Share

Chapter 6

NAZLI LEIN ALCANTARA

Finally, nakapasok ako muli sa aking trabaho. I missed my workplace, my chair, everything haha. Yes! I feel free!

Nararamdaman ko ngayong araw nan ito ay madali lang para sa akin haha. Go with the flow ako ngayon! Ano lang namn ang gagawin ko ngayon kundi ang magsalita o mag announce labng tungkol sa mga products kung ano-ano ang mga benefits, kung may pina paging at kung naka sale etc.

Ngayon, busy akong kumakain para sa meryenda. Ganito kasi kami dito sa intercom office, may time na kumakain lang ang ginagawa namin lalo na kapag may birthday. So, habang busy ako sa pagkain ko ng tumunog ang cellphone ko. New number.

"YES HELLO" magalang kong sagot

"ITO BA SI NAZLI?" anang kabilang linya. Boses ng matandang babae.

"YES PO. SINO PO SILA NAY?" magalang ko paring tanong pero sa kaibuturan ng puso ko ay kinakabahan ako.

"NAK, MAY PAKI-USAP SANA AKO SAIYO. PWEDE KA BANG PUMUNTA DITO SA MANSION PARA BISITAHIN SI KYLE?" paki-usap niya. Sabi ko na nga ba eh, involved na naman dito si Mr. Dela Vida.

"PERO NAY, NASA TRABAHO AKO NGAYON" palusot ko which is totoo naman.

"HINDI BA PWEDENG MAG-OUT KA MUNA NAK?" paki-usap parin niya. Ramdam ko sa boses niya ang pag-aalala para sa alaga niya.

"NAY, PASENSYA NA PO PERO HINDI AKO PWEDE NGAYON EH" pagmamatigas ko

"NAK SIMULA KASI NOONG UMUWI SIYA GALING HOSPITAL HINDI NA SIYA KUMAIN HANGGANG NGAYON. ISANG ARAW NA NAK EH" kwento niya.

Nabahala din ako sa aking narinig. Bakit ako ang tinatawagan? Hindi ba dapat ang doctor niya?

"NAY HINDI PO AKO ANG TAWAGAN NIYO KUNDI ANG DOCTOR PO NIYA" suhestiyon ko dahil totoo naman.

"NAK TINAWAGAN NA NAMIN PERO SADYANG MATIGAS ANG ULO NI KYLE. NAG-AALALA NA KAMI NAK EH, PWEDE MO BA KAMING TULUNGAN?" paki-usap parin niya na ikinalungkot at ikinainis ko at the same time.

"NAY HINDI PO AKO SIGURADO PERO TRY KO PARIN IF EVER PO" sabi ko nalang. "SIGE IHA. SALAMAT. AASAHAN KITA" pahabol pa niya saka na niya pinutol ang linya.

Patay ka talaga sa akin De Lavida ka! hanggang ngayon istorbo ka parin sa buhay ko! Matigas pala ulo mo ah! Putik ka talaga!

Though nag-aalala naman ako para sa kanya pero nakakainis parin siya dahil matanda naman na siya! Aisst Bwiset!

Hinanap ko ang manager namin at try kong magpaalam baka sakaling payagan niya ako.

"SIR, PWEDE BA AKONG MAGPAALAM? URGENTLANG SIR" paalam ko

"ANONG KLASENG URGENT YAN MS. ALCANTARA?" arteng tanong ng boss ko. Yes he is a gay pero mabait.

"PINAPAPUNTA AKO NI MR. DE LAVIDA SA BAHAY NILA SIR" deretang sagot ko. Diko nga alam kung alam niya ang tinutukoy kong De Lavida, basta sinabi ko ang reason ko.

"HA!? SI MR. dE LAVIDA KAMO? BUMALIK NA BA SIYA? NAZLI ANONG NAGAWA MONG MALI?" gulat at sunod-sunod niyang tanong.

"SIR WALA PO AKONG NAGAWANG MALI! KALMA LANG!" tumawa na ako"

"OKAY! OKAY! PERO KANINO KA MAGREREPORT?" tanong niya ulit. Bakas sa mukha niya ang tila excied.

"YUNG ANAK SIR. SI KYLE?" alangan ko pang sagot. Tumili agad ang boss ko! Huwaw!

"SIR KILALA MO SILA?" curious ako dahil parang kilala niya, or maybe crush niya dahil gwapo naman si Kyle. Lahat ata ng gwapo sa balat ng lupa ay kilala niya.

"SYMPRE NAMAN NO! AYYY! BEBE LOVES KO YUN! AT SAKA HINDI MO TALAGA ALAM? SIYA LANG NAMAN ANG A---" naputol ang sasabihin niya ng may pumasok sa loob at si Sir Evander.

Yumuko lang ako at nagpaalam na. Tumango lang si sir Francis at nginitian ako ni Sir Evander.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa mansion ng De Lavida.

