"H-Hello..." mahinang saad ni Fiona matapos sagutin ng nasa kabilang linya ang tawag niya."Fiona? Oh God! At last, I was able to talk to you. How are you? I've been waiting for your replies," mahabang bungad sa kanya ni Julia nang marinig nito ang kanyang tinig.It was already past midnight. Ni hindi niya pa sigurado kung sasagutin ng kanyang kaibigan ang tawag niya. Nagbakasakali lang siyang gising pa ito at makausap sa ganoong oras ng gabi kaya niya ito tinawagan.Hindi siya makatulog matapos ng naging takbo ng usapan nilang dalawa ni Randall. Nang makaalis ito kanina at iwan siya sa silid na iyon ay may ilang saglit pa siyang umiyak nang mag-isa. Pakiramdam niya pa ay mugto na ang kanyang mga mata dahil sa pagluhang ginawa.And she needed someone to talk to. Gusto niyang may labasan ng sama ng loob. At sa lahat ng kaibigan niya ay si Julia ang pinakamalapit sa kanya. Trisha has been her true friend as well, pero kumpara sa dalawa ay mas panatag siya na magbukas ng problema kay Jul
Halos ilang minutong nakausap ni Fiona ang kanyang kapatid, maging ang kanilang inang si Francheska. Sa kabila ng kayrami niyang isipin ngayon sa nangyayari sa pagitan nilang dalawa ni Randall ay hindi niya maiwasang magalak nang marinig niya ang mga ibinalita sa kanya ng Kuya Lucas niya.Their father, Jake, was finally okay now. Sumailalim pa muna ito ng ilang therapy dahil na rin sa matagal itong naratay dahil sa pagkaka-coma. Ganoon pa man, siniguro ng mga doktor na maayos ang lahat sa kanilang papa at walang kailangan ipag-alala. Wala daw 'di umanong pinsala sa utak ni Jake dahil sa aksidenteng nangyari dito.Ikinatuwa niya ang mga nalaman, iyon ay sa kabila ng katotohanan na nakadarama siya ng lungkot dahil sa nangyayari sa sarili niyang buhay.Paglipas ng ilang saglit ay nagpaalam na rin ang kanyang ina at kapatid. Gustuhin niya mang makausap ang kanyang ama ay kasalukuyan daw itong natutulog kaya hindi na siya nagpumilit pa.Naputol na ang tawag at hawak na lamang ni Fiona sa
Pagkarating nila sa ospital ay agad na dinala sa may emergency room si Tatay Lando. Dahil sa isa ding doktor at kakilala ni Alice ang ilang naka-duty roon ay sumama ang dalaga hanggang sa loob ng ER.Si Fiona ay naiwan lamang sa labas kasama sina Randall at Jack. Bakas sa mukha ng dalawang lalaki ang labis na pag-aalala para sa abuelo ng mga ito. Nakasandal si Randall sa sementadong dingding ng ospital habang si Jack naman ay nakaupo sa mahabang bangko na nasa may waiting area. Ilang hakbang ang layo niyon mula sa lugar na piniling paghintayan ng kanyang kasintahan.Fiona walked towards him. Tumayo siya sa mismong tabi ni Randall kasabay ng pag-abot niya sa isang kamay nito. She made their fingers intertwined. Ang ginawa niya ay nagpangyari para lumingon sa kanya ang binata. Nasa mukha pa rin ni Randall ang pag-aalala para kay Tatay Lando ngunit nang maramdaman nito ang paghawak niya ay waring umaliwalas ang ekspresyon ng mukha nito.She smiled softly at him. "H-He will be fine," saad
