Share

Kabanata 45

Author: aranew
last update Huling Na-update: 2023-06-02 08:35:40

Pagkatapos ng mainit na halik sa waterfall ay mas lalong lumalim ang relasyon namin ni Levi. Nagiging komportable na ako sa presensiya niya kaya hindi na ako nauutal na gaya ng dati. Kaya ko na ring tumitig sa mga mata niya na hindi nahihiya dahil nawala na ang insecurity ko.

"Okay lang ba talaga na sasama ako sa 'yo?" tanong ko sa kaniya at nilibot ang tingin sa labas ng bintana ng kotse.

Papunta kami ngayon sa recording studio na pagmamay-ari ng entertainment group na ANEW. Ngayon ko lang din nalaman na isa sa mga co-holder ng company si Levi. Ito 'yong sinabi niya kay Papa na may business siya sa entertainment industry.

Pinagsiklop niya ang mga kamay namin. "I already told you, Rishel. Don't mind the rumors," assurance niya sa akin.

Nitong mga nakaraang araw kasi ay may kumakalat na chismis sa fan groups sa social media na may kahaliparot si Levi na isang non-showbiz girl. Nakunan daw ng isang fan si Levi na kasama ang isang babae sa Abalaya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 46

    Hindi ko na kinuwento pa kay Levi ang tungkol sa kakaibang karanasan ko sa janitor. Ayaw ko rin siyang mabahala at mag-alala. Minabuti ko na lang iwasan ang naturang recording studio kapag ako naman ang magri-record ng kanta. Kaya noong Linggo ay nag-record ako ng kanta sa studio roon sa Mandaue. Sinamahan ako ni Levi kaya muntik na kaming pagkaguluhan ng mga fans na nakakita sa kaniya. Mabuti na lang at mabilis ang pag-aksyon ng mga security guards ng naturang studio. Napaisip tuloy ako kung tama ba ang pagsama niya sa akin?"Don't worry. People will love your voice," sabi ni Levi nang mapansing tuliro ako.Kinagat ko nang mariin ang labi. Kanina lang ini-release ng management ang debut song ko as solo artist under ANEW Entertainment Group. Sobrang pressure sa part ko dahil sa viral video ko kasama ang Vine. Alam na ng fans na isa akong solo artist kaya inabangan nila ang paglabas ng kanta ko dahil gusto nilang ihambing ang boses ko sa boses ni Nicole. N

    Huling Na-update : 2023-06-02
  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 47

    This won't work!Tumungga ako ng alak bago nagreklamo kay Levi. "Look, kung nakakamatay ang tingin, kanina pa ako nakabulagta sa sahig," sumbong ko sa kaniya at ininguso si Nicole na nakatayo ilang metro mula sa amin.Kasama ni Nicole sina Tiden at June pero parang walang balak na lumapit ang tatlo sa table namin ni Levi. Alam kong kanina pa tingin nang tingin sa akin si Tiden maging si June, pero mukhang hindi nila gustong magpunta kung nasaan kami ni Levi. Naintindihan ko naman dahil nasa VIP section kami. One of the perks of being a co-owner of the company. Sumulyap si Levi kay Nicole. "Let her," aniya bago sumimsim ulit ng alak. Nagsalubong ang dalawa kong kilay sa sinabi niya. Matalas akong tumingin sa gawi ni Nicole at mukhang alam niya ang nangyari kaya ngumiti siya nang matamis sa akin. Nag-igting ang bagang ko sa ginawa niya at inirapan ko siya. Pero bigla akong natigilan nang magtama ang tingin namin ni Tiden. Hindi ko sinabi sa kaniya na naging nobyo ko na si Levi at han

    Huling Na-update : 2023-06-03
  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 48

    "You are Rishel?" Naningkit ang mga mata ng CEO. Lumunok ako at tumango sabay ngumiti ng tipid sa lalaking nakaupo sa likod ng malaking mesa. "I am, Sir." "I see." Pinagsiklop niya ang mga kamay at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang talampakan. Hindi ako komportable sa klase ng tingin niyang parang pinag-aaralan kung bebenta ba ako o hindi. Lihim akong lumunok at kumuyom ang kamao na nakatago sa likod. Inutusan ako ng management na makipagkita sa CEO ng Topzan Entertainment, isa sa mga kasosyo ng kompanya. Ang sabi ng management ay gusto raw akong makausap ng CEO ng kompanya bago mag-invest ng panibagong funds sa Anew Entertainment. Kinabahan ako nang una kong marinig iyon sa management at nakiusap kay Levi na samahan ako, pero hinarang ako ni Maingey at pinagsabihan ako sa harap ng maraming tao. May upcoming concert ang Vine kaya magiging busy si Levi at sa ginagawa ko ay hinihila ko raw pababa ang career ni Levi. Nang makitang pinagsabihan ako ni Maingey sa harap ng s

