Abala si Fiona sa pagtingin-tingin sa mga panindang nasa harapan nila habang naglalakad silang dalawa ni Lilia. Nakasunod siya dito at naging mabagal ang kanilang paghakbang dahil sa may karamihan ang tao sa palengke nang mga oras na iyon.That was the first time that she was able to go to a public market. Kailanman ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makapasok man lang sa ganoong lugar. Maliban sa katotohanan na mga katulong nila ang madalas na namamalengke para sa kanilang pamilya ay sa naglalakihang grocery stores namimili ng mga stocks para sa bahay nila.May mga pagkakataon na ginagawa rin iyon ng kanilang ina. Francheska has been very hands-on when it came to their needs ever since they were still kids. Pero mabibilang lang ang mga pagkakataon na nakasama siya dito. She would rather choose to go to a mall and have shopping than be on a grocery store or market.Pero ngayon, sa hindi maipaliwanag na damdamin, ay hindi man lang siya nakadama ng pagkaasiwa sa kaalaman na isang
"Nasa sekondarya ako nang makilala ko si Alice, Fiona," panimula ni Randall sa pagkukwento sa kanya.Kapwa pa rin sila naroon sa may harap ng bintana, nakatayo habang magkatabi. Nakamasid si Randall sa labas habang siya ay nakatitig sa mukha nito."Bagong lipat sila dito sa Ihatub galing sa Manila. Technically, laking-Manila talaga si Alice. Naisipan lang umuwi dito sa probinsiya ng mga magulang niya nang magkaroon ng problema sa tinitirhan nila dati. Nagkakilala kami and to cut the story short, she became my girlfriend."Pagkabanggit nito ng huling pangungusap ay lumingon sa kanya ang binata. Nagkasalubong ang kanilang mga mata at nakita pa ni Fiona ang pinaghalo-halong emosyon sa mga titig nito."I loved her, Fiona. Magsisinungaling ako kung sasabihin kung hindi," patuloy pa nito sa pagsasalita.Agad na napayuko si Fiona nang marinig ang mga sinabi nito. Hindi niya maipaliwanag ang emosyon na lumukob sa kanya nang marinig mula mismo sa binata ang mga katagang iyon. Wari ba ay may pa
Nang sumunod na araw ay tinanghali na ng gising si Fiona. Pasado alas-dies na ang binabadya ng oras sa cell phone niya nang silipin niya ang screen niyon. Pabalikwas pa siyang napabangon nang mapagtantong anong oras na siya nagising. Hindi niya pa maiwasang makadama ng hiya, lalong-lalo na kay Nanay Luz dahil sa bagay na iyon.She roamed her eyes around the room. Katulad ng unang gabing may nangyari sa kanila ni Randall ay nakatulog siyang yakap ng binata matapos ng mainit na tagpong pinagsaluhan nilang dalawa. Hindi na niya namalayan kung anong oras na ito lumabas mula sa silid na iyon. She swallowed hard. Hindi pa maiwasan ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi nang maalala niya ang ginawa nilang dalawa ni Randall kagabi. Hindi lang basta natapos doon ang pagtatalik nila.Randall has taught her last night the different art in lovemaking. Ang iba, ni sa hinagap ay hindi niya naisip na mararanasan niya. And it was all because of Randall. Dito niya lang naranasan ang lahat ng iyo
