Home / Romance / GENUINE LOVE IN DECIET / Chapter 1: UNEXPECTED BETRAYAL

Share

GENUINE LOVE IN DECIET
GENUINE LOVE IN DECIET
Author: Heel Kisser

Chapter 1: UNEXPECTED BETRAYAL

Author: Heel Kisser
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

"Ibibigay mo sa amin ang yaman mo, o pâpâtâyîn ko itong boyfriend mo?"

Kasalukuyang nakagapos si Clary sa isang wrought iron chair ngunit may sapat na bigat upang hindi siya matumba sa oras na magpumiglas siya. Sa harapan niya mayroong lamesa, kung saan nakapatong ang kasulatan na pinagawa ng mga ito upang makuha sa kaniya ang kompanyang iniwan sa kaniya ng kaniyang ama.

Nasa loob sila ng silid na bakal ang sahig, green na makakapal na parang yero tingnan ang buong paligid. Ang lugar na iyon ay kasalukuyang gumagalaw na para bang nasa loob lang sila ng isang barko at hindi rin niya mawari kung saang parte ng dagat ito.

Sa harapan niya, nakaluhod ang boyfriend niyang si Tristan, luhaan ang mga mata nito sa takot. Nakatali rin ang mga kamay nito sa likuran at namamaga ang kaliwang bahagi ng pisngi nito na halos sinakop na ang buong kaliwang mata.

Punit rin ang kilay nito at kasalukuyang nagdudurugo. Si Jasper, kinikilalang kuya niya, ay kasalukuyang may hawak na kutsilyo. Hawak nito ang baba ni Tristan na pinapatingala at ang talim ng kutsilyo ay nasa leeg nito. Kung hindi siya susunod sa gusto ng mga ito, sa harapan niya mismo mawawalan ng buhay si Tristan.

Wala siyang kawala ngayon, dahil nakagapos siya. Bukod doon may mga tauhan si Jasper na nanonood rin sa kanila halimbawa pumalag siya. Nasa likuran rin ni Jasper nakaupo si Ruby sa kaparehong upuan na inuupuan niya at nasa harapan din nito ang lamesa na may nakapatong na ibat-ibang klaseng pampaganda. Biological sister ito ni Jasper at kasalukuyan itong naglalagay ng kulorete sa kuko at iniihip-ihipan pa.

Sa mata ng lahat, magkakapatid sila. Pero ang totoo niyan, bago makilala ng kaniyang ama ang ina ang dalawang Kinikilalang kapatid ay nag-exist na sa mundo ang mga ito. Sa madaling salita, hindi ito mga anak ng ama niya, siya lang ang may karapatan sa Alliarez at ang dalawang ito ay kahit isang kusing ay walang dahilan para magkaroon ng parte.

Iyon ang rason kung bakit siya dinukot ng mga ito at ginagamit ang kasintahan niyang ito na may higit isang taon na ring parte ng buhay niya para mapasunod siya.

Sobrang mahal niya ang lalaki, at talagang takot na takot siya sa maaring gawin ng Kuya Jasper niya rito.

"Hindi ko akalain, na sa kabila ng pagiging tunay na kapatid mo sa akin kahit hindi kita kadugo, magagawa mo ito," matigas niyang sabi sa kuya-kuyahan niya. Kasunod roon ang pagdaloy ng mga luha mula sa kaniyang mga mata.

Si Jasper ang kinikilala niyang the best motivator ng buhay niya. Lalo na noong biglang nawala ang kaniyang ama dahil sa aksidente, si Jasper ang nag-papaalala sa kaniya na huwag mawalan ng pag-asa.

Nagawa rin siya nitong alagaan. Ipinagtimpla ng gatas tuwing gabi para makatulog. Ipinagluto ng paborito niyang pagkain, tinuruan din siyang lumaban. Pero ang lahat ng pinakitang kabaitan nito noon tila biglang naglaho. Kung totoo ang dark magic baka maisip pa niyang sinapian ito ng démónyo ngayon.

Umismid ito. "Sabihin na lang natin na maliban sa tángá ka na, uto-uto kapa. Ganon talaga, Clary. Kung may gusto kang makuha sa isang tao kailangan mong magpanggap na kakampi niya para makamit mo ito. Interesado ako sa yaman mo kaya nagawa ko iyon."

