“TELL ME in detail what you would want me to do to you if I was there with you,” anang message ni Gabriel.
May hatid na kiliti iyon kay Olivia.
Iniisip pa lamang niya ang gagawin nito sa kanya ay hindi na niya maintindihan ang nararamdaman. Nakapagpapainit iyon ng kanyang buong katawan.
“I was thinking a lot about you. I want to know what’s the most sensitive part of your body?” mensahe na naman nito sa kanya.
Talagang gustong makipaglandian ni Gabriel sa kanya ha?
Nagreply siya sa message nito, “I’m wondering if you’re as hard as this bottle of beer I’m holding in my hands,” aniya
“MISS?” Gulat na napalingon si Olivia. Pamilyar ang mukha ng guwapong lalaking tumatawag sa kanya ngunit hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita. Sabagay, sa dami na ng mga taong nakasalamuha niya, imposibleng maalala niyang lahat ang mga ito. Bukod tanging si Gabriel lang naman ang lalaking tumatak ng husto sa utak niya. “The pole dancer, right?” ngumiti ang lalaki at inilahad ang kamay, “I’m Edward. . .Edward Santillan. Ilang beses kitang hinanap sa event organizer mo pero. . .” Naalala na niya. Ito ang lalaking kaibigan ni Gabriel sa stag party. Nagpanic siya, halos mabitiwan niya ang groceries na tangan niya. “I’m sorry pero kamukha ko lang siguro
“Siguro naman titigilan mo na ako. Narinig mo naman iyong sinabi ni Manong. Dyan lang sila sa likod, isang sigaw ko lang magpupulasan mga iyon para gulpihin ka. Saka ayan o, may cctiv dito. Isang tawag ko lang sa security guard pwde ka nilang damputin sa pang-haharass mo,” aniyang tinalikuran na ito at mabilis nang naglakad palayo. Pero talagang mukhang wala itong balak na tigilan siya. Binilisan niya ang paglalakad. Ayaw na niyang makipagdiskusyon dito. “Miss, hindi ako masamang tao. . . interested lang akong mas makilala kang mabuti.” Mas lalong bumilis ang paghakbang palayo ni Olivia. “Miss, hindi ka na nawala sa panaginip ko simula nang makita kita. I’m willing to do anyth
Namalayan na lamang niya ang sarili na nasa tapat siya ng eskwelahang pinapasukan niya dati. Tahimik na tahimik na ang lugar pero mamayang umaga ay mapupuno na naman ito ng mga estudyante. Bigla tuloy ay namiss niya ang kanyang school. Dito kasi, nirerespeto siya. In fact, tinitingala, hinahangaan. Malayong-malayo sa pagtratong ginagawa sa kanya ni Gabriel. Pero wala siyang magawa. . . ‘’Fuck you Gabriel!!! Fuck you!!!” aniya habang pinagpapalo ang manibela ng kanyang sasakyan. Umaga na nang bumalik siya sa bahay. Nagulat siya nang pagdating duon ay madatnan si Gabriel, ubod ng guwapo sa suot nitong long sleeves at slacks. “Where have you been?” matiim na tanong nito sa kanya.
