Home / Romance / GENUINE LOVE IN DECIET / Chapter 4: TEST OF BRAVERY

Share

Chapter 4: TEST OF BRAVERY

Author: Heel Kisser
last update Huling Na-update: 2023-11-14 09:16:40

Kakalabas lang ng tauhan niya nang bigla niyang mapagtanto ang sinabi nito. Naningkit ang kaniyang mga mata sa salitang torture na sinambit nito. Kung hindi psychopath ang nag-torture sa babaeng iyon posibleng may pinapaamin, o may gustong makuha.

Binalot ng kuryusidad ang sistema niya kaya humakbang siya para lumabas. Malaki ang stronghold ng Dreadblood Consortium na teritoryo nila. Nasa tabi ito ng dagat at nasa bente na palapag. Secured itong gusali dahil sa dami ng mga aktibidad na pinapatupad niya sa loob. Iyon ay pampalakas pwersa ng grupo niya at sinisiguradong walang intruder na makakaligtas once pinasok sila. 

Punong-puno ito ng teknolohiya, bawat pintuan ay may scanner, mula sa loob palabas, awtomatikong nagbubukas ang pintuan at bumabalik pasara. Mula naman sa labas papasok, may scanner ito upang kilalanin kung myembro ba ng organisasyon ang papasok o hindi. 

Ganoon kahigpit ang teritoryo nila, kaya kahit sinong katulad nilang malalakas ay walang may nangangahas na pasukin ito. Bukod sa matibay ang lugar malakas rin ang pwersa niya dahil hindi rin nagpahuli sa imbakan ng mga armas ang panig niya.

Sa harap ng stronghold, isang malawak pantalan na may mga naka helirang mga barko, yatch, sandamakmak na speedboat para sa mga tauhan niya sa oras na inatake sila, may magamit silang panghabol. Lagi silang handa sa gulo dahil ganoon na ang kanilang buhay. 

Yamang pandagat ang kanilang puhunan, bagay na mas kinakainteresan ng mga kalaban. Siya ang mas may malaking imbakan at ang teritoryo niya ay ilang beses nang pagtangkaan na agawin ng iba. Lalo na't ang lugar niya ay mismong nasa pagitan ng Pilipinas at China. 

Sumunod ang ilan sa mga tauhan niya sa likuran. Totoong malakas na siyang nilalang, ngunit mayroon pa rin siyang proteksyon, na kusang binibigay lang din ng mga nasasakupan niya. Ganoon naman talaga kapag malaking tao ka. Kaya mas lalong lumalakas ang pwersa mo dahil maraming tagasunod na umaaligid sa'yo. 

Tila nakita ng tauhan niya na sumunod siya. Hindi pa nito pinaalis ang yatch na sasakyan pabalik sa pampang na sinasabi nitong kinaroroonan ng babae. Hinintay siya nito, at habang papaakyat siya sa yatch titig na titig ito sa kaniya. Animo'y nabuhayan ng pag-asa. 

"Nagbago ba ang isip mo, Boss?" tanong pa nito. 

Tinapunan lang niya ito ng tingin. Nalalamon kasi ang pride niya sa pagbago ng desisyon niya. Tumahimik naman ito nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. 

Nagbigay na lang ito ng hudyat na paalis na. Umandar naman ang yatch, at nagsimula na ring pumalaot. Malawak ang nasasakupan ng teritoryo niya na iyon, kaya kahit sinabi ng tauhan niya na sa dalampasigan natagpuan ang babae hindi ibig sabihin noon na malapit lang. 

Tatawid sila ng dagat para marating ang kabilang pampang. Ngunit hindi pa sila nakaabot roon nakasalubong na nila ang isa pang yatch na panigurado naroon ang babae sa loob. Parehong huminto ang dalawang sakayan sa gitna ng laot. 

Napakatarik pa ng araw at masakit sa balat ang liwanag nito. Ngunit hindi niya iyon alintana, at sa pagdikit ng dalawang sakayan, hinintay lang niyang mailagay ang tulay at tumawid sa kabila. 