Rumagasa ang mga luha niya. Nanggagaliiti siya sa galit habang umiiyak. "Libre lang din magalit, sis. But I suggest na magalit ka sa sarili mo dahil tángá ka. Kung hindi dahil sa kátángáhán na iyan, hindi ka nasasaktan ngayon."

"At kung inaasahan mong maging kuya mo talaga siya..." sumingit si Ruby, si Jasper ang tinutukoy. Tila ingat na ingat pa ito sa ginagawang pagpapaganda ng kuko. "Nagkakamali ka, panaginip mo lang iyan, kaya panahon na para magising ka sa katotohanan na ako lang talaga ang kapatid niya."

Napakaamo ng mukha nito tingnan, napaka-inosente, mahaba ang buhok nito, hanggang baywang at talagang bagsak na bagsak. Kung tutuusin wala silang pinagkaiba sa style ng buhok, sadyang may bangs lang siya habang ito naman ay wala. Sinong mag-aakala na aasta itong ganito ngayon sa harapan niya? Samantalang dati, kitang-kita niya ang saya sa mukha nito kapag kasama siya.

Mahilig silang pareho sa damit, madalas pa silang terno, minsan magkatabi silang matulog, nagyayakapan pa, pero bakit ngayon may ganito na?

Bukod doon, hindi simple ang porma nito ngayon, katulad niya. Sleeveless na pula ang damit nito, putok na putok ang cleavage at pulang square pants na katerno ng damit nito. May tali lang sa harapan pero sa ibaba ng pusod at ang damit nito hanggang sa itaas ng pusod lang. Hindi ito ang pormahan na gusto nila noon, pareho sila ng hilig pero ngayon iba na at patunay lang iyon na ang lahat ng pinapakita ni Ruby sa kaniya ay peke lang. Heto talaga ang totoong Ruby Alliarez na nasa harapan niya.

Mas lalong lumakas ang hagulhol niya at inusal na lang ang mga salitang, "Mga hayóp kayo. Magbabayad kayo sa ginagawa niyong ito." Nagtagis ang kaniyang mga ngipin, tinapunan na lang niya ng tingin ang boyfriend niyang tuloy-tuloy ang agos ng mga luha sa mga mata.

"Hindi niyo alam kung ano ang ginagawa niyo," matigas niyang sabi. Mahigpit na nakakuyom ang kaniyang kamao sa pagkagapos.

"Of course, alam namin," ani Jasper, at natawa naman si Ruby. "Hindi naman kasi kami kasing tángá mo, Clary."

"Pakawalan niyo si Tristan," matigas niyang utos.

"Kung mapagpanggap man kaming tao, atleast mayroon kaming isang salita. Sign the deed, the content of which is all about transferring the company to Ruby's and my name. If you do, you and your boyfriend will be free, pangako iyan," mapang-asar na wika ni Jasper.

Kitang-kita niya sa mga ngiti nito na parang ito pa rin ang Kuya Jasper niya. Ngiti na parang mayroong magandang surpresa kapag nagawa niya ang nais nito, pero ngayon wala siyang magandang surpresa na asahan dahil ang mga kamay nito ay nasa leeg ni Tristan at may hawak na kutsilyo.

"What if I don't?" Matalim niya itong tinitigan.

"Then welcome to heaven for your boyfriend. Gusto mo bang masaksihan kung paano bumulwak ang dugo sa leeg niya once hiwain ko na ito?" mapang-uyam na tanong ni Jasper.

Nagpumiglas siya mula sa kaniyang pagkagapos. Alalang-alala siya sa kalagayan ni Tristan. "Kung pipirma ako, papakawalan niyo ba talaga siya?" matigas niyang tanong. Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha niya kahit na todo pigil siya sa kaniyang paghikbi.

Matapos ang mga kasamaang pinakita nito sa kaniya, pinili niyang umaktong matapang sa mata ng mga ito para hindi naman siya magmukhang kaawa-awa kahit paano.

