Share

Chapter 5

NAZLI LEIN ALCANTARA

ONE WEEK AGO.

Naging mabilis ang recovery ni Kyle, one week ko na din siyang binabantayan sa hospital. Nakakatayo at medyo nakakalakad na kaunti pero kailangan parin niya ng alalay dahil hindi pa siya magaling ng lubusan.

One week narin akong hindi pumasok sa trabaho ko. Minsan natutulog ako sa hospital, minsan naman umuuwi ako sa bahay.

Sa buong linggo naging okay naman ang naging takbo ng buhay ko sa kanya, yun nga lang minsan matopak siya at minsan napaka demanding! Iniaaplay niya sa akin ang pagiging anak mayaman niya. Ngayong araw na ito lalabas na kami sa hospital finally!

"OKAY PWEDE KA NG LUMABAS, NAAYOS KO NA ANG LAHAT" sabi ko sa kanya. Nakaupo siya sa kama at may katawag. Nakapagpalit narin siya.

"HON VIDEO CALL TAYO MAMAYA PAG-UWI KO" ngiting sabi niya. Sana all nginingitian! Nakakainggit naman ang babae!

"OKAY HON, I CALL YOU LATER. I LOVE YOU" dagdag pa niya na ikinalungkot ng puso ko! ohh! sana all! Pagkatapos ng tawag niya ay tumingin siya sa akin.

"ANONG SABI MO KANINA?" ngayon seryoso na ulit ang kanyang mukha

"WALA! PWEDE KA NG UMUWI NGAYON DIN!" inis kong sagot. Hahaha maattitude din ako girl! Ewan ko ba parang nasasaktan ako na hindi ko naman alam kung bakit?

"ONLY ME?" sabay turo pa sa sarili niya.

"MALAMANG MR DE LAVIDA, ALANGAN NAMAN NA PATI SA BAHAY NIYO SASAMAHAN PA KITA?" sabi ko habang busy ako sa pagliligpit sa mga gamit niya na kailangan niyang iuwi

"YES OF COURSE! NAZLI DON'T WORRY BABAYARAN KITA DOBLE SA SINASAHOD MO SA MALL NA PINAPASUKAN MO" confident niyang sagot na ikinainis ko lalo. Nilingon ko siya na naka kunot-noo.

"MR. DE LAVIDA HINDI LAHAT NAKUKUHA SA PERA! MAS GUSTUHIN KO PA NA BUMALIK SA MALL AT DOON MAGTRABAHO KESA SA MAGTRABAHO SAIYO! inis kong sagot. Bwiset ako sa the way na magsabi sila tungkol sa pera.

Though kailangan ko naman talaga ang pera pero kapag pala isupalpal saiyo na pera ang habol at kailangan mo ay iba parin pala ang feeling!

"SIGN A CONTRACT NALANG PARA SIGURADO NAZLI" malumanay niyang sabi

"SORRY MR. DE LAVIDA PERO AYOKO!" matigas ko paring sabi.

"NAZLI AS I SAID I WILL DOUBLE YOUR SALARY. MAGTRABAHO KA LANG SA AKIN"pilit parin niya

"MR. DE LAVIDA TULAD DIN NG SABI KO HINDI SA LAHAT NG ORAS AY PERA ANG GUMAGANA!" hasik ko narin sa kanya. Nakakabwisit na eh!

"DON'T SAY THAT BECAUSE I KNOW THAT YOU NEED MORE MONEY. OKAY HINDI NA DOBLE , GAWIN KO NG TRIPLE" tila insultong sabi pa niya.

"YES I NEED A LOT OF MONEY MR. DE LAVIDA! THAT'S TRUE! PERO HINDI MANGGAGALING SAIYO! I DON'T NEED YOUR MONEY!" matigas pero palahaw konti ang boses ko.

"TSK! YOU DON'T NEED MY MONEY? ARE YOU SURE?" tila nang iinis pa niyang tanong. Bwiset kang lalake ka! I HATE YOU MR. STEVEN KYLE DE LAVIDA!

"YES!" proud kong sagot. Nanliit ang mata niya na nakatingin sa akin.