Sunod-sunod na pagmumura ang namutawi mula kay Randall nang ilang ulit pang nagpaputok ng baril sa kanila ang kung sino mang nasa loob ng sasakyang nasa kanilang likuran. Alam niyang nagsanhi na ng pinsala sa kanyang kotse ang mga patama ng mga ito.But the hell if he cares! Mas nakadarama siya ng pangamba para kay Fiona kumpara sa ano pa mang bagay.Mas binilisan niya pa ang kanyang pagmamaneho. Gusto niya pang makadama ng galit para sa kanyang sarili sapagkat nang mga oras na iyon ay hindi niya bitbit ang kanyang baril. Dahil sa labis na pag-aalala para kay Tatay Lando ay hindi na niya naisip pang kunin ang naturang bagay sa loob ng kanyang silid."Oh my God, Randall! What is happening?!" gimbal na saad ni Alice na ngayon ay nakayuko sa may backseat.Ni hindi niya pinansin ang paghihisterya nito. He got his phone from his pocket and immediately dialed a number. Numero iyon ng police station na hindi nalalayo sa kanilang barangay. Alam niya na agad silang marerespondehan ng mga nakat
Marahan ang ginagawang paghakbang ni Fiona palapit sa sasakyang naghihintay sa kanya. Mistula bang kay bigat ng kanyang mga paa dahilan para maging mabagal ang kanyang paglalakad.Kasalukuyan na siyang nasa may Dalahican Port at kakadaong lang ng barkong sinakyan niya mula sa Balanacan, Marinduque. Fiona took the earliest trip from Marinduque to Manila. Kasama niya at nagsilbing escort sa biyahe ang isa sa mga awtoridad na nagmula pa sa Ihatub, yaong rumesponde sa kanila kagabi.Hindi niya pa sana nais na umalis ng naturang probinsiya. Nais niya pang manatili at makaharap muli si Randall para kausapin. Ang daming bagay na kailangan nilang linawin sa pagitan nilang dalawa ng binata.Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit mabigat sa kanyang dibdib ang paglalakad ngayon. Wari bang gusto niyang bumalik sa pier at bumili ulit ng ticket patungong Marinduque.Ngunit naging mariin ang desisyon ng kanyang Uncle Ronniel nang makausap niya ito sa cell phone kaninang madaling-araw. Tumawag ito sa
"Uncle Ron," agad niyang salubong sa matalik na kaibigan ng kanyang ama.Naroon na ito sa labas ng presinto at sadyang naghihintay para sa kanya. Matapos ngang banggitin sa kanya ni Manang Ligaya ang tungkol sa pagtawag nito kanina ay agad siyang nagpalit ng damit para makaalis. Hinintay niya pa muna na maging maayos kahit papaano ang kanyang pakiramdam bago tuluyang gumayak.Si Manang Ligaya ay hindi pa sang-ayon sa balak niyang pagtungo sa presinto. Alam niya na nag-aalala lamang ito para sa kanya ngunit iginiit niya ang kagustuhan na personal na malaman kung sino ba ang nasa likod ng lahat ng nangyari sa kanya.Tinawagan niya pa ang kanyang Uncle Ronniel habang nasa daan na siya. Iyon marahil ang rason kaya narito na ito ngayon sa labas ng presinto at naghihintay sa kanyang pagdating."Fiona," wika nito nang tuluyan siyang makalapit dito. "I told you, you can just take a rest. Alam ko na hindi naging maganda ang epekto sa iyo ng lahat ng mga nangyari.""I am okay, uncle," nakangiti
Matagal na namayani ang katahimikan sa pagitan nina Fiona at Samuel. Ang kanyang mga mata ay mataman na nakamasid dito at ni hindi hinihiwalayan ng tingin ang binata. Samantalang si Samuel ay nakatutok ang mga mata sa dalawang kamay nito na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Partikular itong nakatitig sa posas na nakalagay sa mga kamay nito."Why, Samuel? Why did you do this?" ulit niya sa mga binitawang salita kanina.Doon unti-unting nag-angat ng mukha nito si Samuel. His eyes mirrored something that she failed to give a name. Ibang-iba ang mga titig na iginagawad nito sa kanya ngayon kaysa sa mga titig nito noon.It was like she was talking to someone she did not know. O marahil ay ganoon nga. Talagang hindi niya alam ang totoong pagkatao nito."Why did I do this?" he parroted. "Because you won't even give me a glance, Fiona, since our college days."Nagkaroon ng ilang gatla ang kanyang noo. Ni hindi niya maunawaan kung ano ang ipinupunto nito. Bakit ganoon na lang ang sinasabi ng binat