Agad na napatayo nang tuwid si Randall nang maramdaman niya ang paghawak ni Alice sa isa niyang braso. Naroon sa kanyang dibdib ang kagustuhan na alisin ang kamay nitong nakakapit sa kanya. Hindi niya lang nais na magmukhang walang modo lalo pa't kaharap din nila ang kanyang abuelo.Sumama nga siya sa kanyang Tatay Lando na dalawin ang lupang-sakahan na pag-aari ng pamilya nila. Matatagpuan din iyon sa Ihatub, lamang ay malayo na iyon sa kanilang bahay.Kung ang ikinabubuhay ng asawa ng kanyang Nanay Luz at ng kanyang ama noon ay ang pangingisda, si Tatay Lando naman ay mas abala sa pagsasaka at pag-aalaga ng mga hayop.Ang lupaing iyon ay pag-aari pa ng mga magulang nito. Mas si Tatay Lando na ang namahala roon. Iyon ay dahil sa magkakapatid na lalaki, ito ang napirmi sa Marinduque.Malayo-layo rin ang lupang iyon mula sa kanilang bahay. Halos dulo na ng Ihatub.He decided to come with his grandfather to visit the place. Matagal-tagal na rin mula nang makarating siya roon. Kahit nang
Isang malakas na paghatak ang ginawa ni Randall sa lambat na pag-aari ni Jack. Inipon at sinalansan niya iyon sa loob ng bangka saka kinuha naman at itinabi dito ang timbang paglalagyan nila ng mga mahuhuling isda.Pasado alas-siyete ng gabi at hinihintay na lamang niya ang pagdating ng kanyang pinsan. Napagpasyahan niyang samahan ulit ito sa pagpalaot.Huminga siya nang malalim saka sumandal mula sa bangkang nasa harapan niya. Ang usapan nila ni Jack ay doon na lang magkita sa pinaghihintuan nito ng bangka. Marahil ay papunta na rin doon ang pinsan niya.He stared at the sky. Maaliwalas ang langit at nagliliwanag ang mga bituin. Hindi pa maiwasang sumagi sa isipan niya si Fiona habang naroon siya at nag-iisa.Dama niya ang pagbabago sa pakikisama nito sa kanya, kung bakit ay hindi niya alam. Nagsimula lamang iyon nang sundan siya nito sa lupang-sakahan na pagmamay-ari nila. Pagkagaling nila roon ay halos iba na ito kung makipag-usap sa kanya.Gusto niyang isipin na dahil iyon sa naab
"Sigurado ka ho bang okay lang na sumama ka sa amin, Ate Fiona?" magalang na tanong ni Lilia sa kanya nang umagang iyon. "Mainit na ho at baka abala lang sa inyo."Maluwag siyang ngumiti dito at sinabayan na ang dalaga sa paglalakad. Kapanabay niyang maglakad si Lilia habang hawak naman nito sa isang kamay si Marga.Marga was now wearing her day care uniform. Nakatali ang buhok nito at may cute na ribbon na nakakabit. Sukbit na rin ng bata sa leeg nito ang school ID habang si Lilia naman ang may dala ng maliit nitong bag.Naglalakad-lakad siya kanina sa may baybayin para pampalipas lang ng oras. Hanggang sa mga sandaling iyon kasi ay puno pa rin ng alalahanin ang kanyang isipan. Naguguluhan siya, sa totoo lang.Hindi niya magawang komprontahin si Randall tungkol sa pagsisinungaling nito sa kanya. As much as she wanted to do that, she just can't find the courage to face him. O siguro, kaya ganoon na lang ay dahil natatakot siyang marinig kung ano ang isasagot nito. Ano nga ba ang pwede
Abala si Fiona sa pagtingin sa kanyang cell phone, hapon ng sumunod na araw. Nanatili siya sa bahay sa araw na iyon at halos wala sa mood para gumawa ng ano mang bagay.Matapos ng naging pag-uusap nila ni Alice kahapon ay nabalot ng maraming katanungan ang isipan niya. Ang dami na nga niyang isipin--- ang tungkol sa pamilya niya at ang banta sa buhay niya. Tapos heto ngayon ang tungkol sa kanilang dalawa ni Randall na naging mas komplikado pa dahil sa pagpagitna ni Alice.Kahapon pa siya gulong-gulo kung paniniwalaan niya ba ang mga sinabi ng doktora. Halos hindi niya pa kibuin si Randall dahil sa sakit na nadarama dulot ng mga natuklasan niya.She can't believe na magkasama ang mga ito nang isang gabi sa may baybayin. Gusto niya pa magtampo dahil sa kaalaman na nagkikita ang mga ito nang hindi niya alam.Pero ano nga ba ang karapatan niya para makadama ng ganoon? Kung aanalisahin ay mas malaking parte sa buhay ni Randall ang inokupa ni Alice. Ang tagal ng relasyon ng mga ito. Samanta