"Gising na ang babae, Boss," salubong sa kaniya ng isa pa niyang tauhan, si Darwin. "Hindi siya nagbigay ng pangalan kasi hindi niya raw maalala," dugtong pa nito. 

Diretso lang ang lakad niya. Nauna naman itong humakbang upang i-guide siya. Ngunit hindi pa sila nakapasok, dahil sumalubong sa kaniya ang babaeng tumatakbo palabas at hinahabol ng mga tauhan niya. Parang balak tumakas.

Mahaba ang buhok nito, basa pa ang suot na puting bistida. Mabilis niyang hinawakan ito sa braso, at narinig niya ang singhap nito sa higpit nang pagkahawak niya. Binalik niya ito paatras, at tiningnan ang mukha. Nagtama ang kanilang mga mata. 

Marami itong pasa, nagba-violet ang ilang parte ng pisngi nito, lalo na sa contour, talagang binugbog. May sugat rin ito sa ulo, kung hindi pinalo nang matigas na bagay, nauntog. Ngunit dahil nakatayo ito, at nakatakbo pa, masasabi niyang hindi ito ganoon kabaldado. 

Tulad ng sabi ng tauhan niyang si Barth, maganda nga ito. Cute nga ng mukha, dahil sa bangs, sa bagsak ng buhok. Makinis ang kutis kung wala lang itong mga pasa. At malambot hawakan ang braso nito, ramdam niya iyon sa kaniyang palad. 

Inosente tingnan ang mga mata nito, napakaamo, na parang hindi makabasag pinggan. Ngunit may napansin siyang kakaiba. Ang ilang mga babae hindi makipagtitigan sa kaniya ng ganito. Yuyuko ang mga iyon at iiyak dahil sa takot pero ito, walang emotion ang mukhang nakatitig sa kaniya hindi pa kumukurap. 

Naningkit ang mga mata niya. Sa paraan na iyon malalagyan niya ito ng takot sa katawan pero ganoon pa rin. "Anong ginagawa mo sa teritoryo namin?" tanong niya rito. Malamig pero katakot-takot.

Hinablot nito ang braso mula sa pagkahawak niya. Dumáíng pa ito dahil tila nahawakan niya ang may pasa. Tinapunan niya ng tingin ang parteng iyon, at hindi nga siya nagkamali. Nagkukulay ube ang balat nito sa brasong hinawakan niya. "Hindi ko alam," tipid na sagot nito.

"Saan ka nanggaling?" tanong pa niya.

 

"Hindi ko alam," sagot ulit nito. 

Napansin niyang lumunok ito, tumingin sa karagatan at wala pa ring kaemo-emotion. "Alam mo ba na, ang kung sino man ang makapunta sa lugar na ito hindi namin binubuhay?" nananakot niyang tanong.

Dahil doon tumingin ito sa kaniya, naging masama na ang paningin. Kinasa niya ang hawak niyang baril, at tinutok sa noo nito. Ngunit imbis na magitla, sinulyapan pa nito ang dulo ng baril niya. 

Dahil sa reaction ng babae, napansin niyang nagkatinginan ang mga tauhan niya. Na para bang sinasabi ng mga ito na natagpuan na niya ang hinahanap niya. Tumaas ang sulok ng labi niya, ngunit bigla itong nagsalita, "Bakla ka ba?"

Ang hatak na pagkakurba ng kaniyang mga labi ay unti-unting napapawi. Ilan sa mga tauhan niya ay nagpigil ng tawa, dinaan na lang sa tikhim para makontrol ito. Humigpit ang hawak niya sa baril at nagbanta, "Naintindihan mo ba kung ano ang hawak ko?"

"Tanda ng kabaklaan mo," ani pa nito, wala talagang katakot-takot. Ang ibang babae, halos takasan na ng kaluluwa sa sobrang takot pero ito nagawa pang asarin siya? 

