"Rishel..."Napakurap ako. Agad kong nilingon ang taong 'yon at nasapo ko ang bibig. "Levi?" Napatayo ako at napaatras. "Anong ginagawa mo rito?"Ngumiti siya at umikot sa bench saka tumayo siya sa harap ko. "Ihahatid kita."Nawalan ako ng salita. Si Levi? Ihahatid ako ni Levi? Nag-iwas ako ng tingin. "Wag ka ngang magbiro," bulong ko. Umihip ang hangin sa pagitan naming dalawa."I'm not playing jokes, Rish."Tumingin ulit ako sa kaniya. Kahit malamlam ang liwanag na tumatanglaw sa mukha niya ay nakita kong seryoso siya. "Bakit mo ako ihahatid?"Nanlaki ang mga mata ko nang inabot niya ang baywang ko at hinigit ako palapit sa kaniya. "Ilang araw kong kinontrol pero hindi ko kaya.""Anong hindi mo k-kaya?" pigil-hiningang tanong ko sa kaniya. Bigla niyang pinasadahan ng daliri ang ibabang labi ko kaya bahagyang nanlaki ang mga mata ko. "Levi..." Napalunok ako.Napasinghap ako nang bumaba ang mukha niya at nilapat ang sariling labi sa labi ko. Mas lalo akong nanigas sa gulat."Rishel,"
Iba ang tingin ni Papa sa akin. May halong pagmamalaki at kapansin-pansin ang kasiyahan sa mukha niya. Nagbaba ako ng tingin sa hiya. Hindi ko alam na magva-viral ang ginawa kong pagkanta kahapon kasama ang Vine."Tinawagan ako ng kasosyo ko sa negosyo, aniya'y magaling kang kumanta," puri niya.Napanguso ako. "Kanina ka pa, Pa. Nahihiya na ako sa sinasabi niyo."Natawa siya. "Bakit? Nakita ko ang video at mukhang namana mo ang talento ng ina mo.""Talaga, Pa?" Ngumisi ako. "Magaling kumanta si Mama?""Magsitigil nga kayong dalawa! Nasa harap tayo ng pagkain," saway ni Mama.Sabay kaming natawa ni Papa. Tinago naman ng mga katulong ang mga ngiti nila. Naningkit ang mga mata ni Mama pero hindi na umimik. Napailing na lang ako. Narinig ko kasi minsan ang pagkanta ni Mama, at talagang medyo... kulang ng isandaang hakbang mula sa boses ni Lea Salongga. Si Papa lang 'yong medyo sumakto sa tono."Pero hindi ka nagpaalam kahapon, Rishell."Nawala ang ngiti ko. "Nalimutan ko, Pa. Sorry.""Sin
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi pagkatapos ng halikan namin sa eskinita na 'yon. Bumalikwas ako ng bangon nang tumunog ang cellphone ko. Inabot ko 'yon at binuksan ang inbox. Galing kay Levi ang message. Inabisohan niya akong maghanda kasi susunduin niya raw ako. Nakagat ko ang ibabang labi sa excitement. Tama. Ipapakilala ko siya kay Mama at Papa. Mabilis akong bumangon at naligo."Ma!" tawag ko .Nag-angat siya ng tingin. Nangunot pa ang noo nang pinasadahan ng tingin ang suot ko. "Saan ka?"Lumapad ang ngiti ko. "Magdi-date kami ng boyfriend ko.""Boyfriend?" Ngiti akong tumango. Naningkit ang mga mata ni Mama. "Husea! Tawagan mo ang Sir mo at sabihing bumalik siya rito! Hindi pa nakakalayo ng Boljoon 'yon! Bilisan mo!"Napakamot ako sa pisngi. Hindi ko alam kung tama bang ipakilala ko si Levi sa kanila ngayon? Wala pang sampung minuto, nakabalik na si Papa. Nakabihis na rin ng damit si Mama at handa na ang pagkain sa mesa. Kunot-noong hinagkan ni Papa ang pisngi ni Mama a