Hindi alam ni Fiona kung paano siya nakauwi sa bahay nina Randall mula sa klinikang pinagtatrabahuan ni Alice. Pagkaalis ng sasakyan ni Randall ay wari pa siyang itinulos sa kanyang kinatatayuan at hindi agad nakagalaw. Namalayan na lamang niyang basang-basa na ang kanyang mukha dahil sa pag-iyak.Mistulang wala sa sariling nilakad na lamang niya ang pauwi sa bahay nina Randall. Pagkauwi niya pa ay naroon na si Nanay Luz at abala na sa paghahanda ng kanilang hapunan. Labis pa itong nagtaka nang makita siya. Alam niya na hindi maitago ang lungkot sa kanyang mukha dahil sa nangyari.Nanay Luz asked worriedly. Hindi niya man gustong magsinungaling sa matandang babae ngunit idinahilan niya na lang na tungkol sa kanyang pamilya ang sanhi ng pagkakaganoon niya. Magalang din siyang nagpaalam dito na aakyat muna sa silid na ginagamit niya at nagdahilan pa na hindi maganda ang kanyang pakiramdam.Hindi man kumbinsido ngunit hindi na nang-usisa pa si Nanay Luz.Ngayon nga ay nasa loob lamang si
One year and five months after:"You are so beautiful, Fiona. Parang hindi ka nanganak sa gayak mo ngayon," nangingiting sabi ni Aleya sa kanya. Admiration was all over her cousin's face as she was looking at her reflection at the mirror.Nakaayos na nga siya at nakapagbihis na para sa espesyal na araw na iyon--- ang kasal nila ni Randall.Yes, it's their wedding day. Ngayon lamang sila ikakasal matapos ang mahigit isang taon mula nang maayos ang lahat sa relasyon nila at ng kanyang pamilya. And it was because of one reason, her Kuya Lucas.Sadyang inantala niya ang kasal nila ni Randall dahil sa kanyang nakatatandang kapatid. It was her decision actually.Ilang linggo nang nakauwi mula sa ibang bansa ang kanyang pamilya noon nang matuklasan nilang nagpakasal na ang kanyang Kuya Lucas sa kasintahan nito--- kay Janel, ang naging sekretarya ng kanilang ama bago pa man ito naaksidente.Kung paanong nagkaroon ng relasyon ang Kuya Lucas niya at si Janel ay hindi niya na alam. They just fou
Fiona let out a soft moan as she felt Randall's fingers touching her cheek. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata habang dinadama niya ang banayad na paghaplos ni Randall sa kanyang pisngi, bagay na nagdulot pa sa kanya ng kakaibang sensasyon gayung katatapos pa lamang nila magtalik.Nasa loob sila ng silid ng binata at kapwa pa nakahiga sa maliit na kama. Pareho din silang wala pang saplot sa katawan at tanging ang manipis na kumot lamang ang takip sa kanilang mga hubad na katawan.Hindi niya alam kung paanong nauwi sila nito sa loob ng silid na iyon nang ganoon na lang kabilis. Nang hagkan siya ni Randall ay waring nakalimutan na niya ang ibang bagay at tanging ito na lamang ang mahalaga.She responded to his kisses a while ago with same emotion as what Randall was feeling. May kung ilang saglit na dinama nila ang katawan ng isa't isa sa may sala ng apartment na iyon bago pa siya iginiya ng binata patungo sa loob ng silid nito.Doon ay tuluyan nitong tinanggal ang lahat ng saplo
