Hindi siya makapaniwalang magagawa ito ni Tristan sa kaniya. Sa loob ng mahigit isang taon na kasama niya ito, wala itong ibang pinakita sa kaniya kundi ang mahal siya. Ilang beses siyang napahamak at niligtas rin siya nito. Noong kaarawan rin niya, sinorpresa pa siya nito ng romantikong handaan at nandoon si Ruby, tuwang-tuwa pa ito sa nakamit niya sa lovelife niya.
Ang lahat ng iyon nakikita niyang totoo. Nararamdaman niyang totoo. Tinuring niyang si Tristan ang lalaking para sa kaniya. Humantong na sila sa usapang kasal. Nag-propose pa ito sa kaniya at pumayag naman siya. Ngunit noong gabing nag-propose ito, dinukot rin silang pareho kaya nasa ganito siyang sitwasyon ngayon.
Samu't saring emotion ang kumakastigo sa sistema niya. Durog ang puso niya ngunit umaapoy rin ito sa galit. Lumapit pa talaga si Ruby sa kaniya, at pwersahang kinuha ang singsing sa daliri niya. Pwede niyang ikuyom iyon para hindi nito makuha pero hindi na niya ginawa, para saan pa ba?
"This is mine." Sinuot ito ng babae at ngumiti pang nagpapainggit sa kaniya. "Ako ang papakasalan ni Tristan, hindi ikaw."
Humagulhol lang siya ng iyak. "Isusumpa kita, Tristan! Ang galing mong manloko, hayóp ka! Nagtiwala ako sa'yo, minahal kita, pero bakit mo ginawa ito?! Ano ba ang kasalanan ko sa'yo?! Ha?!" sumbat niya.
Nagpatunog ito ng leeg, hinimas-himas pa ang baba at lumapit sa kanya. Tumayo ito sa harapan niyang naka-cross ang mga braso. Kitang-kita pa niya ang maga nito sa mukha, shempre sa harapan niya sinaktan ito. Ang hindi lang niya maintindihan, ay kung bakit tiniis nitong mabugbog para lang magpanggap.
"Kung hindi ka lang siguro naging madamot, baka hindi mo ako nakilala. Kaso madamot ka eh," rason pa nito tila baliwala lang ang pasa sa mukha. Alam niya sa ibang parte ng katawa nito may pasa rin. Sinamaan niya ito ng tingin upang iwaglit sa kaniyang isipan ang nararamdamang pag-alala sa mga pasa nito. Bakit ba siya mag-aalala? Eh, traidor nga ang lalaking ito.
"Wala akong pinagdamot!" singhal niya rito. "Akin naman talaga lahat ng pag-aari ng daddy ko dahil sino ba sila?" nanggigigil niyang katwiran. "Hindi sila anak ng tatay ko, hindi ko sila kadugo—"
"Eh ano ngayon kung hindi mo kami kadugo?!" bara ni Ruby sa kaniya, lumakas pa ang boses, halos sagad sa lalamunan. "Nasaan ang yaman mo ngayon kasi ikaw ang kadugo? Ha? Wala na, di ba? Gagapang ka simula ngayon, Clary! At papanoorin kita habang gumagapang!"
Hindi siya sumagot, pinili na lang niyang umiwas ng tingin baka ano pa ang masabi niya at mabihag siya ulit. "Si Tristan, never kang minahal niyan. Malamang akin lang siya! Kung alam mo lang kung paano siya nagreklamo sa akin araw-araw sa tuwing hinahalikan mo siya! Nandidiri siya sa'yo, Clary! Tiniis lang niya, para dito, worth it naman, di ba?"
Mas masakit pa iyon pakinggan. Minahal niya ang lalaki pero pinandidirihan lang siya. "Wag mo na ngang ipapa-alala, nasusuka ako," ani pa ng huwad niyang kasintahan.
"Tama na iyan," sabat naman ni Jasper. "Nagsasayang lang kayo ng laway diyan. Kahit anong insulto niyo, walang-wala na iyan sa paghihirap na dinanas niya ngayon. Nasa atin na ang lahat, hindi na iyan importante."