    Huling Na-update : 2023-06-03
  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 49

    Iginiya ako ni Levi paalis sa opisina at hinatid ako sa dressing room. Huminto ako sa tapat ng pinto at tumingin sa kaniya. "W-Wala akong pamalit," bulong ko. Napatingin siya sa akin at napabuntong-hinga. "What are you doing in this place, Rishel?" tanong niya saka dinukot ang phone sa bulsa. May tinawagan siya saglit bago muling tinuon ang atensyon sa akin. "Sa susunod, 'wag kang magpunta nang mag-isa."Kinagat ko ang ibabang labi. "Hindi ko naman kasalanan ---""Whether your fault or not, you're responsible for your actions!"Napatalon ako sa sigaw niya at nahihintakutang napatitig sa kaniya. Ito ang unang beses na sinigawan niya ako at hindi ko maintindihan ang naramdaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit siya galit sa akin gayong ako itong muntik nang pagtangkaan ng masama. Nang mapansin na nakatitig ako sa kaniya ay huminga siya nang malalim. "Hindi ko gustong maulit pa 'to. Don't seduce that damn Rei. Naintindihan mo, Rishel?" "Sinisisi mo ba ako sa nangyari, Levi?" Nangun

    Huling Na-update : 2023-06-06
  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 50

    Pin drop silence hit us. Tumaas ang kilay ni Nicole at mas lumalim ang titig sa akin ni Levi. Huminga ako nang malalim at kumuyom ang kamao. "What now? Tatahimik ka na lang?" Tinuro ko si Nicole. "Hindi mo ba sinabi sa kaniya na may nangyari sa ating dalawa?"I was hoping that Nicole would feel bad, pero bigla siyang ngumiti at tumawa sa akin. Kunot-noo ko siyang tinitigan. "Did you hit your head? Why are you laughing?" inis kong tanong sa kaniya. Umiling si Nicole. "Are you talking about the other night?" Kumibot ang sulok ng mga labi ko. "May nangyari sa amin ni Levi sa gabing 'yon, Nicole.""So?"Mas lalong nagngitngit ang kaloob-looban ko sa ngiting nakapaskil sa mga labi niya. Ano bang gusto niyang iparating sa akin? Na wala siyang pakialam kung may nangyari sa amin ni Levi? Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan ako ni Nicole. "Are you sure about that night? Did Levi do it with you?" nanunuya niyang tanong sa akin. "What do you mean?" "Poor girl," sabi ni Nicole saka bum

    Huling Na-update : 2023-06-06
  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 51

    Tinawagan ko ang numero niya pero nang may sumagot sa kabilang linya ay hindi ako makaimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya matapos kong mapagtanto na isang eskandalo kapag aaminin kong may lalaking nagmolestiya sa akin sa gabing 'yon. Nakagat ko ang ibabang labi. "Rishel," tawag niya matapos ang ilang minuto kong pananahimik. "Napatawag ka?"Saan ba ako magsisimula? Napatayo ako nang tuwid nang maalala ang nangyari kanina. Nagsalubong ang dalawa kong kilay habang kinuwento kay Lyndon ang tungkol kay Rei sa pagtangkang pagsira niya sa dangal ko, kahit pa alam kong may iba nang nakauna sa akin. Matapos niyon ay namayani ang katahimikan sa aming dalawa bago siya umikhim. "Alam ba ito ng mga magulang mo?" tanong niya. Naging isang linya ang mga labi ko at napatingin sa labas ng bintana kung saan nagsisimula nang umambon. "Hindi ko pinaalam sa kanina. I don't want them to worry so this matter must end sooner." Huminga ako nang malalim. "Mr. Davies, I know I've hurt your co

    Huling Na-update : 2023-06-07
  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 52

