Tahimik lang akong nagbabasa ng kuwento ni CLGF nang biglang may kumatok sa pinto ng hotel room. Mabilis kong binaba ang cellphone at pinagbuksan ang kumatok. Isang hotel crew. Ngumiti siya pagkakita sa akin. "Good morning, Maam! Room service!""Oh." Ngumiti ako pabalik at nagbaba ng tingin sa dala-dala niyang tray ng pagkain. "Salamat. Ilagay mo na lang diyan sa kama."Humakbang siya papasok at nilagay ang tray sa ibabaw ng maliit ng mesa na dala-dala niya rin kanina. Pagkatapos ay nagpaalam siya sa akin. Sinara ko ang pinto at nag-unat-unat. Ilang oras din akong nagbabasa sa phone at nangangawit na ang kamay ko. Lumapit ako sa entrada ng balkonahe at hinawi ang kurtina. Napapikit ako nang tumama ang sinag ng araw sa mata ko. Ngayon ko lang napansing tuluyan nang umakyat ang araw sa silangan. Hinayaan kong nakahawi ang kurtina sa balkonahe para pumasok sa loob ang sinag ng araw. Saka ako dumulog sa pagkain at prenteng nag-agahan. Ilang minuto pagkatapos kong kumain ay dumating ang
"5,990 pesos, Maam."Nagbaba ako ng tingin sa dress na tinutupi niya. "Masyadong mahal. Wala bang tawad? One thousand nalang sana, Miss?""Naku, Maam, bawal po ang tawad sa mall," sabi niya saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa.Kumibot ang sulok ng mga labi ko. Nakaka-offend ang ginagawa niya pero wala naman akong rason para i-confront siya. Bawal naman talagang tumawad sa mall dahil naka-set na ang prices ng bilihin. Bumuntong-hinga ako. Ang totoo ay afford ko naman ang dress pero inalala kong hindi ko naman pera ang ipambibili ko sa dress. Galing 'yon kay Tiden na nagpahiram sa akin ng 20k. Binawi kasi ni Mama ang credit card ko dahil mataas masyado 'yong spending ko. Uminit ang dalawa kong pisngi nang mapansing pinagtitinginan ako ng ibang customer. Kaya walang choice kundi ibigay ang card sa saleslady. "Here," sabi ko. Ngiti niyang tinanggap ang card. Lihim naman akong umirap at kunot-noong tinanggap ang paper bag at card na inabot niya. "Until your next visit, Maam!" sabi
Kumakabog ang puso ko. Hindi ko mapigilan. Hindi ko rin alam kung anong pwedeng gawin para mawala ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi. Hindi ko alam - o mas tamang sabihing wala akong balak pakawalan ang nararamdaman ko kay Levi.Siya 'yong una. Sa dinami-rami ng lalaking dumating sa buhay ko, siya lang 'yong tumatak. Hindi ko mapaliwanag kung bakit. Kung sana pwede ko siyang hilain sa tabi ko... kung pwede lang sana.Umatras ako at bahagya siyang tinulak. Nilayo niya ang mukha sa akin. "Rish?" Nagtatanong ang mga mata niya.Nag-iwas ako ng tingin at napabuga ng hangin. "A-Anong ginagawa mo, L-Levi?""Kissing you."Mabilis akong napatitig ulit sa mga mata niya. Hindi naman ako tanga. Alam kong hinahalikan niya ako. Umikhim ako. "I mean... Nicole. How about her?"Nangunot ang noo niya. "What about her?""She's... uhm..." Ano bang relasyon ng dalawa? Napahawak ako sa pisngi. "Your fling?" Ngumiwi ako. Naman. Ginawa k
Morning, they say, is a new hope and a new beginning. But not for me.Kanina pa ako gising. Tulala sa pader na nasa tapat ng kama habang nakasandal sa headboard. Siguro, no'ng hinatid ako ni Levi rito sa kuwarto kagabi, hindi na ako natulog. Umikot nang umikot ang paningin ko pero tanging pikit lang ang nagagawa ko, at babalik na naman sa tulalang pagtitig sa pader.Ayoko na.Sobrang bigat ng talukap ko pero hindi ko magawang matulog. Takot akong malimutan si Levi, takot akong isiping panaginip lang 'yong nangyari kagabi. Dahan-dahan kong tinaas ang daliri sa labi ko. Ramdam ko pa 'yong init ng halik niya habang nakatayo kami sa entrada ng pinto. Mainit. Basa."Levi," usal ko. Pinadausdos ko ang kamay mula sa balikat niya pababa sa dibdib at nanatili roon ang palad ko.Ilang beses na niyang hinagod ang likod ko, at may pagkakataon pang sinuksok niya sa gilid ang kamay - naghahanap ng entrada sa suot ko. Nilayo niya ang mukha at naghabol ng hininga. "Rishel...""Uhm..." Paulit-ulit ako