Yumuko na lang siya at umiyak. "So ano na ang gawin niyo dito?" tanong ni Tristan.
"Itapon iyan sa dagat maghihirap lang iyan kung buhay," ani ni Ruby. Napaangat siya ng mukha at napatingin rito. Biglang binalot ng takot ang buo niyang sistema.
"Akala ko ba papanoorin mo iyang gumagapang?" tanong pa ni Tristan.
"Kung hahayaan nating mabuhay iyan, baka makagawa pa iyan ng paraan para balikan tayo," paliwanag naman ni Jasper.
_
Katulad ng hinala niya kanina, nasa barko nga sila. Nakagapos pa rin ang kaniyang kamay at mga paa. Pinasan pa siya ng isang lalaki, dahilan para kumirot ang mga bugbog sa katawan niya.
Una kasing ginawa ng mga ito ay sinaktan siya para pumirma, ngunit nagmatigas siya, dahil kahit patayin man siya ng mga ito, hindi siya pipirma. Kaya umabot sa punto na ginawang pa-in ng mga ito si Tristan, doon siya napapayag sa inakala niyang may totoong pagmamahal sa pagitan nila.
Totoo nga ang kasabihan, na pagmamahal talaga ang sisira sa iyo. Kaya lang naman pinahalagahan niya ang pagmamahal dahil naniniwala siyang deserve niya iyon, pero parang pinahamak pa siya. Totoo ba talagang may truelove? Kasi lahat ng minahal niya kung hindi napapahamak, niloloko siya.
Ang ama niya, mahal siya mula pagkabata ngunit anong nangyari? Nawala ito sa kaniya dahil sa aksidente. Sumabog ang eroplanong sinakyan nito, from Philippines to China. Hanggang ngayon hindi pa nakikita ang katawan nito.
Ngayon, ang kuya Jasper niya. Sa loob ng dalawang taon na nangungulila siya sa ama, ito ang nagsilbing kuya niya, nagpakita rin ito ng pagmamahal, ngunit niloko lang siya bandang huli. Pangatlong minahal niya ay si Ruby, tinuring niya hindi lang matalik na kaibigan kundi kapatid rin. Hindi niya akalaing ganito ang isusukli ng babaeng iyon sa kaniya.
Pang-apat, higit na minahal niya si Tristan. Muntik na niyang ibigay rito lahat pati sarili niya. Mabuti na lang natuklasan niya ang baho nito bago niya isuko ang bandera. Ito na lang talaga ang natira sa kaniya. Dahil iniingatan niya ito higit pa sa yaman na meron siya. Nais niyang ibigay lamang iyon sa mapapangasawa niya, ngunit mangyayari pa ba iyon? Pinagkakaitan siyang makamit ang salitang tunay na pagmamahal, ngunit sa lahat ng pagmamahal na maari niyang nakakamit ang peke pa talaga ang nasalo niya.
Sobrang saklap.
Nakaramdam siya ng uhaw, sa kabila ng lamig na nararamdaman niya dulot nang malakas na hangin na nagmumula sa dagat. Madilim ang paligid. Salamat na lang talaga sa buwan dahil kahit paano may nakikita siya. May mga sugat siya sa mukha, at nasasaktan siya sa tuwing hinahampas ito ng mahabang buhok niya.
Pumunta ang lalaki sa hulihan na bahagi ng barko. Barko na pag-aari lang din niya. Binaba siya nito at napadàìng na lang siya sa pananakit ng buong katawan niya. Tumingin siya sa lalaki. Lumunok sandali, sinikap na maging malakas upang makausap ito nang mas maayos. "Kapag kinalagan mo ako, bago itapon sa dagat. Babalikan kita at babayaran nang mas malaki."
"Nasa laot tayo, alam mo ba iyon?" pagsasarkastiko nito pero may halong mahinahon na tono. "Paano mo nasisiguro na mabubuhay ka at mababalikan mo ako?" tanong nito.
