Kinikilig si author sa mga comment ninyo at sa pa-gift ninyo ng gem. Maraming salamat sa inyo: Sab Vareigh, Mitchiyeos Eos, Dhel Q. Solomon at Manserve Humand Resources Inc. Sana palaging maraming comment at pa-gift ng Gem. Godbless you all po.
Tahlia POVNagising ako na wala si Zain sa tabi ko. Napahinga ako ng malalim at napansin kong mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon kaysa kanina. Hindi tulad kaninang madaling-araw na parang binibiyak ang ulo ko sa sakit ng ulo ko. Siguro, nagsabay ang hang-over at ang pagkakatama ng ulo ko sa manibela ng sasakyan.Pero, ngayon, okay na. Malaking tuloy pa rin ang ginawa ni Zain na pag-aalaga sa akin buong maghapon. Kung wala siya, baka hanggang ngayon ay liyo at nanlalata pa rin ako.Pagbangon ko, napansin ko ang isang basong tubig sa lamesa malapit sa kama. Kinuha ko ito at agad na ininom. Malamig pa ang tubig kaya sigurado akong hindi pa ito matagal na nakalagay rito. Mukhang si Zain ang naghanda nito bago siya umalis. Napangiti ako sa simpleng bagay na iyon. Palagi na lang niyang naaalala ang maliliit na bagay para sa akin.Pagkatapos kong uminom, lumabas na ako ng kuwarto namin ni Zain. Tahimik ang buong villa, maliban sa mahihinang ingay na nagmumula sa sala. Narinig ko ang bose
Zain POVHabang papalayo ako mula sa villa, ramdam ko ang lamig ng hangin na nagmumula sa dagat. Tahimik pa ang paligid, ngunit alam kong pagsapit ng gabi, mag-iiba ang itsura ng El Nido, iyon ang dinig ko kanina sa security guard sa villa ni Lola Flordelisa nung kausapin ko kanina.Lumabas ako ng villa kasi inutusan ako ni Lola Flordelisa na makahanap ng cake para sa yumao niyang asawa.Walang masyadong kasambahay sa villa, kaya ako na mismo ang nagprisinta. Hindi naman ako nagmamadali, kaya sinulit ko na rin ang pagkakataon para libutin ang lugar. Ngayon lang ako nakarating sa ganitong magandang lugar kaya bawat oras, mas masarap na sulitin ko, lalo na kapag mag-isa lang akong gumagala ng ganito. Bukod pa roon, gusto ko ring makita kung anong klase ng nightlife meron ang El Nido,Palawan.Pagdating ko sa sentro ng El nido, bumungad agad sa akin ang makulay na mga ilaw mula sa iba’t ibang establisyemento. May mga bar na may malalakas na tugtog, mga restaurant na puno ng dayuhan at mga
Zain POVPag-uwi ko sa villa, agad kong nilapag ang cake na pinabili ni Lola Flordelisa sa lamesa. Hinanap ko agad si Tahlia para sabihin ang plano ko. Dali-dali akong pumunta sa kuwarto naming dalawa at saka ko sinara ang pinto at ni-lock.Nakita ko siya na nakahiga sa kama, abala sa pagtingin sa cellphone niya. Nang makita niya ako, agad siyang bumangon at ngumiti. “Thank you for the lugaw earlier, Zain. You really take good care of me,” aniya nang mahina ang boses pero ramdam ko ang sincerity. Mukhang good mood na siya ngayon. “I feel a lot better now.”Napangiti ako. “Good. But we need to talk about something important.”Napakunot ang noo niya. “What is it?”Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy sa gusto kong sabihin sa kaniya. “I saw Giyo talking to an event organizer. Nalaman ko na, he and Xamara are planning a surprise dinner tonight for your grandfather’s death anniversary. Kadarating palang natin dito sa El nido, nagpapasikat na agad silang dalawa sa lola mo.”Napataas ang