Gusto niya ng babaeng matapang pero hindi ang babaeng basta na lang siya insultuhin. Nagtagis ang mga ngipin niya, napatabingi na ang ulo niya sa panggigigil. Nangangati na ang mga kamay niyang kalabitin ang gatilyo pero nagpipigil siya. Bihira lang kasi ang ganitong klaseng babae, sayang. Kung ganito ang ugali ng anak niya, siguradong pikon na pikon ang mga kalaban nila. 

"Hindi mo ba naisip, na habang tinututok mo sa akin iyang pangit mong baril lalo kang naging bading sa aking paningin? Sayang, gwapo ka pa naman sana," ani pa nito. 

Napunta sa baril ang mga mata niya. Wala namang pambabaeng disenyo ang baril niya para tawagin siya nitong bakla. Lalong hindi naman pambabae ang kulay at ang paghawak ng baril ay wala naman sa gender. Paano nito nasabing bakla siya?

"Sa dami-daming term na pwede mong itawag sa akin iyan pa talaga? Nagtatawag ka ba ng kamatayan?" tanong pa niyang nananakot pa rin. 

"The more na tinatakot mo ako..." Humakbang ito nang dahan-dahan. "...The more na gigil na gigil kang kalabitin ang gatilyo na iyan, lalo kang bumabakla. Alam mo kung bakit?" Talagang idinikit pa nito ang noo sa dulo ng baril niya. "Kasi sa ating dalawa, ako ang mahina, ako ang maraming pasa, ako ang walang armas, ako ang babae, at ikaw ang lalaki, ikaw ang malakas, ikaw ang may armas, hindi mo pa rin ba narealize ang pinagkaiba?" 

Sinikap niyang pigilan ang paglunok upang takpan ang kahihiyang nararamdaman niya. "Sa madaling salita, bakla ka, hindi lang bakla, duwag ka pa, umaasa ka sa hawak mong baril kaya matapang ka," dugtong pa nito. 

Tumikhim ulit ang isa niyang tauhan na si Darwin. "P-Papatayin mo ba siya, boss? K-Kasi kung—"

Sa kabila ng ngit-ngit niyang pinahiya siya ng babaeng ito sa harapan ng mga tauhan niya sinikap niyang ibaba ang baril. Parang siya na iyon na pinigilan ang démónyo sa loob niya para hindi niya ito mapatay. Inayos lang niya ang baril niya at nagsalita, "Dalhin niyo ito." Tinitigan ang babae taas-baba. Matalim rin ang titig nito sa kaniya, na para bang ito na yata ang pinakamatapang na babaeng nakilala niya maliban sa ex-wife niya. "Pakainin niyo, para makaalala. Baka gutom lang kaya hindi alam ang dahilan kung bakit siya nandito." 

 

Kaugnay na kabanata

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 5: TRUST ISSUES

    Lihim na nakahinga nang maluwag si Clary nang hindi kinalabit ng gwapong lalaki ang gatilyo ng baril kanina. Tinatawag itong boss ng mga lalaking kumuha sa kaniya. Ang babagsik ng mga ito, nakakatakot, ang bibigat ng mga hakbang, halatang kargado ng mga nakatagong armas ang mga katawan. Puro pa malalaking tao, pero ang boss ng mga ito, napaka-hot ng pangangatawan, matangkad at naroon ang aura ng katakot-takot. Napakalinis nitong tingnan sa taglay ng kagwapuhan. Mas gwapo pa ito kay Tristan. Umiigting ang panga, kilay na parang ginuhit at ginawang perpekto, nanghihilang attention na mga mata, lalo na kapag titigan ito, tila may sarili itong salita at iyon ay 'hûbâd ka.' Putok na putok ang matipunong katawan nito sa suot nitong black t-shirt. Napasimple ng porma pero nakakakaba. Parang nangingibabaw pa rin ang maawtoridad na pangangatawan nito sa suot na damit. Wala man siyang tinig na maririnig ramdam pa rin niya ang utos na lumuhod sa harap nito. Ngunit hindi ganoon kahina ang f

    Huling Na-update : 2023-11-15
  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 6: THE HIDDEN SACRIFICE