"Actually pinapatagal mo lang ang paghihirap niya." Lumapit si Ruby sa kaniya, hinampas nito ng palad ang papel sa ibabaw ng lamesa na nasa harapan niya. "Kung gusto mo talaga siyang iligtas, pumirma ka at huwag mo nang patagalin. Nakikita mo naman, hirap na hirap na siya. Ikaw kaya ang lumuhod doon tapos patingalain ng ganoon tingnan natin kung hindi ka magrereklamo at magmamakaawang tama na. Hindi mo ba iniisip kung gaano kahirap iyon? Tapos ang tagal mo pang magdesisyon."

Napatingin siya kay Tristan, umiiling ito sa kaniya, tila ba'y pinaparating lang nito na huwag siyang pumirma ngunit gaya ng sabi ni Ruby nahihirapan na ito. Hindi na niya kayang pagmasdan iyon. "Ano Clary? Baka gusto mo pang maubusan ng pasensya ang kuya ko at maging late na lang iyang desisyon mo?"

Pabagsak nitong nilapag sa ibabaw ng kasulatan ang ballpen na gagamitin niya sa pagpirma. "Pipirma ka o hindi?"

"Akala ko ba hindi kayo tángá?" bara din niya. "Pinapapirma niyo ako pero nakagapos ang dalawa kong kamay? Inaasahan niyo bang bibig ko ang gamitin ko?" pamimilosopo niya, lumuluha pa rin.

Tila nasampal ng salita niya si Ruby at umiwas ito ng tingin. Napabuga ito ng hininga at inis na sinenyasan ang tauhan gamit ang ulo. Kumilos naman ang lalaki at kinalagan ang isa niyang kamay.

Gustuhin man niyang makawala, pero wala siyang magagawa dahil nakasalalay sa kaniya ang buhay ni Tristan. Kaka-propose lang sa kaniya ng lalaki, ayaw na niyang pakawalan ito. Mahal na niya ito ng sobra at ayaw niyang saktan ito ng iba.

Magkahalo ang galit, sama ng loob na hinawakan niya ang ballpen na iyon at inis na pinirmahan ang papel. Ilang pages pa naman ang pinirmahan niya at pagkatapos noon, tumawa si Jasper. Kinuha ni Ruby ang papel at patalon-talon itong parang baliw dahil sa sobrang saya.

Binigay nito kay Jasper ang bagay na iyon kapalit ng kutsilyo. "Ngayong napirmahan ko na, pakawalan niyo si Tristan," matigas niyang utos.

"Sure! Of course! Papakawalan ko ang boyfriend ko, malamang! Ang tángá mo talaga Clary!" pasigaw na natatawang wika ni Ruby habang kinalagan ng tali di Tristan.

Nanlaki ang mga mata niya nang matanggal na ang tali ni Tristan at inalis na rin ang busal sa bibig.

"A-Anong ibig niyong sabihin?" nagtataka niyang tanong, natatakot rin siya sa magiging sagot.

Para siyang tangang palipat-lipat ng tingin sa tatlo at pagtayo ni Tristan, sa mismong harapan niya, nagdikit ang labi nito sa labi ni Ruby. "Surprise, Clary! Told you, hindi lahat ng nagtatrato sa'yo na nang mabuti mahal ka," pang-uuyam na wika ni Jasper at napailing pang tawang-tawa sa reaction niya. "Ang bilis mo kasing magtiwala. Hangang-hanga talaga ako sa kátángáhán mo, Clary. Kung may paligsahan lang ng katangahan sa mundo sigurado akong ipapatong agad ang korona sa ulo mo."

Halos mabingi siya sa pang-iinsulto nito. Nangangailangan siya ng paliwanag at hindi naman iyon ipinagdamot ni Jasper sa kaniya."

"Matagal nang boyfriend ni Ruby si Tristan, para malinawan ka, nasa plano na namin ang lapitan ka niya at paibigin iyang pani-paniwala mong puso."

Ngumisi ito, nakaawang naman ang mga labi niya at dulot ng matinding emotion, napasigaw siya nang malakas. "Mga hâyôp kayo!"