Tahlia POVSaktong alas-siyete ng gabi nang dumating ang lahat ng order namin ni Zain. Nandito na ang unli seafood at samu’t saring fish dishes na sinadya naming ipaluto nang marami for lola. Dahil kay Zain, nalaman ko rin na talagang paborito ni lola ang puro fish na ulam.Naisip ko tuloy, siguro ay kaya ginawa ni lola ang magbigay ng mana sa amin ay para mapalapit kami sa kaniya, ngayon, unti-unti ko tuloy siyang nakikilala.Pagpasok ng mga staff na may bitbit na trays at kaldero ng pagkain, agad akong napatingin kay Xamara at Giyo. Halatang gulat na gulat sila. Napanganga si Xamara, habang si Giyo naman ay mabilis na napatayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Pareho silang napatingin sa amin ni Zain habang nanlalaki ang mga mata na para bang hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon.Lumapit si Xamara sa akin habang ang mga mata niya ay matalim na nakatutok sa akin na para bang may nais siyang sabihin ngunit hindi niya alam kung paano sisimulan.“What are you doing, Tahlia?” tanong niya na
Tahlia POVPagkatapos ng mabigat na kainan ng hapunan, hindi tuloy ako makatulog. Pakiramdam ko, ang bigat ng tiyan ko, pero sa halip na antukin, para akong mas lalo pang nagising. Siguro ay dahil na rin maghapon akong tulog.Tahimik na ang paligid, ang tanging maririnig lang ay ang mahihinang tunog ng aircon.Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto namin ni Tahlia. Hindi ko na kinailangang lumingon. Alam kong si Tahlia ‘yun. “Hey, let’s go out. Nightlife in El Nido?” bulong niya habang nakangiti ng may bahid ng kalokohan. “Reward mo na rin ito kasi ang galing mo sa naging plano natin,” dagdag pa niya.Napangiti ako. “Now? Seriously?”She grinned. “Come on, you’re not sleepy either, right? Let’s make this night fun.”Kaya heto kami, pasimpleng lumabas ng villa habang siniguradong walang magigising. Ramdam ko ang excitement sa kaniya, pati na rin ang anticipation ko sa kung ano ang mangyayari ngayong gabi.Unang stop namin ay isang bar na may overlooking view ng dagat. Kahit gabi na, may
Tahlia POVNapakunot ang noo ko nang maramdaman kong may mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan ko. Pagkakita ko, binti pala ni Zain na mahimbing na natutulog. Papaluin ko sana siya pero napahinto ako kasi ayokong maging bastos. Naalala ko, sobra-sobrang effort ang nagawa niya kahapon kaya hindi niya deserve ang bastusin sa masarap na pagtulog niya.Kaya naman dahan-dahan kong tinanggal ang binti niya sa tiyan ko at saka ako bumangon. Tumuloy ako sa banyo at saka nagbawas ng tubig.Paglabas ko ng kuwarto nakita ko sa sala sina Lola Flordelisa, Xamara at Giyo, nag-uusap. Nang makita ako ni Xamara, para bang nagniningning ang mga mata niya. Mukhang aandar na naman ang pagkabuwisit niya sa araw ko ngayon. Alam kong may binabalak na naman siya.“Tahlia, come here!” tawag niya, overly cheerful na parang sobrang close namin. Kung wala lang dito si lola, baka nairapan ko na naman siya.Dahil nandiyan si Lola, wala akong choice kundi lumapit at sumundo sa kabuwisitan niya. Bago pa ako makapag
Tahlia POVPagdating namin sa private yatch na inarkila ni Giyo, kanya-kanya kaming pasok sa mga kuwarto. Malaki ang yate, sapat para sa aming lahat.Ang isang kuwarto ay para kay Lola Flordelisa, na siyempre, dapat solo niya para komportable siya. Ang isang kuwarto naman ay kay Giyo at Xamara, na obvious namang gustong magkapiling buong biyahe. Samantalang ang isang kuwarto, ay para sa akin at kay Zain.Pagkapasok ko sa kuwarto namin ni Zain, agad kong inasikaso ang mga outfit na dinala ko. Kailangang ready ako sa kahit anong mangyari sa trip na ‘to, lalo na’t kasama ko ang pinakamalupit na plastik queen, si Xamara. Alam kong may mga plano na naman ‘to para i-angat ang sarili niya, pero hindi ako papayag na siya ang maging bida sa trip na ‘to.Habang abala ako sa pag-aayos ng mga swimsuit at cover-ups ko, si Zain naman ay tahimik na nasa terrace ng kuwarto namin, nakatingin sa malawak na dagat ng El Nido.Ang cute niyang tignan sa pagiging ita sa pagtingin sa buong paligid, kitang-ki