Ngumiti siya nang mapait. Tumulo ang mga luha niya. Hindi siya sumagot dahil sa totoo lang, hindi niya rin alam kung makaka-survive siya. "Ginagawa ko ito kasi kailangan ng heart-transplant ng anak ko. Kailangan ko ng malaking pera. Kaya mangako ka, kapag kinalagan kita, please tumalon ka. Dahil once makita ka pa nila dito, hindi lang ikaw ang pâtây kundi pati ako. Paano ang anak ko?"
Mababaw lang talaga ang mindset nito pero naintindihan niya dahil isa itong ama. Kahit naging makasarili ang asta nito, sapat na sa kaniya na tinrato siya nitong nagpapakita ng awa sa kaniya kahit papaano. Tumango siya, huminga naman ito nang malalim at pasimpleng pinutol ang tali sa kamay at paa niya. Pagkatapos, tinutukan siya ng kutsilyo.
"Ngayon, talon," utos nito. "Huwag ka nang lumaban sa akin dahil baka mapatay lang kita. Talon." Kabado ito habang pinagbabantaan siya. Tinitigan lang niya ito. May kinuha pa ito sa bulsa ng jacket at iyon ay isang supot ng tinapay. "Oh, kunin mo ito." Dinikit nito iyon sa palad niya. "Please tumalon ka na. Nagmamakaawa ako sa'yo."
Tinanggap niya iyon na hindi na nagsasalita. Sapat na ang bigyan niya ito nang pasalamat na tingin. Lumunok lang siya. Natatakot kasi siya sa maaring kahihinatnan niya sa ilalim ng dagat. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kaniya roon, maliban sa idea na mapapagod lang siya sa kakalangoy at malulunod, o baka maraming pating roon at kainin siya ng buhay.
Tinititigan niya ang reflection ng buwan sa dagat. Madilim ang kinaroroonan nila, at siguradong walang may makakakita sa lalaki na ito na tinutulungan siya. Willing rin siyang magbigay ng proteksyon rito.
"Talon na, ano ba? Nangako ka, sabi mo tatalon ka. Mas maigi na iyan kaysa sa tinapon kitang nakagapos," apura pa nito sa kaniya. Tumalikod na lang siya, nakakuyom ang kamao niyang nakatingin sa ibaba. Tatalon na sana siya pero bigla siya nitong tinulak. Bumulusok ang katawan niya papunta sa kailaliman ng tubig. Binalot ng kama ang puso niya. Nanikip ang dibdib niya lalo na't nakaramdam ng hapdi ang buong katawan niya dahil sa mga sugat. Sinikap niyang Lumangoy paitaas, at maramdaman niyang may bumagsak na bagay rin sa tubig.
Nang makaahon ang mukha niya, nakalayo na ang barko pero dahil sa liwanag ng buwan nakita niya ang nakalutang na salbabida. Humagulhol siyang lumangoy patungo roon. Umiiyak na lubos na nagpapasalamat dahil binigyan siya nito ng isang bagay na makakapitan. Ang salbabidang iyon ang natitira niyang pag-asa para maka-survive at ang tinapay na binigay nito kahit bumulusok siya pailalim ng tubig sinigurado niyang hindi niya ito mabitawan. Pantustos niya iyon sa gutom kahit panandalian lang.