Ilang mararahang katok sa pinto ng study room ang ginawa ni Fiona bago niya pinihit pabukas ang doorknob niyon. Agad na siyang pumasok sa loob ng nasabing silid at doon ay naabutan ang kanyang amang si Jake, nakaupo sa may swivel chair at waring napakalalim ng iniisip. Nakasandal pa ang buong katawan nito at ang ulo ay bahagyang nakatingala sa kisame ng silid.Pasado alas-nueve na ng gabi. Kanina ay hindi niya nagawang lumabas ng kanyang silid dahil sa bugso ng damdamin.Walang sino man sa mga kasama niya sa bahay na iyon ang nais magsabi sa kanya ng tungkol sa kung ano ang naging takbo ng usapan ng mga ito at ni Randall. Ni hindi na niya namalayan ang pag-alis ng binata. Nang pasukin siya ng kanyang ina sa loob ng kwarto niya ay ipinaalam lamang nito na umalis na si Randall.Gusto niyang usisain ang kanyang ina sa kung ano ang nangyari ngunit hindi ito nagsalita. Francheska just advised her to talk to her father and settled everything between them.Alam niyang wala siyang magiging pr
Tuluyan nang humakbang papasok ng study room si Randall habang ang mga mata ng mga naroon ay pawang nakatuon sa kanya. He can't help but to groan silently. Ang buong akala niya ay magiging madali lamang para sa kanya ang pagharap niya sa pamilya ni Fiona. Hindi niya sukat akalain na magiging ganito pala kahirap. Daig niya pa ang ginigisa sa napakainit na mantika.Kailanman ay hindi siya natakot sa panganib na kaakibat ng bawat trabahong nabibigay sa kanya. Ang iba ngang assignment na nahawakan niya ay mas mahirap pa kaysa sa kaso ni Fiona. Pero lahat ng iyon ay naharap niya nang buong tapang.Ngunit iba sa pagkakataon ngayon. Waring nais pa manginig ng mga tuhod niya habang tinatanggap ang mga nagtatanong na tingin ng bawat isa.Isang pagtikhim pa muna ang kanyang ginawa bago nagsalita. "M-Magandang araw.""So, you are Randall Mondejar," saad ng tiyahin ni Fiona, si Beatrice.Tumango lamang siya dito bilang tugon.Hinagod pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa saka bumalik ulit
Malakas na napatili si Fiona nang sumadsad si Randall sa may halamanan sa gilid ng kanilang bakod nang basta na lamang ito sinuntok ng kanyang nakatatandang kapatid. Dahil sa hindi nila inasahan ang gagawin ng kanyang Kuya Lucas ay hindi nakaiwas si Randall."Randall...!" malakas niyang sigaw sabay akma sanang lalapit sa binata.Ngunit bago niya pa man malapitan si Randall ay mabilis nang nakahakbang ang kanyang kapatid. Agad nitong hinawakan ang kwelyo ng binata at itinayo ito. Bakas sa mukha ni Lucas ang labis na galit nang muli itong magpakawala ng isang malakas na suntok sa mukha ni Randall."Kuya Lucas, stop!" muli niyang tili. "Tama na, Kuya Lucas."Fiona grabbed Lucas' hand and pulled him away from Randall. Nang lingunin niya ang kanyang kasintahan ay nakita niya pa ang marahan nitong pagpunas sa sulok ng labi nito. Dahil sa magkasunod na pagsuntok ni Lucas ay may bahid na ng dugo ng gilid ng bibig ng binata."Damn you, Mondejar! Hindi ko na kailangan pang itanong, sa naabutan
"M-Mahal mo ako?" hindi makapaniwalang saad ni Fiona kay Randall.Daig niya pa ang ipinako sa kanyang kinatatayuan matapos marinig ang pag-amin nito. Hindi siya makagalaw at nakamasid na lamang sa binatang kanyang kaharap. Gusto niya pang siguraduhin na hindi niya lang nakaringgan ang mga sinabi nito. She wanted to hear it over and over again."Yes, sugar," tugon ni Randall sa kanya. "Mahal kita. Hindi mo ba iyon naramdaman nang magkasama tayo sa Ihatub? Hindi mo man lang ba napansin sa mga kilos ko? Mahal kita, Fiona. Kung kinakailangan kong patunayan iyon sa iyo araw-araw ay gagawin ko. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon, pangako, I would love you for the rest of my life."Hindi na namalayan pa ni Fiona na naglandas na ang kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi. Hindi niya maiwasang mapaiyak. Ang mga sinabi nito ay waring isang napakagandang musika, kay sarap pakinggan.All this time, may katugon pala ang nadarama niya para sa binata? Hindi lang isang pagkukunwari. Hindi lang da