    Kunot-noo akong humakbang papasok sa bar na sinasabi ng bartender kanina. Hindi ko akalaing magpupunta sa ganitong mga lugar si Tiden. Noon pa man ay hindi ito mahilig na uminom ng alak kaya nakapagtataka na nagpupunta na siya ngayon dito. Kung may problema siya, dapat ay sinabi na niya sa akin. Mabilis akong nakalapit sa counter kung saan kita ko sa malayo ang nakatungong bulto niya. Mas lalo lang nagsalubong ang kilay ko. I never seen him wasted like this. Sa tingin ko nga sa kanilang dalawa ni June, mas mababa ang tiyansa niyang maging wasted. "Tiden," tawag ko nang makalapit ako sa kaniya. Pero hindi man lang siya kumibo sa pagkakaupo niya. Tumingin ako sa bartender at nag-abot ng sobre para manahimik siya at mukhang agad naman niyang naintindihan ang ibig kong ipahiwatig. Ngumiti ako sa kaniya bago humingi ng tulong para buhatin si Tiden tungo sa kotse na naghihintay sa amin.Nando'n si Gerard na naghihintay habang nakasandig sa hood ng kotse. Napatayo siya nang makita niya ak

    Huling Na-update : 2023-06-07
  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 53

    Nineteen years ago.May balitang kumalat na isang inabandonang batang lalaki ang kumitil sa buhay ng isang manlilimos sa liblib na eskinita ng mataong night market. Naging sensational news iyon dahil mismong ang Mayor ng siyudad ang nag-asikaso sa kaso na iyon. Pero makaraan ang ilang araw ay humupa ang balita at hindi na muling nasambit pa sa mga news chanel. Ngayon ko lang naalala ang mukha ng batang lalaki. Kahit nag-iba ang tindig at mukha niya, pero hindi pa rin nito kayang itago ang maliit na nunal sa gilid ng mga labi nito at klase ng tinging pinupukol sa akin, na para bang nagugutom na halimaw. Oo, malinaw kong naalala ang mukha ng batang lalaki dahil saksi ako kung paano niya pinaslang ang manlilimos na umagaw sa pandesal na binigay ko sa kaniya. Nandoon ako sa crime scene ng gabing 'yon, nineteen years ago. Pero nakalimutan ko ang lahat ng pangyayaring iyon dahil sa trauma. Ngayon lang bumalik sa akin ang lahat ng alaalang binura ng isipan ko. Nanlabo ang paningin ko at

    Huling Na-update : 2023-06-08

Pinakabagong kabanata

  • For The Stars Have Sinned   Epilogue

    A/N: Extra chapter. Ito ang huling kabanata ng For The Stars Have Sinned. Maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa istoryang ito lalo na kay Janelyn. First ever review from a reader in two years lol. See you sa sunod kong mga istorya ng Revival Series at standalone novels. Mag-a-update na ako sa "Hidden Mafia King and the Fearless CEO." I hope makita ko kayo doon na magbigay ng review at gems. May libreng shout out mula sa akin ang magbigay ng review hehe. See you there! ~~~January 7, 20217:00 P.M. Concert venue, ArgaoMaabutan na niya si Levi. Kaunti pa... kaunti pa... ayan!"Levi!" sigaw ni Rishel. Humigpit ang hawak niya sa necklace.Lumingon si Levi sa kaniya kaya napangiti siya. Muntik na siyang matumba nang tinulak siya ng ibang nagwawalang fans. Umismid siya at muling tumingin kay Levi pero wala na ito sa puwesto kanina. Sumimangot siya at tinawag ang bouncer. "Kuya! Pakibigay kay Levi!" Saka niya inabot ang necklace at letter.Kunot-noong tinanggap ng bouncer ang binigay

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 62

    I didn't give him a chance to swear on me. Mabilis kong pinatay ang tawag. Pero tulad ng inasahan ko, hindi matatahimik ang mundo ko dahil sunod-sunod na tawag ang natanggap ko mula sa parents ko, kay Lyndon, Tiden, saka mga unknown numbers na hindi ko alam kung sino ang may-ari. Bumuntong-hinga ako at pinatay ang phone. Ayoko munang mag-entertain ng mga tanong nila. I was not being irresponsible pero pagod na akong mag-explain nang paulit-ulit. I know that they won't stop until marinig ang gusto nilang marinig mula sa akin. Gusto ko lang ngayon ay ibigay ang buo kong atensyon kay Klo na masayang nililibot ang tingin sa ocean park. Naisip kong ipasyal siya sa sikat na tourist spot dito sa lungsod kasama ang yaya niya na nakasunod lang sa aming mag-ina. Hindi ako nag-alala na baka may makakilala sa akin dahil nagsuot ako ng mask at naka-bullcap. Isa pa, nasa underwater ang park kaya nagkalat ang dim neon light sa paligid kaya hindi masyadong kita ang features ng mukha ng mga bisita.