"Is that my phone, Alice?" agad na tanong ni Randall na nang magmulat siya ng kanyang mga mata ay nabungaran niya ang doktora sa loob ng silid na kinaroroonan niya.Matapos nga ng engkwentro at magtamo siya ng tama ng baril sa kanyang kaliwang tagiliran ay agad siyang isinugod ng ilang awtoridad sa ospital sa bayan. Dahil sa kasama nila si Alice ay isa pa ito sa mga nag-asikaso sa kanya.Naroon pa sa naturang ospital si Jack na nang malaman ang nangyari sa kanya ay agad na nabahala. Nang magising siya kanina ay siniguro naman niya dito na maayos lamang ang kanyang pakiramdam at walang kailangan pang ikabahala.Ang tanging laman ng isipan niya nang magkamalay ay walang iba kundi si Fiona. Hindi na niya ito nakita matapos ng nangyari.He was able to talk to Mr. Certeza after he was treated. Ayon dito ay ligtas nang nakabalik sa Manila ang dalaga at nahuli na rin ang nasa likod ng lahat ng nangyari dito.Ikinagalak niya ang mga nalaman. Sa wakas ay natapos na rin ang panggugulo sa buhay
One year and five months after:"You are so beautiful, Fiona. Parang hindi ka nanganak sa gayak mo ngayon," nangingiting sabi ni Aleya sa kanya. Admiration was all over her cousin's face as she was looking at her reflection at the mirror.Nakaayos na nga siya at nakapagbihis na para sa espesyal na araw na iyon--- ang kasal nila ni Randall.Yes, it's their wedding day. Ngayon lamang sila ikakasal matapos ang mahigit isang taon mula nang maayos ang lahat sa relasyon nila at ng kanyang pamilya. And it was because of one reason, her Kuya Lucas.Sadyang inantala niya ang kasal nila ni Randall dahil sa kanyang nakatatandang kapatid. It was her decision actually.Ilang linggo nang nakauwi mula sa ibang bansa ang kanyang pamilya noon nang matuklasan nilang nagpakasal na ang kanyang Kuya Lucas sa kasintahan nito--- kay Janel, ang naging sekretarya ng kanilang ama bago pa man ito naaksidente.Kung paanong nagkaroon ng relasyon ang Kuya Lucas niya at si Janel ay hindi niya na alam. They just fou
Fiona let out a soft moan as she felt Randall's fingers touching her cheek. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata habang dinadama niya ang banayad na paghaplos ni Randall sa kanyang pisngi, bagay na nagdulot pa sa kanya ng kakaibang sensasyon gayung katatapos pa lamang nila magtalik.Nasa loob sila ng silid ng binata at kapwa pa nakahiga sa maliit na kama. Pareho din silang wala pang saplot sa katawan at tanging ang manipis na kumot lamang ang takip sa kanilang mga hubad na katawan.Hindi niya alam kung paanong nauwi sila nito sa loob ng silid na iyon nang ganoon na lang kabilis. Nang hagkan siya ni Randall ay waring nakalimutan na niya ang ibang bagay at tanging ito na lamang ang mahalaga.She responded to his kisses a while ago with same emotion as what Randall was feeling. May kung ilang saglit na dinama nila ang katawan ng isa't isa sa may sala ng apartment na iyon bago pa siya iginiya ng binata patungo sa loob ng silid nito.Doon ay tuluyan nitong tinanggal ang lahat ng saplo
