Ilang saglit na hindi nakahuma sa kanyang kinatatayuan si Fiona. Mataman niyang pinagmasdan ang Alice na tinukoy ni Lilia. Hindi niya pa napigilan ang kanyang sarili na palakbayin ang kanyang paningin sa kabuuan nito.Alice was a tall lady with a slim waist. Maganda ito at may maamong mukha. Her skin was suntanned, something that was opposite to her. Kung gaano siya kaputi ay kabaliktaran naman nito. Alice's skin was of a natural Filipina."Ikaw nga, Lilia," nakangiti pa nitong sabi sa dalagang katabi niya. "Dalaginding ka pa lang nang huli tayong magkita."Isang alanganing ngiti lamang ang itinugon dito ni Lilia saka siya tinapunan din ng tingin. Alam niya na naiilang ito dahil sa pagtatagpo nilang iyon ni Alice. She can't blame her. Ang alam nito ay kasintahan siya ng Kuya Randall nito.Marahan na tumikhim si Fiona upang maagaw ang pansin ni Alice. So, she was the doctor that attended to Margareth. Doktor na ito. Ang huling kwento sa kanya ni Lilia ay kasabayan pa lang ito noon ni R
"Fiona..."Ang akmang pagsara ni Fiona ng pinto ng kanyang silid ay mabilis na nahinto nang marinig niya ang pagtawag na iyon ni Randall. Mag-aalas nueve na iyon ng gabi at balak na sana niyang pumasok ng silid upang magpahinga na."What?" malamig niyang saad sabay harap sa binata.Nasa loob na siya ng silid at ang binata ay nalingunan niyang nasa may entrada ng pintuan. Kanina pa sila tapos maghapunan at malamang ay papasok na rin sa silid na inookupa nito si Randall nang tawagin siya.Kunot-noong pinagmasdan siya nito dahil sa kalamigan ng pakikitungo niya. Sadyang itinukod pa ng binata ang isang kamay nito sa may hamba ng pintuan bago muling nagsalita."Nagagalit ka ba?" nagtatakang tanong nito sa kanya.Fiona let out a lazy sigh. "Iyon lang ba ang itatanong mo kaya ka nandiyan?""Ano ba ang problema?" usisa pa nito. "Kanina ko pa napapansin na ganyan ka?"Umangat ang isang kilay niya dahil sa puna nito. Hindi niya alam na napansin pala nito ang tungkol sa bagay na iyon.Kanina pa n
Tahimik at halos napapatulalang nakaupo lamang si Fiona sa kama. Kanina pa siya gising ngunit mas pinili niya munang manatili sa silid na ginagamit niya sa bahay ng mga Mondejar, ang sariling silid ni Randall.Hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman pagkagising na pagkagising niya pa lang. She could still feel the soreness in between her legs that caused by what happened last night.Yes, kagabi nga ay hindi niya maunawaan kung paanong ganoon niya kadaling naisuko ang kanyang sarili kay Randall. It was like she was under a spell and she can't say no to everything that happened.O marahil ay sadyang gusto niya ang namagitan sa kanilang dalawa ng binata. Hindi niya magagawa ang lahat ng iyon kung hindi rin gusto ng kanyang isipan at... puso.Ngayon nga ay napagtanto niyang sa desisyon niyang ipagkaloob ang kanyang sarili kay Randall ay hindi na lang isipan niya ang sangkot, maging ang puso niya na rin. Hindi niya alam kung paano at kailan nagsimula. Kung iisipin ay parang impos
Agad na naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Randall nang dahan-dahang ituloy ni Alice ang paghakbang nito patungo sa kanyang direksyon. Ni hindi niya magawang ngumiti ngayong kaharap niya muli ang babae pagkalipas ng napakaraming taon.When was the last time he last saw her? Halos ilang taon pa lang noon mula nang magtapos siya ng kolehiyo. Nakapagtrabaho siya habang si Alice naman ay ipinagpatuloy ang pag-aaral nito ng medisina.It was really her dream to be a doctor. Naging pursigido pa itong abutin ang pangarap na iyon dahil na rin sa pagbubuyo ng mga magulang nito. Hindi man ganoon kayaman ang pamilya ni Alice ngunit maganda naman ang trabaho ng ama at ina ng dalaga dahilan para masuportahan ng mga ito ang pag-aaral ng anak.At bilang nobyo nito noon ay isa si Randall sa nagpakita ng suporta para sa dalaga. He wanted her to achieve her dreams and to be what she wanted to be. Kaya naman, nang magkaroon ng pagkakataon na kumita ay isa din siya sa sumuporta dito para makapag-ar
