Share

Chapter 29

"SAAN NGA TAYO pupunta?" nasa gitna na kami ng kalsada at nagmamaneho si Damon.

Naiinis niya akong tinignan. "Huwag mo ngang sirain 'yong plano ko. Tanong ka nang tanong para kang bata na nagpupumiglas d'yan sa seat belt."

Humalukipkip ako. "Clue lang kasi ayaw pa magbigay."

Natawa siya. "Ang sarap pala magka-girlfriend ng bata."

"Bakit naman?"

"Nawawala stress ko. Makulit ka kasi."

"Nakakawala pala ng stress 'yong pagsasaway ng makulit? 'Di ba dapat mas ma-stress ka?"

"Alam mo namang happy pill kita."

Kinilig ako pero dapat saktong tago lang. "Malayo pa ba?"

"Oo. Gusto mo maglaro tayo?"

"Talaga? Ano 'yon? Sige!"

Saglit niya 'kong tinignan. "Bata mag-react."

"Ano nga kasi?"

"Nilaro ko 'to noong nag-guest ako sa Good Morning America."

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status