Pagkatapos ng mainit na halik sa waterfall ay mas lalong lumalim ang relasyon namin ni Levi. Nagiging komportable na ako sa presensiya niya kaya hindi na ako nauutal na gaya ng dati. Kaya ko na ring tumitig sa mga mata niya na hindi nahihiya dahil nawala na ang insecurity ko. "Okay lang ba talaga na sasama ako sa 'yo?" tanong ko sa kaniya at nilibot ang tingin sa labas ng bintana ng kotse. Papunta kami ngayon sa recording studio na pagmamay-ari ng entertainment group na ANEW. Ngayon ko lang din nalaman na isa sa mga co-holder ng company si Levi. Ito 'yong sinabi niya kay Papa na may business siya sa entertainment industry.Pinagsiklop niya ang mga kamay namin. "I already told you, Rishel. Don't mind the rumors," assurance niya sa akin. Nitong mga nakaraang araw kasi ay may kumakalat na chismis sa fan groups sa social media na may kahaliparot si Levi na isang non-showbiz girl. Nakunan daw ng isang fan si Levi na kasama ang isang babae sa Abalaya
Hindi ko na kinuwento pa kay Levi ang tungkol sa kakaibang karanasan ko sa janitor. Ayaw ko rin siyang mabahala at mag-alala. Minabuti ko na lang iwasan ang naturang recording studio kapag ako naman ang magri-record ng kanta. Kaya noong Linggo ay nag-record ako ng kanta sa studio roon sa Mandaue. Sinamahan ako ni Levi kaya muntik na kaming pagkaguluhan ng mga fans na nakakita sa kaniya. Mabuti na lang at mabilis ang pag-aksyon ng mga security guards ng naturang studio. Napaisip tuloy ako kung tama ba ang pagsama niya sa akin?"Don't worry. People will love your voice," sabi ni Levi nang mapansing tuliro ako.Kinagat ko nang mariin ang labi. Kanina lang ini-release ng management ang debut song ko as solo artist under ANEW Entertainment Group. Sobrang pressure sa part ko dahil sa viral video ko kasama ang Vine. Alam na ng fans na isa akong solo artist kaya inabangan nila ang paglabas ng kanta ko dahil gusto nilang ihambing ang boses ko sa boses ni Nicole. N
This won't work!Tumungga ako ng alak bago nagreklamo kay Levi. "Look, kung nakakamatay ang tingin, kanina pa ako nakabulagta sa sahig," sumbong ko sa kaniya at ininguso si Nicole na nakatayo ilang metro mula sa amin.Kasama ni Nicole sina Tiden at June pero parang walang balak na lumapit ang tatlo sa table namin ni Levi. Alam kong kanina pa tingin nang tingin sa akin si Tiden maging si June, pero mukhang hindi nila gustong magpunta kung nasaan kami ni Levi. Naintindihan ko naman dahil nasa VIP section kami. One of the perks of being a co-owner of the company. Sumulyap si Levi kay Nicole. "Let her," aniya bago sumimsim ulit ng alak. Nagsalubong ang dalawa kong kilay sa sinabi niya. Matalas akong tumingin sa gawi ni Nicole at mukhang alam niya ang nangyari kaya ngumiti siya nang matamis sa akin. Nag-igting ang bagang ko sa ginawa niya at inirapan ko siya. Pero bigla akong natigilan nang magtama ang tingin namin ni Tiden. Hindi ko sinabi sa kaniya na naging nobyo ko na si Levi at han
"You are Rishel?" Naningkit ang mga mata ng CEO. Lumunok ako at tumango sabay ngumiti ng tipid sa lalaking nakaupo sa likod ng malaking mesa. "I am, Sir." "I see." Pinagsiklop niya ang mga kamay at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang talampakan. Hindi ako komportable sa klase ng tingin niyang parang pinag-aaralan kung bebenta ba ako o hindi. Lihim akong lumunok at kumuyom ang kamao na nakatago sa likod. Inutusan ako ng management na makipagkita sa CEO ng Topzan Entertainment, isa sa mga kasosyo ng kompanya. Ang sabi ng management ay gusto raw akong makausap ng CEO ng kompanya bago mag-invest ng panibagong funds sa Anew Entertainment. Kinabahan ako nang una kong marinig iyon sa management at nakiusap kay Levi na samahan ako, pero hinarang ako ni Maingey at pinagsabihan ako sa harap ng maraming tao. May upcoming concert ang Vine kaya magiging busy si Levi at sa ginagawa ko ay hinihila ko raw pababa ang career ni Levi. Nang makitang pinagsabihan ako ni Maingey sa harap ng s