Tulad ng naging alok ni Jack ay binanggit ni Randall kay Fiona ang pagnanais ng pamilya ng kanyang pinsan na mananghalian sila sa bahay ng mga ito. Nagpaunlak ang dalaga at nakita niya pa ang kasiyahan sa mukha nito nang sabihin niya ang tungkol sa bagay na iyon.Nang sumunod na araw nga, alas-dies pa lang ng umaga ay pumunta na sila sa bahay nina Jack. Dahil sa hindi naman iyon malayo mula sa kanilang tinitirhan ay ilang minutong lakaran lamang ang ginawa nilang dalawa.Pagdating roon ay abala na ang asawa ni Jack na si Marinel sa paghahanda ng kanilang tanghalian. Menudo, inihaw na bangus at pakbet ang mga ulam na pinaghandaan ng mag-asawa. Mayroon ding gulaman na ginawa si Marinel.Kagabi niya pa nabanggit kay Fiona ang tungkol sa paanyaya ni Jack sa kanya at nang pumayag ang dalaga ay mabilis naman niyang pinaabisuhan ang mag-asawa sa pagpunta nila sa mga ito.Dahil sa maaga silang gumayak sa pag-alis ay hindi pa tapos si Marinel sa pagluluto. Hindi pa maiwasang mamangha ni Randal
"R-Randall..." nauutal niyang sabi."Fiona, haven't you decided yet?"Marahan niyang binawi ang kanyang kamay na hawak nito. Agad siyang nawalan ng sasabihin dahil sa biglaang pang-uusisa ni Randall."J-Just... Just for the record, Randall," saad niya dito. "Bakit gusto mong totohanin ang inaakala ng mga taong relasyong mayroon tayong dalawa?""Fiona---"Hindi nito natapos ang ano mang sasabihin nang agad siyang sumingit."Dahil ba sa may nangyari na sa ating dalawa? You wanted to be that noble?""Not just that," bwelta naman nito. "Though, I would admit that what happened between us made my decision firm.""Not just that," ulit niya sa mga sinabi nito. "So, may iba pang rason?"He heaved out a deep sigh. Lumingon ito sa dagat na wari ba ay doon nito makukuha ang sagot sa kanyang tanong. Ilang segundo din na pumagitna sa kanila ang katahimikan at pakiramdam niya ba ay hindi na siya nito sasagutin pa.But then, Randall spoke again after a while. "Believe me or not, Fiona, hindi ko rin
Abala si Fiona sa pagtingin-tingin sa mga panindang nasa harapan nila habang naglalakad silang dalawa ni Lilia. Nakasunod siya dito at naging mabagal ang kanilang paghakbang dahil sa may karamihan ang tao sa palengke nang mga oras na iyon.That was the first time that she was able to go to a public market. Kailanman ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makapasok man lang sa ganoong lugar. Maliban sa katotohanan na mga katulong nila ang madalas na namamalengke para sa kanilang pamilya ay sa naglalakihang grocery stores namimili ng mga stocks para sa bahay nila.May mga pagkakataon na ginagawa rin iyon ng kanilang ina. Francheska has been very hands-on when it came to their needs ever since they were still kids. Pero mabibilang lang ang mga pagkakataon na nakasama siya dito. She would rather choose to go to a mall and have shopping than be on a grocery store or market.Pero ngayon, sa hindi maipaliwanag na damdamin, ay hindi man lang siya nakadama ng pagkaasiwa sa kaalaman na isang
"Nasa sekondarya ako nang makilala ko si Alice, Fiona," panimula ni Randall sa pagkukwento sa kanya.Kapwa pa rin sila naroon sa may harap ng bintana, nakatayo habang magkatabi. Nakamasid si Randall sa labas habang siya ay nakatitig sa mukha nito."Bagong lipat sila dito sa Ihatub galing sa Manila. Technically, laking-Manila talaga si Alice. Naisipan lang umuwi dito sa probinsiya ng mga magulang niya nang magkaroon ng problema sa tinitirhan nila dati. Nagkakilala kami and to cut the story short, she became my girlfriend."Pagkabanggit nito ng huling pangungusap ay lumingon sa kanya ang binata. Nagkasalubong ang kanilang mga mata at nakita pa ni Fiona ang pinaghalo-halong emosyon sa mga titig nito."I loved her, Fiona. Magsisinungaling ako kung sasabihin kung hindi," patuloy pa nito sa pagsasalita.Agad na napayuko si Fiona nang marinig ang mga sinabi nito. Hindi niya maipaliwanag ang emosyon na lumukob sa kanya nang marinig mula mismo sa binata ang mga katagang iyon. Wari ba ay may pa