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jekk'27
Luh.. Clary naisahan ka.. tanga mo daw kc hahahah charrrr
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 2: LEAP OF HOPE

    Hindi siya makapaniwalang magagawa ito ni Tristan sa kaniya. Sa loob ng mahigit isang taon na kasama niya ito, wala itong ibang pinakita sa kaniya kundi ang mahal siya. Ilang beses siyang napahamak at niligtas rin siya nito. Noong kaarawan rin niya, sinorpresa pa siya nito ng romantikong handaan at nandoon si Ruby, tuwang-tuwa pa ito sa nakamit niya sa lovelife niya. Ang lahat ng iyon nakikita niyang totoo. Nararamdaman niyang totoo. Tinuring niyang si Tristan ang lalaking para sa kaniya. Humantong na sila sa usapang kasal. Nag-propose pa ito sa kaniya at pumayag naman siya. Ngunit noong gabing nag-propose ito, dinukot rin silang pareho kaya nasa ganito siyang sitwasyon ngayon. Samu't saring emotion ang kumakastigo sa sistema niya. Durog ang puso niya ngunit umaapoy rin ito sa galit. Lumapit pa talaga si Ruby sa kaniya, at pwersahang kinuha ang singsing sa daliri niya. Pwede niyang ikuyom iyon para hindi nito makuha pero hindi na niya ginawa, para saan pa ba?"This is mine." Sinuot

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 3: THE SINISTER KING

    Nakalayo na ang barko, ngunit abot tanaw pa rin ito ni Hake si Clary na kumapit sa salbabida. Alam niyang pinapanood nito ang barko na papalayo. Naawa siya sa babae, ngunit maliban tulong na ginawa niya, wala na siyang ibang naisip pa. Mabigat ang dibdib niyang huminga nang malalim, dinampot niya ang mga tali na nagkalat sa sahig at tinapon rin ito sa dagat. Saktong pagbato niya sa mga tali na iyon, may dumaklot sa kwelyo niya, sabay tanong ng pabulong sa mukha niya. "Anong ginagawa mo?" Nanlaki ang mga mata niya, hindi niya akalaing may makakita sa kaniya. "Isusumbong mo ba ako?" Tinitigan niya ito nang masama. Sa inis nito, binitawan siya nito sa patulak na paraan. "Paano kung may nakakita sa'yo?" Kinabahan siya sa tanong na ito, pero may bahid rin na pasasalamat ang nararamdaman niya dahil naamoy niyang hindi ito magsusumbong. Kaibigan niya si Ian at ang dahilan kung bakit magkasama sila sa ganitong trabaho dahil sa anak niya. Sa madaling salita tinutulungan siya nito. "Dapat h

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 4: TEST OF BRAVERY

    Kakalabas lang ng tauhan niya nang bigla niyang mapagtanto ang sinabi nito. Naningkit ang kaniyang mga mata sa salitang torture na sinambit nito. Kung hindi psychopath ang nag-torture sa babaeng iyon posibleng may pinapaamin, o may gustong makuha.Binalot ng kuryusidad ang sistema niya kaya humakbang siya para lumabas. Malaki ang stronghold ng Dreadblood Consortium na teritoryo nila. Nasa tabi ito ng dagat at nasa bente na palapag. Secured itong gusali dahil sa dami ng mga aktibidad na pinapatupad niya sa loob. Iyon ay pampalakas pwersa ng grupo niya at sinisiguradong walang intruder na makakaligtas once pinasok sila. Punong-puno ito ng teknolohiya, bawat pintuan ay may scanner, mula sa loob palabas, awtomatikong nagbubukas ang pintuan at bumabalik pasara. Mula naman sa labas papasok, may scanner ito upang kilalanin kung myembro ba ng organisasyon ang papasok o hindi. Ganoon kahigpit ang teritoryo nila, kaya kahit sinong katulad nilang malalakas ay walang may nangangahas na pasukin