"Who is he, Fiona?" narinig niyang tanong ni Marvin. Sa kanilang tatlo ay ito ang unang nakabawi mula sa pagkabiglang nadama dulot ng mga sinabi ni Randall kanina.Siya kasi ay nanatiling nakatitig pa rin sa binata na sa loob ng ilang araw ay pinanabikan niyang makita ulit. Wari siyang naipako sa kanyang kinatatayuan habang walang puknat na nakatingin sa mukha ni Randall.Ngayong nasilayan niya ito muli ay wari bang bumuhos ang labis na pangungulilang nadarama niya. Hindi niya pa mapigilang igala ang kanyang mga mata sa kabuuan nito nang bigla ay naalala niya ang mga sinabi ng kanyang Uncle Ronniel.Nagtamo ito ng tama ng baril nang magkaroon ng engkwentro laban sa mga lalaking binayaran ni Samuel. Gusto niya pang hanapin ang pinsalang natamo nito at siguraduhin kung maayos na ba ang kalagayan nito ngayon.But all the worries that she felt was suddenly gone when she heard him talked again. Kay Marvin ito nakatingin habang nagsasalita."Ako si Randall," seryoso nitong tugon sa tanong n
Nang marinig ni Fiona ang mga sinabi ni Manang Ligaya na may bisita siyang dumating ay agad niyang inaya si Julia na bumaba. Nagpatiuna pa siya sa paglalakad patungo sa may hagdan at nagmamadaling nagtungo sa may sala.She was excited to see her visitor. Hindi niya man gustong aminin pero inaasam niya talaga na si Randall ang dumating at naghahanap sa kanya. Hindi pa sila muling nagkakausap kaya naman hindi niya maipaliwanag ang pananabik na muli itong makaharap.Ngunit nasa kalagitnaan pa lamang si Fiona ng kanilang hagdan nang bigla ay matigilan na siya sa kanyang paglalakad. Si Julia na nasa kanyang likuran ay marahan pa siyang nilampasan at mas nauna sa pagbaba habang siya ay hindi maiwasan ang biglang pagbagsak ng kanyang mga balikat."M-Marvin..." aniya sa bagong dating na ngayon ay nakatayo na nang makita silang pababa ng hagdan. Nagtuloy na siya sa kanyang paglalakad hanggang sa tuluyan siyang makalapit sa mga ito.Tipid siyang ngumiti kay Marvin kahit pa sa kanyang loob ay wa
Matapos maikalma ang kanyang sarili ay binuksan na ni Fiona ang gripong nasa kanyang harapan para maghugas ng kanyang bibig at kamay. Isang pagmumog din ang kanyang ginawa matapos ang pagsusuka na kanyang naranasan.It was so obvious that what happened to her was brought by her pregnancy. Nitong mga nakalipas na araw ay sadyang nagiging mapili siya sa pagkain. May ilang amoy at lasa din na hindi niya gusto.And that happened a while ago. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at kahit pa kaharap niya ang kanyang pamilya na wala pang kaalam-alam sa kanyang kalagayan ay dali-dali nang tumayo si Fiona mula sa hapag at nagtungo nga sa kusina para magsuka.Isinara niya na ang gripo at nagpakawala pa ng isang malalim na hininga saka pumihit na para bumalik sa may komedor. Sa pagharap ni Fiona ay agad pa siyang natigilan nang makita sa kanyang likuran ang kanyang inang si Francheska.Her mother was staring at her intently. Wari bang sa pamamagitan pa lang ng mga titig nito ay sinusuri na si