Yes! mas malaki pa sa inakala ko ang mansion nila. Sobrang laki para sa akin.

Malaki man ang bahay namin pero mas malaki parin ito, at halatang may buhay ang bahay di tulad sa bahay namin na ang lungkot- lungkot. Aisst! Nakakamiss ang pamilya ko. Bakit nila ako iniwan? Pero less drama na!

Nandito ako sa mansion ng De Lavida para sa tukmol na lalaking iyon! Nakakainis!

Hindi naman mahirap ang pagpasok ko sa loob dahil pagkasabi ko palang ng pangalan ko ay pinapasok na ako ng mga guwardiya.

Kapag pala nakapasok kana sa loob, mas malaki at malawak pa pala! May sumalubong sa akin na matandang babae, I think ito ang nakausap ko sa telepono kanina.

"MASAYA AKO NA NAKARATING KA NAK. ANG GANDA MO PLA" bungad niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. I missed my Nanay Linda ang tagabantay ko dati.

"HALIKA DITO NAK KAIN KA MUNA" alok niya sa akin at hawak-hawak ang kamay ko. Ayyy! ang sweet ni nanay.

"NAY BUSOG PA AKO EH. SAAN PO BA SI KYLE?" tanong ko nalang.

"NASA KWARTO NIYA. HINDI PA NIYA ALAM NA MERON KA EH" ngiting sabi niya. ewan ko ba kay nanay parang may something sa mga ngiti niya.

"NAY PWEDE KO BA SIYANG PUNTAHAN SA KWARTO NIYA?" tanong ko dahil baka ayaw niyang may ibang pumapasok sa kwarto niya tulad ng kapatid ko noon.

"OKAY LANG NAK. PUNTAHAN MO SIYA AT PAGSABIHAN MO BAKA SAKALING SAIYO MAKINIG" wika ng matanda.

Hindi na niya ako sinamahan sa pagpunta at tinuro na lamang niya ang magluluto pa daw siya para dito na daw ako kakain ng lunch. Tumango nalang ako at nagpunta na ako sa kwarto ng demanding na taong iyon! Humanda ka!

Hindi na ako kumatok at binuksan ko nalang total hindi naman naka locked. Nadatnan ko siyang nakahiga lang habang nakatingin sa kisame marahil may kausap siyang butike dahil nakatulala ito, hindi man lang tinignan kung sino ang pumasok.

Nakatayo lang ako habang nakahalukipkip at tinitignan siya at talaga lang ah! wala pa ata siyang balak na tignan ako!

"HOY! SINO KAUSAP MO DIYAN!" saka ko tinignan ang kisame kung saan siya nakatingin kanina, baka kung anong meron doon. Nagulat siya ng makita ako.

"WHY ARE YOU HERE? I- I MEAN KANINA KAPA DIYAN?" taranta niyang tanong Anong problema neto? Bumangon siya saka siya naupo sa bed.

Walang nagbago sa kanyang katawan yung dati parin hahaha. Inaasahan ko kasi pumayat siya pero ang mga mata niya'y halatang puyat at walang tulog, magulo rin ang kanyang buhok.

"OO PARANG ANG LAKI NG PROBLEMA MO AH!"

"WALA. I'M JUST COUNTING" sagot niya.

"PARA SAAN?" taas-kilay kong tanong. Minsan parang baliw to! Hindi siya nagsalita. Ewan pero natatawa ako sa kanya haha.

"BAKIT HINDI KA DAW KUMAKAIN HA?" inis kong tanong

"WHO TOLD YOU?" ngusong tanong niya. Sh*t! He's so cute on that kind of aura!

"EH SINO PA? MALAMANG ITONG MGA KABAHAY MO! ALALANG-ALALA SILA SAIYO TAPOS IKAW HINDI MO SILA PINAPAKINGGAN" sermon ko. Hindi siya nagsalita at parang bata na nakayuko lang kapag pinapagalitan. Iba din pala ang attitude nito.

"SO ANO NGAYON HINDI KA KAKAIN?" maawtoridad kong tanong

"KAKAIN" mahina niyang sagot. Parang bata talaga siya pero damn! he's so damn cute!

"TUMAYO KANA DIYAN AT KUMAIN KANA" utos ko. Dahan-daahan siyang tumayo. Hindi ko na siya inalalayan dahil alam ko naman na kaya niya.

"KAYA MO PA BA?" alala ko ring tanong. Matopak din ako eh hahaha.

"OO" mahina niyang sagot pero ako itong lumapit sa kanya at inalalayan ko siya.

Hindi man siya nagreklamo. Tumuloy kami sa kusina para pakainin ang feeling baby nato. Umupo siya at nakangiti naman si nanay habang naghahamda ng makakain niya.

"IKAW NAZLI KAIN KANA RIN" alok ni nanay.

"HINDI NA NAY, OKEY LANG AKO. HALOS KAKAIN KO LANG KANINA" rason ko.