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 61

    Naningkit ang mga mata ko at mabilis na tinawagan si Lyndon. "Have you seen the news?" tanong ko. "Yes. Inutusan ko na ang tauhan ko na burahin iyon. Don't worry."Hah. He can take it down but people will still gossip in social media. What's the difference? Bumuntong-hinga ako at akmang ibababa ang tawag nang magtanong siya. "Where's my son?"Doon ko lang naalala ang pinag-usapan namin sa restaurant. Nandilim ang paningin ko at mabilis na pinatay ang tawag. Rishel, bakit mo nalimutan? Akala ko ay huhupa rin ang issue pagkatapos ng ilang araw pero isang linggo na ang lumipas pero nasa headlines pa rin ang mukha ko. Pati ang mga issue noon na naging dahilan ng pagtakas ko sa bansa ay muling umugong sa media. Hindi rin nila pinaglagpas ang mga gig na ginawa ko kasama ang Vine at ang pagiging idol ko noon. Naghinala na ako noong una na may kamay na nagpapagalaw sa media pero mas lalong lumalim ang hinala ko nang biglang lumitaw ang impormasyon tungkol sa akin at kay Rei. Walang nakaka

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 60

    There was silence, and Lyndon cleared his throat. "When did you find out?"Kumuyom ang mga kamao ko at hilaw na ngumiti sa kaniya. "My son got his looks from you. Am I that stupid na hindi maghihinala? Isa pa, you're too good to be true. Still wanting to marry a ruined woman?" I chuckled. "But even if I noticed it too late, I still want to ask why did you deceive me? Bakit pinaniwala mo akong hindi mo alam kung sino? You made me look stupid, Lyndon!"Ilang segundo siyang tumitig sa akin bago siya umiwas ng tingin. "Do you have evidence that he is my child?"Nandilim ang paningin ko sa tanong niya at mabilis na nilabas ang DNA result na nasa loob ng handbag ko. Tinapon ko 'yon sakto sa mukha niya. "Umuwi ako sa bansa para lang makita ko nang personal ang resulta ng DNA test. Still wanna deny the truth?" Matapos niyang basahin ang nakasulat ay binaba niya ang resulta at tumingin na naman sa akin. Mas lalo lang nagngitngit ang kalooban ko nang wala man lang siyang imik. "Ano? Wala ka b

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 59

    "Rishel, may problema ba? Ilang araw ka nang tulala. Palaging tumatawag si Lyndon at lagi mo raw siyang pinapatayan ng tawag." Nagsalubong ang mga kilay ni Mama. "Sabihin mo sa akin kung anong problema."Tumingin ako saglit kay Mama bago binalik ang tingin sa laptop na nasa center table at nagtipa. "Busy lang ako, Ma. Tatawagan ko siya next time," sabi ko. Bumuntong-hinga si Mama. "Palagi mo nalang 'yang sinasabi. Kung may problema kayo ni Lyndon, pag-usapan niyo. Sa susunod na linggo na ang kasal at bukas na gaganapin ang engagement party niyong dalawa. Paano mo pakikitunguhan ang magiging asawa mo kung hindi kayo nagkakasundo?"Huminto ako sa pagtipa at tumingala kay Mama. "Wala naman kaming problema, Ma. Don't worry, sisiputin ko siya bukas.""Dapat lang, Rishel. Ilang taon na kayong engaged at dapat nang ipaalam sa publiko ang relasyon niyong dalawa, kung hindi ay kikwestiyunin ng board members ang engagement mo kay Lyndon." Pero hindi pa ako handang matali sa lalaking 'yon. Al