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 5: TRUST ISSUES

    Lihim na nakahinga nang maluwag si Clary nang hindi kinalabit ng gwapong lalaki ang gatilyo ng baril kanina. Tinatawag itong boss ng mga lalaking kumuha sa kaniya. Ang babagsik ng mga ito, nakakatakot, ang bibigat ng mga hakbang, halatang kargado ng mga nakatagong armas ang mga katawan. Puro pa malalaking tao, pero ang boss ng mga ito, napaka-hot ng pangangatawan, matangkad at naroon ang aura ng katakot-takot. Napakalinis nitong tingnan sa taglay ng kagwapuhan. Mas gwapo pa ito kay Tristan. Umiigting ang panga, kilay na parang ginuhit at ginawang perpekto, nanghihilang attention na mga mata, lalo na kapag titigan ito, tila may sarili itong salita at iyon ay 'hûbâd ka.' Putok na putok ang matipunong katawan nito sa suot nitong black t-shirt. Napasimple ng porma pero nakakakaba. Parang nangingibabaw pa rin ang maawtoridad na pangangatawan nito sa suot na damit. Wala man siyang tinig na maririnig ramdam pa rin niya ang utos na lumuhod sa harap nito. Ngunit hindi ganoon kahina ang f

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 6: THE HIDDEN SACRIFICE

    Mabilis siyang hinawakan sa batok ng lalaking boss sa grupong ito upang makaiwas sa umuulan na bala. Isang malaking barko ang sumalubong sa kanila at napakaraming armadong tao ang kasalukuyang tinatarget ang kanilang yate.Kung hindi siya natatakot sa lalaking ito sa ligaw ng bala mas naratanta siya. "Masyadong marami ang baon nila, boss, alanganin tayo!" sigaw ng isang lalaking kasalukuyang nakadapa. "Tumawag ka ba ng back-up?" tanong pa nito, dinidiin nito ang mukha niya sa sahig. Mas lalo siyang nahihirapan pero hindi siya nagpumiglas. Kapag iangat niya ang ulo niya pabagsak lang na babalik sa sahig ang mukha niya dahil sa pwersa nito mas lalo siyang masasaktan. "Yes, boss kaso hindi ko alam kung makakarating sila agad. Kailangan mo na talaga umalis, kami na ang bahala dito," sagot ng tauhan. Ang loyal naman masyado ang taong ito, handang sumulay sa umuulan na bala mailigtas lang ang amo. "How dare they rush into my territory. Naisip ba nila na once napasok nila ang Spartly, w

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 7: LOST AND FOUND

    Inaapoy ng lagnat. Ito ngayon ang kalagayan ni Clary nang magising siya. Wala siyang lakas, at basang-basa siya ng pawis. Isang lalaking mangingisda ang nakakita sa kaniya sa dalampasigan. Ngunit lingid sa kaalaman ng mangingisdang iyon, lihim na nagmamasid si Hake sa di kalayuan sakay sa isang speedboat.Siya ang nagdala kay Clary sa tabing dagat at binantayan ito hanggang sa may dumating na saklolo. Iyon lang naman ang magagawa niya para iligtas ang babae. Pinalabas lang niya na nakarating sa tabing dagat ang motorboat na nakita niyang kasama nito. Nakatali si Clary roon, buti na lang nakalutang lang ang babae kaya nakita niya agad at hindi ito naubusan ng hininga.Nagbakasakali kasi siyang hanapin ang babae kinabukasan noong iniwan niya ito sa dagat. Gustong-gusto niyang mabuhay ito. Gustong-gusto niyang tulungan. Lihim niyang ginagawa iyon at sana hindi siya matunugan ng mga amo niya. Sa maliit naman na bahay kung saan naroon si Clary, ramdam niyang inaalagaan siya ng isang bab

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 8: KNOX'S WRATH

    Pagkababa nila sa eroplano, nakasunod lang si Ino sa likuran niya. Dere-deretso ang lakad niya papunta sa sasakyan ni Viana. Si Viana ay matalik niyang kaibigan, ngunit lihim lamang. Nakatago ang tunay identity nito bilang anak ng kaniyang yaya Marina, ngunit sa pagkakaalam ng lahat isa itong business woman, CEO ng Azara Gems. Azara Gems na siya rin ang may-ari ngunit lihim lang din. Akala siguro nila Jasper, ubos na siya. Nautical lang ang nakuha sa kaniya, higit pa doon ang natira. Pumapangalawa sa Ranggo ang Azara Gems sa larangan ng Jewelry businesses. Nangunguna kasi ang Brilliant Chen. "Diyan tayo sasakay?" tanong ni Ino sa kaniya nang huminto siya sa sasakyan ni Viana. Hindi nito napansin ang kaibigan niya dahil may kausap ito sa phone na may kaunting distansya lang sa kanila. Hindi rin nito napansin ang dalawa pang sasakyan na nakaparada sa likuran nito, at ang may gamit ng mga iyon ay mga personal assistant ni Viana. Biglang taas kasi ang rate ng Azara kaya nagiging targe