Ilang mararahang katok sa pinto ng study room ang ginawa ni Fiona bago niya pinihit pabukas ang doorknob niyon. Agad na siyang pumasok sa loob ng nasabing silid at doon ay naabutan ang kanyang amang si Jake, nakaupo sa may swivel chair at waring napakalalim ng iniisip. Nakasandal pa ang buong katawan nito at ang ulo ay bahagyang nakatingala sa kisame ng silid.Pasado alas-nueve na ng gabi. Kanina ay hindi niya nagawang lumabas ng kanyang silid dahil sa bugso ng damdamin.Walang sino man sa mga kasama niya sa bahay na iyon ang nais magsabi sa kanya ng tungkol sa kung ano ang naging takbo ng usapan ng mga ito at ni Randall. Ni hindi na niya namalayan ang pag-alis ng binata. Nang pasukin siya ng kanyang ina sa loob ng kwarto niya ay ipinaalam lamang nito na umalis na si Randall.Gusto niyang usisain ang kanyang ina sa kung ano ang nangyari ngunit hindi ito nagsalita. Francheska just advised her to talk to her father and settled everything between them.Alam niyang wala siyang magiging pr
Tuluyan nang humakbang papasok ng study room si Randall habang ang mga mata ng mga naroon ay pawang nakatuon sa kanya. He can't help but to groan silently. Ang buong akala niya ay magiging madali lamang para sa kanya ang pagharap niya sa pamilya ni Fiona. Hindi niya sukat akalain na magiging ganito pala kahirap. Daig niya pa ang ginigisa sa napakainit na mantika.Kailanman ay hindi siya natakot sa panganib na kaakibat ng bawat trabahong nabibigay sa kanya. Ang iba ngang assignment na nahawakan niya ay mas mahirap pa kaysa sa kaso ni Fiona. Pero lahat ng iyon ay naharap niya nang buong tapang.Ngunit iba sa pagkakataon ngayon. Waring nais pa manginig ng mga tuhod niya habang tinatanggap ang mga nagtatanong na tingin ng bawat isa.Isang pagtikhim pa muna ang kanyang ginawa bago nagsalita. "M-Magandang araw.""So, you are Randall Mondejar," saad ng tiyahin ni Fiona, si Beatrice.Tumango lamang siya dito bilang tugon.Hinagod pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa saka bumalik ulit
Malakas na napatili si Fiona nang sumadsad si Randall sa may halamanan sa gilid ng kanilang bakod nang basta na lamang ito sinuntok ng kanyang nakatatandang kapatid. Dahil sa hindi nila inasahan ang gagawin ng kanyang Kuya Lucas ay hindi nakaiwas si Randall."Randall...!" malakas niyang sigaw sabay akma sanang lalapit sa binata.Ngunit bago niya pa man malapitan si Randall ay mabilis nang nakahakbang ang kanyang kapatid. Agad nitong hinawakan ang kwelyo ng binata at itinayo ito. Bakas sa mukha ni Lucas ang labis na galit nang muli itong magpakawala ng isang malakas na suntok sa mukha ni Randall."Kuya Lucas, stop!" muli niyang tili. "Tama na, Kuya Lucas."Fiona grabbed Lucas' hand and pulled him away from Randall. Nang lingunin niya ang kanyang kasintahan ay nakita niya pa ang marahan nitong pagpunas sa sulok ng labi nito. Dahil sa magkasunod na pagsuntok ni Lucas ay may bahid na ng dugo ng gilid ng bibig ng binata."Damn you, Mondejar! Hindi ko na kailangan pang itanong, sa naabutan
"M-Mahal mo ako?" hindi makapaniwalang saad ni Fiona kay Randall.Daig niya pa ang ipinako sa kanyang kinatatayuan matapos marinig ang pag-amin nito. Hindi siya makagalaw at nakamasid na lamang sa binatang kanyang kaharap. Gusto niya pang siguraduhin na hindi niya lang nakaringgan ang mga sinabi nito. She wanted to hear it over and over again."Yes, sugar," tugon ni Randall sa kanya. "Mahal kita. Hindi mo ba iyon naramdaman nang magkasama tayo sa Ihatub? Hindi mo man lang ba napansin sa mga kilos ko? Mahal kita, Fiona. Kung kinakailangan kong patunayan iyon sa iyo araw-araw ay gagawin ko. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon, pangako, I would love you for the rest of my life."Hindi na namalayan pa ni Fiona na naglandas na ang kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi. Hindi niya maiwasang mapaiyak. Ang mga sinabi nito ay waring isang napakagandang musika, kay sarap pakinggan.All this time, may katugon pala ang nadarama niya para sa binata? Hindi lang isang pagkukunwari. Hindi lang da