Zain POVMalamig pa ang hangin nang magsimula kaming maglakbay papunta sa aming unang isla sa El Nido. Ang sikat ng araw ay hindi pa masyadong masakit sa balat at ang tubig sa paligid ay parang kristal na sumasalamin sa bughaw na kalangitan kaya panay ang titig ko tuloy sa tubig.Inutusan na ako ni Tahlia na pahiran siya ng sunblock sa katawan niya, at habang ginagawa ko iyon ay nanggaya na rin si Xamara, narinig namin ni Tahlia na inutusan na rin niya si Giyo na lagyan siya ng sunblock.Pagkatapos, ako naman ang nilagyan ni Tahlia kahit ayaw ko naman. Mapilit siya, siguro ay para maka-tanching sa abs ko. Habang nilalagyan niya ako, nakikita ko na parang inaasar niya ng tingin si Xamara. Ang mag-pinsang ito ay mukhang wala ng pag-asang maging sweet at okay. Parang aso at pusa.“This is going to be a fun day, right?” tanong ni Tahlia habang nakangiti sa akin.“Of course. And I’ll make sure you enjoy every bit of it,” sagot ko sabay hawak sa kamay niya. Start na naman ng mga pa-sweet ac
Kalix POVMaaga pa lang, gising na ako. Day off namin ngayon sa pangingisda, ganoon kapag Sunday. Tulog pa si Xamira nang umalis ako sa bahay kubo niya. Kailangan kong unahan ang ibang mamimili sa palengke, lalo pa’t may espesyal akong binabalak ngayong araw. Nangako kasi ako kay Xamira na ipagluluto ko siya ng paborito niyang seafood mix. Yung tipong umaapaw sa hipon, pusit, halaan, tahong at may kung anong sikreto kong pampalasa na ayon sa matatanda. Siyempre, kapag ganitong in love ako, nagluluto rin ako ng may halong pag-ibig.Sa totoo lang, dati ay ganitong-ganito ako kay Betchay nung nililigawan ko siya. Ang kaibahan lang, mas paborito ni Betchay ang mga lutong gulay lang. Hindi ko maiwasang maalala ang nakaraan ko, lalo pa’t nawala si Betchay na wala kaming closure o paghihiwalay. Masakit sa akin noon ang pagkawala niya at nung humaba na ang panahon, doon lang talaga ako naka-move on.Ngayong binuksan ko na ulit ang puso ko para sa bagong babae, sa tingin ko, mas masaya na ako
Kalix POVPagkarating ko sa kubo ni Xamira, dala ko na ang mga dahon ng mayana na pinili kong maigi kanina pa. Medyo pagod pa ako mula sa maghapong pangingisda, pero hindi ko ramdam—hindi ko talaga ramdam kapag siya ang iniisip ko. Parang nawawala ‘yung bigat ng katawan ko tuwing siya ang dahilan ng mga dapat kong gawin.“Xamira,” tawag ko habang tinutulak ang pinto ng bahay kubo niya. Naroon siya sa papag, naka-upo habang nakasandal sa dingding. Suot niya ‘yung simpleng daster na bulaklakin habang nakatirintas ang buhok.Pagkakita sa akin ng nanay ko, umalis na agad siya kasi marami pa siyang dapat gawin sa bahay kubo namin.“Salamat ulit, nanay.” Tinapik lang ako sa balikat ng nanay ko at pagkatapos, umalis na siya.Lumapit ako nang nakangiti kay Xamira.“Oh, Kalix! Nandiyan ka na pala,” sabi niya habang nakatingin sa dala-dala kong mga dahon. “Ano ‘yang dala-dala mong dahon?” tanong pa niya.“Mayana ‘to. Sabi ni Nanay, epektibo raw ito sa mga pilay, pasa at pamamaga. Ginagamit nam