    Mabilis siyang hinawakan sa batok ng lalaking boss sa grupong ito upang makaiwas sa umuulan na bala. Isang malaking barko ang sumalubong sa kanila at napakaraming armadong tao ang kasalukuyang tinatarget ang kanilang yate.Kung hindi siya natatakot sa lalaking ito sa ligaw ng bala mas naratanta siya. "Masyadong marami ang baon nila, boss, alanganin tayo!" sigaw ng isang lalaking kasalukuyang nakadapa. "Tumawag ka ba ng back-up?" tanong pa nito, dinidiin nito ang mukha niya sa sahig. Mas lalo siyang nahihirapan pero hindi siya nagpumiglas. Kapag iangat niya ang ulo niya pabagsak lang na babalik sa sahig ang mukha niya dahil sa pwersa nito mas lalo siyang masasaktan. "Yes, boss kaso hindi ko alam kung makakarating sila agad. Kailangan mo na talaga umalis, kami na ang bahala dito," sagot ng tauhan. Ang loyal naman masyado ang taong ito, handang sumulay sa umuulan na bala mailigtas lang ang amo. "How dare they rush into my territory. Naisip ba nila na once napasok nila ang Spartly, w

    Huling Na-update : 2023-11-15
  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 7: LOST AND FOUND

    Inaapoy ng lagnat. Ito ngayon ang kalagayan ni Clary nang magising siya. Wala siyang lakas, at basang-basa siya ng pawis. Isang lalaking mangingisda ang nakakita sa kaniya sa dalampasigan. Ngunit lingid sa kaalaman ng mangingisdang iyon, lihim na nagmamasid si Hake sa di kalayuan sakay sa isang speedboat.Siya ang nagdala kay Clary sa tabing dagat at binantayan ito hanggang sa may dumating na saklolo. Iyon lang naman ang magagawa niya para iligtas ang babae. Pinalabas lang niya na nakarating sa tabing dagat ang motorboat na nakita niyang kasama nito. Nakatali si Clary roon, buti na lang nakalutang lang ang babae kaya nakita niya agad at hindi ito naubusan ng hininga.Nagbakasakali kasi siyang hanapin ang babae kinabukasan noong iniwan niya ito sa dagat. Gustong-gusto niyang mabuhay ito. Gustong-gusto niyang tulungan. Lihim niyang ginagawa iyon at sana hindi siya matunugan ng mga amo niya. Sa maliit naman na bahay kung saan naroon si Clary, ramdam niyang inaalagaan siya ng isang bab

    Huling Na-update : 2023-11-16
  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 8: KNOX'S WRATH

    Pagkababa nila sa eroplano, nakasunod lang si Ino sa likuran niya. Dere-deretso ang lakad niya papunta sa sasakyan ni Viana. Si Viana ay matalik niyang kaibigan, ngunit lihim lamang. Nakatago ang tunay identity nito bilang anak ng kaniyang yaya Marina, ngunit sa pagkakaalam ng lahat isa itong business woman, CEO ng Azara Gems. Azara Gems na siya rin ang may-ari ngunit lihim lang din. Akala siguro nila Jasper, ubos na siya. Nautical lang ang nakuha sa kaniya, higit pa doon ang natira. Pumapangalawa sa Ranggo ang Azara Gems sa larangan ng Jewelry businesses. Nangunguna kasi ang Brilliant Chen. "Diyan tayo sasakay?" tanong ni Ino sa kaniya nang huminto siya sa sasakyan ni Viana. Hindi nito napansin ang kaibigan niya dahil may kausap ito sa phone na may kaunting distansya lang sa kanila. Hindi rin nito napansin ang dalawa pang sasakyan na nakaparada sa likuran nito, at ang may gamit ng mga iyon ay mga personal assistant ni Viana. Biglang taas kasi ang rate ng Azara kaya nagiging targe

    Huling Na-update : 2023-11-17
  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 9: SHADOWS OF DECEPTION