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 9: SHADOWS OF DECEPTION

    Saktong paglabas ni Clary, hahakbang na sana siya para pumasok sa building ngunit biglang natumba ang assistant na kasama niya. Kasunod noon ang mabilis na pagpulupot ng braso sa leeg niya, sumabay ang pagbunot ng baril ng isang assistant niya.Pumutok ang kaba sa dibdib niya. Nanlamig ang buong katawan niya sa pagkabiglang nakatitig sa assistant niyang handang barilin ang lalaki sa likuran niya. "Sige iputok mo iyan," banta ng lalaking may hawak sa kaniya. Naramdaman niyang may malamig na bagay na nakadiin sa sintido niya. "Mâmâmâtay to." Tila may kasama pa ito at tinutukan ng baril ang assistant na may hawak ring baril na nakatutok sa lalaking hawak siya. "Ipasok mo sa loob ang kasama mo," ani ng kasama nito."Walang natatakot sa inyo dito," matigas na sabi ng assistant niya at nag-utos pa, "bitawan mo ang amo ko kung—""Kapag nakita ang amo mong ito dito, sa tingin niyo makakauwi itong buhay?" banta ng lalaking nasa likuran niya. "At ikaw," ani nito sa mismong tenga niya. Naramd

Pinakabagong kabanata

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 186: FINALE

    Sa Moretti Ancestral Hall, pinagtabi nila ang abo ng kanilang mga magulang at ang pinapatungan nito naroon ng mga gems collections ng kanilang ama. Naka-fix iyon doon, ibig sabihin hindi pwedeng kunin dahil ama nila ang nagmamay-ari niyon kasama na ang graff pink diamond na binili nito kay Liam. "Sana okay na sila no?" pagbasag ni Cassandra ng katahimikan. "Okay naman na sila ah. Nagkaaminan na nga noong naghihingalo sila pareho," sagot naman ni Caitlin. Huminga siya ng malalim. "Sa tingin ko, okay naman siya bilang ama, nabubulag lang naman siya sa Gemstones," aniya. "Loyal siya, isa lang naging babae sa buhay niya. Si Mom lang, and bilang isang ama, ang ganoong side niya ang dapat tularan, loyal sa isa," ani naman ni Art naintindihan niya ang ibig sabihin nito. "Mahal nila ang isa't isa pero minamanipula nila." Nagpatunog ng dila si Cassandra. "Katulad ng sabi ni Mom, lagi niyang sinasabi na magbabago na raw siya. Mahal siya ni Mom kaya nagtitiwala sa kaniya, marami na siya

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 185: REWARDS

    Nakikita ni Knox ang kaniyang sarili bilang batang lumalaban, animo'y nagsasanay. Ramdam niya ang hirap na pinagdaanan niya sa pangyayari na iyon. Nasaksihan niya kung paano rin pinarusahan ang ina niya. Nakikita rin niya ang sarili niyang may kasamang dalagita habang siya ay binatilyo at may takip sila sa mukha. Umamin siya ng pagmamahal niya rito. At nakita niya ang sarili niyang kinakasal sa isang babae, tapos kasunod na pangyayari ay sumigaw siya nang malakas sa harap ng telebisyon dahil sa masamang ulat nito. Kasunod na nangyari, nakita niya ang sarili niyang nag-uutos sa mga tao, kung sino-sino rin ang mga nakaharap niya. Nakatira siya sa isang isla, napalibutan ng karagatan, at kinikilala siyang boss ng mga ito. Nauulinigan niya ang mga pangalan ng mga tao niya, tinatawag niyang, Darwin, Barth, Jolo, Kelvin, Dara isang babaeng kasambahay, at marami pang iba. Nakikita rin niya ang sarili niyang nasa harapan siya ng Golden ship, hinahaplos niya ito at maraming mother of pearl s