"SABAYAN MO AKO" singit naman ng demonyitong lalake. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"KAKAIN KANA.BABANTAYAN KITA" seryoso lang akong nakatingin sa kanya. Kita ko naman na pangiti-ngiti si nanay pero hindi ko nalang pinansin.

"NAY PWEDE PO BANG IWAN MO MUNA KAMI?" si kyle. Tumango lang ang matanda at umalis na. dalawa na lang kami sa kusina.

"HANGGANG KAILAN KA DITO?" tanong niya sa akin at nakatingin.

"HANGGANG SA MATAPOS KANG KUMAIN" sagot ko naman. Ngumiwi siya ngunit hindi nagsalita. Sabi nila ayaw niyang kumain pero ngayon ang lakas naman niyang lumamon. Anong trip neto?

"NAGTRATRABAHO KAPA RIN BA SA PINAPASUKAN MO?" pag-iba niya ng tanong

"OO. KAPAPASOK KO NGA LANG KANINA EH TAPOS UMALIS DIN AKO" inis kong sabi. Nag-angat siya ng tingin sa akin at pinakatitigan niya ako.

"SINO ANG BOSS MO?" seryoso niyang tanong. Anong klaseng tanong yun? Pati boss ko gusto niyang paki-alamanan!

"FRANCIS DEL MONTE BAKIT?" takang tanong ko. Kinuha niya ang cellphone niya na nakapatong sa lamesa at kung may anong ginawa doon, maya-maya lang ay may kausap na siya. Seryoso siya ngayon.

"YES GAWIN MO KUNG ANO ANG PINAPAGAWA KON SAIYO" sabi niya sa kausap. hindi nalang ako umimik at pinagmamasdan ko lang siya. Bagay niya talaga ang tagapag utos ever!

"AYAW MO TALAGANG MAGTRABAHO SA AKIN? WHAT IF PAGBALIK MO SA TRABAHO MO WALA KA NG BABALIKAN?" tila nanghahamon niyang tanong.

"WHAT DO YOU MEAN?" nanggagalaiti kong tanong. Nararamdaman ko na nagsisimula nang uminit ang ulo ko.

"NOTHING. IT'S UP TO YOU NAZLI" walang kaemo-emosyon niyang sagot saka nagpatuloy sa pagkain.

"HOY MR. DE LAVIDA HUWAG AKO PLEASE!" paki-usap ko pero umiinit a talaga ang ulo ko. Ayaw ko lang kasing magalit ng tuluyan.

"THEN WORK WITH ME. THATS ALL!" sabi niya.

"WHAT DO YOU REALLY WANT MR. DE LAVIDA?" galit na ang ekpresyon ng mukha ko and I know it.

"YOU. I WANT YOU TO WORK WITH ME" sagot niya at nagpunas na ng bibig. "WHAT IF AYOKO PARIN?" hamon ko

"IT'S UP TO YOU THEN LETS SEE KUNG MAY BABALIKAN KAPA." confident niyang sagot. Naiinis na talaga ako.

"YUN BA ANG GUSTO MO?" timpi ko. Kanina ko pa gustong bumuga. Tumango lang siya ngunit hindi nakatingin sa akin.

Ganito na ba ang mayayaman ngayon? Kung ano ang gusto, gusto? Sila lang ang nasusunod?

"KAILAN AKO MAGSISIMULA?" seryosong sabi ko na ikinatingin niya sa akin na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"IKAW KUNG KAILAN ANG GUSTO MO, PWEDE NGAYON NA, BUKAS, OR IN ANOTHER DAY BASTA HINDI AABOT NG ONE WEEK ANG PAGSISIMULA MO" panigurado pa niya. Talaga namang!

"SIGE. MAGSIMULA AKO BUKAS. SA NGAYON PWEDE NA BA AKONG UMALIS?" sarcastic kong tanong, wala na akong paki-alam!

"BEFORE YOU LEAVE, SIGN A CONTRACT FIRST. " kapagkwan sabi niya. Pinakuha niya agad ang kontrata sa isang katulong at iniabot sa akin. Iginaya pa niya ang kanyang kamay saying na pwede na akong magpirma.

Sa inis ko, dinampot ko ng pabigla ang ballpen at contract paper at nagpirma na ako. Ni hindi ko na binasa o tinignan man lang ang nilalaman basta pirma nalang ako. Kailangan paba yun?

Pagkatapos kong pumirma ay tinignan ko siya muli at nakangiti lang siya habang nakatingin din sa akin. Nakakairita! Talagang masaya pa ah! Ang lakas niyang mang asar!

"OKAY NA?" inis ko. Hinawakan niya ang kanyang baba at kagat-labing ngumiti. Fu*k! May pakagat labi pa siya.

"OKAY. YOU MAY GO" nakangiti parin siya. Padabog akong umalis sa harapan niya dahil konti nalang masasapak ko na siya. Alam ko na tuwang-tuwa siya ngayon! Urggghh!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status