Iginiya ako ni Levi paalis sa opisina at hinatid ako sa dressing room. Huminto ako sa tapat ng pinto at tumingin sa kaniya. "W-Wala akong pamalit," bulong ko. Napatingin siya sa akin at napabuntong-hinga. "What are you doing in this place, Rishel?" tanong niya saka dinukot ang phone sa bulsa. May tinawagan siya saglit bago muling tinuon ang atensyon sa akin. "Sa susunod, 'wag kang magpunta nang mag-isa."Kinagat ko ang ibabang labi. "Hindi ko naman kasalanan ---""Whether your fault or not, you're responsible for your actions!"Napatalon ako sa sigaw niya at nahihintakutang napatitig sa kaniya. Ito ang unang beses na sinigawan niya ako at hindi ko maintindihan ang naramdaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit siya galit sa akin gayong ako itong muntik nang pagtangkaan ng masama. Nang mapansin na nakatitig ako sa kaniya ay huminga siya nang malalim. "Hindi ko gustong maulit pa 'to. Don't seduce that damn Rei. Naintindihan mo, Rishel?" "Sinisisi mo ba ako sa nangyari, Levi?" Nangun
A/N: Extra chapter. Ito ang huling kabanata ng For The Stars Have Sinned. Maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa istoryang ito lalo na kay Janelyn. First ever review from a reader in two years lol. See you sa sunod kong mga istorya ng Revival Series at standalone novels. Mag-a-update na ako sa "Hidden Mafia King and the Fearless CEO." I hope makita ko kayo doon na magbigay ng review at gems. May libreng shout out mula sa akin ang magbigay ng review hehe. See you there! ~~~January 7, 20217:00 P.M. Concert venue, ArgaoMaabutan na niya si Levi. Kaunti pa... kaunti pa... ayan!"Levi!" sigaw ni Rishel. Humigpit ang hawak niya sa necklace.Lumingon si Levi sa kaniya kaya napangiti siya. Muntik na siyang matumba nang tinulak siya ng ibang nagwawalang fans. Umismid siya at muling tumingin kay Levi pero wala na ito sa puwesto kanina. Sumimangot siya at tinawag ang bouncer. "Kuya! Pakibigay kay Levi!" Saka niya inabot ang necklace at letter.Kunot-noong tinanggap ng bouncer ang binigay
I didn't give him a chance to swear on me. Mabilis kong pinatay ang tawag. Pero tulad ng inasahan ko, hindi matatahimik ang mundo ko dahil sunod-sunod na tawag ang natanggap ko mula sa parents ko, kay Lyndon, Tiden, saka mga unknown numbers na hindi ko alam kung sino ang may-ari. Bumuntong-hinga ako at pinatay ang phone. Ayoko munang mag-entertain ng mga tanong nila. I was not being irresponsible pero pagod na akong mag-explain nang paulit-ulit. I know that they won't stop until marinig ang gusto nilang marinig mula sa akin. Gusto ko lang ngayon ay ibigay ang buo kong atensyon kay Klo na masayang nililibot ang tingin sa ocean park. Naisip kong ipasyal siya sa sikat na tourist spot dito sa lungsod kasama ang yaya niya na nakasunod lang sa aming mag-ina. Hindi ako nag-alala na baka may makakilala sa akin dahil nagsuot ako ng mask at naka-bullcap. Isa pa, nasa underwater ang park kaya nagkalat ang dim neon light sa paligid kaya hindi masyadong kita ang features ng mukha ng mga bisita.