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 184: SAVED

    "Mommy! Mommy!" Nakaluhod na siyang inaangat ang ulo ng ina niya upang yakapin ito. Naghihingalo ito ngayon katulad ni August. Sobrang saklap ang pangyayaring iyon, nasa harapan nila mismo nangyari ito sa mga magulang nila. Pareho silang apat, iyak nang iyak natatakot sa pagpikit ng mga mata ng kanilang ina. Natigilan pa silang pareho nang dahan-dahang nag-angat ng kamay ang ama nila hinawakan ang pisngi ang mommy nila. Tapos sinabi pa nito, "I'm sorry..."Mas lalo siyang napaluha dahil doon at dumugtong pa ito, "F-For not giving you a marriage, f-for not being a good lover and a dad to them, for everything..." Tumangu-tango ang ina nila, pero bumubulwak ang dugo sa bibig nito. "A-Atleast, I witnessed the wedding of one of our children," ani ng ina nila. "That day...was one of my happiest days, s-seeing them being together, having fun with each other." Kahit nasasaktan natawa si August pero hindi nang-iinsulto kundi masaya. Tumangu-tango ito, "Will...they forgive me?"Napahaplos n

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 183: AGAINST THEIR FATHER

    "You are a monster, he is your grandson and only a child but you want to kill him!" sigaw ni Huimei nanggagalaiti sa galit at sama ng loob. "Now you're saying that he's my grandson! Wow! After you withheld my own children from me!" sigaw rin nito, habang nasa pindutan ng remote ang hinlalaki. Nagsimula na siyang mapaluha, hindi niya kayang mawala si Kade, sobrang masasaktan si Clary nito. "Don't do this, August. Have mercy for Clary, she's already hurt too much with everything that's happening. Not her son!"Tumaas ang sulok ng labi nito. "Clary went through a lot because of you. You are the one who started the pain she feels! If you had given her to me before she would have experienced having a real father!" sigaw nito sa kaniya. "You'll go to manipulate her! You'll put anger in her heart and mind against me! You want a child not because you want to be a father! But because you have bad intentions. And when that happens, she'll become Caitlin's, Cassandra's and Arts' enemy!" katwi

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 182: HIDE AND SEEK

    Mabilis na umakyat pabalik si Ruby sa taas. Dumaan siya sa lugar kung saan nakalagay ang mga espada at kumuha siya ng isa. Takot siya, hindi talaga iyon nawawala sa sistema niya pero kailangan niyang maging matapang. Namatay ang ina niya kasi walang laban ito na ang pagkakataon niya para makapaghigante. Pero kaya ba niya? Kasi kahit saan siya tumungo ngayon may nadadaan siyang pâtây na mga myembro nila. Mga tao ni Ghost, na sinasabing mga assasin pero parang wala namang binatbat pero may tiwala naman siya sa mga assasin na wala sa mansion ni Ghost, alam niyang may mga pakalat-kalat pa sa labas at alam niyang tinawag na ang mga ito ng boss nila. Mabilis siyang umakyat sa hagdan papuntang second floor, ngunit may narinig siyang dâîng at familiar sa kaniya ang boses. "Kuya?""Ruby," tugon nito. Nasa ilalim ito ng hagdan, kaya mabilis siyang humakbang pababa at nilapitan ito. "Kuya!" Agad nitong diniin ang hintuturo sa bibig. "Nan...Nandito sila Ian, si Tristan—""Si Tristan?!" bulala

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 181: TAKING KADE AWAY

    Sa ibaba naman banda, nakikita ni Knox ang walang pagdadalawang isip nang pagpàtày ng mga kasama niya sa mga bantay sa mansion. Baril ang hawak niya pero may belt rin siya at dala rin niya ang payong niyang hindi niya maalala kung paano niya gamitin iyon. Pero tinuruan na siya ni Caitlin at kahit hindi pa buo ang kakayahan niya sa payong na iyon may natira pa rin naman sa katawan niyang nakasanayan niyang ginagawa noon kapag lumalaban. Ibig sabihin may bilis pa siyang kusang ginagawa niya. May mga device sila sa tenga para sa koneksyon nila sa isa't isa. Nasa likuran sila banda dumaan at may mga gamit silang night vision glasses, ito ay para makakita sila sa dilim. Nakapasok na sila sa gate, umiiwas lang sila sa ilaw, may dalawang nagbabantay kaya sinenyasan siya ni Barth na dalawa, ibig sabihin iyon ang tutumbahin nila. Hinanda naman niya ang maliit na karambit na dala niya at dahan-dahan na lumapit sa isa. Mabilis niya itong hinawakan sa buhok at pinatingala. Nïlàlàs niya ang leeg

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 180: ATTACK ONSET.