BAGONG PALIGO si Olivia nang dumating si Gabriel. Nagulat siya nang iabot nito ang isang boquet ng kulay pulang tulips sa kanya. “I’m sorry, Olivia,” halos paanas lamang na sabi nito sa kanya. At ewan niya kung bakit ang bilis nawala ng galit niya dito. Wow, Olivia, nabigyan ka lang ng bulaklak para kang ice cream na biglang natunaw. Samantalang kaninang umaga lang ay halos isumpa mo ang lalaking ito! Pero syempre, dapat konting pakipot pa rin siya, ni hindi niya ito tiningnan. Kunwaý deadma lang siya at hindi kinikilig Humaba ang nguso niya, “Sorry mong mukha mo,” pabulong na sabi niya. Tumabi sa kanya si Gabriel. Biglang nag-init na naman ang pakiramdam niya. Pero syempre pa’y magpapakipot muna siya. &nbs
Napalunok si Olivia. Bakit ba mas lalo itong paguwapo ng paguwapo sa paningin niya. At kahit saang anggulo niya tingnan, wala siyang makitang pangit sa mukha nito. As in ipinanganak itong perfect. . .well, except sa ilang mga ugaling hindi niya gusto. Naisip tuloy niya, siguro kung ipinanganak siya sa ibang pagkatao, hindi bilang si Olivia Reid, one hundred percent na mai-inlove siya sa lalaking ito. Bahagya siyang natigilan. Ma-i-inlove? Erase, erase, erase! “So okay na tayo ha?” Humihingal na tanong muli sa kanya nito. “Itatanong mo pa ba yan pagkatapos mo kong hubaran,” natatawang sagot niya. “Gustong-gusto mo naman,” pilyong sagot nito, ang gulat niya nang buhatin siya
“My God, Olive, ano bang nangyari saiyo? Gusto na akong sakalin ni Javier, akala nya alam ko kung asan ka. . .” excited na sabi ni Pam saka bahagyang natigilan nang mapagmasdan si Gabriel, “OMG, ikaw iyong lalaki sa bar!!!! Kailan pa naging kayong?” tumitiling tanong nito at hindi malaman ni Olivia kung paano magpapaliwanag. Halatang ikinagulat rin ni Gabriel ang tagpong ito. Gusto na niyang sakalin si Pam. Bukod sa istorbo ito sa moment nila ni Gabriel ay paano niya ipapaliwanag dito ang sitwasyon nila ni Gabriel? Lalo pa at gusto nga siyang itago ni Gabriel kay Javier. Kitang-kita naman ang excitement sa mukha ni Pam habang hinihintay siyang magpaliwanag. “Oh by the way, I’m Pam,” inilahad nito ang kamay kay Gabriel.  
HINDI mapakali si Gabriel. Alam niyang hindi na naman matatahimik si Javier oras na makarating dito ang pangyayari sa Tagaytay. Hanggang kailan ba niya mapro-proteksyunan si Javier? Hindi lingid sa kanya ang paghire nito ng private detective para matukoy ang kinaroroonan ni Olivia. Mabuti na lang at kaibigan niya ang detective na kinuha nito kaya naharang niya ang paghahanap nito kay Olivia. But knowing his brother, alam niyang hindi ito titigil para matagpuan si Olivia. At isa pa rin niyang problema si Edward. Shit, napag-alaman niyang nakipagkalas na ito kay Samantha kaya halos mabaliw na sa kaiiyak ang kanyang pinsan ngayon. You’re driving us crazy, Olivia! Napatiim bagang siya. Gusto rin niyang magalit sa ka
TWO days nang hindi umuuwi sa kanilang apartment si Gabriel at hindi maintindihan ni Olivia kung bakit ang tamlay tamlay ng pakiramdam niya. Pakiramdam niya ay hindi na siya sanay na hindi nakikita si Gabriel. Ni hindi rin nito sinasagot ang tawag niya. Naiinis na siya. Ano bang tingin nito sa kanya, walang pakiramdam? Sana sabihin man lang nito kung nasaan ito para hindi siya nag-aalala ng ganito. Kung anu-ano tuloy tumatakbo sa utak niya. Shetpakbet! Parang hinahalukay ang sikmura niya iniisip pa lamang niyang nasa piling ito ng ibang babae. This is insane. Kailan pa ba siya nag-alala sa kahit na sinong lalaki? Pakialam ba niya kung nasa kandungan ito ng ibang babae? Bakit ba siya papaapekto? Dapat pag-aaral ang inaatupag niya at hindi ang lalaking iyun. Bagong-bago siya sa school na pinapasukan niya kaya kailangang