Naningkit ang mga mata ko at mabilis na tinawagan si Lyndon. "Have you seen the news?" tanong ko. "Yes. Inutusan ko na ang tauhan ko na burahin iyon. Don't worry."Hah. He can take it down but people will still gossip in social media. What's the difference? Bumuntong-hinga ako at akmang ibababa ang tawag nang magtanong siya. "Where's my son?"Doon ko lang naalala ang pinag-usapan namin sa restaurant. Nandilim ang paningin ko at mabilis na pinatay ang tawag. Rishel, bakit mo nalimutan? Akala ko ay huhupa rin ang issue pagkatapos ng ilang araw pero isang linggo na ang lumipas pero nasa headlines pa rin ang mukha ko. Pati ang mga issue noon na naging dahilan ng pagtakas ko sa bansa ay muling umugong sa media. Hindi rin nila pinaglagpas ang mga gig na ginawa ko kasama ang Vine at ang pagiging idol ko noon. Naghinala na ako noong una na may kamay na nagpapagalaw sa media pero mas lalong lumalim ang hinala ko nang biglang lumitaw ang impormasyon tungkol sa akin at kay Rei. Walang nakaka
There was silence, and Lyndon cleared his throat. "When did you find out?"Kumuyom ang mga kamao ko at hilaw na ngumiti sa kaniya. "My son got his looks from you. Am I that stupid na hindi maghihinala? Isa pa, you're too good to be true. Still wanting to marry a ruined woman?" I chuckled. "But even if I noticed it too late, I still want to ask why did you deceive me? Bakit pinaniwala mo akong hindi mo alam kung sino? You made me look stupid, Lyndon!"Ilang segundo siyang tumitig sa akin bago siya umiwas ng tingin. "Do you have evidence that he is my child?"Nandilim ang paningin ko sa tanong niya at mabilis na nilabas ang DNA result na nasa loob ng handbag ko. Tinapon ko 'yon sakto sa mukha niya. "Umuwi ako sa bansa para lang makita ko nang personal ang resulta ng DNA test. Still wanna deny the truth?" Matapos niyang basahin ang nakasulat ay binaba niya ang resulta at tumingin na naman sa akin. Mas lalo lang nagngitngit ang kalooban ko nang wala man lang siyang imik. "Ano? Wala ka b
"Rishel, may problema ba? Ilang araw ka nang tulala. Palaging tumatawag si Lyndon at lagi mo raw siyang pinapatayan ng tawag." Nagsalubong ang mga kilay ni Mama. "Sabihin mo sa akin kung anong problema."Tumingin ako saglit kay Mama bago binalik ang tingin sa laptop na nasa center table at nagtipa. "Busy lang ako, Ma. Tatawagan ko siya next time," sabi ko. Bumuntong-hinga si Mama. "Palagi mo nalang 'yang sinasabi. Kung may problema kayo ni Lyndon, pag-usapan niyo. Sa susunod na linggo na ang kasal at bukas na gaganapin ang engagement party niyong dalawa. Paano mo pakikitunguhan ang magiging asawa mo kung hindi kayo nagkakasundo?"Huminto ako sa pagtipa at tumingala kay Mama. "Wala naman kaming problema, Ma. Don't worry, sisiputin ko siya bukas.""Dapat lang, Rishel. Ilang taon na kayong engaged at dapat nang ipaalam sa publiko ang relasyon niyong dalawa, kung hindi ay kikwestiyunin ng board members ang engagement mo kay Lyndon." Pero hindi pa ako handang matali sa lalaking 'yon. Al