"PLEASE! AS YOU CAN SEE HINDI KO PA MASYADONG KAYA ANG SARILI KO, KAILANGAN KO NG KASAMA. KAHIT ONE MONTH OR TWO MONTHS IT'S OKAY WITH ME" mahinahon na niyang sabi. Ngayon nakikiusap na siya sa akin.

"BAKIT HINDI KA NALANG HAHANAP NG IBA O DIKAYA'Y PAUUWIIN MO NALANG GIRLFRIEND MO PARA MAY MAGBANTAY SAIYO" busy parin ako sa pagliligpit at inilalagay ko sa bag.

"HINDI PWEDE. IKAW NA ANG NAKASAMA KO SINCE DAY ONE NA NAHOSPITAL AKO AT IKAW AY PINAGKAKATIWALAAN NI DADDY"

"WALA BA KAYONG KATULONG SA BAHAY NINYO PARA KUNIN PA AKO?" taas kilay kong tanong.

"WE HAVE. NAZLI HINDI KA MAGIGING BASTA MAID KO TULAD NG INIISIP MO. MAGIGING PERSONAL ASSISTANT KITA HABANG NAGPAPAGALING AKO" ngiting sabi niya.

Tinignan ko siya ng deretso at ganun din siya sa akin. Nagkatitigan kami na tila ba nag uusap ang aming mga mata.

Ako ang unang umiwas sa titigan namin dahil hindi ko kaya ang mga titig niya na para bang inilalabas niya pati ang aking kaluluwa.

"OKAY, I WILL GIVE YOU FIVE MINUTES TO THINK" kapagkwan sabi niya pero buo ang desisyon ko. Ayoko kong magtrabaho sa kanya.

"AYOKO PARIN" sagot ko na ikina noot ng noo niya. Hindi na ako nag isip pa dahil buo na ang desisyon ko na ayaw kong magtrabaho sa kanya.

"OKAY" kibit-balikat niyang sabi at saka pinilit na tumayo at nagtagumpay naman siya. What!? Bakit ganun ang reaction niya? Galit ba siya? E di magalit siya basta ayoko period!

Hindi na ako nagsalita pa at pinagbuksan ko nalang siya ng pinto na dala-dala ang mga gamit niya. May magsusundo naman sa kanya kaya ang gawin ko nalang ay ipasakay siya at uuwi narin ako. Finally!

STEVEN KYLE DE LAVIDA

Shit! Naiinis ako! First time kong mahindian! Ganito pala sa feeling! Ang tigas niya at ang lakas ng loob niya na ayawan niya ang offer ko. Nazli ang tapang mo! Ibang klase ka! Napahilot ako sa aking noo. Ang sakit ng ulo ko.

"ANONG PROBLEMA SIR?" tanong ni kuya Marlon, my personal driver.

"NOTHING. MAY NAISIP LANG AKO. MANONG DO YOU BELIEVE NA HINDI PERA ANG UMIIKOT SA MUNDO?" inosente kong tanong. Ngumiti muna si manong bago sumagot.

"OO NAMAN LALO NA KAPAG INDEPENDENT ANG TAO AT MAY PRIDE" deretsong sagot niya. Tumingin ako kay manong at nakangiti parin.

"MINSAN, MAHIRAP BILHIN ANG PRIDE KYLE" dagdag pa niya na lalong ikinaisip ko. Independent? Pride? yes halatang meron sa kanya yun at dagdagan narin natin ng tapang. Pero naiinis parin ako! Ang sabihin mo Kyle naapakan lang ang ego mo at sa babae pa!

"KYLE, BAKIT GANYAN NALANG ANG INIS MO SA KANYA?" tanong ni manong na hindi tumitingin sa akin.

"KASI MANONG, ANG TAPANG-TAPANG NIYA! NAG OFFER AKO SA KANYA NG MAS MAGANDANG TRABAHO PERO INAYAWAN NIYA LANG!" naiinis kong kwento sa kanya.

"DIYAN MO MAKIKITA KYLE NA HINDI PARE-PAREHO ANG TAO. SA TINGIN KO NAMAN MABAIT AT TUNAY SIYA" komento ni kuya at talaga pang kinakampihan siya?