Nakalayo na ang barko, ngunit abot tanaw pa rin ito ni Hake si Clary na kumapit sa salbabida. Alam niyang pinapanood nito ang barko na papalayo. Naawa siya sa babae, ngunit maliban tulong na ginawa niya, wala na siyang ibang naisip pa. Mabigat ang dibdib niyang huminga nang malalim, dinampot niya ang mga tali na nagkalat sa sahig at tinapon rin ito sa dagat. Saktong pagbato niya sa mga tali na iyon, may dumaklot sa kwelyo niya, sabay tanong ng pabulong sa mukha niya. "Anong ginagawa mo?" Nanlaki ang mga mata niya, hindi niya akalaing may makakita sa kaniya. "Isusumbong mo ba ako?" Tinitigan niya ito nang masama. Sa inis nito, binitawan siya nito sa patulak na paraan. "Paano kung may nakakita sa'yo?" Kinabahan siya sa tanong na ito, pero may bahid rin na pasasalamat ang nararamdaman niya dahil naamoy niyang hindi ito magsusumbong. Kaibigan niya si Ian at ang dahilan kung bakit magkasama sila sa ganitong trabaho dahil sa anak niya. Sa madaling salita tinutulungan siya nito. "Dapat h
Kakalabas lang ng tauhan niya nang bigla niyang mapagtanto ang sinabi nito. Naningkit ang kaniyang mga mata sa salitang torture na sinambit nito. Kung hindi psychopath ang nag-torture sa babaeng iyon posibleng may pinapaamin, o may gustong makuha.Binalot ng kuryusidad ang sistema niya kaya humakbang siya para lumabas. Malaki ang stronghold ng Dreadblood Consortium na teritoryo nila. Nasa tabi ito ng dagat at nasa bente na palapag. Secured itong gusali dahil sa dami ng mga aktibidad na pinapatupad niya sa loob. Iyon ay pampalakas pwersa ng grupo niya at sinisiguradong walang intruder na makakaligtas once pinasok sila. Punong-puno ito ng teknolohiya, bawat pintuan ay may scanner, mula sa loob palabas, awtomatikong nagbubukas ang pintuan at bumabalik pasara. Mula naman sa labas papasok, may scanner ito upang kilalanin kung myembro ba ng organisasyon ang papasok o hindi. Ganoon kahigpit ang teritoryo nila, kaya kahit sinong katulad nilang malalakas ay walang may nangangahas na pasukin
Lihim na nakahinga nang maluwag si Clary nang hindi kinalabit ng gwapong lalaki ang gatilyo ng baril kanina. Tinatawag itong boss ng mga lalaking kumuha sa kaniya. Ang babagsik ng mga ito, nakakatakot, ang bibigat ng mga hakbang, halatang kargado ng mga nakatagong armas ang mga katawan. Puro pa malalaking tao, pero ang boss ng mga ito, napaka-hot ng pangangatawan, matangkad at naroon ang aura ng katakot-takot. Napakalinis nitong tingnan sa taglay ng kagwapuhan. Mas gwapo pa ito kay Tristan. Umiigting ang panga, kilay na parang ginuhit at ginawang perpekto, nanghihilang attention na mga mata, lalo na kapag titigan ito, tila may sarili itong salita at iyon ay 'hûbâd ka.' Putok na putok ang matipunong katawan nito sa suot nitong black t-shirt. Napasimple ng porma pero nakakakaba. Parang nangingibabaw pa rin ang maawtoridad na pangangatawan nito sa suot na damit. Wala man siyang tinig na maririnig ramdam pa rin niya ang utos na lumuhod sa harap nito. Ngunit hindi ganoon kahina ang f