Parang nanaginip ako. Nakasama ko raw si Levi isang gabi sa ilalim ng mga kumikislap na stars sa langit. Tapos, hinalikan niya ako. 'Yon lang, hindi ko alam kung anong lasa ng halik niya. Parang ang distant kasi... hindi ko maramdaman kung totoo 'yon o hindi. Pero baka nga, panaginip lang talaga 'yon.Nagmulat ako. Humaplos ang hangin sa mukha ko. Napatingin ako sa labas ng bintana. Nasa kotse ako, at tirik ang araw. Sinasabi ko na, panaginip lang talaga ang pangyayaring 'yon.Nilingon ko ang driver's seat at ilang minuto akong natigilan. Nangunot ang noo ko. "Sino ka?""You're awake.""Sino ka. Saka..." Tumingin ulit ako sa labas ng bintana. "Saan mo 'ko dadalhin?""Seat back, Lat. We're driving home.""Home?" Mas lalong kumunot ang noo ko. "Anong home? Saka sino ka ba talaga?"Huminto ang kotse nang maging pula ang traffic light sa malayo. Bumaling sa akin ang lalaki. "Stop playing tricks, Larica. What happened to you? Earlier, you seem stressed and haven't sleep.""Huh?" Bumaling a
Hindi pa rin tumatawag si Tiden simula noong concert. Nagtataka na nga ako pero hindi ko na tinawagan dahil baka busy ang isang 'yon. Kunot-noo kong tinitigan ang phone pero nanatili 'yong tahimik.May kumatok na lang bigla kaya pinagbuksan ko. Nakita kong nakatayo ro'n si Husea. Ngumiti siya pagkakita sa akin. "May nagpapabigay, Miss."Inabot niya ang isang paper bag na agad ko namang tinanggap. Sinara ko ulit ang pinto at sinilip ang laman ng paper bag. Tumaas ang kilay ko nang may makita akong CD. Ano naman 'to?Humakbang ako tungo sa kama at binuksan ang paper bag, saka lumapit ako sa DVD player at sinalang 'yon at kinonekta ko sa Bluetooth speaker ang player.Napapitlag ako nang marinig ang latest music ng Vine. Ngumiti ako nang malapad pero napakunot naman ang noo nang may maalala. Mabilis kong inabot ang paper bag na pinaglagyan ng CD pero walang note kung saan galing. Ang sigurado ko lang ay iyon ang latest album ng Vine! Natawa ako at napailing. Si Tiden talaga! Aba, may reg
There is something in performing in front of the crowd that's addicting. Siguro ganito ang nararamdaman ng Vine. Iniisip ko rin na baka namamawis din ang palad nila sa kaba. Baka bumibilis din ang kabog ng dibdib nila habang umaakyat sa stage at pumupunta sa kani-kanilang puwesto."I will introduce you as guest performer," bulong ni Levi. Nakatayo siya sa gilid ko habang inaayos ang mic. Sinenyasan niya 'yong operator na pwede nang buksan ang koneksyon ng mic sa speaker."Kinakabahan ako," bulong ko. Pero dahil siguro hindi magkamayaw sa paghiyaw ang Vinepress, at abala ang isip niya, kaya hindi niya ako narinig.Naramdaman ko ang paglapit ng isang tao at pagtayo niya sa likod ko. "Pagkatapos nito, umalis ka na. Umuwi ka na sa EGL," boses ni Tiden.Napalunok ako. Naramdaman ko ang paghakbang niya palayo at pabalik sa puwesto niya. Kanina pa niya ako kinukulit na umalis. Hindi ko alam kung bakit. Masama rin ang tingin niya sa akin at hindi ako tinigilan hangga't umuo ako sa kaniya, nan
"Rishel..."Napakurap ako. Agad kong nilingon ang taong 'yon at nasapo ko ang bibig. "Levi?" Napatayo ako at napaatras. "Anong ginagawa mo rito?"Ngumiti siya at umikot sa bench saka tumayo siya sa harap ko. "Ihahatid kita."Nawalan ako ng salita. Si Levi? Ihahatid ako ni Levi? Nag-iwas ako ng tingin. "Wag ka ngang magbiro," bulong ko. Umihip ang hangin sa pagitan naming dalawa."I'm not playing jokes, Rish."Tumingin ulit ako sa kaniya. Kahit malamlam ang liwanag na tumatanglaw sa mukha niya ay nakita kong seryoso siya. "Bakit mo ako ihahatid?"Nanlaki ang mga mata ko nang inabot niya ang baywang ko at hinigit ako palapit sa kaniya. "Ilang araw kong kinontrol pero hindi ko kaya.""Anong hindi mo k-kaya?" pigil-hiningang tanong ko sa kaniya. Bigla niyang pinasadahan ng daliri ang ibabang labi ko kaya bahagyang nanlaki ang mga mata ko. "Levi..." Napalunok ako.Napasinghap ako nang bumaba ang mukha niya at nilapat ang sariling labi sa labi ko. Mas lalo akong nanigas sa gulat."Rishel,"