"PERO SA KATULAD NIYA KUYA, DAPAT TINATANGGAP NIYA ANG OFFER KO" inis ko paring sabi.

"IBIG SABHIN NUN KAYA NIYA ANG KANYANG SARILI" pagtatanggol parin niya. Naisip ko ang mukha niya hindi maipagkaila na she is beautiful, maamo ang kanyang mukha na minsan nagiging poker face pero naibabagay parin sa kanya.

Maganda rin ang hubog ng kanyang katawan, sa madaling salita maganda siya. Hindi ko malaman ang gusto ko, may time na naiinis ako sa kanya, meron naman yung time na gusto ko siyang kausap at gusto kong pinagsisilbihan niya ako. Honestly maalaga siyang tao na parang si mommy lang.

"ANO GAGAWIN MO PARA MAPUNTA SIYA SAIYO?" tanong sa akin ni manong. Tumingin ako sa kanya.

"WHAT DO YOU MEAN KUYA?" taka kong tanong. Ngumisi lang siya. There is something on his mind that I can't read.

"KYLE, ALAM KO NA GUSTO MO SIYA" deretsang sabi niya.

"WHAT? HA!HA! KUYA NAKALIMUTAN MO NA ATA NA FIANCE KO SI SANDRA?" baling kong tanong sa kanya.

"IKAW KUNG ANONG NARARAMDAMAN MO?" ngiting tanong niya

"NO KUYA! I DON'T EVER CHEAT TO SANDRA. I LOVE HER" sagot ko.

"PWEDE PA NAMAN KASI MAGBAGO YUN KYLE" makahulugan niyang sabi. Napaisip ako. What? Hindi naman basta-basta magbabago ang pagmamahal ko kay Sandra. I swear!

"SABI NG IBA SA BUONG 15 MINUTES MASASABI NA NG LALAKI KUNG GUSTO NIYA ANG ISANG BABAE, DI TULAD SA BABAE NA INAABOT SA BUWAN" sabi pa niya na ikina noot ng noo ko. Really? Hindi ko alam yun ah.

"WALA AKONG IBANG NARARAMDAMAN PARA SA KANYA KUYA MALIBAN SA INIS. NAIINIS AKO SA KANYA" sagot ko na ikinangiti ni kuya.

Hindi na siya umimik at ganun din ako. Basta ang alam ko naiinis ako sa kanya. Halata naman na kailangan niya ng pera at hindi niya alam na ako parin ang nagpapasahod sa kanya!

Nakarating ako ng bahay na mainit ang ulo ko, ayaw kong kinakausap ako at ginagalaw ako. Naiinis ako, wala akong ganang kumain!

'' KYLE IHO, KAIN KANA. BUONG ARAW KA NG HINDI KUMAKAIN SIMULA NG UMUWI KA GALING HOSPITAL'' alala ni nanay Flor.

'' WALA AKONG GANA NAY'' mahina kong sagot

''PAANO KA MAKAKABALIK SA KUMPANYA KUNG PATI SA PAGKAIN MO WALA KANG GANA?''

''PINASUYO KO MUNA KAY EVANDER NAY. ALAM KONG GINAGAWA NIYA ANG LAHAT NG SINASABI KO'' sagot ko sa matanda.

''TAWAGAN NALANG NATIN SI SANDRA IHO'' sabi ni nanay na ikinailing ko.

''NO. NAY PWEDE BA NINYONG TAWAGAN SI NAZLI?'' pasuyo ko sa kanya.

Nasa mukha nito ang pagtataka pero hindi narin nagsalita at umalis na. Iniwan lang ang pagkain na dala niya. Hindi naman sa ayaw kong gawin ang lahat, sadyang wala pa akong gana pumasok.

At mas lalong ayaw kong ipaalam kay Sandra ang sitwasyon ko dahil ayaw kong uuwi siya at iwan ang trabaho dahil sa akin.

Kaya ko pa naman. Naiinis din ako sa aking sarili bakit ako ganito? Parang may kulang sa akin na hindi ko alam kung ano.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status