Mabilis siyang hinawakan sa batok ng lalaking boss sa grupong ito upang makaiwas sa umuulan na bala. Isang malaking barko ang sumalubong sa kanila at napakaraming armadong tao ang kasalukuyang tinatarget ang kanilang yate.Kung hindi siya natatakot sa lalaking ito sa ligaw ng bala mas naratanta siya. "Masyadong marami ang baon nila, boss, alanganin tayo!" sigaw ng isang lalaking kasalukuyang nakadapa. "Tumawag ka ba ng back-up?" tanong pa nito, dinidiin nito ang mukha niya sa sahig. Mas lalo siyang nahihirapan pero hindi siya nagpumiglas. Kapag iangat niya ang ulo niya pabagsak lang na babalik sa sahig ang mukha niya dahil sa pwersa nito mas lalo siyang masasaktan. "Yes, boss kaso hindi ko alam kung makakarating sila agad. Kailangan mo na talaga umalis, kami na ang bahala dito," sagot ng tauhan. Ang loyal naman masyado ang taong ito, handang sumulay sa umuulan na bala mailigtas lang ang amo. "How dare they rush into my territory. Naisip ba nila na once napasok nila ang Spartly, w
Inaapoy ng lagnat. Ito ngayon ang kalagayan ni Clary nang magising siya. Wala siyang lakas, at basang-basa siya ng pawis. Isang lalaking mangingisda ang nakakita sa kaniya sa dalampasigan. Ngunit lingid sa kaalaman ng mangingisdang iyon, lihim na nagmamasid si Hake sa di kalayuan sakay sa isang speedboat.Siya ang nagdala kay Clary sa tabing dagat at binantayan ito hanggang sa may dumating na saklolo. Iyon lang naman ang magagawa niya para iligtas ang babae. Pinalabas lang niya na nakarating sa tabing dagat ang motorboat na nakita niyang kasama nito. Nakatali si Clary roon, buti na lang nakalutang lang ang babae kaya nakita niya agad at hindi ito naubusan ng hininga.Nagbakasakali kasi siyang hanapin ang babae kinabukasan noong iniwan niya ito sa dagat. Gustong-gusto niyang mabuhay ito. Gustong-gusto niyang tulungan. Lihim niyang ginagawa iyon at sana hindi siya matunugan ng mga amo niya. Sa maliit naman na bahay kung saan naroon si Clary, ramdam niyang inaalagaan siya ng isang bab
Pagkababa nila sa eroplano, nakasunod lang si Ino sa likuran niya. Dere-deretso ang lakad niya papunta sa sasakyan ni Viana. Si Viana ay matalik niyang kaibigan, ngunit lihim lamang. Nakatago ang tunay identity nito bilang anak ng kaniyang yaya Marina, ngunit sa pagkakaalam ng lahat isa itong business woman, CEO ng Azara Gems. Azara Gems na siya rin ang may-ari ngunit lihim lang din. Akala siguro nila Jasper, ubos na siya. Nautical lang ang nakuha sa kaniya, higit pa doon ang natira. Pumapangalawa sa Ranggo ang Azara Gems sa larangan ng Jewelry businesses. Nangunguna kasi ang Brilliant Chen. "Diyan tayo sasakay?" tanong ni Ino sa kaniya nang huminto siya sa sasakyan ni Viana. Hindi nito napansin ang kaibigan niya dahil may kausap ito sa phone na may kaunting distansya lang sa kanila. Hindi rin nito napansin ang dalawa pang sasakyan na nakaparada sa likuran nito, at ang may gamit ng mga iyon ay mga personal assistant ni Viana. Biglang taas kasi ang rate ng Azara kaya nagiging targe
Saktong paglabas ni Clary, hahakbang na sana siya para pumasok sa building ngunit biglang natumba ang assistant na kasama niya. Kasunod noon ang mabilis na pagpulupot ng braso sa leeg niya, sumabay ang pagbunot ng baril ng isang assistant niya.Pumutok ang kaba sa dibdib niya. Nanlamig ang buong katawan niya sa pagkabiglang nakatitig sa assistant niyang handang barilin ang lalaki sa likuran niya. "Sige iputok mo iyan," banta ng lalaking may hawak sa kaniya. Naramdaman niyang may malamig na bagay na nakadiin sa sintido niya. "Mâmâmâtay to." Tila may kasama pa ito at tinutukan ng baril ang assistant na may hawak ring baril na nakatutok sa lalaking hawak siya. "Ipasok mo sa loob ang kasama mo," ani ng kasama nito."Walang natatakot sa inyo dito," matigas na sabi ng assistant niya at nag-utos pa, "bitawan mo ang amo ko kung—""Kapag nakita ang amo mong ito dito, sa tingin niyo makakauwi itong buhay?" banta ng lalaking nasa likuran niya. "At ikaw," ani nito sa mismong tenga niya. Naramd