    Nabibingi na naman si Ruby sa iyak ng bata. Gabi na kasi at matutulog na sana ito pero ngawa nang ngawa ang bata. "Hays, kailan ka ba matutong matulog na walang ilaw-ilaw?" reklamo niya. "Ibigay mo na lang, papagurin ka lang niyan," suway naman ni Jasper. Binigyan niya ito ng bote ng gatas pero tinabig lang nito at nagreklamo ng, "I said Lights! lights! Gimme lights! Grandpa!" Lumakas pa lalo ang iyak nito. "Hindi ka naman inaano ng sapatos, ibigay mo na lang kasi," suway pa ni Jasper. Wala siyang magawa kundi ang ilabas na naman ang sapatos at nilagay sa ibabaw ng uluhan nito. Pinailaw niya ito, kaya nanahimik ang bata. After give minutes ba naman humihinto ang ilaw, kaya after five minutes din siyang naiistorbo para pailawin ito kasi nagrereklamo ang bata. Napairap na lang siya ng sinabi nito, "My milk!" sigaw pa nito sa kaniya. Ang bote ng gatas ang tinutukoy nito kaya binigay niya sa kabila ng inis niya. Paano kasi isang sigawan lang siya ng bata at wala siyang rights magrekl

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 179: FINAL PLAN

    Wala silang sinayang na oras. Hindi na bali gumastos sila ng billion sa kanilang pinaplano wala silang pakialam basta mahanap lang ang bata. Bumaba na rin ang Moretti Queen at sang-ayon ito sa plano niya. Nagkita lamang sila sa China. Binigyan siya nito ng graff pink diamond mga 2.5 inch ang taas, 1.05 cm ang lapad, 1.06 cm ang kapal ito ay katumbas ng 61.72 carat. Nasa original appearance pa ito, hindi pa na-cut, hindi pa nakiskisan, para iyon sa mas kapani-paniwala na ang diamond na iyon ay mismong hinukay pero ang totoo, pag-aari iyon ng mga ninuno nila na never pang nalaman ng buong mundo. Binago niya ang kulay ng buhok niya, Swedish ash blonde common hair color ng Russian. Pinakulot niya ito, wavy curl lang, at umiksi ito ng kunti, na mas mababa lang sa balikat niya. Ito ang paraan niya para makakilos nang malaya na hindi masyadong halata na siya si Clary. Maging pananamit niya ay magbago din. Mas naging sopistikada siyang babae, kahit ang make up niya naging mas malayo na si

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 178: DETECTED

    Shempre may password ang laptop ni Knox, natatagalan sila sa kakaisip noon, sinubukan niya ang birthday ni Kade at hindi ito gumana. Sinubukan niya ang birthday nito, hindi rin gumana. Kahit birthday niya o date kung kailan sila kinasal."Bakit? Ano ba talaga password mo?" tanong niya kay Knox naiirita, paano kasi wala sa mga special days nila. Syempre paano sasagot ang walang naaalala? Naghila-hila lang ito ng buhok sa bunbunan na tinitiis ang pambabara niya. "Subukan mo, itong number, 05,15, 2009," ani ni Caitlin. Napatanong siya, "Bakit iyan?" "Kasi iyon ang araw na pinarusahan ang mommy niya," sagot nito. "Huh? Mommy ko?" tanong naman ni Knox. Huminga lang siya nang malalim at sinubukan na lang niya iyon. Pinaliwanag naman ni Caitlin nang maiksing paliwanag lang dito ang tungkol sa sinabi. Error naman ang password, "Ayaw eh.""Subukan mo ang..." Nag-isip naman ito. "11 19 2007.""Ano naman iyan?" tanong niya. "Kung kailan siya honed as Canopy," sagot naman nito."Grabe naal

DMCA.com Protection Status