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 58

    Pagkatapos ng limang taon. Tirik ang araw at maaliwalas sa umagang iyon nang humakbang ako pababa ng eroplano mula sa ibang bansa. Pero nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang isang pamilyar na mukha. "Kervy? Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko. Limang taon nang lumipad ako tungo sa ibang bansa. Ngayon na tahimik na ang medya ay napagdesisyunan kong umuwi nang tahimik. Hindi ko lang akalaing sasalubong sa akin ang huling taong inaasahan kong makita. Hindi siya sumagot at bumaba ang tingin niya sa batang nakatayo sa giliran ko. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Klo at pinaningkitan ng mga mata si Kervy. "Mommy? Who is he?" tanong ni Klo. Bumaba ang tingin ko kay Klo at ngumiti nang marahan. "An old friend." Binaling ko ulit ang atensyon kay Kervy. "Kung wala ka nang kailangan ay mauna na kami."Akmang lalampasan ko siya pero hinuli niya ang palapulsuhan ko. Napatingala ako kay Kervy. Ilang taon na ang lumipas nang huli ko siyang nakita pero walang nagbago sa itsura niy

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 57

    Madilim ang itsura niya pero alam kong hindi sa akin nakadirekta ang galit niya kaya nakampante ako. "Thank goodness at nandito ka na!" masaya kong sambit at umupo.Mabilis niya akong dinaluhan. "Let's go," sabi niya saka binuhat ako sa mga bisig. Napahiyaw pa ako sa gulat at napatingin sa mukha niyang napakalapit. Bumilis ang tibok ng puso ko at uminit ang magkabilang pisngi. Iniwas ko ang tingin nang tumingin siya sa akin. "Sa'n mo 'ko dadalhin?" tanong ko .Napansin kong ginagayak niya ang daan tungo sa fire exit. Maya-maya pa ay nakalabas kami ng gusali at marahang humampas sa mukha ko ang preskong panggabing hangin. Nawala ang tensyon sa magkabilang balikat ko at inihilig ang ulo sa balikat ni Lyndon. "Thank you," marahan kong bulong. "Anong ginawa niya sa 'yo?" tanong niya. "Nahimatay lang ako ng dalawang araw.""Dalawang araw?" Mas lalong nandilim ang awra ni Lyndon. "Rishel, dalawang linggo kang nawawala! Hindi kita mahanap." Nagtagis ang bagang niya. "At malalaman ko lan

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 56

    "Let go!" Nagpumiglas ako sa hawak niya pero masyado siyang malakas. Nanlilisik kong tiningnan ang mukha na hinangaan ko noon pero kinasusuklaman ko na ngayon. "Pinagsisihan kong inidolo kita, Levi! I hate you! I hate you to death!"Natigil siya saglit at naningkit ang mga mata habang matiim na tumitig sa mukha ko. Mas lalo lang nawalan ng kulay ang mukha ko sa klase ng tingin niya at pilit kong iniiwas ang tingin. Pero hindi niya ako hinayaan at hinawakan ang baba ko para itaas ang mukha. Nakita ko na naman ang kakaibang ngiti sa mga labi niya. "Even if you hate me, it doesn't change the fact that you are mine, Rishel," bulong niya sa akin. Nanlamig lang ang kalamnan ko sa narinig. Siguro ay dahil sa klase ng tingin niyang parang isang gutom na halimaw na nakatingin sa pagkain nito. Ngayon lang niya pinakita sa akin ang klase ng tingin na iyon kaya nanginig ang kalamnan ko sa nerbiyos.Huminga ako nang malalim at lakas-loob na sinalubong ang titig niya. "Binaril mo si Papa. Hindi p

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 55

    My heart skipped a beat at what he said. Tulala ko siyang tiningnan habang sinasabi niya ang nalalaman niya sa insidenteng kinasasangkutan ni Papa."Nalaman ng mga awtoridad na may bumaril sa ama mo habang may binibili ito sa isang grocery store. Hindi kita sa CCTV ang mukha ng bumaril pero may nakalap na mga witness na nakasaksi sa mismong araw na binaril ang ama mo. Si Levitus ang tinuturo nilang suspect."Naging isang linya ang mga labi ko at napatitig sa kaniya. Totoo ba ang sinasabi niya? He's not deceiving me, right?Nang mapansin niyang hindi ako naniniwala ay nagsalubong ang mga kilay niya. "If you ask those witnesses, you'll know the truth."Kumuyom ang kamao ko. "Did you bribe them?""Are you doubting my intentions?" tanong niya at tinaas ang kilay. "Yes," sagot ko sa kaniya. Kumibot ang sulok ng mga labi niya at tumawa. Tumitig ako sa kaniya hanggang sa mawala ang ngiti sa mga labi niya. Naningkit ang mga mata ni Lyndon at inilabas ang isang litrato. Nang tingnan ko iyon

DMCA.com Protection Status