For the sake of Hake's daughter, kakalma muna si Clary. Ayon sa lalaking iyon, simula pala noong ipinanganak ang anak nito, may sakit na ito sa puso at ang asawa nito ay namatay rin sa panganganak. Naka-schedule na rin ang operation nito, at siya na ang sasagot ng kulang, pero ang pangalan ng sponsor ay si Viana pa rin. Laging si Viana na lang ang tinutulak niya ipaharap sa tuwing mayroon siyang transaksyon lalo na kung tungkol sa pera. Mabuti na lang walang reklamo itong kaibigan niya. Kunsabagay, nanggaling ito sa mabuting tao kaya nananalaytay rin sa mga kaugatan nito ang pagiging mabuti. Ayon sa plano, hintayin niyang makalabas sa hospital ang anak ni Hake bago siya magsisimula. Kailangan muna niyang ilagay sa ligtas na lugar ang pamilya nito. Pagkatapos nang nangyari sa kaniya, masasabi niyang tuso si Jasper. Kung utak ang labanan at dahas, lalaban siya rito. Malakas ang pwersa ni Viana, mautak rin kasi ito. Nag-ipon rin ito nang tao para maprotektahan ang pagiging mayaman nit
Sa Moretti Ancestral Hall, pinagtabi nila ang abo ng kanilang mga magulang at ang pinapatungan nito naroon ng mga gems collections ng kanilang ama. Naka-fix iyon doon, ibig sabihin hindi pwedeng kunin dahil ama nila ang nagmamay-ari niyon kasama na ang graff pink diamond na binili nito kay Liam. "Sana okay na sila no?" pagbasag ni Cassandra ng katahimikan. "Okay naman na sila ah. Nagkaaminan na nga noong naghihingalo sila pareho," sagot naman ni Caitlin. Huminga siya ng malalim. "Sa tingin ko, okay naman siya bilang ama, nabubulag lang naman siya sa Gemstones," aniya. "Loyal siya, isa lang naging babae sa buhay niya. Si Mom lang, and bilang isang ama, ang ganoong side niya ang dapat tularan, loyal sa isa," ani naman ni Art naintindihan niya ang ibig sabihin nito. "Mahal nila ang isa't isa pero minamanipula nila." Nagpatunog ng dila si Cassandra. "Katulad ng sabi ni Mom, lagi niyang sinasabi na magbabago na raw siya. Mahal siya ni Mom kaya nagtitiwala sa kaniya, marami na siya
Nakikita ni Knox ang kaniyang sarili bilang batang lumalaban, animo'y nagsasanay. Ramdam niya ang hirap na pinagdaanan niya sa pangyayari na iyon. Nasaksihan niya kung paano rin pinarusahan ang ina niya. Nakikita rin niya ang sarili niyang may kasamang dalagita habang siya ay binatilyo at may takip sila sa mukha. Umamin siya ng pagmamahal niya rito. At nakita niya ang sarili niyang kinakasal sa isang babae, tapos kasunod na pangyayari ay sumigaw siya nang malakas sa harap ng telebisyon dahil sa masamang ulat nito. Kasunod na nangyari, nakita niya ang sarili niyang nag-uutos sa mga tao, kung sino-sino rin ang mga nakaharap niya. Nakatira siya sa isang isla, napalibutan ng karagatan, at kinikilala siyang boss ng mga ito. Nauulinigan niya ang mga pangalan ng mga tao niya, tinatawag niyang, Darwin, Barth, Jolo, Kelvin, Dara isang babaeng kasambahay, at marami pang iba. Nakikita rin niya ang sarili niyang nasa harapan siya ng Golden ship, hinahaplos niya ito at maraming mother of pearl s