Kalix POVPagdilat ng mata ko, agad kong naamoy ang malinis na amoy ng buhok ni Xamira. Namilog agad ang mga mata ko sa nakita ko. Nakadikit siya sa dibdib ko, nakayakap, tila ba hinahanap ang init ng katawan ko dahil malamig na kapag madaling-araw. Napangiti tuloy ako. Kung ganitong kaganda ang umaga ko, aba’y parang gusto kong dito na lang matulog habangbuhay.Ang lambot ng yakap niya. Parang ayaw ko na talagang bumangon kahit kailangan nang bumangon kasi kailangan ko nang gumayak.Pero kailangan. Mangingisda pa kami nina Buknoy, Buchukoy at Tisay. Hindi puwedeng ako ang maging dahilan ng pagkaantala. Malaking sayang ang kita para sa kanila, kung sa akin ayos lang na walang kita, basta kasama ko si Xamira, okay na okay na ako.“Kalix!”Narinig ko pa ang sigaw ni Tisay mula sa labas ng bahay kubo ni Xamira. Napakunot ako ng noo habang sinulyapan ko si Xamira—tulog pa rin siya, pero ramdam ko ang mahina niyang paghinga. Ang kamay niya ay nakahawak pa sa t-shirt ko, parang ayaw akong p
Xamira POVMagluluto na sana ako ng hapunan, pero pinigilan akong gumalaw ni Kalix. Kaya ko naman nang gumalaw, pero sadyang may kirot lang sa mga binti at hita ko kapag naglalakad. Hindi pa talaga kaya siguro. Kaya siya na ang nagluto ng hapunan namin, ako naman, naka-upo lang sa isang tabi habang pinapanood siyang kumilos sa maliit kong kusina. Ewan ko kung bakit, pero nakangiti lang ako buong oras. Masarap palang panoorin ang isang taong handang gawin ang lahat para lang mapagaan ang pakiramdam mo. Todo-effort ang Kalix, nakakainis kasi nakakakilig isipin na para kaming mag-asawa ngayon kahit nanliligaw palang naman siya.“Ang bango,” ani ko habang nilalagyan na niya ng ulam ang plato ko. “Ang dami mo talagang kayang gawin. Sa Lux city, wala, puro pa-pogi lang ang kalalakihan. Bihira doon ang mga gaya mong masipag.”“Mayayaman kasi kaya ganoon, dito, kung hindi ka kikilos ay walang mangyayari sa buhay mo,” sagot niya at parang hindi niya napansing napatingin ako sa kaniya nang mata
Kalix POVSabi ko kay Xamira, hanggang hindi pa siya okay, dito ako matutulog sa bahay kubo niya. Payag naman siya, kasi ako ang natatakot na rin para sa kalagayan niya. Lalo na’t alam ko rin ang dating naging buhay ng mama ko. Na gaya nang nangyayari kay Xamira, dati na rin pala siyang nakakaranas ng pambubuwisit ng mga loko-lokong mga kalalakihan na tigang na tigang. Palibhasa’t hindi pa uso ang pulis dito, kaya hindi sila natatakot na gumawa ng kasamaan.“Salamat talaga sa pagpoprotekta sa akin, Kalix. Talaga bang ayos ka lang na sa sala matulog?” tanong ni Xamira habang seryosong nakatingin sa akin. Sa totoo lang, kung ako ang tatanungin, aba’y magtabi na lang kami sa kama niya kung nahihiya talaga siyang patulugin ako sa sala.“Oo, ayos lang, basta nandito ako sa bahay kubo mo, kalmado ako, kasi alam kong mapoprotektahan kita.”Nakita kong ngumiti siya. Syet, ang ganda talaga ni Xamira. Napaka-suwerte ko kapag nakatuluyan ko ang gaya niya.Maya maya ay biglang bumukas ang pinto n
Kalix POVMainit na ang sikat ng araw nang matapos kaming mangisda nila Buchukoy, Buknoy at Tisay. Marami-rami ulit ang huli ngayon—mga malalaking tambakol, maya-maya, at isang dambuhalang lapu-lapu. Habang binubuhat namin ang mga lambat at isdang nakasalansan sa malaking bayong, naramdaman ko ang kirot sa mga bisig ko, pero tiniis ko lang. Mas mahalaga sa akin ngayon na makauwi agad pagkatapos naming ilako ‘to. Si Xamira ang iniisip ko simula pa kaninang umaga.Nang makarating kami sa palengke, gaya ng dati, hindi pa man kami lubusang nakapwesto sa puwesto naming lamesa sa gilid ng palengke, pinagtulakan na agad kami ng mga mamimili. Sumisigaw si Tisay ng presyo, abala si Buchukoy sa pagtimbang at si Buknoy naman sa pagsisigaw ng preskong isda rito, habang ako naman abala ako sa pagmasid sa paligid.Hindi ako pumuwesto para tumanggap ng bayad. Hindi ako pumwesto para magbitbit ng paninda. Ang totoo, nakatayo lang ako sa may dulo habang kunwari ay nag-aayos ng lambat pero ang totoo ay