    Saktong paglabas ni Clary, hahakbang na sana siya para pumasok sa building ngunit biglang natumba ang assistant na kasama niya. Kasunod noon ang mabilis na pagpulupot ng braso sa leeg niya, sumabay ang pagbunot ng baril ng isang assistant niya.Pumutok ang kaba sa dibdib niya. Nanlamig ang buong katawan niya sa pagkabiglang nakatitig sa assistant niyang handang barilin ang lalaki sa likuran niya. "Sige iputok mo iyan," banta ng lalaking may hawak sa kaniya. Naramdaman niyang may malamig na bagay na nakadiin sa sintido niya. "Mâmâmâtay to." Tila may kasama pa ito at tinutukan ng baril ang assistant na may hawak ring baril na nakatutok sa lalaking hawak siya. "Ipasok mo sa loob ang kasama mo," ani ng kasama nito."Walang natatakot sa inyo dito," matigas na sabi ng assistant niya at nag-utos pa, "bitawan mo ang amo ko kung—""Kapag nakita ang amo mong ito dito, sa tingin niyo makakauwi itong buhay?" banta ng lalaking nasa likuran niya. "At ikaw," ani nito sa mismong tenga niya. Naramd

    Huling Na-update : 2023-11-17
  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 10: LOST IN INTOXICATION

    For the sake of Hake's daughter, kakalma muna si Clary. Ayon sa lalaking iyon, simula pala noong ipinanganak ang anak nito, may sakit na ito sa puso at ang asawa nito ay namatay rin sa panganganak. Naka-schedule na rin ang operation nito, at siya na ang sasagot ng kulang, pero ang pangalan ng sponsor ay si Viana pa rin. Laging si Viana na lang ang tinutulak niya ipaharap sa tuwing mayroon siyang transaksyon lalo na kung tungkol sa pera. Mabuti na lang walang reklamo itong kaibigan niya. Kunsabagay, nanggaling ito sa mabuting tao kaya nananalaytay rin sa mga kaugatan nito ang pagiging mabuti. Ayon sa plano, hintayin niyang makalabas sa hospital ang anak ni Hake bago siya magsisimula. Kailangan muna niyang ilagay sa ligtas na lugar ang pamilya nito. Pagkatapos nang nangyari sa kaniya, masasabi niyang tuso si Jasper. Kung utak ang labanan at dahas, lalaban siya rito. Malakas ang pwersa ni Viana, mautak rin kasi ito. Nag-ipon rin ito nang tao para maprotektahan ang pagiging mayaman nit

    Huling Na-update : 2023-11-18
  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 11: CAUGHT OFF GUARD

    Sa dahan-dahang pagmulat ng mga mata, biglang nanigas si Clary nang maramdaman ang mainit na hininga na tumatama sa batok niya at mainit na brasong nakadantay sa tila walang saplot niyang katawan. Nang makabawi siya, kumurap-kurap siya. Hinawakan niya ang brasong iyon; matigas ito, parang punong-puno ng kapangyarihan na kapag humigpit ang pagyakap sa kaniya, hindi siya makaka-angal. Ramdam ng palad niya ang mga ugat nito, at nang dahan-dahan niyang tingnan iyon, napalunok na lang siya nang mapagtanto na braso iyon ng lalaki at wala pa siyang damit. Napa-igtad siya sa biglaang realization, nanlaki pa ang mga mata niyang gumalaw ito at napatihaya ng higa sa tabi niya. "S-Shit...s-sino tong hinâyupâk na ito?" bulong niyang tanong sa sarili.Humarap siya rito, at saktong nagmulat ito ng mga mata. Nagtama ang paningin nilang dalawa at nang makilala niya ang mukha napabalikwas siya ng bangon. "Hoy!"Agad siyang bumaba sa kama, alanganin pa ang kilos niya dahil sumabit ang paa niya sa kum

    Huling Na-update : 2023-11-18
  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 12: MOMENTS OF AWE