"Mommy! Mommy!" Nakaluhod na siyang inaangat ang ulo ng ina niya upang yakapin ito. Naghihingalo ito ngayon katulad ni August. Sobrang saklap ang pangyayaring iyon, nasa harapan nila mismo nangyari ito sa mga magulang nila. Pareho silang apat, iyak nang iyak natatakot sa pagpikit ng mga mata ng kanilang ina. Natigilan pa silang pareho nang dahan-dahang nag-angat ng kamay ang ama nila hinawakan ang pisngi ang mommy nila. Tapos sinabi pa nito, "I'm sorry..."Mas lalo siyang napaluha dahil doon at dumugtong pa ito, "F-For not giving you a marriage, f-for not being a good lover and a dad to them, for everything..." Tumangu-tango ang ina nila, pero bumubulwak ang dugo sa bibig nito. "A-Atleast, I witnessed the wedding of one of our children," ani ng ina nila. "That day...was one of my happiest days, s-seeing them being together, having fun with each other." Kahit nasasaktan natawa si August pero hindi nang-iinsulto kundi masaya. Tumangu-tango ito, "Will...they forgive me?"Napahaplos n
"You are a monster, he is your grandson and only a child but you want to kill him!" sigaw ni Huimei nanggagalaiti sa galit at sama ng loob. "Now you're saying that he's my grandson! Wow! After you withheld my own children from me!" sigaw rin nito, habang nasa pindutan ng remote ang hinlalaki. Nagsimula na siyang mapaluha, hindi niya kayang mawala si Kade, sobrang masasaktan si Clary nito. "Don't do this, August. Have mercy for Clary, she's already hurt too much with everything that's happening. Not her son!"Tumaas ang sulok ng labi nito. "Clary went through a lot because of you. You are the one who started the pain she feels! If you had given her to me before she would have experienced having a real father!" sigaw nito sa kaniya. "You'll go to manipulate her! You'll put anger in her heart and mind against me! You want a child not because you want to be a father! But because you have bad intentions. And when that happens, she'll become Caitlin's, Cassandra's and Arts' enemy!" katwi
Mabilis na umakyat pabalik si Ruby sa taas. Dumaan siya sa lugar kung saan nakalagay ang mga espada at kumuha siya ng isa. Takot siya, hindi talaga iyon nawawala sa sistema niya pero kailangan niyang maging matapang. Namatay ang ina niya kasi walang laban ito na ang pagkakataon niya para makapaghigante. Pero kaya ba niya? Kasi kahit saan siya tumungo ngayon may nadadaan siyang pâtây na mga myembro nila. Mga tao ni Ghost, na sinasabing mga assasin pero parang wala namang binatbat pero may tiwala naman siya sa mga assasin na wala sa mansion ni Ghost, alam niyang may mga pakalat-kalat pa sa labas at alam niyang tinawag na ang mga ito ng boss nila. Mabilis siyang umakyat sa hagdan papuntang second floor, ngunit may narinig siyang dâîng at familiar sa kaniya ang boses. "Kuya?""Ruby," tugon nito. Nasa ilalim ito ng hagdan, kaya mabilis siyang humakbang pababa at nilapitan ito. "Kuya!" Agad nitong diniin ang hintuturo sa bibig. "Nan...Nandito sila Ian, si Tristan—""Si Tristan?!" bulala
Sa ibaba naman banda, nakikita ni Knox ang walang pagdadalawang isip nang pagpàtày ng mga kasama niya sa mga bantay sa mansion. Baril ang hawak niya pero may belt rin siya at dala rin niya ang payong niyang hindi niya maalala kung paano niya gamitin iyon. Pero tinuruan na siya ni Caitlin at kahit hindi pa buo ang kakayahan niya sa payong na iyon may natira pa rin naman sa katawan niyang nakasanayan niyang ginagawa noon kapag lumalaban. Ibig sabihin may bilis pa siyang kusang ginagawa niya. May mga device sila sa tenga para sa koneksyon nila sa isa't isa. Nasa likuran sila banda dumaan at may mga gamit silang night vision glasses, ito ay para makakita sila sa dilim. Nakapasok na sila sa gate, umiiwas lang sila sa ilaw, may dalawang nagbabantay kaya sinenyasan siya ni Barth na dalawa, ibig sabihin iyon ang tutumbahin nila. Hinanda naman niya ang maliit na karambit na dala niya at dahan-dahan na lumapit sa isa. Mabilis niya itong hinawakan sa buhok at pinatingala. Nïlàlàs niya ang leeg