Xamira POVPagkagising ko kinaumagahan, ramdam ko agad ang kirot sa kaliwang binti ko. Namamaga ito at may malalalim pang pasa. Pati ang hita ko, may mga gasga na namaga na rin ng husto. Pinilit kong itayo ang sarili ko, pero hindi ako makalakad ng maayos. Parang nabugbog ang mga hita at binti ko sa pagkakalaglag ko kagabi sa bintana ng bahay kubo ko. Lintek kasing mga hayop na lalaki kagabi. Sino ba sila. Sana mahuli sila at maparusahan ni Kalix. Nang dahil sa kanila, malulumpo pa tuloy ako.Dahil sa nangyari, sinabi ni Kalix na hindi ako makakasama sa pangingisda kasi nakita niya ang pasa-pasa at namamaga kong mga sugat sa katawan. “Saka ka na lang sumama kapag okay ka na,” sabi niya.“Pero gusto kong sumama, Kalix,” pagpipilit ko.“Hindi puwede, Xamira. Hindi ko hahayang mabugbog pa ang katawan mo sa pangingisda, ipahinga mo na lang ‘yan. Pangako na hahanapin ko ang tatlong salarin kagabi at ako mismo ang magpaparusa sa kanila. Pero, habang mukhang baldado ka, papabantayan muna kit
Xamira POVAlas dose y medya ng madaling araw nang bigla akong magising na may tumutulo nang luha sa pisngi ko. Anong ibig sabihin ng panaginip na iyon? Nang ipikit ko muli ang mata ko, bumalik ang mukha ni Lola Flordelisa. Nakatayo siya sa isang lugar na sobrang liwanag, sobrang linis at sobrang payapa. Parang langit, pero hindi ko maipaliwanag. Nakatitig lang siya sa akin, nakangiti pero parang may lungkot pa rin ang mukha niya. “Umuwi ka na, Xamira. May kailangan kang malaman,” sabi pa niya sa pananigip ko. At pagkatapos ay nawala siya sa liwanag na iyon.Pagdilat ng mga mata ko, heto na, nalungkot ako bigla at napaluha. Ramdam ko ang pawis sa batok ko kahit malamig ang gabi. Tumingin ako sa orasan, hating gabi palang. Hindi tuloy ako mapakali. Tumulo na lang ang luha ko, hindi dahil sa takot kundi dahil sa biglaang lungkot na bumalot sa akin.Naisip ko tuloy—baka patay na si Lola Flordelisa. Baka iyon ang dahilan kaya siya nagpakita sa panaginip ko. Pero hindi, kahit na nagtatampo
Kalix POVSa totoo lang, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kaya inaya ko sina Tisay, Buknoy at Buchukoy ngayong hapon sa dagat. Pumunta kami sa dagat hindi para mangisda. Gusto ko lang sila makasama. Gusto ko silang makausap din tungkol kay Xamira.“Kalix, seryoso ka ba? Hindi tayo manghuhuli ngayon, kasi late na, pagabi na kaya?” tanong agad ni Buknoy habang seryosong nakatingin sa akin.“Hindi,” sagot ko habang sinisipat ang direksyon ng alon. “Gusto ko lang maglayag ng konti. Mag-relax.”“Naks, si Kalix nagre-relax na,” kantiyaw ni Tisay na natatawa kasi alam niyang hindi ako naglalaan ng oras ng ganito kung wala akong gustong pag-usapan na seryoso. “Baka may gusto ka lang pag-usapan.”Tumingin ako sa kanila. Si Buchukoy nakatingin lang sa akin ng tahimik. Gano’n siya pag alam niyang seryoso na ang usapan. Itinatabi na nila ang mga pagiging joker nila.“Guys, sa totoo lang, may sasabihin talaga ako,” pauna kong sabi habang seryosong nakatingin sa kanila. “Nililigawan ko n