    Agad na tumayo ang lahat, habang si Knox naman na kasalukuyang tumatayo rin, napapako ang paningin sa babaeng may makapangyarihang aura papasok. Long white tuxedo-style dress with statement gold belt ang outfit nito. Naka-ponytail pataas ang bagsak, at mahabang itim na buhok nito. Kahit parang nasusundot na ang mga mata nito dahil medyo mahaba na ang bangs, taglay pa rin nito ang katakot-takot na mga tingin. Huminto ito sa tabi ni Viana. Simple lang ang make up nito, bumagay ang malakulay balat nitong lipstick sa kulay puti nitong damit. Marahan nitong nilapag ang bag sa upuang pang CEO, at saka tumingin sa kanilang lahat. Inikot nito ang paningin mula sa kanan pakaliwa at huminto ang mga titig nito sa kaniya. Gumuhit ang gulat sa mga mata nito. Kulang na lang mapamulagat ito nang makilala siya ngunit sa huli sinikap nitong maging kalmado at dinaan na lang ang tikhim sa lahat. "Good morning, Ms. Alliarez," bati ng lahat maliban lamang sa kaniya. Ang dating gulat sa mukha nito ay n

    Huling Na-update : 2023-11-19

Pinakabagong kabanata

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 186: FINALE

    Sa Moretti Ancestral Hall, pinagtabi nila ang abo ng kanilang mga magulang at ang pinapatungan nito naroon ng mga gems collections ng kanilang ama. Naka-fix iyon doon, ibig sabihin hindi pwedeng kunin dahil ama nila ang nagmamay-ari niyon kasama na ang graff pink diamond na binili nito kay Liam. "Sana okay na sila no?" pagbasag ni Cassandra ng katahimikan. "Okay naman na sila ah. Nagkaaminan na nga noong naghihingalo sila pareho," sagot naman ni Caitlin. Huminga siya ng malalim. "Sa tingin ko, okay naman siya bilang ama, nabubulag lang naman siya sa Gemstones," aniya. "Loyal siya, isa lang naging babae sa buhay niya. Si Mom lang, and bilang isang ama, ang ganoong side niya ang dapat tularan, loyal sa isa," ani naman ni Art naintindihan niya ang ibig sabihin nito. "Mahal nila ang isa't isa pero minamanipula nila." Nagpatunog ng dila si Cassandra. "Katulad ng sabi ni Mom, lagi niyang sinasabi na magbabago na raw siya. Mahal siya ni Mom kaya nagtitiwala sa kaniya, marami na siya

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 185: REWARDS

    Nakikita ni Knox ang kaniyang sarili bilang batang lumalaban, animo'y nagsasanay. Ramdam niya ang hirap na pinagdaanan niya sa pangyayari na iyon. Nasaksihan niya kung paano rin pinarusahan ang ina niya. Nakikita rin niya ang sarili niyang may kasamang dalagita habang siya ay binatilyo at may takip sila sa mukha. Umamin siya ng pagmamahal niya rito. At nakita niya ang sarili niyang kinakasal sa isang babae, tapos kasunod na pangyayari ay sumigaw siya nang malakas sa harap ng telebisyon dahil sa masamang ulat nito. Kasunod na nangyari, nakita niya ang sarili niyang nag-uutos sa mga tao, kung sino-sino rin ang mga nakaharap niya. Nakatira siya sa isang isla, napalibutan ng karagatan, at kinikilala siyang boss ng mga ito. Nauulinigan niya ang mga pangalan ng mga tao niya, tinatawag niyang, Darwin, Barth, Jolo, Kelvin, Dara isang babaeng kasambahay, at marami pang iba. Nakikita rin niya ang sarili niyang nasa harapan siya ng Golden ship, hinahaplos niya ito at maraming mother of pearl s

