati na rin ang isa pang pulis na kasamahan ni Danika. " A-arah.... " Nanginginig ang buong katawan n'ya habang nilalapitan n'ya ito. Pilit n'yang pinapalakas ang sarili n'ya dahil pakiramdam n'ya anytime ay mahihimatay na s'ya. Pinunasa