Nabibingi na naman si Ruby sa iyak ng bata. Gabi na kasi at matutulog na sana ito pero ngawa nang ngawa ang bata. "Hays, kailan ka ba matutong matulog na walang ilaw-ilaw?" reklamo niya. "Ibigay mo na lang, papagurin ka lang niyan," suway naman ni Jasper. Binigyan niya ito ng bote ng gatas pero tinabig lang nito at nagreklamo ng, "I said Lights! lights! Gimme lights! Grandpa!" Lumakas pa lalo ang iyak nito. "Hindi ka naman inaano ng sapatos, ibigay mo na lang kasi," suway pa ni Jasper. Wala siyang magawa kundi ang ilabas na naman ang sapatos at nilagay sa ibabaw ng uluhan nito. Pinailaw niya ito, kaya nanahimik ang bata. After give minutes ba naman humihinto ang ilaw, kaya after five minutes din siyang naiistorbo para pailawin ito kasi nagrereklamo ang bata. Napairap na lang siya ng sinabi nito, "My milk!" sigaw pa nito sa kaniya. Ang bote ng gatas ang tinutukoy nito kaya binigay niya sa kabila ng inis niya. Paano kasi isang sigawan lang siya ng bata at wala siyang rights magrekl
Wala silang sinayang na oras. Hindi na bali gumastos sila ng billion sa kanilang pinaplano wala silang pakialam basta mahanap lang ang bata. Bumaba na rin ang Moretti Queen at sang-ayon ito sa plano niya. Nagkita lamang sila sa China. Binigyan siya nito ng graff pink diamond mga 2.5 inch ang taas, 1.05 cm ang lapad, 1.06 cm ang kapal ito ay katumbas ng 61.72 carat. Nasa original appearance pa ito, hindi pa na-cut, hindi pa nakiskisan, para iyon sa mas kapani-paniwala na ang diamond na iyon ay mismong hinukay pero ang totoo, pag-aari iyon ng mga ninuno nila na never pang nalaman ng buong mundo. Binago niya ang kulay ng buhok niya, Swedish ash blonde common hair color ng Russian. Pinakulot niya ito, wavy curl lang, at umiksi ito ng kunti, na mas mababa lang sa balikat niya. Ito ang paraan niya para makakilos nang malaya na hindi masyadong halata na siya si Clary. Maging pananamit niya ay magbago din. Mas naging sopistikada siyang babae, kahit ang make up niya naging mas malayo na si
Shempre may password ang laptop ni Knox, natatagalan sila sa kakaisip noon, sinubukan niya ang birthday ni Kade at hindi ito gumana. Sinubukan niya ang birthday nito, hindi rin gumana. Kahit birthday niya o date kung kailan sila kinasal."Bakit? Ano ba talaga password mo?" tanong niya kay Knox naiirita, paano kasi wala sa mga special days nila. Syempre paano sasagot ang walang naaalala? Naghila-hila lang ito ng buhok sa bunbunan na tinitiis ang pambabara niya. "Subukan mo, itong number, 05,15, 2009," ani ni Caitlin. Napatanong siya, "Bakit iyan?" "Kasi iyon ang araw na pinarusahan ang mommy niya," sagot nito. "Huh? Mommy ko?" tanong naman ni Knox. Huminga lang siya nang malalim at sinubukan na lang niya iyon. Pinaliwanag naman ni Caitlin nang maiksing paliwanag lang dito ang tungkol sa sinabi. Error naman ang password, "Ayaw eh.""Subukan mo ang..." Nag-isip naman ito. "11 19 2007.""Ano naman iyan?" tanong niya. "Kung kailan siya honed as Canopy," sagot naman nito."Grabe naal