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 184: SAVED

    "Mommy! Mommy!" Nakaluhod na siyang inaangat ang ulo ng ina niya upang yakapin ito. Naghihingalo ito ngayon katulad ni August. Sobrang saklap ang pangyayaring iyon, nasa harapan nila mismo nangyari ito sa mga magulang nila. Pareho silang apat, iyak nang iyak natatakot sa pagpikit ng mga mata ng kanilang ina. Natigilan pa silang pareho nang dahan-dahang nag-angat ng kamay ang ama nila hinawakan ang pisngi ang mommy nila. Tapos sinabi pa nito, "I'm sorry..."Mas lalo siyang napaluha dahil doon at dumugtong pa ito, "F-For not giving you a marriage, f-for not being a good lover and a dad to them, for everything..." Tumangu-tango ang ina nila, pero bumubulwak ang dugo sa bibig nito. "A-Atleast, I witnessed the wedding of one of our children," ani ng ina nila. "That day...was one of my happiest days, s-seeing them being together, having fun with each other." Kahit nasasaktan natawa si August pero hindi nang-iinsulto kundi masaya. Tumangu-tango ito, "Will...they forgive me?"Napahaplos n

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 183: AGAINST THEIR FATHER

    "You are a monster, he is your grandson and only a child but you want to kill him!" sigaw ni Huimei nanggagalaiti sa galit at sama ng loob. "Now you're saying that he's my grandson! Wow! After you withheld my own children from me!" sigaw rin nito, habang nasa pindutan ng remote ang hinlalaki. Nagsimula na siyang mapaluha, hindi niya kayang mawala si Kade, sobrang masasaktan si Clary nito. "Don't do this, August. Have mercy for Clary, she's already hurt too much with everything that's happening. Not her son!"Tumaas ang sulok ng labi nito. "Clary went through a lot because of you. You are the one who started the pain she feels! If you had given her to me before she would have experienced having a real father!" sigaw nito sa kaniya. "You'll go to manipulate her! You'll put anger in her heart and mind against me! You want a child not because you want to be a father! But because you have bad intentions. And when that happens, she'll become Caitlin's, Cassandra's and Arts' enemy!" katwi

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 182: HIDE AND SEEK

    Mabilis na umakyat pabalik si Ruby sa taas. Dumaan siya sa lugar kung saan nakalagay ang mga espada at kumuha siya ng isa. Takot siya, hindi talaga iyon nawawala sa sistema niya pero kailangan niyang maging matapang. Namatay ang ina niya kasi walang laban ito na ang pagkakataon niya para makapaghigante. Pero kaya ba niya? Kasi kahit saan siya tumungo ngayon may nadadaan siyang pâtây na mga myembro nila. Mga tao ni Ghost, na sinasabing mga assasin pero parang wala namang binatbat pero may tiwala naman siya sa mga assasin na wala sa mansion ni Ghost, alam niyang may mga pakalat-kalat pa sa labas at alam niyang tinawag na ang mga ito ng boss nila. Mabilis siyang umakyat sa hagdan papuntang second floor, ngunit may narinig siyang dâîng at familiar sa kaniya ang boses. "Kuya?""Ruby," tugon nito. Nasa ilalim ito ng hagdan, kaya mabilis siyang humakbang pababa at nilapitan ito. "Kuya!" Agad nitong diniin ang hintuturo sa bibig. "Nan...Nandito sila Ian, si Tristan—""Si Tristan?!" bulala

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 181: TAKING KADE AWAY

    Sa ibaba naman banda, nakikita ni Knox ang walang pagdadalawang isip nang pagpàtày ng mga kasama niya sa mga bantay sa mansion. Baril ang hawak niya pero may belt rin siya at dala rin niya ang payong niyang hindi niya maalala kung paano niya gamitin iyon. Pero tinuruan na siya ni Caitlin at kahit hindi pa buo ang kakayahan niya sa payong na iyon may natira pa rin naman sa katawan niyang nakasanayan niyang ginagawa noon kapag lumalaban. Ibig sabihin may bilis pa siyang kusang ginagawa niya. May mga device sila sa tenga para sa koneksyon nila sa isa't isa. Nasa likuran sila banda dumaan at may mga gamit silang night vision glasses, ito ay para makakita sila sa dilim. Nakapasok na sila sa gate, umiiwas lang sila sa ilaw, may dalawang nagbabantay kaya sinenyasan siya ni Barth na dalawa, ibig sabihin iyon ang tutumbahin nila. Hinanda naman niya ang maliit na karambit na dala niya at dahan-dahan na lumapit sa isa. Mabilis niya itong hinawakan sa buhok at pinatingala. Nïlàlàs niya ang leeg

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 180: ATTACK ONSET.