Pagkatapos ng limang taon. Tirik ang araw at maaliwalas sa umagang iyon nang humakbang ako pababa ng eroplano mula sa ibang bansa. Pero nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang isang pamilyar na mukha. "Kervy? Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko. Limang taon nang lumipad ako tungo sa ibang bansa. Ngayon na tahimik na ang medya ay napagdesisyunan kong umuwi nang tahimik. Hindi ko lang akalaing sasalubong sa akin ang huling taong inaasahan kong makita. Hindi siya sumagot at bumaba ang tingin niya sa batang nakatayo sa giliran ko. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Klo at pinaningkitan ng mga mata si Kervy. "Mommy? Who is he?" tanong ni Klo. Bumaba ang tingin ko kay Klo at ngumiti nang marahan. "An old friend." Binaling ko ulit ang atensyon kay Kervy. "Kung wala ka nang kailangan ay mauna na kami."Akmang lalampasan ko siya pero hinuli niya ang palapulsuhan ko. Napatingala ako kay Kervy. Ilang taon na ang lumipas nang huli ko siyang nakita pero walang nagbago sa itsura niy
Madilim ang itsura niya pero alam kong hindi sa akin nakadirekta ang galit niya kaya nakampante ako. "Thank goodness at nandito ka na!" masaya kong sambit at umupo.Mabilis niya akong dinaluhan. "Let's go," sabi niya saka binuhat ako sa mga bisig. Napahiyaw pa ako sa gulat at napatingin sa mukha niyang napakalapit. Bumilis ang tibok ng puso ko at uminit ang magkabilang pisngi. Iniwas ko ang tingin nang tumingin siya sa akin. "Sa'n mo 'ko dadalhin?" tanong ko .Napansin kong ginagayak niya ang daan tungo sa fire exit. Maya-maya pa ay nakalabas kami ng gusali at marahang humampas sa mukha ko ang preskong panggabing hangin. Nawala ang tensyon sa magkabilang balikat ko at inihilig ang ulo sa balikat ni Lyndon. "Thank you," marahan kong bulong. "Anong ginawa niya sa 'yo?" tanong niya. "Nahimatay lang ako ng dalawang araw.""Dalawang araw?" Mas lalong nandilim ang awra ni Lyndon. "Rishel, dalawang linggo kang nawawala! Hindi kita mahanap." Nagtagis ang bagang niya. "At malalaman ko lan
"Let go!" Nagpumiglas ako sa hawak niya pero masyado siyang malakas. Nanlilisik kong tiningnan ang mukha na hinangaan ko noon pero kinasusuklaman ko na ngayon. "Pinagsisihan kong inidolo kita, Levi! I hate you! I hate you to death!"Natigil siya saglit at naningkit ang mga mata habang matiim na tumitig sa mukha ko. Mas lalo lang nawalan ng kulay ang mukha ko sa klase ng tingin niya at pilit kong iniiwas ang tingin. Pero hindi niya ako hinayaan at hinawakan ang baba ko para itaas ang mukha. Nakita ko na naman ang kakaibang ngiti sa mga labi niya. "Even if you hate me, it doesn't change the fact that you are mine, Rishel," bulong niya sa akin. Nanlamig lang ang kalamnan ko sa narinig. Siguro ay dahil sa klase ng tingin niyang parang isang gutom na halimaw na nakatingin sa pagkain nito. Ngayon lang niya pinakita sa akin ang klase ng tingin na iyon kaya nanginig ang kalamnan ko sa nerbiyos.Huminga ako nang malalim at lakas-loob na sinalubong ang titig niya. "Binaril mo si Papa. Hindi p
My heart skipped a beat at what he said. Tulala ko siyang tiningnan habang sinasabi niya ang nalalaman niya sa insidenteng kinasasangkutan ni Papa."Nalaman ng mga awtoridad na may bumaril sa ama mo habang may binibili ito sa isang grocery store. Hindi kita sa CCTV ang mukha ng bumaril pero may nakalap na mga witness na nakasaksi sa mismong araw na binaril ang ama mo. Si Levitus ang tinuturo nilang suspect."Naging isang linya ang mga labi ko at napatitig sa kaniya. Totoo ba ang sinasabi niya? He's not deceiving me, right?Nang mapansin niyang hindi ako naniniwala ay nagsalubong ang mga kilay niya. "If you ask those witnesses, you'll know the truth."Kumuyom ang kamao ko. "Did you bribe them?""Are you doubting my intentions?" tanong niya at tinaas ang kilay. "Yes," sagot ko sa kaniya. Kumibot ang sulok ng mga labi niya at tumawa. Tumitig ako sa kaniya hanggang sa mawala ang ngiti sa mga labi niya. Naningkit ang mga mata ni Lyndon at inilabas ang isang litrato. Nang tingnan ko iyon