"Who is he, Fiona?" narinig niyang tanong ni Marvin. Sa kanilang tatlo ay ito ang unang nakabawi mula sa pagkabiglang nadama dulot ng mga sinabi ni Randall kanina.Siya kasi ay nanatiling nakatitig pa rin sa binata na sa loob ng ilang araw ay pinanabikan niyang makita ulit. Wari siyang naipako sa kanyang kinatatayuan habang walang puknat na nakatingin sa mukha ni Randall.Ngayong nasilayan niya ito muli ay wari bang bumuhos ang labis na pangungulilang nadarama niya. Hindi niya pa mapigilang igala ang kanyang mga mata sa kabuuan nito nang bigla ay naalala niya ang mga sinabi ng kanyang Uncle Ronniel.Nagtamo ito ng tama ng baril nang magkaroon ng engkwentro laban sa mga lalaking binayaran ni Samuel. Gusto niya pang hanapin ang pinsalang natamo nito at siguraduhin kung maayos na ba ang kalagayan nito ngayon.But all the worries that she felt was suddenly gone when she heard him talked again. Kay Marvin ito nakatingin habang nagsasalita."Ako si Randall," seryoso nitong tugon sa tanong n
Nang marinig ni Fiona ang mga sinabi ni Manang Ligaya na may bisita siyang dumating ay agad niyang inaya si Julia na bumaba. Nagpatiuna pa siya sa paglalakad patungo sa may hagdan at nagmamadaling nagtungo sa may sala.She was excited to see her visitor. Hindi niya man gustong aminin pero inaasam niya talaga na si Randall ang dumating at naghahanap sa kanya. Hindi pa sila muling nagkakausap kaya naman hindi niya maipaliwanag ang pananabik na muli itong makaharap.Ngunit nasa kalagitnaan pa lamang si Fiona ng kanilang hagdan nang bigla ay matigilan na siya sa kanyang paglalakad. Si Julia na nasa kanyang likuran ay marahan pa siyang nilampasan at mas nauna sa pagbaba habang siya ay hindi maiwasan ang biglang pagbagsak ng kanyang mga balikat."M-Marvin..." aniya sa bagong dating na ngayon ay nakatayo na nang makita silang pababa ng hagdan. Nagtuloy na siya sa kanyang paglalakad hanggang sa tuluyan siyang makalapit sa mga ito.Tipid siyang ngumiti kay Marvin kahit pa sa kanyang loob ay wa
Matapos maikalma ang kanyang sarili ay binuksan na ni Fiona ang gripong nasa kanyang harapan para maghugas ng kanyang bibig at kamay. Isang pagmumog din ang kanyang ginawa matapos ang pagsusuka na kanyang naranasan.It was so obvious that what happened to her was brought by her pregnancy. Nitong mga nakalipas na araw ay sadyang nagiging mapili siya sa pagkain. May ilang amoy at lasa din na hindi niya gusto.And that happened a while ago. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at kahit pa kaharap niya ang kanyang pamilya na wala pang kaalam-alam sa kanyang kalagayan ay dali-dali nang tumayo si Fiona mula sa hapag at nagtungo nga sa kusina para magsuka.Isinara niya na ang gripo at nagpakawala pa ng isang malalim na hininga saka pumihit na para bumalik sa may komedor. Sa pagharap ni Fiona ay agad pa siyang natigilan nang makita sa kanyang likuran ang kanyang inang si Francheska.Her mother was staring at her intently. Wari bang sa pamamagitan pa lang ng mga titig nito ay sinusuri na si