    Nabibingi na naman si Ruby sa iyak ng bata. Gabi na kasi at matutulog na sana ito pero ngawa nang ngawa ang bata. "Hays, kailan ka ba matutong matulog na walang ilaw-ilaw?" reklamo niya. "Ibigay mo na lang, papagurin ka lang niyan," suway naman ni Jasper. Binigyan niya ito ng bote ng gatas pero tinabig lang nito at nagreklamo ng, "I said Lights! lights! Gimme lights! Grandpa!" Lumakas pa lalo ang iyak nito. "Hindi ka naman inaano ng sapatos, ibigay mo na lang kasi," suway pa ni Jasper. Wala siyang magawa kundi ang ilabas na naman ang sapatos at nilagay sa ibabaw ng uluhan nito. Pinailaw niya ito, kaya nanahimik ang bata. After give minutes ba naman humihinto ang ilaw, kaya after five minutes din siyang naiistorbo para pailawin ito kasi nagrereklamo ang bata. Napairap na lang siya ng sinabi nito, "My milk!" sigaw pa nito sa kaniya. Ang bote ng gatas ang tinutukoy nito kaya binigay niya sa kabila ng inis niya. Paano kasi isang sigawan lang siya ng bata at wala siyang rights magrekl

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 179: FINAL PLAN

    Wala silang sinayang na oras. Hindi na bali gumastos sila ng billion sa kanilang pinaplano wala silang pakialam basta mahanap lang ang bata. Bumaba na rin ang Moretti Queen at sang-ayon ito sa plano niya. Nagkita lamang sila sa China. Binigyan siya nito ng graff pink diamond mga 2.5 inch ang taas, 1.05 cm ang lapad, 1.06 cm ang kapal ito ay katumbas ng 61.72 carat. Nasa original appearance pa ito, hindi pa na-cut, hindi pa nakiskisan, para iyon sa mas kapani-paniwala na ang diamond na iyon ay mismong hinukay pero ang totoo, pag-aari iyon ng mga ninuno nila na never pang nalaman ng buong mundo. Binago niya ang kulay ng buhok niya, Swedish ash blonde common hair color ng Russian. Pinakulot niya ito, wavy curl lang, at umiksi ito ng kunti, na mas mababa lang sa balikat niya. Ito ang paraan niya para makakilos nang malaya na hindi masyadong halata na siya si Clary. Maging pananamit niya ay magbago din. Mas naging sopistikada siyang babae, kahit ang make up niya naging mas malayo na si

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 178: DETECTED

    Shempre may password ang laptop ni Knox, natatagalan sila sa kakaisip noon, sinubukan niya ang birthday ni Kade at hindi ito gumana. Sinubukan niya ang birthday nito, hindi rin gumana. Kahit birthday niya o date kung kailan sila kinasal."Bakit? Ano ba talaga password mo?" tanong niya kay Knox naiirita, paano kasi wala sa mga special days nila. Syempre paano sasagot ang walang naaalala? Naghila-hila lang ito ng buhok sa bunbunan na tinitiis ang pambabara niya. "Subukan mo, itong number, 05,15, 2009," ani ni Caitlin. Napatanong siya, "Bakit iyan?" "Kasi iyon ang araw na pinarusahan ang mommy niya," sagot nito. "Huh? Mommy ko?" tanong naman ni Knox. Huminga lang siya nang malalim at sinubukan na lang niya iyon. Pinaliwanag naman ni Caitlin nang maiksing paliwanag lang dito ang tungkol sa sinabi. Error naman ang password, "Ayaw eh.""Subukan mo ang..." Nag-isip naman ito. "11 19 2007.""Ano naman iyan?" tanong niya. "Kung kailan siya honed as Canopy," sagot naman nito."Grabe naal

DMCA.com Protection Status